Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Sunday, 20 December 2009

IKALAWANG BAHAGI NG DIARY NG PAGKATAO KO

IKALAWANG BAHAGI NG DIARY NG BUHAY AT PAGKATAO KO

Minabuti kong lagyan ng ikalawang bahagi ang diary ng buhay at pagkatao ko dahil wala naman talaga akong maisulat. Isang dahilan kaya ginawa ko ito dahil kahapon habang nanonood ako ng video sa youtube sa hindi ko inaasahang pagkakataon meron akong napanood na video na nagpasilakbo ng damdamin ko. Hindi ako nagmamalinis, alam ko meron din akong mga kasalanang nagagawa, mga kasalanang sa diyos hindi sa tao. Alam ko walang taong perpekto, hindi man ako perpekto sa paningin ng panginoon pero gusto kong maging perpekto ako sa aking kapwa. Halos madurog ang puso ko sa mga binitiwang salita ng mga kapwa nating mga pilipino sa video na napanood nila. Isang pinay ang nasa video, video slide siya na may background na music ang walang awang pinintasan ng mga pinoy na akala nila sila na ang pinaka perpekto sa panlabas na kaanyuan. Ayaw ko ng ibahagi dito kung ano ang mga salitang binitiwan ko sa komento ko sa mga pinoy. Isa lang ang masasabi ko hindi nila makain ang mga salitang binitiwan ko.

Bakit may mga taong masasabi kong singbabaw ng talampakan nila ang kanilang pag-iisip, mga taong maihahalintulad ko sa isang basura ang laman ng kanilang utak at pagkatao, mga taong hindi marunong humarap sa salamin. Sa araw-araw kong pamumuhay ang unang-una kong iniiwasan sa lahat ay ang pamimintas ko sa aking kapwa, ang pang-aapi. Sa bawat nakakasalamuha ko at sa lahat ng iniisip ko ang unang-una kong ginagawa bago ako magsalita inilalagay ko ang sarili ko sa bawat nakikita ko. Inilalagay ko ang sarili ko sa bawat katanungan nais kong sagutan. Huwag mong gawin sa isang tao ang isang bagay na alam mong ikaw mismo sa sarili mo masasaktan sa ginagawa mo. Hindi dahilan ang ugali ng isang tao, Ang lahat ng ginagawa ng isang tao ay hindi ayon sa kanyang pag-uugali kundi ayon sa kanyang pag-iisip. Ginagawa ang isang bagay hindi dahil iyon ang ugali ng isang tao, kundi iyon ang inisip mong gawin kaya ginagawa mo ang isang bagay. Ang ugali ng isang tao ay ayon sa kanyang pag-iisip. Ang tao ay pinapaandar ng sarili nating pag-iisip. Isip ang dahilan ng lahat ng ginagawa mo. Kung hindi mo maisip ang tama at mali.. Kulang ka sa pag-iisip. Hindi mo ginagamit sa tama ang iyong pag-iisip. Dahil kung ginagamit mo ng tama ang iyong isipan, alam mo kung ano ang mali at tama. Inisip mong gawin kaya ginawa mo, pero.. hindi mo inisip kung tama o mali ang gagawin mo.
Sa mga taong nakakasalamuha ko kasama ng lahat ng kaibigan at mga kakilala ko binibigyan ko silang lahat ng layang gumalaw sa nais nila. Bibigyan kita ng laya ng kahit na anong gawin mo o kahit na anong bagay ang gusto mong ipakita sa tao tungkol sa iyong pagkatao. Iniisip ko tao karin na nangangailangan ng kaligayahan, tao ka rin na tulad ko na may damdamin at marunong masaktan. Ano mang kapintasan mo bibigyan ko ng layang ipakita mo.
Iniisip ko na masuwerte pa nga kayo dahil binigyan kayo ng may maayos na kaanyuan, bakit pa kayo mananakit ng kapwa? Nang dahil hindi siya pinalad bahaginan ng kaanyuang tulad mo? Lamang ang kaligayahan mo sa tulad nila dahil pinalad kang magkaroon ng magandang kaanyuaan.. hayaan mo nalang silang lumigaya sa sarili nilang pamamaraan. Ano man ang kaanyuan nating lahat pare-parehas tayong marunong masaktan.

