Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Thursday 19 November 2009

IKAW SANA

Inaamin ko, muntik narin kitang mahalin, ngunit ayaw kong balang araw isa sa inyo ang luluha. Naging special karin sa aking buhay, nabuhay akong muli ng dahil sa iyong mga ngiti. Perpekto ka sa aking paningin, perpekto ka sa lahat ng iyong ginagawa. Hindi ako makapaniwala na darating ka sa buhay ko. Ang isang tulad mo.. anghel lang ang pwedeng magpadala sa isang tao para maging kaibigan ng sino man.
Ang isang bagay na kinukubli kong pangamba ay isa nang riyalidad, magkakalayo tayo kahit alam kong magiging kainip-inip na ang bawat sandali. Kung hindi ko gagawin ito paano naman ang isa na aking pinaasa sa isang pangako na siya lang ang tangi kong mamahalin, sasambahin.

Sinabi mo sa aking ikaw na sana.
Sinabi ko sa iyo ang dahilan kaya pinakilala ko sa iyo ang isa sa matalik kong kaibigan na alam kong may kakayahang paligayahin ka.
Masaya narin ako dahil may magmamahal na sa iyo, may yumayakap, may humahalik at may taong sasandalan ka sa tuwing makakaramdan ka ng kalungkutan. Naniniwala ako na kung malapit na kayo sa isat-isa makakabuo na kayo ng plano para sa inyong kinabukasan.

Pero ngayon.. andito kang muli sa aking harapan, umiiyak.
Ayaw kong isiping nakaramdam ka ng kalungkutan sa piling ng aking kaibigan. Hindi ko mabanaag sa iyong mga mukha ngayon kung.. sa likod ba ng mga luha mong iyan ang pagsisisi o luha ng kalungkutan o luha ng kaligayahan. Sa pinapakita mo sa akin ngayon hindi ko malaman kung umiiyak ka ba o tumatawa? May luha ka sa iyong mga mata ngunit nakangiti naman ang iyong mga labi.

Tinanong kita kung bakit?

Kuya... hindi siya tule.

Ganon ba?
Eh.. bakit mo alam?
o.. bakit ayaw mo akong sagutin?

Sige.. nauunawaan ko ang kalagayan mo.. alam kong hindi ka satispayd sa ganon. Hindi mo siguro matangap yon. Bakit kasi nauso pa yon, di hindi ka sana lumuluha ngayon. Ang maipapayo ko nalang sa iyo sabihin mo sa kanya huwag siyang magkakain ng kamatchili,

Bakit kuya?

Para hindi dumami yung lumot.

10 comments:

Joel said...

HAHA akala ko emo.. medyo drama sa una eh.. patawa ka talaga jettro hehe

gege said...

ang adik...
ahaha!
nice one!!!
:P

ROM CALPITO said...

hehe xalamat sa pagbisita pre kheed
salamat ate gege

Anonymous said...

anak ng tinapa naisahan mo naman ako dito ah ha ha ha hah ...
isa ka talagang pugante... he he he he

Dhianz said...

haha.. hangkuletz.. kala koh naman emo... or emo tlgah yan na nilagyan nang komedy... hmmm... ingatz... Godbless! -di

ROM CALPITO said...

miss anonymous dahan dahan lang baka lomobo sipon natin. hehe salamat sa pagbabasa ha god bless

@miss dhi hi muzta ikaw talaga lagi mo rin ako pinapangiti eh emo-emohan lang yan. thanks ate dhianz god bless din syo.

genxtine said...

cute..haha...:))
ang kulet..napaghahalata ahh.haha:))
ow cge....
napadpad din dito..haha.. cge..tuloy ka lang sa aking tahanan... ako din ahh.. patuloy dito.. ganda ng mga post mo..haha.. parang ako, MAGANDA.. JOKE! :)) cge..

Rhine said...

napadaan lang poh sa blog site mo...heheheh natawa naman ako sa kwento mo..kala ko seryosong usapan na..un pala iba ng nilalaman ng topic..hehehhehe..keep up the good work mr.jettro....>>>>>Rhine poh to:-)

Rhine said...

napadaan lang poh..musta na poh kayo??

ROM CALPITO said...

wow nama miss rhine salamat sa pagbisita mo napangiti mo ako ah thanks rhine take care & god bless sa iyo.

Photobucket