Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Saturday, 24 October 2009

BUHAY PASAHERO

Minsan pag nag-iisa ka maraming bagay ang pumapasok sa isipan natin
mga buhay-buhay natin sa pinas, nakakainis, nakakatuwa lahat na ng
klase ng pamumuhay mararanasan natin.
Minsan nasa pinas ako naalala ko yung isang lalaki naghihintay ng
sasakyang jeep, dahil sa dami ng pasahero kanya-kanyang diskarte
nais lang makarating sa pupuntahan. Minsan... isang lalaki ang
nagmamadali pumara ng jeep,
Isang jeep na dumarating sumisigaw naman ang konduktor sa likod ng
jeep. Pinara nung lalaki yung jeep. "Pare libertad!!''
Sumigaw yung konduktor sa likod "Oo maluwag pa".
Tumakbo ngayon yung lalaki, sabay pasok sa jeep.
Kasabay din yung ibang pasahero na sumabit nalang sa puwitan ng jeep.
Sabi ng konduktor, "Pasok po kayo sa loob"
Palibhasa nauna yung lalaki na sumakay dumiretso siya sa loob
sabay arangkada na ng jeep dahil marami naring sumabit sa likod.
Yung lalaki na naunang sumakay napansin niya na puno na pala!
wala ng upuan, kaso hindi na siya maka-atras dahil sarado na ng tao yung
puwitan ng jeep. Ang ginawa nung lalaki na nasa loob umupo nalang sa
gitna, siya lang mag isa na walang upuan, para siyang sawsawan sa gitna
dahil lahat nakaupo, hindi naman siya makatayo sa loob dahil
baluktot na yung katawan niya, kung naka upo siya hindi naman
niya abot yung bakal na hawakan sa loob ng jeep, tumingin siya sa
mga naka-upo, sa kanya lahat nakatingin, nakaporma pa naman,
Sabay preno ng jeep, tinukod nalang niya yung kamay sa flooring ng
jeep, wala naman siyang mahawakan dahil puro chicks yung naka-upo.
Puro alikabok yung palad niya. Biglang arangkada naman nung jeep
napahiga siya, dahil wala ngang mahawakan, sumigaw siya,
Mama bababa nalang ako!
Bawal po dito! sabi nung driver.
Dahan-dahanin mo nalang magpatakbo!
Pick-up kayo ng pick-up ng pasahero puno na nga itong jeep ninyo!
Tumingin yung lalaki doon sa dalawang chicks na naka-upo
halos hindi magkanda ugaga sa pagtawa yung dalawang chicks,
kasi nga nakikita siya sa gitna.
Pagbaba nung lalaki sa jeep, sabi ng konduktor..
Bosing! bayad po ninyo.
Buwisit ka! sabi mo maluwag!
Eh.. bosing kailangan lang.
bayad po ninyo.
hindi na nga ako naka-upo magbabayad pa ako!!
eh.. nakarating naman kayo sa pupuntahan ninyo (sabi ng konduktor)
O! etong bayad ko! bumili ka narin ng lason ha! para di na kita makita!
!
Sumakay naman siya ng traysikel, inunat niya katawan niya dahil
solo niya upuan sa traysikel, meron narin umupo sa likod ng driver,
Maya-maya may dumating na isang matandang babae at isang
dalaga yung crush niya. Obligado, lipat siya don sa squater sit, yung
bakal sa harap na maliit para sa mga bata. kasi nga pauupuin niya
yung dumating. Sabay takbo na ng traysikel, napansin niya mababa
pala yung bubong ng traysikel dahil nakayuko siya dikit na yung
baba at leeg niya sa pagkakaupo. Hindi niya ngayon makita yung
mukha nung crush niya. kaso kinakausap siya nung dalaga,
sumasagot siya kaso nakayuko kung gusto niyang tingnan yung
dalaga tirik yung mata niya para maabot niya ng tingin yung crush
niya no chioce hindi niya mai-angat yung mukha niya.
!
Kinausap niya yung driver, "Pare! ano ba naman itong traysikel mo!
para lang ata sa mga pandak ito! Lubak-lubak pa
Dahan-dahan naman! para ng pop corn yung ulo ko!
Pagdating sa pupuntahan,
Naunang bumaba yung dalawang babae, pwede narin siyang bumaba dahil
mga pitong habang nalang bahay na niya, gusto lang din niyang matikman
ang umupo ng maayos kaso mga five seconds baba narin siya.
Sa layo ng biniyahe niya five seconds lang siya nakatikim ng upuan.
!
Ngayon.. nasa abroad na yung lalaki at korea pa!
may computer pa siya ngayon at may blog pa!
Ang blog niya..
jettroshangout blogspot dat com ^_^
!
SALAMAT SA PAGBABASA
!
Hirap din ng lagi ka nalang pasahero noh?
Ngayon hindi na.. he he he

7 comments:

Anonymous said...

lol ha ha ha ha ha
pugante ka talaga kahit saan swak na swak ka ....

JETTRO said...

miss anonymous
dinig na dinig ko dito sa kuwarto
yung tawa mo ah. ^_^
salamat sa pagbabasa.

kheed said...

bwahahahaha mabuti naman at hindi ko pa nararanasan yan, para kang sawsawan sa jeep dahil ikaw yung nasa gitna at lahat sila ay nakaupo. bwisit nga yun pare, hahahahaha pero hindi kita pinagtatawanan uh hahahahaha natatawa lang ako sa pinapanuod ko dito sa tv hahahaha.

siguro ngayon pwede ka ng bumili ng sarili mong sasakyan, para makaupo ka na ng maayos.

gege said...

ako maarte ako, hanggat wala akong nakikitang liwanag saloob ng jeep di ako sumasakay..
pwera na lang kung super late na ko!!!
aheheh. :P
nakakainspired!!!
sana makarating din ako sa KOREA!!!
at maabot ang mga bagay nanaabot nyu...
:P

JETTRO said...

@kheed haha nkakahiya nga pre hindi n cguro mauulit yon. pati sa traysikel pinahirapan ako don.

@gege sana nga makarating ka rin pero kung gusto mo mag abroad bigyan nlang kita ng tip makakatulong sa iyo ng mlaki minsan mag comment ako sa hangout mo ha sabihin ko doon.

Arvin U. de la Peña said...

dapat ang pasahero kung mag sobra ang sukli ng driver para sa pasahe ay isauli..iyon ang matinong pasahero...kung magkulang naman ang sukli ng driver ay hayaan na lang kasi baka kailangan niya ang hindi ikinumpleto sa sukli..alam niyo naman ang buhay driver..basta driver ay sweet lover...

Meryl (proud pinay) said...

wahahahaah! nakakaloka talaga pag may ganyang mga konduktor ng jeep...kakabwisit..nangingiti ako habang binabasa ko tong post mo hehehe..ikaw pala un. ako din naranasan ko ng maupo na parang posisyong nakaupo pero wala naman akong inuupuan...ni isang parte ng pwet ko di nakaupo...nakakangawit tuloy...buti na lang nung pumreno ginitgit ko silang lahat...hay sa wakas nakaupo din....kun di ba naman loko un nasakyan ko...ang konduktor sabi ng sabi na meron pang mauupuan ...wala naman pala...sabay naman itong si driver aandar agad..di pa nga nakakaupo...este wala palang maupuan...

nga pala jett...pano maglagay ng album sa blog? paturo hehe ^_^