Sabi nila..
"Diyos lang ang may karapatang humusga sa akin" walang karapatan ang sinuman na husgahan ako".
Ito ang madalas kong naririnig at nababasa lalong - lalo na dito sa net. Kung may naririnig akong nagpapahayag ng ganito gustong - gusto kong kontrahin ang mga ganitong tao. Mga taong nagpapahayag ng mga salita na parang hindi naman nila alam ang kahulugan ng kanilang sinasabi.
Ikaw.. alam mo ba ang kahulugan ng panghuhusga? Alam mo ba kung paano mo ito nagagawa sa reyalidad ng buhay? Bakit may mga taong ayaw na ayaw silang huhusgahan? Bakit parang napakalaking kasalanan sa tao at sa diyos ang manghusga ayon sa kanilang mga sinasabi at paniniwala. May mga naririnig pa ako na huwag kang manghusga baka ka karmahin bakit naman sila kakarmahin? Ano ang ginawa nilang kasalanan at silay kakarmahin?
Diyos lang ba ang may karapatang humusga? Paano ka mahuhusgahan ng diyos? Malalaman mo ba kung huhusgahan ka ng diyos? Sasabihin ba sa iyo? Ang diyos ba ay nanghuhusga ng tao? Ang tao ba ay wala ng karapatang manghusga? Inaalisan mo ba ng karapatan ang isang tao sa mga nais niyang gawin at sabihin dito sa mundo? Anong karapatan mo rin na pagbawalan mo ang isang tao sa nais niyang gawin at sabihin? Tulad mo.. hawak mo ang lahat ng kalayaan at karapatang mag desisyon ano man ang nais mong gawin dito sa mundo ganon din ang ibang tao katulad mo ring may sariling kalayaan at karapatang sabihin ang lahat ng iniisip mong gawin at sabihin. Kaya huwag mong alisan ng karapatan ang tao manghusga man siya sa iyo ng tama o mali nasa kanya na iyon. Kahit sa isip lang karapatan parin ng taong manghusga. Hindi masama ang manghusga sa isang tao dahil ang panghuhusga ay nakabatay sa kung ano ang nakikita sa ginagawa mo, kung ano ang magiging resulta sa mga ginagawa mo sa kapwa at sa sarili mo. Ang panghuhusga ay hindi pagbibintang. Ang inaakala ng iba kaya galit na galit sila na hinuhusgahan sila ay dahil pinagbibintangan sila iyon ang inaakala nilang hinuhusgahan sila kaya ganon nalang ang galit nila sa mga taong humuhusga sa kanila. Kung halimbawang pinagbibintangan ka ng isang tao iyon ang masama pero hindi nangangahulugan na hinuhusgahan ka kaya minsan nagagalit tayo sa isang tao kaya tumatanim sa isipan natin na ang panghuhusga ay masama. Nais kung ipaalam sa inyo na ang panghuhusga ay hindi masama ang masama ay yung pambibintang. Ang pagbibintang ay ipinapataw sa iyo ang isang bagay na hindi mo ginagawa at ang panghuhusga naman ay hinuhusgahan ka ng ayon sa nakikita sa iyong ginagawa iyan ang pagkakaiba ng dalawa. Ang pang huhusga ay hinahalimbawa ko sa isang palikula na kung nakukuha mo na ang tema ng takbo ng istorya ng pelikula ay nakikinita mo na ang mangyayari sa huling yugto na pelikula ng ayon sa tinatakbo ng istorya yan ang panghuhusga ayon sa nakikita nilang ginagawa sa buhay ng isang tao malayong - malayo sa kahulugan ng salitang pagbibintang. Kaya kung ganyan ang nakikitang ginagawa mo sa pang araw - araw mong pamumuhay hindi maiiwasang huhusgahan ka ng ibang tao ayon sa ginagawa mo sa buhay mo at sa ibang tao. Wala akong nakikitang masama sa kanilang panghuhusga kalayaan at karapatan nilang gawin iyon.
Patunayan mo nalang sa kanila na mali sila ng paghuhusga at mali sila ng inaakala sa mangyayari sa ginagawa mo sa iyo iyan lang ang tanging magagawa mo sa mga taong nanghuhusga sa iyo.
Mas makabubuting alamin mo muna ang tunay na kahulugan ng paghuhusga at paano ba ito nakikita sa isang tao para husgahan. Ayon sa paniniwala ng ibang tao ang panghuhusga ay kasingkahulugan ng pagbibintang kaya karamihan sa tao ay parang napapaso sa salitang paghuhusga dahil umiiwas sila na pagbintangan ng mali sa kanilang mga ginagawa.
Magkaiba ang kahulugan ng pagbibintang sa paghuhusga pero kung titingnan mo para lang silang magkasingkahulugan.
Para sa dagdag na kaalaman ninyo basahin ninyo ang isang post ko dito sa blog na nilagyan ko ng titulo na "Dont judge a book by its cover". Para malaman natin ang tunay na kahulugan ng panghuhusga.
11 comments:
Paanu naman po ito dapat po bang pagbintangan ko siyang kumuha ng ipod ko dhl pmasok siya ng jwarto ko at dun siya sa mga gadget ko umupo tapos nuong nawawala na cinabi nyang di ko na daw mkikita kaya naicipan kong mgpahula at suya ang lumbas tama bang pagbintsngan ko siya?
ok lang naman na magkaroon ka ng suspect basta huwag mo lang sasabihin muna kahit kangino dahil wala ka pang matibay na ibedensys.
ang kahulugan po ng sinulat ko ay hindi naayon sa sinabi mo kabayan.. ang kahulugan ng sinulat ko ay panghuhusga kung ano ang kahihinatnan ng isang tao.. kung paano mo siya masaalamin or kung paano natin nasasalamin ang isang tao.. salamat kaibigan sa pagbisita
OK %%
Saanong bagay po ba maiihalintulad ang maingat na paghuhusga
Saang bagay maiihahalintulad ang maingat na paghuhusga
I base mo sa iyong nakita sa kaniya, halimbawa nakita mo siya na may kinuha siya na hindi kaniya pwede mong sabihan siya na masama ang kanyang ginawa.
hi po madama shaina salamat sa pagbisita at pagbabasa.. para po sa akin wala naman pong dapat na katakutan kung nais nating husgahan ang tao.. iba po ang tinutukoy ko na panghuhusga at iba rin ang maghusga na para magbibintang tayo sa pagnanakaw ng isang tao.. maaring ang tinutukoy ninyo ay ang manghusga o magbintang sa isang tao. magkaiba po ang MANGHUSGA SA MAG-AKUSA sa isang tao. bagamat parang magkasingkahulugan dahil yan ang madalas na ginagamit na term ng isang tao ikinakabit ang salitang manghusga sa pagbibintang na dapat ang gamitin na salita ay MAG AKUSA NG TAO. imbes na suspect palang inaakusahan na kaagad
ang manghusga ay hinuhusgahan na natin kung ano ang maaring maging future ng isang tao ayon sa nakikita nating ginagawa niya... halimbawa isa siyang adik sa droga o magnanakaw o sugarol malinaw na maari na natin siyang husgahan kong ano ang kahihinatnan ng buhay niya sa mga darating na araw maaring masabi natin na kung hindi siya titigil kulungan ang magiging bagsak niya o mapapadali ang buhay niya.
salamat po kabayan anonymous kung nakita ninyong merong ginawang masama ang isang tao maari mo po siyang pagsabihan dahil nakita ninyo mismo ang kanyang ginawa.. pwede mo siyang pagsabihan ng masama pwede ring hindi siya nga gumagawa ng masama tapos magagalit siya kung pagsasalitaan natin sila ng masama. malayo po iyan sa punto ng sinulat ko na panghuhusga salamat po
What if pqgkatao nia?
Ano po ang meaning ng "Maingat na paghuhusga?.
salamat po kabayan anonymous sa pagbisita at pagbabasa... "maingat na paghuhusga" para sa sarili kong paniniwala base sa pagkakaintindi ko sa tanong mo na maingat na panghuhusga ay nakatuon ka sa PAGBIBINTANG.. pweseng magkonting ingat tayo jan o kaya ingat tayo sa pagbibintang sa ating kapwa ibig ko sabihin kung meron kang isang taong pinagbibintangan na o suspect hanggat maaari sarilinin mo nalang muna hanggat maaari huwag mo sasabihin sa kahit sinong tao na ang suspect mo ay yung taong pinagbibintangan mo kasi sisirain mo na kaagad ang pagkatao ng isang tao ng dahil lang na siya ang pinagbibintangan mo.. paano kung mali ka naman sa iyong pagaakala? di kawawa naman yung taong napagbintangan mo dahil naikalat mo na sa iba ang iyong maling aklala di ba.. kaya yan ang sagot sa tanong mo na MAINGAT NA PANGHUHUSGA... pero iba naman po ang pinuponto ng aking sinula o iba naman po ang ibig kong ipaalam sa mga nagbabasa ang kahulugan ng panghuhusga sa kapwa.. pakibasahin nyo nalang po uli ang sinulat ko makikita ninyo ang tunay na pinipunto ng sinulat ko... salamat kabayan
Post a Comment