Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Thursday, 18 September 2014

MODERATION



Para po ito sa mga kaibigan at mambabasa ng blog kong ito.. Nais ko lang po ipaalam sa inyo lalo na sa mga nagnanais na magbigay ng mag comment o magbigay ng mga opinion sa mga sinusulat ko.. Sinadya ko po talaga na lagyan ng moderation ang aking comment box dahil po ito sa mga taong walang itiketa o walang disiplina sa sarili at pagsasalita..

Ang lahat po ng nagbibigay ng comment sa mga sinusulat ko ay nire-review po muna ng may ari ng blog na ito upang hindi po magtagumpay ang mga spammer o mga pasaway na gumagamit po ng mga malalaswang mga salita at masasamang salita sa kanilang mga comment. Kung halimbawang nais mong mag comment pagkatapos po ninyong isulat ang inyong opinion klick lang po ninyo ang POST COMMENT then hayaan na po ninyo dahil ako po bilang nagsusulat dito nire-review ko po muna ang inyong mga isinusulat... Kung halimbawang ang sinulat ninyo ay malinis na pagsasalita negative man o positive sa author huwag po kayong mag alala ang opinion po ninyo ay aking ipa-publish maghintay lang po kayo ng dalawa , tatlong araw kapag nag online ako dito ay maipa-publish na po ang inyong comment basta tandaan lang po ninyo kung anong title ng post ko kayo nag comment para madali po ninyo mahanap sa pagbabalik ninyo dito.

Negative man o positive ang inyong comment ok lang po sa akin sigurado ipa-publish ko po ang inyong comment basta wala lang mga malalaswa at masasamang salita sigurado mapa-publish ko po ang inyong opinion. Salamat po ng marami sa inyo pagbisita dito sa aking blog mabuhay po tayong lahat.

Friday, 1 August 2014

PULUBI SA PUSO AT ISIPAN KO



Isang araw kalalabas ko lang galing sa aking pinapasukang trabaho naisipan kong tumingin ng mga bagay na hindi naman masyadong mahalaga sa buhay ko ngunit kailangan ko sa pang araw-araw kong gagamitin. habang naglalakad ako hindi kalayuan sa akin meron akong natanaw na pulubi naka upo sa tabi ng daanan ng mga tao mag asawang matanda na namamalimos. Napatigil ako sandali sa di kalayuan at dinukot ko ang bulsa ko at binilang ang baryang hawak-hawak ko saka ako nagpasyang maglakad palayo sa dalawang matanda. Sa abot ng aking makakayang bilhin basta may matira lang akong pamasahe nagpasya akong bumili ng dalawang pineapple jiuce at dalawang pirasong pritong bananaque saka ako bumalik sa dalawang matanda at iniabot ko ang binili ko sa kanila saka ako nag lakad pauwi sa aking tinutuluyan.

Nakakawa ang mga taong nagpapakahirap para lang mabuhay, nagtitiis sa lamig ng patak ng ulan at nakakapasong init ng araw habang tinitiis ang nararamdamang gutom sa gitna ng lansangan. Sumasagi lagi sa isipan ko "kahit kokonti ang aking yaman mapalad pa rin ako dahil hindi ko dinaranas ang dinaranas ngayon ng mga pulubi" hindi biro-biro ang kanilang kalagayan, hindi biro-biro ang tinitiis nilang gutom dahil sa kawalan ng kayaman alam ko kung gaano kahirap ang makaranas ng gutom kaya sa tuwing may makikita akong pulubi hindi ako nagdadalawang isip para bahaginan sila ng sobra kong yaman.

Mula pa noon hanggang ngayon sa tuwing may nakikita akong pulubi na namamalimos hindi pwedeng lalampasan ko sila ng hindi ako mag aabot kahit konting halaga basta makakaya ko magbibigay ako, hindi na ako nag iisip kung ano at sino pa sila o saan nila dadalhin ang binigay kong halaga nasa kanila na iyon ang mahalaga gusto ko silang tulungan, gusto ko silang makaramdam kahit ng konting kaligayahan dahil alam ko tao din sila na kailangan nilang mabuhay.. sa ginagawa ko alam kong sinusuklian din ng panginoon ang kabutihang ginagawa ko sa kanila dahil binibigyan din ako ng kaligayahan ng nasa itaas nagkakaroon ng kasagutan ang mga pangunahin kong problema sa buhay.

Nangangalit lang ang aking kalooban hindi lang sa ating gobyerno pati narin sa mga taong bulag sa kanilang mga nakikita sa kanilang mga dinaraanan na kahit man lang sa konting halaga hindi manlang nila kayang mag abot kahit  sa halagang limang piso bakit hindi nila makuhang abutan ang mga pulubi kahit man lang sabihin na nating kaplastikan ang kanilang pag tulong hindi pa magawa, kahit man lang sabihin na nating pakitang tao man lang ang mahalaga nakadagdag ang halagang limang piso sa kakainin ng mga pulubi.

Ang kadalasang naririnig ko sa mga tao..
"Kaya daw hindi sila nagbibigay ng limos sa mga pulubi ay lalo daw mamimihasa ang mga pulubi".
"Kaya daw hindi sila hindi nagbibigay ng limos ay baka pakawala daw sila ng mga sindikato".
"Kaya daw sila hindi nagbibigay ng limos ay ipang susugal lang naman daw".

Ang daming dahilan, mga taong mapanghusga ang totoo niyan.. wala lang talaga kayong awa, hindi kayo marunong umunawa sa mga taong tulad nila, hindi kayo marunong umintindi ng kanilang kalagayan at hindi lang talaga kayo marunong magmahal ng inyong kapwa, iyan kasi ang mga nakatagong bulok sa inyong pagkatao, mga nakatagong bulok sa inyong puso't-isipan. Ayaw nyo lang talagang tumulong, ayaw nyo lang talagang magbigay ng limos, ayaw nyo lang talagang ibahagi sa iba ang sobra ninyong kayamanan at kaligayahan.

Hindi ko hinahadlangan ano man ang nais ninyong isipin sa inyong kapwa o ano man ang nais ninyong desisyon sa buhay ang akin lang naman sana lawakan natin ang ating pang uunawa sa mga tulad nila tulad din natin sila na may damdamin at marunong lumuha.

Sana lagi nating iisipin...
Ang pagbibigay ng limos ay tanda ng pag akay mo sa kanila para mawala ang nararamdaman nilang gutom at pagpapasaya ng kanilang damdamin kahit sa konting halaga man lamang.



Sunday, 20 July 2014

SIMPLENG BAGAY NA MAHIRAP GAWIN


Ano ang mga simpleng bagay na mahirap nating gawin ngunit kaya naman nating gawin na maari kang hangaan kung magagawa mo sa iba?

Kadalasan ang isang malaking kamalian natin ay ang mag isip lang ng isang napakalaking bagay o napaka-importanteng bagay na magagawa para makakuha ng attention ng ibang tao, kaya sa realidad ang mga maliliit na bagay na maari nating magawa ay hindi natin makuhang gawin.

Ilagay sana natin sa ating isipan na kahit ang mga maliliit lang na bagay ay napakalaki ring halaga para tapunan tayo ng attention ng ibang tao at pag isipan kung anong meron pagkatao at pag iisip meron tayo. Dito sa mundo ay may kanya - kanya tayong imahe na maari nating ipakita o ipakilala sa ibang tao.. Kung paano ka kumilos, kung paano ka mag salita, kung paano ka mag bigay ng mga comento sa mga napapanahong usapin, Kung paano ka mag-respeto sa komento ng ibang tao at kung paano ka mag pakita at mag hundle ng attitude mo sa ibang tao lahat yan ay mga simple bagay na maari nating ipakita o gawin sa ibang tao.

Ang pakikitungo sa tao sa realidad man o sa facebook sa pamamagitan ng ating pagsasalita makakakuha tayo ng puntos para ma-impress natin ang mga tao hindi lang sa kung paano ka magdala ng mamahaling alahas at nag gagandahang mga damit.

Ang isipan ng tao laging kaakibat ang paghuhusga depende sa kung ano ang nakikita nila sa ating sarili o sa ating ginagawa, ang mga simpleng bagay na magagawa mo na maaring makatawag ng attention ng ibang tao ay napakalaking impact sa kanilang isipan. Ang mag bigay ng respeto sa ibang tao ay isang bagay rin minsan na napakahirap gawin lalo na kung nasasapawan tayo ng kagalingan o ng talino ng ibang tao kadalasan dito nag babago ang attitude natin dahil minsan hindi tayo marunong tumangap ng pagkatalo. Binibigyan na natin minsan ng hindi magandang impression ang mga taong nakakahigit sa atin ng talino o sa anu pa mang bagay, isang simpleng bagay din iyan na mahirap nating gawin pero isang napakalaking impact naman iyan na makakamit mo mula sa isipan ng iba kung marunong kang tumangap ng katotohanan at pagkatalo na maari kang hangaan dahil sa magaganda mong pagsasalita kahit nasasapawan tayo ng talino ng ibang tao.

Kahit ang simpleng pagsasabi ng salamat ay isa ding napakahirap nating gawin o ibigay sa ibang tao, ang simpleng pagsasabi ng salamat ay isang bagay na pagpapakilala ng kabaitan ng ating pagkatao, simpleng pasasalamat para ipahatid sa iba na marunong tayong mag-appreciate kahit ng mga simpleng mga bagay na natatangap natin mula sa ibang tao.

Lagi rin nating gagamitin ang ating humor sa ibang tao para mas lalong mapalapit kayo sa isat - isa at lagi nating gagamitin ang smile kung nakaharap o nakikipag usap tayo sa ibang tao, pag papakita lang ng pagiging masayahin natin at pagpapakilala sa iba na friendly tayong tao.

Isang halimbawa na inaakala mong maliit na bagay ay ang pagtangap sa isang tao ano man ang katayuan niya sa buhay.

Kung minsan ang pag kilala at pag tangap sa ano mang talino meron ang ibang tao ay hindi natin matangap sa ating sarili na mas nakakahigit ang talino nila kaysa sa atin, nagkakaroon ng distansya ang pagitan ninyo ng taong nakakahigit sa iyo ng talino, nagkakaroon tuloy kayo ng pagkakataon para hindi mapalapit sa isa't - isa dahil meron balakid na nakaharang sa pagitan ninyong dalawa ang ugaling hindi natin matutunan o hindi natin magawa ang pag-appreciate kung ano meron sila na wala tayo. Hindi natin kayang makipag usap sa mga taong ayaw nating kausapin dahil alam nating mas nakakahigit siya sa ating talino dahil alam nating na sa pakikipag-bigayan ng kuro-kuro ay tiyak na matatabunan tayo isang bagay na ayaw nating mangyari at ayaw nating tangapin ang katotohanan na may mga batang nakakahigit ng talino sa nakakatanda. Kung magagawa natin at matatangap ang mga bagay na ganito mas hahangaan kayo dahil wala kayong pinipiling kausap at may pagkakataon na maibibigay at maipapahayag din ninyo ang mga bagay na hindi nalalaman ng ibang tao. Mawawala ang balakid para magkalapit kayong dalawa at magkaroon ng pagkakataong maging mag kaibigan kayo.

Sana hindi lang ang mga malalaking bagay na gusto nating gawin para hangaan tayo ng ibang tao
Kahit man lang sa mga simpleng bagay lang kung iyan lang ang kaya natin at hindi mahirap gawin para ma-impress natin ang ibang tao... Bakit hindi natin gawin.

Saturday, 7 June 2014

OPEN ARMS

Re-post

Ayaw ko sanang mag kuwento dito ng mga bagay na
pumupukaw sa mga malalambot nyong damdamin,
hangat maari ayaw kong sirain ang masasaya ninyong
mga oras, ngunit lagi akong hinihikayat ng imahinasyon
ko na magsulat, stresstab kasi para sa akin ito.

Naalala ko nung minsan nanonood ako ng isang singing
contest sa television ang hinding hindi ko nakakalimutan
hangang sa ngayon. Isang batang nasa edad katorse ang
sumali sa isang patimpalak, Ang amature singing contest.
Bagamat may kaliitan at nasa edad pa na kung titingnan
mo ang kanyang mga katungali masasabi mong walang
kalaban-laban ang batang babae na ito.

Habang pinapanood ko ang mga naunang kontestant
humanga ako sa mga galing nilang kumanta, sa ganda
ng kanilang mga kasuotan lamang na sa puntos isama
pa ang kanilang kumikinang na kagandahan.
Matapos ang ilang mga kontestant sumunod ay ang
dalaginding na nasa edad katorse ang umakyat sa
intablado. Simpleng kasuotan, simpleng ayos ng mukha,
nag iisang sumali wala nino mang kasama kundi
ang lakas ng loob at determinasyon niyang sumali
ano man ang kahihinatnan ng kanyang pagsali.

Tumugtug ang mga instrumento, umpisa ng
kanyang pag awit, isang awit na may pamagat na

''OPEN ARMS''
Isang awit na tumatama sa klase ng kanilang
pamumuhay, isang awit na humihingi ng kalinga
ng mga taong nakakalimot sa kanila, isang awit
na nangangailangan ng atensyon.

Nag umpisa na siyang umawit
Wala pa sa kalahati ang kanyang inaawit,
nag umpisa na siyang lumuha, hindi na niya mapigilan
ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata, ayaw
nyang sirain ang kanyang awit, ngunit...
hindi na niya mapigilan ang kanyang pag iyak.
Habang patuloy na tumutugtug ang mga instrumento
lalong ayaw papigil ang mga luhang dumadaloy sa kanyang
mga mata, habang nakatayo patuloy na ang kanyang pagiyak
na tinakpan nalang niya ng dalawa niyang palad ang
kanyang mga mukha na tanging hagulhol nalang ang
naririnig sa mayk na kanyang hawak. Hindi na niya
makuhang umawit, ngunit nanatiling nakatayo, umiiyak.

Minarapat na ng mga emsi na lapitan nalang siya upang
mapawi ang kanyang pag iyak. May nagtanong sa dalagita
bakit ka umiiyak ineng? Bakit hindi mo itinuloy ang iyong
pagkanta?
Sumagot yung dalagita, "Hindi ko po makuhang tapusin
ang kinakanta ko"

Bakit?
( tanong ng isa pang emsi )

Naalala ko po nanay ko.

Asan ang nanay mo ineng?
(tanong ng isa pang emsi)

"Nakaburol po ngayon nanay ko"
Iniwan na po kami.
Sabay upo ng kaawa-awang bata na lalong
hindi mapigilan ang pagiyak sa sakit na
nararamdaman, sabay takip sa mukha upang
kahit papaano ayaw niyang ipakita sa tao ang
kanyang pag iyak. Isang batang babae na gustong
sumabay sa kasiyahang nagaganap,ngunit sa murang
edad hindi siya makawala sa sakit na nararamdaman
ang pagkawala ng kanyang ina.

Bakit andito ka?
Gusto ko pong magkapera para sa mga kapatid
ko kahit consolation prize lang po malaking
bagay napo sa amin, kahit hindi na po ako
manalo gusto ko ng umuwi wala pong
kasama mga kapatid ko ngayon sa amin.

Labis akong humanga sa ginawa ng batang
babae, sa murang edad taglay niya ang
determinasyon at lakas ng loob alang-alang
sa kanyang mga kapatid. Hindi alintana ang kahihiyan.
Alam ko, sa bawat batang katulad nila
may pasko ng kaligayahan ang naghihintay
sa kanila.

Lahat silang magkakapatid
kinalinga at pinag-aral ng isang
sponsor ng patimpalak.


OPINION

Re-post

 
Huwag kang magalit kung may kumokontra sa opinion mo
Dahil daan iyan para mailabas mo ang lahat ng nalalaman mo, kung paano ka
makipagpalitan ng paniniwala, kung paano ka makipag usap ng matino at desenteng 
pakikipagpalitan ng kuro-kuro. Mabisang daan din iyan para malaman mo kung saan 
ka pwedeng magkamali. Daan din iyan para matuto kang rumespeto sa kausap sa pamamagitan ng kung paano ka rin nila irespeto sa bawat salitang bibitiwan mo, makikita mo kung paano makipag usap ang ibang tao, kung paano mag kontrol ng damdamin sa mga nababasa. Kadalasan kasi ito ang pinakamahirap gawin ng isang tao lalo na't hindi siya marunong tumangap ng pagkatalo, hindi marunong tumangap ng katotohanan mula sa sinasabi ng ibang tao, kadalasan nawawala din ang kontrol ng ating damdamin at kontrol sa pagsasalita para masabihan tayo na wala tayong desente sa ating pakikipag usap.
Nais ko lang ibahagi sa inyo ang konti kong nalalaman tungkol sa madalas kong
naririnig, napapanood, nababasa kung minsan pa sa inuman madalas tayong
nakakakita ng pagtatalo maliit man o malaking bagay minsan na nauuwi sa
hindi magandang pagkakaunawaan. Kadalasan lalo na sa mag asawa o
magkasintahan hindi maiiwasan ang laging may pinagtatalunan  
dahil parehas ayaw tumangap ng pagkatalo.
 
Alam nyo ba... sa maniwala kayo o hindi 
Everyone's opinion is a reflection of thier life's realities and past experiences
Kadalasan nababase ang kanilang opinion kung ano ang tunay nilang pagkatao at kung ano 
ang tunay na tumatakbo sa kanilang pag iisip. Masasalamin natin iyan sa kung paano sila magpahayag ng kanilang damdamin.

Minsan may mga bagay na hindi natin nalalaman ang tunay na kahulugan
kung hindi natin ihahambing sa sinasabi ng iba, hindi natin malalaman kung
tama ang mga sinasabi natin kung hindi natin pinapakingan ang sinasabi nila
hindi mo malalaman ang tama kung walang mali buhat sa sinasabi ng iba.
Minsan kailangan din nating pakingan ang opinion ng iba o tumangap ng
opinion ng iba, hindi naman nangangahulugan na sa pagtangap ng opinion 
ng iba ay pagsang-ayon, iba ang pagtangap sa pag sang-ayon.
 Sabihin na nating may sarili tayong paniniwala kadalasan ito ang naririnig ko
"huwag mong baguhin ang aking paniniwala" . Mahirap talagang baguhin
ang paniniwala ng bawat isa kung nakasarado lang tayo sa iyong paniniwala.
Hindi mo malalaman ang maling paniniwala mo kung hindi ka marunong
tumanggap ng paniniwala ng iba. Ikumpara mo ang sarili mo sa isang sayaw,
hindi ka mapapasayaw kung wala kang naririnig na awit, ihambing mo ang
opinion mo sa isang kasuotan, hindi mo malalaman kung ano ang magandang
isuot kung wala ang isa pa na pagpipilian, ganyan din sa opinion natin hindi mo
makikita ang mali at tama kung nakasarado lang ang isip natin sa iisang paniniwala. 
Kung inaakala mong nasa tama ang iyong paniniwala
mas lalo mong ikatuwa dahil lamang ka sa pinag-uusapang bagay basta
huwag ka lang mauubusan ng paliwanag lahat ng mga bagay na pinagtatalunan
 natin ay may kahulugan ngunit may kanya-kanya tayong mga paliwanag. 
Sadyang may mga tao lang na ayaw tumangap ng pagkakamali o ayaw
 tumangap ng pagkatalo yon yung mga taong ayaw tumangap ng paliwanag ng iba, 
yan yung taongnakasarado ang isip sa sarili niyang paniniwala. 
Lagi nating isa-isip na
may mga bagay rin tayo na hindi natin nalalaman ngunit
nalalaman ng iba, may hanganan din ang ating talino.
Minsan.. may nakakasalamuha tayo na kapag sinasalungat natin ang
opinion ng isang tao nagiging dahilan na ng hindi natin pakikipag-uusap,
nagiging dahilan na ng hindi pagkakaunawaan dahil may mga tao
ding ayaw tumangap ng pagkatalo o ayaw tumangap ng
pagkakamali o ayaw tumangap ng paliwanag ng iba o ayaw tumangap
ng katotohanan na may mas matalino sa kanya, ang talino kasi ng isang tao 
ay ayon sa dami ng nalalaman hindi dahil sa taas ng pinag aralan.

Para sa akin mas gusto ko yung may taong sumasalungat sa opinion
ko dahil dito tayo nakikilala ng mga nakakarinig o nakakabasa.
Dito nila masusukat ang lalim ng ating pag-iisip.
Dito nila masusukat ang lawak ng ating nalalaman.
Dito nila makikita ang husay nating sa pakikipag-usap.
Dito din natin malalaman kung saan tayo nagkakamali at dito din
nadadagdagan ang ating nalalaman sa pagtangap natin sa opinion ng iba.
Hindi masama ang pakikipagtalo basta gagamitan lang ng maayos at desenteng 
 mga salita bagkus makakatulong pa ito para makapulutan din natin
ng aral para sa susunod pang mga araw. Sa aking pakikipagtalo
iniisip kong mabuti ang aking sinasabi at iniisip kong
mabuti ang kanilang sinasabi isang daan ito para malaman
ko kung saan ako nagkakamali at daan din ito para
sa pagtangap ko ng pagkatalo at ito din ang daan para
masubukan natin kung hanggang saan masusukat ang haba
ng iyong pasensiya sa pakikipagtalo.
Ang pagtangap ng pagkatalo o ng pagkakamali ay hindi
kabawasan ng ating pagkatao. Bawasan natin ng konti ang ating pride 
tangapin natin sa ating sarili na hindi lahat ng bagay dito sa mundo ay alam na
natin lahat tangapin natin na meron pang mga bagay dito sa mundo na hindi 
pa abot ng ating kaalaman ngunit abot ng ibang tao. Sa pakikipag usap 
nadadagdagan ang ating nalalaman sa tulong ng ibang tao na magagawa naman 
natin sa iba pang pagkakataon. 
Basta matuto tayong mag kontrol sa ating sarili
Kung tama ka sa opinion mo ang katahimikan
ay hindi nangangahulugan ng pagkatalo.

Sunday, 25 May 2014

AGOS NG BUHAY



Sabi nga ng nakakarami "Enjoy The Ride".
Sa buhay ng tao marami tayong dapat na gawin mga bagay na dapat at hindi dapat, mga mali at tama pero doon tayo syempre sa tama. Alam naman nating lahat na ang buhay nating lahat ay iisa, isang beses lang tayong mabubuhay at sa maniwala kayo o sa hindi ang kaligayahn ng tao ay nandito sa lupa. Alam ko na marami paring naniniwala sa atin na ang kaligayahan ay mararamdaman natin sa kabilang buhay yung tinatawag nilang kaligayahang walang hanggan. Pero para sa akin ang kaligayahan ay nandito sa lupa at dito lang natin mararamdaman ngayon nabubuhay pa tayo.

Sabi nga "enjoy the ride" mag enjoy ka habang ikaw ay nabubuhay pa gawin mo ang lahat ng magpapaligaya sa sarili mo kaligayahang hindi ka makakagawa ng kasalanan sa kapwa. Huwag kang magkulong sa kalungkutan na ikaw mismo ang makakagawa para makawala ka sa rehas ng kalungkutan, huwag mong itali ang sarili mo sa iisang bagay lamang, huwag mong itali ang sarili mo sa iisang lugar lamang. Nasa iyo ang lahat ng kalayaan at desisyon upang magawa mo ang lahat ng magpapaligaya sa sarili mo lumilipas ang mga araw, lumilipas ang panahon at lumiliit ang mga pagkakataong maari mong magawa ngayon na hindi mo na magagawa pagdating ng araw. Huwag mong sayangin ang mga araw na lumilipas huwag mong sayangin ang ganda ng mabuhay, makisalamuha ka sa tao upang masumpungan mo may mga tao pala sa paligid na sagot minsan sa mga kalungkutang tinataglay mo ngayon. Hindi sa lahat ng oras sa pag ibig lang tayo nakakaramdam ng kaligayahan minsan kaya rin naman nating mag pasaya ng tao kahit walang halong pag ibig tulad ng mga ibon sa himpapawid malaya silang nakikisalamuha sa ibat - ibang uri ng ibon ang kaibahan lang ng mga ibon sa atin kahit magka-edad na sila o kahit tumanda sila at kumulubot na ang kanilang balat ay magagawa parin nila ang mga bagay na nagagawa nila noong bata pa sila, tumanda man sila ay magagawa pa rin nilang umibig sa kahit sino di tulad ng tao ang kagandahan ng isang tao ay lumilipas at kumukupas, nagkakaroon na tayo ng hangganan kung malipasan ka ng panahon.. sayang ang ating kagandahan kung ibuburo lang natin sa iisang lugar.

May mga bagay na hindi mo pa gaanong nararanasan, huwag mong ibilango ang sarili mo sa walang rehas.

Enjoy the ride kung saan ka nakasakay ngayon magpakasaya ka ikaw lang naman ang unang - unang makakatangap ng resulta sa mga ginagawa mo. Tulad ng nauna ko ng naisulat dito sa blog ko may pamagat na "Kulang ang nakaraan ko" dito nyo mababasa ang lahat ng mga bagay na hindi niya ginawa noong siya ay bata pa at magawa ang lahat ng pagkakataong maari niyang gawin. Kung kailan tumanda na siya ay doon niya naisip ang mga bagay na dapat ginawa niya, ngayon siya nakaramdam ng pagsisisi ngayong huli na ang lahat gustuhin man niyang gawin pero hindi na niya magawa ngayon, gustuhin man niyang umibig muli hindi na niya magawa ngayon di tulad noon nasa kanya ang kagandahang hinahangaan ng karamihan nasayang lang ang lahat ng kanyang kagandahan naikulong lang ng iisang tao.

Paano niya babalikang muli ang mga panahong nasayang, paano niya magagawang umibig muli upang  makaramdam muli ng kaligayahang dulot ng pagmamahal, paano niya magawa muli ang magpakaligaya ngayon hindi na niya makuhang tumayo dulot ng katandaan.

Hanggat may panahon ka pa para lumigaya at may panahon pa para magawa ang iba pang bagay na magpapaligaya sa sarili mo mag enjoy ka sa buhay huwag kang matakot na gawin ang mga bagay na magpapasaya sa iyo sa pag ibig man o sa paanong paraan ang mahalaga napaligaya mo ang sarili mo ngayon. Lumipas man ang panahon mo tanging mga nakaraan mo ang siyang magpapangiti sa sarili mo kung nakaupo ka na sa katandaan.



IDEA SA PAGSUSULAT



Kung minsan tinatanong natin ang sarili kung paano at ano ba ang aking isusulat dito sa aking blog? Lalo na kung marami ka naring naisusulat pero gusto mo paring magsulat para ma-update mo kahit papaano ang iyong blog.

Nararamdaman ko rin kung ano ang inyong nararamdaman lalo na kung may sarili kang paraan sa pagsusulat at may sarili kang tema sa pagsusulat. Tulad ko inaamin ko dahil may sarili akong tema at batas na sinusunod kung paanong paraan ako magsulat kadalasan ako yung tipo ng nagsusulat na mas gusto kong magsulat ng hindi ako namumulot ng talino ng ibang tao at hindi rin ako mahilig manggaya ng mga sinusulat ng iba dahil ayokong dayain ang sarili kong kaligayahan. Ang lahat ng ito ay ayon lang sa aking paraan at paniniwala, ang isipin natin lahat tayo ay may kanya - kanyang paraan, tema at istilo sa pagsusulat.

Hindi importante kung saan ka pwedeng mag concentrate lang, halimbawa pagluluto lang.
Kahit ano pwede mong isulat, kung ano ang pwede mong ibahagi sa nagbabasa sumasarap ang halo - halo hindi lang sa lamig na taglay nito kungdi sa ibat - ibang halo ng sangkap nito.

Sa post kong ito nais kong ibahagi sa inyo kung saan ba ako kumukuha ng idea, iba naman yung "paraan ng pag susulat" tulad ng naunang sinulat ko na pinamagatan kong PAANO BA ANG MAGSULAT.

Humuhugot ako ng idea sa aking pagsusulat kadalasan ay naa-ayon lang sa kung ano ang mga nagiging obserbasyon ko sa aking mga nakikita o nababasa, mga bagay na minsan nagkakaroon ako ng interesadong isulat kung ano ang aking nakita sa iba na maari kung ibahagi sa inyo o sa mga nagbabasa kung ano ang aking paniniwala kung tama o mali bahala na ang taong humusga at least minsan napapatunayan ko sa sarili ko na.. malikot din pala minsan ang imahinasyon ko at tama rin pala minsan ang mga sinusulat ko.

Kadalasan humuhugot ako ng mga isinusulat ko dito sa pamamagitan ng aking sariling opinion tungkol sa mga usaping napapanahon o sa mga bagay na madalas na pinagtatalunan ng mga tao.

Halimbawa..
1.) Sa mga usaping pang relihiyon. Isinusulat ko kung ano ang nakikita ko sa mga taong nagtatalo-talo dito.

2.) Mga usaping naayon sa kung ano ang tama at mali sa mga paniniwala. Halimbawa isulat mo sa blog mo.. "bakit ang tao madaling maniwala sa mga bagay na totoo kahit hindi napapatunayan".

3.) Mga usaping nauukol sa pulitika.

4.) Mga usaping tungkol sa pag uugali ng tao.

5.) Mga usaping nauukol sa kung ano ang nalalaman mo sa mga bagay na nais mong ibahagi sa iba upang madagdagan ang kanilang kaalaman.

At marami pang iba na nauukol lahat iyan sa iyong pansariling opinion kung ano ang iyong mga masasabi sa mga katauhan nila. Ito ang temang kadalasang isinusulat ko sa aking blog. Dito kasi ako minsan mahilig sa pagbibigayan ng opinion sa iba.

Minsan naman humuhugot ako ng idea sa mga panonood ko sa TV tulad ng "the bothered wife", or "the legal wife". Kadalasan dito nakaka-relate ang mga tao dahil nagiging bahagi na nang ating buhay ang mga ganitong situation sa isang pamilya. Isulat mo kung ano ang nararamdaman mo sa mga nakikita mo at kung ikaw ang nasa ganyang situation. Gawin mo ring bida ang sarili mo sa isusulat mo. Ikaw lahat, kontrabida at bida ikaw lahat para may pagkakataong tanungin mo ang sarili mo para ikaw rin ang makakapagbigay ng siguradong 100% na tamang sagot.


Kung mahilig kang magbasa ng mga magazine, libro o kahit na anong babasahin sigurado makakapulot ka ng mga temang naayon sa iyong panlasa na alam mong makaka-relate din ang ibang tao. Isulat mo kung saan tatakbo ang sarili mong istorya na kasalukuyang kumakalikot sa mapaglaro mong imahinasyon. Isulat mo kung sa paanong paraan ka nagalit o natuwa dahil isang paraan din na gagamitin mo ang sarili mong pakiramdam para magkaroon ng buhay ang iyong mga sinusulat. Ibig sabihin kung paano ka makakarelate iyon din ang isulat mo dahil mas importante minsan sa nagsusulat na gawin mong bida ang sarili sa iyong sinusulat.

Iba - iba din ang hilig ng mga nagsusulat, merong mahilig sa pagluluto, mahilig mag kuwento tungkol sa mga pag travel nila sa ibat - ibang lugar, pag kuwento ng tungkol sa mga magagandang tanawin, pag post ng mga larawan depende lahat yan sa hilig ng manunulat. Pwede mo namang gawin lahat iyan isang idea din yan kung gusto mo lang i-update ang iyong blog.

Isang idea din yung mga bagay na kung ano ang mga nakaraan mo tugkol sa pag-ibig, tungkol sa mga kabiguang naranasan mo, mga kaligayahang naranasan mo noon tungkol sa pag-ibig, mga taong naging first love mo  diyan mo paikutin ang iyong isusulat kung saan ikaw ang naging bida. Kung ano ang naidudulot sa pakiramdam ng isang tao tungkol sa pag ibig masaya man o malungkot.

Mga idea na nauukol sa paaralan noong mula elementary hanggang sa nakatapos ka ng pag aaral, hanggang sa kung ano ang naging resulta ng paghihirap sa iyo ng mga magulang mo, kung paano ka pangaralan sa hinihingi mong laptop na kailangan bilhin mo para meron kang project na ipapakita. Mga tablet na kakailanganin mong bilhin para ipangregalo sa kasintahan mo na magtataka ang iyong mga magulang na ganito na pala kamahal ang mga tablet sa mercury drugs ngayon.

Marami ka pang maiisip na maari mong isulat malawak ang mundo napakaraming bagay na maaring mong sakupin at puntahan kahit gaano man ito kalayo o kalalim, ang lahat ay kayang marating ng iyong mapaglarong imahinasyon na maari mong kapulutan ng idea. Panatilihin mo lang maging malikot ang iyong imahinasyon at panatilihing maging madaldal sa sarili kahit walang kinakausap dahil ang bawat letra ng mga salita na bibitiwan mo sa iyong isipan.. katumbas iyan ng isang patak ng daliri mo sa keyboard ng computer at presto naipasa mo na sa blog ang lahat ng kasaysayang tumatakbo sa iyong isipan.

Sana makatulong ako sa inyo na tulad ko rin noong nag uumpisa palang akong magsulat. Huwag kang makipag-kompitensya sa ibang manunulat dahil mawawalan ka ng ganang magsulat kung may mas magaling sa iyong mag sulat ang isipin mo tulad ka rin nila na nangangailangan ng kasiyahan ng kung ano ang magandang magagawa sa sarili.






Sunday, 4 May 2014

ANO BA ANG PINAGTATALUNAN

Hindi na kaila sa atin ang madalas na pinagtatalunan ay tungkol sa paniniwala. Hindi ko rin tinututulan ang paniniwala ng bawat isa dahil alam kong may kanya - kanya tayong basehan ng katotohanan. (Meron nga ba talagang basehan).

Madalas nating naririnig o napapanood na ang bawat myembro o grupo ng mga religion ay nagtatalo sa mga usaping kanilang pinaglalaban. Mga pinaglalabang katotohanan ayon sa kanilang paniniwala.

Ano nga bang mga usapin? At ano nga ba ang katotohang alam nila?

Mga usaping nauukol na nakasulat sa bibliya?
Mga usaping nauukol sa kung ano ang tunay na katotohanan at kung sino ang tunay na totoo sa kanilang paniniwal?.. na ang bawat isa ay nag aakusa ng hindi daw makatotohanan ang paniniwala ng kabilang panig. Mga taong handang ipaglaban ang alam nilang katotohanan gayung sila mismo ay hindi napatunayan o mapatunayang sila nga ang tunay na may alam ng katotohanang ipinaglalaban nila. Mga pinaglalabang katotohanan na nakabase lang sa sabi - sabi.

Kung purpose ng magkabilang panig ay para akayin sa kabutihan ang iba.. Ano pa ang dapat pagtalunan?

Ano nga ba ang dapat pagtalunan?
Kailangan bang sumapi ako sa inyong samahan o grupo para maakay ninyo ako sa kabutihan?
Kailangan ba na maniwala ako sa inyong paniniwala para maakit ninyo o maakay ninyo ako sa kabutihan?
Kailangan ba magbasa ako ng bibliya para maging mabuti?
Kailangan ba kabisaduhin ko pa ang bawat talata ng bibliya para lang masabing mabuti na akong tao?
Kailangan ba magsimba ako sa inyong simbahan para lang masabing mabuti na akong tao?
Kailangan ba ang bibliya para maging mabuti ang tao?
Kailangan ba ng simbahan para maging mabuti ang tao?

Kung ang paniniwala nating lahat ay ang kasabihang "iisa ang diyos" at "kahit saan ka naroroon pwede kang manalangin".. ano pa ang dapat nating pagtalunan? Ang pagtalunang.. kayo ang totoo? Paano mo patutunayang ikaw ang totoo at hindi sila? Kung ikaw ang totoo paano mo patutunayan na hindi ka babase sa "sabi - sabi" lang.

Tulad sa nauna kong sinulat dito sa mga nakaraan kong post... "Kung ang bibliya nga ay totoong salita ng diyos.. bakit may old testament at new testament at bakit iba - iba ang bersyon ng inyong mga bibliya?

Bakit hindi natin tanungin muna ang ating mga sarili.. "Bakit nga ba ako naniwala na totoo ang lahat ng aking paniniwala kung hindi ko naman talaga napapatunayang totoo?"

Bakit hindi muna natin tanungin ang ating sarili kung "bakit nga ba ako nakikipagtalo sa iba?"

Bakit hindi nating tanungin ang ating sarili na "kailangan nga ba ang lahat ng ito para maging mabuti ako?"

Kung hindi na kailangan.. Bakit pa ako makikipagtalo?

Alam ko at tahasang sinasabi ko sa lahat na nabibilang na ang karamihan sa inyo ng mga sarado ang isip sa mga maling paniniwala. Mga taong takot tumangap ng tunay na katotohan mula sa sinasabi ng iba, mga taong nakabilango sa paniniwala ng mga sinusunod na tao.

Para sa akin..
Ang pag gawa ng kabutihan ay nakadepende sa takbo ng iyong pag - i - isip hindi sa bibliya o sa simbahan o sa mga pari, pastor, o mga kulto o pag sapi sa kahit na anong religion. Kung nagkasala kaman noon sa dati mong kinasasaniban at ngayon ka lang naging mabuti sa bago mong kinasaniban.. Ayaw mo lang tangapin sa iyong sarili na "hindi ka lang nagkaisip ng tama noon at ngayon ka lang nagkaisip na gumawa ng mabuti. Huwag mong ibunton o ipasa sa dati mong relihiyon ang mga kasalanang nagawa mo noon. Ikaw ang gumawa ng kasalanan.. ikaw ang nag desisyon kung bakit nagawa mo ang mga kasalanan mo noon at ikaw din ang nag desisyon ng mga kabutihang nagagawa mo ngayon at ang mga desisyong ginagawa mo ay nakabase lahat sa iyong isip.

Ang paraan ng pagiging mabuti sa mata ng diyos o malapit sa diyos ay hindi nakadepende sa pagbabasa ng mga talata sa bibliya kungdi sa paraang kung paano mo tratuhin ang iyong kapwa at hindi sa paraang kung paano ka makipagtalo sa kapwa.

Anong saysay ang pagbabasa mo ng bibliya kung salbahe ka naman sa kapwa mo tao.
Anong saysay ng iyong madalas na pagsisimba kung salbahe ka naman sa iyong kapwa tao.

Iisa ang layunin nating lahat
Layuning maging mabuti sa kapwa tao

At ang kabutihan... ay hindi nadadaan sa pakikipagtalo.



Friday, 2 May 2014

ANG BUHAY NGA NAMAN

Sabi ng girlfriend ko noon
Mahal na mahal kita, lahat gagawin ko mapatunayan ko lang sa iyo na mahal kita

Talaga?
Oo
Pahalik nalang sa kili-kili
Ayaw ko nga!


Isang araw nasalubong ko isa kong kaibigan.. napansin ko lumaki yung nguso niya sabi niya naduraan daw niya yung punso kaya lumaki nguso niya. Minsan naman nasalubong ko naman yung isang kaibigan ko nakita ko lumaki din yung isang paa niya.. Sabi niya natapakan naman daw niya yung punso kaya lumaki din. Napag isip - isip ko subukan ko din kayang umihi sa punso baka sakali, matagal ko na ring pangarap yan. 

Nag uusap kami ng kumpare ko sa tabi ng CR bigla kaming may narinig na tunog broot, brooot, brot. Nagkatinginan kami ng kausap ko galing sa loob iyon. Maya - maya may lumabas na babae siya yung nanalong beauty contest sa isang bayan. Minsan talaga mahirap din ang kumain ng panis.

Mas mahirap kung nakasakay ka sa jeep tapos naramdaman mo ang laking problema yan halos pawisan ka ng malamig. Minsan nasa isang station ako ng bus eto tumawag nanaman si kalikasan ano pang gagawin mo di CR nanaman ang distination mo kaso wala palang tabo kailangang - kailangan ko pa naman ngayong patapos na buti nalang kamo may dala akong yakult. Mahirap din palang gamitin yung yakult noh?
ang daming buhus binilang ko nga lahat yung salok ko halos umabot sa isang daan dami kasing sablay, mas marami sigurong buhus lalo kung babae. Galit na nga yung kasunod ko sa tagal ko sa loob hindi ko na nga binuhusan di lalo na akong inabot ng isang lingo sa loob.

Wala ka nga talagang pagpipilian basta tumawag ang kalikasan, hindi ka na pwedeng mamili tulad nung bumisita ako sa hospital ang itinuro sa akin nung nurs walang ilaw sa loob. Pero meron pa raw isang hindi nila ginagamit kasi walang pintuan pero may ilaw.. Palagay ko pwede na iyon ang mahalaga may ilaw kaysa wala. Naka-upo na ako kasalukuyan akong nag le-labor napatingin ako sa itaas nabasa ko morgue, sus! hindi pa ako tapos! naman, namann, namannnnn!

Minsan malalaman mo kung sino ang umutot sa loob ng FX sigurado kung sino yung tulog iyon ang umutot. 

Pero kung si misis ang kasama mo sa biyahe sigurado alam niya kung ikaw ang umutot kasi kabisado niya eh.. pag tiningnan ka niya ng malalim sigurado ikaw na ang suspect niya.

Minsan naman nakaka-inis Yun bang pakiramdam na.. umalis ka lang sandali para kumuha ng tubig pagbalik mo may nauna ng nakapasok sa loob ng CR, di ba nakakainis yung ganong pakiramdam? Yung ang laki laki ng mga binabayaran mong buwis napupunta lang pala kina senador bong revilla at jingoy estrada.

Kung mahal mo talaga ang isang tao kahit anong galit mo sa kanya hindi mo makuhang pagalitan o pagsabihan ng masakit kasi baka umiyak o baka magtampo, tatahimik ka nalang para wala ng away hindi na lalaki ang gulo. Kimkimin mo nalang ang galit mo sa kanya, tiisin mo nalang ang sama ng loob para walang away. Kahapon tinanong niya Papa ano yung password mo sa facebook? lintekkabuwisitka Bawi - bawi nalang minsan kung may time. Humiram ako ng bike kasama ko si misis sa likod ko naka-angkas may nasalubong ako chiks na naka-miniskirt sinundan ko ng tingin nabanga ko yung basurahan si misis nahulog sa gilid ng daan sa basurahan sa ibaba, humiram pa ako ng hagdanan para makaakyat siya sa itaas kasi mataas, hindi naman ako makababa kasi mataas. Isang lingo na hindi parin ako iniimik.

Minsan naman halos sigawan mo yung nagtitinda sa restaurant "ano ba naman itong ulam nyo walang kalaman - laman!"

Ano ba inorder mo kuya?

buto - buto.

Dati crush na crush ko yung kapitbahay namin pero hindi naman niya ako type.. after ten yrs nagkita kami kinalabit niya ako pero hindi ko nakilala, mukha niya kasi naging syopaw.

Si pareng kulas nasalubong ko galing ng presinto ididimanda niya yung nakabundol sa kanya nag hit & run. " Sir, nabundol po ako ng tricykle..

Nakuha mo ba yung plate number?
Hindi po sir kasi nakatakbo kaagad.

Nakilala mo ba yung kulay ng tricykle?
Hindi po sir kasi medyo madilim doon sa lugar.

Namukhaan mo ba yung driver?
Hindi po sir kasi nakatalikod.

O.. ano pang ginagawa mo dito?

Sabi ni misis Papa kilawin mo nga itong baboy..
Sige,
naparami ko ng suka medyo maasim Naparami ko rin ng asin maalat na, nilagyan ko ng tubig para mawala yung asim at alat niya, parang pangit tingnan kasi nagkaroon ng sabay. Niluto ko nalang ng paksiw para bumagay yung asim niya kaso sigurado magagalit si misis kasi ngayon lang siya nakakita ng baboy na pinaksiw. Niluto ko nalang na adobo para toyo nalang ang ilalagay ko. May kumatok sa pintuan tatlong dalaga at isang lalaki mga born again christian pala magbabahagi lang daw sila ng konting aral ng diyos nakalimutan ko na yung niluluto ko natuyuan na buti naagapan ko pa kaso medyo umitim yung baboy pinirito ko nalang yung baboy kasi parating na si misis. Nilagay ko na sa lamesa Mamili nalang siya kung anong gusto niya Kilawin o paksiw o adobo o prito Andyan na lahat.

Tuesday, 26 March 2013

INA AMA ANAK

Mahirap balansehin ang mga pangyayari lalo na kung ang maapektuhan ay ang mga mahal mo sa buhay ngunit minsan kailangan mo rin namang magdesisiyon alang-alang din sa buhay at kaligayahan mo.

Laban ng magulang at anak sa kaligayahan
Laban ng obligasyong bigyan ng kaligayahan ang magulang
at
Obligasyong bigyan ng kaligayahan ang anak.

Sino ang dapat masunod?

INA , AMA , ANAK

Kadalasan dumarating sa buhay ng mag anak ang usapin tungkol sa pagsasama ng mga magulang at anak. Kadalasan dumarating ang punto ng pagtatalo o nagkakaroon ng usapin ang mga magulang at mga anak, mga usapin tungkol sa kani - kanilang karapatan, karapatan ng anak at karapatan ng mga magulang, kaligayahan ng mga magulang at kaligayahan ng anak.

Mahirap timbangin kung ang pag uusapan talaga ay ang ibibigay na kaligayahan ng bawat panig kung sino nga ba talaga ang mananaig o sino nga ba talaga ang bibigyan ng kaligayahan, sa ganitong usapin ang hirap talaga magbigay ng paliwanag lalo na kung ang maapektuhan ay ang mga magulang. Alam nating lahat na ang magpaligaya ng magulang ay isang napakahalagang aspeto na maari nating ibigay sa ating mga magulang na masasabi nating walang katumbas na halaga ngunit ganon din naman sa panig ng mga magulang ang magbigay na kaligayahan sa kanyang anak ay isa ring napakahalagang aspeto para gawin ng isang magulang sa kanyang anak.

Paano mo hahanapan ng magandang paliwanag na tatayo ka bilang anak at tatayo ka rin bilang isang ama o ina sa iyong anak kung dumating ang isang usapin ninyong dalawa ang "pagkakaroon ng kasintahan ng iyong anak na dalaga sa isang lalaki na malaki ang agwat ng edad sa iyong anak at nagkaroon pa ng dalawang anak sa dati niyang asawa na kasalukuyang umuusad ang annulment nilang mag asawa."

Ikaw, bilang isang anak na ngayon ay isa na ring ina o ama ng iyong mga anak, paano mo ipapaliwanag ng tama ang ganyang sitwasyon? Bilang ina o ama tinututulan mong mahalin ng iyong anak ang lalaking alam mong hindi tamang mahalin ng iyong anak?

Sino ang papanigan mo
Ang anak ba? At bakit?
Ang mga magulang ba? At bakit?

Sino ba ang dapat na magparaya at sino ba ang dapat na magbigay ng kaligayahan? Lalo na kung ang mahal na mahal mong ama ay nagkakaroon na ng sakit dahil sa pag aalala sa kanyang anak kahit nasa wastong edad na ang kanilang anak para mag asawa.

Alam ko, ang bawat kaligayahan ng magkabilang panig ay mahalagang ibigay sa bawat isa, kung obligasyon ng mga magulang na bigyan ng kaligayahan ang anak, obligasyon din ng anak na bigyan ng kaligayahan ang kanyang mga magulang.

Sino ang dapat mag paraya, magulang ba o ang anak?

