Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Sunday 13 September 2009

SA ARAW NG PASKO


Ilang araw na ang nakalilipas nakatangap ako ng isang tawag
mula sa pilipinas, isang ginang ang tumawag sa akin upang
kumustahin ang kaniyang asawa na halos mag dadalawang
buwan na raw na hindi nakikipag usap sa kanila.
Dahil kilala ko yung lalaki, minarapat nung ginang na ako
ang kausapin upang maiparating nila ang kanilang pag aalala,
pangungulila sa asawang nakalimot na sa kanyang responsibilidad.
Ayaw ko sanang isulat dito, sinubukan kong kausapin ang lalaki
ngunit hindi ako pinakikingan at hindi na muling nakikipagkita
sa akin. Minarapat ko nalang isulat dito, alam kong nababasa
niya ito.
!
Kaibigan para sa iyo ito,
Noong nasa pinas ka pa kasalukuyan kayong nakikibaka sa hirap
ng inyong pamumuhay, kasama mo ang iyong butihing maybahay
na sinusuong ang hirap ng inyong pamumuhay. Sa konting
kaligayahan na binibigay mo sa iyong asawat mga anak
inuunawa ka nila dahil alam at tangap naman nila kung ano
lang ang kaya mong ibigay sa kanila. Sa konting kaligayahang
ibinibigay mo sa kanila hindi ka nila iniiwan dahil alam mo kung
gaano ka rin kamahal ng iyong asawat mga anak.
Nung nabalitaan mo na isa ka sa mapalad na makaalis
dahil narin sa tulong ng pagdarasal ninyong mag asawa
pinakingan ang inyong panalangin.
Alam mo bang ang unang-unang natutuwa ay ang iyong
asawat mga anak? Dahil iyan na ang pagkakataon ninyo na
makaahon kayo sa hirap, iyan na ang pagkakataon mo na
mabibigyan mo narin ng kaligayahan ang iyong asawat
mga anak. Tuwang-tuwa ang iyong asawa
dahil kahit papaano mabibigyan nyo narin
ng maayos na kasuutan ang inyong mga anak.
!
Ngayong andito ka na... abot mo na ang kaligayahang
matagal nyo ng pangarap ngayon mo pa sila iiwan.
Ngayong nalalasap mo na ang kasaganaan sa iba mo pa
ibinibigay. Yang bago mong kinakasama ang binibigyan mo
ng kaligayahan kaysa sa sarili mong pamilya? Ipinagkait mo
sa mga anak mo ang mga pangarap nila, ipinagkait mo
sa iyong asawa ang kaligayahang ngayon lang nila matitikman.
Hindi ka ba naawa sa asawa mo't mga anak?
Alam mo ba kung gaano kasakit ang ibinibigay
mo sa kanila ngayong pasko?
Masaya ka sa piling ng bago mong minamahal
habang ang asawa't mga anak mo umiiyak. Iniwan mo
ang sarili mong pamilya sa gitna ng karagatan na walang
sagwan, walang makain, walang matakbuhan.
!
Kumakain ka ng masarap... hindi mo ba naiisip
kung kumakain din ba sila ngayon?
!
Masaya ka ngayon... hindi mo ba naiisip kung baka umiiyak
ang pamilya mo ngayon?
!
Iisa lang ang binangit niya sa akin
MERRY CHRISTMASS DAW
yan lang... umiiyak na siya.
!
Ngayong paskong darating nakikita ng asawa't mga
anak mo sa kanilang isipan na masaya ka sa araw
ng kapaskuhan.

Sana...
Sa paskong darating makita mo rin sa iyong isipan ang
larawan ng iyong asawa't mga anak.
!
IKAW ANG KALIGAYAHAN NILA
SA ARAW NG PASKO
!
Tawagan mo sila, kumustahin mo pamilya mo
baka.. "NAGUGUTOM".

14 comments:

bea trisha said...

ay.
ang sad..
=(



it's a blog of realization for all...

cmvillanueva said...

nakakalungkot naman ito..

sana marealized pa rin niya na nalilihis sya ng kasiyahan nya...

Hari ng sablay said...

aww... diko lam anong sasabihin,kakalungkot naman tsk!

Meryl (proud pinay) said...

sana mapaisip ang fren mo na inalayan mo nitong tula..maganda ang contents...

anyway, maligayang pasko din sa iyo jett.

PinkNote said...

ang lungkot naman.. mahal na mahal sya ng asawa nya.. kung anu mang pagkakamali ang nagawa nya, magsisi lang sya, tatanggapin sya ulit ng asawa nya ng buong buo..

God bless sa pamilya nila..

RaYe said...

pambihira naman un! nakakainis mga taong ganun! hayst..

SEAQUEST said...

Hindi ako mapanghusgang tao dahil ayoko rin naman ang takalan ng husgang magamit ko eh bumalik sa akin sa ibang araw, alam kong may dahilan kung bakit? kung pano at sapat na para saakin ang mga iyon para msabi kong maaring sa kabila ng lahat ng sakit na alam niang nararamdaman nila at ng kanyang dating pamilya eh nagagawa niang tikisin may malalim na dahilan ang lahat, at walang ibang sinuman ang makakaalam nuon kundi sila lang hindi ko sinasangayunan ang gawi ng lalaki ang sa akin lang maaaring may panahon para sa kanilang paghilo anuman ang dahilan ng lahat sana lang maging maayos ang pasko naman wala sa diwa ng pagsasama at pagbibigayan kundi ang may malinis na kalooban araw-araw pasko....ayan kuya napa emo mo na naman tuloy ako hehehe

Jepoy said...

Sana mabasa nya ang koment ko.

Para Saiyo kung sino kaman,

Napaka i-responsible mo Parekoy! Alam kong mahirap ang buhay at kapag sinumpong na pangangati ay mahirap din pero sana lang, kung may kunsensya ka sabihin mo ng diretso sa asawa mo para naman hindi sya nag e-expect in return. Kausapin mo sya at higit sa lahat meron kang responsibilidad sa mga anak mo. Sana tablan ka!

bizjoker-of-the-philippines said...

sino ba yang lalaki na 'yan Jhet?
Hawakan mo at gugulpihin ko basta wag lang syang lalaban....

Pare, kung sino ka man, paano ka ba magigising sa katotohanan? sa trahedya ba?.....mag-isip ka...

ROM CALPITO said...

salamat sa mga comment ninyo
sana makatulong itong mga comment natin para matauhan siya alam ko nag iisip na siya.

minsan ang pagsusulat ang isang mabisang sandata para sa pagbabago.

Deth said...

helow jett...nakakalungkot naman 'to, pinagdaanan din to ng mga pinsan ko...

at kahit nagbago na ang tatay nila, hindi pa rin mapawi sa isip ng mga bata ang ginawang pang-iiwan ng ama sa sobrang hirap na naranasan ng kanilang ina para lang maitawid sila noon.

sana maisip pa ng kaibigan mong magbago habang hindi pa huli ang lahat...

Anonymous said...

nakakaiyak naman...parang nararamdaman ko kung ano nararamdaman ng pamilya nya...sana maisip din ng girl na pinagkakaabalahan nya ngayun na my pamilya na yung lalake...at what if mangyare din sakanya yun...sana sya na ang kusang lumayo sa lalake...siguro makakakita pa naman sya ng lalakeng karadapat dapat sakanya...wag na lang yung my pamilya na...

A.M.I.N.A said...

So touching...!Hope na lang tayo na magbago sana ang friend mo and will be reunited with his family on Christmas.Maligayang Pasko, Jett.Nice to meet you.

Joel said...

teka, totoo ba to? parang bigla naman akong naasar dyan sa kakilala mo..

sobrang nakakawa naman yung mga naiwan nya sa pinas. alam nya ba yung salitang karma? aysus! ingat ingat naman..

Merry xmas jettro, tambayan na pala to ng mga sunog baga ngayon ahehehe, tagal ko ding hindi nakabisita. ingat lagi, gb!

Photobucket