Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Thursday, 17 September 2009

OPEN ARMS

Ayaw ko sanang mag kuwento dito ng mga bagay na
pumupukaw sa mga malalambot nyong damdamin,
hangat maari ayaw kong sirain ang masasaya ninyong
mga oras, ngunit lagi akong hinihikayat ng imahinasyon
ko na magsulat, stresstab kasi para sa akin ito.
!
Naalala ko nung minsan nanonood ako ng isang singing
contest sa television ang hinding hindi ko nakakalimutan
hangang sa ngayon. Isang batang nasa edad katorse ang
sumali sa isang patimpalak, Ang amature singing contest.
Bagamat may kaliitan at nasa edad pa na kung titingnan
mo ang kanyang mga katungali masasabi mong walang
kalaban-laban ang batang babae na ito.
!
Habang pinapanood ko ang mga naunang kontestant
humanga ako sa mga galing nilang kumanta, sa ganda
ng kanilang mga kasuotan lamang na sa puntos isama
pa ang kanilang kumikinang na kagandahan.
Matapos ang ilang mga kontestant sumunod ay ang
dalaginding na nasa edad katorse ang umakyat sa
intablado. Simpleng kasuotan, simpleng ayos ng mukha,
nag iisang sumali wala nino mang kasama kundi
ang lakas ng loob at determinasyon niyang sumali
ano man ang kahihinatnan ng kanyang pagsali.
!
Tumugtug ang mga instrumento, umpisa ng
kanyang pag awit, isang awit na may pamagat na
!
''OPEN ARMS''
Isang awit na tumatama sa klase ng kanilang
pamumuhay, isang awit na humihingi ng kalinga
ng mga taong nakakalimot sa kanila, isang awit
na nangangailangan ng atensyon.
!
Nag umpisa na siyang umawit
Wala pa sa kalahati ang kanyang inaawit,
nag umpisa na siyang lumuha, hindi na niya mapigilan
ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata, ayaw
nyang sirain ang kanyang awit, ngunit...
hindi na niya mapigilan ang kanyang pag iyak.
Habang patuloy na tumutugtug ang mga instrumento
lalong ayaw papigil ang mga luhang dumadaloy sa kanyang
mga mata, habang nakatayo patuloy na ang kanyang pagiyak
na tinakpan nalang niya ng dalawa niyang palad ang
kanyang mga mukha na tanging hagulhol nalang ang
naririnig sa mayk na kanyang hawak. Hindi na niya
makuhang umawit, ngunit nanatiling nakatayo, umiiyak.
!
Minarapat na ng mga emsi na lapitan nalang siya upang
mapawi ang kanyang pag iyak. May nagtanong sa dalagita
bakit ka umiiyak ineng? Bakit hindi mo itinuloy ang iyong
pagkanta?
Sumagot yung dalagita, "Hindi ko po makuhang tapusin
ang kinakanta ko"
!
Bakit?
( tanong ng isa pang emsi )
!
Naalala ko po nanay ko.
!
Asan ang nanay mo ineng?
(tanong ng isa pang emsi)
!
"Nakaburol po ngayon nanay ko"
Iniwan na po kami.
Sabay upo ng kaawa-awang bata na lalong
hindi mapigilan ang pagiyak sa sakit na
nararamdaman, sabay takip sa mukha upang
kahit papaano ayaw niyang ipakita sa tao ang
kanyang pag iyak. Isang batang babae na gustong
sumabay sa kasiyahang nagaganap,ngunit sa murang
edad hindi siya makawala sa sakit na nararamdaman
ang pagkawala ng kanyang ina.
!
Bakit andito ka?
Gusto ko pong magkapera para sa mga kapatid
ko kahit consolation prize lang po malaking
bagay napo sa amin, kahit hindi na po ako
manalo gusto ko ng umuwi wala pong
kasama mga kapatid ko ngayon sa amin.
!
Labis akong humanga sa ginawa ng batang
babae, sa murang edad taglay niya ang
determinasyon at lakas ng loob alang-alang
sa kanyang mga kapatid. Hindi alintana ang kahihiyan.
Alam ko, sa bawat batang katulad nila
may pasko ng kaligayahan ang naghihintay
sa kanila.
!
Lahat silang magkakapatid
kinalinga at pinag-aral ng isang
sponsor ng patimpalak.
Ang NATIONAL BOOKSTORE.


12 comments:

Hari ng sablay said...

nakakahanga nga yung bata pare sa ganuong edad marunong ng dumiskarte sa buhay, pero nakakaawa din mabuti nalang inisponsoran sila,ganda ng kwento,pasensya na nga pala pre kung di ako msyado nakakadalaw medyo busybusyhan lang,ngayon ko lang napansin bagong header mo,ayos sunog baga,hehe

Anonymous said...

habang binabasa ko to kuya diko napigilang mapaluha...masyado naman makabagbag damdamin...

kheed said...

galing naman ng istoryang yun. nakaka inspire yung batang yun..

batanggala said...

nakatouch naman po yung kwento nung bata...nakakaawa naman...pero kahanga-hanga rin po yung ginawa nya, though bata pa sya, meron na syang determinasyon...

Meryl (proud pinay) said...

ang ganda nitong post mo jett. tlagang ang mga bata ngayon marunong ng dumiskarte sa buhay lalong lalo na kapag sya ang nagsisilbing padre at madre de pamilya. nakakainspire itong post mo. ang bait naman ng national bookstore...

JETTRO said...

Salamat sa pagbisita ninyo at sa comment. Salamat at kahit papaano
natutuwa ako dahil sa pagsusulat kaya ko palang kunin ang damdamin ng nagbabasa.

@sablay parekoy ok lang ganyan talaga ang umiibig alam ko kinakantahan mo nanaman yang magiging biyenan mo.

salamat uli sa inyo.

I am Xprosaic said...

Ngeek! tumambling ako sa huli... lumabas ang national bookstore... jejejejjeje

♥superjaid♥ said...

awww..nakakalungkot naman to kuya, napakaswerte ko talaga at marami akong dapat ipagpasalamat..pero nagulat ako dahil biglang nabangit ang nbs sa dulo, hahaha

JETTRO said...

ate jaid salamat sa pagbisita
at sa comment

yung nabangit sa kwento na NBS
isa sa mga sponsor ng contest dahil cguro mga studyante ang mga contestant.

Ang lahat pwedeng tumulong, ang lahat pwedeng mabangit kahit sabihin na nating hindi sila sponsor kung nanonood lang sila pwede silang tumulong kung nais nila, kahit pa sabihin na nating victory liner company kung napanood nila yung tagpong yon maari silang tumulong.
nakakagulat ba kung may ibang taong tumulong sa mga bata hindi naman di ba? ang lahat pwedeng mabangit.

salamat ate jaid

Arvin U. de la Peña said...

ang ganda ng post mong ito..ang galing ng bata..

mhekit said...

hello po... nakakatouch po ang mga kwento nyo .. sobrang mahal nya ang family niya kakalungkot lang isipin na wala na ang unang taong napakahalaga sa kanya..

JETTRO said...

hi miss mhekit salamat sa pagbisita at pagbabasa pwede ka din magsulat bumisita din ako. tc/gbu always