Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Sunday, 20 December 2009

IKALAWANG BAHAGI NG DIARY NG PAGKATAO KO

IKALAWANG BAHAGI NG DIARY NG BUHAY AT PAGKATAO KO

Minabuti kong lagyan ng ikalawang bahagi ang diary ng buhay at pagkatao ko dahil wala naman talaga akong maisulat. Isang dahilan kaya ginawa ko ito dahil kahapon habang nanonood ako ng video sa youtube sa hindi ko inaasahang pagkakataon meron akong napanood na video na nagpasilakbo ng damdamin ko. Hindi ako nagmamalinis, alam ko meron din akong mga kasalanang nagagawa, mga kasalanang sa diyos hindi sa tao. Alam ko walang taong perpekto, hindi man ako perpekto sa paningin ng panginoon pero gusto kong maging perpekto ako sa aking kapwa. Halos madurog ang puso ko sa mga binitiwang salita ng mga kapwa nating mga pilipino sa video na napanood nila. Isang pinay ang nasa video, video slide siya na may background na music ang walang awang pinintasan ng mga pinoy na akala nila sila na ang pinaka perpekto sa panlabas na kaanyuan. Ayaw ko ng ibahagi dito kung ano ang mga salitang binitiwan ko sa komento ko sa mga pinoy. Isa lang ang masasabi ko hindi nila makain ang mga salitang binitiwan ko.

Bakit may mga taong masasabi kong singbabaw ng talampakan nila ang kanilang pag-iisip, mga taong maihahalintulad ko sa isang basura ang laman ng kanilang utak at pagkatao, mga taong hindi marunong humarap sa salamin. Sa araw-araw kong pamumuhay ang unang-una kong iniiwasan sa lahat ay ang pamimintas ko sa aking kapwa, ang pang-aapi. Sa bawat nakakasalamuha ko at sa lahat ng iniisip ko ang unang-una kong ginagawa bago ako magsalita inilalagay ko ang sarili ko sa bawat nakikita ko. Inilalagay ko ang sarili ko sa bawat katanungan nais kong sagutan. Huwag mong gawin sa isang tao ang isang bagay na alam mong ikaw mismo sa sarili mo masasaktan sa ginagawa mo. Hindi dahilan ang ugali ng isang tao, Ang lahat ng ginagawa ng isang tao ay hindi ayon sa kanyang pag-uugali kundi ayon sa kanyang pag-iisip. Ginagawa ang isang bagay hindi dahil iyon ang ugali ng isang tao, kundi iyon ang inisip mong gawin kaya ginagawa mo ang isang bagay. Ang ugali ng isang tao ay ayon sa kanyang pag-iisip. Ang tao ay pinapaandar ng sarili nating pag-iisip. Isip ang dahilan ng lahat ng ginagawa mo. Kung hindi mo maisip ang tama at mali.. Kulang ka sa pag-iisip. Hindi mo ginagamit sa tama ang iyong pag-iisip. Dahil kung ginagamit mo ng tama ang iyong isipan, alam mo kung ano ang mali at tama. Inisip mong gawin kaya ginawa mo, pero.. hindi mo inisip kung tama o mali ang gagawin mo.
Sa mga taong nakakasalamuha ko kasama ng lahat ng kaibigan at mga kakilala ko binibigyan ko silang lahat ng layang gumalaw sa nais nila. Bibigyan kita ng laya ng kahit na anong gawin mo o kahit na anong bagay ang gusto mong ipakita sa tao tungkol sa iyong pagkatao. Iniisip ko tao karin na nangangailangan ng kaligayahan, tao ka rin na tulad ko na may damdamin at marunong masaktan. Ano mang kapintasan mo bibigyan ko ng layang ipakita mo.
Iniisip ko na masuwerte pa nga kayo dahil binigyan kayo ng may maayos na kaanyuan, bakit pa kayo mananakit ng kapwa? Nang dahil hindi siya pinalad bahaginan ng kaanyuang tulad mo? Lamang ang kaligayahan mo sa tulad nila dahil pinalad kang magkaroon ng magandang kaanyuaan.. hayaan mo nalang silang lumigaya sa sarili nilang pamamaraan. Ano man ang kaanyuan nating lahat pare-parehas tayong marunong masaktan.

Hindi ako yung taong madaling magtampo or magalit sa isang tao, hindi ako yung tao na komo galit ang kaibigan ko sa isang tao galit narin ako sa taong kinagagalitan ng kaibigan ko, hindi ako mahilig makisawsaw sa galit ng mga taong malalapit sa akin. Hindi ako basta-basta nagagalit sa isang tao hanggat walang ginagawang masakit sa akin hindi ako magagalit sa isang tao.
Hanggat hindi niya sinasaktan damdamin ko walang dahilan para magalit ako sa isang tao, kahit anong kayabangan ng isang tao, kahit nakagawa siya ng kasalanan sa kapwa niya hindi ako dapat magalit sa isang tao. Bakit ako magagalit sa kanya? hindi naman niya ako sinasaktan. Sapat na ba na magalit ka sa isang tao ng dahil lang sa kinaiinisan mo ang mga kinikilos niya? Madalas tinatanong ko sarili ko kung dapat nga ba ako magalit sa taong kinaiinisan ko lang? Dapat ba akong magalit sa taong walang ginagawang kasalanan sa akin? Kung ganyan ang ugali mo.. tanungin mo narin sarili mo kung gaano ba kalalim ang isipan mo. Kadalasan iyan ang nakikita ko sa kapwa ko, galit sila sa taong kinaiinisan nila, galit sila dahil hindi nila nakikita sa isang tao ang mga bagay na inaasahan nila sa isang tao. Kung ako makakaharap mo abot ko na ang lalim ng isipan mo sa pamamagitan ng mga kinikilos mo. Alam ko na kung malalim o malawak ang isipan mo, sa mga tulad mo wala akong panahon para kausapin kita o makipag kuwentuhan sa iyo o walang dahilan para isipin kong mabuti kang kaibigan. Sa simpleng tama at mali hindi mo alam kung tama o mali ang ginagawa natin. Para sa akin ang tinitingnan ko sa isang tao yung meron akong napupulot na kabutihang asal na nais kong gawin sa pangaraw-araw kong pamumuhay. Mahilig ako sa mga may kabuluhang bagay, ayaw kong kausap ang mga taong may mababaw na kaisipan, sa simpleng tama at mali hindi mo alam, paano pa tayo magkakasundo? Ayaw ko rin sa tao yung hindi marunong makitungo sa kapwa na para bang hangin ka na dumaan ngunit hindi maramdaman. Kung ganyan ang mapapansin ko sa iyo hindi na ako magsasalita, hindi din kita papansinin katwiran ko hindi ka kabawasan sa buhay ko, mag malaki ka sa akin ok lang hanggat hindi kita kailangan hindi ako luluhod sa iyo para pansinin mo ako. Kung galit ako sa isang tao hindi ako mahilig magsalita ng patalikod sa mga taong kagalit ko, hindi komo kagalit ko na ang isang tao kung ano-anong paninira ang gagawin ko sa ibang tao tungkol sa iyo, ang katwiran ko lalo lang lalaki ang gulo kong magsasalita pa ako ng patalikod lalo kayong hindi magkakasundo. tahimik akong tao. Ayaw ko lang na meron akong maririnig na galing sa iyo asahan mo huwag mo akong masasalubong na naka-inom tutumba ka sa akin walang salita. Kung dumarating ang araw na may nagagawa akong mali at may mga taong nagagalit sa akin basta kasalanan ko hindi ako babawi ng salita. Hihingi ako ng sorry sa iyo pero may kasamang goldilocks na inireregalo ko sa iyo para mawala ang galit mo sa akin. Kahit anong regalo na kaya kong bilhin gagawin ko para ibigay sa iyo.

May mga araw na hindi natin alam na meron palang tao na nagagalit sa iyo ng hindi mo alam, nagagalit ng hindi mo alam kong bakit, kadalasan ginagawa ko humahanap ako ng araw para makaharap ko siya at iparamdam ko sa kanya ang tunay na pakikipagtao, pinupuri ko siya, pinupuri ko ano man ang kasuotan niyang taglay pupurihin ko, pupurihin ko kaguwapuhan o kagandahan niya pipilitin kong pangitiin siya para mawala ang galit o inis niya sa akin. Asahan mo sa susunod na makasalubong ko siya abot na sa tenga ang ngiti niya sa akin. Iyan ang kahulugan ng.. ''Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.

Hindi ako mahilig manisi ng mga taong nakakagawa ng pagkakamali o ng kasalanan, Inuunawa ko kung bakit siya nakagawa ng kasalanan o pagkakamali. Malawak ang pang-uunawa ko sa mga ganyang bagay. Pagsasabihan ko lang siya sa pagkakamali niya ng isang beses hindi ko na uulitin pag ginawa mo pa hindi na kita kakausapin. Huwag mo ng tanungin kong bakit ako galit sa iyo dahil masasaktan ka na sa mga sasabihin ko, humingi ka nalang ng sorry madali akong ngumiti pag ang tao ay marunong tumangap ng pagkakamali. Hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob sa kapwa kung humingi ka na ng paumanhin sa akin asahan mo ngingiti na ako wala na sa akin ang nakaraan dahil alam ko naman na ang tao ay nagkakamali at nagkakasala din ng tulad ko. Basta marunong kang tumangap ng pagkakamali. Ayaw ko sa tao yung mali na mangangatwiran pa, mahirap ba tumangap ng pagkakamali at hindi mo magawa? bababa ba pagkatao mo kung humingi ka ng paumanhin sa isang tao? Malaki ba mawawala sa iyo at hindi mo magawa? Praktikal akong tao, wala sa katawan ko ang pagiging mainggitin, hindi ko hilig makipagpaligsahan kung anong meron sila dapat meron din ako. Kinukuha ko ang isang bagay na meron ka hindi dahil naiingit ako, kinukuha ko dahil kailangan ko kahit mura o mahal basta kailangan ko kinukuha ko. Hindi ako maluhong tao, kung anong meron kahit mura sapat na sa akin. Hindi ako kumukuha ng gamit upang ipagyabang sa kapwa na mahal ang nabili kong gamit. Kahit hindi na kailangan sa buhay bibilhin para lang maipagyabang na mamahalin ang gamit ko. Huwag mo ng ipakita kung mamahalin ang gamit mo dahil binibigyan mo lang ng kalungkutan ang mga taong walang kakayahang abutin ang mga bagay na kaya mong abutin. Ayaw kong manghiram ng mga bagay na kailangan ko binibili ko basta kailangan ko. Dahil ayaw ko din ng may humihiram sa gamit ko, madamot ako sa gamit dahil minsan ang tao mapagsamantala kahit kaya nilang kunin ang isang bagay umaasa nalang sila sa hiram madali kita mahalata pag ako kaharap mo. Sa gamit madamot ako pero sa pagkain hindi ako madamot, sa lahat ng ayaw ko yung merong napapanisan na pagkain. Pagagalitan kita pag may nasirang pagkain dahil katwiran ko bakit hindi mo nalang binigay sa mga taong nangangailangan kaysa hinayaan mo mabulok at itapon. Pag pinagsabihan ko na ang isang tao at umulit sa maling ginagawa asahan mo masasaktan ka na sa mga salita ko. Ayaw ko minsan ng paulit-ulit na paliwanag. Mapag kumbaba akong tao, hindi ako mahilig makipag paligsahan sa kahit anong bagay o makipagtagisan ng talino basta ibahagi ko nalalaman ko sapat na yon. Huwag mong ipagyabang sa akin na mamahalin ang lahat ng gami mo, huwag mong ipagyabang sa akin na meron ka ng mga bagay na wala ako, tatahimik lang ako kung anong meron ka na wala ako, naniniwala ako na ang panginoon hindi natutulog, naniniwala ako na ang buhay ay parang isang gulong na umiikot. Darating ang araw nasa ilalim ka rin. Hindi ako ang taong mahilig humanap ng kaibigan, ang iniisip ko ang kaibigan ay kusang lumalapit hindi hinahanap. Hanggat gumagawa ka ng mabuti sa kapwa, hanggat marunong kang makitungo sa tao at alam mo kung paano makisalamuha sa mga taong hindi mo kilala at marunong kang makisama sa kapwa mo sila ang lalapit sa iyo para maging kaibigan ka. Sila ang gustong maging kaibigan ka dahil nakikita nila sa iyo ang mga bagay na hinahanap mo rin sa isang tao para maging kaibigan mo. Sa paniniwala ko kapag ikaw ang naghanap ng kaibigan nangangahulugan na alam mo ang hanganan ng pagkatao mo. Ikaw ang naghahanap dahil alam mo na kulang ka sa mga bagay na kailangan upang lapitan ka ng mga tao upang magkaroon ng kaibigan.

