Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Monday, 25 April 2016

ELECTION

MATALINONG  BOTANTE

Panahon  nanaman  ng  election,  botohan  nanaman  at  syempre  marami  nanaman  ang  kikita  ng  pera.  Marami  nanamang  naglalabasang  mga  salita  at  mga  opinion.

Kapag  panahon  ng  election  pangkaraniwan  ko  ng  naririnig  ang  "bayaran  nanaman  ng  boto",  mga  pulitikong  nagpapakalat  ng  pera,  mga  botanteng  nag-i-isip  nanaman  kung  saan  at  sinong  pulitiko  ang  magpapakalat  ng  pera.  Para  sa  akin  tumangap  man  ng  pera  ang  isang  tao  hindi  ko  iisipin  na  pinagbibili  na  niya  ang  kanyang  boto,  grasya  na  yan  at  hindi  pwedeng  tangihan.  Kung  tangihan  ba  ng  isang  tao  ang  grsyang  lumalapit  sa  kanya  ay  masasabi  na  bang  matalino  na  siyang  botante  dahil  hindi  niya  ipinagbili  ang  kanyang  boto?  Ganyan  ako  noon  pero  ang  nangyari  nakulong  ang  taong  sa  pagkakaalam  ko  na  karapat-dapat  at  may  kakayahang  mamuno  dahil  sa  taas  ng  pinag  aralan.  Palagay  ko  hindi  ako  nag  iisa  sa  pagpili  sa  kanila,  katunayan  milyon  kaming  bumoto  sa  kanila.  Lumalabas  na  naging  bobo  rin  pala  kaming  lahat.

Paano  at  ano  ba  ang  batayan  para  maging  matalino  sa  pag pili  ng  isang  kandidato?

Kaylan  lang  may  narinig  nanaman  ako  sa  TV  na  kailangan  maging  matalino  na  tayo  sa  pagpili  ng  mga  taong  ilalagay  natin  para  manungkulan  sa  ating  gobyerno.  Maging  mapanuri,  maging  maingat,  suriing  mabuti  ang  ating  ihahalal.

Alam  ko  wala  namang  masama  sa  ganyang  payo.  Pero  para  sa  aking  pananaw  "NON  SENSE"  ang  ganyang  payo.

Bakit?

Para  sa  akin..  Ayon  sa  mga  nakita  ko  na  sa  mga  nakalipas  hindi  na  kailangan  ang  talino  sa  pagpili  ng  nararapat  na  kandidato  dahil  hindi  natin  saklaw  ang  isipan  ng  bawat  isa,  hindi  natin  saklaw  ang  isipan  ng  mga  pulitiko,  hindi  natin  alam  kung  ano  ang  takbo  ng  isipan  ng  mga  kandidato,  hindi  natin    alam  kung  sino  sa  kanila  ang  nagsasabi  ng  totoo  o  nagsisinungaling  lang,  hindi  natin  alam  kung  ano  ang  mga  binabalak  ng  isang  kandidato  kung  siya  ay  naka-upo  na.  Hindi  rin  basehan  ang  taas  ng  pinag  aralan  ng  isang  mahusay  na  kandidato,  hindi  rin  basehan  kung  magnanakaw  o  hindi.

Ang  kailangan  lang  ay  ang  taong  may  kakayahang  mai-angat  ang  antas  ng  ating  pamumuhay  yan  ang  hindi  natin  kayang  piliin  kung  sino  sa  mga  pulitiko  ang  may  taglay  ng  ganyang  kakayahan.

Ang  pagpili  ng  tamang  kandidato  ay  parang  isang  larong  basketball  lang  o  sabong  ng  manok  hindi  mo  alam  kung  sino  ang  pipiliin  mong  mananalo,  ang  lahat  ng  laban  ay  nakadepende  sa  isipan  ng  isang  manlalaro  kung  paano  nila  pagbubutihin  ang  kanilang  laro.  Pagkatapos  ng  laro  doon  mo  lang  malalaman  kung  tama  o  mali  ka  sa  pinili  mong  tao.

Hindi  natin  kailangan  ang  kandidatong  may  mataas  na  pinag aralan,  hindi  natin  kailangan  ang  kandidatong  mabait,  kandidatong  magnanakaw,  kandidatong  maraming  alam  o  walang  alam  ang  kailangan  natin  ay  ang  kandidatong  kung  paano  niya  paangatin  ang  bansang  pilipinas,  kung  paano  niya  paangatin  ang  antas  ng  ating  pamumuhay  kahit  hindi  na  gaanong  mayaman  makamit  lang  natin  ang  matiwasay  na  pamumuhay  madaling  makahanap  ng  hanapbuhay  upang  may  mapagkunan  ng  makakain  sa  araw - araw.  Yan  ang  mahirap  hanapin  at  hindi  yan  nakadepende  sa  talino.

Hindi  natin  kailangan  o  gawing  sandata  ang  talino  sa  pagpili  ng  kandidato  sa  darating  na  election,  ang  kailangan nating  gawing  sandata  ay  ang  magdasal  at  manalangin  na  sana  ang  susunod  na  mapipiling  maging  presidente  ay  yung  hahango  sa  ating  kahirapan.

Paano  kung  ang  isang  botanteng  nakapili  ng  isang  kandidato  na  nakahango  sa  ating  kahirapan  at  nagpataas  ng  antas  ng  ating  pamumuhay  ay  isang  elementary  graduate  lamang,  matatangap  ba  ng  isang  engineer  graduate  na  mas  matalinong  botante  sila  kaysa  sa  kanya?

No comments: