Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Sunday, 7 June 2009

KAHIRAPAN





Kapag nakakarinig ako ng mga ganitong music hindi ko maiwasan ang maalala ko ang aking nakaraan, yung time na naghihikahos kami sa buhay. Naaalala ko ang nanay ko na sinisigawan ng kapitbahay naming pinagkakautangan namin sa tindahan. Dinig na dinig ko kung paano nila pagsabihan ng masasakit ang nanay ko. Nang dahil lang sa konting halaga.. kumain ang nanay ko ng sandamakmak na mura. Kitang kita ko umiiyak ang nanay ko sa aming tahanan. Hirap na hirap ang kanyang kalooban, ano nga ba ang lakas ng isang naghihikahos kundi ang kainin ang lahat ng kahihiyan. Ako bilang isang anak napakahirap at sobrang sakit sa aking damdamin ang makita ko umiiyak ang nanay ko. Tiniis lahat ng nanay ko ang mga masasakit na salita hindi naman niya pinagsisihan ang kanyang ginawa umutang siya ng dahil sa amin, umutang siya para ipakain sa amin. Hngang ngayon lumuluha ako pag naalala ko ang mga sinabi sa akin ng nanay ko noon, ang sinabi sa akin ng nanay ko.. ''Anak... hindi masakit sa akin ang alipustahin nila ako.. ang masakit sa akin yung makita ko kayong walang makain anak'' umiiyak nanay ko noon. ''kaya ikaw anak pag lumaki ka huwag mo akong pababayaan ha? tatangapin ko ang lahat ng mga masasakit na salita nila... ang pabayaan mo ako.. iyon ang hindi ko matatangap''. ''Opo inay" umiiyak akong niyakap ko nanay ko sa awa ko sa kanya. Iba ang pagmamahal ng isang ina, walang katumbas na pagmamahal. Minsan tinatanong ko sarili ko ''bakit meron pang naghihirap? ''bakit hindi nalang lahat mayaman?.

Maraming araw na sumasablay din kami ng pagkain, maraming araw na halos kamatis lang ang ulam namin, mahirap ang maging isang mahirap, lahat ng pagtitiis lahat ng paghihirap, lahat ng sakit ng kalooban dadanasin mong lahat. Lahat ng kahihiyan lahat ng kalungkutan, lahat ng gutom, lahat ng luha iluluha mong talaga. Pero ng dahil sa aming kahirapan dito nabuo ang tunay kong pagkatao, natuto ako kumilos ng maayos, dito ako natutong maging maunawain, dito lumawak ang aking isipan, dito ako natutong mag plano kung ano ba ang aking magiging bukas at dito ako natuto kung paano ang umunawa sa kapwa.

13 comments:

tonio said...

unahan ko na parekoy!

tonio said...

naranasan ko rin mga naranasan mo, nakita ko rin lumuha ang aking ina dahil sa kapabayaan ng erpat ko (pero ano mang pagkukulang ni erpat nailibing ko na sa limot yun, kasamang nailibing noong sumakabilang buhay na sya -napatawad ko na sya.) mahirap kapag nakikita mong nahihirapan ang magulang, gusto mong tumulong pero dahil estuyante pa lang ako noon kaya gusto ko mang tumulong pinansyal pero wala akong magawa.

ganda ng poste mo parekoy...

JETTRO said...

hahaha cge lang parekoy salamat napanood mo ba yung video?

Korek ka parekoy mahirap makita nating umiiyak sa harapan natin ang ating ina, matitiis kong saktan ako sa katawan ang hindi natin matiis yung sila ang umiiyak.

wala na erpat ko nung time na yon.. kung may time ka parekoy meron pa akong post diyan ang title ANG AKING INA at SULAT NG ISANG INA (SA ANAK NA NASA ABROAD)
Baka madurog ang puso mo don parekoy. thanks

SEAQUEST said...

na-touch ako kc related sa pagkato ko eh, and totoo tumatatag tayo kapag nakaranas ng mga bagay na yan, anyway wag lang natin kakalimutan kung san ang aing pinagmulan upang mas lalo pa tayong umunlad..GODBLESS...and more perseverance,...

