Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Friday, 24 June 2016

PAANO MAG TIPID



Marami  narin  akong  napagtanungan, mga  taong  sanay  sa  pagtitipid  at  ayon  sa  kanila  maraming  paraan  kung  paano  makakapagtipid.

Unang - una  kailangan  desidido  ka  daw  talagang  mag tipid,  kailangan  din  daw  na  marunong kang  mag budget  ng  lahat  ng  pangangailangan  sa  araw - araw  at  lagi  ang  dumaan  sa  mga lugar  na  nakakakita  ka  ng  mga  bagay  na  nakakatuksong  bilhin  dahil  isang  bagay  na makakasira  sa  plano  mong  magtipid.

Iwasan  din  ang  masyadong  magarbo  sa  mga  pagkain  at  matuto  tayong  maging  praktikal  sa  lahat  ng  bagay  kung  anong  meron  ka  pag tsagaan,  matuto  tayong  tangkilikin  ang  mga  bagay  kung  saan  tayo  makakamura  sa  mga  gadget  man  o  sa  mga  kasuotan.   Kung  makakaiwas  iwasan  muna  ang  mga  kaibigan  o  kabarkada  andiyan  kasi  ang  mga  happenings  kung  saan  mapapasubo  kayo  sa  gastusan,  sa pagkain,  inom,  pamasahe  at  marami  pang  mapagkakasunduan  ng  barkada  at  iwasan  din  ang  lahat  ng  mga  bagay  na  nakasanayan  sa  mga  nakalipas  na  mga  araw  tulad  ng  sugal,  tong-its,  bingo  at  softdrinks,  kung  dati  ay  di  ka  makakain  ng  walang  softdrinks  ngayong  kailangan  mong  mag  tipid  kailangan  matuto  ka  ng  kumain  ng  walang  softdrinks  at magtyaga  sa  tubig  nalang.  Kung  dati  ay  palalabas  ka  ng  bahay  ngayon  ay  matuto  ka  naring  huwag  lumabas  at  manahimik  sa  loob  ng  bahay  at  ibuhos  ang  lahat  ng  oras  sa  mga  gawaing  bahay.

Alam  nyo..  tama  at  totoo  ang  lahat  ng  ipinayo  nila  sa  akin.  Alam nyo  ba...?  Ginawa  ko  ang  lahat  ng  naipayo  sa  akin  tungkol  sa pagtitipid  at  totoo  po  ang  laki  ng  natipid  ko  sa  aking  pera  at  alam  po  ninyo..  ang  laki  din  ng  itinanda  ko  sa  itsura.

Biruin   ninyo  sa  loob  ng  isang  buwan  lang  na  hindi  ako  lumabas  ng  bahay  at  hindi  uminom  ng  softdrinks  sa  araw-araw,  hindi  sumasama   sa   mga  happenings  ng  barkada  at  umiwas  sa  inom  na  dati  kong  ginagawa,  at   hindi  na  rin  ako  bumibili  ng  medyo  mahal  pero  masasarap  at  masusustansyang  pagkain . Pagkatapos  ng  isang  buwan  napansin  ko  sa  salamin  ang  dami  ko  ng uban  sa  buhok,  at  nakita  ko  ang  pangangatawan  ko  lumiit,  pati  yung  buntot  ko  lumiit  din  kainis.

Kayo nalang po ang magtipid!
Taga  payo  nalang  din  ako.

No comments: