Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Thursday 18 June 2009

HAHANAP KA PA BA NG IBA

Sa pag-ibig o sa pagmamahal mararamdaman mo ang partner mo
sa pamamagitan ng mga kilos, pananalita at sa mga ginagawa
niya para sa iyo.
Kadalasan ito ang mga senyales na mag papatunay na
mahal ka ng partner mo.
Proud siya sayo, kahit kasama niya tropa niya,
"honey" pa rin ang tawag niya sayo!
May lakad sila ng barkada niya, magyaya ka ng date...
kung ikaw ang pinili niya, YEHEY! love ka nun!
Kahit saang lupalop siya ng mundo, NEVER niyang io-off ang
cellphone niya kasi baka tumawag ka at magalala,
At... mag "i love you" siya kahit may makarinig pang ibang tao.
Kahit walang gift, alam niyang anniversary/monthsary niyo.
Inuunawa ka niya palagi,
Sa sobrang pag seselos nya, binabasa niya ang mga text messages mo...
mas matanong mas makulit...
mas mahal ka nun!
Madalas siyang nag aalala sa iyo. (sobrang pagmmahal yan para sa iyo)
Ikaw lang ang may karapatang pumuyat sa kanya.
Punta siya sa bahay mo kahit alam mong nahihiya siya sa parents mo.
Kasama mo siyang mag shopping ng damit, basta pili mo...
yun ang isusuot niya kasi maganda sa paningin mo.
Kung nagtatampo siya sa iyo.. para matapos... umiyak ka lang at
siya na yung mag "so SORRY."
Nagtatanong siya tungkol sa future plans "mo"
inaalam niya kung kasama "siya" dun.
Lahat ng i-kuwento mo sa kanya kahit hindi siya interesado...
natatandaan niya.
Bagsakan mo ng phone. tatawag uli un!
Picture mo lang ang nasa wallet nya.
Hindi ka nahihiyang umiyak sa kanya...
Siya ang laging umuunawa sa iyo.
"YOUR MY EVERYTHING " madalas niyang sinasabi sa iyo.
Mahal na mahal ka niya.
Hindi kompleto araw niya pag hindi ka nakikita.
Madalas.. siya pa ang naglalaba ng bra at panty mo.
(sobrang pagmamahal niya sa iyo yon)
Maligaya ka sa kanya.
Ayaw mo na siyang mawala sa iyo.
Sa mga pinakita niyang pagmamahal sa iyo...
Hahanap ka pa kaya ng iba?

9 comments:

peppermayo said...

ay sobrang naka relate ako dito... ;p

ROM CALPITO said...

Hi mae salamat sa pagbisita mo take care mae.

2ngaw said...

Pwede rin kayang ginagawa nya lang ang lahat ng 'to para pasayahin ka dahil alam nyang mahal mo sya? para di ka masaktan, dahil ang tutuo bestfriend lang ang turing nya sayo...

Pwede kaya?

SEAQUEST said...

Masarap nga!!! pero palagi nating tandaan lahat ng sobra at labis masama din, nakakasakal din pag sobrang pagmamahal ang inuung isang tao kahit ako ayoko ng ganun, at higit sa lahat ayokong ginagawang sentro ng mundo ng isang tao ang taong minamahal nia mahirap din kasi pano pag bigla kang nawala sa kanya hindi naman po sa nega...mas mabuti ng nasa tamang timbang lang kesa sa masaktan ng malalim mahirap eh!!!!di ganun kadaling magpagaling ng sugat....

@ Lord CM
Maaari yan....lalo ng kung best friend mo mahirap magsabi ng totoo...hehehe..

Hari ng sablay said...

parang ako yan ah.wahahaha

ngiilusyon lang. pro totoo mga sinabi mo. gnyan pag nagmahal ang mga lalake.

ROM CALPITO said...

@ lord CM hahaha maaari din yan parekoy

@ seaquest sabagay yan ang mas mahirap sa bandang huli sobrang sakit yan matapos na magawa ang lahat dapat nasa half-half lang ang lahat para ano man hindi gaano masasaktan.

@ hari ng sablay
parekoy mukhang alam na alam ah kasuwerte naman ng GF mo parekoy.
Ang mahirap lang yung paglalaba hehehe

Salamat sa pagbisita ninyo

jhengrey said...

Uy parang ung hubby ko yan..
Sobrang love na love nya ako..
im not just his wife, im his love, his life and everything.. he treated me like a princess thats why im so very thankful and blessed for having a great husband like him.. nothing could i ask for coz i alredy found the best, the one who completes me!

Vivian said...

Kung mahal na mahal ko rin siya at masaya ako sa kanya, hindi na siguro.

Ching said...

hehehe sarap magmahal parekoy..... ka swerte naman.... hehehe.

bumisita ulit sa iyo ingats...


ching

Photobucket