Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Thursday, 20 October 2016

LONG DISTANCE RELATIONSHIP



Walang  kamatayang  usapin  ito  kahit  saang  umpukan  lalo  na  dito  sa  internet  o  sa  facebook.

Marami  ang  mga  nagtatanong  tungkol  sa  long  distance  relationship  kung  ano  ang  magandang  gawin  upang  maging  matibay  ang  pagmamahalan  ng  dalawang  magkasintahan  o  mag-asawa  na  milya-milya  ang  pagitan.

Dati  narin  akong  ofw  at  nakaranas  din  ng  long  distance  relationship.  Sa  aking  asawa  o  sabihin  na  nating  nagkaroon  din  ako  ng  kasintahan  sa  ibang  bansa.

Wala  naman  talagang  matibay  na  sandata  o  matibay  na  relasyon  kapag  ang  isa  ay  gusto  talagang  magloko  depende  lang  talaga  sa  ugali  ng  tao.  Mga  taong  walang  iniisip  kungdi  ang  sarili  lamang  kahit  pa  magkaloko-loko  ang  buhay  ng  pamilya.

Ayon  sa  naging  karanasan  ko,  totoong  mahirap  labanan  ang  maging  malayo  sa  isa't-isa,  marami  ang  hindi  nagkakatuluyan,  yung  iba  naman  hindi  tumatagal  bilang  magkasintahan.

Bakit  nga  kaya?  
Pagmamahal?  Oo  kailangan  talaga  ang  pagmamahal  sa  isa't - isa.  Pero  hindi  ako  naniniwala  na  kailangan  ng  "pagtitiwala"  sa  isa't - isa.  Sabihin  na  nating  may  tiwala  ka  nga  sa  kanya  kung  talagang  gusto  na  niyang  layuan  ka  wala  kang  magagawa  dahil  hindi  kayang  hadlangan  ng  tiwala  mo  ang  lahat  ng  gusto  niyang  gawin.

Ano  mang  maging  problema  ng  mag  asawa  andiyan  lagi  ang  pag  unawa  ng  isa't-isa  ano  man  ang  sabihing  dahilan  ng  isa  kahit  puro  kasinungalingan  na  ang  dinadahilan  ng  isa  ay  andon  parin  ang  magandang  pagsasama  nilang  dalawa.

Dito  tayo  sa  kalagayan  ng  magkasintahan  pa  lamang..

Sa  magkasintahan  ang  long  distance  relationship  ang  pinakamahirap  sa  lahat,  maraming  mga    magkasintahan  ang  nagkakahiwalay  at  nasisira  dito.  Depende  na  lamang  kung  ang  magkasintahan  ay  malalim  na  ang  pinagsamahan  at  may  tunay  na  pagmamahalan  sa  isa't-isa.  Mahirap  ng  paghiwalayin  ng  landas  kahit  pa  sila  makaranas  ng  long  distance  relationship  dahil  kilala  na  nila  ang  ugali  ng  bawat  isa,  di  katulad  ng  bago-bago  pa  lang  sila  naging  magkasintahan  tapos  magkakalayo  sa  isa't-isa,  lalo  na  yung  sa  net  lang  nagkakilala  at  sa  net  din  nabuo  ang  pagmamahalan  yan  ang  madaling  wasakin  ng  long  distance  relationship.

 Sa  dalawang  magkasintahan  na  magkalayo  ng  lugar  importante  ang  pakikipag-usap.

Ang  ganda  ng  pakikipag-usap  ang  pinakamabisang  sandata  para  hindi  ka  hiwalayan  ng  iyong  kasintahan  na  nasa  malayong  lugar. Kailangan  "hindi  ka  boring  na  kausap"  sa  telepono  man  o  sa  camera  kapag  kayo  ay  nag-uusap  importante  na  magkaroon  lagi  ng  buhay  ang  inyong  pag  uusap  laging  may  tawanan,  may  biruan  upang  hindi  ka  niya  pagsawaang  kausap.  Kailangan  laging  may  bago  kayong  pinag  usapan,  kailangan  hindi  ka  nauubusan  ng  mga  bagay  na  interesado  siyang  pag  usapan,  kailangan  may  napupulot  din  siyang  magagandang  bagay  mula  sa  mga  kinukuwento  mo  dahil  sa  pamamagitan  ng  mga  binibigkas  mo  ay  unti-unti  ka  niya  nakikilala,  unti-unti  nakikilala  niya  ang  tunay  na  pagkatao  mo  lalo na  kung  sa  net  lang  kayo  nagkakilala  at  sa  net  din  nabuo  ang  inyong  pagmamahalan.

Mahalagang  aspeto  ng  isang  tao  ang  maganda  at  masayang  kausap  sa  tulad  ninyong  nasa  malalayong  lugar  na  nakakaranas  ng  kalungkutan.  Makatagpo  man  siya  ng  mga  bagong  kakilala  siguradong  panandalian  lamang  ang  kanilang  pagkakakilala  dahil  hahanap-hanapin  parin  niya  ang  kakaiba  mong  istilo  sa  pakikipag-usap  kung  saan  siya  nagiging  masaya  at  mas  komportable.

Kung  hindi  nasisiyahan  sa  pakikipag-usap  sa  iyo  ang  iyong  kasintahan  na  nasa  malayong  lugar   mawawalan  siya  ng  oras  at  obligasyon  na  kausapin  ka  sigurado  hahanap at  hahanap  siya  ng  taong  masayang  kausap.

Sa  long  distance  relationship  tanging  pakikipag  usap  lamang  nakasalalay  at  siyang  magbibigkis  at  magpapatatag  ng  inyong  pagmamahalan.

Kung  sa  pakikipag usap  napapasaya  mo  ang  iyong  kasintahan  na  nasa  malayong  lugar  diyan  uusbong  ang  kanyang  pagmamahal  daan  para  lagi  siyang  maglaan  ng  oras  at  obligasyong  kausapin  ka.

No comments: