Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Sunday, 4 November 2012

ITS MORE FUN IN THE PHILIPPINES

Iyan ang pinagmamalaking salita ngayon ng ating ahensya ng gobyerno sa mga torismo "its more fun in the philippines". Ano nga ba ang tunay na maipagmamalaking kagandahan ng pilipinas? Ang magagandang mga tanawin ba ng pilipinas? Ano ba ang mga magagandang tanawin ng pilipinas? Mga gabundok na basura na pinagkakaguluhan ng mga batang namumulot ng basura? Hindi ko na iisa-isahin ang lahat ng nakapanlulumong paningin sa pilipinas, alam ko na alam na nating lahat kung gaano na kapangit ang katayuan at kalagayan hindi lang ng bansa pati na ng mga pilipino. Kahit libutin mo ang buong pilipinas halos wala kang makitang nakakamanghang kagandahan sa pilipinas na ginawa mismo ng tao or ng gobyerno ang tanging alam ko lang na ipinagmamalaki ng gobyerno natin ay ang mga likas yaman ng kabundukan, mga kwebang ginawa na ng kalikasan. Sa tingin nyo ba sa nabangit ko sa itaas ay mas nakakaakit ang pilipinas kung ikukumpara sa ibang bansa? Mas magaganda di hamak ang mga lugar sa ibang bansa na karamihan pa sa lugar nila ay hindi natin mararanasan dito sa pilipinas na talagang dinevelop na mas kamangha-manghang tingnan ang mga lugar na pang akit nila sa mga turista, mga lugar na talagang ginastusan ng husto ng gobyerno. Ang perang nakokolekta ng gobyerno mula sa mga taxes ng mga tao ay talagang inilalaan nila ng husto sa mga proyektong kung saan masisiyahan ang tao, kung saan ang mga mamamayan ang totoong makikinabang ng pera ng gobyerno hindi ng mga taong nakaupo lang sa pwesto. Ang isang maipagmamalaki lang naman talaga ng pilipinas ay ang pagiging masayahin natin na halos lahat ng mga pilipinong makakasalubong o makakausap ng mga turista ay nakangiti, sa madaling salita magaling tayong makiharap sa bisita magaling tayong makipagbolahan sa mga turista sa sobrang kagalingan natin sa pakikitungo sa mga turista kahit gumagawa na ng illegal hindi pa natin hinuhuli pero ang mga items nahuhuli minsan dinudugas pa ng mga nakakumpiska. Napakasakit sabihin na sa dami ng mga dayuhan dito sa ating bansa parang hindi naman pamamasyal ang ipinupunta nila dito sa ating bansa, ayon sa napapanood ko sa mga balita karamihan sa mga gumagawa ng katiwalian dito sa ating bansa ay ang mga dayuhan turista dahil dito sila nakakapagtago ng malaya, dito sila nakakagawa ng kalokohan ng malaya, dito sila nagpapakalat ng mga droga, dito sila nagkakaroon ng mga kasama na mismong mga pilipino pa ang kanilang ginagawang galamay at mismong mga pilipino pa ang mismong nagtatago sa mga taong tulad nila, kadalasan na kahit mahulihan ng mga ibidensya hindi pa nahuhuli ang mismong dayuhan na may ari ng mga nakulimbat na smuggling dahil alam nila na madaling takpan ng pera ang bibig at utak ng mga pilipino. Sa puntong ito hindi ko masisi ang mga pilipinong nagiging kasabwat o mga pilipinong natatakpan ng pera dahil sa kanilang kahirapan, kahirapang walang maayos na solusyon ang gobyerno. Pero kung ating maalala at bibilangin kung ilan na ang mga dayuhang namintas sa ating bansa, mga turista at mga sikat na tao sa ibang bansa ang hindi napigilang magsalita at maglabas ng kanilang saloobin ukol sa nakita nila dito sa ating bansa. Mga salitang sampal sa pagkatao nating mga pilipino at ng ating mga nanunungkulan sa gobyerno. Pero sa likod ng mga pamimintas ng mga dayuhan natuto na ba ang mga kinauukulan? Tayo pa nga ang matapang at tayo pa ang magaling mangatwiran, dahil ang isang ugali nating mga pilipino ay ang mangatwiran, ugaling ayaw tumangap ng pagkatalo, imbis na solusyonan ang problema nangangatwiran pa, kung ano-anong masasakit na salita pa ang ibabato sa mga turistang nagpahayag ng saloobin tungkol sa kapangitan ng pilipinas. Its more fun in the philippines, More fun dahil masarap manood ng balita na puro nakawan, puro patayan, puro pulis na hinuhuli, puro teacher na kinakasuhan ang napapanood, more fun dahil puro exotic food na ang napapanood na kinakain na ng mga pilipino, aso, buwaya, butiki, itlog ng langam na pula, tipaklong, palaka, ararawan, paniki, buwaya, cobra, daga at maraming-marami pa na sumasalamin sa tunay na istado ng indibidwal na pilipino. Alam ko sasabihin ninyo hindi naman lahat ay kumakain ng exotic food may mga pilipino din kumakain ng tamang pagkain, tama sa oras oo tama kayo pero hindi ninyo maikakaila na dapat sana ay wala ng kumakain ng mga nakakahindik na balahibong kainin kung ang istado sana natin ay nasa katulad ninyo na may yaman at kakayahang hindi mamulat sa mga ganyang nakahihindik na pagkain. Kung hindi sana ganito.. di sana wala ng kakain ng daga, palaka, paniki upang maranasan din namin ang magsawa at mauma sa lasa ng espagheti, mang inasal at jollibee na tunay na masasabi mong its more fun in the philippines. Kung ako na mismong pilipino ang magsasabing... bumisita kayo sa aming bansa ay hindi ko tahasang magawa dahil ayokong nang dagdagan pa ang kahihiyang inabot mula sa katotohanang sinabi ng hindi na mabilang na mga dayuhang nakaranas na tumapak dito sa ating bansa dahil minsan nakakabinging pakingan ang katotohanan na ang pilipinas ay isa at nangungunang pinaka maruming lugar sa buong mundo. Hindi nakakabingi ang mga salitang pamimintas ng mga dayuhan kungdi ang nakakabinging katotohanan na tunay na nararanasan at nakikita natin dito sa ating bansa.

ANG TUNAY NA DAHILAN

Bakit nga ba nag hihiwalay ang dalawang mag asawa? Ano ang pangunahing dahilan ng pag hihiwalay ng mag asawa? Maraming dahilan ng paghihiwalay ng dalawang nagsasama hindi ko na iisa-isahin dahil alam na natin ang mga dahilan kung bakit naghihiwalay ang mag asawa at ang isa sa mabigat na dahilan ng paghihiwalay ay ang pagkakaroon ng tinatawag na 3rd party. Pero bakit nga ba nagkakaroon ng 3rd party? Lalaki man o babae umaabot sa ganyang sitwasyon pero ano nga ba ang mabigat na dahilan kung bakit nagagawa ng bawat isa ang pagkakaroon ng ibang minamahal? Marami ang nagsasabi at pangkaraniwang dahilan na ng tao ay ang salitang "love" "nagmahal lang kami", "tao lang kami na marunong din magmahal". Ano naman ang dahilan kung bakit nagmamahal tayong muli? Syempre andyan yung idadahilan natin na iresponsable ang asawa ko, andyan naman yung idadahilan na bungangera ang asawa ko maraming pwedeng idahilan na pwedeng itago ang tunay na dahilan na sa isang banda wala naman tayong panahon para imbistigahan pa natin ang tunay na katotohanan sa kanilang mga dahilan at wala naman sa kahit sino ang aamin ng tunay na dahilan. May mga tao pa ngang kumakaliwa kahit wala naman talagang malalim na dahilan kung bakit pa sila kumakaliwa kahit nga ang ibang nagsasama na walang masamang dahilan nagagawa paring kumaliwa, iisa lang naman lagi ang panakip butas na dahilan ng milyong-milyong tao sa ganitong sitwasyon ang bukang bigbig na.. "nagmahal lang kami". "Pagmamahal" ang palaging dahilan at pagmamahal ang pantakip sa tunay na nararamdamang libog. Sa tingin nyo.. bakit pa nagagawang kumaliwa ang mga taong wala naman talagang masamang dahilan para magawa at pagtaksilan parin nila ang kanilang asawa, kahit nga alam na nila ang problemang idudulot ng gagawin nilang pangangaliwa pero patuloy parin nilang nagagawa. Bakit nga ba? Matagal kong pinag aralan ang bagay na iyan tulad ng sinabi ko sa itaas may masamang dahilan man o wala pero nagagawa parin nila ang kumaliwa. Iisa lang naman talaga ang dahilan "sex" o "kalibugan" ito ang tunay na dahilan ito ang katotohanang ikinukubli sa mga pangkaraniwang idinadahilan ng tao ayaw lang kasi nilang pulaan sila ng tao... sex ang pangunahing ugat ng paghihiwalay ng mag asawa. Kung ang asawa mong babae ay nag kulang sa pangangailangan asahan mo hindi ito makakaiwas sa tukso at tawag ng pangangailangan kahit pa sabihin na nating anong bait ng kanyang asawa. Sa panig naman ng lalaki sigurado ito rin ang pangunahing dahilan ng pangangaliwa niya ito ang katotohanang ikinukubli ng kanilang kasinungalingang "nagmahal lang ako", "tao lang akong naghahanap ng tunay na pagmamahal". Alam ko marami ang mag re-react dahil ang tao likas ang kasinungalingan, kahit sang ayon sa sinasabi mo pilit paring mangangatwiran nature na kasi ng tao ang kasinungalingan at nature narin ng tao ang hindi pagtangap sa katotohanan. Sino ba ang taong kayang umiwas sa sex? maari maiiwasan kung hindi niya kursunada yung tao. Kaya nga ang taong nangingibang bansa na nagkakawalay ng maraming taon doon nila malayang nagagawa ang hindi dapat ginagawa at doon natin maririnig ang madalas na dahilan ng tao "umibig lang ako". Kung may pagkakataong gumawa gagawa at gagawa lalot napakaraming pagkakataong pwedeng gawin at malayang gawin.

UNDAS

    Laganap na sa ating mga pilipino ang paniniwala na may pyesta ng patay o tinatawag nating undas, hindi lang siguro dito sa ating bansa pati narin sa mga bansang naniniwala sa paniwala ng mga katoliko. Napanood ko sa balita na marami ang nasaktan dahil sa pagsisiksikan, marami ang hinimatay ng dahil sa init, nag-collapse, inatake sa puso, tumaas ang presyon ng dugo at marami pang iba. Kung ating iisiping mabuti.. ano nga ba ang maidudulot sa buhay natin ang pagpunta ng sementeryo? Anong dahilan ng ating pagpunta ng sementeryo? Ang pagsunod ba sa matagal ng paniniwala? Ang paniniwalang "kailangan ba bisitahin mo rin ang puntod ng mga nawalang mahal sa buhay?" Bakit? "Para sabihin na inaalala mo rin ang mga namayapa mong mga mahal sa buhay?" Iyan lang ba ang paraan ng pagpapakita na inaalala mo sila? Ang larawan ba ng mga mahal mo sa buhay ay nawawala na sa iyong isipan? Hindi mo ba sila maalala kahit nasa bahay ka lang imposible di ba? Bakit kailangan pa nating pumunta sa sementeryo? Ang totoo kahit kaylan man ay hinding-hindi na mawawala ang larawan ng iyong mga mahal sa buhay sa iyong isipan dahil sila ay naging bahagi ng iyong buhay at nakaraan.

Noong kabataan ko isa rin akong naniniwala at sumusunod sa paniniwala na may pyesta ang mga patay, tuwing undas isa rin akong pumupunta noong araw, pero ngayong nasa wastong pag iisip na ako at dahil narin likas sa akin ang magmatyag, magsaliksik at maghanap ng mga katotohanan sa buhay ko napag isip-isip ko na bakit ako naniniwala sa pyesta ng mga patay? Ano ba ang mapapala ko sa pagpunta ko ng sementeryo? Anong katotohanan ang talagang bumabalot dito at bakit hindi mawala sa isip natin at baliin ang paniniwalang walang patutunguhan ang pagpunta-punta ng sementeryo kungdi ang magsayang lang ng napakaraming oras at pagod, magtiis sa init ng araw, maglinis, magtabas ng damo, maglinis ng nitso at magpintura, gastusan ng bulaklak at kandila pero sa likod naman ng katotohanan hindi na alam at hindi na makakarating sa kaalaman ng namayapa ang lahat ng nangyayari dito sa mundo. Isa rin akong katoliko at isa rin akong nawalan ng mga taong mahal ko sa buhay, ulila na akong lubos at isa ang aking ama at ina na nilamon na ng lupa ang kani-kanilang katawan, pangatlong taon na akong hindi pumupunta ng sementeryo at tatlong undas ko ng hindi pinapasyalan ang nitso ng aking ama at ina dahil para sa akin sapat na ang mamalagi sila at ang kanilang larawan sa aking isipan, sapat na ang mga larawan nilang naiwan sa aking tahanan upang hindi ko sila makalimutan, hanggat akoy nabubuhay kaylan man hindi na sila mawawala sa aking isipan dahil sila ay isa sa napakalaking halaga na naging bahagi ng aking buhay at nakaraan, ang mamalagi sila sa aking isipan ay sapat ng pag gunita ko sa kanila habang buhay hindi ko na kailangan pumunta ng sementeryo para magpagod, magbilad sa gitna ng araw at para ipakita sa tao na nandoon ka ring nakikisimpatya sa paniniwala nila. Sa tatlong taon kong hindi pagbisita sa sementeryo wala akong narinig na panunumbat mula sa mga namayapa, walang sermon na natangap ko mula sa mga mahal ko sa buhay na namayapa isang pagpapatunay na tama lang ako sa aking paniniwala na walang masama at walang mawawala kahit hindi ka pumunta sa puntod ng mga namayapa.

May nagsabi na.. "wala kang magagawa paniniwala ko ito", isang katwirang sarado ang utak sa maling paniniwala. Isang utak na hindi gumagana at isang katwirang takot tumangap ng katotohanan. Ano ang katotohanan sa undas? Ano ang katotohanan sa pagpunta ng sementeryo? Kung sa paniniwala natin na merong nakatagong katotohanan sa mga puntod na naagnas na at nilamon na ng lupa at panahon paano mo ipapaliwanag ang katotohanan sa iyong paniniwala? Paano mo patutunayan ang katotohanang alam mo tungkol sa undas? Kung ang mga maling paniniwala ay hindi kayang baguhin paano pa kaya ang baluktot na pagkatao. Kung ang mga maling paniniwala ay hindi nakikita.. paano pa kaya ang mga maling ginagawa.

Para sa akin isa nanaman itong paniniwala ng tao na walang katuturan at isa nanaman itong pagsunod sa paniniwala ng mga relihiyon at pagkabilango at pagsunod sa paniniwala ng ibang tao. Hindi ko hinahadlangan ang ano mang paniniwala ng bawat indibidual. Sana mamulat tayo sa katotohanan at magkaroon sana tayo ng kakayahang pag isipan kung ano ang mga tunay na katotohanan bago tayo maniwala sa isang bagay dahil kadalasan tayo ang nabibiktima sa mga maling paniniwala at pagsunod sa paniniwala ng ibang tao.

Ano man ang mga ibinahagi ko dito kayo parin ang masusunod anoman ang inyong maging desisyon sa buhay kayo ang makakatangap ng resulta, pero.. lagi sana nating tandaan na malaya nating nagagamit ang ating isipan upang hindi tayo malayo sa tunay na katotohanan at may laya tayong mag isip upang malaman ang mga tunay na katotohanan. Bilang tao at may kanya-kanyang pag-iisip at may kanya-kanyang laya at kakayahang gamitin ang isip para alamin ang mga katotohanan upang hindi maging biktima ng mga maling paniniwala dahil minsan ikaw din ang kadalasang tumatangap ng resulta dulot ng mga maling paniniwala.

Sana mamulat ang tao na kung wala karin lang mahanapan ng paliwanag sa mga katotohanan at wala kang maipaliwanag na katunayang totoo sa inaakala mong totoo bakit patuloy at patuloy kang nagpapakabilango sa mga paniniwalang hindi mo mahanapan ng paliwanag at katunayan. Bakit hindi mo makuhang talikuran at kalimutan ang mga paniniwala mo na ikaw mismo hindi mo mahanapan ng katunayan para mapatunayan mo rin mismo sa sarili mo na mali ang iyong mga paniniwala.

Hindi lahat ng sinasabi ng relihiyon ay katotohanan, ang tunay na katotohanan ay bulag ka at sarado ang isipan mo sa katotohanang sinasabi ng iba, katotohanang ayaw mo lang tumangap ng katotohanan buhat sa paliwanag ng ibang tao. Iyan ang tunay na katotohanan.

Saturday, 27 October 2012

DAPAT BA MAKONTENTO

Marami ang nagsasabi sa buhay daw ng tao ay kailangan marunong kang makontento sa kung anong meron ka, kailangan marunong kang makontento sa kung ano ka ngayon at kailangan makontento ka sa mga bagay-bagay na meron ka na wala sa iba. Ilang porsyento ng mga pilipino ang naniniwala at bumibilib sa salitang "kontento". Alam ko hindi masama ang makontento sa mga bagay na meron ka pero.. alam mo ba kung paano mo nagagawa sa reyalidad ang pagiging kontento? Paano ba ang pagiging kontento? Sapat na ba ang meron ka kahit hindi ka na nasisiyahan sa mga bagay na nasa iyo?

Kadalasan kong nababasa at naririnig na sumasang-ayon sila sa mga salita na nababasa nila gayong sa reyalidad ng buhay ay hindi naman nila nagagawa,  andyan pa yung makikipagtalo sila ng nauukol sa usaping pagiging kontento gayong sa reyalidad ng buhay ay hindi naman nila magawa ang ipinaglalaban nila, isa siyang ofw na dating may hanapbuhay sa pilipinas ngunit nagawa pang mangibang bansa upang humanap ng mas malaking sahod. Kung tunay na siya ay ang taong marunong makontento bakit pa siya naghangad ng mas malaking sahod sa ibang bansa gayong meron na siyang hanapbuhay sa pilipinas di ba dapat makontento na siya ng kung anong meron siya dati, dapat nakontento na siya sa kanyang trabaho. Isa pang maihahalimbawa ko ang mga taong mayayaman sa america or kahit dito sa pilipinas sa kabila ng kanilang tinatagong mga yaman ay patuloy at patuloy parin silang nagtatrabaho para madagdagan pa ng madagdagan ang kanilang yaman sa malinis na paraan, sa kabila ng dami nilang itinayong mga kompanya ay patuloy at patuloy parin silang nagpaparami ng kompanya dahil iyon ang alam nila na lalong magpapasaya sa kanila ng husto, walang ipinagkaiba sa atin or ng kahit na kanginong tao kung may kakayahan karin lang abutin pa ang mga bagay na magpapasaya sa iyo bakit mo hindi gagawin, gawin mo lahat hanggat may pagkakataon, hindi mo kailangang tumigil hanggat kaya mong gawin sa malinis na paraan gawin mo, abutin mo.

Paano mo sasabihan ang isang taong wala kang kontento, wala kang kasiyahan na may kaakibat na reaction at may kasamang galit at panunumbat sa isang tao? Ginagamit lang natin ang salitang... "wala kang kontento sa buhay" kung galit ka sa isang tao or kung pinapangaralan mo ang isang tao na tumigil sa kanyang ginagawa, dito lumalabas ang salitang "wala kang kontento" or "hindi ka na nakontento". Pero... kung wala siyang ginagawang masama para abutin ang mga bagay na gusto niyang abutin or gusto niyang makamit sa malinis na paraan dapat ba nating sabihan ang isang tao ng.. "wala kang kontento sa buhay mo" bakit?
Bakit natin sasabihan ang isang tao ng ganyang salita? gayong wala naman siyang ginagawang masama? Masama bang gawin niya ang lahat ng bagay na magpapasaya sa kanya? Pipigilan mo ba ang isang tao sa kanyang tinatahak gayong wala naman siyang ginagawang masama?

Maaring may kanya-kanya tayong paniniwala ngunit tahasang sinasabi ko na kulang tayo sa tunay na pang unawa sa tunay na katotohanan at tunay na kahulugan ng mga bagay-bagay dito sa mundo.  Ayon sa aking pag aanalisa sa mga bagay-bagay na aking nalalaman na.. ang tunay na pagiging kontento at ang tunay na paraan para magawa mo ang kahulugan ng pagiging kontento ay kung "-wala ka ng kakayahang abutin o kunin ang mga bagay-bagay na magpapasiya sa sarili mo-" mga "bagay na kinukuha mo sa masama or sa hindi malinis na paraan makamit mo lang ang mga bagay na magpapasaya sa sarili mo"  dito natin pwedeng gamitin ang salitang "kontento", dito natin pwedeng sabihan ang isang tao na "wala kang kontento" dito ka dapat makontento sa mga bagay na meron ka, ang mga bagay na sumisira sa pagiging kontento ng isang tao ay ang bagay na meron ka ngunit kailangan mo pang dagdagan o palitan ang mga bagay na nasa iyo sa masamang paraan, gagawa ka ng masama upang makamit mo ang mga bagay na magpapasiya sa iyo. Ang pagiging kontento ay binibigyan mo na ng halaga ang mga bagay na meron ka or kung anong meron ka, huwag ka ng maghangad ng labis pa kung wala ka na rin lang kakayahang abutin ang mga bagay na higit pang magpapasaya sa iyo kaysa gumawa ka ng masama maabot o makuha mo lang ang mga ninanais mong abutin, diyan ka dapat makontento. Huwag mong abutin ang isang bagay kung wala ka ng kakayahang kunin sa malinis na paraan diyan mo makikita ang salitang pagiging kontento natin, sa ganyang paraan din natin magagamit sa reyalidad ang pagiging kontento.

Normal lang sa isang tao ang hanapin or kunin niya ang alam niyang the best para sa kanyang sarili, alam ko naman na lahat tayo kahit nasa atin na ang lahat pero patuloy at patuloy parin tayong naghahanap ng mga bagay na alam nating the best na nagpapasiya talaga sa atin.

Be thankful kung anong meron ka ngayon pero.. not be contented hanggat may kakayahan kang kunin or abutin ang mga bagay na the best para sa sarili mo basta sa malinis na paraan mo kukunin.

Isang aral...
Huwag kang makikipagtalo kung sa reyalidad ng buhay ay hindi mo rin magawa sa sarili ang mga bagay na ipinaglalaban mo.

MAHIRAP BA MAGING OFW

Kadalasan ito ang karaniwang naririnig natin sa ating mga kababayang namamasukan sa ibayong dagat (ofw). Libo-libo o milyon-milyong pilipino na ang nakipagsapalaran dito sa ibayong dagat at milyon-milyon pa ang nagbabalak o nangangarap maging ofw. Hindi maikakaila o hindi na lingid sa ating kaalaman kung ano ang kalagayan natin dito sa ibang bansa. Karamihan sa ating mga pilipino ay nangangarap na palaring makaalis kahit abot na ng ating kaalaman na mahirap maging ofw pero sa kabila ng paniniwalang iyan hindi parin mapigilan ang daming mga pilipino ang nagbabakasakaling maka-alis at nangangarap na maging ofw.

Maaring sabihin na nating 95 porsiyento na nagtatrabaho bilang ofw ay ang kapos ang pamumuhay sa ating bansa, karamihan pa sa mga nagtatrabaho sa ibang bansa walang hanap buhay o walang trabaho sa pilipinas. May mga kababayan man tayong ofw na kahit may trabaho na sa pilipinas halos hindi ka pa makabili ng isang sakong bigas sa tuwing dumarating ang sahod, sa pamasahe palang wala na halos matira sa sinusuweldo mo may trabaho ka pa niyan paano pa kaya kung wala kang trabaho sa pilipinas? Bumibili ka ng bigas na pakilo-kilo lang o kaya makapasok ka man ng kompanya after six months or 3 months tanggal ka nanaman saan ka na kukuha ng ipapakain mo sa pamilya mo? Hirap di ba? Pero kung ofw ka kahit hindi mo gaanong nakikita pamilya mo pero nakakausap mo naman sila sa cellphone at may sigurado ka namang may pera dahil ofw ka mas mahirap kaya yan? Ilang porsiyento ba na nagtatrabaho sa ibang bansa bilang ofw ang nagsasabing mahirap maging ofw at ilang porsiyento naman kaya na mga kababayan natin na kasalukuyang nasa ibang bansa na ngayon ang nagsasabing mas mahirap ang buhay sa pilipinas? 
Ikaw... tanungin mo ang sarili mo kung alin ang mas mahirap?
Karamihan sa nakakausap ko kahit nuong nasa Jeddah Saudi Arabia pa ako noon na mas mababa di hamak ang kinikita ko sa saudi arabia pero sa bawat pilipinong nakaka-usap ko mas malaki ang porsiyentong ayaw umuwi ng pilipinas at sa bawat isa sa kanila ang nagsasabing mas mahirap ang buhay sa pilipinas. Tanungin natin ang isang nagsasabing mahirap maging ofw... Bakit ayaw mo pang umuwi sa pilipinas kung mahirap maging ofw? Ano ba ang naging mahirap sa pagpunta mo sa ibang bansa? Gaano ba karami ang naramdaman mong hirap bilang ofw? Kung ikukumpara mo sa dami ng hirap ang naramdaman sa pilipinas? 
Sa labin limang taon kong pagtatrabaho dito sa ibang bansa lahat ng nararamdaman at lahat ng nararanasan ng isang ofw ay napagdaan ko nang lahat. Kung noong dati tanging sulat lang ang tanging pinakang tulay naming mag asawa napagtiisan namin dahil alam kong mas mahirap ang buhay sa pilipinas di hamak na mas lalong maganda ngayon dahil may internet ng namamagitan sa inyo ng inyong mga mahal sa buhay. Pagmasdan natin ang ating mga kababayan dito sa ibang bansa ngayon, pagmasdan natin ang mga kasama natin diyan mismo sa inyong kinalalagyan kung mababanaag mo ba sa kanilang pangangatawan ang naghihirap na kalagayan? Pag masdan mo narin ang mga kababayan nating nasa pilipinas kung sino ang makikita mong mas naghihirap na kalagayan sa kanilang pangangatawan. Alam ko at alam nating lahat na mahirap ang hindi mo makita ang iyong pamilya kung nahihirapan ka bilang ofw at kung papipiliin ka uuwi ka ba o hindi? Ano kaya isasagot mo?
Mahirap ang ofw... marahil nga, mahirap dahil ang hirap magluto sa umaga para baunin mo sa iyong trabaho, ang hirap magluto lalo't may hang over ka pa at masakit ang ulo. Lahat ng klase ng gutom dadanasin mo kung ofw ka dahil... tamad kang magluto kaya ginugutom ka. Nagugutom ka dahil naubosan ka na nang hawak mong alawans dahil sa kaiinom mo, dahil sa kasusugal mo, dahil sa kapapasyal mo kasama ng mga barkada at kaibigan mo, dahil sa kabibili mo ng kung ano-anong maisip mo at pag naubusan ka na ng hawak na pera saka ka lang makakaramdam ng homesick dahil hindi ka na makagala, hindi ka na makapag sugal, hindi ka na maka-inom hindi ka narin halos makaluto saka mo maiisip ang pamilya mo, saka ka palang makakaramdam ng kalungkutan dahil wala ka ng hawak na pera dito na maririnig sa iyong mga labi na... ''MAHIRAP MAGING OFW''. Pero kung may hawak ka nanamang pera dahil naka-utang ka nanaman kung kangi-kangino wala nanaman ang nararamdaman mong kalungkutan, wala nanaman ang nararamdaman mong homesick at wala naring maririnig sa iyong mga labi na ''mahirap maging ofw'' maaring ang marinig na mula sa iyo... ''Ang sarap ng buhay dito sa abroad'' Masarap dahil may hawak ka nanamang pera, masarap na dahil may pang date ka nanaman, may pang-magdamagan na namang sugal at inom, may pang pasyal nanaman, pang gudtaym na dating hindi mo nagagawa nuong nasa pilipinas ka pa at katabi mo ang pamilya mo. 
Kadalasan na naririnig natin... ''DUGO AT PAWIS ANG PINUHUNAN NATIN DITO SA MALAYONG LUGAR''. Wala namang pinagkaiba nuong nasa pilipinas tayo, parehas na trabaho lang, parehas na pagod din sa pagtatrabaho dugo at pawis din. Aminin man natin o hindi... masyado lang siguro tayong madrama sa buhay, masyado lang siguro tayong madrama sa salita pero kung papipiliin ka.. "UUWI KA BA O HINDI?
ANO BA ANG MAS MAHIRAP?
MAGING OFW SA IBANG BANSA OR MAGING OFW SA SARILING BANSA? ( Kung saan alipin ka ng dayuhan sa sariling bansa ) Para sa akin... hindi mahirap ang maging ofw Ikaw lang ang nagpapahirap sa sarili mo. Nalulungkot lang ako lalo sa mga kababayan nating sinawing palad dito sa ibang bansa ng dahil narin sa kapabayaan ng mga opisyales ng ating gobyerno.
Ang buhay at kapalaran hindi natin kayang hadlangan saan man dako tayo naroroon.

Monday, 22 October 2012

RESULTA NG KABOBOHAN

         Sa loob ng labing anim na taon kong pagtatrabaho sa ibang bansa kitang - kita ko ang kabulukan ng mga pilipino hindi ng ating bansa ha. Nadadamay lang ang lugar sa kabobohan ng tao, kabobohan sa solusyon ng mga pulitiko. Ang kagandahan ng isang lugar ay ayon sa kagalingan ng tao at ang kapangitan din ng isang lugar ay nakadepende rin sa kabobohan ng tao. Tulad ng mga bansang singapore, malaysia, japan, korea at marami pang ibang karatig bansa kitang - kita ang kalinisan at kagandahan ng kanilang kapaligiran na talagang mapapamangha ka dahil ibang - iba sa pilipinas, kung makakakita ka ng mga lugar na makikita mo lang sa ibang bansa hindi mo maiiwasang maisip ang pilipinas, mapapailing ka, manlulumo ka kitang - kita ang kabobohan at klase ng tao at pulitiko dito sa pilipinas, ang lahat ng iyan ay resulta ng kanilang kagalingan, kagalingan ng tao, kagalingan ng kanilang gobyerno, kagalingan ng isip ng kanilang mga pulitiko. Ang pilipinas ay may mga kasabihan na nananatili nalang kasabihan na.. ang bawat katanungan ay may nakalaang kasagutan, kasagutan na ayaw nating tugunan dahil sa kabobohan. Mga problemang may solusyong katapat na ayaw namang solusyunan dahil sa katamaran.

Ang katayuan ng ng pilipinas at katayuan ng pamumuhay ng mga pilipino ay resulta ng kabobohan at katamaran ng mga pulitiko, masakit lang isipin na lahat sila ay mga pilipino sa kanila nakikita ang tunay na ugali ng mga pilipino, bangayan, siraan, kampihan, mga mahihilig lang sa umpisa, payabangan, papormahan, magagaling lang sa salita, ngayon kitang - kita na ang resulta. Ang mga pilipino ay namulat na sa hirap ng pamumuhay, mga pilipinong bilango ng kahirapan, mga pilipinong nakatanikala na hindi lang sa kabobohan ng pamamahala kundi sa uri ng pag uugali natin bilang pilipino. Hindi naman mahirap ungkatin ang tunay na dahilan kung bakit hirap na tayong bumili ng isang stick ng sigarilyo, pisong asukal ayaw lang talaga nilang magtrabaho ng tama o bobo lang talaga na kaiba sa ibang bansa na wala kang mabibiling isang stick na sigarilyo, isang supot ng ice candy na mantika, isang tasang suka katumbas ng isang dakot na yaman ng mga pilipino, kumpara sa ibang bansa na kahit na pake-paketeng sigarilyo magaang bilhin, galon - galong mantika na kayang bilhin ng bulsa patunay na ang laki ng agwat sa ating mga pilipino. Hindi ko na sisisihin dito ang mga mamamayang botante dahil hindi naman talaga dapat tapunan ng sisi ang mga mamamayan sa pagpili ng kanilang mga iboboto, mayaman man o mahirap, matalino man o bobo ang mga botante pare-parehas lang tayong biktima ng kabobohan, kawalan ng disiplina at kawalan ng malasakit, lahat tayo ay biktima ng klase ng pagiisip at ugali ng ating mga opisyal ng gobyerno.

Ang hirap ungkatin ang tunay na dahilan kung bakit tayo naging ganito, ang hirap ungkatin kung bakit naging ganito ang ating bansa. Makatotohanan man ang sinasabi mo kung ang kausap mo ay isang makitid din ang utak walang maniniwala sa iyo. Hindi ko tinutukoy dito ang ikonomiya ng pilipinas, ang tinutukoy ko dito ay ang kapaligiran ng bansang pilipinas kung saan masisilayan mo ang resulta kung paano gumawa at mag isip ang mga pulitiko at hindi lang mismo ang mga pulitiko ang may pagpapabaya kasama narin ang mga humahawak at mga tauhan ng mga ahensya ng gobyerno lahat sila ay mga pilipinong salamin ng tunay na ugali nating mga pilipino. Pagmasdan mo sa TV ang ating mga pulitiko, mababakas mo ang angking talino daw nila pero heto at tayo ang nagdurusa, kakaunting talino nila tayo ang pumapasan pagmasdan mo ang kanilang mga mukha idikit mo sa iyong imahinasyon ang larawan ng kanilang mga mukha at larawan ng lahat ng mga kabulukan na nakikita natin sa paligid mapapailing ka dahil ang maaninag mo sa kapaligiran ay larawan ng kabobohan hindi ng talino. Pagmasdan ninyo mga kalsadang lubak - lubak, kalsadang nabubulok na tubig baha, mga tubig baha sa mga estero, mabahong kapaligiran, mga basurang nagkalat, gabundok na basura mga batang walang makain, mga batang walang pinag aralan, mga batang lumaki sa lansangan, mga batang nagiging isnatser, magnanakaw, rapist, addik, mga pamilyang walang tahanan, mga pamilyang sa bangketa natutulog, mga pamilyang walang hanap buhay angat lang ng konti ang may hanapbuhay pero parehas lang na nahihirapan, mga kapulisan na talamak ang kotongan, mga kapulisan na kanyang-kanyang raket sa pangongotong, mga pulis na magnanakaw, mga pulis utak ng sindikato, utak ng sugalan, utak ng mga druglord, mga guro sa public school na rapist, magnanakaw, sadista, rapist, nambubugbog ng mga mag aaral, mga gurong nagpapakain ng plastik sa mga bata, mga gurong tiwali, mga ghost employee sa gobyerno yan ang mga maipagmamalaking ugali ng mga pilipino, mga senador na bangayan, mga senador na nag aaway - away, kanya-kanyang siraan, kanya - kanayng pagalingan sa harap ng kamera, mga pulitikong nagpapatayan, agawan sa yaman, agawan sa kapangyarihan na nagdudulot ng madugong pagtatagpo, mga conngressmen na walang maisip na batas kundi palitan ang pangalan ng airport, palitan ang pangalan ng edsa, pilipinas pa ang nangungunang pinakapangit na airport sa buong mundo, ilan lang yan sa resulta ng kabobohan ng pamamahala ng gobyerno at ng mga pulitiko, iyan ang tunay na ugali nating mga pilipino, ilan lang yan sa ugat ng mga problemang hindi kayang solusyunan.

Ang sakit isipin na ganito na tayo ngayon, ganito na kalala ang nangyayari sa ating bansa, ganito na ang kalakaran upang mabuhay dito sa ating bansa. Hindi ko masisisi ang mga botante ng election dahil lahat tayo ay walang alam sa klase ng pag iisip ng tao lahat tayo ay biktima ng ugaling sa sarili rin natin mismo nakikita. Ngayong nalalapit nanaman ang election.. mas lalo kong nakikita ang magiging kahihinatnan lalo ng ating bansa. Nakikinita ko na lalong dumadami ang angkan ng mga pulitikong nais na muling magpayaman at magpapahirap sa mga mamamayan ng pilipinas. Nakikinita ko na... dahil madadagdagan ang kabobohan na mas nakakapanlumong resulta ang matutunghayan nating lahat.

Kung anong hirap hanapin ang solusyon ng pangit na kapaligiran ng pilipinas at hirap na kalagayan ng mga mamamayan... ganon din kahirap solusyunan ang kabobohan ng utak ng mga opisyales ng pamahalaan.

Pagmasdan mo ang kalagayan ng mga pilipino ngayon... yan ang resulta ng kanilang kabobohan.

PRAYER OR HARDWORK

           Ano ang mas mabisa para magtagumpay, prayer or hardwork? Bagamat parehas na importante sa buhay ng tao ang dalawang salita depende nalang siguro sa paniniwala ng bawat isa. Para sa akin mas mabisa at kailangan ng isang tao ay ang hardwork para sa kanyang ikatatagumpay. Ayon sa kadalasan kong naririnig at nababasa na mas mabisa ang prayer para magtagumpay ang isang tao dahil ayon sa paniniwala ng ilan na walang imposible sa panginoon basta lumapit ka sa kanya at manalig na ang lahat ay kanyang ibibigay basta manalig ka at magtiwala sa kanya. Kung ganon bakit marami parin hanggang ngayon ang umaasa parin ng tagumpay? Gayong halos lahat naman ay nananalangin. Alam naman natin na ang tao ay may pananalig sa kanya at lubos na nagtitiwala at halos lahat ay marunong magdasal at manalangin. Kung minsan ng dahil sa ating paniniwala may mga tao nalang umaasa sa panalangin, may mga taong hindi na halos nagpapakita ng kasipagan dahil nilason na ang isip ng paniniwalang ang lahat naman ng bagay dito sa mundo ay nakukuha sa panalangin, nalason na sila sa paniniwalang.. "lumapit ka at manalangin ikaw ay pagbibigyan, kaya ang tao kahit hindi gaanong nagtatrabaho nananalangin nalang ng ikatatagumpay. Pero subukan mong magtrabaho ng husto, subukan mong magtrabaho ng tapat kahit hindi ka manalangin makikita at makikita ng nasa itaas ang pagsisikap mo siya ang kusang magdadala sa iyo sa tagumpay kahit hindi ka manalangin. Para ano pa at may kasabihan tayo na "hindi natutulog ang diyos" di ba isa ito sa mga paniniwala nating lahat? Minsan tayo rin ang sumusuway sa sarili nating paniniwala. Paano kang magtatagumpay kung naka upo kalang? Paano mo makakamit ang mga pinapangarap mo sa buhay kung naka-upo ka lang at umaasa nalang lagi sa panalangin.

TALENTO NG TAO

        May mga nagsasabi na ang talento daw ng tao ay nakukuha sa praktis at may nagsasabi na ang talento daw ng tao ay inborn, hindi ako naniniwala na ang talento ng isang tao ay nakukuha or nagmumula sa ensayo, para sa aking paniniwala ipinanganak ang tao na may kaakibat ng talento nahahasa lang kung sasamahan mo ng ensayo. Ang talento ng tao ay inilaan na para sa iyo buhat ng ikaw ay ipinanganak, kahit anong gawin mo sa kakapraktis kung hindi talaga iyan ang talent mo hindi mo magagawa ang magandang hinahanap ng tao kahit nakahiligan mong gawin ang isang bagay kung hindi talaga iyan ang talent mo walang mangyayari kahit ilang libong praktis pa ang gawin mo. Ang talento ng isang tao ay kung saan mas angat ang ginagawa mong magaling na minsan hindi nagagawa ng iba. Halimbawa sa pagsusulat may mga taong ang talent nila ay nasa pagsusulat, may mga bagay ka na mas magaling kang magsulat kaysa sa ibang nagsusulat. Nabibigyan mo ng buhay ang mga kataga na iyong sinusulat, nabibigyan mo ng magandang daloy ang mga salita upang mas kaaya - ayang basahin ng mga nagbabasa. Maraming talento ang isang tao minsan may mga araw na napapansin mo nag iiba ka ng hilig lumalabas at lumalabas ang mga bagay na nakakahiligan mong gawin iyon ang talento mong matatawag basta mapag uukulan mo lang ng panahon para maensayo mo ng husto kadalasan lang na nangyayari nawawalan tayo ng panahon dahil sa may mga bagay na dapat tayong unahin lalo na kung kapos tayo sa pangangailangan ng pamilya mas nauuna pa nating gawin ang pangangailangan ng pamilya kaya nawawalan na tayo ng panahong mapagukulan ng panahon ang ating mga sariling talento. Habang lumalaki ang tao unti - unti niya nalalaman kung saang bagay siya magaling. May mga tao din na bata palang ay nakikitaan na ng talento na siyang sinusoportahan kaagad ng mga magulang dahil may kakayahan silang tustusan ang mga pangangailangan ng bata para maging ganap na dalubhasa sa kanyang talento. Kadalasan ang nagiging dahilan kaya hindi natin napagtutunan ng husto ang ating talento ay dahil sa kakapusan natin ng pinansyal kaya ang nagiging resulta kulang na ang kaalaman natin upang mas mapabuti pa natin ng husto ang ating talento, kahit gustohin mo na maging dalubhasa ka sa iyong talento hindi mo makuhang sanayin ng husto dahil mas binibigyan mo ng panahon ang mga pangangailangan natin sa buhay. Kung ating ikukumpara ang pilipino laban sa mga mayayamang bansa kung saan may kakayahan ang kanilang mga taong mabigyan nila ng kaukulang panahon ang kani-kanilang mga talento dahil meron silang inaasahan na trabaho, panahon at oras at meron silang inaasahang pera na  pangtustus sa kanilang pangangailangan para lalo nilang mapagbuti ang kanilang kaalaman. Hindi lingid sa ating kaalaman na mas marami ang nakikita nating magagaling at talentadong tao sa ibat - ibang larangan ang mga nakatira sa mayayamang bansa at hindi lingid sa ating kaalaman na mas maraming nahahakot na gintong medalya ang mga mayayamang bansa sa larangan ng sports. Dahil meron silang kakayahang maghanap ng mga talentadong tao na tinutustusan pa ng gobyerno para mas lalo pang maging bihasa ang tao. Dito sa atin maraming mga talentadong tao na hindi na gaanong nangangailangan ng maraming pera para maging dalubhasa tulad ng pag awit. Pero may mga mang aawit tayo na hindi naman bihasa sa pag compose ng isang awitin. Ang pag gawa or pag buo ng isang awitin ay isang talento rin ng tao kung saan nakakagawa or nakakabuo sila ng isang awit na hindi naman nila kayang awitin ang sarili nilang katha dahil ang talento nila ay wala sa pag awit kundi nasa pag gawa ng isang awit. Masuwerte na lang ang tao kung ang talento mo ay nakakagawa ka na ng isang awitin nakakanta mo pa ang ginawa mong awitin dahil sa ginintuan mong tinig makikita natin iyan sa katauhan nina freddie aguilar at Rey valera. Kung ang ibang mayayaman ay may inaasahang kayamanan at may kakayahang mag ensayo ng kahit na anong talent ngunit hindi nila magawang maging dalubhasa dahil hindi iyon ang talento nila. Kaya para sa aking paniniwala ang talento ay hindi nagmula sa ensayo, ang talento ng tao ay inborn instrumento lang ang kakaensayo para lalong maging dalubhasa sa kanyang talento.




Thursday, 20 September 2012

KURIPOT OR NAGTITIPID

       Kadalasan ang tinatawag natin sa mga taong hindi nagbibitaw ng pera ay kuripot minsan nawawala na sa isipan ng tao kung nagtitipid ba ang isang tao basta ang paniniwala na lang natin kuripot na agad ang isang tao.

 Alam ba ninyo kung kangino nakikita ang mga taong kuripot?
Alam ba ninyo kung kangino makikita ang mga taong nagtitipid?

Hindi!

Dahil madalang lang ang mga taong nakakaalam kung sino ba ang mga taong tunay na kuripot at kung sino ang mga taong tunay na nagtitipid. Sa dami ng taong nakaka usap ko at sa dami na ng mga forums ang napuntahan ko halos ninty nine porsyento na mga pilipino ang hindi nakakaalam kung sino ba ang mga taong dapat na tawaging kuripot at kung sino ang mga taong nagtitipid. Ikaw alam mo ba kung sino ang mga kuripot na tao? (Alam ko ang isasagot mo.. pwes mali ka sa iyong pagkakaalam) Kung hindi mo alam kung sino talaga ang mga taong kuripot at nagtitipid, isa ka sa ninety nine porsyento na hindi nakakaalam ng mga taong kuripot. Ang mga taong mayayaman sila ang mga taong kuripot, sila ang mga taong dapat na tawaging kuripot, mayaman na nga hindi pa gumagastos or hindi pa namimigay ng yaman. Hindi nila pwedeng ikatwiran na nagtitipid lang sila gayong sobra - sobra na ang yaman nila. Mayaman na nga nagtitipid pa imposible di ba?

Ang nagtitipid ay nasa mahirap, sa mahirap natin makikita ang mga taong nagtitipid hindi sa mayaman, kung halimbawang hindi sila makapagbitaw ng pera hindi natin sila pwedeng sabihan na kuripot. Sila ang mga tunay na nagtitipid dahil wala silang sobrang yaman para magbitaw. Ang mga mahihirap ay may sapat lang na pera para sa pang araw - araw nilang pangangailangan, inilalaan nila ang konting sobra nilang pera para sa mga darating pang mga araw. Kaya kung may mga oras o araw na sila ay hindi nakakapagbigay ng pera or madalang silang gumastos tinitipid lang talaga nila ang kanilang pera pero hindi nangangahulugan na sila ay kuripot.

 Nasa mahirap ang nagtitipid wala sa mayaman at nasa mayaman ang kuripot wala sa mahirap.




OPINION

        Ang bawat isa ay may kanya - kanyang opinion, may kanya - kanyang paniniwala ukol sa napapanahong usapin. Sa opinion natin makikita ang talas at lalim ng pag iisip ng isang tao, dito rin nakikita kung nag iisip ang isang tao ayon sa ipapahayag niyang paliwanag sa usapin at ayon sa pagkakaintindi niya sa tunay na kahulugan ng usapin. Sa opinion din natin makikita ang ugali ng isang tao o ng kanyang buong pagkatao, dito rin masasalamin kung may puso ang isang taong nagsasalita sa pamamagitan ng kanyang pagpapahayag.

Kadalasan ang katwiran ng tao "opinion ko ito" at "tama ako sa sarili kong opinion" ito ang karaniwang panangga ng mga taong ayaw kinokontra ang kanilang opinion. Kaya nagkakaroon sila ng lakas ng loob na ipahayag at may paninindigan na tama sila dahil iyon ay sarili nilang opinion.

