Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Tuesday, 23 December 2008

PINOY ABROAD

Tayung mga ofw... walang pinakamasarap sa ating buhay kundi ang araw ng ating bakasyon pauwi ng pinas. Ang sarap di ba? Tulad ko... 2 weeks before ang alis ko pauwi ng pinas.. super dufer ang saya. Walang katumbas na halaga ang mararamdaman mong kaligayahan. Bukod sa makikita mo na ang mga mahal natin sa buhay, siyempre pa may dala ka pang mga pasalubong para sa kanila. Kahit konti ang madalang pera.. basta makabakasyon lang masaya na tayo don.

Pag dating mo sa Ninoy International Airport... hindi mo na halos maipaliwanag ang sayang nararamdaman, pakiramdam ko.. parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Para bang nawala ang lahat ng pagod, hirap, gutom ng mga sandaling iyon. ha ha ha. ( o di ba )

Sakay ka ng taksi ngayon... Ako kasi hindi na ako nagpapasundo mas gusto ko yung ako na lang ang mag biyahe pauwi. Siyempre habang nasa taksi medyo umiinom na ng konting red horse.. Pagdating ko sa baryo namin... pagbaba ko ng taksi... andiyan na ang artista (LOL) ''- ganyan naman talaga ang mga galing ng abroad... para kang artista kasi siyempre matagal kang nawala sa paningin nila, ang laki pa ng pinagbago ng kulay mo, medyo gumuwapo ka pa ng konti.( ha ha ha) Meron kang maririnig na sigaw '' ay si kuya dumating" Kuyaaaa!! naks sabay yakap... kumustahan to da max. Halos wala ng puwang upang maisarado mo yung bibig mo sa pagkakangiti. Ang sarap-sarap talaga ng feeling noh.

Pagdating mo sa bahay... hayyyyy ang sarap-sarap talaga! ang sarap sa pakiramdam.. ang sarap ng simoy ng hangin.. ang sarap ng pakiramdam ang nandito ka sa sarili mong tahanan. Parang gusto kong magpakalasing ng todo noong mga araw na iyon. Iniisip ko... wala naman akong pasok kinabukasan pahingang-pahinga itoooo! (may flashback pa kc eh noh) Unang gabi ko sa bahay... ang araw na isa ding pinakamasayang oras dahil unang gabi ng kwentuhan... iyakan... tawanan... inuman, habang yung iba mong mga kapatid, pamangkin kanya-kanya ng pwesto sa tong-itan kasi may mga pera na ha ha ha. Mga kapatid mong lalaki naka pwesto narin sa mahjong siyempre may mga puhunan narin.. sabay narin ang ikot ng baso ng alak. Ikaw naman halos hindi ka na makakain sa sobrang kaligayahan mo. Kung tutuusin ayaw mo ng matapos ang mga sandaling iyon. Kung iisipin mo talaga.. kulang na kulang talaga ang isang buwang bakasyon mo sa pinas. Kung ikukumpara sa dalawang taon mo sa malayo, nagiisa, nalulungkot, pagod sa araw-araw.Parang ayaw mo ng bumalik ng mga araw na iyon.

Pagmulat ng mata mo... gigisingin ka ng misis mo o ng anak mo o ng nanay mo. Anak... anong dadalahin mo... maligo ka na at kailangan maaga ka sa airport. (waaaaaa oras na naman) Eto naman ang pinaka-mahirap sa isang ofw.. ang pagbabalik.

Yung mga gamot na dadalhin mo naka ready ng lahat, huwag mo pababayaan ang sarili mo doon ha! sabay yakap sa kanila... kasabay ng pagpatak ng luha mo. Aalis na po ako inay... yayakap ka narin sa misis mo at mga anak mo.. kakaway ka na rin sa mga kapitbahay mo na nagsasabing...paalam na at akoy babalik na upang humanap muli ng ikabubuhay.
Nakasakay ka na sa eroplano pabalik... nakaupo sa upuan habang ginugunita mo sa iyong isipan... ang mga araw na kay sayang mamuhay talaga sa pinas. Mga sandaling kaylan lang kapiling mo ang mga mahal mo sa buhay. Ngayon, andito ka... pabalik ng muli... umpisa nanaman ng hirap... umpisa nanaman ng dalawang taong pakikibaka at pakikipag sapalaran sa piling ng kalungkutan.Trabaho nanaman.. ganito talaga ang buhay.. magtrabaho upang mabuhay.

Umpisa na naman ng trabaho... Dating gawi nanaman tsk tsk tsk

Mag kita - kita na lang tayo uli! ba bye!