Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Tuesday, 26 May 2009

PANAGINIP



Nais ko pong ibahagi dito ang isang panaginip na nangyari sa akin habang akoy nasa kasarapan ng tulog. May 23 (sabado) Naks kompleto pati petsa ano po para lumabas na medyo may katotohanan ng konti kung hindi ako nagkakamali, galing ako sa isang kaibigan na kaututan ko din ng dila at habang kami'y nag kukuwentuhan siyempre hindi naman mawawala ang konting alkohol na iniinom, isang sangkap din para gumanda ang usapan.

Naparami na ako ng inom, minabuti ko nang umuwi at magpahinga, humiga at nag isip ng konti.. at habang nakahiga lumalaro sa isipan ko yung pang aaway sa akin nung girlfriend ko este nung kaibigan ko pala. Nakatulog ako... Habang nasa kalagitnaan ako ng tulog, isang panaginip ang naglaro sa aking pagkakahimbing, hindi ko lang mawari kung maganda o pangit ang aking panaginip.

Isang babae sa aking panaginip ang papangalanan kong ''VIOLET'' (sana mabasa ni miss violet ito) Isang babae ang sinubukan kong ligawan sa aking panaginip, at sa aking panaginip lumalabas na ayaw akong sagutin ni violet dahil mas malaki ang nararamdaman niyang pagtingin sa aking karibal na halos matagal ng kaibigan ni violet. Sa madaling sabi... bagsak ako sa exam. Lubha akong nalungkot sa aking panaginip parang gusto ko ng magising para hindi ko na marnig ang sasabihin ni violet na... " kaibigan na lang tayo".

Pero dahil dala ng ispiritu ng alak, lalong napasarap ang aking tulog.. narinig ko nga yung sinabi ni violet na... kaibigan na lang daw kami, Hayyyy! '' hirap naman nito, panaginip na nga lang basted pa '' Itutuloy ko na yung aking panaginip... sa madaling sabi, dahil ayaw ko naring habaan pa itong kuwento ko.. nagpaalam nalang ako kay violet.

Iisa lang ang sinabi ko sa kanya sa aking panaginip... ''Sige, kung yan ang desisyon mo... aalis nalang ako.. pero... pwede ba ako humingi ng isang request isang kahilingan bago ako umalis? pagkatapos lalayo na ako hindi na ako magpapakita kahit kaylan.

Ano yon Ron? (tanong ni violet)

Pwede ba ako ''HUMALIK'' kahit sa pisngi lang.. then aalis na ako lalayo na ako violet. Hindi umimik si violet, dahil ayaw din naman niya akong saktan pumayag siya sa aking kahilingan. Hinalikan ko siya ng malumanay, madiin , matagal. at sa halik kong iyon... Ewan ko kung makalimutan niya ako. Dito na po ako nagising na nabubuwisit, ngayon naman na ayaw ko pang gumising... saka naman kusang dumilat itong mata ko. Sayangggg!!

15 comments:

DETH said...

based! ahahaha...kumpleto with emoticons talaga noh...ahahaha

tama na kase ang kakapanaginip, dapat daw gumising ka na at gawin mo sa makatotohanang mundo!!! hehehe

Rhodey said...

e di sana hindi ka nanghihinayang ngayon, kasi kapag sa panaginip kapag nagising ka the end na, pero kapag totoo yan pwede ka pang humirit aheheheks...

poging (ilo)CANO said...

panaginip lang yan parekoy....kung basted ka sa panaginip, basted ka parin...hehehe.

batang narS said...

"Hinalikan ko siya ng malumanay, madiin , matagal. at sa halik kong iyon..."

----->Nyahahahahahaha..akala ko ba pareng jethro sa pisngi lng?hahahah

>tanong lang, wat time ka nanaginip nun?base kasi sa aking napag-alaman, pag nanaginip ka daw sa gabi which is until 12 am, baliktad daw ang mangyayari..pag 12 am til morning/umaga, ang nangyri sa panaginip ay magkatotoo daw.hehe

sge pareng jethro:)
aheks.

Crisiboy said...

ayos sa panaginip bro..hehehe

HARI NG SABLAY said...

si mariel ba yung nasa picture?hehe

may relasyon ba kayo ni miss violet?
mukhang type na type mo siya ah.
totoo ba yung komento ni batangnars?ncurious tuloy ako.sana managinip ako ng mganda ngayon

Meryl (proud pinay) said...

hmmmm...curious ako kung ang "violet" na nasa isip ko na blogger at ang "violet" sa iyong panaginip ay iisa?
yaan mo sa panaginip lang yan...malay mo naman sa personal sagutin ka ni violet...
hehe

Ilocana said...

Hi, pahirit,, Sabi ng ilan, minsan ang ibig sabihin ng panaginip eh kabaliktaran daw. So in reality, pag nagising ka, di ka basted. So,pwede mo nang ituloy ano man yung nabitin, ha,ha,ha!

Salamat pala sa dalaw :)

chikletz said...

bakit kaya ang mga lalake kadalasan sinasabi hindi daw sila marunong manligaw...hmmm.. asus!

Febby said...
This comment has been removed by the author.
Febby said...

Just stumbled upon your interesting blog. Haha...and all I have to say is...wow pre lalim ng tagalog mo. Inggggit ako!

haha

Bingkay said...

hahahaha! kasalanan ni mata yan.

Baka sa totohanan mabaliktad..hindi ka mabasted. At siya pa ang hahalik.

ayos!

Meryl (proud pinay) said...

hi jettro, andito ulit ako salamat sa message and complement ^_^ ingatz ^_^

xtina.emogurl said...

Kuya Jettro meron ka pa lang blog. Eto ba ang dahilan kaya hindi ka na masyado active sa telemirror?hehe

xtina.emogurl

Dhianz said...

tsk! sayang bitin ohh... naman... wehe... =)

pasensya na ngaun lang muli nakadalaw sau d2... ingatz lagi...

Godbless! -di