Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Thursday 22 July 2010

KALIGAYAHAN KO ANG KANILANG KALIGAYAHAN






Sa unang pag alis ko papunta dito sa ibayong dagat walang pagsidlan ang kagalakang naramdaman ko sampu ng aking pamilya kasama ng lahat ng mga mahal ko sa buhay. Ganito pala ang pakiramdam abot-abot ang kaligayahan dahil ito na ang simula para maabot ko ang magandang buhay at isa narin akong matatawag na ofw ang isang bayani ng bayan. Dahil sa pangingibang bansa ko lalong tumibay ang relasyon namin ng aking asawa at ng aking mga anak dahil sa perang pinapadala ko sa kanila lalo nilang sinusunod ang lahat ng binibilin ko sa kanila mula sa pag aaral at sa pang araw-araw nilang ginagawa at pag uugali mas madali silang pangaralan dahil dulot narin sa nararamdamang kaligayahan nila mula ng akoy pinalad makapag trabaho dito sa ibayong dagat. Nagkaroon kami ng tinatawag na give and take sa isat-isa yun bang ibibigay ko ang lahat ng gusto nila basta huwag lang nilang gagawin ang lahat ng ayaw ko. At natuto silang tumupad sa pangako dahil ako muna mismo ang nangungunang mag pakita ng pagtupad sa pangako.

Sa panahon ng aking pamamalagi dito sa ibayong dagat dito ako nakaramdam ng tunay na kaligayahan. Hindi mai-aalis sa isang ofw ang hindi lumuha dahil dumarating ang araw na maalala mo ang mga mahal mo sa buhay. Ang iyong butihing asawa na nandiyan lagi na nangungumusta at nagpapaalala lagi sa aking kaligtasan kasama ng aming mga anak, ang iyong inang nag-aalala. Ngunit andiyan parin sa iyong isipan ang pangungulila at kasabikang makita, mayakap at mahagkan ang aming mga anak. Dahil sa makabagong teknolohiya ngayon abot kamay at abot tanaw ko ang aking pamilya sa pamamagitan ng internet napapawi ang aking pagod at luha sa tuwing nakikita namin ang isat-isa. Bawat pag uusap namin puro pangarap ang madalas na pinag uusapan namin ng aking pamilya pangarap na hindi na muling babalik sa hirap na dinanas namin noon. Hindi na baleng ako na ang makaramdam ng kalungkutan dulot sa pangungulila basta makita ko silang masaya, malusog at may siguradong makakain sa araw-araw.

Hindi biro ang mawalay ka ng matagal sa iyong pamilya. Maraming pagsubok at kalungkutan ang dadanasin mo. Mga luhang hindi mo halos mapigilan lalo na kung dumarating ang kapaskuhan na tanging larawan at sulat lang ng iyong pamilya ang iyong kapiling. Ang bawat luhang pumapatak ang siyang nagpapatibay ng aking pagkatao, mga luhang nagpatatag ng aking kalooban at ang mga luhang ito ang nagturo sa akin upang tumayo at lumaban sa lahat ng pagsubok. Ang mga sakit na naramdaman ko sa panahon ng aking pag-iisa at paghahanap buhay sa ibayong dagat ang siya kung ginagamit upang matutuo akong mag isip ng malalim. Mula sa pagiging ofw ko at mamuhay ng nag-iisa marami akong natutunan, natuto akong makipag-kapwa tao dahil minsan kailangan mo ng may kasama. Hindi sapat na sila lang ang pwedeng magmahal kailangan magmahal karin sa kanila. Dito ako natuto kung paano mapaglabanan ang kalungkutan, dito ako natuto kung paano maging matibay ang aking kalooban sa mga pagsubok, dito ako natuto kung gaano kahalaga ang oras at panahon na lumilipas, dito ako natuto kung paano bumagsak at tumayong muli alang-alang sa mga mahal ko sa buhay, dito ko nalaman ang tunay na kahalagahan ng isang ama kung gaano kalaki ang responsibilidad na hinahawakan mo sa iyong sarili at sa iyong pamilya, dito ko napatunayan kung gaano ako katatag sa mga pagsubok, dito ko natutunan kung paano magkontrol sa sarili mula sa mga hilig ng katawan at sa lahat ng galit na nararamdam mula sa mga taong nakapaligid, dito ako natuto kung paano mag pasensiya alang-alang sa pamilya at dito ako natutong magdasal at humingi ng gabay mula sa ating panginoon na huwag niyang pababayaan ang aking pamilya at huwag niya akong pababayaang magkasakit upang makamit ang pinapangarap kong magandang buhay para sa aking pamilya kahit katumbas nito ay luha.

Sa pamamagitan ng mga natutunan ko gagamitin kong sandata upang makita ko ang tamang daan tungo sa aming mga pangarap. Ayokong sayangin ang bawat pawis na pumapatak mula sa aking katawan, kahit anong pagsubok, kahit anong hirap kakayanin ko maibigay ko lang ang pangarap at kaligayahan ng aking pamilya.

Dito ko rin napatunayan kung gaano kalaki ang ginagampanan ng bawat manggagawang pilipino sa ibayong dagat, hindi lang dahil sa pamilya para mabigyan ng magandang bukas, hindi lang sa ating bayan kundi ang pakikipagtagisan ng kakayahan sa ibat-ibang nationality kung saan naging angat tayong mga pilipino at kinilala sa buong mundo dahil sa talento at pambihirang kakayahan natin sa pagtatrabaho kung saan nakilala tayo ng husto at pinapurihan ang mga manggagawang pilipino. At dahil sa nakilala ang pilipinas taas noo tayo at may karapatang iwagayway ang ating watawat saang panig man ng mundo. At dahil sa ipinakitang kakayahan ng bawat manggagawang pilipino patuloy na kukuha ang bawat bansa ng mga pilipino sa mga susunod pang mga henerasyon.

Ano man ang danasin patuloy at patuloy tayong tatayo alang-alang sa ating pamilya. Upang sa pagbabalik kahit lumuha akong muli hindi na luha ng kalungkutan kundi luha na ng kaligayahan. Darating ang araw maipagmamalaki ka ng iyong pamilya dahil sa nagawa mong kabayanihan sa kanila at sa iyong inang bayan.

Sa tuwing nakikita kong masaya ang mga mahal sa buhay walang tigil sa pagluha ang aking mga mata mga luha ng kaligayahan dahil kaligayahan ko ang kaligayahan nila. Ang pangarap ko tuparin ang pangarap ng aking mga anak. Salamat sa pagiging ofw ko.

Sa mga kapatid kong manggawang pilipino saludo ako sa inyong lahat dahil kayo ang nagsisilbing pundasyon ng ating watawat at pundasyon upang maging matatag ang pagsasama ng pamilya. Sa pinuhunan kong pangungulila abot kamay na ng aking mga anak ang kanilang mga pangarap uuwi akong may masayang pamilyang naghihintay.

Sa mga kapwa kong ofw sumasaludo ang ating bayan sa inyong lahat.



Photobucket

Friday 16 July 2010

THINK GOD ALWAYS


Tulad ng isang pangkaraniwang tao.. Lumaki akong maraming kaibigan, maraming kabarkada, maraming hilig sa katawan, mahilig sa kasiyahan, mahilig sa mga outings, mahilig tumambay sa mga tambayan.

Ngunit habang lumalaon nagkakaroon ako ng hustong pag-iisip. Nabago ang aking pananaw sa buhay, nabago ang lahat sa akin, nababago ang takbo ng aking buhay. Ang bawat ginagawa ko sa araw-araw kahit noong binata palang ako hindi nawawala sa aking isipan ang panginoon. Kahit anong gawin ko, kahit saan ako pumunta hindi nawawala sa isipan ko ang ating panginoon. Kahit hindi ako gaanong nagsisimba, kahit hindi ako naniniwala sa ibang paniniwala tungkol sa relihiyon basta hindi ako nakakalimot palagi sa ating panginoon. Lahat ng bagay na natatangap ko, lahat ng kaligayahan ko at lahat ng kalungkutan ko lagi akong kumakatok sa kanya upang magpasalamat, upang humingi ng tawad kung akoy nakakagawa ng mali. Para sa akin pinanatili ko sa isipan ko ang ating panginoon dahil kung lagi siyang nasa ating isipan sa pamamagitan ng pangalan niya naiiwasan ko kahit papaano ang gumawa ng kasalanan kahit man lang sa isipan inilalayo ko ang aking isipan sa mga kasalanan.

Naalala ko sabi ng tatay ko.. Anak lahat ng kabutihang ginagawa mo may gantimpalang nakalaan, kaya.. hanggat maari puro kabutihan ang gawin mo para gantipalaan ka ng kaligayahan. Totoo ang sinabi ng tatay ko dahil nararamdaman ko ang kaligayahan ko sa araw-araw, hindi niya ako pinapabayaan kasama ng mga mahal ko sa buhay, hindi niya ako binibigyan ng problema sa araw-araw kaligayahan ko ng maituturing.

Napakadakila ng panginoon, ibinibigay niya ang lahat ng bagay na ikaliligaya natin at ang bawat bagay o bawat kaligayahang ibinibigay sa atin daan upang maalala natin ang panginoon isang paraang ginagawa niya upang hindi tayo makalimot sa kanya, upang hindi tayo makagawa ng kasalanan hanggat nanatili siya sa ating isipan hindi malalayong makagawa ng kasalanan hanggat namamahay ang ating panginoon sa ating puso't isipan.

Paano ka nakakagawa ng kabutihan sa ating panginoon?
Paano ka nakakagawa ng kasalanan sa ating panginoon?
Paano mo mamahalin ang ating panginoon?
Sa paanong paraan?

Gayong hindi naman natin siya nakikita, hindi nakaka-usap, hindi nahahawakan. Sa paanong paraan mo maipapakita ang kabutihan at kasalanan mo sa ating panginoon?