Kung para sa akin bilang isang magulang na naging anak din, kung ang magpaparaya ay ang anak para sa kaligayahan ng mga magulang at susunod siya sa kagustuhan ng mga magulang na layuan ang pinakamamahal niyang lalaki, ibibilanggo mo lang ang iyong anak sa tiyak at walang katapusang kalungkutan ng dahil sa kaligayahan ng magulang habang panahon mo ng ibibilango sa kalungkutan ang iyong anak, habang panahon mong itatali sa tanikala at ipagkakait sa iyong anak ang kaligayahang dapat sana ay makakamit na niya ang kaligayahang dulot ng pag ibig. Ang pinakamamahal mong anak ang magdadala ng sakripisyo habang panahon ng dahil sa inaasam na kaligayahan ng magulang na kailangan sila ang pipili sa lalaking kakasamahin ng anak. Makakahulagpos lang sa tali ng tanikala ng kalungkutan ang iyong anak kung dumating ang araw ng katandaan at bawiin na ng may kapal ang buhay ng mga magulang ngunit... iba na ang magiging katauhan ng iyong anak, malaki na ang pagbabagong magaganap sa panloob at panlabas na kaanyuan ng dalaga, kung saan mas mahirap ng humanap ng tamis ng pag ibig, mawala man sa mundo ang kanyang mga magulang patuloy parin siyang magiging bilango ng kalungkutan dahil nawala na sa buhay niya ang lalaking alam niyang magpapaligaya sa kanya habang panahon.

Para sa akin na dati ring naging anak na ngayon ay isa naring magulang ng aking mga anak dapat alam natin ang nararamdaman ng isang anak, dapat mas binibigyan natin ng pagpapahalaga ang kaligayahan ng mga anak kaysa kaligayahan nating mga magulang dahil mas naniniwala ako na ang kaligayahan ng ating mga anak ay kaligayahan din nating mga magulang mas lamang sa kaligayahan ng magulang ay kaligayahan din ng anak. Kung bibigyan natin ng espasyo ang kaligayahan ng anak mawawala ang pag aalala ng mga magulang, mawawala ang kalungkutan ng mga magulang na kahit dumating man ang huling hininga nating mga magulang maligaya parin tayong papanaw dahil alam nating maiiwan natin ang ating anak dito sa mundo na maligaya, kaligayahan ang iiwan natin sa anak hindi ang kalungkutan. Ikaw na isang ina o ama ay nagawa ng magmahal noong ikaw ay kasalukuyang umiibig pa lamang, nagawa mong sundin ang kagustuhan mong ibigin, nagawa mong piliin ang lalaking gusto mong ibigin, nagawa mong makamit ang kaligayahang dulot ng pag ibig ng lalaking pinili mong kakasamahin habang buhay. Hayaan mo rin sanang maranasan ng iyong anak ang mga bagay na nakamit mo noong ikaw ay kasalukuyan ding umiibig. Pinili mo ang lalaking inibig mo dahil alam mong may masasandalan kang mga magulang kung halimbawang nagkamali ka ng pagpili ng lalaki, hayaan mo rin sanag patunayan niya na tama siya ng tinatahak ng ayon sa sarili niyang pamamaraan, kung magkamali man andyan pa kayong mga magulang na handa parin ang suporta alang - alang sa pinakamamahal mong anak. Tulad mo na naging isang anak na nagnanais din ng kalayaan sa pagpili ng iibigin at nagnanais din ng kalayaan sa pag pili ng kaligayahan, ibigay mo rin sa iyong anak ang mga bagay kung saan nandoon karin sa panahon ng katayuan niya ngayon.

Ang mga bagay na napagdaanan mo noon, hayaan mo ring daanan ng iyong anak dahil tulad mo may karapatan karing lumigaya at mamili noong ikaw ay bata pa ganon din siya. Bilang isang magulang tayo ang dapat na unang uunawa sa mga anak at unang magpaparaya sa kaligayahan at bilang isang ina o ama dadaanin din niya kung saan karin naroroon ngayon.

Kung ang masusunod sa ganitong usapin ay ang mga magulang, ang tanging magdurusa ay ang anak.
Kung ang masusunod ay ang anak hindi kaylan man makakaramdam ng pagdurusa ang mga magulang kung makakaramdam naman ng kaligayahan ang kanilang anak.

Sunday, 3 March 2013

MALANSANG ISDA

      Siguro panahon narin para isulat ko kung ano ang tunay na nararamdaman ko dito. Ang totoo noon ko pa ito gustong isulat at noon ko pa gustong mag-react at noon ko pa gustong mag bigay ng sarili kong opinion tungkol dito sa kasabihan nating mga pilipino ang malansang isda.

Alam nyo ba ang kahulugan ng malansang isda?

Mula pagkabata hanggang sa mga taong katulad natin alam ang kasabihang.. Ang hindi magmahal sa sariling wika, masahol pa sa malansang isda.

Nanood ako ng isang ginanap na program dito sa amin awarding ng mga nanalong hindi ko alam kung ano na iyon, unang nagsalita ng pambungad na bati ng emcee..., good evening every one, first of all etcetera, etcetera... namputsa!

Sa isang liblib na lugar ng aming bayan kung saan naninirahan ang halos ninety five porsyento ay mga magsasaka ang aming barangay na halos mahigit kalahati ng papolasyon ng aming barangay ay mga pawang magsasaka ang ikinabubuhay, sa tingin nyo ba ang mga nanonood ng program ay mga titulado na gustong-gusto at naiintindihan ang kanyang mga sinasabi? Ilang porsyento kaya ng mga nanonood ang nakakaintindi ng kanyang english sa  tulad ng mga tao sa kanayunan?

Pinakilala ang susunod na magsasalita, bumanat nanaman ng sandamakmak na english.

Alam nyo ba kung gaano na kakitid ang utak ng mga kababayan nating mga pilipino? Ilan sila sa mga pilipinong singkitid ng walis tingting ang utak, bakit kamo? bakit ka ba english ng english? Bakit ba ayaw mong magsalita ng tagalog? Bakit ayaw mong mag ilokano nalang? Anong tingin mo sa sarili mo amerikano ka ba? Ano tingin mo sa mga kausap mo amerikano ba?

Ayoko sanang makasakit ng damdamin ng aking mga mambabasa, siguro naman kung hindi ka isa sa mga taong sinasabi ko hindi para sa iyo itong sinulat ko. Pero kung isa karin sa mga taong sinabi kong makitid ang utak palagay ko para sa iyo ito.

Makinig ka, isipin mong mabuti.. ikaw ay isang pilipino hindi masama ang mag english kung gusto mong magsalita ng english pero.. alam mo ba kung saan ka dapat magsalita ng english, dapat alamin mo kung sino ang mga nakakausap mo, dapat alamin mo kung sino-sino ang mga taong nakikinig sa iyo, dapat sa edad nating ito dapat alam mo narin kung ano ang tama at mali, kung pilipino ba ang kausap mo dapat ka bang mag english? Kung tagalog ang kausap mo dapat ka bang mag english?

Napakasakit tangapin ang katotohanan na ganito na tayo ngayon, ganito na kababa ang ating sentido komon. Kung pagdugtung - dugtungin ko kung ano ang nakikita ko sa mga ganitong tao babagsak ka sa tinatawag na "ang laki mong tanga". Kung aalamin mo ang tunay na kahulugan ng tanga yan ay ang mga taong walang common sense o mababa ang sentido komon yan ang kahulugan ng tanga. Kung tatanungin mo bakit nga ba naging tanga? Maliwanag pa sa sikat ng araw na isa kang pilipino bakit ayaw mong magsalita ng tagalog? Alam mong mga pilipino ang nakikinig sa iyo bakit ka pa english ng english? Alam mong halos wala na ngang nakikinig sa talumpati mong english patuloy at patuloy ka paring nag e-english. Sa isang liblib na lugar hindi mo ba naiisip na kung naiintindihan ba ng mga tao ang english mo?

Naniniwala ka ba na minsan ang tao may pagkatanga din yaman lang at ayaw nilang tangapin sa sarili na tanga sila dahil ang tao ayaw gamitin ang isip. Tulad ng madalas kong sinasabi sa blog ko.. ang mga pilipino kadalasan alam ang kahulugan ng mga salita ngunit hindi nila magawa sa gawa.

Tulad ng... ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa sa malansa at mabahong isda.

SA AKING PAGSUSULAT

    Noon iniisip ko madali lang magsulat, basta magsulat ka lang ng magsulat tapos i-post mo na sa blog mo ok na pero habang tumatagal ako sa pagsusulat unti-unti nalalaman ko hindi pala ganon kadali ang magsulat lalo na kung ang talagang sinusunod mo ay yung tunay na magpapasaya hindi lang sa iyo kundi pati na rin sa mga nagbabasa. Habang tumatagal akong nagsusulat nare-realized ko na kailangang bigyan mo ng kasiyahan ang nagbabasa at gawing interesante ang iyong mga sinusulat. Walang pinagkaiba sa isang libro na kung gusto mong mabili ang ginawa mong libro kailangan hatakin mo ang utak at damdamin ng nagbabasa, parang isang pelikula na kailangan tumabo sa takilya. Marami akong pwedeng isulat na maari kong pulutin kung saan-saan, marami akong pwedeng isulat na pwede kong pulutin sa idea ng iba ngunit bakit parang hindi ko magawa. Iisa kasi ang laging humaharang sa isipan ko na magsulat yung pumulot ng idea ng iba or manguha ng talino ng iba. Totoo may kanya-kanya tayong istilo sa pagsusulat at may kanya-kanya tayong paraan kung saan manggagaling ang ating sinusulat, kanya-kanya naman talaga tayo ng talino at istilo. Kung naniniwala ka na may kanya-kanya nga talaga tayong talino.. bakit hindi mo gamitin ang sarili mong talino? Bakit kailangang mamulot ka pa ng ibang talino kung may sarili ka namang talino.

Sa aking pagsusulat pwede akong magsulat ng isang bagay na pwede kong alamin muna sa net or sa google ang mga tunay na kahulugan upang mas malawak at mas marami akong maipapaliwanag na masasabi kong mas makatotohanan dahil dito sa net andito na lahat ang katotohanan, andito na halos lahat ng matatalino sa buong mundo, dito mo makikita ang makatotohanan depende iyan sa paniniwala ng tao. Maniniwala ka ba na karamihan din sa mga matatalinong tao na mas makatotohanan pa ang mga paniniwala mo kaysa sa kanila? Para sa akin may mga taong pinaniniwalaan nating matatalinong tao ngunit sa aking palagay marami sa mga pahayag ng mga pinaniniwalaan nating matatalinong tao na hindi ako sang ayon sa katotohanang pinapaliwanag nila. Hindi komo pinaniniwalaan nating matatalino silang mga tao isang daang porsyento tama na ang lahat ng kanilang mga paliwanag. Dapat nating tandaan tao rin sila na tulad mo at parehas lang ang laki ng utak ng tao.

Marami akong nababasa sa mga sinasabi ng mga matatalino at tanyag na tao na hindi ko sinasang ayunan na iyon na ang katotohanan. Kadalasan lang na nangyayari lalo na sa ating mga pilipino na kung kapwa pilipino hindi maniniwala sa iyo dahil minsan ang mga pilipino hindi nagpapadaig sa kapwa pilipino at kung maliit ka lang na tao mas maliit ang porsyento na sasang-ayunan ka nila, puwera lang talaga na may mga pilipino rin na napakalawak ng unawa at napakalalim ng isip sila lang ang talagang makakapaniwala sa isang maliit na taong nagsusulat, alam ko marami rin ang mga pilipinong mas madaling makaintindi ng katotohanan malaking tao man o maliit na tao, sikat man o hindi ang nagsusulat nalalaman nila kung sino ang tunay na paniniwalaan nila sa mga nagsusulat, isa rin kasi ako na malalim ang isip at madali kong hangaan ang taong nagpapahayag ng katotohanan maliit na tao man o hindi.

Sa aking pagsusulat minsan ayokong magsulat para lang ipakita sa tao na matalino kang tao dahil sa marami kang ipinapaliwanag na  katotohanan, pero sa kabila ng katotohanang pinaliwanag mo o sinulat mo napulot mo lang pala mula sa ibang tao. Para sa akin.. sigurado kung lalaban ka ng debate mauubusan ka ng paliwanag dahil ang sinulat mo ay hindi nagmula mismo sa iyong talino kundi pinulot mo lang sa talino ng ibang tao, sigurado kakain ka ng alikabok, lalabas lang katawa-tawa ka sa iyong mga paniniwala.
Sa maniwala kayo or sa hindi mas gusto kong magsulat na manggagaling mismo sa katas ng isipan ko, nanggaling mismo sa sarili kong paniniwala at obserbasyon, hindi ako nagbubuhat ng sarili kong bangko para lang ipagmalaki na ganito ako, sinasabi ko na ganito ako magsulat para ipaalam sa mga nagbabasa ang paraan ng pagsusulat. Para sa akin isinusulat ko ang lahat ng nalalaman kong katotohanan, kung may mga tao mang hindi sang-ayon sa mga sinusulat ko handa akong lumaban ng debate, paniniwala laban sa paniniwala.
Kung may mali man ako sa aking paniniwala ang mahalaga nakikita ko ang sarili kong pagkakamali, pero... kung makatotohanan naman ang mga paniniwala ko saka lang ako nakakaramdam ng kaligayahan dahil kaya ko palang makipagpalitan ng opinion at kuro - kuro sa ibang tao, kaya ko palang itaguyod ang katotohanang nagmula mismo sa aking mga paniniwala, mas nakakaramdam ako ng kasiyahan.

Kung ganito ang istilo mo sa pagsusulat dito mo makikita ang tunay na talento mo sa pagsusulat. Malaki ang aking paniniwala na kung may talento ka talaga sa pagsusulat kahit hindi ka umasa sa talino at idea ng ibang tao meron at meron ka talagang maisusulat. Maipagmamalaki mo na talagang galing mismo talaga sa isipan mo ang mga sinusulat, walang daya sa sarili, walang daya sa kaligayahang mararamdaman. Dito mo makikita na mas nakakaangat ka palang mag isip kaysa sa mga taong nakikipagdebate sa iyo dahil makikita mo na mali sila sa kanilang paniniwala. Magkakaroon ka pa ng sariling tagahanga dahil ang nagbabasa ang siyang makapagsasabi sa inyo kung sino ang talagang mas makatotohanan.

NASA DUGO


Bakit kung kailangan nating mag reklamo sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno kadalasan sa mga media pa tayo lumalapit? Kadalasan mas makabubuti pang sa media tayo mag sumbong para maaksyonan ang problema natin. Bakit sa pulis kadalasan ayaw nating lumapit? Iisa naman ang sumasagi sa isip ng tao ang kapangitan ng imahe ng ating kapulisan ang tumatak na sa ating mga pilipino. Huwag na nating sabihing "hindi naman lahat ng pulis ay masasama" lumang tugtugin na iyan.. ang point ko ay ang masamang imahe ng kapulisan natin ang siyang tumatak na sa isipan ng mamamayan. Kahit na sinong pilipino pare - parehas ng iniisip sa kapulisan o sa kahit saang ahensya ng gobyerno isama na natin ang mga empleyado pa ng gobyerno mula sa barangay tanod hanggang sa presidente. Ang laging sumasagi sa isipan na ng tao sa media mo nalang ilapit mas sigurado pang aaksyunan. Karamihan kasi sa ahensya ng gobyerno kikilos lang kung may medya, kikilos lang kung may kamera ng kumukuha, kikilos lang kung may namamatay na. Kadalasan kung pangkaraniwang tao kalang paasahin ka lang kung hindi man pagtuturu-turuan ka lang nila hanggang sa ikaw ay mag sawa, kung misan naman ikaw pa ang malalagay sa alanganin lalo na kung ang kalaban mo ay maimpluwensyang tao. Kung pangkaraniwang tao na magsusumbong ikaw pa minsan ang magagatasan dahil sa ugaling pagiging mukhang pera ng ilan.

Mga kapulisan ba or tayong mga pilipino ay may ugali lang talagang katamaran? at may ugali lang talaga tayong mukhang pera. Tayong mga pilipino ay mahilig sa porsyentuhan kailangan may porsyento ako bago ako lumakad. Tingnan ninyo sa mga ahensya ng gobyerno di ba sala-salabat ang nakawan, sala-salabat ang korapsyon, sala-salabat ang porsyentuhan, sala-salabat ang mga mukhang pera. Maliwanag pa sa sikat ng araw na may ugali lang talaga tayong mukhang pera. Kahit anong dami ng mga pulis ang nakakasuhan ng mga katiwalian meron at meron paring mga umuusbong na parang kabuti na mga magnanakaw. Kahit may mga bagong pulis ang umuusbong pagdating ng araw may mga magnanakaw at mga tiwaling pulis parin ang uusbong. Kahit na saan mang sangay ng ahensya ng gobyerno meron at meron kang makikitang katiwalian at katamaran na mga empleyado. Kahit pa nga mga presedente mga nagnanakaw. Kahit alam na nga nilang matatangal sila sa serbisyo eto at patuloy paring gumagawa ang mga tao ng lagayan at nakawan. Paano natin mapapatino ang mga ahensya ng gobyerno? Paano natin mapapatino ang pilipinas kung patuloy at patuloy na palaging may mga ganyang tao?

Mawawala pa ba talaga ang mga magnanakaw?
Mawawala pa ba ang mga tamad?

Palagay ko hindi na dahil nananalantay na talaga sa dugo nating mga pilipino ang pagiging tamad, pagiging magnanakaw at pagiging kawalan na ng desiplina. Tingnan mo sa mga bangketa ng divisoria makikita mo ang kabulukan at katamaran talaga ng tao at ng mga namumuno. Napakaraming basura, napakaraming magnanakaw, napakaraming isnatser. Dahil sa katamaran ng tao at ng namumuno at dahil sa kawalan ng desiplina makikita mo ang resulta pag nagsamasama ang mga hunghang. Lalo na kung mga taong lumaki sa yaman ano pa ang aasahan nating sipag sa kanila gayong sila nga lumaking tamad, hindi komo mayaman sila hindi na magnanakaw, kadalasan pinalaki silang addik sa pera kaya hindi mo maasahan na hindi sila magnanakaw. Kadalasan makikita mo rin sa mga pilipino na magagaling silang umalma at manita ng mga tiwaling tao pero kung sila na ang nasa pwesto at may pagkakataong mag nakaw gagawa at gagawa parin sila dahil nasa dugo na talaga natin ang pagiging tamad , walang desiplina at ugaling magnanakaw.
Isang napakasakit na katibayan at katotohan na may mga sinusuweldo na nga humihingi pa ng lagay, mayayaman na nga nagnanakaw pa, may trabaho na nga hindi pa magtrabaho ng tama.

