Monday, 18 May 2009
MATIGAS ANG ULO
Maliit pa ako madalas i kuwento ng aking nanay kung paano ako inilabas sa mundong ito.. Kahit ako ay namangha sa mga ikinu kuwento ng aking nanay. Alam nyo ba kung ilang beses ako ipinanganak ng nanay ko? Teka... magsindi muna ako ng sigarilyo he he he. Ganito naman talaga ako habang tumitipa sa bawat dahon ng makinilya ko sumasabay ang hithit-buga ng usok ng sigarilyo''. Tatlong beses po akong lumabas pero... pilit nila akong ibinabalik sa loob.
Sabi ng nanay ko matigas daw ang ulo ko, (ulo po sa itaas ha). Bakit nga kaya...? dahil nga daw kaya matigas ang ulo ko dahil nung oras daw na inilalabas na ako sa mundong ito.. ang unang lumabas daw sa akin ay ang isang kamay ko. Kaya nahirapan ang komadronang ilabas ako ng tuluyan, napilitan silang ibalik ako sa loob saka ako pinaikot uli ng komadrona, sa pagaakala nila na nasa ayos na ako.. itinulak muli akong palabas, eh kaso ang unang lumabas naman ay ang aking isang paa, napilitan nanaman akong ibalik sa loob dahil hirap nga naman ang kalagayan ko.
"Tingnan nyo nga naman itong mga buwisit na ito..! gusto ko na ngang lumabas pilit akong sinasauli sa loob.'' Kung pwede nga lang ako sumigaw sisigawan ko itong komadronang ito eh.
Pag balik ko sa loob pinaikot akong muli ng komadrona hangang sa ulo ko na ang unang lumabas. Pagkalabas ko sa mundong ito na wala pang nagagawang kasalanan.. nakatikim ako agad ng dalawang palo sa puwet kaya doon daw ako umiyak.. tingnan nyo.. wala pa akong ginagawang kasalanan pinalo na ako kaagad. Ngayon.. eto na ang inyong lingkod kasama ninyong nakikipag unahan sa pagtipa ng makinilya at walang palatandaan na may katigasan ang ulo, basta ang alam ko maunawain akong tao yon lang mga folks.
Subscribe to:
Posts (Atom)