HARI NG SABLAY said...

parepreho pala tayo nina mamy villar nanggaling sa hirap,lols

nransan ko din ang gnyang buhay. 18yrs old palang kasi erpats ko nung isinilang ako,walang wala kami nun. dhil sa pgtyatyaga napatapos niya ko ng pgaaral.

mswerte tayo nranasan natin pano ang mging mhirap.

poging (ilo)CANO said...

nakarelate ako sa wento mo parekoy. naranasan ko rin kasi ang naranasan mo. mahirap ang buhay, pero dahil dun, natoto akong lumaban para malagpasan ang kahirapan.....

Bingkay said...

Maswerte pa rin tayong dumaan sa kahirapan dahil mas nauunawaan natin ang mga mahahalagang aspeto ng buhay na hindi kailanman mauunawaan ng mga taong lamang sa pera at pamumuhay. Itong mga hirap at pasakit na pinagdadaanan natin ang humubog, o' huhubog sa'ting pagkatao.

Mas kahiya-hiya ang mga taong lamang sana sa pinansyal na aspeto at ari-arian, kulang naman sa pagmamahal at pag-unawa sa kapwa. Mas "mayaman" pa rin tayo sa kanila.

Maswerte ka rin. Napakadakila ng iyong nanay :)

JETTRO said...

Totoo po lahat yang mga sinabi ninyo sa mga nbasa ko sa mga phayag ninyo medyo nata touch nnman damdamin ko tama yung cnabi ni seaquest huwag mkalimot sa pinagmulan para alam kung saan patungo. sabi nga ni parekoy hari ng sablay maswerte rin tyo dahil naranasan na natin ang naging mahirap totoo yan parekoy alam na ntin ang mging mhirap. sabi nga ni miss bing alam na natin ang mga mhahalagang bagay sa buhay alam na natin na ang bawat aspeto may kahulugan alam na nating pahalagahan.

Ang gagaling nyo naman may kanya-kanya kayong paliwanag na tumatama sa reyalidad ng buhay.

JETTRO said...

hirap din ng ganong kalagayan parekoy pogi totoo yung cnabi mo na matututo tyong lumaban matututo tayong tumayo sa sarili nating mga paa. salamat din sa iyo parekoy

Meryl (proud pinay) said...

ang masasabi ko lamang ay
"habang may buhay may pag-asa"
kita mo ngaun may work ka na at nagbibigay suporta sa iyong magulang ^_^
God is good..all the time!

JETTRO said...

Salamat sa pagbisita miss meryl totoo yan laking pasalamat natin sa itaas hindi nag papabaya. Sabi nga sa panaginip ko ng nasa itaas..

Huwag kang humingi ng tulong sa iba.. Ako ang tutulong sa iyo. Paano kita tutulungan kung may tumutulong sa iyo.

Mahirap kunin ang tunay na kahulugan niyan, mahirap paniwalaan pero... iisa ang kahulugan niyan, "MAGSIKAP KA, TUMAYO KANG MAG-ISA"

Thanks wala narin mother ko ulila na akong lubos. Kung paano namatay mother ko? mababasa po ninyo diyan may title na.. "ANG AKING INA"

BAdet said...

Naramdaman ko talaga ang ibig mong iparating...Di alam ng mga magulang natin.. minsan itago man nila ang kahirapan nahahalata parin nating mga anak. Dahil sa mga experiences na ito.. Tinaga korin sa bato.. na never kame mag hihirap pa katulad din ng naranasan namen.
ITs nice na balikan ang mga ganitong memories.. Sarap hampasin ng kapitbahay... joke!!!!

Love,
Badet

JETTRO said...

hahaha natawa nman ako dito kay miss badet sarap ba hampasin hahaha thanks badet ha sa comment love you badet hehehe