Hindi ako madaling maniwala sa sabi-sabi, dahil naniniwala ako na ang sabi-sabi ay parang goma na pwedeng batakin upang lumaki, lumalayo sa tunay na pangyayari. hindi ako madaling maniwala sa sabi-sabi dahil minsan ang tao ay mapagsinungaling. Bago ako maniwala sa mga salita pinapakingan ko ang bawat panig bago ako manghusga kung sino puwede kong paniwalaan kaya hanggat maari ayaw kong magsasalita ka sa akin ng tungkol sa ibang tao hanggat wala kang maipakita sa aking pruweba. Magaang ang puso ko sa mga pulubi, lalo sa mga bata at matatandang pulubi kahit wala akong pangsigarilyo basta may nadaanan akong nagpapalimos binibigyan ko na kaagad, hindi ko pinag iisipan kung miyembro ng sindikato o hindi alam ng panginoon kung sinong tinulungan ko. Ang pagtulong hindi pinag iisipan at hindi rin sapilitan, kung ayaw mo huwag kang magbigay, kung gusto mo magbigay ka huwag ka ng magsalita huwag ka ng mangatwiran huwag kang magbigay malaya ka sa gagawin mo. Madali akong tumanaw ng utang na loob sa isang bagay man o sa kabutihang pinapakita mo sa akin tutumbasan ko ng kabutihan ng higit sa iyong inaasahan, walang hangganan. Madali akong humanga sa isang tao lalot kabutihan ang nakikita ko sa mga kinikilos niya, sa akin man o sa ibang tao ka magpakita ng kabutihan kahit sa anong paraan asahan mo nasa likod mo ako lagi ng hindi mo nalalaman. Mahirap ka man o mayaman basta may paggalang ka sa kapwa mo hahangaan kita. Asahan mo susubaybayan ko buhay mo dahil ibubuhos ko suporta sa mga taong katulad mo. Wala man akong kakayahan sa pinansiyal sa paggalang ibubuhos ko sa iyo lahat ng paggalang ko kahit anong katayuan mo sa buhay.

Iisa ang laging sumasagi sa isipan ko sa araw-araw.

Kahit hindi tayo maging perpekto sa mata ng diyos, pilitin mong maging perpekto ka sa iyong kapwa. Ang lahat ng kabutihan mo sa iyong kapwa may regalong nakalaan at sa bawat kasalanan may parusang nakalaan.

Sa mga gumagawa ng mali sa kapwa.. Hangang anong edad ba ang kailangan para maabot mo ang tamang edad para malaman mo ang tama o mali sa mga ginagawa mo?
Kulang pa ba ang edad mo para masabi mong nasa wasto ka na nga ba ng pag-iisip?

Sunday, 13 December 2009

DIARY NG BUHAY AT PAGKATAO KO

Ayaw ko sanang magsulat ngayon, pero, sa tuwing naririnig ko mga awit na nagpapalipad ng aking isipan, parang hinahatak ako ng kamay ko upang magsulat. Sa tuwing nakikinig ako ng mga ganitong awitin malayo ang nararating ng aking isipan, mga bagay na pilit kong hinahanap upang matagpuan ang mga bagay na magpapasaya sa akin at nagbibigay ng lakas upang makapagsulat muli. Mga awit na nagsisilbing vitamin ng aking isipan. Sa pakikinig ng mga ganitong awitin ang nakahiligan ko mula pa noon. Mahilig ako sa mga mellow music dito ninyo masasalamin ang pagkatao ko.
Kadalasan, umiinom akong mag-isa hanggat maari ayaw kong uminom ng may kasama ako. Mas komportable ako kung nag iisa akong umiinom dito sa kuwarto ko. Meron akong dimlight na nagsisilbing liwanag sa kapaligiran ko, ayaw ko din ng masyadong maliwanag kung umiinom ako, ewan ko ba! Kadalasan kung katabi ko kasintahan ko, sa tuwing nakainom ako at nakikinig ng mga ganitong awitin hinihiling ko sa kanya madalas na isasayaw ko siya, sa tuwing tinatangihan niya ako sa kahilingan kong isayaw siya lumalabas ako at doon ako umiinom sa labas. Ayaw ko minsan yung tinatangihan ako sa simpleng kahilingan ko, madali akong magtampo, asahan mo hindi ako umuuwi ng bahay sa kapitbahay ako madalas matulog pag nagtatampo ako. Pag gusto ko yung music gusto kong isinasayaw ng sweet yung mahal ko.
Ang isa pang nakahiligan ko lalot ganitong nakainom ako, gusto kong humalik sa kilikili. Yan ang isang pinakagusto kong halikan sa isang tao, ang humalik sa kilikili. Subukan mong tangihan ako maghapon mo akong hindi makikita o makaka-usap.
Kahit ang mga naging girlfriend ko yan ang unang-una kong hinihiling sa kanila ang humalik sa kilikili. Gustong-gusto kong humalik sa labi at sa kilikili. Pero.. ang gusto ko sa unang halik ko sa kilikili bago sa labi.
Wala akong hilig makikain sa mga handaan kasalan man o binyagan o bertdehan nakakain ko rin sa bahay yung handa sa bahay nalang ako kakain.
Hindi ako mahilig lumabas or tumambay sa labas mas masaya ako kung narito lang ako umiinom mag isa habang nakikinig ng music. Kung halimbawang nais kong lumabas lalo pag nasa pinas ako madalas naka single motor ako, malayo nararating ko singlayo ng nararating ng isipan ko yan ang isang nakahiligan ko ang mamasyal habang naka bara ang headphone sa tenga ko. Mahilig akong tumambay sa mga park habang nakikinig ng music, kahit nag-iisa akong naka upo sa park masaya na ako. Nakahiligan ko na ang nag-iisa. Mas gusto ko pa yung nag-iisa kaysa yung may kausap na puro walang kabuluhan ang pinag uusapan.

Hindi ako mahilig sumunod kung anong uso, kahit sa anong bagay na napapanahon hindi ko binibigyang halaga, kung anong bagay ang nagpapangiti sa isipan ko iyon ang ginagawa ko. Hindi ako tumitingin kung anong bago or kung anong luma basta ginusto ko iyon ang kinukuha ko. Hindi ako mahilig humawak ng cellphone, may cellphone ako pero nasa kuwarto ko lang hindi ko binubulssa, ayaw kong magdala ng cellphone kahit noon pa, ayaw ko lang na ipaalam kung nasan ako. Minsan perhuwisyo yang cellphone hindi ka makatago. puro return call ako madalas. Wala akong hilig mag suot ng relo sa kamay, may relo ako casio nasa bulsa ko lang tinangal ko pinaka bracelet.
Ang ayaw ko lang sa pagkatao ko.. yung pagiging prangka ko, yan ang hindi ko mapigilan sa sarili ko, pero.. nasa tama, malalim akong magsalita, masakit, pero totoo. Maraming nagsasabi sa aking masakit akong magsalita, masakit hindi dahil masama, masakit dahil diretso sa tinutukoy, ayaw ko ng paligoy-ligoy na salita o paligoy-ligoy na usapan. Masakit dahil totoo. Minsan.. masakit pakinggan ang katotohanan, masakit dahil ayaw nilang tangapin ang katotohanan sa kanilang sarili. Kung galit ako wala kang maririnig sa akin kahit anong salita, sa mata mo ako mahahalata kung galit ako dahil hanggat maari iniiwasan kong magsalita dahil masakit akong magsalita. Kung hindi ko na kaya tumahimik kung galit ako saka ako magsasalita, pero.. ihanda mo sarili mo dahil masasaktan ka pag ako nagsalita. Malalim akong mag-isip, madalas pag nag iisa ako malayo nararating ng isipan ko, mahilig akong mag-isip, mahilig akong mangarap. Madalas nangangarap ako, iniisip ko kung ano ang bukas. Malawak ang pang-uunawa ko sa isang bagay, malawak ang pang-uunawa ko lalo sa isang tao. Hindi ako basta-basta nanghuhusga ng tao. Pinag-iisipan ko ang bawat ginagawa ko, pinag-iisipan ko ang isang tao kung bakit minsan nakakagawa siya ng isang bagay na nakakasama sa ibang tao o nakakasama mismo sa kanyang sarili. Ayaw ko na may inaaping tao, madali akong maawa sa isang tao dahil mababa lang ang kalooban ko, matigas lang ang kalooban ko kung matigas din ang kalooban mo.

