Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Sunday, 21 December 2008

PORMULA TUNGO SA TAGUMPAY


Ano kayang pormula ng tagumpay para makaahon sa kahirapan?

Matalino at may pananaw sa hinaharap ang mga Aleman at Hapones sa kanilang pagpapagamit sa kanilang paaralan ng mga aklat na ginamitan ng sarili nilang wika, upang mas madaling maunawaan ng mga bata sa elementarya. Ang aklat na isinalin sa sarili nilang wika ay ang

PUSHING TO THE FRONT.

Nag sasaad at nagtuturo ng kung paano ang pag disiplina sa sarili.
Ito kaya ang dahilan kung bakit sila ay may sariling disiplina?

Nakasaad din sa aklat na yan ang... SELF-CONFIDENCE, POSITIVE CREATIVE THINGKING, HARD WORK, CONCENTRATED SINGLENESS OF PURPOSE, CLEAN LIFE EQUALS SUCCESSFUL LIVING. Ang aklat na yan ang binasa ko nung panahon na kasalukuyang lumalaban ako sa kahirapan ng buhay. Kung para sa akin maaring isa din iyang sandata upang malunasan ang ating kasalukuyang paghihirap. Ang mga katagang aking nabangit sa itaas ay siyang ginagamit at hindi ko kinakalimutan hangang sa ngayon.

Ang buhay ko na tigib sa pakikipagsapalaran, binuhay ko ang aking sarili sa pamamagitan ng sariling pagsisikap. At ni minsan hindi ako umaasa sa tulong ng iba, na kung aking iisipin may mga taong pilit nila akong gustong tulungan. Para sa akin unang tagumpay na aking nakamit... Ang makita kang mapagkumbaba sa kapwa.. pilit din silang bababa para sa iyo.
Madalas na sumasagi sa aking isipan ang salitang... NOTHING IS IMPOSSIBLE TO THE MAN WHO CAN WILL.

Ulila na akong lubos, naging working student ako sa mulat-mula pa.
Namasukan ako na wala akong ibang hininging kapalit kundi ang madugtungan ko lang ang aking buhay.. ang meron lang magpakain sa akin sa araw-araw. Kadalasan luha ang aking kapiling sa araw-araw, lalo na sa tuwing naririnig ko ang awiting ANG MAGING ULILA.
Tunay na umiiyak ako hindi dahil sa hirap ng buhay.. kundi ang makita ko ang sarili ko na nagiisa, walang amat inang maiiyakan, walang inang magpapainom ng gamot sa akin sa tuwing akoy nilalagnat, walang inang kapiling sa tuwing sumasapit ang kapaskuhan.

Ngayon... narating ko na ang kinalalagyan ko ng may ngiti sa labi,
ang tanging sandata ay ang pagbabasa at pagunawa sa binabasa, piliting tumayong mag isa at kung paano lumaban sa hamon ng buhay. upang makamit ko ang aking tagumpay.

Gawing puhunan tungo sa tagumpay ang sunod-sunod na hamon ng buhay.

Ang panginoon ay nasa iyo.