Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Friday 8 May 2009

ANG KAPITBAHAY NAMIN



Eto po nanaman ang inyong lingkod upang ibahagi ko ngayon ang mga pangyayari dito sa aming paligid. Nung nakaraang sabado meron kaming bagong kapitbahay na pamilya ng mga korean nationals, meron silang anak na parang artista ang dating ng mukha parang rica paralejo. Sus mukhang kinikilig nanaman itong kasama ko at kaututan ko ng dila sa araw-araw, eto po yung kasama ko na parang butete ang katawan. Etong mga araw na lumipas nagiging masigla at masayahin itong kaibigan ko dahil nakausap na pala niya itong kapitbahay namin na parang ice cream ang lasa sa sobrang kagandahan. Hay! nakaka-inlove talaga, pero... medyo nauungusan ako nitong kasama ko ahh! mabilis din ang loko.. komo andito nga tayo sa malayong lugar.. siguro sawa na rin sa kamay niya na laging ginagamit. (lol)

Isang araw nakita pala niyang nagsampay ng mga labahin itong dalagang kapitbahay namin.. Komo gustong maka first base uli itong kasama ko nagsampay din pala siya ng mga damit sa tabi ng pinagsampayan ng dalaga. Nang dumating ako ng aming tirahan medyo makulimlim nagbabantang uulan nang mga oras nayon.. Tinawagan ako ng kasama ko na kung uulan ako na kukuha ng mga damit niya sa sampayan at tingnan ko daw yung mga damit dahil pati yung mga sinampay nung dalaga makuha ko din. Sinabi nga ng kasama ko na kaya siya nagsampay ay para sabayan lang yung dalaga at makausap, ang totoo niyan ay tuyo naman talaga yung mga damit, pantalon na sinampay ng kasama ko. Tingnan ninyo may kalokohan talaga. Ang ginawa ko kinuha ko na yung mga sinampay nung kasama ko ang iniwan ko lang ay yung isang brief nung kasama ko sa sampayan.. naisip ko.. meron nga pala akong brief na katulad nang sa kasama ko pati design parehas na parehas. Kinuha ko yung brief ko nilagyan ko ng butas sa mismong saluhan ng buntot ng kasama ko, tapos hinatak ko ng husto yung garter ng brief ko at nilagyan ko pa ng malaking perdible sa mismong garter dahil nga binatak ko ng husto yung garter kaya lumalabas na lawlaw yung brief at kailangang may perdible. Yun ang inilagay ko sa sampayan yung brief ko na may perdible. Eksakto umaambon na, siya namang dating ng kasama ko... nakita kong kinukuha na nung dalaga yung sinampay niya.. habang tinitingnan ko yung dalaga, nakita kong tinitingnan nung dalaga yung brief na inilagay ko tinitingnan niya na baka sa kanila din yung brief.. Biglang humagalpak yung dalaga nahulog yung pustiso nung dalaga sa sahig.. sabay dampot lilingon-lingon kung may nakakita sa kanya.. maya-maya sumigaw sa bahay namin.. ''HOY SA INYO BA ITONG BRIEF.. KASI UULAN NA! sigaw nung dalaga.. sabi ko sa kasama ko... pare.. kung sa iyo daw yung brief sa labas? lumabas yung kasama ko.. ''SA IYO BA ITO?'' tanong nung dalaga sa kasama ko.. (dahil nga parehas) ''oo sa akin yan''! Inabot ng kasama ko yung brief sabay ngiti sa dalaga. Maliwanag inamin niya na kanya yung brief..(KOMPIRMADO) sabay takbo nung babae sa loob na hindi mapigilan ang tawa. Pag pasok ng kasama ko.. tiningnan yung brief bakit naging ganito yung brief ko? tanong niya sa akin. Sabi ko akin yan ayun yung sa iyo nasa dulo ng sampayan. Sa iyo pala iyan eh bakit hindi ikaw ang kumuha sa kanya? Galit na singhal ng kasama ko sa akin. Inamin ko tuloy na sa akin ito! Sigaw pa rin ng kasama ko. Eh bakit mo kasi inamin na sa iyo yan! tanong ko sa kanya. Eh parehas eh! kaya lang ito.. may butas na.. may perdible pa! hayup ka! HA HA HA

8 comments:

esor19 said...

wafu.....paki nalng po un video us ni pilyo..slip n po me...muahugsssssssssss

Love said...

hahahhaha..

makiki-comment lang po!!!

parehong T.O. (torn off)..

ayos sa trip ah?? hehehe

tapos pustiso pa yung magandang dalaga...

hehehe
ok lang yun atleast maganda pa rin sya!!!
hahahahaha

Peace!!

(^^,)

ROM CALPITO said...

Hi rose cge pag may time ha

Hi love thanks sa comment.. yung kasama ko lang ang nadale diyan ha ha ha buti nga sa kanya.

Love said...

hahaha..
salamat sa pagdaan sa blog ko

(^^,)

chris said...

hahaha...ayos ang story mo tol! Ganda ng ginawa mo, tamang trip lang! magawa nga yan minsan sa bahay pag may kapitbahay na din kaming korean..hahaha,,kelan kaya yun e nasa squatter area kami! nyahahaha!

ROM CALPITO said...

Salamat bossing chris sa comment..
Palagay ko basted na yung kasama ko he he he.

ronelM said...

slamat po sa pag add skin add rin po kita sa site ko..thanks po lagi n po kaung su2bay2 sa mga isu2lat nio..thanks

ronelM said...

bossing diskarteng marino ang kaibigan mo ah..lol tyu nman pla ung dmit cnampay pa..hihih syanga pla i already linked u to my site..thanks po

Photobucket