Ang laht ng kabulukan ay nasa dugo na talaga ng tao

Sunday, 4 November 2012

ITS MORE FUN IN THE PHILIPPINES

Iyan ang pinagmamalaking salita ngayon ng ating ahensya ng gobyerno sa mga torismo "its more fun in the philippines". Ano nga ba ang tunay na maipagmamalaking kagandahan ng pilipinas? Ang magagandang mga tanawin ba ng pilipinas? Ano ba ang mga magagandang tanawin ng pilipinas? Mga gabundok na basura na pinagkakaguluhan ng mga batang namumulot ng basura? Hindi ko na iisa-isahin ang lahat ng nakapanlulumong paningin sa pilipinas, alam ko na alam na nating lahat kung gaano na kapangit ang katayuan at kalagayan hindi lang ng bansa pati na ng mga pilipino. Kahit libutin mo ang buong pilipinas halos wala kang makitang nakakamanghang kagandahan sa pilipinas na ginawa mismo ng tao or ng gobyerno ang tanging alam ko lang na ipinagmamalaki ng gobyerno natin ay ang mga likas yaman ng kabundukan, mga kwebang ginawa na ng kalikasan. Sa tingin nyo ba sa nabangit ko sa itaas ay mas nakakaakit ang pilipinas kung ikukumpara sa ibang bansa? Mas magaganda di hamak ang mga lugar sa ibang bansa na karamihan pa sa lugar nila ay hindi natin mararanasan dito sa pilipinas na talagang dinevelop na mas kamangha-manghang tingnan ang mga lugar na pang akit nila sa mga turista, mga lugar na talagang ginastusan ng husto ng gobyerno. Ang perang nakokolekta ng gobyerno mula sa mga taxes ng mga tao ay talagang inilalaan nila ng husto sa mga proyektong kung saan masisiyahan ang tao, kung saan ang mga mamamayan ang totoong makikinabang ng pera ng gobyerno hindi ng mga taong nakaupo lang sa pwesto. Ang isang maipagmamalaki lang naman talaga ng pilipinas ay ang pagiging masayahin natin na halos lahat ng mga pilipinong makakasalubong o makakausap ng mga turista ay nakangiti, sa madaling salita magaling tayong makiharap sa bisita magaling tayong makipagbolahan sa mga turista sa sobrang kagalingan natin sa pakikitungo sa mga turista kahit gumagawa na ng illegal hindi pa natin hinuhuli pero ang mga items nahuhuli minsan dinudugas pa ng mga nakakumpiska. Napakasakit sabihin na sa dami ng mga dayuhan dito sa ating bansa parang hindi naman pamamasyal ang ipinupunta nila dito sa ating bansa, ayon sa napapanood ko sa mga balita karamihan sa mga gumagawa ng katiwalian dito sa ating bansa ay ang mga dayuhan turista dahil dito sila nakakapagtago ng malaya, dito sila nakakagawa ng kalokohan ng malaya, dito sila nagpapakalat ng mga droga, dito sila nagkakaroon ng mga kasama na mismong mga pilipino pa ang kanilang ginagawang galamay at mismong mga pilipino pa ang mismong nagtatago sa mga taong tulad nila, kadalasan na kahit mahulihan ng mga ibidensya hindi pa nahuhuli ang mismong dayuhan na may ari ng mga nakulimbat na smuggling dahil alam nila na madaling takpan ng pera ang bibig at utak ng mga pilipino. Sa puntong ito hindi ko masisi ang mga pilipinong nagiging kasabwat o mga pilipinong natatakpan ng pera dahil sa kanilang kahirapan, kahirapang walang maayos na solusyon ang gobyerno. Pero kung ating maalala at bibilangin kung ilan na ang mga dayuhang namintas sa ating bansa, mga turista at mga sikat na tao sa ibang bansa ang hindi napigilang magsalita at maglabas ng kanilang saloobin ukol sa nakita nila dito sa ating bansa. Mga salitang sampal sa pagkatao nating mga pilipino at ng ating mga nanunungkulan sa gobyerno. Pero sa likod ng mga pamimintas ng mga dayuhan natuto na ba ang mga kinauukulan? Tayo pa nga ang matapang at tayo pa ang magaling mangatwiran, dahil ang isang ugali nating mga pilipino ay ang mangatwiran, ugaling ayaw tumangap ng pagkatalo, imbis na solusyonan ang problema nangangatwiran pa, kung ano-anong masasakit na salita pa ang ibabato sa mga turistang nagpahayag ng saloobin tungkol sa kapangitan ng pilipinas. Its more fun in the philippines, More fun dahil masarap manood ng balita na puro nakawan, puro patayan, puro pulis na hinuhuli, puro teacher na kinakasuhan ang napapanood, more fun dahil puro exotic food na ang napapanood na kinakain na ng mga pilipino, aso, buwaya, butiki, itlog ng langam na pula, tipaklong, palaka, ararawan, paniki, buwaya, cobra, daga at maraming-marami pa na sumasalamin sa tunay na istado ng indibidwal na pilipino. Alam ko sasabihin ninyo hindi naman lahat ay kumakain ng exotic food may mga pilipino din kumakain ng tamang pagkain, tama sa oras oo tama kayo pero hindi ninyo maikakaila na dapat sana ay wala ng kumakain ng mga nakakahindik na balahibong kainin kung ang istado sana natin ay nasa katulad ninyo na may yaman at kakayahang hindi mamulat sa mga ganyang nakahihindik na pagkain. Kung hindi sana ganito.. di sana wala ng kakain ng daga, palaka, paniki upang maranasan din namin ang magsawa at mauma sa lasa ng espagheti, mang inasal at jollibee na tunay na masasabi mong its more fun in the philippines. Kung ako na mismong pilipino ang magsasabing... bumisita kayo sa aming bansa ay hindi ko tahasang magawa dahil ayokong nang dagdagan pa ang kahihiyang inabot mula sa katotohanang sinabi ng hindi na mabilang na mga dayuhang nakaranas na tumapak dito sa ating bansa dahil minsan nakakabinging pakingan ang katotohanan na ang pilipinas ay isa at nangungunang pinaka maruming lugar sa buong mundo. Hindi nakakabingi ang mga salitang pamimintas ng mga dayuhan kungdi ang nakakabinging katotohanan na tunay na nararanasan at nakikita natin dito sa ating bansa.

ANG TUNAY NA DAHILAN

Bakit nga ba nag hihiwalay ang dalawang mag asawa? Ano ang pangunahing dahilan ng pag hihiwalay ng mag asawa? Maraming dahilan ng paghihiwalay ng dalawang nagsasama hindi ko na iisa-isahin dahil alam na natin ang mga dahilan kung bakit naghihiwalay ang mag asawa at ang isa sa mabigat na dahilan ng paghihiwalay ay ang pagkakaroon ng tinatawag na 3rd party. Pero bakit nga ba nagkakaroon ng 3rd party? Lalaki man o babae umaabot sa ganyang sitwasyon pero ano nga ba ang mabigat na dahilan kung bakit nagagawa ng bawat isa ang pagkakaroon ng ibang minamahal? Marami ang nagsasabi at pangkaraniwang dahilan na ng tao ay ang salitang "love" "nagmahal lang kami", "tao lang kami na marunong din magmahal". Ano naman ang dahilan kung bakit nagmamahal tayong muli? Syempre andyan yung idadahilan natin na iresponsable ang asawa ko, andyan naman yung idadahilan na bungangera ang asawa ko maraming pwedeng idahilan na pwedeng itago ang tunay na dahilan na sa isang banda wala naman tayong panahon para imbistigahan pa natin ang tunay na katotohanan sa kanilang mga dahilan at wala naman sa kahit sino ang aamin ng tunay na dahilan. May mga tao pa ngang kumakaliwa kahit wala naman talagang malalim na dahilan kung bakit pa sila kumakaliwa kahit nga ang ibang nagsasama na walang masamang dahilan nagagawa paring kumaliwa, iisa lang naman lagi ang panakip butas na dahilan ng milyong-milyong tao sa ganitong sitwasyon ang bukang bigbig na.. "nagmahal lang kami". "Pagmamahal" ang palaging dahilan at pagmamahal ang pantakip sa tunay na nararamdamang libog. Sa tingin nyo.. bakit pa nagagawang kumaliwa ang mga taong wala naman talagang masamang dahilan para magawa at pagtaksilan parin nila ang kanilang asawa, kahit nga alam na nila ang problemang idudulot ng gagawin nilang pangangaliwa pero patuloy parin nilang nagagawa. Bakit nga ba? Matagal kong pinag aralan ang bagay na iyan tulad ng sinabi ko sa itaas may masamang dahilan man o wala pero nagagawa parin nila ang kumaliwa. Iisa lang naman talaga ang dahilan "sex" o "kalibugan" ito ang tunay na dahilan ito ang katotohanang ikinukubli sa mga pangkaraniwang idinadahilan ng tao ayaw lang kasi nilang pulaan sila ng tao... sex ang pangunahing ugat ng paghihiwalay ng mag asawa. Kung ang asawa mong babae ay nag kulang sa pangangailangan asahan mo hindi ito makakaiwas sa tukso at tawag ng pangangailangan kahit pa sabihin na nating anong bait ng kanyang asawa. Sa panig naman ng lalaki sigurado ito rin ang pangunahing dahilan ng pangangaliwa niya ito ang katotohanang ikinukubli ng kanilang kasinungalingang "nagmahal lang ako", "tao lang akong naghahanap ng tunay na pagmamahal". Alam ko marami ang mag re-react dahil ang tao likas ang kasinungalingan, kahit sang ayon sa sinasabi mo pilit paring mangangatwiran nature na kasi ng tao ang kasinungalingan at nature narin ng tao ang hindi pagtangap sa katotohanan. Sino ba ang taong kayang umiwas sa sex? maari maiiwasan kung hindi niya kursunada yung tao. Kaya nga ang taong nangingibang bansa na nagkakawalay ng maraming taon doon nila malayang nagagawa ang hindi dapat ginagawa at doon natin maririnig ang madalas na dahilan ng tao "umibig lang ako". Kung may pagkakataong gumawa gagawa at gagawa lalot napakaraming pagkakataong pwedeng gawin at malayang gawin.