Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Wednesday 3 December 2008

GULONG NG PALAD

GULONG NG PALAD

Nung araw ng kabataan namin.. wala kaming inatupag kundi ang maglaro ng maglaro.. umaga, tanghali buong araw na ginawa ngdiyos hindi kami napapagod sa kalalaro. Hindi namin naiisip kung ano ba ang magiging buhay namin kung kami ay may kanya-kanyang pamilya na.
Sabi ng iba... hindi mo pa nakikita ang kinabukasan mo habang bata ka pa. Isa sa madalas na kasama ko sa paglalaro ang kababata kong si marisa. Ang kanyang ama ay isang janitor lamang, kasama ng aking ama na isang welder mechanic sa pagawaan ng simento nuong araw.

Dahil sa maliit na kita ng ama ni marisa.. madalas api ang turing sa kanila ng iba naming mga kapitbahay. Kadalasan.. tinutukso si marisa nuong araw na '' taong kuto '' at ang ibang kapatid ni marisa ay binabatok-batukan lang nuong araw. Dahil dala ng aming kamusmusan hindi sila nakakaramdam ng ano mang sama ng loob sa mga taong umaalipusta sa kanila. Ngunit.. sa aking palagay hindi mabubura ng panahon ang mga sakit na ala-ala ng kanilang pamilya. Natatandaan ko pa.. noong naglalaro kami ng isang kapatid na lalaki ni marisa.. nakita naming umiiyak ang isa nilang kapatid dahil binatukan ng isang istambay sa amin.

Dahil dala ng hirap ng kanilang pamumuhay, napipilitang sumama si marisa sa kanyang ina na tumangap ng mga labada sa mga bisitang hapon ng kompanya. Ang mga japanese national ang siyang mga may ari ng pabrika ng simento kung saan namamasukan ang aming mga ama.

Isang araw... dumating ang isang hapon na designer mismo ng mitsubishi sa japan. isangbinatang designer ng mitsubishi. Christmass party ng kumpanya.. imbitado ang lahat ng pamilya ng mga empleyado sa nasabing christmass party ng kumpanya. ( siyempre kasama din ako noon.. dahil empleyado din ang aking ama) Noon ay nasa edad 18 na kami. Busog tuta nga ako noon sa dami ng aking kinain.(LOL) Andon din ang mga matataas na opisyales ng kumpanya. At siyempre andon din ang mga bisitang hapon kasama ang binatang designer ng mitsubishi.
Sa hindi inaasahang pangyayari.. nakarinig ako ng bulong-bulungan, aking nakita... ang kalaro ko na si marisa nuong bata pa kami, nakita kong isinayaw ng binatang hapon na designer ng mitsubishi. Halos lumuwa ang mata ng lahat. Hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan. Ako mismo.. namangha sa nakita kong iyon. Sa simpleng ayos ni marisa siya ang napusuan ng binatang hapon. Anak ng isang labandera mismo ng mga bisitang hapon at amang janitorng kompanya.
Ngayon... ang dating pamilyang inaapi-api nuong araw at mga kapatid na binabatok-batukan at utusan nuong araw ay naninirahan na sa bansang hapon.Kasama ng kapatid nilang milyonarya na si marisa.

Isang pamilyang salat sa yaman noon...
Sobra naman sa yaman ngayon...

Isang bahagi ng buhay na sumasalamin sa buhay nating lahat.
Ang bawat pag ikot ng mundo, sumasabaysa pag ikot ng...
GULONG NG PALAD.

WALA KA BANG KASALANAN



IKAW... WALA KA BANG KASALANAN?

Isang babae ang galit na galit sa kapwa niya babae. Igapos at pagbabatuhin ang babaing iyan!!
Isa siyang makasalanan!!
Hindi siya nararapat na mabuhay!!
Isa siyang mang aagaw ng may asawa ng may asawa!!
Dapat lang na siyay pag babatuhin!!
Upang hindi pamarisan!!
Sumagot ang isang tinig ng lalaki... malakas at buong-buo ang kanyang tinig.
Babae... tinanong mo ba ang iyong sarili?
Tanungin mo ang iyong sarili,
kung ikaw ba ay walang nagagawang kasalanan?
Kung wala ka ni isang kasalanan...
sige, eto ang bato batuhin mo siya!
Kung naisip mo na... ikaw mismo ay nagkakasala ding tulad niya...
bakit ka babato sa kanya?

