Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Sunday, 7 December 2008

NAAALALA MO PA BA ANG IYONG NAKARAAN

Ang sarap gunitain ang mga araw na lumipas. Ang mga araw na.. unang pasok palang natin sa paaralan. Ang mga araw na naliligo tayo sa ulan... naglalaro ng taguan.., tumbang preso... Mga araw na... walang ibang problema kundi ang pera. (nay...! pengeng pera). kukurutin ka naman ng piiiinong-pino. At sino naman kaya ang makakalimot sa larong bahay-bahayan.

Ang pilyo-pilyo ko noon (Lol) ngayon naman... ang torpe-torpe ko naman. Halos araw-araw... walang oras na nasa loob kami ng aming tahanan... Puro laro, laro, laro... (Pak!) sabay palo ni nanay sa puwet.. ha ha ha takbo ka naman kamot-kamot ka pa sa puwet dahil masakit-sakit din yong palo ha! Natatandaan ko pa.. nuong kumukuha kami ng duhat.. unahan kami sa pag akyat... nauna sa aking umakyat yung kalaro naming si gina... ako naman ang kasunod na umakyat.. sus! kitang kita ko yung panty niya nakatabingi yung sa puwitan ha ha ha. tawa kami ng tawa noon.Iniisip ko nga sana... maulit yon ngayon kahit malaki na kami.. ang sarap eh!

Sino naman ang makakalimot nuong panahong nasa high school tayo... oyyyyy!!!Eto ang mahirap talaga makalimutan yung high school life natin. Dahil dito na tayo nag uumpisang tubuan ng bigote ha ha ha.. ( o masama naman yang nasa isip mo). Dito rin tayo nag umpisang umibig, dito din tayo nag umpisang uminom, dito din tayo natutong manigarilyo. At sa mga gurly naman... dito rin unang nagkakaroon ng boyfriend di ba? Wooooo! Dito na rin tayo unang tinutubuan ng taghiyawat. Yung iba naman... sa sobrang dami ng taghiyawat... parang tagyawat na tinubuan ng mukha (LOL).

Kung naiisip ko yung mga araw na yan... hindi ko talaga mapigilan ang ngumiti. Ikaw din noh? Ang saya-saya natin nuon. Walang iniisip na problema, ngayon... daming problema.. sus! hindi natin naiisip kung ano kaya ang magiging buhay natin kung may pamilya na tayo. Hindi natin naiisip kung anong magiging kapalaran natin, kung anong magiging bukas.
Pero ngayon... andito na tayo.., malapit na sa dulo... Maaaring alam na natin kung anong buhay meron tayo. Alam na natin kung anong kapalaran meron tayo... at alam na rin natin kung ano pa ang kaya nating gawin.Minsan... iniisip ko kung ano kaya ang mga bagay na hindi ko nagawa noon?Ano kayang mga bagay ang hindi ko ginawa na pinagsisisihan ko.. na gusto kong ibalik para hindi sana ganito ang buhay ko.


Maaari pa kayang ibalik ang kahapon?

No comments: