Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Thursday, 30 July 2009

SINO ANG DAPAT

Nakatangap ako ng tawag mula dito sa katabing kuwarto ko
Pare! labas tayo mamaya (sabi sa akin ng kasama ko)
Asan ka ba? (tanong ko sa kanya}
Andito lang ako sa kuwarto ko
Buwisit ka! andiyan kalang pala patawag-tawag ka pa!
!
Kumain kami sa labas, siyempre medyo tumagay-tagay
narin kami ng konti. Habang tumatagal gumaganda ang
kuwentuhan namin ng kasama ko, marami kaming
napag usapan hangang nai kuwento niya sa akin na
tumawag daw sa kanya yung isang teacher na kumpare niya
na.. nakikiusap na kung pwede mag donate daw siya ng mga
upuan na gagamitin sa mga pagtitipon sa paaralan.
Nagpadala itong kasama ko ng halagang 7000 pesos
doon sa kaibigan niyang teacher. Sa dating ng kanyang
pag kukuwento sa akin medyo pinagmamalaki niya sa
akin na nakatulong daw siya sa mga guro.
Sabi ko naman... ok din yang ginawa mo at least nakatulong ka
(sabi ko sa kanya). nasa ganon kaming pag uusap
maya-maya nag ring ang kanyang cellphone tawag galing
ng pilipinas. Sinagot niya yung tumawag, ang narinig ko
sa sinabi niya sa kabilang linya,
"-Wala akong pera ate
ang dami ko pang utang dito na binabayaran
pag nakaluwag nalang ako ha''. cge tatawag nalang ako sa inyo
pag nakaluwag na ako. bye!
Pagkatapos nilang nag usap tinanong ko kung sino yung
tumawag, sabi niya kapatid daw niyang babae, wala daw
trabaho yung bayaw niya konstraksyon lang daw
ang trabaho ng kanyang bayaw sa pilipinas, may limang
anak. wala na daw silang pangbili ng bigas.
!
Nang akoy andito na sa kuwarto ko nakahiga iniisip
ko yung narinig kong pag uusap ng kasama ko at nung
kapatid niyang babae at yung kinuwento sa akin ng
kasama ko tungkol sa pag bigay niya ng halagang
7000 pesos sa taong hindi niya kaano-ano.
!
Masyado akong napapailing, sino ba ang dapat na tulungan?
Yun bang mga taong may kakayahang bumili ng sariling
gamit o yung mga taong mas nangangailangan ng iyong
tulong. Dapat bang unahin yung mga taong naging kaibigan
mo lang o yung mga taong karugtong ng iyong laman at dugo.
Alam naman natin ang mga taong nasa paligid natin ang totoong
naghihirap. Totoo kaya ang pagbibigay mo ng tulong
ay nangga-galing sa iyong puso?
Sino ba ang dapat na tulungan?
!
Ayaw kong pangunahan ang bawat isa,
ayaw kong husgahan ang aking kapwa
pero sana... bago ka tumulong unahin muna natin
ang mga taong naghihintay ng iyong tulong.
Unahin muna natin ang mga taong mas higit nating tulungan.
!
Sino ba ang tutulong sa iyong mga kapatid?
Sino ba ang pwedeng lapitan ng iyong mga kapatid?
Nagsasaya na ang mga taong binigyan niya ng tulong
pero.. ang sarili niyang kapatid umiiyak dahil
wala ng makain.
!
SINO BA ANG DAPAT NATING TULUNGAN?

Wednesday, 29 July 2009

MATUTO KANG LUMAKAD


Habang ako ay nagiisa dito sa kuwarto ko na puno na ng
usok ng sigarilyo, ang layo ng nararating ng aking isipan
madalas.. ito ang ginagawa ko kaysa lumabas
habang akoy nangangarap, sinasariwa ko ang mga
ala-alang ginagawa ko noon at mga bagay na gusto ko
pang gawin. May mga bagay na gusto kong gawin ngunit
parang ang hirap gawin, parang... pinanghihinaan na
ako ng loob, parang ang hirap gawin.
Kung kaylan ako tumanda ng ganito
Kung kaylan mas malawak ang isipan ko
dito pa ako parang susuko.
Samantalang ang isang musmos na bata na nag aaral
pa lamang na tumayo, wala pa sa tamang pag iisip
nandon ang determinasyon niyang matutong tumayo
kahit bumagsak tatayo at tatayo parin kahit nag iisa.
kahit masaktan sa kanyang pagkakabagsak hindi sumusuko
hangat hindi natututong tumayo. Kahit wala ka sa kanyang
tabi hindi siya naghihintay kung kaylan mo siya gagabayan.

Sa bawat pag bagsak masaktan man ng bahagya umiyak
man ngunit hindi sumusuko.
Mapagtagumpayan man niyang tumayo, magsisimula
naman siyang humakbang upang lumakad para sa
panibagong hamon ng buhay. Ang buhay ng isang musmos na bata
ay punong-puno ng pagsubok. Ano mang hirap,
ano mang sakit ng pagkakadapa tanging iyak lang
ang sandata upang mailabas ang sakit na
naramdaman sakanyang pagkakadapa.
They never waited too long
to give it another shot.

Kung ating iisipin, hindi mo mabibilang kung ilang beses
siya bumagsak, kung ilang beses madapa. Pero...
Hindi sumusuko.
Ikaw pa kaya na nasa wastong pag iisip ang madaling sumuko?
Tulad natin kahit madapa tayo sa unang pagsubok
huwag tayo mawalan ng pag-asa
Lahat tayo kahit maka ilang ulit tayong
madapa pilitin nating tumayong muli upang harapin
kahit anong dami ng pag subok. Kahit makailang
beses tayo bumagsak.
!
If you can learn to walk there are many other things
that can be achieved in life.
!
Ang isipin natin...
!
KATULAD DIN ITO NUONG TAYOY NATUTUTONG
LUMAKAD.
WALANG KALIGAYAHANG MAKAKAMIT SA
PAGKAKADAPA,
ANG KALIGAYAHAN AY NASA MULING PAGTAYO

SA BAWAT PATAK NG LUHA
MAY NGITING KATUMBAS.
!
!
DITO MUNA KAYO...
MAG CR MUNA AKO
MAWAWALAN DAW NG TUBIG MAMAYA
LAKING PROBLEMA PAG WALANG TUBIG
MINSAN KASI GUMAMIT AKO NG TISSUE
KASO NABUTAS.
YUNG DALIRI KO TUMUSOK

Tuesday, 28 July 2009

SALAMIN


Kapag humaharap tayo sa salamin
Kitang-kita natin ang kabuuan ng ating sarili
ang ating panlabas na kaanyuan.
Pero minsan kahit nakaharap tayo sa salamin hindi
natin nakikita ang tunay na katauhan natin.
Kahit tayo sa ating sarili, hindi natin nakikita ang ibang
bagay na meron tayo sa ating pagkatao.
May mga ugali tayo na alam natin minsan na nakakasama
sa iba pero... ginagawa parin natin.

Minsan makikita mo lang na masama kung...
nakita mong ginawa ng iba, dito mo masasabi na
nagagawa ko din minsan ang ganoon.
Masasalamin natin ang sarili natin sa katauhan ng iba.
Makikita mo ang sarili mo sa mga taong nakakasalamuha mo
Kung ano ang nakikita mo sa iba iyon ang nag
re-reflect sa pagkatao mo.
Kung ano ang ginawang mabuti ng isang tao,
nagagawa mo rin. Sa kanila mo nakikita kung ano ang
tunay na pagkatao mo.
Madalas kapag may nakakausap ako tinitingnan ko
kung ano ba na meron siya sa sarili niya na wala ako.
Tinitingnan ko din kung ano ba na meron ako sa sarili
ko na wala din siya. Minsan.. napapangiti ako sa sarili
ko kung may makita ako na malaki ang kaibahan ko sa kanila
Tulad sa mga kaibigan ko, madali silang magalit kung may
mga bagay sila na hindi nila agad magawa,
dito ko nakikita ang sarili ko na hindi ako ganoon
May mga bagay naman na maganda sa ugali nila
ang siya ko ring kinukuha mula sa kanila.

Ngayon... Kung ano man ugali meron ako dahil
ito sa mga taong nakapaligid sa akin.
Sa kanila ko nakita kung ano ang mali at tama sa aking ugali
Sila ang naging salamin ng aking pagkatao.





Sunday, 26 July 2009

MALASAKIT


Sa araw-araw ng pakikisalamuha ko sa mga tao
Pakikipag usap sa mga kaibigan,kakilala at kung sino-sino pa
Hindi ko maalis sa aking isipan kung ano ba ang pagkakaiba
ng bawat isa. Yun bang masasabi natin na ang pagkakaiba
mo sa kanila, yung mahirap gawin ng isang tao.
Pagkakaiba na.. mahirap kalimutan ng isang tao sa iyo.
May mga bagay na masasabi mo na madaling gawin
sa salita ngunit mahirap ng gawin kung tayo na ang gagawa.
Marami ang nagsasabi na.. hindi lang ang kaibahan nila sa atin
ay ang pagiging mapera nila, marami silang
award na natangap sa paaralan, may mga diploma sila.
Mas higit ang kaibahan mo sa kanila
kundi ang....

Magbigay ng "MALASAKIT"
!
Ang pagbibigay mo ng malasakit sa
kapwa ang pagkakaiba mo sa kanila.
!
To make a difference to others, care for them.
!
Yan ang magiging kaibahan mo sa kanila.

Thursday, 23 July 2009

HAPPINESS


Ano ba ang tunay na kaligayahan?
Paano ba ang maging maligaya?
Bakit yung may pera nakakaramdam din ng kalungkutan
Naniniwala ako na makakaramdam ka ng tunay na kaligayahan
kung gumawa ka ng mabuti sa kapwa
Makakaramdam ka rin ng tunay na kaligayahan
kung sinuklian ka din ng kabutihan ng iyong kapwa.

Naalala ko nung minsan akong nagbakasyon sa pinas
nakatambay ako sa harap ng aming tahanan
nagmamasid sa mga nagdadaan
Nakita ko ang mag lola na dadaan sa harapan ko
akay ni lola ang apo niyang babae na nasa anim
na taong gulang. Habang padaan sila sa harapan ko
may dumaang natitinda ng sorbetes habang naglalakad
ang mag lola kinakalabit nung bata ang kanyang lola nagpapabili ng
sorbetes ngunit dahil sa kahirapan ng buhay hindi maibili ng lola
ang kanyang apo ng sorbetes. Narinig ko ang sinabi ng matanda sa
sa kanyang apo. Wala tayong pera apo, yon lang at tumahimik na yung
bata. Tinanong ko yung lola,
Bakit po lola? (sumagot yung matanda) Itong apo ko nagpapabili
ng sorbetes wala naman kaming pera, birtdey pa naman niya
ngayon, Masyado akong nadala sa sinabi ni lola, sa halagang
limang piso wala siya sa bulsa, samantalang yung iba hindi malaman
ang gagawin kung saan gagastusin ang pera. Tinitingnan ko yung
mag lola habang papalayo, sobra akong naawa sa maglola
Tinawag ko yung nagtitinda ng sorbetes. Pare magkano yang
sorbetes mo? limang piso kuya, walong piso kung kasama tinapay
Magkano lahat yang sorbetes mo kasama tinapay?
350.00 kuya 300 na lang para sa iyo. Sige, nakikita mo ba yung
mag lola na naglalakad? (tanong ko sa nagsosorbetes) oo kuya,
Sundan mo at ibigay mo sa kanila yang lahat ng sorbetes mo birtdey
nung bata, eto yung bayad 400,00 yung isang daan ibigay mo
dun sa bata ha! oo kuya! Natuwa ang buong pamilya nung bata
nakatikim pati mga kapatid at magulang nung bata
kahit ang mismong nagtitinda ng sorbetes ay natuwa sa aking ginawa
kasama ng halos lahat ng kapitbahay nung bata natuwa sa aking
ginawa, kinahapunan bago magtakip silim inimbitahan ako ng
ama na bumisita sa kanila at pinaghanda ako ng tinolang manok
gusto nila akong makita, gusto nila akong makilala kasama ng
kanilang mga kapitbahay. Ang sarap sa pakiramdam kapag
sinusuklian ka ng kabutihan at paggalang.

When you make someone happy, you become happy,
and then people try to make you happy.

Habang akoy nabubuhay hindi nila makakalimutan ang
nagawa ko sa kanila.

Many people balieve that the path to happiness is by doing
for others.

Treat people the way you want to treat you

ANG KALIGAYAHAN AY NASA ATING PUSO

Saturday, 18 July 2009

KABANATA


Sa bawat kuwento ng ating napapanood, nababasa meron yung
tinatawag nating "KABANATA". At sa bawat kabanata ay may
kanya-kanyang nilalaman. Merong malungkot at meron din yung
masaya. Tulad ng kuwento ng ating buhay, minsan malungkot, masaya
masalimuot punong-puno ng pakikibaka maraming pagsubok na
pinagdadaanan laging nakikipagsapalaran sa hamon ng buhay.

Sa buhay nating lahat, meron tayong limang kabanata

UNANG KABANATA
Ito ay nuong tayo ay nasa murang edad ang panahong tayo ay nasa
pagkabata. Ito ang isa sa masasabi kong pinaka masayang parte ng ating
buhay. Walang problemang iniisip, walang inaatupag kundi ang maglaro
ng maglaro. Malayang-malaya sa kilos, walang pumipigil kahit saan dalhin
ng isipan, malayo ang nararating, walang iniintindi kundi ang gawin ano
man ang maibigan kasama ng iba pang kalaro. Takbo dito, takbo doon,
laro dito, laro doon, tawanan, habulan at kung ano-ano pa. Uuwi ka lang
kung hihingi ng pera sa nanay pag nabigyan na takbo nanaman ang saya diba?
PANGALAWANG KABANATA
Ito yung dumating ka na sa pagkabinatilyo
kung saan dito ka makakaranas ng pirst lab he he he
kahit nabawasan na ang konti mong kasiyahan kung ikukumpara
nung ikaw ay bata pa. Dito ka makakaramdam ng konting sigla at kaligayahan
na iba sa kasiyahang naramdaman mo nung ika'y bata pa lamang.
Dito mo makikita ang unang magpapatibok ng puso mo
Mas nakakakilig dito, medyo eksayting ng konti bagamat medyo
lumiit na ng konti ang mundo mo dahil ang gusto mo andon ka lagi
nag papatsarming sa unang iniibig mo. dito ka natutong mag ayos
ng konti sa sarili at dito ka narin makakaramdam ng konting problema
lalo sa mga kalalakihan dahil problema sa pang date.
Dito din makikita ang maaksyong parte ng buhay mo, andiyan yung
pagiging basagulero mo. Uuwi ka lang kung kakain pagkatapos
tambay uli kasama ng mga kaibigan, andiyan din ang luto-lutuan
Eto ang panahong nasa edad na tinatawag na high school life.
Masaya din dito di ba?
PANGATLONG KABANATA
Dito ka na pumapasok sa pagkadalaga at pagkabinata.
Dito ka na makakaramdam ng tunay na pag ibig
at dito ka narin matututong humalik (wow, eto ang gusto ko dito)
Dito mo mararanasan ang tunay na mag mahal at sarap ng may
minamahal at ng may nagmamahal. Kahit hindi mo pa nakikitang
may pag tingin siya sa iyo.. ang mahalaga umiibig ka sa kanya.
Dito na lalong lumiit ang mundo mo dahil wala na sa isipan mo ang
maglaro tulad ng ginagawa mo noon. Patambay-tambay ka na lang
sa tapat ng tahanan ng napupusuan mo, pa tsarming ng konti sa kanya
Dito narin mag uumpisa ang maraming problema,
Problema sa pagibig, sa perang pang date at problema ka narin
ng mga magulang mo dahil puro ka nalang hingi ng pera pang toma
at pera pang date at pera panonood ng sine at pera pang tong-it.
At dito ka narin pagsasabihan ng mga magulang mo
"Puro ka pera!!" "MAGHANAP KA NA NG TRABAHO!!" (Paktay
ka na dito) Kailangan mo ng pera pang date dahil kung hindi mo
mai-date ang kasintahan mo hindi ka makakahalik haha
PANG APAT NA KABANATA
Dito ka na nagkaroon ng sariling pamilya
Dito na lumiliit lalo ang mundo mo dahil kailangang asikasuhin
mo na ang pamilya mo bagamat andiyan parin yung patambay tambay ng konti
ngunit kailangan mo ng humanap ng mapapasukan upang may
may maipakain ka sa pamilya mo. Hindi na pwede yung puro tambay
ka nalang kailangan mo ng magbanat na ng buto
Andito narin ang sang damakmak na problema, dito ka na
rin makakaranas kung paano ang umiyak na hindi mo
masyadong naranasan nuong ikaw ay binata pa
lamang kaakibat na dito ang sari-saring problema.
problema sa pera, problema ng walang hanapbuhay
problema sa pagkain sa araw-araw, sa pagpapaaral
at problema sa tahanan kung paano kayo magkakaroon
ng sariling tahanan. Bagamat makakaramdam
ka rin ng kaligayahan dahil kapiling mo ang iyong pamilya.
HULING KABNANATA
Ang buhay natin sa pagtanda
Ito yung halos hindi mo na magawa ang lahat ng nagagawa
mo nung ikaw ang malakas pa. Hindi mo na kaya ang mabibigat
na trabaho, hindi mo na kaya ang maglakad ng malayo,
hindi mo na halos kaya ang tumayo sa pagkakaupo,
hindi mo na kaya ang uminom ng alak, nagkakasya ka nalang
sa mainit na kape, puro gamot at puro multi vitamin
nalang ang laging iniinom mo.
Halos abutin ka ng hapon sa pagkakaupo mo
nakukuntento ka nalang isipin ang lahat ng nakaraan mo
ang lahat ng pinag gagawa mo nung ikaw ay bata pa
wala narin ang gilas ng kilos at pangangatawan mo
wala narin ang mga ngipin sa harapan mo
napapa ngiti ka dahil nuon pag nakakita
ka ng kalbo sinisigawan mo ng panot
ngayon nagagalit ka pag tinatawag kang panot
Halos mapa iling ka pag humaharap ka sa salamin
nakikita mong puro kulubot na ang iyong balat
Dito mo sasabihing "MATANDA NA AKO"
ETO NA ANG HULING KABANATA NG BUHAY KO
"PAANO KAYA ANG MAMATAY?"