Minsan ganyan tayo madalas nakikita natin ang mali at kasalanan ng iba kaysa sa sarili nating kasalanan. Madalas nakikita natin ang pagkakamali at pagkukulang ng iba kaysa sa sarili nating kamalian at pagkukulang. Hindi ba madaling pumuna at humusga sa isang tao at mahirap naman na umamin o tanggapin ang ating mga kasalanan.
Mas bukas at malinaw ang mata natin sa ibang tao kaysa sa sarili natin.


SALAMAT SA PAGBABASA KAIBIGAN!

ANG PULUBI AT ANG MGA SENADOR










ANG PULUBI AT ANG SENADOR
Nabasa ko sa isang pahayagan ang mga isiniwalatni sen. miriam defenzor santiago.. ayon sa kanyaAng sarap maging senador
Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatakbong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.
Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.
Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 and budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?
Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailangan i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang Requirement.
Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.
Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.
Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.
Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.
Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na! `
At sa mga congressman naman..70 million ea/congressman a year.240 ang lahat ng congressmanbale lumalabas na 583,000/month=ea/congressman
Ang laking pera ang inuubos ng mga buwaya sa ating gobyerno.Bukod pa diyan... mahina ang 200,000 na bonuses ng mga congressmanBukod pa diyan mahigit kumulang sa 200,000 php ang ibinibigayna suhol sa mga congressman huwag lang sila kokontra sa pangulo.Hindi kaya nila nakikita ang iba nating mga kapatid na patuloy na naghihirap o talagang nagbubulag-bulagan na sila dahil sa laking perang nakukuha nila.
Pagmasdan natin ang mga larawan na nasa itaas. ilang mga bata ang namumulot ng basura upang may makain.Ilang pulubi ba ang katulad nila? Ilang mga bata pa kaya ang natutulog sa lansangan?Ilang pamilya ang nangangarap magkaroon ng masisilungan?Ilang bata ang patuloy na humihingi ng konting awa sa mga lansangan?Ilang pilipino ang wala ng halos makain?Ilang pamilya ang walang makain?
Sa konting halaga... hindi ba nila maisipang ibigay sa mgakapatid nating nabubuhay sa lansangan?Sa konting halaga... Ilang pulubi ang mabibigyan ng tamangedukasyon?Sa konting halaga... ilang tahanan ang maibibigay nila sa bawatpamilyang natutulog sa lansangan?
Ano ba ang kaya nilang ibigay sa mga pulubi?
ISANG SUPOT NG BIGAS?ISANG SUPOT NA DELATA?5 PIRASONG NOTEBOOK?ISANG SCHOOL BAG?
YAN LANG BA?

OPISYALES NG MGA EMBAHADA

Pagpaparusa sa opisyal na magpapabaya sa OFW suportado ng Migrante

Soliman A. Santos
Suportado ng Migrante Middle East ang isang panukalang batas na naglalayong maparusahan ang mga opisyal ng embahada, paggawa at serbisyong pangkalingan na tumanggi o hindi nakatulong sa mga (overseas Filipino workers).
Ang House Bill No. 5461 ay inihain ni Rep. Cynthia Villar sa Kamara dahil sa patuloy umanong pang-aabuso sa mga OFW dahil na rin sa kapabayaan ng mga opisyal.
Ayon kay John Leonard Monterona, coordinator ng Migrante-ME, suportado nila ang panukalang batas dahil para ito sa kagalingan ng mga OFW.
“Nanawagan kami sa mga kapwa-OFW na suportahan ang pagsasabatas ng HB-5461,” ani Monterona.
Nagpahayag naman ng tuwa si Monterona dahil kinikilala ni Villar ang lumalalang kalagayan ng mga OFW lalo na ang mga domestic helper at construction worker na patuloy na nagdurusa sa kamay ng mga abusadong employer, di makataong kalagayan sa paggawa at iba’t ibang paglabag sa kanilang karapatang pantao.
Sinabi pa ni Monterona na lalo lamang nakakainsulto sa mga OFW ang mga kapabayaan ng mga opsiyal ng embahada na dapat sanang tumutulong sa mga nagdurusang migrante.
Tinatayang mahigit sa isang libo nang mga kaso ng OFW ang nakarating sa tanggapan ng migrante sa taong ito.
Ayon pa kay Monterona, hihikayatin nila ang kanilang mga miyembro na sumulat sa mga kongresista para sa agarang pagpasa ng HB No. 5461.