Kung makaharap kita ng personal pag-iisipan kita, aarukin ko ang pagkatao mo sa pamamagitan ng mga binibitiwan mong mga salita. Kaya kong arukin kung anong pagkatao ng isang tao. Maraming nagsasabi sa aking suplado akong tao, ewan ko sa sarili ko, kung makikita mo ako pag-iisipan mo ako dahil tahimik akong tao kung sa una mo ako makikita. Madalas naka-upo lang ako sa isang tabi. Hindi ako mahilig tumingin sa mga dumadaan sa harapan ko, basta naka-upo ako nag-iisip ako, mahilig lang talaga akong mag-isa. Pero.. kung makilala mo ako kuwela akong tao. Kung ako ang kausap mo iwasan mong mag kuwento sa akin ng tungkol sa isang tao, ayokong ikukuwento mo sa akin ang kapintasan ng ibang tao dahil lalayuan kita. Mas gusto kong ikuwento mo sa akin ang karanasan ng ibang tao huwag lang ang kapintasan ng ibang tao, dahil ang paniniwala ko kung yung iba naikukuwento mo yung kapintasan nila.. sigurado ikukuwento mo rin sa iba kapintasan ko.
Sa pagmamahal hindi ako tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ang unang tinitingnan ko kung anong ugali meron ang isang tao. Ayaw ko ng taong nang-uuri ng kapwa, ayaw ko ng taong mapang-api, ayaw kong tao yung mapang mataas, pala-puna ng kapwa at higit ayaw ko sa taong mapang-tanim ng sama ng loob, ayaw ko ng mataas ang pride dahil mababa rin ang pride ko ayaw ko ng matagalang tampuhan. Higit sa lahat ayaw kong gawin sa kapwa ko ang ayaw kong gawin sa akin.

Kaya kong gawin ang lahat kahit kahihiyan basta nasa tama lang ang ginagawa ko, hindi ko iniisip ano man ang sabihin ng tao ang katwiran ko hindi sila bumubuhay sa akin.
Hindi ko kinahiligan ang humingi ng tulong sa iba, kadalasan sinasarili ko kahit anong problemang kinakaharap ko sinasarili ko lahat, ayaw kong humingi ng tulong. Katwiran ko.. sila din may problemang kinakaharap paano pa ako hihingi ng tulong sa kanila? Pag hindi ko kaya ang nararanasan kong problema madalas umiiyak akong mag-iisa dahil iyan lang ang makakatulong sa akin ang maibsan ko ng konti ang nararamdaman kong sama ng kalooban. Totoo.. iyakin ako minsan, kaya nga halos ayaw kong makakita ng taong umiiyak. Sa tanang buhay ko wala pa ako ni isang tao na pina-iyak. Dahil alam ko kung anong nararamdaman ng taong umiiyak. Hindi ako yung tao na pinapahalagahan ang sasapiting kahihiyan, ang mahalaga sa akin ay magawa ko kung anong makabubuti sa aking sarili o makabubuti sa mga mahal ko sa buhay kahit na anong kahihiyan ang sapitin ko. Hindi ko iniisip kung anong sabihin sa akin ng mga tao sa paligid ko hanggat wala akong ginagawang masama gagawin ko kahit bumaba ang pagkatao ko basta nasa tama ako gagawin ko. Huwag mo lang sasaktan damdamin ko bubutasin ko katawan mo.

Sana.. Dito sa mundo, wala ng mapang-aping tao.
Sana.. Magmahalan na lang lahat.
Sana.. Itanim natin lagi sa ating isipan ang unawa at awa.

Thursday, 10 December 2009

PAGLILIHI



Ibang klase naman itong title ko PAGLILIHI, nais ko lang naman ipaliwanag ang salitang yan. Minsan kasi kahit lalaki naglilihi din di ba? Mahirap, lalo sa mga gurly dahil pag tinamaan sila ng paglilihi pati mga lalaki apektado dahil tayong mga lalaki ang madalas utusan kung saan kukuha ng mga bagay na wala dito sa mundo. Pag hindi mo nahanap yung bagay na kursunada nila yari ka naman. Siyempre kahit mahirap hanapin yung santol na matamis pilit mong hahanapin di ba? alang-alang sa beybi mo. Kung mahanap mo naman ayaw naman kainin dahil matamis daw hayyy naku.

Meron akong kapitbahay ditong mag-asawang pilipino halos bagong kasal sila. Kasalukuyang naglilihi yung babae tule kasi yung lalaki kaya masipag, mahilig pa kumain ng puwet, paborito niya yung puwet ng manok masyadong exotic ang panlasa ng kapitbahay kong ito.

Sa tuwing dumadaan ako sa harap ng pintuan nila laging nadadaanan ko yung babae, halos araw-araw na pagdaan ko sa harap ng pintuan nila gustong gusto akong kausapin nung babae. Halos ayaw nga akong paalisin dahil gusto niya ako laging kausap, siyempre hindi naman ako supladong tao kaya nakikipag usap din ako. Kahit umuwi ako ng hating gabi sigurado andon silang mag asawa sa labas siyempre kasama asawa niya pero ako lang pala ang gustong hintayin nung babae. Iniisip ko na baka makahalata si mister, medyo malapit sa akin si misis. Minabuti kong kausapin yung lalaki na baka pagselosan niya ako, napag alaman ko na gusto lang palang amoyin nung asawa niya ang ginagamit kong pabango, napaglihian yung amoy ng pabango ko. Gustong-gusto niya yung amoy ng pabango. Kaya pala nawiwili akong kausapin yun pala ang dahilan. Sa bagay, medyo natutuwa din ako ng lihim dahil may nababanguhan pala sa pawis ko.
Ang paglilihi talaga walang pinipili.

Isang araw.. pinuntahan ako nung lalaki nagpapabili daw yung asawa niya nung pabangong ginagamit ko. Nagtatanong kung saan ko daw binili yung pabangong ginagamit ko. Dito na ako hindi makatulog, halos dalawang gabi na akong hindi napagtutulog sa kaiisip dahil gusto nung babae na magkaroon siya ng pabangong ginagamit ko. Hindi nila alam air freshener lang naman yung ginagamit kong pabango, winiwisik ko lang sa katawan ko alam ba ng mga tao na air freshener lang yung gamit kong pabango, basta mabango di ba? eh kaso napaglihian, mabibisto pa ata.

Pare ibili mo naman yung misis ko ng pabangong tulad sa iyo
napaglilihian niya yung amoy.

Pare, jusko naman, namann, namann!
Saan ako kukuha naubusan na daw sa tindahan pare.

Sigi na pare pls lang.. baka duguin yung misis ko pag hindi niya naamoy yung gusto niya.

Naku po! jusko po! pati problema ninyo ako magdadala. Sikreto na nga lang ginagawa kong pabango mabibisto pa hayyy naku. Anong gagawin ko? Ano naman kaya koneksyon ko sa buhay nila at pati buhay ko ginugulo nila.

Pare!!! nagagalit na misis kooo!!

Jusko naman pre, bakit kasi yung pabango ko pa?
Bigyan mo nalang ako ng botelya at lalagyan ko nalang!!

Ayaw ng misis ko..!!
Gusto niya yung buo!!

Sabihin mo sa misis mo.. suntukan nalang kami!!
Masisira buhay ko ng dahil sa kanya!!

Ibigay ko na kaya?
Baka pag nalaman nilang air freshener lalong duguin yon.

Mahirap din minsan yung nagtitipid, napapasama.
Laking issue nito sa buong barangay.

Mabibisto ako nung nililigawan ko, Buwisit!

Kayong mga gurly diyan, umayos-ayos nga kayo kung maglihi ha!!
Pati pabango ko pagdidiskitahan, buwisit!

Tuesday, 1 December 2009

KULANG ANG NAKARAAN KO

1
1

MAY KULANG SA AKING NAKARAAN

Isang lalaki na nasa edad sixty five ang aking naka-usap, parang nagkaroon
ako ng interes kausapin ang ganong edad. Alam ko hindi ito makakasakay sa
mga topic na pwede kong ikuwento sa kanya dahil sa agwat ng edad namin.
Maaring wala siyang panahong makinig ano man ang pwede kong ikuwento
sa kanya, minabuti ko nalang na siya ang interbyuhin ko, sigurado akong
maraming ikukuwento ito sa mga nakalipas niyang ala-ala.

