Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Friday, 11 September 2009

KASALANAN BA AY ISANG PAGKAKAMALI

Madalas nating naririnig sa mga kaibigan,
kakilala, o kung minsan sa mga mahal natin sa buhay
Kadalasan ang tao pag nakakagawa ng isang bagay
na makakasakit ng damdamin o nakakagawa
ng kasalanan, ang madalas nating naririnig sa
kanya..
"IM SORRY, PATAWARIN MO AKO
SA AKING PAGKAKAMALI"
Minsan naman..
"WALA NA BANG PANGALAWANG PAGKAKATAON
ANG NAGAWA KONG PAGKAKAMALI?"

Ang kasalanan nga ba ay isang pagkakamali?
Paano mo kaya nasabi na ang nagawa mong
kasalanan ay isang pagkakamali?
Naniniwala ako na ang pagkakamali ay hindi kasalanan.
Pero ang kasalanan ay hindi pagkakamali.

Isang kaibigan ko ang nagbigay sa akin ng isang halimbawa
na nauukol sa kasalanan na sinasabi nilang isang pagkakamali.
Halimbawa daw na ang isang gurly na nagmahal sa
isang lalaki na meron ng nagmamay-ari or kasal na sa isang
babae ang minahal niya ng hindi niya alam na
may asawa na yung lalaki. Maituturing daw na kasalanan iyon
dahil ang minahal niya ay lalaking may pananagutan na.
Para sa akin.. Hindi kasalanan nung gurly ang kanyang
nagawa. Iyon ang masasabi kong.. "pagkakamaling hindi
sinasadya". "Pagkakamaling hindi ko masasabing kasalanan
dahil hindi niya alam na may asawa na yung lalaki.
Pero kung alam nung gurlY na may asawa na yung lalaki
patuloy parin niyang inibig yan ang masasabi kong
kasalanan. Kasalanang hindi pagkakamali.
Kadalasan ang tao pagnakagawa ng kasalanan
madalas na sinasabi nila
IM SORRY NAGKAMALI AKO
PATAWARIN MO AKO SA AKING PAGKAKAMALI.

Tayong lahat alam naman natin kung ano ang mga
kasalanan, sa mata ng tao at sa mata ng diyos
maliit man o malaking kasalanan alam nating kasalanan
bakit pa natin ginagawa tapos sa huli sasabihing
nagkamali.
Ikaw.. naniniwala ka ba na ang kasalanan ay isang
pagkakamali?

3 comments:

SEAQUEST said...

Depende kasi sa pagkakamali, kung sinadya at planado eh kasalanan talaga pero kung mga simpleng pagkakamali tulad ng mga bagay-bagay siguro hindi naman but importante pa rin humingi ng paumanhin sa kung sino man ang ating nasaktan o nasagsaan, ang pinakamahalaga pa rin marunong tayong magpakumbaba, simpleng pagkakamali man o hindi,,,

teJan said...

exactly! i'm with you jett! I mean sang ayon ako sa sinabi mo;)

good day my friend!

Mommy Riza said...

Para sa akin ang isang pagkakamali ay katulad rin ng itinuring mo, kung hindi mo alam na hindi pala tama ang ginagawa mo, hindi mo kasalanan yun, hindi mo nga alam eh. Pero kung alam mong mali at ginawa mo pa rin, whatever the outcome is kasalanan mo, alam mo palang mali ginawa mo pa. Yes there is a big difference, diba meron pa ngang passage sa bible that said, "I urge you to choose life" meaning nasa atin kung gagawa tayo ng alam nating mali. Thanks for this post ha, na-encourage naman ako.