Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Tuesday 26 March 2013

INA AMA ANAK

Mahirap balansehin ang mga pangyayari lalo na kung ang maapektuhan ay ang mga mahal mo sa buhay ngunit minsan kailangan mo rin namang magdesisiyon alang-alang din sa buhay at kaligayahan mo.

Laban ng magulang at anak sa kaligayahan
Laban ng obligasyong bigyan ng kaligayahan ang magulang
at
Obligasyong bigyan ng kaligayahan ang anak.

Sino ang dapat masunod?

INA , AMA , ANAK

Kadalasan dumarating sa buhay ng mag anak ang usapin tungkol sa pagsasama ng mga magulang at anak. Kadalasan dumarating ang punto ng pagtatalo o nagkakaroon ng usapin ang mga magulang at mga anak, mga usapin tungkol sa kani - kanilang karapatan, karapatan ng anak at karapatan ng mga magulang, kaligayahan ng mga magulang at kaligayahan ng anak.

Mahirap timbangin kung ang pag uusapan talaga ay ang ibibigay na kaligayahan ng bawat panig kung sino nga ba talaga ang mananaig o sino nga ba talaga ang bibigyan ng kaligayahan, sa ganitong usapin ang hirap talaga magbigay ng paliwanag lalo na kung ang maapektuhan ay ang mga magulang. Alam nating lahat na ang magpaligaya ng magulang ay isang napakahalagang aspeto na maari nating ibigay sa ating mga magulang na masasabi nating walang katumbas na halaga ngunit ganon din naman sa panig ng mga magulang ang magbigay na kaligayahan sa kanyang anak ay isa ring napakahalagang aspeto para gawin ng isang magulang sa kanyang anak.

Paano mo hahanapan ng magandang paliwanag na tatayo ka bilang anak at tatayo ka rin bilang isang ama o ina sa iyong anak kung dumating ang isang usapin ninyong dalawa ang "pagkakaroon ng kasintahan ng iyong anak na dalaga sa isang lalaki na malaki ang agwat ng edad sa iyong anak at nagkaroon pa ng dalawang anak sa dati niyang asawa na kasalukuyang umuusad ang annulment nilang mag asawa."

Ikaw, bilang isang anak na ngayon ay isa na ring ina o ama ng iyong mga anak, paano mo ipapaliwanag ng tama ang ganyang sitwasyon? Bilang ina o ama tinututulan mong mahalin ng iyong anak ang lalaking alam mong hindi tamang mahalin ng iyong anak?

Sino ang papanigan mo
Ang anak ba? At bakit?
Ang mga magulang ba? At bakit?

Sino ba ang dapat na magparaya at sino ba ang dapat na magbigay ng kaligayahan? Lalo na kung ang mahal na mahal mong ama ay nagkakaroon na ng sakit dahil sa pag aalala sa kanyang anak kahit nasa wastong edad na ang kanilang anak para mag asawa.

Alam ko, ang bawat kaligayahan ng magkabilang panig ay mahalagang ibigay sa bawat isa, kung obligasyon ng mga magulang na bigyan ng kaligayahan ang anak, obligasyon din ng anak na bigyan ng kaligayahan ang kanyang mga magulang.

Sino ang dapat mag paraya, magulang ba o ang anak?

Kung para sa akin bilang isang magulang na naging anak din, kung ang magpaparaya ay ang anak para sa kaligayahan ng mga magulang at susunod siya sa kagustuhan ng mga magulang na layuan ang pinakamamahal niyang lalaki, ibibilanggo mo lang ang iyong anak sa tiyak at walang katapusang kalungkutan ng dahil sa kaligayahan ng magulang habang panahon mo ng ibibilango sa kalungkutan ang iyong anak, habang panahon mong itatali sa tanikala at ipagkakait sa iyong anak ang kaligayahang dapat sana ay makakamit na niya ang kaligayahang dulot ng pag ibig. Ang pinakamamahal mong anak ang magdadala ng sakripisyo habang panahon ng dahil sa inaasam na kaligayahan ng magulang na kailangan sila ang pipili sa lalaking kakasamahin ng anak. Makakahulagpos lang sa tali ng tanikala ng kalungkutan ang iyong anak kung dumating ang araw ng katandaan at bawiin na ng may kapal ang buhay ng mga magulang ngunit... iba na ang magiging katauhan ng iyong anak, malaki na ang pagbabagong magaganap sa panloob at panlabas na kaanyuan ng dalaga, kung saan mas mahirap ng humanap ng tamis ng pag ibig, mawala man sa mundo ang kanyang mga magulang patuloy parin siyang magiging bilango ng kalungkutan dahil nawala na sa buhay niya ang lalaking alam niyang magpapaligaya sa kanya habang panahon.

Para sa akin na dati ring naging anak na ngayon ay isa naring magulang ng aking mga anak dapat alam natin ang nararamdaman ng isang anak, dapat mas binibigyan natin ng pagpapahalaga ang kaligayahan ng mga anak kaysa kaligayahan nating mga magulang dahil mas naniniwala ako na ang kaligayahan ng ating mga anak ay kaligayahan din nating mga magulang mas lamang sa kaligayahan ng magulang ay kaligayahan din ng anak. Kung bibigyan natin ng espasyo ang kaligayahan ng anak mawawala ang pag aalala ng mga magulang, mawawala ang kalungkutan ng mga magulang na kahit dumating man ang huling hininga nating mga magulang maligaya parin tayong papanaw dahil alam nating maiiwan natin ang ating anak dito sa mundo na maligaya, kaligayahan ang iiwan natin sa anak hindi ang kalungkutan. Ikaw na isang ina o ama ay nagawa ng magmahal noong ikaw ay kasalukuyang umiibig pa lamang, nagawa mong sundin ang kagustuhan mong ibigin, nagawa mong piliin ang lalaking gusto mong ibigin, nagawa mong makamit ang kaligayahang dulot ng pag ibig ng lalaking pinili mong kakasamahin habang buhay. Hayaan mo rin sanang maranasan ng iyong anak ang mga bagay na nakamit mo noong ikaw ay kasalukuyan ding umiibig. Pinili mo ang lalaking inibig mo dahil alam mong may masasandalan kang mga magulang kung halimbawang nagkamali ka ng pagpili ng lalaki, hayaan mo rin sanag patunayan niya na tama siya ng tinatahak ng ayon sa sarili niyang pamamaraan, kung magkamali man andyan pa kayong mga magulang na handa parin ang suporta alang - alang sa pinakamamahal mong anak. Tulad mo na naging isang anak na nagnanais din ng kalayaan sa pagpili ng iibigin at nagnanais din ng kalayaan sa pag pili ng kaligayahan, ibigay mo rin sa iyong anak ang mga bagay kung saan nandoon karin sa panahon ng katayuan niya ngayon.

Ang mga bagay na napagdaanan mo noon, hayaan mo ring daanan ng iyong anak dahil tulad mo may karapatan karing lumigaya at mamili noong ikaw ay bata pa ganon din siya. Bilang isang magulang tayo ang dapat na unang uunawa sa mga anak at unang magpaparaya sa kaligayahan at bilang isang ina o ama dadaanin din niya kung saan karin naroroon ngayon.

Kung ang masusunod sa ganitong usapin ay ang mga magulang, ang tanging magdurusa ay ang anak.
Kung ang masusunod ay ang anak hindi kaylan man makakaramdam ng pagdurusa ang mga magulang kung makakaramdam naman ng kaligayahan ang kanilang anak.

Sunday 3 March 2013

MALANSANG ISDA

      Siguro panahon narin para isulat ko kung ano ang tunay na nararamdaman ko dito. Ang totoo noon ko pa ito gustong isulat at noon ko pa gustong mag-react at noon ko pa gustong mag bigay ng sarili kong opinion tungkol dito sa kasabihan nating mga pilipino ang malansang isda.

Alam nyo ba ang kahulugan ng malansang isda?

Mula pagkabata hanggang sa mga taong katulad natin alam ang kasabihang.. Ang hindi magmahal sa sariling wika, masahol pa sa malansang isda.

Nanood ako ng isang ginanap na program dito sa amin awarding ng mga nanalong hindi ko alam kung ano na iyon, unang nagsalita ng pambungad na bati ng emcee..., good evening every one, first of all etcetera, etcetera... namputsa!

Sa isang liblib na lugar ng aming bayan kung saan naninirahan ang halos ninety five porsyento ay mga magsasaka ang aming barangay na halos mahigit kalahati ng papolasyon ng aming barangay ay mga pawang magsasaka ang ikinabubuhay, sa tingin nyo ba ang mga nanonood ng program ay mga titulado na gustong-gusto at naiintindihan ang kanyang mga sinasabi? Ilang porsyento kaya ng mga nanonood ang nakakaintindi ng kanyang english sa  tulad ng mga tao sa kanayunan?

Pinakilala ang susunod na magsasalita, bumanat nanaman ng sandamakmak na english.

Alam nyo ba kung gaano na kakitid ang utak ng mga kababayan nating mga pilipino? Ilan sila sa mga pilipinong singkitid ng walis tingting ang utak, bakit kamo? bakit ka ba english ng english? Bakit ba ayaw mong magsalita ng tagalog? Bakit ayaw mong mag ilokano nalang? Anong tingin mo sa sarili mo amerikano ka ba? Ano tingin mo sa mga kausap mo amerikano ba?

Ayoko sanang makasakit ng damdamin ng aking mga mambabasa, siguro naman kung hindi ka isa sa mga taong sinasabi ko hindi para sa iyo itong sinulat ko. Pero kung isa karin sa mga taong sinabi kong makitid ang utak palagay ko para sa iyo ito.

Makinig ka, isipin mong mabuti.. ikaw ay isang pilipino hindi masama ang mag english kung gusto mong magsalita ng english pero.. alam mo ba kung saan ka dapat magsalita ng english, dapat alamin mo kung sino ang mga nakakausap mo, dapat alamin mo kung sino-sino ang mga taong nakikinig sa iyo, dapat sa edad nating ito dapat alam mo narin kung ano ang tama at mali, kung pilipino ba ang kausap mo dapat ka bang mag english? Kung tagalog ang kausap mo dapat ka bang mag english?

Napakasakit tangapin ang katotohanan na ganito na tayo ngayon, ganito na kababa ang ating sentido komon. Kung pagdugtung - dugtungin ko kung ano ang nakikita ko sa mga ganitong tao babagsak ka sa tinatawag na "ang laki mong tanga". Kung aalamin mo ang tunay na kahulugan ng tanga yan ay ang mga taong walang common sense o mababa ang sentido komon yan ang kahulugan ng tanga. Kung tatanungin mo bakit nga ba naging tanga? Maliwanag pa sa sikat ng araw na isa kang pilipino bakit ayaw mong magsalita ng tagalog? Alam mong mga pilipino ang nakikinig sa iyo bakit ka pa english ng english? Alam mong halos wala na ngang nakikinig sa talumpati mong english patuloy at patuloy ka paring nag e-english. Sa isang liblib na lugar hindi mo ba naiisip na kung naiintindihan ba ng mga tao ang english mo?

Naniniwala ka ba na minsan ang tao may pagkatanga din yaman lang at ayaw nilang tangapin sa sarili na tanga sila dahil ang tao ayaw gamitin ang isip. Tulad ng madalas kong sinasabi sa blog ko.. ang mga pilipino kadalasan alam ang kahulugan ng mga salita ngunit hindi nila magawa sa gawa.

Tulad ng... ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa sa malansa at mabahong isda.

SA AKING PAGSUSULAT

    Noon iniisip ko madali lang magsulat, basta magsulat ka lang ng magsulat tapos i-post mo na sa blog mo ok na pero habang tumatagal ako sa pagsusulat unti-unti nalalaman ko hindi pala ganon kadali ang magsulat lalo na kung ang talagang sinusunod mo ay yung tunay na magpapasaya hindi lang sa iyo kundi pati na rin sa mga nagbabasa. Habang tumatagal akong nagsusulat nare-realized ko na kailangang bigyan mo ng kasiyahan ang nagbabasa at gawing interesante ang iyong mga sinusulat. Walang pinagkaiba sa isang libro na kung gusto mong mabili ang ginawa mong libro kailangan hatakin mo ang utak at damdamin ng nagbabasa, parang isang pelikula na kailangan tumabo sa takilya. Marami akong pwedeng isulat na maari kong pulutin kung saan-saan, marami akong pwedeng isulat na pwede kong pulutin sa idea ng iba ngunit bakit parang hindi ko magawa. Iisa kasi ang laging humaharang sa isipan ko na magsulat yung pumulot ng idea ng iba or manguha ng talino ng iba. Totoo may kanya-kanya tayong istilo sa pagsusulat at may kanya-kanya tayong paraan kung saan manggagaling ang ating sinusulat, kanya-kanya naman talaga tayo ng talino at istilo. Kung naniniwala ka na may kanya-kanya nga talaga tayong talino.. bakit hindi mo gamitin ang sarili mong talino? Bakit kailangang mamulot ka pa ng ibang talino kung may sarili ka namang talino.

