Matagal din akong nawala dito sa sirkulasyon sa hindi
maiiwasang kadahilanan. Bagamat sumisilip parin ako paminsan-minsan. Masyado akong nagugulat sa mga nababasa ko, mga palitan
ng mga salita, mga away na nangyayari na dapat sanay hindi nangyayari dito sa mundo ng pag blo-blogging.
LAHAT TAYO AY MGA DESENTENG TAO
WALA AKONG NAKIKITANG DESENTE SA AWAY
SA SALITA MAN O SA GAWA.
Bakit nagkakaroon ng away?
Bakit ka nagkakaroon ng kaaway?
Bakit nagkakaroon ng samaan ng loob sa bawat isa?
Nagkakaroon ng away o samaan ng loob dahil sa isang tao na nag umpisa ng away. Sa isang tao na pinaiiral ang pagiging sama ng pag uugali. Lumalawak ang away dahil naman sa mga taong mahilig makisawsaw sa away ng iba. Sa araw-araw na pagbabasa ko sa ibat-ibang blogsite dahil sa nais kong makapulot ng mga magaganda pang aral na magagamit ko sa pang araw-araw kong pamumuhay. May mga nababasa ako minsan na hindi kaaya-aya sa aking pananaw, hindi kaaya-aya sa aking panlasa, at hindi kaaya-ayang mga salita para ipabasa sa iba. Pero ang lahat ng iyan ay pinagkikibit ko nalang ng balikat, pinalalampas ko na lang iniisip ko doon siya masaya sa ginagawa niya bakit ko siya hahadlangan, bakit ko siya pupunahin kung hindi naman siya nakakasakit ng damdamin ng iba. Hindi rin naman niya hinahadlangan ang mga ginagawa ko. Iniisip ko hindi naman ako yayaman sa pagpuna sa ginagawa ng iba. Wala namang mawawala kung magiging tahimik na lang ako. Ang pinag iisipan ko kung paano ba ako makapag papasaya sa kapwa ko at kung paano ako hahangaan ng isang tao. Mas masarap ang maging tahimik, mas masarap ang walang kaaway. Nilalagyan ko ng quality ang lahat ng ginagawa ko, lahat ng iniisip kong gawin, at nilalagayan ko ng quality ang bawat salita na binibitiwan ko sa kapwa, sa madaling salita iniisip ko munang mabuti kung makakasakit ba ako ng damdamin ng kapwa bago ko sabihin ang isang salita. Dahil ni minsan hindi ko kinahiligan ang manakit ako ng damdamin ng kapwa ko, dahil ayaw ko ding sasaktan nila ang damdamin ko. Ni minsan hindi ko kinahiligan ang magpahiya ako ng kapwa ko at ni minsan hindi ko pinag iisipan kung paano ba ako makapanakit ng tao.
Ikaw? Sinaktan ba niya damdamin mo?
Bakit mo siya sinasaktan?
Sa buhay natin...
Kailangan ba ng away para yumaman?
Kailangan ba ng away para dumami ang kaibigan?
Kailangan ba ng away para masabing magaling ka?
Masaya ka ba kung meron kang kaaway?
Masaya ka ba kung nasasangkot ka lagi sa away?
Bakit ka nasasangkot sa away?
Aminin man natin o hindi meron ka ring kasalanan o pagkakamali kaya ka nasasangkot sa away. Nadamay ka dahil isa karin sa nakikisawsaw sa away ng iba.
Bakit hindi mo magawang manahimik?
Mahirap bang maging tahimik o mas mahirap yung may kaaway?
Mahirap bang kontrolin ang sarili? o gusto mo lang ipakita ang kagalingan mo?
Yan lang ba ang paraan ng pagpapakita ng kagalingan?
Apektado ba ang buhay mo kung may mabasa kang hindi kaaya-aya sa panlasa mo?
Tanungin mo ang sarili mo, kung bakit ka nasasangkot sa away? Dahil isa karin sa nakikipag away. Paano magkakaroon ng kaaway ang isang tao kung tahimik lang siya sa kanyang ginagawa.
Ilagay mo ang sarili mo sa kaaway mo... kung ikaw ang makarinig o makabasa ng hindi maganda na tungkol sa iyo hindi karin kaya magagalit?
Huwag mong saktan ang damdamin ng kapwa mo
kung ayaw mo ring saktan nila damdamin mo.
Ano ba hanap mo..kaibigan o kaaway?
Hindi ka ba nahihiya sa mga kaibigan mo kung nalalaman nila na lagi kang may kaaway? Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?
Walang away kung wala ka na nagsimula ng away.
DESENTE KA BANG TAO?
Kung nais mong tumulong para sa katahimikan
Tumahimik ka na lang makakatulong ka pa.
Wala po akong pinapanigan sa bawat isa.