Saturday, 2 December 2017
MODERATION
Para po ito sa kaalaman ng lahat na nais magcomment dito.. sa mga kaibigan at mambabasa ng blog kong ito.. Nais ko lang po ipaalam sa inyo lalo na sa mga nagnanais na magbigay ng mag comment o magbigay ng mga opinion sa mga sinusulat ko.. Sinadya ko po talaga na lagyan ng moderation ang aking comment box dahil po ito sa mga taong walang itiketa o walang disiplina sa sarili at pagsasalita..
Ang lahat po ng nagbibigay ng comment sa mga sinusulat ko ay nire-review po muna ng may ari ng blog na ito upang hindi po magtagumpay ang mga spammer o mga pasaway na gumagamit po ng mga malalaswang mga salita at masasamang salita sa kanilang mga comment. Kung halimbawang nais mong mag comment pagkatapos po ninyong isulat ang inyong opinion klick lang po ninyo ang POST COMMENT then hayaan na po ninyo dahil ako po bilang nagsusulat dito nire-review ko po muna ang inyong mga isinusulat... Kung halimbawang ang sinulat ninyo ay malinis na pagsasalita negative man o positive sa author huwag po kayong mag alala ang opinion po ninyo ay aking ipa-publish maghintay lang po kayo ng dalawa , tatlong araw kapag nag online ako dito ay maipa-publish na po ang inyong comment basta tandaan lang po ninyo kung anong title ng post ko kayo nag comment para madali po ninyo mahanap sa pagbabalik ninyo dito.
Negative man o positive ang inyong comment ok lang po sa akin sigurado ipa-publish ko po ang inyong comment basta wala lang mga malalaswa at masasamang salita sigurado mapa-publish ko po ang inyong opinion. Salamat po ng marami sa inyo pagbisita dito sa aking blog mabuhay po tayong lahat.
Tuesday, 6 December 2016
MARUNONG KA BA MAHIYA
Ang isusulat ko ngayon ay tumutugma din sa nauna ko ng naisulat dito sa aking blog na may titulo na "Kilalanin mo muna ang iyong sarili".
Napakalaking bagay din para sa akin ang pagsusulat, dahil dito ko naisisiwalat ang mga laman ng aking isipan mga bagay na nakikita kong ginagawa ng isang tao. May mga tao din kasing hindi natin pwedeng pagsabihan ng harapan sa mga mali nilang ginagawa para makaiwas sa samaan ng loob iwas nalang at dito ko nalang sasabihin.
Hindi naman ako perpektong tao at alam ko din naman na may nagagawa din minsan akong hindi maganda sa kapwa kung meron man sinisiguro kong hindi ako nanlalamang ng kapwa.
Matagal na akong nakakakita ng mga taong mahilig talaga manglamang ng kapwa. Hindi ko lang talaga alam kung hindi ba talaga nila alam ang kanilang mga ginagawa o baka naman sinasadya na talaga nilang manlamang ng kapwa. Pero kung ako ang tatanungin may mga tao naman talagang mapanlamang ng kapwa.
Maaring sabihin natin na maliit lang naman na halaga pero para sa akin hindi iyon ganon, may mga bagay din naman na maliit sa una pero kung madalas nagiging abusado na.
Ganito po.. kayo na ang bahalang mag-isip.
Ang totoo marami talagang ganitong tao, mga abusadong tao, mga mapagsamantala sa kahinaan at kabaitan ng kapwa. Yun bang habang pinagbibigyan mo sila lalong umaabuso. Hindi ko na nga alam kung anong klaseng mga ugali meron ang mga taong ito kung mga abusado lang ba o mga mapagsamantala lang talaga o talagang magugulang na talaga. Bwisit!
Tungkol ito sa bisyo nating paninigarilyo.
May mga nakasama na ba kayong mga taong palahingi ng sigarilyo? Maaring may kilala na kayong ganyang tao ang tawag ng iba diyan "BURAOT".
May mga taong nagsasabi na titigilan na raw nila ang kanilang paninigarilyo pero ang nangyayari yung pagbili pala nila ng sigarilyo ang natigil at hindi yung paninigarilyo hingi nalang sila ng hingi.
May alam din akong mga taong itinatago ang sarili nilang sigarilyo at kung makakahingi nanghihingi muna.
May mga tao din na international ang brand ng sigarilyo yung kahit anong meron yung mahihingan menthol man o filter iyon din ang sinisigarilyo ang mahalaga makahingi.
Meron din yung taong galing na nga sa labas hindi pa bibili ng sigarilyo tapos pagdating sa loob ng kumpanya hahanap ng mahihingian.
Dito naman sa amin mga regular na nga sa trabaho hindi pa makabili ng sariling sigarilyo kung sino pa yung contractual na mas maliit ang sahod siya pa ang madalas na hinihingian ng sigarilyo. Yung ibang regular din sa trabaho naman nakatago lang sa drawer yung sigarilyo hingi rin ng hingi ng sigarilyo.
Alam na nga nilang may bisyo silang paninigarilyo ayaw nilang bumili ng sarili nilang sigarilyo at umaasa nalang lagi sa hingi. Ang masakit ang bisyo nilang paninigarilyo iba pa ang sumasagot. Bakit hindi nalang nila tigilan ang kanilang bisyo kung hindi rin lang naman nila kayang sustentuhan ang kanilang bisyo at iaasa nalang nila lagi sa iba.
Maaaring ang alam nila hindi na sila napapansin sa ginagawa nila ang hindi nila alam ako at ang kaibigan ko ang nag dadaingan ng mga sama ng loob tungkol sa inyong mga abusadong tao. Kung inaakala ninyong hindi namin kayo napupuna sa ginagawa ninyo "YON ANG AKALA NINYO" sana mabasa ninyo itong blog ko para malaman ninyo na hindi na natutuwa ang mga taong inaabuso ninyo pagtalikod na pagtalikod palang ninyo minumura na kayo! May mga tao lang talaga na hindi makatangi sa inyo iyon naman ang sinasamantala ninyo. Hindi lang ako makapagsalita sa inyo dahil hindi kayo sa akin nanghihingi ng sigarilyo dahil alam na ninyo na wala kayong mahihingi sa akin.
Eto ang masakit at talagang napakasakit at nakakabwisit...
Isang regular ang katatangap pa lang ng mahigit sa 16,000 na 13 month pay kahapon tapos kangina nanghihingi nanaman ng sigarilyo. Diyos ko po! Isang kahang sigarilyo hindi makabili bwisit! Alam nyo bang muntik ko ng hindi makontrol ang aking sarili? Ang tagal naming nagkatinginan ng aking kasama at alam kong alam na alam ng kasama ko kung ano ang tumatakbo sa isipan ko. Pagtalikod at habang papalayo nung tao hindi humihiwalay ang aking paningin sa kanya at sabay na bumubuka ang aking bibig ng pabulong sabay balik ng mata ko sa kasama ko. Alam ko nabasa ng kasama ko ang palihim na naging reaction ko sa taong nanghingi ng sigarilyo.
Kaya napilitan na akong isulat dito ang tungkol sa inyong mga abusado at sana mabasa ninyo ito kung hindi man kayo matama-tamaan ng kidlat sigurado dito baka sakali tamaan kayo!
Sinasamantala ninyo ang kababaan ng isang tao, sinasamantala at inaabuso na talaga ninyo ang kabaitan ng isang tao. Alam ko hindi masakit ang isang stick lang na sigarilyo ang nahingi ninyo.. Ang masakit ay kung bakit may mga taong tulad ninyo na said na talaga ang ugaling pagiging abusado at mapagsamantalang tao ninyo.
Iniisip ninyo siguro na hindi napapansin ang ginagawa ninyong palaging humihingi ng sigarilyo ng mga taong nasa paligid ninyo o kaya iniisip ninyo na walang nakakahalata sa mga ginagawa ninyo kaya patuloy at patuloy kayong nanamantala sa inyong kapwa. Palagay ko nga na ang alam ninyo ay hindi kayo nahahalata sa pagiging abusado ninyo dahil walang mga taong sumisita sa ginagawa ninyo.
Nagtataka lang ako...
Talaga bang hindi ninyo alam ang inyong mga ginagawa? o talagang sinasadya ninyong manglamang ng kapwa?
Hindi nyo rin ba alam na nagiging abusado na kayo?
Hindi ba ninyo alam na mali ang inyong mga ginagawa? Yung palagi nalang kayong hingi ng hingi ng sigarilyo.
Hindi nyo ba kayang bumili ng isang kahang sigarilyo?
Hindi ba kayo naaawa sa taong lagi ninyong ginagatasan ng sigarilyo ninyo?
Hindi nyo ba kayang tumigil sa kahihingi ng sigarilyo?
Hindi ba kayo marunong mag isip?
Palagay ko nga dahil hindi ninyo naiisip na masyado na kayong abusado. Hindi nyo rin naiisip na may nakakahalata na sa inyo sa palagiang paghingi ninyo ng sigarilyo o maari rin naman na alam nyo ng may nakakahalata na sa ginagawa ninyo pero.. patapangan nalang talaga ng apog noh?
Kaibigan...
Maaaring sabihin mo sa akin na maliit lang na bagay ang sigarilyo para umabot pa tayo sa hindi magandang pagkakaunawaan. Alam ko maliit lang na bagay lang yan pero.. alam mo ba simpleng bagay lang pero hindi pa natin mabili. Ang nais ko lang naman na ipaalam sa inyo na masyado na tayong nagiging mapagsamantala sa kahihingi at hindi narin maganda ang nagiging imahe natin sa iba. Lagi sana nating iisipin na pare-parehas lang naman na may trabaho, pare-parehas din tayong nangangailangan ng sigarilyo. Bumibili kami ng sigarilyo dahil kailangan ng sarili namin dapat bumili din naman kayo ng sarili ninyo. Para sa akin napakapangit namang tingnan na iasa pa natin sa ibang tao ang bisyo natin. Minsan hinihintay lang naman namin ang panahon na magkukusa din kayong titigil sa kahihingi pero parang hindi na darating ang panahon na maiisipan ninyong mali ang ginagawa ninyo. Palagay ko ito na ang panahon para marinig narin ninyo ang aming mga reaction sa inyong mga ginagawa.
Simple lang kaibigan.. Kung hindi natin kayang sustentuhan ang ating bisyo mas makabubuting itigil nalang natin ang ating bisyo.
Alam mo ba na kahit na anong gandang lalaki natin nawawala pati ang respeto at paghanga ay kasabay ding nawawala kapag napalitan ng imaheng hindi maganda.
Tulad ko.. Sa mga kasamahan ko sa trabaho alam kong napapansin ninyo na nagiging mailap ako sa inyo gustuhin ko mang maging malapit ako sa inyo pero hindi ko magawa, gustuhin ko mang maging kaibigan ko kayo pero hindi ko magawa, gustuhin ko mang makipagkwentuhan sa inyo pero hindi ko rin magawa. Umiiwas lang talaga ako hindi dahil ayokong magbigay ng sigarilyo, umiiwas ako dahil ayokong pati ako mabibiktima ng mga abusadong tao.
Di bale nang tamad basta marunong ka lang mahiya.
Tuesday, 29 November 2016
NAKARAAN
Gusto ko lang mag react tungkol dito.. Ayoko ko lang mapahiya yung tao kaya dito ko nalang isusulat ang opinion ko,
Ayon sa taong nagsalita.. " Ang nakaraan ay hindi ko na binabalikan, ano man ang problemang kinakaharap ko ngayon ay aking haharapin na may tatag, dahil ang pagiging matatag ay ang paghamon at pagharap sa mga hinaharap".
Hindi ko alam kung ano ang pakahulugan nung tao sa salitang "binabalikan". Maaring ang kahulugan niya ay ang pag alala sa nakaraan o isipin lagi ang nakaraan.
Pero para sa akin mali ang gamitin ang salitang "binabalikan" dahil wala namang sino mang tao ang nakababalik sa nakaraan at wala din taong hindi makaalala sa nakaraan. Ang nakaraan ay inaalala at hindi nababalikan.
Ganon pa man nais ko na ring itama ang ganyang paniniwala na ang "pagiging matatag daw ay base sa paghamon sa hinaharap. Ang pagiging matatag ay resulta po ng nakaraan at hindi ng hinaharap.
Para sa akin.. Ang mga nakaraan ay kailangan din nating inaalala dahil dito natin nakita ang ating mga pagkakamali. Ang mga nakaraan ay kailangang hindi natin winawaglit sa ating isipan upang sa mga darating na mga araw ay hindi ka na muling luluha sa parehas na dahilan. Ang ating mga nakaraan ang ating magiging gabay upang hindi na muling magkamali at ang nakaraan ang nagturo sa atin upang matutong maging matatag sa mga hinaharap.
Maaring marami sa atin ang hindi nakakaalam na ang lahat ng nasa buhay natin ngayon kasama ng lahat ng iyong talino at kaalaman ay bunga lahat ng iyong nakaraan. Pag masdam mo ang iyong sarili.. yan ang resulta ng iyong nakaraan. Nandiyan ka ngayon sa kinakatayuan mo yan ay bunga ng lahat ng nagawa mong mga desisyon. Kung hindi mo aalalahanin ang iyong mga nakaraan hindi mo rin maaalala ang mga mali at tama mong nagawa, hindi mo maipapaliwanag ng tama sa mga batang ngayon pa lamang nila tatahakin ang mga daang nadaanan mo na. Kaya mahalaga din na lagi nating alalahanin ang mga nakaraan dahil yan naman ang magiging gabay ng mga batang ayaw mong maligaw ng landas.
Sabi nga... Kung gusto mong makita ang iyong nakaraan, tingnan mo ang iyong sarili ngayon yan ang resulta ng iyong nakaraan at kung gusto mo namang malaman ang iyong hinaharap, tingnan mo din ang sarili mo ngayon nakikinita mo na ang kung ano ang iyong hinaharap.
Thursday, 20 October 2016
LOVE YOURSELF
Madalas kong naririnig sa mga tao ang pangunahing ina-advise nila sa mga kaibigan na nakakaranas ng mga problema ang salitang "love yourself". Kahit dito sa net madalas din akong nakakabasa ng mga ganyang payo.
Sinubukan ko silang tanungin kung sa realidad paano mo mamahalin ang iyong sarili? Wala naman silang maisagot.
Paano maipapaliwanag ang salitang.. "mahalin mo muna ang iyong sarili".
Ganito po..
Merong magkasintahan, madalas silang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan, kadalasan sinasaktan ang damdamin ng babae, madalas pinapaiyak ng lalaki ang kanyang kasintahan. Dahil sa laki ng pagmamahal ng babae sa lalaki handa niyang tiisin ang lahat ng pasakit na dulot sa kanya ng lalaki. Ano mang hirap at sakit ang nararanasan ng babae sa piling ng lalaki ay kanyang pinagtitiisan, kahit pa saktan ng lalaki ang buong pagkatao ng babae ay kanyang titiisin alang - alang sa pagmamahal niya sa lalaki.
Lumalabas na mas mahal ng babae ang ibang tao kaysa sa kanyang sarili, kahit na napapabayaan na niya ang kanyang sarili alang - alang sa pagmamahal niya sa ibang tao. Mas inuuna niyang mahalin ang ibang tao kaysa sa kanyang sarili.
Sabi nga sa tanong ko sa itaas.. "Sa paanong paraan mo mamahalin ang iyong sarili"?
Huwag mong hayaan na lagi kang pinapaiyak, huwag mo hayaang ikaw lagi ang sinasaktan, huwag mong hayaan na ikaw lagi ang nagtitiis at huwag mong hayaang ikaw nalang lagi ang lumuluha. Kung uunahin mong mahalin ang iyong sarili kaylan man hindi mo dadanasin ang laging sinasaktan at pinaluluha.
LONG DISTANCE RELATIONSHIP
Walang kamatayang usapin ito kahit saang umpukan lalo na dito sa internet o sa facebook.
Marami ang mga nagtatanong tungkol sa long distance relationship kung ano ang magandang gawin upang maging matibay ang pagmamahalan ng dalawang magkasintahan o mag-asawa na milya-milya ang pagitan.
Dati narin akong ofw at nakaranas din ng long distance relationship. Sa aking asawa o sabihin na nating nagkaroon din ako ng kasintahan sa ibang bansa.
Wala naman talagang matibay na sandata o matibay na relasyon kapag ang isa ay gusto talagang magloko depende lang talaga sa ugali ng tao. Mga taong walang iniisip kungdi ang sarili lamang kahit pa magkaloko-loko ang buhay ng pamilya.
Ayon sa naging karanasan ko, totoong mahirap labanan ang maging malayo sa isa't-isa, marami ang hindi nagkakatuluyan, yung iba naman hindi tumatagal bilang magkasintahan.
Bakit nga kaya?
Pagmamahal? Oo kailangan talaga ang pagmamahal sa isa't - isa. Pero hindi ako naniniwala na kailangan ng "pagtitiwala" sa isa't - isa. Sabihin na nating may tiwala ka nga sa kanya kung talagang gusto na niyang layuan ka wala kang magagawa dahil hindi kayang hadlangan ng tiwala mo ang lahat ng gusto niyang gawin.
Ano mang maging problema ng mag asawa andiyan lagi ang pag unawa ng isa't-isa ano man ang sabihing dahilan ng isa kahit puro kasinungalingan na ang dinadahilan ng isa ay andon parin ang magandang pagsasama nilang dalawa.
Dito tayo sa kalagayan ng magkasintahan pa lamang..