Sa aking pagsusulat pwede akong magsulat ng isang bagay na pwede kong alamin muna sa net or sa google ang mga tunay na kahulugan upang mas malawak at mas marami akong maipapaliwanag na masasabi kong mas makatotohanan dahil dito sa net andito na lahat ang katotohanan, andito na halos lahat ng matatalino sa buong mundo, dito mo makikita ang makatotohanan depende iyan sa paniniwala ng tao. Maniniwala ka ba na karamihan din sa mga matatalinong tao na mas makatotohanan pa ang mga paniniwala mo kaysa sa kanila? Para sa akin may mga taong pinaniniwalaan nating matatalinong tao ngunit sa aking palagay marami sa mga pahayag ng mga pinaniniwalaan nating matatalinong tao na hindi ako sang ayon sa katotohanang pinapaliwanag nila. Hindi komo pinaniniwalaan nating matatalino silang mga tao isang daang porsyento tama na ang lahat ng kanilang mga paliwanag. Dapat nating tandaan tao rin sila na tulad mo at parehas lang ang laki ng utak ng tao.

Marami akong nababasa sa mga sinasabi ng mga matatalino at tanyag na tao na hindi ko sinasang ayunan na iyon na ang katotohanan. Kadalasan lang na nangyayari lalo na sa ating mga pilipino na kung kapwa pilipino hindi maniniwala sa iyo dahil minsan ang mga pilipino hindi nagpapadaig sa kapwa pilipino at kung maliit ka lang na tao mas maliit ang porsyento na sasang-ayunan ka nila, puwera lang talaga na may mga pilipino rin na napakalawak ng unawa at napakalalim ng isip sila lang ang talagang makakapaniwala sa isang maliit na taong nagsusulat, alam ko marami rin ang mga pilipinong mas madaling makaintindi ng katotohanan malaking tao man o maliit na tao, sikat man o hindi ang nagsusulat nalalaman nila kung sino ang tunay na paniniwalaan nila sa mga nagsusulat, isa rin kasi ako na malalim ang isip at madali kong hangaan ang taong nagpapahayag ng katotohanan maliit na tao man o hindi.

Sa aking pagsusulat minsan ayokong magsulat para lang ipakita sa tao na matalino kang tao dahil sa marami kang ipinapaliwanag na  katotohanan, pero sa kabila ng katotohanang pinaliwanag mo o sinulat mo napulot mo lang pala mula sa ibang tao. Para sa akin.. sigurado kung lalaban ka ng debate mauubusan ka ng paliwanag dahil ang sinulat mo ay hindi nagmula mismo sa iyong talino kundi pinulot mo lang sa talino ng ibang tao, sigurado kakain ka ng alikabok, lalabas lang katawa-tawa ka sa iyong mga paniniwala.
Sa maniwala kayo or sa hindi mas gusto kong magsulat na manggagaling mismo sa katas ng isipan ko, nanggaling mismo sa sarili kong paniniwala at obserbasyon, hindi ako nagbubuhat ng sarili kong bangko para lang ipagmalaki na ganito ako, sinasabi ko na ganito ako magsulat para ipaalam sa mga nagbabasa ang paraan ng pagsusulat. Para sa akin isinusulat ko ang lahat ng nalalaman kong katotohanan, kung may mga tao mang hindi sang-ayon sa mga sinusulat ko handa akong lumaban ng debate, paniniwala laban sa paniniwala.
Kung may mali man ako sa aking paniniwala ang mahalaga nakikita ko ang sarili kong pagkakamali, pero... kung makatotohanan naman ang mga paniniwala ko saka lang ako nakakaramdam ng kaligayahan dahil kaya ko palang makipagpalitan ng opinion at kuro - kuro sa ibang tao, kaya ko palang itaguyod ang katotohanang nagmula mismo sa aking mga paniniwala, mas nakakaramdam ako ng kasiyahan.

Kung ganito ang istilo mo sa pagsusulat dito mo makikita ang tunay na talento mo sa pagsusulat. Malaki ang aking paniniwala na kung may talento ka talaga sa pagsusulat kahit hindi ka umasa sa talino at idea ng ibang tao meron at meron ka talagang maisusulat. Maipagmamalaki mo na talagang galing mismo talaga sa isipan mo ang mga sinusulat, walang daya sa sarili, walang daya sa kaligayahang mararamdaman. Dito mo makikita na mas nakakaangat ka palang mag isip kaysa sa mga taong nakikipagdebate sa iyo dahil makikita mo na mali sila sa kanilang paniniwala. Magkakaroon ka pa ng sariling tagahanga dahil ang nagbabasa ang siyang makapagsasabi sa inyo kung sino ang talagang mas makatotohanan.