CREDIT: PINOY WEEKLY ONLINE

PINOY ABROAD



Tayung mga ofw... walang pinakamasarap sa ating buhay kundi ang araw ng ating mga bakasyon pauwi ng pinas.Ang sarap di ba? Tulad ko... 2 weeks before ang alis ko pauwi ng pinas.. super dufer ang saya. Walang katumbas na halaga ang mararamdaman mong kaligayahan. Bukod sa makikita mo ang mga mahal natin sa buhay, siyempre pa may dala kang mga pasalubong para sa kanila. Kahit konti ang madalang pera.. makabakasyon lang.

Pag dating mo sa Ninoy International Airport... hindi mo na halos maipaliwanag ang sayang nararamdaman. Para bang nawala ang lahat ng pagod, hirap, gutom ng mga sandaling iyon. Para bang nabunutan ka ng tinik sa lalamunan ha ha ha. ( o di ba ) Sakay ka ng taksi ngayon...
ako kasi hindi na ako nagpapasundo mas gusto ko yung ako na lang ang mag biyahe pauwi. Pagdating ko sa baryo namin... pagbaba ko ng taksi... andiyan na ang artista (LOL) ''-
Ganyan naman talaga ang mga galingng abroad... para kang artista kasi siyempre matagal kang nawala sa paningin nila, ang laki pa ng pinagbago ng kulay mo, medyo gumuwapo ka pa ng konti.( ha ha ha) ''Meron kang maririnig na sigaw '' ay si kuya dumating" Kuyaaaa!! (naks ) sabay yakap... kumustahan to da max. Halos wala ng puwang upang maisarado mo ang iyung bibig sa pagkakangiti. Ang sarap-sarap talaga ng feeling noh.
Pagdating mo sa bahay... hayyyyy ang sarap-sarap talaga! Ang sarap sa pakiramdam..
Ang sarap ng simoy ng hangin..Ang sarap pagmasdan ang nandito ka sa sarili mong tahanan. Parang gusto kong magpakalasing ng todo noong mga araw na iyon. Iniisip ko... wala naman akong pasok kinabukasan pahingang-pahinga itoooo! (may flashback pa kc eh noh)
Unang gabi ko sa bahay... ang oras na isa ding pinakamasaya dahil unang gabi ng kwentuhan... iyakan... tawanan... inuman.habang yung iba mong mga kapatid, pamangkin kanya-kanyang pwesto sa tong-itan kasi may mga pera na ha ha ha. Mga kapatid mong lalaki naka pwesto narin sa mahjong siyempre may mga puhunan narin.. sabay na ang ikot ng baso ng alak. Ikaw naman halos hindi ka na makakain sa sobrang kaligayahan mo. Kung tutuusin ayaw mo ng matapos ang mga sandaling iyon. Kung iisipin mo... kulang na kulang talaga ang isang buwang bakasyon mo sa pinas. Kung ikukumpara sa dalawang taon mo sa malayo, nagiisa.., nalulungkot.., pagod sa araw-araw.Parang ayaw mo ng bumalik ng mga araw na iyon.
Pagmulat ng mata mo... gigisingin ka ng misis mo o ng anak mo.. ng nanay mo. Anak... anong dadalahin mo... maligo ka na at kailangan maaga ka sa airport. (waaaaaa oras na naman) Yung mga gamot na dadalhin mo naka ready ng lahat, huwag mo pababayaan ang sarili mo doon ha! sabay yakap sa kanila... kasabay ng pagpatak ng luha mo. Aalis na po ako inay... yayakap ka narin sa misis mo at mga anak mo.. kakaway ka na rin sa mga kapitbahay mo na nagsasabing...paalam na at akoy babalik na upang humanap muli ng ikabubuhay.
Nakasakay ka na sa eroplano pabalik... nakaupo sa upuan habang nagugunita mo pa sa iyong isipan... ang mga araw na kay sayang mamuhay talaga sa pinas. Mga sandaling kaylan lang kapiling mo silang lahat... ngayon, andito ka... pabalik ng muli... umpisa nanaman ng hirap... umpisa nanaman ng dalawang taong pakikibaka at pakikipag sapalaran sa piling ng kalungkutan.Trabaho nanaman.. ganito talaga ang buhay.. magtrabaho upang mabuhay.
Kung tutuusin... mahirap magtrabaho...
Pero... kailangan mo ng trabaho!!

Umpisa na naman ng trabaho... WAKAS!!!
Photobucket