Hindi ako yung taong madaling magtampo or magalit sa isang tao, hindi ako yung tao na komo galit ang kaibigan ko sa isang tao galit narin ako sa taong kinagagalitan ng kaibigan ko, hindi ako mahilig makisawsaw sa galit ng mga taong malalapit sa akin. Hindi ako basta-basta nagagalit sa isang tao hanggat walang ginagawang masakit sa akin hindi ako magagalit sa isang tao.
Hanggat hindi niya sinasaktan damdamin ko walang dahilan para magalit ako sa isang tao, kahit anong kayabangan ng isang tao, kahit nakagawa siya ng kasalanan sa kapwa niya hindi ako dapat magalit sa isang tao. Bakit ako magagalit sa kanya? hindi naman niya ako sinasaktan. Sapat na ba na magalit ka sa isang tao ng dahil lang sa kinaiinisan mo ang mga kinikilos niya? Madalas tinatanong ko sarili ko kung dapat nga ba ako magalit sa taong kinaiinisan ko lang? Dapat ba akong magalit sa taong walang ginagawang kasalanan sa akin? Kung ganyan ang ugali mo.. tanungin mo narin sarili mo kung gaano ba kalalim ang isipan mo. Kadalasan iyan ang nakikita ko sa kapwa ko, galit sila sa taong kinaiinisan nila, galit sila dahil hindi nila nakikita sa isang tao ang mga bagay na inaasahan nila sa isang tao. Kung ako makakaharap mo abot ko na ang lalim ng isipan mo sa pamamagitan ng mga kinikilos mo. Alam ko na kung malalim o malawak ang isipan mo, sa mga tulad mo wala akong panahon para kausapin kita o makipag kuwentuhan sa iyo o walang dahilan para isipin kong mabuti kang kaibigan. Sa simpleng tama at mali hindi mo alam kung tama o mali ang ginagawa natin. Para sa akin ang tinitingnan ko sa isang tao yung meron akong napupulot na kabutihang asal na nais kong gawin sa pangaraw-araw kong pamumuhay. Mahilig ako sa mga may kabuluhang bagay, ayaw kong kausap ang mga taong may mababaw na kaisipan, sa simpleng tama at mali hindi mo alam, paano pa tayo magkakasundo? Ayaw ko rin sa tao yung hindi marunong makitungo sa kapwa na para bang hangin ka na dumaan ngunit hindi maramdaman. Kung ganyan ang mapapansin ko sa iyo hindi na ako magsasalita, hindi din kita papansinin katwiran ko hindi ka kabawasan sa buhay ko, mag malaki ka sa akin ok lang hanggat hindi kita kailangan hindi ako luluhod sa iyo para pansinin mo ako. Kung galit ako sa isang tao hindi ako mahilig magsalita ng patalikod sa mga taong kagalit ko, hindi komo kagalit ko na ang isang tao kung ano-anong paninira ang gagawin ko sa ibang tao tungkol sa iyo, ang katwiran ko lalo lang lalaki ang gulo kong magsasalita pa ako ng patalikod lalo kayong hindi magkakasundo. tahimik akong tao. Ayaw ko lang na meron akong maririnig na galing sa iyo asahan mo huwag mo akong masasalubong na naka-inom tutumba ka sa akin walang salita. Kung dumarating ang araw na may nagagawa akong mali at may mga taong nagagalit sa akin basta kasalanan ko hindi ako babawi ng salita. Hihingi ako ng sorry sa iyo pero may kasamang goldilocks na inireregalo ko sa iyo para mawala ang galit mo sa akin. Kahit anong regalo na kaya kong bilhin gagawin ko para ibigay sa iyo.

May mga araw na hindi natin alam na meron palang tao na nagagalit sa iyo ng hindi mo alam, nagagalit ng hindi mo alam kong bakit, kadalasan ginagawa ko humahanap ako ng araw para makaharap ko siya at iparamdam ko sa kanya ang tunay na pakikipagtao, pinupuri ko siya, pinupuri ko ano man ang kasuotan niyang taglay pupurihin ko, pupurihin ko kaguwapuhan o kagandahan niya pipilitin kong pangitiin siya para mawala ang galit o inis niya sa akin. Asahan mo sa susunod na makasalubong ko siya abot na sa tenga ang ngiti niya sa akin. Iyan ang kahulugan ng.. ''Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.

Hindi ako mahilig manisi ng mga taong nakakagawa ng pagkakamali o ng kasalanan, Inuunawa ko kung bakit siya nakagawa ng kasalanan o pagkakamali. Malawak ang pang-uunawa ko sa mga ganyang bagay. Pagsasabihan ko lang siya sa pagkakamali niya ng isang beses hindi ko na uulitin pag ginawa mo pa hindi na kita kakausapin. Huwag mo ng tanungin kong bakit ako galit sa iyo dahil masasaktan ka na sa mga sasabihin ko, humingi ka nalang ng sorry madali akong ngumiti pag ang tao ay marunong tumangap ng pagkakamali. Hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob sa kapwa kung humingi ka na ng paumanhin sa akin asahan mo ngingiti na ako wala na sa akin ang nakaraan dahil alam ko naman na ang tao ay nagkakamali at nagkakasala din ng tulad ko. Basta marunong kang tumangap ng pagkakamali. Ayaw ko sa tao yung mali na mangangatwiran pa, mahirap ba tumangap ng pagkakamali at hindi mo magawa? bababa ba pagkatao mo kung humingi ka ng paumanhin sa isang tao? Malaki ba mawawala sa iyo at hindi mo magawa? Praktikal akong tao, wala sa katawan ko ang pagiging mainggitin, hindi ko hilig makipagpaligsahan kung anong meron sila dapat meron din ako. Kinukuha ko ang isang bagay na meron ka hindi dahil naiingit ako, kinukuha ko dahil kailangan ko kahit mura o mahal basta kailangan ko kinukuha ko. Hindi ako maluhong tao, kung anong meron kahit mura sapat na sa akin. Hindi ako kumukuha ng gamit upang ipagyabang sa kapwa na mahal ang nabili kong gamit. Kahit hindi na kailangan sa buhay bibilhin para lang maipagyabang na mamahalin ang gamit ko. Huwag mo ng ipakita kung mamahalin ang gamit mo dahil binibigyan mo lang ng kalungkutan ang mga taong walang kakayahang abutin ang mga bagay na kaya mong abutin. Ayaw kong manghiram ng mga bagay na kailangan ko binibili ko basta kailangan ko. Dahil ayaw ko din ng may humihiram sa gamit ko, madamot ako sa gamit dahil minsan ang tao mapagsamantala kahit kaya nilang kunin ang isang bagay umaasa nalang sila sa hiram madali kita mahalata pag ako kaharap mo. Sa gamit madamot ako pero sa pagkain hindi ako madamot, sa lahat ng ayaw ko yung merong napapanisan na pagkain. Pagagalitan kita pag may nasirang pagkain dahil katwiran ko bakit hindi mo nalang binigay sa mga taong nangangailangan kaysa hinayaan mo mabulok at itapon. Pag pinagsabihan ko na ang isang tao at umulit sa maling ginagawa asahan mo masasaktan ka na sa mga salita ko. Ayaw ko minsan ng paulit-ulit na paliwanag. Mapag kumbaba akong tao, hindi ako mahilig makipag paligsahan sa kahit anong bagay o makipagtagisan ng talino basta ibahagi ko nalalaman ko sapat na yon. Huwag mong ipagyabang sa akin na mamahalin ang lahat ng gami mo, huwag mong ipagyabang sa akin na meron ka ng mga bagay na wala ako, tatahimik lang ako kung anong meron ka na wala ako, naniniwala ako na ang panginoon hindi natutulog, naniniwala ako na ang buhay ay parang isang gulong na umiikot. Darating ang araw nasa ilalim ka rin. Hindi ako ang taong mahilig humanap ng kaibigan, ang iniisip ko ang kaibigan ay kusang lumalapit hindi hinahanap. Hanggat gumagawa ka ng mabuti sa kapwa, hanggat marunong kang makitungo sa tao at alam mo kung paano makisalamuha sa mga taong hindi mo kilala at marunong kang makisama sa kapwa mo sila ang lalapit sa iyo para maging kaibigan ka. Sila ang gustong maging kaibigan ka dahil nakikita nila sa iyo ang mga bagay na hinahanap mo rin sa isang tao para maging kaibigan mo. Sa paniniwala ko kapag ikaw ang naghanap ng kaibigan nangangahulugan na alam mo ang hanganan ng pagkatao mo. Ikaw ang naghahanap dahil alam mo na kulang ka sa mga bagay na kailangan upang lapitan ka ng mga tao upang magkaroon ng kaibigan.

Hindi ako madaling maniwala sa sabi-sabi, dahil naniniwala ako na ang sabi-sabi ay parang goma na pwedeng batakin upang lumaki, lumalayo sa tunay na pangyayari. hindi ako madaling maniwala sa sabi-sabi dahil minsan ang tao ay mapagsinungaling. Bago ako maniwala sa mga salita pinapakingan ko ang bawat panig bago ako manghusga kung sino puwede kong paniwalaan kaya hanggat maari ayaw kong magsasalita ka sa akin ng tungkol sa ibang tao hanggat wala kang maipakita sa aking pruweba. Magaang ang puso ko sa mga pulubi, lalo sa mga bata at matatandang pulubi kahit wala akong pangsigarilyo basta may nadaanan akong nagpapalimos binibigyan ko na kaagad, hindi ko pinag iisipan kung miyembro ng sindikato o hindi alam ng panginoon kung sinong tinulungan ko. Ang pagtulong hindi pinag iisipan at hindi rin sapilitan, kung ayaw mo huwag kang magbigay, kung gusto mo magbigay ka huwag ka ng magsalita huwag ka ng mangatwiran huwag kang magbigay malaya ka sa gagawin mo. Madali akong tumanaw ng utang na loob sa isang bagay man o sa kabutihang pinapakita mo sa akin tutumbasan ko ng kabutihan ng higit sa iyong inaasahan, walang hangganan. Madali akong humanga sa isang tao lalot kabutihan ang nakikita ko sa mga kinikilos niya, sa akin man o sa ibang tao ka magpakita ng kabutihan kahit sa anong paraan asahan mo nasa likod mo ako lagi ng hindi mo nalalaman. Mahirap ka man o mayaman basta may paggalang ka sa kapwa mo hahangaan kita. Asahan mo susubaybayan ko buhay mo dahil ibubuhos ko suporta sa mga taong katulad mo. Wala man akong kakayahan sa pinansiyal sa paggalang ibubuhos ko sa iyo lahat ng paggalang ko kahit anong katayuan mo sa buhay.

Iisa ang laging sumasagi sa isipan ko sa araw-araw.

Kahit hindi tayo maging perpekto sa mata ng diyos, pilitin mong maging perpekto ka sa iyong kapwa. Ang lahat ng kabutihan mo sa iyong kapwa may regalong nakalaan at sa bawat kasalanan may parusang nakalaan.

Sa mga gumagawa ng mali sa kapwa.. Hangang anong edad ba ang kailangan para maabot mo ang tamang edad para malaman mo ang tama o mali sa mga ginagawa mo?
Kulang pa ba ang edad mo para masabi mong nasa wasto ka na nga ba ng pag-iisip?

7 comments:

A.M.I.N.A said...

Salamat sa pag share mo about some truths about yourself.Maligayang Pasko!

Anonymous said...

That's definitely you ..lol wag ka lang high blood ha ha h ah ah a
Regalo ko pow .. hinihintay ko pa rin tumataas na ang interest nun... lol merry christmas...muahhhh

gege said...

grabe!!!!!!!

hindi basehan ang edad.

ako alam ko, okei nakoOO.

galing!
nice one!
salamat sa pagiging open!!!
:P

ROM CALPITO said...

salamat sa mga bumisita miss amina same to you ingat gb

@anonymous madalas kumain ng bagoong kaya high blood, regalo? tsup ayan ingat mry xmas

@gege hehe ate gege naisama ko yung edad kc sa edad nating ito di ba dapat nasa husto na tayong pag iisip kung ikumpara natin sa mga bata di ba? pag nasa hustong pag iisip na dapat alam na ang tama at mali ate gege. salamat ha ingatz ka lagi jan.

Dhianz said...

this world would be a better place kung lahat nang tao eh tulad naten.. ahahaha... sinama sarili eh noh... kuya Jetz!... next time habaan moh pah... nakakakaya pa nang powers namen basahin.. wehe... ei... ahlab everythin' that u said... honestly... sometimes akoh i talked too much na nde na minsan may mga nde magandang bagay na lumalabas sa bibig koh... kaya minsan i tried to stay quiet... pero nde ren akoh tipo nang taong naninira nang kapwa... nor sumasali sa gulo nang ibah... even sa work as much as possible i don't wanna hear nor join w/ their drama... trabaho lang... kahanga hanga kang kuya jetz... ingatz lagi.. Godbless! oh yeah.. have a merry christmas... =)

fiel-kun said...

Wee sir Jettro! ang dami kong natutunan about true self. Yung iba, pareho tayo ^.^

Maligayang Pasko po!

Jam said...

Para akong nagsalamin sa mga sinabi mo ah!! Now i understand kung bakit may something in common ang mga entries natin..TC

Photobucket