Ang opinion ba ay hindi na kailangang kontrahin ng ibang tao? Bakit?
Dapat matuwa ka kung may komokontra sa opinion mo dahil iyan ang magiging dahilan para mailabas ang talino mo at maipakita sa iba ang kakayahan mong makipagdebate ng maayos. Daan din iyan para makilala ka ng mga nagbabasa. Isipin natin na lahat tayo ay may kalayaang magpahayag ng sarili nating opinion masagasaan man ang opinion mo iyon ay ayon narin sa kanilang opinion. Sa pamamagitan ng opinion ng bawat isa ay malalaman natin kung alin ang mas makatotohanan pag aralan lang natin ang sinasabi ng bawat isa dahil dito nakasalalay para madagdagan ang kaalaman mo or ng bawat isa at dito rin malalaman ang talino ng bawat isa sa pamamagitan ng pinapahayag nating opinion. Kung marunong kang mag analisa ng bawat pahayag matutunan mo kung paano tumangap ng pagkatalo para hindi ka mapabilang sa mga taong sarado ang isip sa maling paniniwala. Minsa may mga taong nagmamagaling sa kanyang pagpapahayag ng sarili niyang opinion na bukod sa hindi na nila maunawaan ang tunay na kahulugan ng usapin hindi pa nila maunawaan ang sarili nilang pahayag, maaninag mo ito ayon sa daloy ng kanyang mga pinapaliwanag makikita mo sala-salabat ang kanyang mga pahayag. Kaya ang kadalasang nangyayari ay umaabot sa puntong hindi pagkakaunawaan na nagkakaroon ng resultang batuhan ng kamatis. Dito rin makikilala ang taong hindi marunong tumangap ng kamalian at hindi marunong tumangap ng katotohanan mula sa sinasabi ng iba. Mahalaga sa taong nagsi-share ng kanyang opinion ang may malalim na pag iisip upang maunawaan niya ang tamang usapin. Kung ang tao ay hindi nakakaintindi sa tunay na kahulugan ng mga salita or ng usapin kaylan man ay hindi tatama sa paningin ng iba ang opinion mo kahit ilang libong pangungusap pa ang ipahayag mong paliwanag kung hindi mo rin alam ang tunay na kahulugan ng usapin. Mahalaga din sa taong nais magpahayag ng kanyang opinion kung may sapat at may malawak siyang kaalaman upang maunawaan niya ang tunay na kahulugan ng mga salitang pinag uusapan. Mahalaga din sa tao na ilagay muna sa realidad ang usapin bago magbigay ng opinion. Kailangang alamin mo kung paano gagawin sa realidad ng buhay ang isang usapin upang mas malawak at makatotohanan na may kasamang puso ang ipapahayag mong opinion na walang maapektuhang maliliit na tao. Isang halimbawa sa usapin..
"Huwag mo akong husgahan ng ayon sa aking nakaraan".
"Kailangan maging perpekto ka muna bago ka manghusga"
"Ang mga taong nanghuhusga ay madaling makarma"
"Be youself"
"Be true to yourself"

 Ilang porsyento ng mga pilipino ang hindi nakakaalam ng tunay na kahulugan ng salitang "Panghuhusga". Kung ang makakalaban mo sa debate ay ang dami ng bilang ng porsyento na mga pilipinong sarado sa maling paniniwala at mga taong marunong lang makaunawa sa salita pero hindi alam ang tunay na kahulugan sa realidad sayang lang ang oras mo mas maganda pang kausap ang mga bata handang tumangap ng katotohanan kaysa sa matanda na ayaw tumangap ng tama. Mga ilang halimbawa lang iyan sa ninety porsyentong mga pilipino ang hindi nakakaalam ng tunay na kahulugan ng mga salitang iyan, ang mahalaga sa kanila ay ang magbigay ng opinion na nauukol sa mga ganyang usapin. Kaya paano sila tatangap ng tamang opinion buhat sa iba kung ang mismong pinag uusapan ay hindi nila nauunawaan at hindi alam ang tunay na kahulugan sa realidad, kailangan "read before you think", "think before you speak".

Sa opinion mo nakasalalay ang respeto at paghangang matatangap mo na magmumula sa mga nagbabasa, kahit hindi mo derektang marinig ngunit ang pagiging tahimik at pagiging walang kibo ng kabilang panig ay nangangahulugan na tama ka sa pinahayag mong opinion. Dahil kung may mali at malayo ka sa katotohanan sa pinahayag mong opinion ay mag susulputan ang mga taong grasa para magbigay ng sarili naman nilang opinion kontra sa pinahayag mong opinion. Kaya sa paglalahad ng opinion mahalagang alamin mo muna ang tunay na kahulugan ng mga salitang pinag uusapan upang hindi ka lusubin ng mga grupo ng fraternity sa mga unibersidad ng kalakhang maynila.




Wednesday, 19 September 2012

PAGANAHIN MO ANG ISIPAN


Paano nga ba mapapatakbo ang ating isipan?
Paano mo maipapakita or maipaparamdam na malawak ang isipan mo?

Importante sa buhay ng isang tao kung paano nga ba natin pinapatakbo ang ating isipan, natural... lahat naman tayo may isip pero kadalasan may isip nga tayo pero
nagagamit lang natin sa natural na paraan yun bang parang kontento ka na basta may makain lang, basta may isip lang. Importante sa buhay kung paano ba patatakbuhin ang ating isipan na kailangan meron bagong likha ng galing mismo sa katas ng iyong isipan yung kaya mong paligayahin ang sarili mo sa pamamagitan ng bago mong likha na ikaw mismo ang naka-isip, yung kaya mong maipagmalaki sa iba na hindi ginamitan ng daya, kaligayahang hindi peke. Isang pag papatunay ng kagalingan sa buhay man or sa pamilya kailangan patakbuhin mo ang isipan kung paano mo sila bibigyan ng kaginhawaan or ng kaligayahan. Mahalaga ang kagalingan mo sa pag iisip sa lahat ng bagay dahil nauuna ang isipan bago gawa, nauuna ang mangarap bago maging reality.

Tulad sa pag susulat or sa pagba-blogging hindi mai-aalis na nag umpisa tayo sa grade one kung bago ka pa lang nag susulat hindi maiiwasan na gumamit ng kodigo sa exam or mangopya sa ka-klase pero... habang panahon ka na lang bang grade one? Kailangan palagi kang may bagong likha na mabibigyan mo ng magandang impact sa isipan ng mga nagbabasa yung bang meron kang laging bago. Sa tagal ko ng pagsusulat dito sa blog ko isang beses lang ako nag ''repost'' ng poste ko yung bang naisulat ko na isusulat ko uli lalagyan ko lang ng konting rekado para maiba lang ng konti sa dati, naisip ko.. isang pag amin na wala ng itakbo ang aking isipan. Sa aking paniniwala na hanggat maari ayokong ipakita na hindi ko kayang patakbuhin ang aking isipan ayokong ulit-ulitin ang nagawa ko na dahil para ko ng inamin na hindi ko na kayang patakbuhin ang isipan ko ayokong panoorin ang pelikulang napanood ko na. Kitang-kita ko sa ganyang paraan ang isipan ng isang tao na may hangganan ang kanyang isipan. Nakabase na lang ang ating pagsusulat sa kung ano ang nakasulat na balita sa pahayagan dahil hindi ka na makagawa na nagmula sa kagalingan mo, nakasunod nalang ang isipan natin sa buntot ng isipan ng ibang tao. Kailangan may sarili kang likha na bibigyan mo ng malinaw na pahayag ang bawat likha or ang bawat sinusulat mo upang maipakita natin ang kagalingan ng isipan na maaring sila ang sumunod sa buntot ng isipan mo.

Minsan... iniiwasan kong magbasa sa kapwa ko blogger hindi dahil ayaw kong basahin ang blog nila, ayaw ko dahil ang gusto ko ang lahat ng sinusulat ko galing mismo sa katas ng isipan ko yung ako talaga ang nag isip ng isusulat ko dahil diyan ako nakakaramdam ng kasiyahan ayokong maging fake ang kaligayahan ko or fake ang mga ngiti ko yun bang gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi na ako grade one, hindi na ako grade two, gusto kong iparamdam sa nagbabasa na kaya kong patakbuhin ang isipan ko na masasabi kong nag-i-improve ang isipan ko. Kung may nakaparehas man ako ng naisulat sa kapwa ko blogger hindi ako makakaramdam sa sarili ko na guilty ako sa mga ginagawa ko. Basta meron akong naisip na isulat ginagawa ko hindi ako nag nag aalala kung may katulad man o wala ok lang basta ginagawa ko ayokong isabotahe ako mismo ng sarili kong isipan.

Mahalaga para sa akin kung ano magiging impact sa isipan ng tao kung ano ang nakikita nila sa akin sa personal man o kahit dito sa pagsusulat or kahit sa pagsasalita kadalasan nasa mabuti kaysa sa masama katulad ng madalas kong iniisip... ''Kaysa mag-isip ka ng hindi mabuti sa kapwa mo... Mag isip ka na lang ng makabubuti sa sarili mo or sa buhay mo.." (Yayaman ka pa).


MASARAP DAW MANIRAHAN SA PINAS

 Babalik ka pa ba?

Sabi nila masarap ang manirahan sa pilipinas.
Sa panahon ngayon ano kaya ang masarap sa pilipinas?

Ang maka-bonding mo mga kaibigan mo at magpakitang gilas na galing ka ng ibang bansa?
Makita mo mga kamag anak mo na natutuwa sa iyo dahil meron ka ngayon?

Gusto mo ang klima sa pilipinas? Yung klima lang ba ang gusto mo kaya gusto mong manirahan sa pilipinas? o sinasabi mo lang iyan dahil wala ka lang talagang pagkakataon na manirahan sa mga mayayamang bansa tulad ng america.

May mga nagsasabi kung may pera lang ako at may sapat na trabaho maganda manirahan sa pilipinas. Ano kaya maganda sa pilipinas? Kaylan ka pa makakahanap ng malaking sahod kung tulad ko rin na mababa lang ang pinag aralan. Pwede pa siguro kung tumama ka sa lotto.. kaylan pa? Malamang sasabihin mo nanaman habang may buhay may pag asa gasgas na iyan!

Kung may trabaho ka maganda na ba ang mamuhay sa pilipinas kahit alam mong hindi sumasapat ang sweldo mo para maibigay ang kaligayahan ng pamilya mo? kahit nga ang ibang goverment employee nagrereklamo na sa sahod ako pa kaya na halos walang mahanap na trabaho. Sa akala mo ba kung dumating ang araw na nagkapamilya ang mga anak mo sigurado ka kaya na makakahanap ng maayos na trabaho ang mga anak mo sa pilipinas? Paano kung wala silang mahanap na trabaho? Kangino sila lalapit? Paano kung bigla kang matangal sa trabaho sa maraming dahilan? Akala mo ba ganon lang kadali humanap ng trabaho dito sa pilipinas at gusto mong manirahan sa pilipinas?  Akala mo ba madali mamuhay sa pilipinas kung wala kang trabaho? Akala mo lang yon!

Ano ang mga bagay na nagagawa mo sa pilipinas na hindi mo magawa dito sa ibang bansa?

Dito sa pilipinas makakabili ka ng mga karneng baboy na double dead, mga karne ng baboy na namatay sa sakit na ibinebenta pa sa palengke, dito ka makakakita sa pilipinas na mga gumagawa ng tocino, langonisa at mga ibat - ibang pagkain na ginagawa sa tabi ng kubeta, tabi ng kanal, tabi ng imburnal, mga pagkaing kinakain na ng daga, mga panindang dinadaanan muna ng ipis , mga panindang luma na hinahalo uli sa bago para maitinda, mga kamatis na winiwisikan ng pampakintab para sariwang tingnan, mga isdang hinahaluan ng pormalin at kung ano - ano pang mga insekto na kung hindi pa makikita ng media hindi pa masasawata o hindi pa maisasarado ang mga ganyang pagawaan. Kung mahirap ka at makabangga mo sa kaso ay mayaman nakakasiguro ka bang kakampihan ka mismo ng abogado mo? pera - pera ang labanan sa kaso, huhuthutan ka na ng abogado mo ipatatalo ka pa ng mismong abogado mo. Mga tindahang nagtitinda ng mga expired na produkto, mga expired na gamot , mga expired na delata, mga expired na gatas, kung hindi mo makikita maipapakain o maipapainom mo sa mga anak mo makasuhan man ang may sala wala na huli na andyan na ang problemang naibigay mo na sa anak mo. Maipasarado man ng mga ilang buwan andiyan at gumagawa uli at nagtitinda uli kahit walang mga kaukulang permit patuloy na gumagawa sila makabenta lang, subukan mong mamili sa bangketa andiyan ang sandamakmak na mga peke.. pekeng cellphone, pekeng mga sterio, pekeng mga speaker at kung ano - ano pang peke na ilang buwan mo lang gagamitin sira na pero nasasawata ba? Hindi lang yan ang mga peke dito pati mga agency na papuntang abroad sandamakmak ang peke kung makaisip ka mang mag abroad andyan at nakanganga ang mga buwayang agency na peke makulong man o makasuhan man wala na limas na ang pera mo pati nautang na five-six nalimas kasama pati lupa at kalabaw mo. Hindi lang yan may mga peke pang agency dito tingnan mo sa mga pader sandamakmak ang mga pekeng agency na nangangalap ng mga taong walang trabaho dito sa pinas pipicturan ka nila na may bayad di mo alam kung may negative yung camera makikita mo mga yan karamihan mga nakadikit sa mga pader at sa clasiffied adds ng dyaryong balita may complete address pa, pati pulis may peke dito, pati mga sundalo may mga peke narin, pati doctor pinepeke narin, pati abogado may peke narin, minsan pati medya peke narin magsabit lang ng ID.  Pati mga plate number pake narin, hindi lang yan karaniwan narin dito ang mga pekeng diploma, pekeng birth certificate kung minsan pati tao peke narin bwiset! Ang ibang mga pilipino walang pakialam sa kapwa ang mahalaga kumikita sila. Karamihan din sa mga nakapwesto walang pakialam sa tao ang mahalaga sumusweldo sila. Nasubukan mo narin bang bumili ng bloke-blokeng yelo sa palengke? May hakbang ba ang mga kinauukulan para imbistigahan ba kung saan nanggaling ang tubig na ginagawang yelo? wala di ba? Hanggat hindi nasisilip ng medya hindi yan mapapansin dahil sa katamaran ng mga nanunungkulan, nasubukan mo narin bang bumili ng talbos ng kangkong, talbos ng kamote na hindi mo alam kung saang lubluban ng kalabaw kinukuha. Sa pulis tayo.. sa ibang bansa ang sumbungan nila pulis dito ang sinusumbong pulis. Ilang pulis na ang kinakasuhan dahil sa talamak na lagayan at holdapan na mismong mga alagad ng batas ang karaniwang nasasangkot, mga pulis na nagkukunwaring huhulihin ka pero bubulong lang pala sa iyo ng pera para maareglo ang kaso mo, mga pulitikong magnanakaw pati presedente magnanakaw narin. Wala ka na ngang trabaho, nagtataasan pa mga bilihin, nagtataasan ang mga pamasahe, nagtataasan ang mga electric bill. Paano kung wala kang trabaho kaya mo bang lahat iyan? Mapipilitan bibili ka nalang na mga double dead na baboy makakamura ka. Mga karneng patapon sa ibang bansa dadalhin sa pilipinas para mabili ng mga kaawa-awang mga pilipino. Kung may trabaho ka sa pinas nagagawa mo bang ipasyal sa beach ang pamilya mo na kayo - kayo lang? hindi di ba? kasi wala kayong sevice, makakapag beach lang kayo kung may mga bagong dating na abroad sa lugar nyo makakasabit kayong sumama sa beach. Kung may trabaho ka sa pinas sa araw ng sweldo mo hanggang saan kayo aabutin ang pamilya mo kung gusto mo silang ipasyal? Hanggang mall lang sa bayan swerte na kung makakain sa jollibee kung mga bata pa ang mga anak mo.. paano kung mga teen ager na mas malaki ang gastos. Maghanap ka ng trabaho sandamakmak na requirements muna ang gagastusin mo bago ka makapasok, makapasok ka man after three, four or six months tatangalin ka na dahil ayaw nilang kumuha ng mga regular. Lalo kung may edad ka na sino pa kaya ang tatangap sa iyo palagay ko wala na dahil kahit ang mismo gobyerno nga namimili ng mas bata, swerte mo kung may baker ka pa paano kung wala kawawa ka na.

Kung tumagal pa na wala kang trabaho wala ka ng perang pambayad sa electric bill mo sigurado hindi magtatagal mapuputulan ka na ng koryente nakakahiya sa kapitbahay lalo na kung dati kang ofw na nagpapainom ng libre sa mga tao, nagpapamudmud ng mga sabon, chocolate, kape, at kung ano - ano pa na akala mo millionaryo ka dahil punong - puno ng alahas ang katawan mo, ngayon mapuputulan ka na ng koryente nakakahiya di ba? Pilitin mo nalang mamasukan bilang security guard kayanin mo nalang na maghapon kang nakatayo, magdamag kang nakikipag patentero sa lamok kinabukasan hindi pa makakarating ang kapalitan mo deretso ka uli hanggang gabi pagsahod mo sa pamasahe palang ubos na ang sahod mo, dose oras ka pa araw-araw matatapat pa noche buena at new year naka-duty ka dahil sa guardya  walang holi-holiday masubukan mo naman ang new year na new year wala kang hawak na paputok kundi pamaypay sa lamok. Subukan mo nalang pumasok na salesman baka sakali tumatangap sila ng edad thirty five or fourty sigurado sasabihin sa iyo tatawagan ka nalang iyan ang madalas kong matangap nung nag aaply ako. Subukan mo nalang makipasada ng tricykle kahit papaano maka-boundary ka ng isang daan mag hapon.

Makakatulog ka pa kaya kung dalawang buwan na kayong hindi nakakabayad sa koryente malapit na kayong putulan at kung maputulan na kayo ng koryente wala na hindi ka na makakapag-facebook makahanap ka man ng trabaho hindi ka narin makakapag-facebook, pambili nga ng asin wala na facebook - facebook pa! Hindi mo na maipo-post sa wall ninyo yung mga salitang "ang plastik na tao ay..." , "ang taong palahusga ay..." , "sa pag ibig ay..." , "ang tiwala ay..." , at kung ano - ano pang kaartehan at kadramahan sa wall. Diyan mo nalang sa wall ng bahay ninyo isulat o kaya bawiin mo nalang yung mga sabon, sigarilyo na pinamudmod mo noong bagong dating ka at mga alak na pinainom mo.

Hirap pa naman ng walang koryente sa bahay, nung minsan na bumili ako ng yakult sakto nawalan ng nagblack out nasa kubeta ako hindi ko makapa yung tabo.. yakult ang ginamit kong pangtabo hirap pala bwiset!

Tangapin mo nalang uli ang naka-ambang tsismis at panunuya ng mga kapitbahay mo. Ngayon uutusan mo nalang ang anak mo na bumili ng isang kilong bigas dahil nahihiya kang makita nilang bumibili ng isang kilong bigas mabuti kung may maibili pa, napigtas pa yung tsinelas mo (patay) hanap ka nalang muna ng ibang kulay na tsinelas, subukan mo nalang umutang muna sa mga kapitbahay mo, kung hindi ka makautang bawiin mo yung sabon na pinamudmod mo sa kanila yung chocolate ipasuka mo. Yung pasko sa pinas ang masarap kahit wala kang napapasyalang mga naglalakihang palabas sa mga shopping center, naggagandahang mga fireworks, at mga mamahaling hamon na nakakain sa tulad sa ibang bansa. Ganyan kasarap ang mamuhay sa pilipinas noh? Sa tagal mo ng pananatili dito sa pinas bumabalik na ang dati mong kulay umiitim ka na.

 Ano naman ang mga bagay na nagagawa mo dito sa ibang bansa na hindi mo magagawa sa pilipinas? Yung mga sinabi ko sa itaas baligtarin mo lahat.

Minsan ang mga pilipino nakabalatkayo nalang sa kanilang mga salita, nagtatago sa tunay na isinisigaw ng damdamin. Pilit na ikinukubli ang hinahanap na kagandahan sa realidad ng buhay dahil ayaw nating aminin at ayaw nating ilabas ang tunay na hinahanap ng ating isipan sa iba. Masyado lang talaga tayong mapagkunwari sa ngiti.



Wednesday, 5 September 2012

NAUUPOS NA KANDILA

May pamilya ako may apat na anak na nag aaral sa elementarya, sa high school at sa colledge. High school lang natapos ko, isa rin akong katulad ninyong may pangarap.. pangarap sa sarili, pangarap sa pamilya, pangarap sa mga anak, pangarap sa asawa, pangarap sa mga magulang at mga kapatid. Isa rin akong pilipino na naninirahan at nagmamahal sa ating bayan.

Naka upo ako sa harap ng aming barong - barong nag iisip nangangarap. Bilang ama nangangarap din ako ng maayos na pamumuhay, nangangarap din ako ng maayos na hanapbuhay. Sa paghahanap ko ng mapapasukan kailangan ko ng sedula, barangay clearance, police clearance, NBI clearance, sss number at hinanapan ako ng birth certificate doon pa sa NSO kukunin. Nagkatinginan lang kami ng asawa ko, pamasahe palang wala ng maiaabot sa akin ang aking asawa paano pa kaya yung mga babayaran sa requirements. Sinubukan ko rin maging kargador, sinubukan ko ring mamulot ng basura, lata.. oo maraming mapapasukan kung kaya din lang ng katawan ko papasukan ko ngunit hindi ganon kadali na pilitin mong kayanin ang hindi kaya ng katawan mo lalo kung ako nalang inaasahan ng pamilya ko. Habang lumilipas ang araw lalong sumisikip ang mundo ko at mundo ng aking pamilya dahil sa edad kong ito sino pa ang lalong tatangap sa akin. Paano na ang aking pamilya, ang aking asawa, ang aking mga anak, ang aking mga magulang, paano na ang aking mga pangarap, paano na ang mga pangarap ng aking mga anak, paano na ang kanilang pag aaral.

Ang buhay dito sa ating bayan ay punong-puno ng problema, punong-puno ng pasakit, punong - puno ng hirap, punong - puno ng luha. Tumayo ako sa aking pagkakaupo, humakbang ng isa, dalawa, tatlo at muli akong napa upo hindi ko na kaya.. wala na akong lakas upang lumakad, wala na akong lakas para buhayin ang aking pamilya, ang aking mga anak, wala na akong lakas para ipagpatuloy ang aming pamumuhay at wala na rin akong lakas para lumaban sa gutom na nararanasan wala na rin akong lakas na lumaban sa mga taong nais na muling sumakop sa ating inang bayan. Tulad ninyo pilipino rin ako na nagmamalasakit at lubos na nagmamahal sa ating inang bayan.

Pilipino rin ako na nagmamalaki at taas noo na nagsasabing "im proud to be a pilipino". Pero sa pagiging pilipino ko.. para akong nauupos na kandila unti-unting hinahatak ng lupa.


Sa aming mahal na pangulo sana.. mawala na ang lahat ng gastusin na isang bumabalakid at nagpapahirap sa mga abang mangagawa.



Sunday, 26 August 2012

TAO MUNA BAGO ANG BAYAN

Kailangan mahalin muna natin ang bayan para umasenso?

Bakit ang inuuna nating mahalin ang bayan? Tanong ko sa aking kausap.. Hindi ba ang dapat tao muna bago ang bayan?


Bayan muna dahil tao rin ang unang makikinabang. Kung gumanda at umasenso ang bayan sabay naring aasenso ang tao. Kung bayan muna ang uunahing pagandahin, bayan muna ang kailangang unang ayusin kasama nang pagyabungin ang ating mga kabundukan punuin ng puno , linisin ang kapaligiran itama ang pagtatapon ng mga basura dahil yan ang mga pangunahing dahilan ng pagbaha hanggang sa maging dahilan ng kamatayan ng tao. Sabi nga ng iba kailangang mahalin muna natin ang bayan para umasenso na ang pilipinas.
Mukhang may katwiran siya dahil iyan naman talaga ang kailangan ng ating bayan, iyan ang isinisigaw ng ating bayan bihisan ninyo ako ng hindi tayo kahiya - hiya sa mga karatig nating bansa.


Tama! kailangan din naman talaga at obligasyon naman talaga ng gobyerno ang mga bagay na iyan. Gobyerno ang kailangang kumilos kung tungkol sa bayan ang pag uusapan.

Matalino din naman itong kausap ko.. kaya lang walang puso.

Paano naman ang tao?
Di baleng may mamatay muna sa gutom? Unahin muna ang pagyabong ng mga puno kaysa pagyabong ng mga batang may pinag aralan? Unahin muna ang pagtangap ng papuri mula sa karatig bansa kaysa bigyan ng tahanan ang mga walang tahanan?

Kailangan ba mahalin muna ang bayan bago ang tao? Sino ba ang dapat unahing mahalin? Kung mahalin ko ba ang bayan may makakain na si juan? Kung mahalin ko ba ang bayan magkakaroon na ng trabaho ang libo - libong ama na nangangailangan ng trabaho? Kung mahalin ko ba ang bayan mawawala na ang mga magbabasura, magkakaroon na ng maayos na tulugan ang pamilyang natutulog sa lansangan?
Pagmasdan mo ang iyong kapaligiran.. Pagmasdan mo ang mga taong natutulog sa lansangan, pagmasdan mo ang mga batang natutulog sa mga lansangan, pagmasdan mo ang mga taong namumulot ng basura, pagmasdan mo ang mga batang nagiging mang - mang dahil sa wala ng kakayahang pagaralin pa ng kanyang mga magulang. habang lumalakad ang araw at patuloy sa paglubog at paglitaw ng haring araw dumarami lalo ang mga pilipinong nagiging mang - mang, mga pilipinong tumatanda na hindi na nabibigyan ng pagkakataong makapag aral na ang tanging ipapamana nalang nila sa kanilang mga anak kundi ang kahirapang kanilang nasimulan. Dahil habang patuloy sa pag ikot ang mundo patuloy silang lumalaban sa hamon ng buhay nakikipag agawan sa gutom at kamatayan ang mga tao. Aanhin ng tao ang maraming puno kung kumakalam na ang kanilang sikmura, aanhin ng tao ang magandang nilalakaran nila kung kailangang ibili ng gamot ang kanilang anak, aanhin ng mga tao ang ganda ng kapaligiran kung wala naman silang makain, makakain ba ng anak ko ang papuri ng mga banyaga dahil sa kagandahan ng ating bayan, matitigil na ba sa pagbabasura ang tao kung gumanda ang ating bayan? May makakain na ba ang mga magbabasura kung gumanda ang ating bayan kahit wala silang mahanap na magandang hanapbuhay? May matutulugan na bang maayos na tahanan kung wala na ang mga pagbaha?

Ngayon sino ba ang dapat na unahing mahalin.. ang tao ba o ang bayan? Sino ang dapat na unahing ayusin ang bayan ba o ang buhay ng mga tao? Sino ang dapat unahing pagyamanin ang mga puno sa kabundukan o ang buhay ng bawat pilipino?

Lumingon ka sa iyong paligid makikita mo.. Ang tao umiiyak unti - unting nauupos.. di tulad ng ating watawat ano mang unos ang dumating mananatiling nakatayo.

Ikaw kaya ang mamulot ng basura, ikaw kaya ang matulog sa lansangan kasama ng mga bata, ikaw kaya ang walang makain at subukang kumain ng mga tira - tira ng jollibee, saka mo sabihing ang bayan muna bago kami saka nalang kami kung mayaman na ang bayan.




Saturday, 25 August 2012

KAHULUGAN NG PANGHUHUSGA

Sabi nila..

"Diyos lang ang may karapatang humusga sa akin" walang karapatan ang sinuman na husgahan ako". Ito ang madalas kong naririnig at nababasa lalong - lalo na dito sa net. Kung may naririnig akong nagpapahayag ng ganito gustong - gusto kong kontrahin ang mga ganitong tao. Mga taong nagpapahayag ng mga salita na parang hindi naman nila alam ang kahulugan ng kanilang sinasabi.

Ikaw.. alam mo ba ang kahulugan ng panghuhusga? Alam mo ba kung paano mo ito nagagawa sa reyalidad ng buhay? Bakit may mga taong ayaw na ayaw silang huhusgahan? Bakit parang napakalaking kasalanan sa tao at sa diyos ang manghusga ayon sa kanilang mga sinasabi at paniniwala. May mga naririnig pa ako na huwag kang manghusga baka ka karmahin bakit naman sila kakarmahin? Ano ang ginawa nilang kasalanan at silay kakarmahin? Diyos lang ba ang may karapatang humusga? Paano ka mahuhusgahan ng diyos? Malalaman mo ba kung huhusgahan ka ng diyos? Sasabihin ba sa iyo? Ang diyos ba ay nanghuhusga ng tao? Ang tao ba ay wala ng karapatang manghusga? Inaalisan mo ba ng karapatan ang isang tao sa mga nais niyang gawin at sabihin dito sa mundo? Anong karapatan mo rin na pagbawalan mo ang isang tao sa nais niyang gawin at sabihin? Tulad mo.. hawak mo ang lahat ng kalayaan at karapatang mag desisyon ano man ang nais mong gawin dito sa mundo ganon din ang ibang tao katulad mo ring may sariling kalayaan at karapatang sabihin ang lahat ng iniisip mong gawin at sabihin. Kaya huwag mong alisan ng karapatan ang tao manghusga man siya sa iyo ng tama o mali nasa kanya na iyon. Kahit sa isip lang karapatan parin ng taong manghusga. Hindi masama ang manghusga sa isang tao dahil ang panghuhusga ay nakabatay sa kung ano ang nakikita sa ginagawa mo, kung ano ang magiging resulta sa mga ginagawa mo sa kapwa at sa sarili mo. Ang panghuhusga ay hindi pagbibintang. Ang inaakala ng iba kaya galit na galit sila na hinuhusgahan sila ay dahil pinagbibintangan sila iyon ang inaakala nilang hinuhusgahan sila kaya ganon nalang ang galit nila sa mga taong humuhusga sa kanila. Kung halimbawang pinagbibintangan ka ng isang tao iyon ang masama pero hindi nangangahulugan na hinuhusgahan ka kaya minsan nagagalit tayo sa isang tao kaya tumatanim sa isipan natin na ang panghuhusga ay masama. Nais kung ipaalam sa inyo na ang panghuhusga ay hindi masama ang masama ay yung pambibintang. Ang pagbibintang ay ipinapataw sa iyo ang isang bagay na hindi mo ginagawa at ang panghuhusga naman ay hinuhusgahan ka ng ayon sa nakikita sa iyong ginagawa iyan ang pagkakaiba ng dalawa. Ang pang huhusga ay hinahalimbawa ko sa isang palikula na kung nakukuha mo na ang tema ng takbo ng istorya ng pelikula ay nakikinita mo na ang mangyayari sa huling yugto na pelikula ng ayon sa tinatakbo ng istorya yan ang panghuhusga ayon sa nakikita nilang ginagawa sa buhay ng isang tao malayong - malayo sa kahulugan ng salitang pagbibintang. Kaya kung ganyan ang nakikitang ginagawa mo sa pang araw - araw mong pamumuhay hindi maiiwasang huhusgahan ka ng ibang tao ayon sa ginagawa mo sa buhay mo at sa ibang tao. Wala akong nakikitang masama sa kanilang panghuhusga kalayaan at karapatan nilang gawin iyon. Patunayan mo nalang sa kanila na mali sila ng paghuhusga at mali sila ng inaakala sa mangyayari sa ginagawa mo sa iyo iyan lang ang tanging magagawa mo sa mga taong nanghuhusga sa iyo. Mas makabubuting alamin mo muna ang tunay na kahulugan ng paghuhusga at paano ba ito nakikita sa isang tao para husgahan. Ayon sa paniniwala ng ibang tao ang panghuhusga ay kasingkahulugan ng pagbibintang kaya karamihan sa tao ay parang napapaso sa salitang paghuhusga dahil umiiwas sila na pagbintangan ng mali sa kanilang mga ginagawa.

Magkaiba ang kahulugan ng pagbibintang sa paghuhusga pero kung titingnan mo para lang silang magkasingkahulugan. Para sa dagdag na kaalaman ninyo basahin ninyo ang isang post ko dito sa blog na nilagyan ko ng titulo na "Dont judge a book by its cover". Para malaman natin ang tunay na kahulugan ng panghuhusga.

ANO BA ANG PLASTIK

    Sigurado alam nyo na ang salitang yan.. Sino ba ang hindi nakakaalam nyan lalo na dito sa net lalong - lalo na sa facebook at tweeter ito ang bukang bibig ng mga pilipino lalong lalo na ng mga kababaihan walang sawang bukang bibig at nakatutulig na paulit - ulit na binabangit ng mga pilipina. para bang bisyo na ng mga kababaihan ang bangitin lagi ang salitang plastik.

Pero sa totoo lang hindi ko pa narinig na nag da-dialog ng ganito ang mga lalaki karamihan sa babae ko naririnig ito at nababasa. Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng plastik? Kahit ako naguguluhan sa kahulugan ng salitang plastik. Kung ikaw naiisip mo ang tunay na kahulugan ng salitang plastik tanungin mo ang sarili mo kung hindi karin kaya plastik? Di ba magaling karin sa harapan? Kung ako ang tatanungin mo oo magaling din ako sa harapan pero hindi ako kaaway sa talikuran eh kahit ikaw naman or kahit sino naman hindi tayo kaaway sa talikuran. Bakit naman tayo magiging kaaway ng talikuran kung wala namang ginagawang masama ang ibang tao sa atin? Siguro nagagalit tayo kung may nababalitaan tayong sinasabi ng iba tungkol sa atin. Kung wala naman sigurong katotohanan bakit naman tayo ikukuwento ng masama sa ibang tao minsan kasi tayo rin gumagawa ng ikasisira natin tapos kung mapag usapan ka nagagalit ka. Di ba natural lang naman na mag usap ang mga tao at natural din ang kalayaan ng bawat tao na piliin kung sino ang gusto nilang mapag usapan. Bakit nagagalit tayo at tinatawag nating plastik dahil pag kaharap ka magaling silang kausap eh anong gusto mo pangit silang kausap? Gusto mo yung inaaway ka pag kaharap ka kahit wala kang kasalanan? Dahil iyon ang gusto mo iyon ang inaakala mong totoo? iyon ba ang hindi plastik? Nakasanayan na kasi ng tao ang pangit na kahulugan ng plastik kaya iyan ang ibinabato natin sa mga taong kaaway natin. Iyon lang naman ang pantira natin sa mga kaaway natin eh yung salitang plastik. Yung mga kaaway or kagalit lang naman ang pwedeng tumira sa atin ng talikuran at sila lang naman ang nakagagawang manira sa atin.

Pero sa totoo lang hindi naman sila plastik dahil hindi naman sila nakikipag usap ng matino sa ating harapan dahil nga sa silay kaaway natin.  Sigurado sa talikuran sila titira sa atin dahil maaring may kinikimkim silang galit sa atin pero hindi nangangahulugang silay plastik. Sino naman ang masasabi mong plastik sa mga taong pinatutunguhan mo ng maganda iyon ba ang inaakala mong sisira sa iyo ng talikuran palagay ko imposibleng mangyari iyon. Kaya sa totoo lang wala naman talagang plastik na tao.


