Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Friday, 29 May 2009

WALANG NAGMAMAHAL



Meron tayong kasabihan... Masarap ang magmahal, lalo na yung may nagmamahal. Itong pangungusap na ito ang laging pumapasok sa aking isipan lalo na kung nasa kubeta ako nagbabawas, kasi nga naman pag nandoon ako marami kang iniisip.

Mahirap din yung ganito, kasalanan ba yung magmahal ka sa taong may nagmamahal ng iba? Sa taong may nag mamay-ari na? Di ba.. Hindi mo kasalanan ang umibig? umibig ka dahil tao ka na nilalang na may pusot damdamin. Ahhhhh! nakakaloko talaga ang pagibig dami mong sinusunod bago mo makamit, ang daming proseso bago mo maisakutaparan, pagdating naman sa huli luluha ka din ganyan ba ang masarap magmahal? Kung dumadating ang ganitong pagkakataon na naiimpluwensiyahan ako ng spiritu ng alak ang dami kong iniisip ng kung anik-anik. Minsan sinisisi ko sarili ko, bakit kung sino pa yung may nagmamay ari na parang... siya pa yung gusto kong mahalin. Ewan ko ba kung bakit ako ganito! pakiramdam ko kasi parang mas masarap mahalin yung taong may nagmamahal na ng iba. Katulad ni... ''ayy ayoko nga mamaya matsismis nanaman ako nito''.

Mabuti pa yung kamatis laging may pumipisil, samantalang sa akin wala!
Mabuti pa yung bubble gum laging may dinidikitan, at pag dumikit ang hiiiirap tangalin nakakabuwisit lalo sa buhok gunting ang katapat. Ano kaya meron yung iba na wala ako? samantalang sila.. dala-dalawa ang minamahal, si gabby conception nga laging kinakasal, samantalang ako wala, mabuti pa nga yung salamin laging tinitingnan minsan tinititigan pa nga eh, samantalang sa akin walang pumapansin. Nakita ko larawan mo bakit... parang ang hirap hirap mong abutin, kahit minsan nagkakausap tayo parang hindi kita kayang abutin, Minsan ko lang nakita ang larawan mo ang hirap mo ng limutin. Naramdaman ko na lang na akoy humahanga sa iyo, hangang ganito lang naman ako, hangang paghanga lang.

Mabuti pa yung galungong noh? may nagmamahal kasi ''mahal'' daw. Sa pag-ibig lagi nalang ako ang naghahabol, kahit alam kong walang pagtingin sa akin, habol parin ako ng habol maramdaman lang niya na crush ko siya. Mabuti pa nga yung snatcher laging hinahabol laging may humahabol.

Sana... mabasa niya ito na kahit meron na siya, iibigin ko parin siya. Kung kasalanan man... handa akong magkasala.
Dalangin ko na lang sa may kapal, ikaw sanay malaya na! Sayang... ngayon lang tayo nagkakilala.

15 comments:

Ang buhay ay parang sine said...

Hi Kuya Jettro! Mahirap nga yung sitwasyon mo na yan. Na nagmamahal ka ng may mahal ng iba. Napagdaanan ko na 'din po yan. And the worst, halos parehas na namin minahal yung isa't - isa pero hindi puwede. Kaya ako na lang yung lumayo kahit masakit. Siguro, mas makakabuti siguro na lumayo ka na po muna dahil mas lalo ka lang masasaktan. Marami naman diyang iba, hindi mo lang nakikita. Alam ko, madaling sabihin pero mahirap gawin pero kapag ginawa mo kahit mahirap, mauunawaan mo sa bandang huli na ok 'din pala yung paglayo na ginawa ko kasi masaya na siya doon sa piling ng iba. Masakit, pero wala eh... at least, you gave a part of yourself with that person.

JETTRO said...

Hi chaze ganon ba? Mabuti pa nga siguro baka pagdating sa huli malaman ko nalang na hindi rin pala kami para sa isat-isa. Ang buhay talaga parang sine may malungkot, may masaya. thanks chaze ikaw kumusta na? sa pag-ibig mapagbigay ka rin pala.

tonio said...

parekoy, tamang in-lab tayo a,

pero tama ka, minsan ganyan talaga buhay, kumg sino pa yung type mo sya pa ang "unavailable"... pero malay mo nasa likod mo lang yung "available"... lingon lingon ka rin parekoy...

JETTRO said...

oo nga tol ton buti pa ikaw dami mong nakaka usap na blagera hahaha aminin! nakikita kita playboy ka din noh? thanks tol.

batang narS said...

wow kuya jettro!parang ilnlab ka yata..ganyan ba talaga ang filing?kasama sa pag ibig talaga ang hapdi at kirot lalong lalo nang may mahal na iab ung minamahal mo?..marahil nga ano..

matanong nga, how old r u nga ba?..wag kang magmadali..ika nga nang iba dyan, love comes when u least expect it:)

Bingkay said...

Hindi po kasalanan ang magmahal sa taong may nagmamay-ari na. Paghanga lang naman, hindi maiiwasan. No Harm. Tayo ang may hawak ng control kung kelan nagiging "mali" ang pagmamahal. Hanggat nagmamahal ka lang, ok lang yan.

Ikaw lang ang may hawak ng happiness mo. Kung saan ka kontento. Kung masaya ka nang makita siyang masaya, kahit pa dahil sa iba, ok nalang. Nalang po yan dahil hindi madali yan, syempre masakit din.

Pero kung ang dulot ng pagmamahal na nararamdaman mo ay puro kirot at pasakit lang, ibaling mo nalang sa ibang aspeto ang attention mo para makapagsimula ka ulit at maka move on ka. Mawawalang saysay ang pagmamahal kung puro kirot nalang, imbes na masaya.

Darating din ang tamang taong magmamahal din sayo ng katumbas o' higit pa sa pagmamahal na binibigay mo.

Tamang tagay lang po tayo ☺...Cheers!

poging (ilo)CANO said...

hahaha...taena pag-ibi pa problema mo parekoy..

pareho pala tayo..lolz..

minsan tinatanong korin sarili k, ano meron sila na wal ako kaya ayaw mo ako? mga ganong bagay ba?

tang-inang pag-ibig nauso pa!

JETTRO said...

korek ka jan batangnars sa pagibig kasama tlaga ang hapdi at kirot sabi nga ni tol poging ilocano bkit nauso pa yung pag ibig hahaha eto playboy din itong si tol poging ilocano eh.. ilocano pa ano tol.

salamat din kay miss bingkay susundin ko nalang yang payo mo. kaso mahirap klimutan ang taong gustong gusto mong mahalin kaso nga lang meron na siyang kasama sa buhay. magsarili nalang kaya ako noh.

Crisiboy said...

pre just activate your google toolbar and makikita mo dun ung bar na nagsasabi for your pagerank..and meron din mga widget na magdedetermine for your pagerank..just search bout it..meron ako before pero tinanggal ko.

if you want to know or you are interested to increase your pagerank..just visit my other site and may post ako dun about increasing your google pagerank..

Anonymous said...

Hmmmmmmmmmm...
sino kaya yang maswerteng babaeng yan na nakabihag ng pihikan mong puso???

JETTRO said...

thanks parekoy crisiboy
and to anonymous salamat sa pagbisita. sino kaya ito?

HARI NG SABLAY said...

naks naman. frustrated lover ka din ba tulad ni gello?prng hopeless romantic ang dating ah.

mapapansin ka rin niya. try mo kayang magpatubo ng bigote baka umepekto,lols

JETTRO said...

Parekoy hari ng sablay may tumubo na kaya lang tatatlo hahaha

chikletz said...

idaan mo sa pick-up lines. haha! jk! hindi epektib un. gudlak na lang sau. wag mawawalan ng pag-asa :)

Jam said...

I like this entry Jet prang sinulat to pra sakin hahaha...