Sa pamamagitan ng iyong kapwa.

Ang iyong kapwa ang daan upang maging mabuti ka sa ating panginoon.
Gumawa ka ng kabutihan mo sa kapwa iyan ang paraan upang maging mabuti ka sa paningin ng ating panginoon. Lahat tayo ay anak ng ating panginoon lahat tayo magkakapatid mahalin mo ang iyong mga kapatid.

God is Love.. Totoo ang panginoon ay pag-ibig kung magmamahal ka ng iyong kapwa ang ispiritu ng ating panginoon ang namamahay sa iyong puso't-isipan. Ang lahat ng bagay dito sa mundo panginoon ang nagbibigay sa atin. Ang kaligayahan mo at kalungkutan galing lahat sa ating panginoon. Ang lahat ng mga bagay na natatangap mo, ang lahat ng kaligayahan mo sa araw-araw buhat sa pagmamahal sa atin ng ating amang may likha. Hindi tayo ang gumagawa ng ating kaligayahan sa araw-araw, dumarating bigla sa ating buhay ang kaligayahang nararamdaman mo sa iyong pang araw-araw na pamumuhay, ang bawat halakhak mo, ang bawat ngiti mo, ang bawat sigla ng katawan mo bahagi ng iyong kaligayahan na dulot sa iyo ng ating panginoon suklian mo ng kabutihan upang manatili sa iyo ang kaligayahan.

Gumawa ka ng kasalanan... May kalungkutan kang mararamdaman. Tandaan mo iyan.



Photobucket

Friday 9 July 2010

MASAYA AKO KUNG......

Matagal na akong nagtatrabaho dito sa malayo alam nyo ba halos sa loob ng dalawang buwan o higit pa halos isang beses lang ako nanonood sa tv ng mga palabas. Kahit dito mismo sa aking computer hindi ko magawang manood ng kahit na anong palabas. Hindi ako masaya sa panonood mas binibigyan ko ng atensyon ang pagbabasa. Wala akong hilig manood ng kahit ano mahilig akong magbasa, makinig ng mellow music, magsulat, uminom ng konting alak hate ko naman ang maglasing. Masaya ako kung mild lang ang tama ko, Kung nakainom na ako ng konti saka ako nakakaramdam ng kasiyahan gumaganda ang mood ko, gumagaan ang pakiramdam ko sasabayan ko ng pag-iisip, sasabayan ko ng pakikinig ng music, sasabayan ko ng pagsusulat at pagbabasa masayang masaya na ako niyan. Yayain mo akong makipag party mabibigo ka, yayain mo akong mag swiming mabibigo ka hanggat maari mas komportable ako dito sa kuwarto ko na nag iisa hanggat maari ayaw ko ng may ibang tao akong kasama bukod sa pamilya ko wala ng iba akong gustong kasama. Mahilig lang akong mamasyal kung nag iisa ako o kaya kasama ko mga mahal ko. Pero kung ibang tao bukod sa matalik kong kaibigan wala na akong gustong kasama. Kung mamamasyal ako mahilig akong mag lakad ng nag iisa walking trip ako minsan, pero kadalasan namamasyal ako ng naka motor gusto kong makita ang lahat ng hindi ko napapasyalan noon araw.

Dito sa ibayong dagat malaya tayo, lahat pwede nating gawin walang makapipigil sa lahat ng nais mong gawin. Pero sa akin hindi ko magawa isipan ko mismo ang pumipigil sa aking sarili upang lumabas. Gusto ng katawan kong mag relaks sa labas ngunit pinipigilan ako ng isipan ko. Para bang mas mahalaga sa sarili ko ang mag isip kaysa ang mata hahaha ang gulo ko noh. Totoo yan minsan nag tatalo ang mata ko at isipan ko dahil minsan gusto ng katawan ko ang makakita naman ng ibang tanawin pero ayaw naman ng isipan ko dahil sa pag iisip ko napapangiti din akong mag isa mas malayo ang nararating mas maraming nakikita at mas maraming magagandang bagay ang nagagawa ko sa imahinasyon ko. Minsan bumabalik sa aking alaala mga hindi magagandang bagay na nagawa ko noong araw.

Masaya din ako kung gumagawa akong mag-isa ginagawa ko ang mga bagay na ayaw kong humingi ng tulong sa iba. Kung nakaharap ako dito sa computer ko nagsusulat ako minsan photoshop kadalasan nagbabasa ako yan ang umuubos ng oras ko. Mahilig din akong tumingin sa pananamit ng ibang tao kung anong style ang mapupulot ko sa pananamit. Mahilig akong kumanta hindi ko pinapansin ano man ang isipin ng ibang tao sa boses ko or sa ginagawa ko. Dalawa lang naman ang klase ng tao dito sa mundo ang maging maligaya at maging malungkot. Minsan may mga taong madaling kumuha ng kaligayahan ayaw humanap ng kalungkutan. Ang isa naman ay madaling humanap ng kalungkutan pero mahirap humanap ng kaligayahan.






Photobucket
Photobucket