Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Thursday, 4 December 2008

IKAW ANG MAHAL KO... HINDI SIYA!


IKAW ANG MAHAL KO... HINDI SIYA!

Nakatayo ako sa harap ng aking pinapasukang kumpanya. Ilang sandali ng aking pagkakatayo doon... may napadaan sa harapan ko na isang lalaki at isang babae na nagtatalo. maaring mag asawa o magkasintahan. Pero sa tema ng pag aaway nila napag isip-isip ko na maaring mag asawa itong dalawa na nag aaway.

Habang akoy nakatayo... pinagmamasdan ko ang dalawa. Nakita kong umiiyak na ang babae, para bang...meron siyang pilit na hinihingi sa asawang lalaki, na itinatangi namang ibigay nung lalaki. ( kung ano iyon.. hindi ko na alam ) (lol)
Umiinit ng umiinit ang kanilang sagutan.. ng biglang sinampal nung lalaki yung asawa niyang babae. ( '' gulat na gulat ako nung oras na yon'' )

Tingin ko masyadong malakas yung pag kakasampal nung lalake sa misis niya. Kahit yung mismong babae nagulat sa lakas ng pagkakasampal, hindi na nakuhang magsalita nung babae, yumuko na lang at nakita kong tumutulo ang luha nung babae. ( ''Hindi na rin siguro mapigilang tumulo ang kanyang luha... sa sakit na naramdaman buhat sa kamay ng isang lalaki''. )


Umiyak na lang ng umiyak yung babae. Dahil sa nakita kong kalagayan nung babae... minabuti ko nang nilapitan yung babae, ngunit... tumalikod yung babae at lumakad palayo sa akin. Habang papalayo... hatid ng akingtanaw yung babae, pinagmamasdan ko habang siyay papalayo.
Naiwan ako sa kinatatayuan ko.. pakiramdam ko bwisit na bwisit ako don sa lalaki. Nagawa niyang saktan ang walang kalaban laban na babae.Walang kalakas lakas na lumaban kundi ang umiyak.
Nasa ganon parin akong pagkakatayo... ng biglang nakita ko yung lalaki... bumalik at nagtanong sa akin, kung nakita ko daw ba yung babae kung saan na nagpunta? sagot ko... nakita kong umalis na umiiyak. sinubukan kong kausapin pero... hindi niya makuhang magsalita dahil sa sakit ng pagkakasampal mo.(medyo matalim ang tinig ko sa lalaki )


Kinuwento sa akin ang dahilan ng kanilang pag tatalo.( hindi ko na maibabahagi dito.. baka makarating sa kanila sabihan pa nila akong masyadong tsismoso )
Tinanong ko yung lalaki.. maari ba akong magtanong pare? cge.. sagot sa akin.
Bakit mo sinampal yung misis mo? Kasi napuno na ako eh. ( sagot niya sa akin )

Anong naramdaman mo nung pagkatapos mo siyang sampalin?( hindi sumagot yung lalaki)Sinong may pagkakamali sa inyo? kung bakit kayo nag away?( hindi sumagot yung lalaki )Nagagalit ba yung misis mo kung... wala kang kasalanan? Hindi ( sagot sa akin )

Bakit siya nagagalit? dahil... may kasalanan ka?( hindi umiimik yung lalaki ) Ikaw na ang may kasalanan... ikaw pa ang nanampal. Hindi ka ba naawa sa asawa mo?

Ibinuhos niya ang buhay sa iyo... dahil sa pagmamahal niya sa iyo, tapos sasaktan mo lang. Natatandaan mo ba nung nanliligaw ka sa kanya?

Ilan kayong nanliligaw sa kanya nuong araw? Ikaw ang sinagot, dahil... ikaw ang mahal niya. Sa pag aakala niyang sa iyo siya liligaya. Anong ginawa mo...? Sinampal mo.., hindi mo ba naiisip na maaring nagsisisi na ang misis mo... kung bakit ikaw pa ang pinili niyang sagutin.

Isipin mo...,
Anong sabi sa iyo nuong sinagot ka?
IKAW ANG MAHAL KO... HINDI SILA!

NGAYON.... SINASAKTAN MO LANG!

MAHIWAGANG LAWAY NI KULAS

ANG MAHIWAGANG LAWAY NI KULAS

Matagal ng minimithi ni kulas na matikman ang kagandahan ng anak ng mayor.
Nakiusap si kulas kay pedro na tulungan siya.. kung paano niya maangkin yung anak ni mayor.
PEDRO: Sige tutulungan kita.. pero.. isang kondisyon.
KULAS: Anong kondisyon pare?
PEDRO: bibigyan mo ako ng 20,000 Pesos.
KULAS: Ok cge pangako bibigyan kita..
PEDRO: maglagay ka ng laway sa tasa at ihahalo ko sa lotion nung anak ni mayor

DINALA NA NI PEDRO ANG TASA AT HINALO SA GINAGAMIT NA LOTION NUNG ANAK NI MAYOR.
KINAGABIHAN HINDI NGA NAKATULOG YUNG BABAE SA SOBRANG KATI NG KANYANG BOOBS.. HANGANG KINABUKASAN MAKATI PA RIN!!
NAG ALALA NA SI MAYOR, TINAWAG SI PEDRO.

PEDRO: Bakit po mayor?
MAYOR: May alam ka ba na marunong gumamot sa kati?
PEDRO: Si kulas po mayor! laway lang po ni kulas.. mawawala na ang kati ng anak ninyo!

TINAWAG NI PEDRO SI KULAS..

MAYOR: Sige doon kayo sa kwarto!

NAGKANDA DULING SI KULAS SA ALINDOG NUNG ANAK NI MAYOR..
HALA..! TAAS BABA..! KAHIT MABITAY NA.. ( SA ISIP NI KULAS. )
DINILAAN LAHAT NI KULAS YUNG KATAWAN NUNG DALAGA..
KINAGABIHAN. HIMALA!! NAWALA NGA !! ANG KATI NUNG DALAGA.. NAKATULOG NA NG MAHIMBING.

SINISINGIL NGAYON NI PEDRO SI KULAS TUNGKOL SA NAPAGKASUNDUAN.
TUSO PLA SI KULAS!

KULAS: WALA AKONG PERA!

NAG NGITNGIT SA GALIT SI PEDRO. GAGANTI SIYA KAY KULAS.
KINAGABIHAN KINUHA NI PEDRO YUNG '' BRIEF '' MISMO NI MAYOR.
AT NILAGYAN NG PANG KATI YUNG BRIEF MISMO NI MAYOR.. SA BANDANG HARAP NG BRIEF AT SA LIKOD NG BRIEF SA TAPAT NG BUTAS NG PUWET NI MAYOR.

SINUOT NGAYON NI MAYOR YUNG BRIEF.. KUMATI YUNG KAY MAYOR..
ASAN SI KULAS..!! NYAHAHAHA!

ITUTULOY KO PA BA YUNG KUWENTO......................................?

UNANG PAG-IBIG



UNANG PAG-IBIG

Sa aking pagiisa.. puro na lang buntong hininga ang nagagawa ko.. kadalasan nanghuhuli ng lamok at nagbibilang kung ilan na ang napapabagsak ko "hayyy hirap talaga ang nagiisa ka lang noh? Ang daming pumapasok ng kung anik-anik sa iyong isipan. naisipan ko tuloy magbasa ng mga diary..
hmmmm... medyo interesting pala magbasa.. na-Inspired tuloy akong magbasa ng mga diary ng ibat-ibang tao.
Sa bawat araw na lumilipas.. nagkakaroon ng konting ngiti sa aking mga labi..
dahil unti-unti bumabalik sa aking isipan ang araw na nakaramdam din ako ng pag-ibig.
Napakahirap pala magsulat pag maramdaman mong may kirot parin
habang nirerefresh ko sa memory ko yun mga araw na iyon...

ANG UNANG PAGIBIG KO

Unang buwan ko sa pinapasukan kong paaralan.. isang klasmeyt ko ang nakapagsabi sa akin na.. crush daw ako ng isa sa mga studyante sa pangbabaeng paaralan. Wow naman.. medyo pumapalakpak ang tenga ko ng marinig ko ang balitang iyon. Civil Engineer ang kurso na sinasabing may crush sa akin. Si Grace, Mary grace Matawaran ang pangalan niya.
Sa araw-araw na nagdadaan.. syempre, nagdudulot din sa akin ng konting kasiyahan, dahil ngayon lang din ako nakakadama ng ganito.Sarap pala ng ganitong pakiramdam noh.
Minsan.. nakakaramdamdin ako ng kalungkutan lalo na kung naiisip ko ang stado ng buhay ko... madalas iniisip ko...
Paano kaya kung dumating ang araw na magtagpo ang landas namin?
Ano kaya sasabihin ko sa kanya?
Pakakainin ko kaya sa isang restawran?
Saan kayang restawran?
Ano kayang pwede kong ibigay sa kanya kung magkita kami?

"( Haayyy Bubwelo muna ako ng konti para maituloy ko ang kwento ng unang pag-ibig ko dito sa sinusulat ko... Habang pinapakingan ko itong awit ni Martin Nievera na... "Kahit isang saglit")"

Di nga pala ganun kasimple maghayag lalo kung totoong buhay ang isinasalarawan mo.
If this is just a simple love story na produkto lang ng imahinasyon ko.
baka mas madadalian akong maghayag. Lalo pa alam ko na maraming posibleng makabasa nito. Pero.. I don't care naman kung ano kahinatnan nito.
Maaring may dahilan kaya ginagawa ko ito...nung una para lamang maglabas ng kalungkutan...pero ngayon ko nalaman na possible nga pala ang first love never dies...

Habang lumilipas ang araw.. naisip ko na parang ayaw ko ng makita ang babaing iyon.. pero minsan hinahanap ko siya.. "Sino kaya iyon"?
Lunch break namin.. habang nanonood ako sa mga studyante na naglalaro ng basketball.. may umupo sa bandang harapan ko na dalawang studyante na babae.. nakauniporme, malilinis ang mga kasuotan. Mapapansin mong mga studyante sa mga class na paaralan. Parang lumalakas ang kabog ng dibdib ko na para bang akoy naiihi.(Lol)
Nagdadasal ako.. abot-abot ang dasal ko na sana hindi siya yon. Patay malisya nalang ako.. unang una hindi ko naman kaya ang makipagusap sa mga babae noon. Nagkatinginan kami nung isang babae..hindi ko malaman kung ngingiti ako o hindi. Hindi na lang ako ngumiti.. bahala sila kung anong isipin nila..hindi ko naman sila kilala. Mabuti nga iyon.. mas gusto ko na lang yung wala akong kilala. Pero... parang ang lakas ng kutob ko na siya nayung babae na sinasabi sa akin.

Ang ganda-ganda niya, ang puti niya.
Lalong nagkakulay ang bawat araw ko.. ganito pala ang pakiramdam ng unang pag-ibig. Talo pa ang kahit anong vitamin na iniinom. Samantalang iyon.. isang sulyap lang.. gagana ang lahat ng dugo mo sa katawan.
Isang araw sa paglalakad ko pauwi.. sumabay sa akin yung dalawang babae na nakita ko nung minsan. tumigil ako, na kunwaring maghihintay ng sasakyan pauwi, tumigil din sila sa aking tabi.

Ikaw ba si Ron Ron?
Opo este oo.. nagpakilala yung dalawang babae iyon na si Mary grace Matawaran.
(Parang ayaw ko ng ituloy ang kwento ko)
Parang ayaw kong sirain ang araw ko ngayon.
Ngunit.. kailangang ituloy ko ito naumpisahan ko na.
Ayaw kong malaman na ang taong crush nila.. naglalakad lang pauwi. Nauna silang sumakay.. gustuhin ko mang sumabay sa kanila. Wala akong magawa.. sarili ko nga hindi ko mailibre (lol)
Dumalas ang pagkikita namin ni grace tuwing lunchbreak namin. naguusap kaming madalas, pero.. ni minsan hindi ako nakisabay sa kanila sa pagkain at sa uwian.
Umiiwas akong makasabay siya sa lunch or sa paguwi. Wala naman kasi akong kaya.. walang akong ibabayad.

Nais ko na siyang iwasan, ngunit.. ganito pala ang first love lagi ko na siyang hinahanap. Parang.. sa kanya na umiikot ang mundo ko... parang sa kanya nabuhay ang lahat ng pangarap ko.
Isang araw.. hindi ko namalayan sinundan pala nila ako kung saan ako umuuwi. Nakita ko silang bumaba sa harap ng bahay na tinutuluyan ko, shock ako ng husto.. hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Ayoko silang patuluyin, pero.. nagpilit sila na makita ang bahay ko. Kasubuan na.. pinatuloy ko sila sa isang maliit na kwarto ko alam ko shock din sila sa nakitang kalagayan ko.. Ang taong gusto niya isang katulong lang at walang sahod.. nalaman niya na working student lang ako. Alam ko.. kung anong iniisip nila nung nagpaalam na silang umuwi. Nung gabing iyon.. hindi ako nakatulog. Alam ko iyon na ang huling pag uusap namin.
Napakasakit pala ng ganito.. kung kaylan ka unang umibig.. iyon din ang unang kabiguan mo.

Dito din ako natutong magdasal.. na sana bilisan na ang takbo ng mga araw.. upang malampasan ko na ang ganitong buhay ko..
Gusto ko.. sana sa susunod na iibig ako, wala na ako sa ganitong kalagayan ng hindi ko na muling maranasan ang kaawaan ko ang sarili ko.Nalaman ni grace na ulila na akong lubos, nabubuhay ng mag isa, walang maipagmamalaki, nalaman din niya na naglalakad lang ako pauwi at papasok sa aking paaralan. Sinabi ko sa kanya na kaya hindi ko siya masabayan sa tuwing niyayaya niya akong kumain wala akong ibabayad..

(Hirap naman nito... nag uumpisa nanaman akong lumuha)"pang unawa sa diary.. huhugot muna ako ng isang malalim na paghinga"
Madalas na akong..nagiisa, nalulungkot, ganito na nga ang buhay ko nadagdagan
pa ng hirap ng kalooban.

Ron...
(May tumawag sa akin)
Lumingon ako.. si grace.. tumabi sa aking upuan.. isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat. Lumuluha na ako. Sinabi ko sa kanya... Grace.. ayaw ko man ang ganito kahirap na buhay wala naman akong magagawa, ni wala nga akong matatakbuhan na tutulong sa akin.
Kahit ako.. gusto kong mamuhay ng tulad mo.. gusto din kitang pasayahin sa araw-araw.
Sarili ko nga grace hindi ko makuhang maging masaya.
Si grace.. umiiyak ng mga oras na iyon.. ang sinabi niya sa akin..
Ron... kung makatapos ako.. ikaw ang gusto kong pakasalan.
Sa paglipas ng mga araw.. ako na ang kusang lumayo kay grace. Alam ko.. ayaw man niyang mawala ako sa kanya. pero..mas kailangan siguro niya ang isang tulad niya.

Dala na rin ng kahihiyan ko sa kanya dahil sa kalagayan ko.. humanap na lang ako ng ibang paaralan yung malayo sa kanilang paaralan. Ayoko ng dagdagan pa ang paghihirap ng kalooban ko sa tuwing ako ang kasama niya.
Siguro.. makakahanap na rin siya ng para sa kanya. Kahit wala na kami.. alam ko hindi niya ako makakalimutan. At kung mababasa niya ito. Nais kong malaman niya na hindi ko siya nakakalimutan.
Ang aking unang pag-ibig.
sana.. nagustuhan ninyo ang munti kong karanasan sa pag-ibig. Kung minsan... masakit ang lumayo ng kusa.. ngunit naisip ko hindi ako ang taong nababagay sa tulad niya.
Isarado ko na ang aking diary.

BUHAY OFW



Yesss!! Its friday again Oras nanaman para ituloy ko itong ginagawa kong blog. Kahit may hang over pa deadma lang.. ang mahalaga naibahagi ko sa inyo ang mga bagay na nasaksihan ko kung anong buhay meron ang isang ofw sa ibang bansa.


BUHAY OFW


Noong araw.. pag may nakikita akong dumarating galing ng ibang bansa na namamasukan bilang ofw, talagang maiingit ka. Bakit kamo...biro mo, ang dami kong nakikitang pasalubong sa mga anak, asawa, at kung kangino-kangino pa.. basta mahal sa buhay may pasalubong. Ang sarap noh!


Ang madalas na makatawag ng pansin sa akin yung tao na nagbalikbayan. Ang laki ng alahas sa leeg, ang laki ng singsing, inom dito inom doon. Parang hindi nauubos yung pera nila. Sabi ko sa sarili ko.. sana.. ako din. Sana.. makaalis din ako balang araw.. at makapagtrabaho sa ibang bansa. Tinupad ng nasa itaas ang matagal ko ng minimithi. Ang maging OFW ding matatawag.


Unang destino ko...


JEDDAH , KINGDOM OF SAUDI ARABIA


Ganito pala ang pakiramdam.. " May yabang ng konti ". (lol) Paalis pa lang ako, talagang hindi mo maunawaan ang nararamdaman ko noon. May halong kaba at saya dahil masusubukan ko din ang maging OFW. Pagdating ko sa JEDDAH, may mga pilipino na akong nakikita iniisip ko.. " mayayaman na siguro itong mga pinoy dito ".Nakatawag ng pansin sa akin.. isang pinay nakita kong umiiyak sa isang tabi ng upuan. Hindi ko alam kung lalapitan ko siya o hindi, wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kasama kong pinoy na sumundo sa akin sa King abdulassis International Airport.


Makalipas ang isang buwan.. muling sumagi sa isip ko.. yung pinay na nakita kong umiiyak. Awang-awa ako sa kanya. Iniisip ko.. paano na kaya siya? Ano kaya ang problema niya? Sa konting panahon na nilalagi ko sa aking pinapasukan.. talagang matatawa ka na maiiyak. " Ganito pala ang buhay dito sa abroad".


Lahat ng pagtitiis dadanasin mo.., titiisin mo lahat ng hirap kakayanin mo, lahat ng kalungkutan dadanasin mo ang gutom, tibay ng sikmura, tibay ng isip, tibay ng katawan, lahat na! sus! " hirap din pala.


Pero... masaya din minsan, dahil, makakain mo ang mga hindi mo natitikman sa pinas. Tsk! tsk! tsk! ( Ang pinas talaga.. ) Ang buong akala ko noon.. Maraming pera ang mga ofw. Pagkasahod, ipapadala ko sa mga mahal sa buhay.. pagkatapos.. wala nanaman akong pera. Utang dito, utang doon. Minsan.. nagtsa-tsaga nalang sa mga ukay-ukay sa haraj, mga second hand na damit, sapatos, pantalon, at kung ano-ano pa. Para lang makatipid. Kung minsan sa breaktime namin.. kung nais mong humiga, karton ang higaan at dos por kuatro ang tanging unan. Makapahinga man lang kahit konti.


Kung tinatamad kang magluto.. kakalam talaga sikmura mo... hindi naman lahat ng araw maganda ang pakiramdam mo. Kung oras ng sahod.. mae enganyo kang sumama sa mga kasama mo na mag shopping din ng konti. Kokonti nanaman ang matitira sa sahod mo. Wala ka nanamang alawans sa isang buwan. Minsan.. pinipilit kong mag tipid.. pero.. tinatalo ang isipan ko ng mga nag gagandahang damit,sapatos, bukod pa yung para sa mga mahal ko sa buhay.('' bakit ka nga naman magtitipid.. ngayon mo lang mabibili ang bagay na pinapangarap mo noon. )


Yung isang kasamahan ko... makapal ang buhok niya.. nung umuwi kalbo na (ha ha ha).
Sa tuwing magbabakasyon ang mga kasama ko... isang buwan pa lang, nangungutang na sa kapitbahay. Ang alam ng mga nasa pinas... namumulot ka lang ng pera dito sa ibang bansa. Pabili dito.. pabili doon ''hayyy kung alam nyo lang kung gaano kahirap ang kumita ng pera sa abraod.


Oo may pera sa abroad.. may pera dahil may trabaho ka. Ang katumbas ng lahat ng perang ginagastos ninyo dito sa pinas ay ang kalungkutan at pangungulila namin sa inyo. Dugo at pawis ng mga ofw ang tanging puhunan namin upang mabigyan lang kayo ng kaligayahan.


Ngayon.. nakabalik na ako ng pinas.Tumanda ng konti, walang hanap buhay, wala narin yung kade-kadenang nakasabit sa katawan, wala na rin yung araw-araw na inuman, wala narin yung mga kaibigan na madalas kong pinapainom, naisanla na rin ang mga alahas hangang ngayon.. hindi na makayang tubusin, naiwasan na rin ang araw-araw na pagsasabong, wala na rin ang hiram na kaputian, wala na ang mga ngiti sa labi, sa madaling sabi... wala ng lahat! ang naiwan na lang sa akin... ay ang mga ala-alang minsan namuhay din kaming maginhawa.


Ngayon... nagising na lang ang aking mga mata, andito sa ilalim ng araw naglalakad, naghahanap ng mapapasukan. Sino pa kaya ang tatangap sa akin?


Sa mga makakabasa nito... salamat!


Wala lang pong magawa!


Kung may pagkakamali akong naisulat...


I accept corrections and insults!

MAGALING DAW ANG MGA PINOY

MAGALING DAW ANG PINOY!

Maraming nagsasabi magagaling daw tayong mga pinoy. Halos lahat ng bansa ay nagsasabing magagaling tayong mga pilipino.. kahit sa anong bagay. Sa pagtatrabaho subok at kilalang kilala ang mga pinoy hindi maikakaila na maraming bansa ang nakakakilala sa ating kakayahan.

Kaya naman ang bawat bansa na nangangailangan ng mangagawa.. pinoy ang unang-una nilang kinukuha. Halos lahat na yata ng bansa may mga pinoy at pinay na namamasukan sa kanilang bansa. Noong kasalukuyan pa akong namamasukan sa jeddah saudi arabia, halos 100 porsyento ng mga kompanya ay may mga pinoy kang makikita. Ganon din dito sa bansang South Korea, Japan, malaysia at sa ibat-ibang panig ng mundo.

Sabi nga ng amo ko sa J eddah... saludo talaga sila sagaling at talino ng mga pinoy kung ang pagbabasehan ay ang diskarte sa pagtatrabaho at pakikisalamuha o pakikipag kaibigan sa ibang lahi. Tunay nga na magaling ang mga pinoy at pinay. Hindi lang sa pagtatrabaho sa mga kompanya. Isama na natin ang mga kababaihan na naninilbihan bilang mga domestic helper.

Ganon din sa mga hospital.. nakikita ng mga bawat bansa kung paano mag asikaso sa mga pasyente ang ating mga kababayan.
Minsan nabasa ko sa isang pahayagan sa saudi arabia isang manunulat sa pahayagan ang nagsabing... paano ang mundo kung walang mga pilipino workers? (Galing no)
Iniisip ko yung nabasa kong iyon. Isang arabo ang kumikilala sa ating kakayahan. At nag aalala kung paano na nga naman sila kung wala tayo?

Hangang sa mga sandaling ito... ilang taon na ang nakalilipas mula ng mabasa ko ang pahayagang iyon. Hindi pa rin maalis sa aking isipan.

Bakit ang pilipinas?
Hinahayaan nila tayong umalis sa ating bansa gayong mas higit nila tayong mapapakinabangan.

Bakit hinahayaan ng ating bansa.. na ibang bansa pa ang nakikinabang sa ating kakayahan?
Bakit ang ibang bansa pa ang kumikilala ng ating kakayahan?
Kung talagang magaling tayong mga pinoy...
Bakit ang sarili nating bansa hindi natin maiayos?
Bakit ang pilipinas naghihirap?
Bakit ang pilipinas napag iiwanan na ng ibangbansa sa asia?
Bakit ang pilipinas ang sinasabing pinakamaraming basura na nakikita sa lansangan kontra sa ibangbansa lalong lalo na dito sa asia?
Bakit hindi kayang iangat ang pilipinas?
Gayong... puro pilipino ang humahawak?
Bakit tayo naghihirap?

MAGALING NGA BA TALAGA ANG PINOY?
Photobucket