Thursday, 23 August 2012

MAKITID ANG UTAK

Palagay ko alam na ninyo ang kahulugan ng titulo ko sa itaas.. Salitang pabalbal na ang tunay na kahulugan ay mga taong mahina ang isip or sabihin na nating hindi nag iisip ng mga bagay bagay dito sa mundo. Minsan kailangan mo talagang paganahin ang iyong isip sa lahat ng bagay o sa lahat ng oras. Kailangan marunong kang mag isip para malaman mo ang tama at mali, malaman mo ang katotohanan at hindi makatotohanan.

Siguro mas maganda pang pakingan ang makitid ang utak kaysa naman sabihan ka ng walang utak. Walang utak dahil hindi mo ginagamit ang iyong utak para mag isip.

Makitid ang utak

      Minsan masakit pakingan ang salitang makitid ang utak. Masakit tangapin ang pagsabihan ka na makitid ang utak mo dahil ayaw mong tangapin ang katotohanan na makitid ang utak natin dahil ang alam mo sa sarili mo ikaw ang tama sa lahat ng ginagawa mo kahit nakikita ng ibang tao na mali ka sa iyong ginagawa at sinasabi. Makitid ang utak mo dahil kadalasan hindi ka nag iisip kung tama ang ginagawa mo at sinasabi. Makitid ang utak mo dahil kadalasan naniniwala ka sa mga bagay na hindi mo naman napapatunayan pero naniniwala kang totoo. Makitid ang utak mo dahil hindi ka nag iisip, hindi mo ginagamit ang isip mo sa mga bagay - bagay dito sa mundo.

Masakit talaga pakingan ang salitang makitid ang utak.. masakit dahil maaring iisipin mo na paninira lang sa iyo ang salitang iyan pero kitang - kita sa iyong mga sinasabi kung gaano kakitid ang utak mo ayaw mo lang tangapin ang katotohanan.
Ano nga ba ang batayan ko kung bakit ko sinasabing makitid ang utak ng isang tao? makitid ibig sabihin mababaw ang isip mo, ibig sabihin kulang kang mag isip, ibig sabihin alam mo ng hindi tama ginagawa mo parin dahil sa kakitidan ng isip mo pati ginagawa mo hindi mo alam kung mali or tama, alam mo ng mali pinipilit mo paring tama, hindi mo pa nga napapatunayan naniniwala ka ng totoo.
Marami akong nakakasalamuhang ganyang tao.. Minsan napapailing nalang ako kung may nakakaharap akong taong ganyan.. Alam nyo ba dahil sa kakitidan ng isip ng tao pati buong pagkatao at ugali niya ay nadadala ng kakitidan ng utak ng isang tao? nagiging pangit ang pagkatao ng isang tao or nagiging pangit ang ugali ng isang tao dahil sa kakulangan niyang mag isip.
Alam nyo ba na kahit ang mga tituladong tao ay may pagkakitid din ang utak? Kahit ang mga valedictorian ay may kakitidan din ang utak? Kahit na ang mga taong nakapagtapos sa mga sikat na paaralan ay may kakitidan din ang utak?
Isa pang masasabi kong may kakitidan ang utak ng isang tao ay yung mga paniniwala na hindi nila alam kung may mali sa kanilang paniniwala na kahit anong gawin mong paliwanag sarado na ang isip nila sa ganon paring paniniwala. Eto ang isang halimbawa ko.. Ang tao ay naniniwala na.. "Nasa sinapupunan palang daw ang tao ay may kasalanan na" at "Ang tao daw ay ipinanganank ng makasalanan". Tingnan mo ang kakitidan ng tao.. Paano magkakaroong kasalanan ang sangol na wala pang isip? Paano nakagawa ng kasalanan ang sangol na nasa sinapupunan pa lang? Subukan mong paliwanagan ng katotohanan ang mga taong sarado ang isip sa ganyang paniniwala hindi mo sila mahihikayat na maniwala sa sinasabi mong katotohanan.


Hindi ako nagmamarunong ang lahat ng sinusulat ko dito na taliwas sa inyong paniniwala ay mga paniniwalang mas makatotohanan. Maaring ayaw lang tangapin ng iba na mas malawak at mas malalim lang ang aking isipan kaysa sa mga taong makikitid ang utak.

Sunday, 19 August 2012

PILIPINO STYLE

Minsan sa paglalakad ko dito sa aming pamilihang bayan.. Ibat - ibang mga produkto na ating nakikita, andito na lahat ng klase ng mga paninda na kakailanganin natin sa buhay. Dito mo rin makikita ang mga taong lumalaban sa hamon ng buhay. kanya - kanyang diskarte ang mga tao para mabuhay or kanya - kanyang diskarte ang tao kung paano kikita.

Minsan sa aking paglalakad napasulyap ako sa isang bendor na nagtitinda ng mga gulay, mga ibat - ibang gulay tulad ng kamatis , sibuyas , mga pangkaraniwang ginagamit natin sa pagluluto. isang matanda ang nagtitinda. Habang tinitingnan ko ang gulay na nais kong bilhin at abala ako sa pagpili ng gulay na nais kung bilhin para isahog ko sa iluluto kong ulam. Isang babae ang lumapit din upang bumili ng rekadong isasahog din sa kanyang iluluto. Pero hindi ko masyadong binibigyang pansin ang babaeng lumapit patuloy lang akong namimili ng nais kong bilhin.

Nagtanong ang babaeng mamimili sa matandang nagtitinda "manang magkano itong kamatis at kangkong ninyo?"

Sumagot ang matanda at sinabi ang halaga ng isang supot ng kamatis at isang tali ng kangkong.
Patuloy lang akong nakikinig sa kanila hindi muna ako sumisingit sa pag uusap nila nais kong patapusin muna ang babae sa kanyang pamimili.

Matapos na masabi ang halaga ng kamatis at kangkong sumagot muli ang babae.. ang mahal naman manang pwede bang kinse pesos nalang itong kamatis at kangkong. Napatingin ako sa babae sa halagang sinabi niya nakatawad na siya sa kamatis nakatawad pa siya sa kangkong na binibili.. napatingin ako sa babae malinis ang kasuotan maputi sa dating ng kanyang pigura hindi mo maaaninag sa itsura ng babae na naghihirap.

Ibinigay ng matanda ang kanyang paninda sa halagang gusto ng babae siguro.. para lang maka ubos yung matanda at ng maka uwi na baka naghihintay na ang kanyang mga anak na nagugutom or baka mag sasaing pa at bibili pa siguro siya ng kanyang iluluto sa kanyang mga anak.

Napa - iling nalang ako sa aking nakita sa klase ng ugali ng mga pilipino.. Sa konting tubo ng mga bendor na naglalako sa tabi ng kalsada maaring pambili nila ng kanilang makakain, sa konting tubo na kanilang kinikita maaring pambili ng gatas ng kanilang mga sangol , sa konting tubo na kanilang kinikita maaring pambili ng isang kilong bigas para sa pagpapatuloy ng kanilang pamumuhay.

Samantalang kadalasan tayong mga pilipino kung namimili tayo sa mga groseries sa mga malls kahit mahal tangap natin hindi tayo nariringan ng pagrereklamo , kahit mahal tangap natin kahit may 12% na vat tayong binabayaran sa pinamimili natin sa mga groceries samantalang ang tubong kinikita ng mga may ari ng mga groceries ay pang shopping ng kanilang pamilya , pang bili ng mga mamahaling kotse nila , pang gamit nila sa pamamasyal sa ibang bansa. Pero ang konting tubo ng mga maliliit na bendor binabawasan pa natin. Samantalang kitang - kita natin sa kanilang itsura na sa konting tubong kinikita nila buhat sa iyo ay malaking tulong na para sa kanila upang silay mabuhay.





Wednesday, 18 January 2012

SAAN KA MAGALING?

Sa loob ng anim na taon kong pag tatrabaho ko sa south korea natapos ang kontrata ko na hindi man lang nagtalo ang isip ko kung mag TNT ako o uuwi at gamitin ko nalang sa negosyo ang resulta ng pagkakalayo ko at pagtitiis na malayo sa pamilya. Nag deside ako na uuwi nalang pero.. kung sa iba kadalasan kahit may kalakihan ang sweldo takot paring umuwi kahit sa kabila ng nararamdamang kalungkutan. Pero kung kaka-usapin mo ng harapan ang dami niyang salita na maiisip mong ang galing niya.

SAAN KA NGA BA MAGALING?
Magaling ka nga ba? bakit hanggang ngayon andiyan ka parin sa malayo na nagtitiis na hindi makita ang pamilya.

Magaling ka nga ba? dahil marami kang kaibigan dahil wala ding oras para tangihan mo sila.

Magaling ka nga ba? bakit nakuha mo paring mag TNT.

Magaling ka nga ba? Sa tingin mo ba kahit hindi ka magtrabaho mabubuhay mo na ang pamilya mo.

Saan ka nga ba magaling?
Sa pagtaguyod ba ng pamilya? Sa paghawak ng pera ba o sa kayabangan lang?

Anim na taon ako dito sa south korea natapos ang kontrata ko ng 2011 pinili kong umuwi nalang at huwag ng mag TNT dahil alam ko na sapat na ang naipon ko para makapagpatayo ng negosyo.

JANUARY 28
Opening ng dalawa kong negosyo na naka-pwesto sa 168 mall building urdaneta city pangasinan. Ang isa ay sa food court at yung isa ko na negosyo ay SCHOOL SUPPLIES & MERCHANDIZE / BOUTIQUE DRESS FOR MEN AND WOMEN.

Hindi biro ang mag umpisa at magplano ng negosyo lalo at ito palang ang kauna-unahan mong negosyo at hindi lang basta negosyo ng sari-sari store sa harap ng inyong tindahan. Dahil sa masasabi ko na ring angking kagalingan ko sa maraming bagay kaya naka-ipon ako at naitayo ko ang isang bahagi ng pangarap ko ang pagnenegosyo. Depende iyan kung saan ka magaling.. sa paghawak ba ng pera? sa pagtupad ba ng pangarap? Saan pa?

Kung ang negosyo mo ay sari - sari store napakadaling pasukin dahil wala ng cheche buretse sa konting pera meron ka agad sari sari store.. Pero paano kaya kung sa mga malls ka magnenegosyo? Alam nyo ba kailangan legal ang lahat, kailangan meron kang puhunan dahil ang upa ko sa isa kong pwesto na food court ay umabot lahat sa isang buwan ay 10,000 pesos/month. Ang upa ko naman sa pangalawa kong negosyo na school supplies & merchandize/Boutique dress for men and women 15,000 pesos/month. plus.. 2 months na advance sa bawat pwesto at 2 months na advance sa security ng kontrata sa bawat pwesto ko. plus... lahat ng kagamitan sa isang pwesto na merchandise at school supplies lahat lahat mula sa pagpapaganda ng pwesto hanggang sa mga gagamiting mga stante, hanger , maniquin bukod pa lahat din ng gamit sa isang kainan mula sa toothpick, basahan hangang sa lahat - lahat na gamit ipo-provide mo lahat. kasama na yung gastos sa gasolina at pag upa sa karpentero at labor. Kung susumahin lahat ang gagastusin bago mo maitayo ang isang pwesto sa isang mall aabot na sa 250,000 pesos bukod pa ang 100,000 na starting mo pambili ng mga items. Kilangan punuin mo ng items ang iyong pwesto nakakahiya sa mga katabing pwesto rin. Napakahirap.. Pero nakaya ko.

Kung marating mo lahat iyan.. alam mo na kung saan ka magaling.

Ikaw.. tingnan mo katayuan mo, dinala ka diyan ng kagalingan mo.



Photobucket