Inisip ko.. Sa huling yugto ng buhay niya hinayaan ko na lang siyang magkuwento tutal malapit narin siyang mamatay, pinaramdam ko nalang sa kanya na may tao pa namang gusto siyang kausap at ako nga iyon.

Sa kalagitnaan ng kuwentuhan namin, tinanong ko siya.

Lolo, siguro ang dami ninyong mga masasayang ala-ala nuong kalakasan nyo pa noh?
Biglang napansin ko para siyang nalungkot.
Lolo, bakit para kayong nalungkot sa tanong ko?

Alam mo anak, bigyan mo ako ng panahon mo para mailabas ko kung anong dahilan at malungkot ako.
Masasabi kong malungkot ako dahil kulang ang nakaraan ko, parang.. may mga bagay pa akong hindi ko nagawa noon na gusto kong gawin ngayon ngunit hindi na mangyayari dahil andito na ako sa edad na ganito.

Parang nagkaroon ako lalo ng interes para ipagpatuloy ko ang pakikinig ko kay lolo.
Ano po ba iyon?

Nuong kalakasan ko pa.. wala ako ni isang bisyo, hindi ako naninigarilyo, hindi ako umiinom ng alak, hindi ako masyadong nakikibarkada. Nakokontento na ako sa trabaho, bahay, trabaho, bahay. Sa ganyan lang lagi umiikot ang buhay ko. Pati pag-ibig kinalimutan ko na dahil kontento narin ako sa lola mo. Totoo mahal na mahal ko asawa ko kaya nga hindi na ako tumingin o nagmahal pa ng iba kahit may tao akong gusto kong mahalin noon. Alam mo naman ang tao, hanggat may buhay hindi naaalis ang magmahal ng magmahal. Pero.. dahil ayaw ko din magkasala sa asawa ko sinarado ko na ang puso ko sa iba. Totoo, masarap ang mabuhay. Kaya nga yan ang dahilan kaya nakakaramdam ako ng lungkot ngayon dahil sa edad kong ito halos wala akong iniisip na nakaraan ko, wala akong maisip na masasayang araw ko noon. Nagkakasya nalang ako kung ano ang nakikita ng mga mata ko ngayon yon nalang ang pinag iisipan ko. Pero.. ang isipin ko ang mga nakalipas ko halos wala akong maisip na masasayang nakaraan ko. Sa ganitong edad ko tanging isip nalang ang malakas sa akin wala pa akong maisip na nakalipas ko. Hindi ko makuhang ngumiti man lang sa ngayon.

Dumating na ang oras ng paghihiwalay namin ni lolo, nagpaalam na ako sa kanya. Pinag isipan kong mabuti ang mga ikinumpisal niya sa akin. Nauunawaan ko ang ibig niyang iparating sa akin. Sa isang banda may katwiran din ang mga hinaing ni lolo sa akin. Parang ibig niyang iparating sa akin na.. bakit nga naman niya hindi ginawa yung mga bagay na magpapasaya sa kanya nung siya ay bata pa. Bakit nga naman hindi niya nilasap ang sarap ng mabuhay, bakit nga naman niya isinarado ang puso niya gayong ito lang ang tamang panahon o pagkakataon para pag bigyan mo ang puso mong magmahal. Kaya nga tayo binigyan ng puso para makaramdam ng pagmamahal. Bakit mo nga naman pipigilin ang puso mong magmahal gayong pwede ka naman magmahal ng magmahal . Di meron sana siyang iniisip ngayon. Meron sanang gumigitgit sa sulok ng kanyang isipan na masasayang ala-ala niya. Ngayong matanda na siya hindi na niya malalasap ang sarap ng mabuhay. Kahit gustuhin nga naman niyang magmahal muli hindi na niya magagawa dahil mahina na siya. Hindi na siya makaka-dalawa, kamay nga hindi na umubra, makadalawa pa kaya.

Ang huling sinabi sa akin ni lolo
Anak, Hanggat kaya mong gawin ang mga bagay na magpapasaya sa iyo ngayon gawin mo, dahil sa huli sa isip mo nalang sila pwedeng magawa.
Sa pagtanda mo.. meron kang iisiping mag papangiti sa iyo.

Hindi tulad ko
KULANG ANG NAKARAAN KO
Photobucket