Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Wednesday, 21 October 2009

HABANG PANAHON NA LANG BA?


Noong kasalukuyan pa akong nag uumpisang mangarap, ang isa sa
pinapangarap ko ay ang magkaroon ako ng trabaho kahit maliit lang
ang kikitain basta may hanapbuhay lang. Alam ko at alam nating lahat na
isa ito sa inaasam-asam nating lahat ang magkaroon ng hanapbuhay.
Kahit alam nating mahirap at nakakapagod ang magtrabaho
pero kailangang nating mag trabaho.
!
Nag karoon ng katuparan ang pangarap ko, nagkaroon ako ng trabaho
sa loob ng halos labing limang taon ibinuhos ko ang buong buhay ko
sa paghahanapbuhay, kung saang-saang lupalop ako nakarating dahil
lang sa pinangarap kong trabaho. Hangang ngayon narito at nagtatrabaho
pa rin. Parang... walang katapusan itong trabaho, minsan... iniisip ko
nakakapagod din, dito nalang ba iikot ang mundo natin?
!
Ang dami kong pinagdaanan dito, ang daming hirap, ang daming
pagod, puyat, gutom, sakit ng katawan, minsan pa...
ang daming luha narin ang tumulo ng dahil sa pinangarap kong ito.
Ang daming panahon na dito umiikot ang aking mundo, halos
labing apat na taon naibuhos ko ang buhay ko dito sa ibayong dagat,
halos lahat na ng pagtitiis, pangungulila at kalungkutan ang naranasan
ko dito sa malayo. Nang dahil sa kaligayahan ng mga mahal sa buhay at ng
dahil sa hirap ng buhay inilaan ko ng napakaraming taon ang buhay at isipan
ko dito kapalit ang kaligayahan ng mga mahal ko sa buhay.
Kaligayahan ng aking maybahay, kaligayahan ng ating mga anak
kaligayahang dugo't-pawis ang ipinuhunan natin.
!
Hindi ko din maiaalis na minsan tinatanong ko din ang aking
sarili.
!
HABANG PANAHON NALANG BA TAYONG MAGTATRABAHO?
HABANG PANAHON NALANG BA TAYONG MAGPAPA-ALILA?
KAYLAN NAMAN KAYA NATIN MALALASAP ANG MAY
MAKAIN KAHIT HINDI NAGTATRABAHO?
!
Di ba ang hirap hanapan ng sagot yan?
Kung alam mo ang kasagutan diyan..
Di ba.. ang hirap namang gawin lalo pat wala pa tayong sapat na naipon?
Kung tinitingnan natin ang kalagayan natin ngayon...
Malalaman natin kung hangang kaylan ka pa magtatrabaho.
Iisipin natin na matagal pa... matagal pa ang aking pagtitiis,
matagal pa ang aking bubunuing taon, matagal pa...
hanggat kaya ng katawan at lakas ng panalangin kakayanin pa natin
kahit ilang libong taon pa ang dumaan.
!
PAANO KUNG HINDI NA KAYA NG KATAWAN NATIN?
!
Minsan.. nakakalungkot ding isipin
kahit nakakaranas rin tayo ng kaligayahan sa araw-araw pero..
narito parin ang kirot sa aking puso, kaylan ko rin naman kaya
mararanasan yung.. kahit hindi tayo nagtatrabaho meron tayong
makakain. Ang sarap din siguro yung nasa bahay na tayo at
nagpapahinga na. Yun bang.. ikaw naman ang pagsisilbihan ng iyong
pamilya sa likod ng mahabang panahong hirap na ginawa mo
alang-alang sa kanila, kaylan kaya natin matitikman ang araw ng
pagpapahinga natin?
!
HANGGANG KAYLAN PA KAYA KAIBIGAN?