Sa magkasintahan ang long distance relationship ang pinakamahirap sa lahat, maraming mga magkasintahan ang nagkakahiwalay at nasisira dito. Depende na lamang kung ang magkasintahan ay malalim na ang pinagsamahan at may tunay na pagmamahalan sa isa't-isa. Mahirap ng paghiwalayin ng landas kahit pa sila makaranas ng long distance relationship dahil kilala na nila ang ugali ng bawat isa, di katulad ng bago-bago pa lang sila naging magkasintahan tapos magkakalayo sa isa't-isa, lalo na yung sa net lang nagkakilala at sa net din nabuo ang pagmamahalan yan ang madaling wasakin ng long distance relationship.
Sa dalawang magkasintahan na magkalayo ng lugar importante ang pakikipag-usap.
Ang ganda ng pakikipag-usap ang pinakamabisang sandata para hindi ka hiwalayan ng iyong kasintahan na nasa malayong lugar. Kailangan "hindi ka boring na kausap" sa telepono man o sa camera kapag kayo ay nag-uusap importante na magkaroon lagi ng buhay ang inyong pag uusap laging may tawanan, may biruan upang hindi ka niya pagsawaang kausap. Kailangan laging may bago kayong pinag usapan, kailangan hindi ka nauubusan ng mga bagay na interesado siyang pag usapan, kailangan may napupulot din siyang magagandang bagay mula sa mga kinukuwento mo dahil sa pamamagitan ng mga binibigkas mo ay unti-unti ka niya nakikilala, unti-unti nakikilala niya ang tunay na pagkatao mo lalo na kung sa net lang kayo nagkakilala at sa net din nabuo ang inyong pagmamahalan.
Mahalagang aspeto ng isang tao ang maganda at masayang kausap sa tulad ninyong nasa malalayong lugar na nakakaranas ng kalungkutan. Makatagpo man siya ng mga bagong kakilala siguradong panandalian lamang ang kanilang pagkakakilala dahil hahanap-hanapin parin niya ang kakaiba mong istilo sa pakikipag-usap kung saan siya nagiging masaya at mas komportable.
Kung hindi nasisiyahan sa pakikipag-usap sa iyo ang iyong kasintahan na nasa malayong lugar mawawalan siya ng oras at obligasyon na kausapin ka sigurado hahanap at hahanap siya ng taong masayang kausap.
Sa long distance relationship tanging pakikipag usap lamang nakasalalay at siyang magbibigkis at magpapatatag ng inyong pagmamahalan.
Kung sa pakikipag usap napapasaya mo ang iyong kasintahan na nasa malayong lugar diyan uusbong ang kanyang pagmamahal daan para lagi siyang maglaan ng oras at obligasyong kausapin ka.
Friday, 24 June 2016
PAANO MAG TIPID
Marami narin akong napagtanungan, mga taong sanay sa pagtitipid at ayon sa kanila maraming paraan kung paano makakapagtipid.
Unang - una kailangan desidido ka daw talagang mag tipid, kailangan din daw na marunong kang mag budget ng lahat ng pangangailangan sa araw - araw at lagi ang dumaan sa mga lugar na nakakakita ka ng mga bagay na nakakatuksong bilhin dahil isang bagay na makakasira sa plano mong magtipid.
Iwasan din ang masyadong magarbo sa mga pagkain at matuto tayong maging praktikal sa lahat ng bagay kung anong meron ka pag tsagaan, matuto tayong tangkilikin ang mga bagay kung saan tayo makakamura sa mga gadget man o sa mga kasuotan. Kung makakaiwas iwasan muna ang mga kaibigan o kabarkada andiyan kasi ang mga happenings kung saan mapapasubo kayo sa gastusan, sa pagkain, inom, pamasahe at marami pang mapagkakasunduan ng barkada at iwasan din ang lahat ng mga bagay na nakasanayan sa mga nakalipas na mga araw tulad ng sugal, tong-its, bingo at softdrinks, kung dati ay di ka makakain ng walang softdrinks ngayong kailangan mong mag tipid kailangan matuto ka ng kumain ng walang softdrinks at magtyaga sa tubig nalang. Kung dati ay palalabas ka ng bahay ngayon ay matuto ka naring huwag lumabas at manahimik sa loob ng bahay at ibuhos ang lahat ng oras sa mga gawaing bahay.
Alam nyo.. tama at totoo ang lahat ng ipinayo nila sa akin. Alam nyo ba...? Ginawa ko ang lahat ng naipayo sa akin tungkol sa pagtitipid at totoo po ang laki ng natipid ko sa aking pera at alam po ninyo.. ang laki din ng itinanda ko sa itsura.
Biruin ninyo sa loob ng isang buwan lang na hindi ako lumabas ng bahay at hindi uminom ng softdrinks sa araw-araw, hindi sumasama sa mga happenings ng barkada at umiwas sa inom na dati kong ginagawa, at hindi na rin ako bumibili ng medyo mahal pero masasarap at masusustansyang pagkain . Pagkatapos ng isang buwan napansin ko sa salamin ang dami ko ng uban sa buhok, at nakita ko ang pangangatawan ko lumiit, pati yung buntot ko lumiit din kainis.
Kayo nalang po ang magtipid!
Taga payo nalang din ako.
Monday, 25 April 2016
RESUME NG PAGKATAO KO
WHO AM I
Naniniwala ba kayo na may mga taong hindi nila kilala ang kanilang sarili?
Ang totoo ay wala, walang taong hindi nakakakilala sa kanilang sarili, ang kailangan lang talaga natin ay matuto tayong tumangap ng katotohanan. Likas lang talaga sa tao ang hindi tumatangap ng katotohanan. Kahit alam nilang sinungaling sila pero ayaw nilang tangapin na sinungaling silang tao.
Eto ang resume ng aking pagkatao.
Bilang anak sa aking ama..
Malapit ako sa aking ama, lagi kong ka-kwentuhan ang aking ama, lagi kong kabiruan ang aking ama, hindi ko inaaway ang aking ama at hinding - hindi ko pinagsa-salitaan ng masasakit na salita ang aking ama, mahal ko ang aking ama.
Bilang anak sa aking ina..
Madalas ko kabiruan ang aking ina, hindi ako sumasagot ng pabalang sa aking ina, hindi ko rin pinagsasalitaan ng masasakit na salita ang aking ina, inaamo ko ang aking ina kung siya'y nagagalit o nagtatampo sa akin, mahal ko ang aking ina.
Bilang kapatid sa aking mga kapatid..
Bunso akong kapatid, lima ang mga kapatid kong babae, apat naman kaming mga lalaki. Kasundo ko ang lahat ng kapatid kong babae, ako ang madalas na nagpapatawa sa kanila, kung ako ang nakakaluwag hindi ko sila kayang tiisin at hinding - hindi ko sila kayang pagdamutan, hanggat kaya ko magbigay, nagbibigay ako sa kanila dahil hindi ko rin sila kayang nakikitang umiiyak. Lahat ng naibibigay ko sa iba kong mga kapatid na babae hindi ko na sinisingil sa kanila, dumadating man ang pagkakataon na hindi naiiwasan medyo nagigipit din ako minsan at nakakaramdam ako ng pagtatampo sa kanila pero hindi ko nagagawang magsalita at isumbat sa kanila ang ano mang mga bagay na naibigay ko sa kanila noon. Hindi ko ugali ang humingi ng tulong sa aking mga kapatid, kahit hanggang ngayon kapag bumibisita ako sa kanila gipit man ako hindi ko nagagawang humingi sa kanila kung bigyan ako salamat, kung hindi ok naman, hindi nalang ako umiimik o magsasalita magpapaalam nalang akong uuwi, pero ang hindi nila alam habang ako'y naglalakad papalayo umiiyak ako, tumutulo ang aking mga luha habang akoy naglalakad dahil hindi ko rin maiwasan kaawaan ang aking sarili, inaagapan ko nalang agad na punasan ang aking mga luha upang walang ibang makakita. Kung minsan hindi rin naiiwasan kung nakakaramdam ako ng konting galit sa aking mga kapatid na babae sa hindi rin naiiwasang mga dahilan kahit minsan hindi ko nagagawang sila'y komprontahin, sigawan o awayin, dahil ayokong nagkakaroon kami ng tampuhan. Kahit nasa kanila man ang kasalanan hindi ko parin sila kayang pagalitan o awayin dahil hindi ako ang taong mahilig mang-away ng kapatid. Hanggat kaya kong tumahimik tatahimik ako wag lang kaming magkaroon ng samaan ng loob. Hanggang ngayon ako lang sa mga lalaki ang hindi nagpapakita ng galit sa mga kapatid kong babae. Kahit alam kong may kakayahan at may karapatan din naman akong gawin sa kanila lalo't may kanya-kanya at sarili na kaming buhay, lalo pa't hindi naman sa kanila nangagaling ang aming kinabubuhay kaya kong gawin ang lahat sa kanila pero hindi naman ako katulad ng iba kong kapatid na lalaki.
Sa aking mga kapatid na lalaki, minsan hindi naiiwasang nagkakagalit, nagkakatampuhan at nagkakasagutan din. Pero nararamdaman ko akong bunso ang mas malaki at may malawak na pang uunawa sa kanila, ako ang may malawak na pananaw sa kanila, ako ang mas malalim magsalita sa kanila. Kahit sumasama ang loob ko sa kanila ako ang laging lumalapit para mawala ang aming samaan ng loob, kahit kaya ko rin namang makipagtigasan sa kanila pero nangingibabaw lagi sa akin ang pakikipagkaibigan. Lahat sila malalakas uminom ng alak ako lang ang mahinang uminom.
Bilang ama sa aking mga anak..
Matapang ako sa aking mga anak, mahigpit ako minsan sa aking mga anak, nakakatikim sa akin ang aking mga anak lalo na kung nawawalan sila ng disiplina at pag-galang sa kapatid at sa kanilang ina, sa bawat maling ginagawa binibigyan ko sila ng parusa depende sa kasalanang ginagawa, ngayong malalaki na sila konting salita ko lang takot na sila, tuwing kumakain kami ng agahan, tanghalian o hapunan doon ko isinasabay na pangaralan sila dahil sa aking paniniwala sumasabay ang aking mga pangaral sa mga pagkaing pumapasok sa kanilang katawan at nasisiguro ko na ang mga pangaral ko lang ang tanging naririnig sa oras ng kainan, malayo sa TV o sa alin mang ingay na maaring umagaw sa kanilang attensyon. Madalas kong sinasabi sa kanila ang tama at mali, madalas ko silang pangaralan na may kasamang pakonsyensya pipilitin kong patuluin ang kanilang luha habang nangangaral ako sa kanila. Pilit kong ipakita sa kanila kung anong ugali meron ako upang ako ang magsilbing halimbawa sa kanila.
Awa ng diyos yung bunso ko binata na rin ngayon hindi mapigil sa pagpu - pusoy aba humihingi pa sa akin ng pang taya. (wala narin ako magawa) nakikita kasi sa akin.
Bilang isang asawa..
Mahal ko ang aking asawa, lahat ng parte ng pagmamahal ibinibigay ko sa kanya. Hindi ako nakikipagtaasan ng pride sa kanya, mapagmahal akong asawa, kapag akoy nasa impluwensya ng alak lalo akong nagiging sweet sa kanya, nagpapatugtug ako ng mga mellow music at pilit ko siyang isinasayaw ng sweet. Minsan nagkakagalit man kami pero ako ang laging umuunawa sa kanya may kasalanan man siya o wala ako ang laging sumusuyo sa kanya, hindi - hindi ko siya kayang saktan, sigawan o pagbuhatan ng kamay dahil hindi ko siya kayang nakikitang umiiyak at lalong hindi-hindi ko siya kayang iwan o hiwalayan para lamang sumama sa iba. Minsan hindi man maiwasan dahil lalaki din ako nagkakagusto din ako sa iba pero hanggang doon lang dahil hindi ko siya kayang ipagpalit sa iba. Lahat ng perang kinikita ko sa aking pagtatrabaho iniintriga ko sa kanya (noon iyon), minsan kasi mahigpit humawak ng pera ang aking asawa kaya natuto narin ako magtago ng pang tong - it, isang daan lang naman kung medyo malaki - laki ang naiintriga ko sa kanya malaki na yung dalawang daan iba pa yung legal na pag - hingi ko sa kanya pang laro. he he he
Bilang ako sa mga taong aking nasa paligid..
Pala-kaibigan ako, minsan masaya din akong kausap dahil yan ang alam kong kailangan para mapalapit akong lalo sa aking mga kaibigan. Hindi ako mahilig makipag-away dahil ang laging nasa isipan ko "dapat kaibigan ang hanapin hindi kaaway". Mahalaga sa akin yan dahil walang taong magpa-plano sa iyo ng masama. Mahilig akong magkomento minsan sa mga taong nakikita kong nakakagawa ng mali sa kapwa. Kadalasan may mga nagsasabi sa akin na masakit daw ako magsalita pero sa totoo lang hindi naman talaga ako masakit magsalita ang katotohanan lang ang masakit. Prangka kasi akong tao alam naman natin na minsan masakit tangapin ang katotohanan at masakit makarinig ng katotohanan. Prangka akong magsalita in a nice way, hindi ako mahilig magsalita ng paligoy-ligoy kung nakita kong may nagawa kang mali magsasalita ako ng deretsahan sa tao kung kinakailangan akong magsalita pero kung wala hindi ako nagsasalita dahil alam ko rin naman manahimik, alam ko kung kaylan ako pwedeng magsalita, alam ko rin naman kung saan ako lulugar.
Hindi ako mahilig humingi ng tulong lalo na sa ibang tao, madali akong masaktan kung hindi ako natutulungan kahit alam kong kaya naman akong tulungan pero ni minsan hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob sa mga taong hindi ako natutulungan dahil alam ko naman na "HINDI NILA OBLIGASYON NA TULUNGAN AKO". Hindi ako katulad ng iba na kung hindi mo natutulungan ay sila pa ang may ganang magalit.
Hindi ako basta-basta nagtitiwala sa tao, binabasa ko munang mabuti ang pagkatao bago ako tuluyang magtiwala. Mahirap ang madaling magtiwala kahit matagal na natin silang nakakasama dahil darating ang araw sa hindi naiiwasang pagkakataon oras na magkaroon kayo ng hindi magandang pagkakaunawaan "MAGKAKAROON SILA NG SANDATA NA IPANGLALABAN SA SA AKIN".
Sa paniniwala..
Hindi ako ang taong madaling maniwala sa sabi-sabi lang, naniniwalang totoo kahit hindi napapatunayan. Kahit sa religion hindi ako naniniwala, nakasulat lang at sinabi sa bibliya naniniwala ng totoo.
Karamihan sa mga kasabihan hindi ko pinapaniwalaan. Madalas kong binabasag ang paniniwala ng aking mga nakakausap pero hindi ko sinasabihan na mali ang kanilang mga pahayag o paniniwala upang hindi sila makaramdam ng pagkapahiya. Kung malaman ko naman na ako ang may mali sa mga paniniwala o pahayag hindi ko ugali na ipagpilitan ang alam kong mali.
Marunong akong tumangap ng pagkakamali, kapag nalaman kong may mali sa aking mga paliwanag o paniniwala tumatahimik na ako, hindi ko hilig ipagpilitan ang alam kong mali. Kapag nakagawa ako ng hindi maganda sa iba humihingi agad ako ng sorry.
Mahilig akong mapag-isa, likas sa akin ang mag-isip, mababaw lang ang aking kaligayahan, mas nakakaramdam ako ng kasiyahan kung umiinom ng red horse kahit nag iisa kaysa makipag inuman sa labas na puro kayabangan lang ang aking nakikita at naririnig.
Mahilig akong mamasyal lalo na kung nakamotor pagala-gala kahit saan makarating.
Sa pakikipag-usap sa tao..
Mahilig akong makipagbigayan ng mga kuro - kuro o opinion sa mga bagay na pinag-uusapan, mahilig akong makipag-debate. Pero maayos akong magsalita, maayos akong makipag-usap. Alam ko kung paano makipag-usap sa tao na hindi sila makakaramdam ng galit sa aking mga sinasabi. Kaya kong kontrolin ang aking sarili para maka-iwas sa umiinit na diskusyon. Meron akong sistema sa pakikipag-diskusyon, hindi ko pinipilit na maniwala ang aking mga nakakausap sa aking mga sinasabi ang mahalaga naipahayag ko ang aking mga nalalaman, pagkatapos titigil na ako bahala na sila kung maniniwala o hindi.
Kapag naramdaman ko na mababaw magbigay ng opinion ang aking mga nakaka-usap hindi ko na kinakailangan pang magpaliwanag ng lubusan dahil alam ko naman na hindi rin ako mauunawaan.
Marunong akong makinig sa mga sinasabi o kinukuwento ng aking mga nakakausap pero hindi ako madaling maniwala.
Madali kong maramdaman kung malalim o mababaw ang isip o pananaw ng aking nakakausap hindi ako tumatagal makipag-usap. Hindi rin ako tumatagal makipag-usap kapag naramdaman ko na ang kausap ko ay hindi marunong tumangap ng pagkakamali, yun bang ipagpipilitan parin kahit mali mga taong ayaw magpatalo, lalo na yung mga taong hindi marunong makinig sa kausap ang gusto sila nalang lagi ang pinakikingan.
Sa trabaho...
Hindi ako mahilig makipag-paligsahan sa trabaho man o sa personal, gumawa ka at gagawa din ako pero ang tatakbo sa isipan ko ay hihigitan ko ang ginagawa mo. Hindi ako mahilig makialam sa trabaho ng iba, hindi rin ako mahilig magsalita ng mali ang trabaho ng kasama at manisi ng pagkakamali ng iba dahil alam ko naman na hindi siya perpekto at alam ko rin na kahit ako ay nagkakamali din. Ayokong ibabato rin sa akin ang mga salitang ibinabato ko sa kanila. Hahayaan lang kita sa pagtatrabaho mo, kung gusto niyang diskarte niya ang masunod hahayaan lang kita at hindi ko ipagpipilitan ang diskarte ko dahil oras na pumalpak nasa kanila naman ang kredito.
Hindi ako mapagtanim ng sama ng loob, kung may nagawa sila na hindi maganda sa akin hindi ako nagsasalita hahanapin ko kung saan ang kiliti nila dahil yan lang naman ang tanging daan para mapangiti ko sila at mapalagay ang loob nila sa akin. Yan ang kahulugan ng.. "KAPAG BINATO KA NG BATO, BATUHIN MO NG TINAPAY". Hindi naman mahirap gawin yan.
Creative din ako.. mahilig ako mag isip ng mga bagay na maari kong gawin na ikakasiya ng iba.
Mahilig akong magsulat, ginagawa kong libangan ang pagsusulat.
Mababa akong tao, mababa ang kalooban ko, madali akong maawa sa isang tao, dahil naniniwala ako na ang awa ay pagmamahal, kung hindi ka marunong maawa walang puwang para ikaw ay magmahal. Madalas kung may nadadaanan akong pulubi magbibigay at magbibigay ako, ibinabahagi ko rin sa kanila ang sobra kong kaligayahan. Naniniwala ako na ang kabutihang ibinibigay natin sa tao ay ginagawaran ng kaligayahan at ang ginagawa nating kasalanan ay ginagawaran din ng kaparusahan ng ating dakilang lumikha.
Hanggang ngayon patuloy parin akong nag-a-aral, kadalasan pinag-a-ralan ko ang mga taong nakakaharap ko, pinag-a-aralan ko kung saan ang kanilang mga kiliti upang mapalapit akong lalo sa kanila. Pinag-a-aralan ko kung ano ang kanilang pagkatao upang malaman ko kung dapat ba silang pagkatiwalaan. Pinag-a-aralan ko ang mga salitang may mga magagandang kahulugan na magagamit ko sa pakikisalamuha sa iba.
Ang lahat ng bagay na ginagawa ko ngayon ay bunga ito ng mga natutunan ko sa aking pag-a-aral at ang mga bagay na nakakamit ko ngayon ay resulta ng aking mga ginagawa.

ANG MAHIRAP SA PAGSUSULAT
ANG MAHIRAP SA PAGSUSULAT
Depende po iyan sa kung anong tema ang ating isusulat, merong nagsusulat ng tungkol sa mga bali - balitang kanyang nasasagap sa loob at labas ng bansa, merong nagsusulat na ang tema ay tungkol sa kanyang mga nakaraan o karanasan, meron naman ang tungkol sa negosyo at marami pang iba.
Pero kung ang ating isusulat ay ang katulad ng tema ng mga isinusulat ko ang tungkol sa ugali o pagkatao ng isang tao kasama na ang mga alam kong mga maling paniniwala ng tao ay sadya pong mahirap magsulat.
Kadalasan ang mga sinusulat ko ay ang tungkol sa isang tao, sadyang mahirap kahit iniisip ko na may kalayaan naman tayo na gawin ang lahat ng nais nating gawin o sabihin at may kalayaan tayong ipahayag ang ating mga saloobin. Hindi naman talaga mai-iwasan na merong mga nasasagasaan sa mga isinusulat ko dahil ugali naman talaga ang kadalasang isinusulat ko meron at meron naman talagang matatamaan.
Alam ko noong una palang ng aking pagsusulat ay alam ko na talagang may mga tao akong masasagasaan dahil sa totoo lang may mga tao talagang ganyan. Ang iniisip ko nalang parte lang naman ito ng aking kalayaan, kalayaan sa pagsisiwalat ng aking damdamin. Totoo.. kadalasan sa mga sinusulat ko ay meron naman talaga akong pinatutungkulan kungdi yung mga taong gumagawa o nakakagawa ng hindi tama sa kapwa, mga taong mapanglamang, mga taong abusado, mga taong nagbubulag - bulagan kahit alam naman nila na mali ang kanilang ginagawa. Pero kung hindi ka naman gumagawa ng hindi tama sa kapwa hindi para sa iyo ang aking mga sinusulat. Pero kung nagagalit ka dahil natamaan ka sa aking mga sinusulat.. bakit nila alam na para sa kanila ang aking mga sinusulat?
Kung nalalaman ba natin na may mali tayong nagagawa sa kapwa kailangan ba talaga nating magalit sa mga taong tulad ko na nagsusulat? Hindi ba dapat ang kailangan ay tangapin ang ating mga pagkakamali at ituwid ang ano mang nagagawang mali.
Ito ang isang mahirap sa pagsusulat.. Madalas kahit sa pagsusulat nagkakaroon tayo ng kagalit, nagkakaroon ng kaaway, minsan ang mga tulad ko na nagsusulat ang madalas nagiging masama pa sa mga taong natatamaan.
Hindi naman ako nagmamalinis at hindi ako nagmamagaling o nagmamarunong, may lakas lang talaga ako ng loob na magsulat ng ganito at pumuna ng mga maling ginagawa ng tao dahil alam ko at maipagmalaki na ang mga napupuna ko na maling ginagawa ng iba ay hindi mo mapupuna na ginagawa ko sa iba. Malakas ang loob kong magsulat ng ganito dahil alam ko na hindi para sa akin ang mga sinusulat ko at hindi ako ang unang - unang tinatamaan sa mga sinusulat ko.
Kung ako ay magsusulat para lang magmalinis o magmagaling ang unang - unang magre-react sa mga isinusulat ko ay ang aking asawa at mga anak dahil sila naman talaga ang talagang nakakakilala sa ugalit pagkatao ko. Andyan din sa aking paligid ang aking mga kapitbahay at kamag-anak. Sila ang unang magsasalita ng ganito sa akin...
"Wala kang karapatang magsalita o pumuna ng mga maling ginagawa ng iba, kung ikaw mismo ay gumagawa din ng hindi tama sa kapwa".
"Bago mo punahin ang iba, punahin mo muna ang sarili mo".
"Humarap ka muna sa salamin".
Totoo naman talaga ang kasabihang iyan at masakit para sa akin kung pagsasabihan ako ng ganyan ng aking asawa at mga anak, wala akong mukhang ihaharap sa kanila sa umpisa pa lang titigil na ako sa pagsusulat ng tungkol sa tao.
Kaya.. mahirap man magsulat patuloy at patuloy pa rin akong magsusulat hanggat may lapis at papel akong nahahawakan, hanggat may mali akong nakikita sa aking paligid patuloy akong magsusulat, dito ako nakakadama ng kasiyahan.
Hindi mahalaga sa akin kung may mga taong nagagalit sa akin dahil sa aking mga isinisulat, ang mahalaga sa akin sa pamamagitan ng aking mga isinusulat maaring makikilala din ako ng mga tao na nasa aking paligid, dito masasalamin ang aking pagkatao, dito makikita ang lalim ng aking pag-iisip. Ito rin kasi ang aking paraan para ipaalam sa aking mga anak kung ano ang mga tama at mali sa kanilang mga ginagawa, kung paano mag - isip ang kanilang ama, kung malalim o mababaw ba isipan ng kanilang ama. Para sa akin walang masama kung ipahayag ko ang aking mga saloobin.
Ang unang - unang layunin lang naman talaga ng aking pagsusulat ay para maglibang at para mabigyan ko lang din ng kasiyahan ang aking sarili. Walang akong ibang hangad kungdi ang isulat ang lahat ng nais sabihin, ipaalam ang mga nais ipaalam at iparating ang lahat ng mga nais iparating. Isipin lang sana natin na tulad din ninyo ako ng naghahanap ng mapaglilibangan at itong pagsusulat ang napili kong mapaglilibangan.

ELECTION
MATALINONG BOTANTE
Panahon nanaman ng election, botohan nanaman at syempre marami nanaman ang kikita ng pera. Marami nanamang naglalabasang mga salita at mga opinion.
Kapag panahon ng election pangkaraniwan ko ng naririnig ang "bayaran nanaman ng boto", mga pulitikong nagpapakalat ng pera, mga botanteng nag-i-isip nanaman kung saan at sinong pulitiko ang magpapakalat ng pera. Para sa akin tumangap man ng pera ang isang tao hindi ko iisipin na pinagbibili na niya ang kanyang boto, grasya na yan at hindi pwedeng tangihan. Kung tangihan ba ng isang tao ang grsyang lumalapit sa kanya ay masasabi na bang matalino na siyang botante dahil hindi niya ipinagbili ang kanyang boto? Ganyan ako noon pero ang nangyari nakulong ang taong sa pagkakaalam ko na karapat-dapat at may kakayahang mamuno dahil sa taas ng pinag aralan. Palagay ko hindi ako nag iisa sa pagpili sa kanila, katunayan milyon kaming bumoto sa kanila. Lumalabas na naging bobo rin pala kaming lahat.
Paano at ano ba ang batayan para maging matalino sa pag pili ng isang kandidato?
Kaylan lang may narinig nanaman ako sa TV na kailangan maging matalino na tayo sa pagpili ng mga taong ilalagay natin para manungkulan sa ating gobyerno. Maging mapanuri, maging maingat, suriing mabuti ang ating ihahalal.
Alam ko wala namang masama sa ganyang payo. Pero para sa aking pananaw "NON SENSE" ang ganyang payo.
Bakit?
Para sa akin.. Ayon sa mga nakita ko na sa mga nakalipas hindi na kailangan ang talino sa pagpili ng nararapat na kandidato dahil hindi natin saklaw ang isipan ng bawat isa, hindi natin saklaw ang isipan ng mga pulitiko, hindi natin alam kung ano ang takbo ng isipan ng mga kandidato, hindi natin alam kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo o nagsisinungaling lang, hindi natin alam kung ano ang mga binabalak ng isang kandidato kung siya ay naka-upo na. Hindi rin basehan ang taas ng pinag aralan ng isang mahusay na kandidato, hindi rin basehan kung magnanakaw o hindi.
Ang kailangan lang ay ang taong may kakayahang mai-angat ang antas ng ating pamumuhay yan ang hindi natin kayang piliin kung sino sa mga pulitiko ang may taglay ng ganyang kakayahan.
Ang pagpili ng tamang kandidato ay parang isang larong basketball lang o sabong ng manok hindi mo alam kung sino ang pipiliin mong mananalo, ang lahat ng laban ay nakadepende sa isipan ng isang manlalaro kung paano nila pagbubutihin ang kanilang laro. Pagkatapos ng laro doon mo lang malalaman kung tama o mali ka sa pinili mong tao.
Hindi natin kailangan ang kandidatong may mataas na pinag aralan, hindi natin kailangan ang kandidatong mabait, kandidatong magnanakaw, kandidatong maraming alam o walang alam ang kailangan natin ay ang kandidatong kung paano niya paangatin ang bansang pilipinas, kung paano niya paangatin ang antas ng ating pamumuhay kahit hindi na gaanong mayaman makamit lang natin ang matiwasay na pamumuhay madaling makahanap ng hanapbuhay upang may mapagkunan ng makakain sa araw - araw. Yan ang mahirap hanapin at hindi yan nakadepende sa talino.
Hindi natin kailangan o gawing sandata ang talino sa pagpili ng kandidato sa darating na election, ang kailangan nating gawing sandata ay ang magdasal at manalangin na sana ang susunod na mapipiling maging presidente ay yung hahango sa ating kahirapan.
Paano kung ang isang botanteng nakapili ng isang kandidato na nakahango sa ating kahirapan at nagpataas ng antas ng ating pamumuhay ay isang elementary graduate lamang, matatangap ba ng isang engineer graduate na mas matalinong botante sila kaysa sa kanya?

Monday, 14 December 2015
NOVEMBER ONE "UNDAS"
UNDAS O PIYESTA NG MGA PATAY
Kapag dumarating ang araw na ito, alam na nating lahat na nakakaramdam tayo ng kasiyahan. Unang - una kasiyahan sa mga taong mahilig sa happenings, kasiyahan dahil nakakapasyal lalo na't magkakasama kayong magkakaibigan at syempre nagkakaroon ng pagtitipon at nagkakaroon ng bonding sa isa't - isa. Kadalasan sa sementeryo nagkikita-kita ang mga magkakakilala at marami pang iba na idinudulot sa ating buhay. Hindi ko na iisa-isahin pa kung ano ang mga nagaganap sa loob at labas ng sementeryo dahil alam ko pare-parehas lang tayo ng mga nararamdam at nakikita kapag sumasapit ang piyesta ng mga patay.. Sa bagay na yan wala akong masasabing mali.
Ang punto ng isusulat ko ngayon ay ang tungkol sa ating paniniwala at alam ko lahat tayo ay may kanya-kanyang paniniwala at wala ako sa lugar para sabihin ko na mali ang inyong paniniwala. Bilang author ng blog na ito nasa akin ang lahat ng kalayaan upang ipahayag ko o isulat ko dito ano man ang naisin kong isulat.
Bilang isang katoliko at hanggang ngayon naman ay isa parin akong katoliko. Noon, isa din ako sa naniniwala na kapag piyesta ng mga patay kailangan na bumisita sa puntod ng mga namayapang mahal sa buhay, kailangan linisan ko din ang paligid ng puntod ng mga namayapa, magpintura ng puntod, mag alay ng bulaklak at kandila upang maipaalala sa kanila na kahit wala na sila ay maipadama parin sa kanila na naalala ko parin sila. Sa madaling salita kung ano paniniwala ninyo ganon din ako na kapag hindi mo pinapasyalan ang puntod nila ay parang nangangahulugan na kinakalimutan na natin sila at kaya tayo bumibisita sa kanilang mga puntod ay para ipakita o ipadama sa kanila na inaalala parin natin sila ganyan din ako, pero.. noon yon.
Tulad ng namayapa kong ama at ina, mahal ko silang dalawa at alam nila iyan noong sila ay nabubuhay pa lalo na ang aking ama siya ang kaututan ko ng dila noong nabubuhay pa. Alam ko at taas noo akong maipagmamalaki sa lahat at sa aking mga kapatid na ni minsan hindi ko pinasakit ang kanilang kalooban noong silay nabubuhay pa. Para sa akin sapat na iyan at naipadama ko na sa kanila na mahal ko sila.
Tulad ng mga naunang sinusulat ko dito, hindi masama para sa akin ang magbago ng paniniwala dahil likas sa akin ang maghanap ng katotohanan at likas sa akin ang mag analisa ng mga bagay - bagay dito sa mundo. Ang katwiran ko may sarili akong pag iisip at kalayaang mag isip para alamin ang katotohanan dahil naniniwala ako na walang masama kung hindi ako sumunod sa paniniwala ng iba.
Halimbawa... Kung hindi ko ba napasyalan ang puntod ng mga mahal ko sa buhay kapag piyesta ng mga patay nangangahulugan ba na kinakalimutan ko na sila?
Ikaw, subukan mo kaya sa sarili mo.. kapag hindi mo ba napasyalan ang puntod ng mga mahal mo sa buhay kapag piyesta ng mga patay aminado ka ba na kinalimutan mo na sila? Di ba hindi? Kung ganon, ano ang dahilan kung bakit kailangan mo pang pumunta ng sementeryo? Ano ang dahilan kung bakit kailangan mo pang linisin ang paligid ng puntod at pagkatapos ay pinturahan at alayan mo ng bulaklak?
Minsan sinabihan ako ng isang tao "Dalawin mo naman ang mga puntod nila sa sementeryo, kinakalimutan mo na yata sila". Napapa-iling ako, bakit niya ako hinuhusgahan ng ganong salita? Hindi lang ako dumalaw nangangahulugang nakakalimot na. Parang gusto kong sabihin sa kanya na baka siya ang nakakalimot, nakakalimutan niya na meron siyang utak at nakakalimutan niyang gamitin ang kalayaang niyang mag - isip kung tama o mali ang kanyang paniniwala.
Parang ibig niya palabasin na sumunod ako sa kanyang paniniwala.
Kapag dumalaw ba tapos naglinis ng paligid ng puntod at nagpintura at nag alay ng bulaklak at pagkatapos ay bumulong - bulong sa harap ng puntod sigurado kaya tayo na malalaman pa nila ang mga ginawa mo? Kung sigurado ka na nalalaman at nakikita ka nila sa ginawa mo sa kanilang puntod.. sa paanong paraan mo kaya patutunayan? Masakit man sabihin karamihan sa tao kahit hindi napapatunayan naniniwala ng totoo.. Sabagay hindi ko rin masisi ang iba dahil kahit nga ang mga naging presidente na naturingang matatalino at nakapag aral pa sa amerika patuloy na naniniwalang totoo kahit hindi napapatunayan.
Paano ba malalaman o sa paanong paraan ba mararamdaman ng isang matagal ng patay ang nangyayari dito sa mundo?
Malalaman pa ba ng isang matagal ng patay ang mga nangyayari dito sa mundo? Kung ang sagot mo ay "OO" sige ipaliwanag mo at patunayan mo.
May maisasagot ka ba? Palagay ko wala, kung meron man tayong maisasagot palagay ko alam ko ang isasagot ninyo.. "kahit patay na sila nakamatyag pa sila sa atin" yan kasi ang pinanghahawakan lang naman natin ay ang "paniniwala" na kahit wala tayong pinanghahawakang sapat na katibayan pero patuloy parin tayong naniniwala at nakasunod sa paniniwala ng iba.
Bakit kaya hindi nating subukang buksan at tingnan ang loob ng puntod o loob ng nitso para malaman natin kung sino at ano pa ang laman ng nitso, andon pa nga ba sila sa loob? Alam ko nanaman ang isasagot natin.. nasa paligid lamang sila hehehe ganon uli kahit hindi napapatunayan.
Kadalasan ang dahilan ng karamihan.. "wala namang mawawala kung maniwala sa paniniwala ng undas". Wala nga ba? Pera (bulaklak, kandila, pintura, pagkain), pagod, oras ang dami kaya. Kapag minalas - malas pa dahil nasa sementeryo kayong lahat walang naiwan sa bahay mas marami pang mawawala.
Sabi ko nga sa misis ko noon at sa aking mga anak dahil magkasalungat kami ng paniniwala.. sige subukan nyong mag gapas ng damo, mag linis ng nitso, magsabon at pagkatapos bumili kayo ng kandila at mga bulaklak at magbantay kayo ng maghapon o ng ilang oras sa nitso at pag uwi nyo sabihin nyo sa akin kung ano ang maririnig nyong salita mula sa loob ng nitso o mula sa mga namayapa ninyong mga mahal sa buhay at sabihin nyo sa akin kung sa paanong paraan nyo malalaman na natutuwa ang mga kaluluwa sa mga ginawa nyo sa sementeryo.
Kung ikaw ang nakakabasa nito kaibigan at bago mo ako kutyain at sabihan na mali ako sa aking paniniwala, maari bang subukan mo munang sagutin ang mga katanungan naitanong ko sa aking asawa at anak kung ano ang mga bagay na maaring matangap natin mula sa mga namayapa. Maaring alam ko ang isasagot natin.. "kahit hindi natin sila nakikita, sigurado masaya sila sa ginawa natin. He he he may "sigurado" pa eh noh. Paano naman kaya nasiguro?
Kasalanan ba kung may sarili akong paniniwala?
May mali ba sa hindi ko pagsunod sa lumang paniniwala? Ako ba ang mali o ikaw?
Parang ang nangyayari takot ang tao na baguhin ang mga maling paniniwala o kaya takot ang tao na tangapin ang katotohanang mali ang kanilang paniniwala.
Matagal - tagal narin na hindi ako pumupunta ng sementeryo ni minsan kahit sa panaginip wala akong naririnig na sumbat mula sa aking mga magulang at kahit sino walang makakapagsabi at magpapatunay kung nasaan sila ngayon.
Ano man ang naisulat ko dito na maaring salungat sa inyong paniniwala hindi ko na po sinasadya. Tulad ng sabi ko isusulat ko dito ay yung naayon lang sa aking paniniwala at hindi ko hinikayat sino man sa inyo na maniwala o sumunod sa aking paniniwala.
Alam nating lahat na may kakayahan at kalayaan tayong mag - isip ang kailangan lang natin ay gamitin, gamitin ang kalayaang mag isip.
Tuesday, 21 April 2015
ATTITUDE
Alam mo ba ang ibig sabihin ng salitang attitude?
Palagay ko alam na natin ang tunay na kahulugan ng attitude.
Meron tayong tinatawag na klase nang attitude ng tao ang good at bad attitude.
Kadalasan tulad ng madalas na isinusulat ko sa mga naunan kong post dito sa aking blog na maraming mga salita na alam natin ang mga kahulugan, mga salitang alam natin ang ibig sabihin pero kadalasan nagagawa pa natin ang mga hindi tama, kadalasan kung ano pa yung bad ang sya pang madalas nating nagagawa sa ating kapwa.
Hindi ko alam kung naniniwala kayo na minsan lumalabas ang bad attitude ng isang tao dahil dala ng kanilang kayabangan.. Mahilig magpakitang gilas sa iba.. sa konting kibot naka-alsa agad ang boses para lang mapansin ng ibang tao na parang ipinakikita natin sa iba na kaya nating pagtaasan ng boses ang isang tao. Sa aking paniniwala kung talagang likas sa atin ang panatilihin ang magandang attitude kaylan man hindi dapat natin napagtataasan ng boses ang isang tao na para bang handa kang makipag away sa kanila.
Meron akong sinulat na dito sa aking blog na "Ang attitude ko ay nakadepende kung paano mo ako tratuhin".
Ayon sa mga nakikita ko, minsan lumalabas ang bad attitude ng isang tao kadalasan kung may kinaiinisan siyang tao o kaya ay may kinikimkim siyang galit sa isang tao, pilit niyang hahanapan ng mali at doon niya mailalabas ang tinatago niyang bad attitude para saktan niya ang damdamin ng isang tao lalo na karamihan dito sa internet.. Kadalasan may mga taong nakatago sa ibang larawan o sa ibang pangalan at kadalasan naman nakatago siya sa pangalang anonymous para maisakatuparan niya na magamit ang bad attitude yan siguro ang pagkakaalam nila na walang nakamasid sa lahat ng ginagawa natin. Malaya siyang nakakagawa o nakakapagsalita ng hindi maganda sa tao, lalo na kung hindi sila sang ayon sa sinasabi o sinusulat ng isang tao lumalabas din ang kanilang pangit na attitude ng dahil lang hindi sila sang ayon sa sinasabi ng iba at nakakapagsalita na sila ng hindi maganda sa tao. nagagawa niya ang mga pangit na attitude niya sa iba sa pag aakalang hindi siya nakikita o hindi siya kilala ng tao, wala siyang pakialam kahit masaktan niya ang damdamin ng iba ang mahalaga lang naman ay masiyahan siya sa kanyang ginagawa kahit may nasasaktan siya, kahit pa walang ginagawa sa kanyang masama.
Minsan naman lumalabas din ang bad attitude ng isang tao lalo na kung ayaw niyang tumangap ng pagkatalo sa kausap, yun bang minsan ayaw nating magpatalo o ayaw nating napapahiya tayo dahil sa mga maling pananaw natin natatalo tayo ng katotohanang sinasabi ng ibang tao dahilan para lumabas ang galit natin sa ibang tao at nakakapagsalita na tayo ng hindi maganda sa kanila.
May mga tao din lalo na kung mayaman at may pera ganon nalang niya tratuhin ang taong mas mababa sa kanya dala narin siguro yan ng kayabangan ng tao lalo na kung may pera at kung alam niyang kayang-kaya niya ang isang tao hindi na niya kayang kontrolin ang kanilang emosyon o galit sa tao hanggang makapagsalita na rin sila ng hindi maganda sa iba.
Marami pang ibang mga dahilan, mga bagay na hindi kayang kontrolin ng kanilang isip para hindi mailabas ang kanilang mga pangit na attitude.
Paano nga ba natin maalis ang bad attitude?
Sa aking paraan kung paano ko naalis ang aking bad attitude.. Itinuturing ko muna silang kaibigan, iniisip ko na kaibigan ang lahat ng taong aking nakaka-usap kahit sino pa siya o kahit ano pa ang kanilang itsura o kahit ano pa ang estado ng kanyang pamumuhay. Kung ituturing mo na kaibigan ang taong nagsasalita hindi mo magagawang saktan ang kanyang damdamin, matututunan mo kung paano mag kontrol ng iyong damdamin o emosyon o galit sa tao at kapag nagawa mo ng kontrolin ang iyong sariling emosyon kasabay na ring matutunan mo kung paano manahimik sa lahat ng bagay, matutunan mong manahimik kahit may mga mali silang sinasabi na hindi angkop sa iyong panlasa o paniniwala, sa pananahimik nagkakaroon ka ng panahon para makapag-isip kung sino sa inyo ang tama at mali o kung ano ang tama at mali sa kanilang ginagawa o sinasabi at sa pananahimik nagkakaroon tayo ng pagkakataong makapag isip muna bago gumawa o magsalita at malaman kung makakasakit tayo ng damdamin ng kapwa mula sa ating mga sinasabi.
Pinagaaralan at pinag iisipan ko muna ang aking mga sinasabi at pagsasalita kung makakasakit ba ang aking mg sinasabi.
Pinag aaralan ko rin kung paano mag salita ng mahinahon.
Pinag aaralan ko din paano tumangap ng pagkakamali dahil sa aking paniniwala kung marunong kang tumangap ng pagkakamali sigurado matutunan mo rin kung paano tumangap ng pagkatalo, kung paano tumangap ng katotohanan o tama mula sa iba.
Ang alam siguro natin walang epekto sa iba ang anumang attitude na pinapakita natin sa iba..
Siguro karamihan sa atin hindi nakakakalam na ang lahat ng ating ginagawa sa iba tayo ang unang-unang tumatangap ng resulta. At.. lagi kong inilalagay sa isipan ko ""ang attitude ko nakadepende kung paano mo ako tratuhin"".
Saturday, 31 January 2015
DAHILAN NG PAG IYAK
Minsan may pagkakataon na nangyayari sa sobrang tawa natin merong lumalabas na luha sa ating mga mata, meron din yung oras na kung inaantok tayo at naghihikab tayo may lumalabas ding luha sa ating mga mata. Hindi po iyan ang point ng aking isusulat.
Bakit nga ba umiiyak ang tao at ano ang nagiging dahilan ng ating pag iyak at pag luha?
Lahat tayo ay nakaranas na ng pag luha o pag iyak, babae man o lalaki nakakaranas din ng pag iyak. Ang pagpatak ng luha ay nangangahulugan na ng pag iyak, kaya lang ang iba ay nakakaya nilang kontrolin ang bugso ng kanilang damdamin kaya napipigilan nila ang masyadong pag iyak pero ang hindi napipigilan minsan ng tao ay ang pagtulo ng ating mga luha, dahil ang pagtulo ng ating mga luha ay nagbubuhat sa kaibuturan ng ating puso o damdamin.
Marami ang nagsasabi na minsan ang dahilang ng pagtulo ng kanilang mga luha o pag iyak ay dulot ng sobrang kaligayahan o tears of joy.
Nasubukan mo na bang umiyak?
Makakaya mo bang umiyak habang nagsasaya o umiyak habang nakakaramdam ng kaligayahan sa parehas na pagkakataon?
Para sa aking paniniwala ang nararamdaman ng damdamin ng kaligayahan ay iba sa nararamdamang damdamin ng pag iyak, hindi natin kayang pagsabayin ng sabay ang nararamdaman, hindi po kayang tamaan ang dalawang ibon sa iisang putok lang ng sabay.
Sa maniwala kayo o sa hindi ang dahilan ng pag iyak o pagtulo ng luha ng isang tao ay dahil sa awa niya sa kanyang sarili. Biglang sumasagi sa isipan ang kalagayan ng sarili, merong konting kirot na sumagi sa ating isipan sa hinaharap o sa mga nakalipas kaya nagkakaroon ng pagkakataon na mapaiyak o mapaluha ang isang tao. Ang pagluha ay dulot ng isang emosyon na may kaugnayan sa iyong sarili, dahil sa hirap at pait na naranasan at mararanasan na para bang nabunutan ka ng tinik dahil sa kinakaharap.
Wala ni kahit sino na iiyak dahil sa kaligayahan, bakit iiyak ang isang tao gayong nakakaramdam siya ng kaligayahan?
Nasasabi ko ang mga paniniwalang iyan dahil ako mismo ay nakakaramdam ng kaligayahan at nakakaramdam ng pait na naging dahilan ng aking pagluha minsan. Nakaramdam narin ako ng kaligayahan at kasunod ng aking kaligayahan ay napaluha ako dahil sumagi sa isang sulok ng aking isipan na nakahulagpos ako kaya hindi ko napigilan ang aking pagluha sa dahilang nagkaroon ako ng awa sa aking sarili na nasundan ng pagluha at makalipas ng ilang sigundo napangiti naman ako dahil sa naramdaman kong kaligayahan at habang patuloy ang nararamdaman kong kaligayahan nakasabay ang bakas ng aking pagluha at pamumula ng aking mga mata sa mga ngiti ng kaligayahang nararamdaman kaya nasasabi natin ang salitang pag iyak sa oras ng kaligayahan ay tears of joy, dahil iyan lang ang pwede nating ipaliwanag sa mga taong nakamasid sa ating mukha dahil ang bakas ng iyong pagluha at pamumula ng mata ay nakasabay sa naramdamang kaligayahan kaya natatawag na tears of joy pero ang totoo niyan nauna ang iyong pag iyak dahil naunang may kumurot sa isang sulok ng iyong puso na naging dahilan ng iyong pag iyak bago ang mararamdamang kaligayahan. Ang pagluha at pamumula ng mata ay bakas na lang ng ating pag iyak na nakasabay habang tayo ay nakangiti at tinatamasa ang kaligayahan.
Ang point ko dito ay para ipaliwanag kung saan nga ba nagmumula ang pag iyak o pagtulo ng ating mga luha? walang ibang dahilan ng pag iyak ng isang tao kungdi ang damdaming nagkaroon ka ng awa sa iyong sarili na para kang nabunutan ng tinik sa dibdib.
Subukan mo ang manalo ng million sa lotto kung paano mo pagsasabayin ang pag iyak at kaligayahan, habang nakakaramdam ka ng kaligayahan subukan mong patuluin ang iyong luha kung makakaya natin. Tutulo lang ang luha ng isang tao kung meron siyang maiisip na magpapatulo ng kanyang mga luha.
Para sa aking paniniwala... walang pinagkaiba yan sa ating poong maykapal kung paano natin mararamdam ang kanyang presensya, makakamit mo ang mga bagay na nagpapaligaya sa iyo para maramdaman natin siya, ibibigay din sa iyo ang kalungkutan para matutunan nating lumapit sa kanya... ang pag luha at pag iyak ay pagpapakita ng nararamdamang kalungkuta at ang mga ngiti ay pagpapakita ng kaligayahan.
Wednesday, 14 January 2015
SILENCE
Sa buhay natin marami ang pwede nating pag gamitan ng salitang silence or pagiging tahimik. May mga taong likas ang pagiging tahimik at tahimik lang sa isang tabi, tahimik lang na nakikinig sa usapan ng kanyang mga kasamahan, pangiti-ngiti, patawa-tawa lang halos hindi mo nakikitang nakikipag agawan ng kwento sa kanyang mga kasamahan, hindi nakikipag unahan sa kayabangan. Likas akong humahanga sa mga ganitong tao kaya kung minsan nagagawa ko sa aking sarili.
Napakalaking bagay sa isang tao ang pagiging tahimik sa lahat ng bagay, maari kong sabihin na sa pagiging tahimik nagagawa niyang kontrolin ang kanyang sarili sa mga bagay na nakikita niya sa kanyang mga nakakaharap o nakakasama, nagagawa niyang kontrolin ang kanyang reaction sa mga bagay na nakikita niya o naririnig niya na mahirap gawin ng isang tao, lalo na ang reaction ng isang tao na kung makakarinig ng mga bagay na hindi pasado sa kanyang panlasa ay nakakapagsalita kaagad sa iba, andyan yung madalas nagagawa natin na hindi mo man deretsang masabi ang reaction mo sa kaharap makalipas ang ilang oras o araw nagagawa na niyang ilabas ang itinatagong reaction niya sa ibang tao.
Karamihan sa atin hindi nating magawang manahimik sa mga bagay na nakikita natin sa iba, kadalasan kung may nalalaman tayong negative na sinasabi ng ibang tao tungkol sa atin nakakapagsalita na tayo kaagad kung minsan pa sa galit natin minsan lumalampas narin tayo sa katotohanan para lang sirain o gantihan natin ang taong nagsasalita ng negative sa atin. Pero kung ating iisiping mabuti dahil sa wala tayong kakayahang maging tahimik sa lahat ng bagay bumabalik sa atin ang reaction ng ibang tao or bumabalik sa atin ang mga negative nilang nakikita sa ating pagkatao dahil likas na talaga sa atin ang pagiging maingay sa lahat ng bagay. Pero kung magagawa lang talaga natin ang pagiging tahimik walang negative na nakikita sa ating pagkatao at sa pagiging tahimik natin hindi tayo nakakagawa ng mali sa ating mga sinasabi.
Meron akong nakasama sa trabaho, isang taong napakatahimik, pinag-aralan ko ang kanyang pagkatao nung una naisip ko para siyang nag iisa sa mundo, walang kausap, walang kaibigan pero.. nagkamali ako dahil marunong din pala siya tumawa, marunong din pala makipag-kwentuhan sa kapwa at marunong din pala makisama, iba pala ang pagiging tahimik niya.. Hindi siya marunong mag ingay, hindi siya marunong mag-salita ng negative sa kanyang kapwa na kahit meron na siyang nakikitang hindi maganda sa kanyang mga kasama hindi mo makikitang nagsasalita siya laban sa kanyang kapwa, hindi siya mahilig makikisawsaw sa galit ng ibang tao, sa madaling salita hindi siya ang tipo ng tao na nang-uuri ng pagkatao ng kanyang kapwa, hindi niya hilig ang manira ng kanyang kapwa, tahimik siya kung ang pag - uusapan na ang pagkatao ng isang tao.
Ang pagiging tahimik ang kadalasang hinahangan natin sa isang tao hindi ka makakagawa ng hindi maganda sa iyong kapwa at malaya kang nakakagalaw dahil wala kang naapakang tao masama man sila o mabuti hindi sila makakapagtanim ng sama ng loob sa iyo dahil tahimik ka lang na nabubuhay dito sa mundo at malayo sa ingay ng kapaligiran.
Alam kong mahirap gawin ang pagiging tahimik dahil karamihan sa atin ay hindi kayang kontrolin ang ating sarili sa mga nakikita at naririnig.
Kung magagawa lang sana natin ang maging tahimik hindi malayong makuha mo ang resulta ng pagiging tahimik ang pag-hanga at respeto ng ibang tao sa iyo.
Subscribe to:
Posts (Atom)