NASA DUGO


Bakit kung kailangan nating mag reklamo sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno kadalasan sa mga media pa tayo lumalapit? Kadalasan mas makabubuti pang sa media tayo mag sumbong para maaksyonan ang problema natin. Bakit sa pulis kadalasan ayaw nating lumapit? Iisa naman ang sumasagi sa isip ng tao ang kapangitan ng imahe ng ating kapulisan ang tumatak na sa ating mga pilipino. Huwag na nating sabihing "hindi naman lahat ng pulis ay masasama" lumang tugtugin na iyan.. ang point ko ay ang masamang imahe ng kapulisan natin ang siyang tumatak na sa isipan ng mamamayan. Kahit na sinong pilipino pare - parehas ng iniisip sa kapulisan o sa kahit saang ahensya ng gobyerno isama na natin ang mga empleyado pa ng gobyerno mula sa barangay tanod hanggang sa presidente. Ang laging sumasagi sa isipan na ng tao sa media mo nalang ilapit mas sigurado pang aaksyunan. Karamihan kasi sa ahensya ng gobyerno kikilos lang kung may medya, kikilos lang kung may kamera ng kumukuha, kikilos lang kung may namamatay na. Kadalasan kung pangkaraniwang tao kalang paasahin ka lang kung hindi man pagtuturu-turuan ka lang nila hanggang sa ikaw ay mag sawa, kung misan naman ikaw pa ang malalagay sa alanganin lalo na kung ang kalaban mo ay maimpluwensyang tao. Kung pangkaraniwang tao na magsusumbong ikaw pa minsan ang magagatasan dahil sa ugaling pagiging mukhang pera ng ilan.

Mga kapulisan ba or tayong mga pilipino ay may ugali lang talagang katamaran? at may ugali lang talaga tayong mukhang pera. Tayong mga pilipino ay mahilig sa porsyentuhan kailangan may porsyento ako bago ako lumakad. Tingnan ninyo sa mga ahensya ng gobyerno di ba sala-salabat ang nakawan, sala-salabat ang korapsyon, sala-salabat ang porsyentuhan, sala-salabat ang mga mukhang pera. Maliwanag pa sa sikat ng araw na may ugali lang talaga tayong mukhang pera. Kahit anong dami ng mga pulis ang nakakasuhan ng mga katiwalian meron at meron paring mga umuusbong na parang kabuti na mga magnanakaw. Kahit may mga bagong pulis ang umuusbong pagdating ng araw may mga magnanakaw at mga tiwaling pulis parin ang uusbong. Kahit na saan mang sangay ng ahensya ng gobyerno meron at meron kang makikitang katiwalian at katamaran na mga empleyado. Kahit pa nga mga presedente mga nagnanakaw. Kahit alam na nga nilang matatangal sila sa serbisyo eto at patuloy paring gumagawa ang mga tao ng lagayan at nakawan. Paano natin mapapatino ang mga ahensya ng gobyerno? Paano natin mapapatino ang pilipinas kung patuloy at patuloy na palaging may mga ganyang tao?

Mawawala pa ba talaga ang mga magnanakaw?
Mawawala pa ba ang mga tamad?

Palagay ko hindi na dahil nananalantay na talaga sa dugo nating mga pilipino ang pagiging tamad, pagiging magnanakaw at pagiging kawalan na ng desiplina. Tingnan mo sa mga bangketa ng divisoria makikita mo ang kabulukan at katamaran talaga ng tao at ng mga namumuno. Napakaraming basura, napakaraming magnanakaw, napakaraming isnatser. Dahil sa katamaran ng tao at ng namumuno at dahil sa kawalan ng desiplina makikita mo ang resulta pag nagsamasama ang mga hunghang. Lalo na kung mga taong lumaki sa yaman ano pa ang aasahan nating sipag sa kanila gayong sila nga lumaking tamad, hindi komo mayaman sila hindi na magnanakaw, kadalasan pinalaki silang addik sa pera kaya hindi mo maasahan na hindi sila magnanakaw. Kadalasan makikita mo rin sa mga pilipino na magagaling silang umalma at manita ng mga tiwaling tao pero kung sila na ang nasa pwesto at may pagkakataong mag nakaw gagawa at gagawa parin sila dahil nasa dugo na talaga natin ang pagiging tamad , walang desiplina at ugaling magnanakaw.
Isang napakasakit na katibayan at katotohan na may mga sinusuweldo na nga humihingi pa ng lagay, mayayaman na nga nagnanakaw pa, may trabaho na nga hindi pa magtrabaho ng tama.

Ang laht ng kabulukan ay nasa dugo na talaga ng tao
Photobucket