Inaanyayahan ko po na mag join ang lahat
dito sa bagong site na tahanan ng mga pinoy
aroung the globe
mag register po tayo
eto po yung link
http://s1.zetaboards.com/TahananNgMgaPinoy/index/


Sunday, 12 July 2009

BE THANKFUL


Dumarating sa buhay natin ang minsan na nababagot
tayo sa ating sarili, sa ating mga ginagawa sa araw-araw
at kung minsan nababagot tayo sa kung ano ang meron na sa atin.
Hindi na tayo nasisiyahan sa mga bagay na meron tayo.
Naghahanap tayo ng iba na mas bago sa ating paningin
bago sa ating panlasa, bago sa dati nating ginagawa.

Likas sa atin ang hindi makontento
kung ano ang meron na tayo
para bang hindi tayo nasisiyahan.

Sa tagal na ng aking paghahanap buhay
marami na akong naging kasama na lumagpak
dahil sa paghahangad ng mas malaki
Hindi makontento sa tinatangap niyang suweldo
naghanap ng mas malaki
hangang sa nagsisi sa huli dahil wala ng
tumangap na kompanya
nagsisi dahil sa paghahangad ng mas malaki
Matuto tayong tumangap kung ano ang nakamit natin
matuto tayong tumangap kung ano ang narating natin
Ipagpasalamat natin dahil meron ka ng hanapbuhay
samantalang yung iba,
naghahanap pa ng mapapasukan

Ipagpasalamat natin dahil nasa ibang bansa
ka naghahanap buhay,
samantalang yung iba
nangangarap pa lang mag abroad

Kumakain ka na ng masarap
samantalang yung iba halos walang makain

Ayaw mo ng kainin yung natirang pagkain
at itatapon mo dahil gusto mo yung bago sa panlasa mo
samantalang yung iba, namumulot na lang ng makakain.

May mga gamit ka na
mas gusto mo pa yung mas mahal na gamit
para lang masabi mo sa mga kaibigan mo
na mahal ang mga gamit mo
samantalang yung iba
nangangarap magkaroon kahit mura
lang basta may magamit

Hindi tayo magiging masaya kung
hindi mo pinapahalagahan kung anong
meron ka ngayon at kung ano ka ngayon

Lagi nating isaisip na hindi lahat ng bagay
na meron sila, kailangang meron ka rin
binibigyan mo lang nang pagkakataon ang sarili
mo na maging matampuhin at
maging maingitin.

Try to keep a good attitude

"BE CONTENTED"
sa lahat ng bagay na natatangap natin


"LEARN TO ENJOY WHAT YOU HAVE"

Thursday, 9 July 2009

RESPECT

Nagkita kami ng isa sa iginagalang kong kaibigan kahapon
Marami kaming napag usapan,
Isa sa mga kinuwento niya sa akin ang sobrang
ikinatuwa ko, hangang sa pagtulog ko
napapangiti ako kapag naiisip ko yung isang
kwento niya sa akin, tungkol sa salitang
"RESPETO"
Maraming paraan para maipakita natin ang ating
respeto. Respeto sa mga parents natin, sa kapatid,
Respeto sa kausap, respeto sa matanda at kung
minsan kailangang irespeto rin natin ang nakababata sa atin.
Nais kong i-share sa inyo ang narinig ko mula sa aking kaibigan.

Isang bata ang pumasok sa isang restawran
Lumapit sa kanya yung isang waitress
Tinanong yung bata kung anong gustong kainin
Sumagot yung bata
Magkano yung Ice cream ninyo? yung flavor of the month?
35 pesos (sagot ng waitress)
Binilang nung bata yung barya niya,
kaso medyo kulang yung barya nung bata.
(nagtanong uli yung bata) "meron po ba kayo yung medyo mura lang
na ice cream?"
Meron, 25 pesos (sagot nung waitress)
Binilang uli nung bata yung barya niya, kulang parin
habang nagtatanong yung bata sa waitress sumisigaw na
yung ibang costumer sa waitress, hangang sa isang babaeng medyo
may edad na ang lumapit sa waitress at pasinghal
na sinigawan yung waitress
"Ano ba aasikasuhin mo ba kami o hindi!"
Nakikiusap yung waitress na "sandali lang po mam kasi
nauna po kasi itong bata.
Dahil sa pinakitang paggalang ng waitress sa isang bata
na tulad niya,
inabot na lang nung bata ang lahat ng baryang hawak niya
"Ate... bigyan mo nalang ako ng ice cream na abot ng
halaga ng baryang iyan.
Patakbong sumunod yung waitress na kumuha ng ice cream
na kasing halaga ng inabot nung bata.
Bago lumayo yung waitress sa bata tinanong nung
bata yung tunay na pangalan nung waitress
Pag katapos lumapit na yung waitress sa ibang
costumer na nagmamadali
Nung matapos kumain yung bata ng ice cream
tumayo yung bata merong iniwan na munting papel sa
ibabaw ng lamesa
Pag balik ng waitress sa lamesa nung bata para iligpit
ang pinagkainan nung bata nakita nung waitress
isang checke na nagkakahalaga ng 100,000 pesos na
nakasulat sa pangalan niya ang iniwang tip nung bata sa kanya.
Humaguhol ng iyak ang abang waitress
Ang batang naging kustomer niya anak pala ng isang milyonaryo
na may sariling account.
Isang gantimpala ang natangap niya sa respetong pinakita niya
sa isang bata na.. kahit ikaw siguro mismong nagbabasa ay hindi mo
magawang gawin.

Isang uri ng respeto sa kausap, respeto sa costumer
at respeto sa bata ang pinakita ng waitress dito sa aking kuwento.

IPAKITA NATIN ANG RESPETO MO SA KAPWA
TULAD NG PAGRESPETO NATIN SA ATING SARILI

Thursday, 2 July 2009

BE PATIENT


Minsan nakakagawa tayo ng isang bagay na hindi natin napipigilan.
Mga kilos na padalos dalos, hindi muna nakakapag isip bago gumawa ng isang bagay na makakasakit
sa salita man o sa gawa lalo na kung umiiral na ang galit
hindi na nakakapag pasensya.
Isang lalaki ang bumili ng isang sasakyan,
giliw na giliw siyang pinagmamasdan ang nabili niyang sasakyan,
isang araw naglalaro ang anak niyang babae na anim na taong gulang,
may hawak na isang dipang kahoy ang anak niyang babae,
sa hindi inaasahang pangyayari dala ng kalikutan ng isang bata
nagasgas ng bahagya ang bagong sasakyan ng ama
agad na nilapitan ng ama ang kanyang anak
at ipinalo sa anak ang hawak na kahoy,
dahil bata... isinalag nung anak na babae ang kanyang kamay sa pamalo,
nahagip ng kahoy ang dalawang daliri ng bata,
nabali ang buto ng dalawang daliri ng bata,
iyak ng iyak yung bata dahil sa sobrang sakit na naramdaman,
agad namang isinugod ng ama sa hospital ang kanyang anak.
Agad na ginamot ng doctor ang nadurog na buto ng daliri nung bata,
nang magkamalay yung bata at nagising na may luhang tumutulo sa kanyang mata,
masuyong nagsalita yung bata...
"Papa im sorry nagalusan ko yung sasakyan mo"
"Papa... maibabalik pa po kaya yung daliri ko sa dati?"
Umiiyak na yung anak niyang babae
"Papa hindi ko na po maigalaw itong mga kamay ko"
Masuyong niyakap ng ama ang kanyang anak,
Ang kanyang anak na nasaktan na niya ang siya pang humingi ng sorry sa kanya.
Halos manghina ang ama sa sobrang pagsisisi.
Sana... Mag isip muna before you lose your patience with someone you love.
Think before you act, be patient, understand & love.
Ang bagay na nasira sa sasakyan madaling palitan.
Pero... ang bahagi ng katawan na nasira
habang buhay dadalhin ng kanyang anak.
Photobucket