Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Sunday, 20 December 2009

IKALAWANG BAHAGI NG DIARY NG PAGKATAO KO

IKALAWANG BAHAGI NG DIARY NG BUHAY AT PAGKATAO KO

Minabuti kong lagyan ng ikalawang bahagi ang diary ng buhay at pagkatao ko dahil wala naman talaga akong maisulat. Isang dahilan kaya ginawa ko ito dahil kahapon habang nanonood ako ng video sa youtube sa hindi ko inaasahang pagkakataon meron akong napanood na video na nagpasilakbo ng damdamin ko. Hindi ako nagmamalinis, alam ko meron din akong mga kasalanang nagagawa, mga kasalanang sa diyos hindi sa tao. Alam ko walang taong perpekto, hindi man ako perpekto sa paningin ng panginoon pero gusto kong maging perpekto ako sa aking kapwa. Halos madurog ang puso ko sa mga binitiwang salita ng mga kapwa nating mga pilipino sa video na napanood nila. Isang pinay ang nasa video, video slide siya na may background na music ang walang awang pinintasan ng mga pinoy na akala nila sila na ang pinaka perpekto sa panlabas na kaanyuan. Ayaw ko ng ibahagi dito kung ano ang mga salitang binitiwan ko sa komento ko sa mga pinoy. Isa lang ang masasabi ko hindi nila makain ang mga salitang binitiwan ko.

Bakit may mga taong masasabi kong singbabaw ng talampakan nila ang kanilang pag-iisip, mga taong maihahalintulad ko sa isang basura ang laman ng kanilang utak at pagkatao, mga taong hindi marunong humarap sa salamin. Sa araw-araw kong pamumuhay ang unang-una kong iniiwasan sa lahat ay ang pamimintas ko sa aking kapwa, ang pang-aapi. Sa bawat nakakasalamuha ko at sa lahat ng iniisip ko ang unang-una kong ginagawa bago ako magsalita inilalagay ko ang sarili ko sa bawat nakikita ko. Inilalagay ko ang sarili ko sa bawat katanungan nais kong sagutan. Huwag mong gawin sa isang tao ang isang bagay na alam mong ikaw mismo sa sarili mo masasaktan sa ginagawa mo. Hindi dahilan ang ugali ng isang tao, Ang lahat ng ginagawa ng isang tao ay hindi ayon sa kanyang pag-uugali kundi ayon sa kanyang pag-iisip. Ginagawa ang isang bagay hindi dahil iyon ang ugali ng isang tao, kundi iyon ang inisip mong gawin kaya ginagawa mo ang isang bagay. Ang ugali ng isang tao ay ayon sa kanyang pag-iisip. Ang tao ay pinapaandar ng sarili nating pag-iisip. Isip ang dahilan ng lahat ng ginagawa mo. Kung hindi mo maisip ang tama at mali.. Kulang ka sa pag-iisip. Hindi mo ginagamit sa tama ang iyong pag-iisip. Dahil kung ginagamit mo ng tama ang iyong isipan, alam mo kung ano ang mali at tama. Inisip mong gawin kaya ginawa mo, pero.. hindi mo inisip kung tama o mali ang gagawin mo.
Sa mga taong nakakasalamuha ko kasama ng lahat ng kaibigan at mga kakilala ko binibigyan ko silang lahat ng layang gumalaw sa nais nila. Bibigyan kita ng laya ng kahit na anong gawin mo o kahit na anong bagay ang gusto mong ipakita sa tao tungkol sa iyong pagkatao. Iniisip ko tao karin na nangangailangan ng kaligayahan, tao ka rin na tulad ko na may damdamin at marunong masaktan. Ano mang kapintasan mo bibigyan ko ng layang ipakita mo.
Iniisip ko na masuwerte pa nga kayo dahil binigyan kayo ng may maayos na kaanyuan, bakit pa kayo mananakit ng kapwa? Nang dahil hindi siya pinalad bahaginan ng kaanyuang tulad mo? Lamang ang kaligayahan mo sa tulad nila dahil pinalad kang magkaroon ng magandang kaanyuaan.. hayaan mo nalang silang lumigaya sa sarili nilang pamamaraan. Ano man ang kaanyuan nating lahat pare-parehas tayong marunong masaktan.

Hindi ako yung taong madaling magtampo or magalit sa isang tao, hindi ako yung tao na komo galit ang kaibigan ko sa isang tao galit narin ako sa taong kinagagalitan ng kaibigan ko, hindi ako mahilig makisawsaw sa galit ng mga taong malalapit sa akin. Hindi ako basta-basta nagagalit sa isang tao hanggat walang ginagawang masakit sa akin hindi ako magagalit sa isang tao.
Hanggat hindi niya sinasaktan damdamin ko walang dahilan para magalit ako sa isang tao, kahit anong kayabangan ng isang tao, kahit nakagawa siya ng kasalanan sa kapwa niya hindi ako dapat magalit sa isang tao. Bakit ako magagalit sa kanya? hindi naman niya ako sinasaktan. Sapat na ba na magalit ka sa isang tao ng dahil lang sa kinaiinisan mo ang mga kinikilos niya? Madalas tinatanong ko sarili ko kung dapat nga ba ako magalit sa taong kinaiinisan ko lang? Dapat ba akong magalit sa taong walang ginagawang kasalanan sa akin? Kung ganyan ang ugali mo.. tanungin mo narin sarili mo kung gaano ba kalalim ang isipan mo. Kadalasan iyan ang nakikita ko sa kapwa ko, galit sila sa taong kinaiinisan nila, galit sila dahil hindi nila nakikita sa isang tao ang mga bagay na inaasahan nila sa isang tao. Kung ako makakaharap mo abot ko na ang lalim ng isipan mo sa pamamagitan ng mga kinikilos mo. Alam ko na kung malalim o malawak ang isipan mo, sa mga tulad mo wala akong panahon para kausapin kita o makipag kuwentuhan sa iyo o walang dahilan para isipin kong mabuti kang kaibigan. Sa simpleng tama at mali hindi mo alam kung tama o mali ang ginagawa natin. Para sa akin ang tinitingnan ko sa isang tao yung meron akong napupulot na kabutihang asal na nais kong gawin sa pangaraw-araw kong pamumuhay. Mahilig ako sa mga may kabuluhang bagay, ayaw kong kausap ang mga taong may mababaw na kaisipan, sa simpleng tama at mali hindi mo alam, paano pa tayo magkakasundo? Ayaw ko rin sa tao yung hindi marunong makitungo sa kapwa na para bang hangin ka na dumaan ngunit hindi maramdaman. Kung ganyan ang mapapansin ko sa iyo hindi na ako magsasalita, hindi din kita papansinin katwiran ko hindi ka kabawasan sa buhay ko, mag malaki ka sa akin ok lang hanggat hindi kita kailangan hindi ako luluhod sa iyo para pansinin mo ako. Kung galit ako sa isang tao hindi ako mahilig magsalita ng patalikod sa mga taong kagalit ko, hindi komo kagalit ko na ang isang tao kung ano-anong paninira ang gagawin ko sa ibang tao tungkol sa iyo, ang katwiran ko lalo lang lalaki ang gulo kong magsasalita pa ako ng patalikod lalo kayong hindi magkakasundo. tahimik akong tao. Ayaw ko lang na meron akong maririnig na galing sa iyo asahan mo huwag mo akong masasalubong na naka-inom tutumba ka sa akin walang salita. Kung dumarating ang araw na may nagagawa akong mali at may mga taong nagagalit sa akin basta kasalanan ko hindi ako babawi ng salita. Hihingi ako ng sorry sa iyo pero may kasamang goldilocks na inireregalo ko sa iyo para mawala ang galit mo sa akin. Kahit anong regalo na kaya kong bilhin gagawin ko para ibigay sa iyo.

May mga araw na hindi natin alam na meron palang tao na nagagalit sa iyo ng hindi mo alam, nagagalit ng hindi mo alam kong bakit, kadalasan ginagawa ko humahanap ako ng araw para makaharap ko siya at iparamdam ko sa kanya ang tunay na pakikipagtao, pinupuri ko siya, pinupuri ko ano man ang kasuotan niyang taglay pupurihin ko, pupurihin ko kaguwapuhan o kagandahan niya pipilitin kong pangitiin siya para mawala ang galit o inis niya sa akin. Asahan mo sa susunod na makasalubong ko siya abot na sa tenga ang ngiti niya sa akin. Iyan ang kahulugan ng.. ''Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.

Hindi ako mahilig manisi ng mga taong nakakagawa ng pagkakamali o ng kasalanan, Inuunawa ko kung bakit siya nakagawa ng kasalanan o pagkakamali. Malawak ang pang-uunawa ko sa mga ganyang bagay. Pagsasabihan ko lang siya sa pagkakamali niya ng isang beses hindi ko na uulitin pag ginawa mo pa hindi na kita kakausapin. Huwag mo ng tanungin kong bakit ako galit sa iyo dahil masasaktan ka na sa mga sasabihin ko, humingi ka nalang ng sorry madali akong ngumiti pag ang tao ay marunong tumangap ng pagkakamali. Hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob sa kapwa kung humingi ka na ng paumanhin sa akin asahan mo ngingiti na ako wala na sa akin ang nakaraan dahil alam ko naman na ang tao ay nagkakamali at nagkakasala din ng tulad ko. Basta marunong kang tumangap ng pagkakamali. Ayaw ko sa tao yung mali na mangangatwiran pa, mahirap ba tumangap ng pagkakamali at hindi mo magawa? bababa ba pagkatao mo kung humingi ka ng paumanhin sa isang tao? Malaki ba mawawala sa iyo at hindi mo magawa? Praktikal akong tao, wala sa katawan ko ang pagiging mainggitin, hindi ko hilig makipagpaligsahan kung anong meron sila dapat meron din ako. Kinukuha ko ang isang bagay na meron ka hindi dahil naiingit ako, kinukuha ko dahil kailangan ko kahit mura o mahal basta kailangan ko kinukuha ko. Hindi ako maluhong tao, kung anong meron kahit mura sapat na sa akin. Hindi ako kumukuha ng gamit upang ipagyabang sa kapwa na mahal ang nabili kong gamit. Kahit hindi na kailangan sa buhay bibilhin para lang maipagyabang na mamahalin ang gamit ko. Huwag mo ng ipakita kung mamahalin ang gamit mo dahil binibigyan mo lang ng kalungkutan ang mga taong walang kakayahang abutin ang mga bagay na kaya mong abutin. Ayaw kong manghiram ng mga bagay na kailangan ko binibili ko basta kailangan ko. Dahil ayaw ko din ng may humihiram sa gamit ko, madamot ako sa gamit dahil minsan ang tao mapagsamantala kahit kaya nilang kunin ang isang bagay umaasa nalang sila sa hiram madali kita mahalata pag ako kaharap mo. Sa gamit madamot ako pero sa pagkain hindi ako madamot, sa lahat ng ayaw ko yung merong napapanisan na pagkain. Pagagalitan kita pag may nasirang pagkain dahil katwiran ko bakit hindi mo nalang binigay sa mga taong nangangailangan kaysa hinayaan mo mabulok at itapon. Pag pinagsabihan ko na ang isang tao at umulit sa maling ginagawa asahan mo masasaktan ka na sa mga salita ko. Ayaw ko minsan ng paulit-ulit na paliwanag. Mapag kumbaba akong tao, hindi ako mahilig makipag paligsahan sa kahit anong bagay o makipagtagisan ng talino basta ibahagi ko nalalaman ko sapat na yon. Huwag mong ipagyabang sa akin na mamahalin ang lahat ng gami mo, huwag mong ipagyabang sa akin na meron ka ng mga bagay na wala ako, tatahimik lang ako kung anong meron ka na wala ako, naniniwala ako na ang panginoon hindi natutulog, naniniwala ako na ang buhay ay parang isang gulong na umiikot. Darating ang araw nasa ilalim ka rin. Hindi ako ang taong mahilig humanap ng kaibigan, ang iniisip ko ang kaibigan ay kusang lumalapit hindi hinahanap. Hanggat gumagawa ka ng mabuti sa kapwa, hanggat marunong kang makitungo sa tao at alam mo kung paano makisalamuha sa mga taong hindi mo kilala at marunong kang makisama sa kapwa mo sila ang lalapit sa iyo para maging kaibigan ka. Sila ang gustong maging kaibigan ka dahil nakikita nila sa iyo ang mga bagay na hinahanap mo rin sa isang tao para maging kaibigan mo. Sa paniniwala ko kapag ikaw ang naghanap ng kaibigan nangangahulugan na alam mo ang hanganan ng pagkatao mo. Ikaw ang naghahanap dahil alam mo na kulang ka sa mga bagay na kailangan upang lapitan ka ng mga tao upang magkaroon ng kaibigan.

Hindi ako madaling maniwala sa sabi-sabi, dahil naniniwala ako na ang sabi-sabi ay parang goma na pwedeng batakin upang lumaki, lumalayo sa tunay na pangyayari. hindi ako madaling maniwala sa sabi-sabi dahil minsan ang tao ay mapagsinungaling. Bago ako maniwala sa mga salita pinapakingan ko ang bawat panig bago ako manghusga kung sino puwede kong paniwalaan kaya hanggat maari ayaw kong magsasalita ka sa akin ng tungkol sa ibang tao hanggat wala kang maipakita sa aking pruweba. Magaang ang puso ko sa mga pulubi, lalo sa mga bata at matatandang pulubi kahit wala akong pangsigarilyo basta may nadaanan akong nagpapalimos binibigyan ko na kaagad, hindi ko pinag iisipan kung miyembro ng sindikato o hindi alam ng panginoon kung sinong tinulungan ko. Ang pagtulong hindi pinag iisipan at hindi rin sapilitan, kung ayaw mo huwag kang magbigay, kung gusto mo magbigay ka huwag ka ng magsalita huwag ka ng mangatwiran huwag kang magbigay malaya ka sa gagawin mo. Madali akong tumanaw ng utang na loob sa isang bagay man o sa kabutihang pinapakita mo sa akin tutumbasan ko ng kabutihan ng higit sa iyong inaasahan, walang hangganan. Madali akong humanga sa isang tao lalot kabutihan ang nakikita ko sa mga kinikilos niya, sa akin man o sa ibang tao ka magpakita ng kabutihan kahit sa anong paraan asahan mo nasa likod mo ako lagi ng hindi mo nalalaman. Mahirap ka man o mayaman basta may paggalang ka sa kapwa mo hahangaan kita. Asahan mo susubaybayan ko buhay mo dahil ibubuhos ko suporta sa mga taong katulad mo. Wala man akong kakayahan sa pinansiyal sa paggalang ibubuhos ko sa iyo lahat ng paggalang ko kahit anong katayuan mo sa buhay.

Iisa ang laging sumasagi sa isipan ko sa araw-araw.

Kahit hindi tayo maging perpekto sa mata ng diyos, pilitin mong maging perpekto ka sa iyong kapwa. Ang lahat ng kabutihan mo sa iyong kapwa may regalong nakalaan at sa bawat kasalanan may parusang nakalaan.

Sa mga gumagawa ng mali sa kapwa.. Hangang anong edad ba ang kailangan para maabot mo ang tamang edad para malaman mo ang tama o mali sa mga ginagawa mo?
Kulang pa ba ang edad mo para masabi mong nasa wasto ka na nga ba ng pag-iisip?

Sunday, 13 December 2009

DIARY NG BUHAY AT PAGKATAO KO

Ayaw ko sanang magsulat ngayon, pero, sa tuwing naririnig ko mga awit na nagpapalipad ng aking isipan, parang hinahatak ako ng kamay ko upang magsulat. Sa tuwing nakikinig ako ng mga ganitong awitin malayo ang nararating ng aking isipan, mga bagay na pilit kong hinahanap upang matagpuan ang mga bagay na magpapasaya sa akin at nagbibigay ng lakas upang makapagsulat muli. Mga awit na nagsisilbing vitamin ng aking isipan. Sa pakikinig ng mga ganitong awitin ang nakahiligan ko mula pa noon. Mahilig ako sa mga mellow music dito ninyo masasalamin ang pagkatao ko.
Kadalasan, umiinom akong mag-isa hanggat maari ayaw kong uminom ng may kasama ako. Mas komportable ako kung nag iisa akong umiinom dito sa kuwarto ko. Meron akong dimlight na nagsisilbing liwanag sa kapaligiran ko, ayaw ko din ng masyadong maliwanag kung umiinom ako, ewan ko ba! Kadalasan kung katabi ko kasintahan ko, sa tuwing nakainom ako at nakikinig ng mga ganitong awitin hinihiling ko sa kanya madalas na isasayaw ko siya, sa tuwing tinatangihan niya ako sa kahilingan kong isayaw siya lumalabas ako at doon ako umiinom sa labas. Ayaw ko minsan yung tinatangihan ako sa simpleng kahilingan ko, madali akong magtampo, asahan mo hindi ako umuuwi ng bahay sa kapitbahay ako madalas matulog pag nagtatampo ako. Pag gusto ko yung music gusto kong isinasayaw ng sweet yung mahal ko.
Ang isa pang nakahiligan ko lalot ganitong nakainom ako, gusto kong humalik sa kilikili. Yan ang isang pinakagusto kong halikan sa isang tao, ang humalik sa kilikili. Subukan mong tangihan ako maghapon mo akong hindi makikita o makaka-usap.
Kahit ang mga naging girlfriend ko yan ang unang-una kong hinihiling sa kanila ang humalik sa kilikili. Gustong-gusto kong humalik sa labi at sa kilikili. Pero.. ang gusto ko sa unang halik ko sa kilikili bago sa labi.
Wala akong hilig makikain sa mga handaan kasalan man o binyagan o bertdehan nakakain ko rin sa bahay yung handa sa bahay nalang ako kakain.
Hindi ako mahilig lumabas or tumambay sa labas mas masaya ako kung narito lang ako umiinom mag isa habang nakikinig ng music. Kung halimbawang nais kong lumabas lalo pag nasa pinas ako madalas naka single motor ako, malayo nararating ko singlayo ng nararating ng isipan ko yan ang isang nakahiligan ko ang mamasyal habang naka bara ang headphone sa tenga ko. Mahilig akong tumambay sa mga park habang nakikinig ng music, kahit nag-iisa akong naka upo sa park masaya na ako. Nakahiligan ko na ang nag-iisa. Mas gusto ko pa yung nag-iisa kaysa yung may kausap na puro walang kabuluhan ang pinag uusapan.

Hindi ako mahilig sumunod kung anong uso, kahit sa anong bagay na napapanahon hindi ko binibigyang halaga, kung anong bagay ang nagpapangiti sa isipan ko iyon ang ginagawa ko. Hindi ako tumitingin kung anong bago or kung anong luma basta ginusto ko iyon ang kinukuha ko. Hindi ako mahilig humawak ng cellphone, may cellphone ako pero nasa kuwarto ko lang hindi ko binubulssa, ayaw kong magdala ng cellphone kahit noon pa, ayaw ko lang na ipaalam kung nasan ako. Minsan perhuwisyo yang cellphone hindi ka makatago. puro return call ako madalas. Wala akong hilig mag suot ng relo sa kamay, may relo ako casio nasa bulsa ko lang tinangal ko pinaka bracelet.
Ang ayaw ko lang sa pagkatao ko.. yung pagiging prangka ko, yan ang hindi ko mapigilan sa sarili ko, pero.. nasa tama, malalim akong magsalita, masakit, pero totoo. Maraming nagsasabi sa aking masakit akong magsalita, masakit hindi dahil masama, masakit dahil diretso sa tinutukoy, ayaw ko ng paligoy-ligoy na salita o paligoy-ligoy na usapan. Masakit dahil totoo. Minsan.. masakit pakinggan ang katotohanan, masakit dahil ayaw nilang tangapin ang katotohanan sa kanilang sarili. Kung galit ako wala kang maririnig sa akin kahit anong salita, sa mata mo ako mahahalata kung galit ako dahil hanggat maari iniiwasan kong magsalita dahil masakit akong magsalita. Kung hindi ko na kaya tumahimik kung galit ako saka ako magsasalita, pero.. ihanda mo sarili mo dahil masasaktan ka pag ako nagsalita. Malalim akong mag-isip, madalas pag nag iisa ako malayo nararating ng isipan ko, mahilig akong mag-isip, mahilig akong mangarap. Madalas nangangarap ako, iniisip ko kung ano ang bukas. Malawak ang pang-uunawa ko sa isang bagay, malawak ang pang-uunawa ko lalo sa isang tao. Hindi ako basta-basta nanghuhusga ng tao. Pinag-iisipan ko ang bawat ginagawa ko, pinag-iisipan ko ang isang tao kung bakit minsan nakakagawa siya ng isang bagay na nakakasama sa ibang tao o nakakasama mismo sa kanyang sarili. Ayaw ko na may inaaping tao, madali akong maawa sa isang tao dahil mababa lang ang kalooban ko, matigas lang ang kalooban ko kung matigas din ang kalooban mo.

Kung makaharap kita ng personal pag-iisipan kita, aarukin ko ang pagkatao mo sa pamamagitan ng mga binibitiwan mong mga salita. Kaya kong arukin kung anong pagkatao ng isang tao. Maraming nagsasabi sa aking suplado akong tao, ewan ko sa sarili ko, kung makikita mo ako pag-iisipan mo ako dahil tahimik akong tao kung sa una mo ako makikita. Madalas naka-upo lang ako sa isang tabi. Hindi ako mahilig tumingin sa mga dumadaan sa harapan ko, basta naka-upo ako nag-iisip ako, mahilig lang talaga akong mag-isa. Pero.. kung makilala mo ako kuwela akong tao. Kung ako ang kausap mo iwasan mong mag kuwento sa akin ng tungkol sa isang tao, ayokong ikukuwento mo sa akin ang kapintasan ng ibang tao dahil lalayuan kita. Mas gusto kong ikuwento mo sa akin ang karanasan ng ibang tao huwag lang ang kapintasan ng ibang tao, dahil ang paniniwala ko kung yung iba naikukuwento mo yung kapintasan nila.. sigurado ikukuwento mo rin sa iba kapintasan ko.
Sa pagmamahal hindi ako tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ang unang tinitingnan ko kung anong ugali meron ang isang tao. Ayaw ko ng taong nang-uuri ng kapwa, ayaw ko ng taong mapang-api, ayaw kong tao yung mapang mataas, pala-puna ng kapwa at higit ayaw ko sa taong mapang-tanim ng sama ng loob, ayaw ko ng mataas ang pride dahil mababa rin ang pride ko ayaw ko ng matagalang tampuhan. Higit sa lahat ayaw kong gawin sa kapwa ko ang ayaw kong gawin sa akin.

Kaya kong gawin ang lahat kahit kahihiyan basta nasa tama lang ang ginagawa ko, hindi ko iniisip ano man ang sabihin ng tao ang katwiran ko hindi sila bumubuhay sa akin.
Hindi ko kinahiligan ang humingi ng tulong sa iba, kadalasan sinasarili ko kahit anong problemang kinakaharap ko sinasarili ko lahat, ayaw kong humingi ng tulong. Katwiran ko.. sila din may problemang kinakaharap paano pa ako hihingi ng tulong sa kanila? Pag hindi ko kaya ang nararanasan kong problema madalas umiiyak akong mag-iisa dahil iyan lang ang makakatulong sa akin ang maibsan ko ng konti ang nararamdaman kong sama ng kalooban. Totoo.. iyakin ako minsan, kaya nga halos ayaw kong makakita ng taong umiiyak. Sa tanang buhay ko wala pa ako ni isang tao na pina-iyak. Dahil alam ko kung anong nararamdaman ng taong umiiyak. Hindi ako yung tao na pinapahalagahan ang sasapiting kahihiyan, ang mahalaga sa akin ay magawa ko kung anong makabubuti sa aking sarili o makabubuti sa mga mahal ko sa buhay kahit na anong kahihiyan ang sapitin ko. Hindi ko iniisip kung anong sabihin sa akin ng mga tao sa paligid ko hanggat wala akong ginagawang masama gagawin ko kahit bumaba ang pagkatao ko basta nasa tama ako gagawin ko. Huwag mo lang sasaktan damdamin ko bubutasin ko katawan mo.

Sana.. Dito sa mundo, wala ng mapang-aping tao.
Sana.. Magmahalan na lang lahat.
Sana.. Itanim natin lagi sa ating isipan ang unawa at awa.

Thursday, 10 December 2009

PAGLILIHI



Ibang klase naman itong title ko PAGLILIHI, nais ko lang naman ipaliwanag ang salitang yan. Minsan kasi kahit lalaki naglilihi din di ba? Mahirap, lalo sa mga gurly dahil pag tinamaan sila ng paglilihi pati mga lalaki apektado dahil tayong mga lalaki ang madalas utusan kung saan kukuha ng mga bagay na wala dito sa mundo. Pag hindi mo nahanap yung bagay na kursunada nila yari ka naman. Siyempre kahit mahirap hanapin yung santol na matamis pilit mong hahanapin di ba? alang-alang sa beybi mo. Kung mahanap mo naman ayaw naman kainin dahil matamis daw hayyy naku.

Meron akong kapitbahay ditong mag-asawang pilipino halos bagong kasal sila. Kasalukuyang naglilihi yung babae tule kasi yung lalaki kaya masipag, mahilig pa kumain ng puwet, paborito niya yung puwet ng manok masyadong exotic ang panlasa ng kapitbahay kong ito.

Sa tuwing dumadaan ako sa harap ng pintuan nila laging nadadaanan ko yung babae, halos araw-araw na pagdaan ko sa harap ng pintuan nila gustong gusto akong kausapin nung babae. Halos ayaw nga akong paalisin dahil gusto niya ako laging kausap, siyempre hindi naman ako supladong tao kaya nakikipag usap din ako. Kahit umuwi ako ng hating gabi sigurado andon silang mag asawa sa labas siyempre kasama asawa niya pero ako lang pala ang gustong hintayin nung babae. Iniisip ko na baka makahalata si mister, medyo malapit sa akin si misis. Minabuti kong kausapin yung lalaki na baka pagselosan niya ako, napag alaman ko na gusto lang palang amoyin nung asawa niya ang ginagamit kong pabango, napaglihian yung amoy ng pabango ko. Gustong-gusto niya yung amoy ng pabango. Kaya pala nawiwili akong kausapin yun pala ang dahilan. Sa bagay, medyo natutuwa din ako ng lihim dahil may nababanguhan pala sa pawis ko.
Ang paglilihi talaga walang pinipili.

Isang araw.. pinuntahan ako nung lalaki nagpapabili daw yung asawa niya nung pabangong ginagamit ko. Nagtatanong kung saan ko daw binili yung pabangong ginagamit ko. Dito na ako hindi makatulog, halos dalawang gabi na akong hindi napagtutulog sa kaiisip dahil gusto nung babae na magkaroon siya ng pabangong ginagamit ko. Hindi nila alam air freshener lang naman yung ginagamit kong pabango, winiwisik ko lang sa katawan ko alam ba ng mga tao na air freshener lang yung gamit kong pabango, basta mabango di ba? eh kaso napaglihian, mabibisto pa ata.

Pare ibili mo naman yung misis ko ng pabangong tulad sa iyo
napaglilihian niya yung amoy.

Pare, jusko naman, namann, namann!
Saan ako kukuha naubusan na daw sa tindahan pare.

Sigi na pare pls lang.. baka duguin yung misis ko pag hindi niya naamoy yung gusto niya.

Naku po! jusko po! pati problema ninyo ako magdadala. Sikreto na nga lang ginagawa kong pabango mabibisto pa hayyy naku. Anong gagawin ko? Ano naman kaya koneksyon ko sa buhay nila at pati buhay ko ginugulo nila.

Pare!!! nagagalit na misis kooo!!

Jusko naman pre, bakit kasi yung pabango ko pa?
Bigyan mo nalang ako ng botelya at lalagyan ko nalang!!

Ayaw ng misis ko..!!
Gusto niya yung buo!!

Sabihin mo sa misis mo.. suntukan nalang kami!!
Masisira buhay ko ng dahil sa kanya!!

Ibigay ko na kaya?
Baka pag nalaman nilang air freshener lalong duguin yon.

Mahirap din minsan yung nagtitipid, napapasama.
Laking issue nito sa buong barangay.

Mabibisto ako nung nililigawan ko, Buwisit!

Kayong mga gurly diyan, umayos-ayos nga kayo kung maglihi ha!!
Pati pabango ko pagdidiskitahan, buwisit!

Tuesday, 1 December 2009

KULANG ANG NAKARAAN KO

1
1

MAY KULANG SA AKING NAKARAAN

Isang lalaki na nasa edad sixty five ang aking naka-usap, parang nagkaroon
ako ng interes kausapin ang ganong edad. Alam ko hindi ito makakasakay sa
mga topic na pwede kong ikuwento sa kanya dahil sa agwat ng edad namin.
Maaring wala siyang panahong makinig ano man ang pwede kong ikuwento
sa kanya, minabuti ko nalang na siya ang interbyuhin ko, sigurado akong
maraming ikukuwento ito sa mga nakalipas niyang ala-ala.

Inisip ko.. Sa huling yugto ng buhay niya hinayaan ko na lang siyang magkuwento tutal malapit narin siyang mamatay, pinaramdam ko nalang sa kanya na may tao pa namang gusto siyang kausap at ako nga iyon.

Sa kalagitnaan ng kuwentuhan namin, tinanong ko siya.

Lolo, siguro ang dami ninyong mga masasayang ala-ala nuong kalakasan nyo pa noh?
Biglang napansin ko para siyang nalungkot.
Lolo, bakit para kayong nalungkot sa tanong ko?

Alam mo anak, bigyan mo ako ng panahon mo para mailabas ko kung anong dahilan at malungkot ako.
Masasabi kong malungkot ako dahil kulang ang nakaraan ko, parang.. may mga bagay pa akong hindi ko nagawa noon na gusto kong gawin ngayon ngunit hindi na mangyayari dahil andito na ako sa edad na ganito.

Parang nagkaroon ako lalo ng interes para ipagpatuloy ko ang pakikinig ko kay lolo.
Ano po ba iyon?

Nuong kalakasan ko pa.. wala ako ni isang bisyo, hindi ako naninigarilyo, hindi ako umiinom ng alak, hindi ako masyadong nakikibarkada. Nakokontento na ako sa trabaho, bahay, trabaho, bahay. Sa ganyan lang lagi umiikot ang buhay ko. Pati pag-ibig kinalimutan ko na dahil kontento narin ako sa lola mo. Totoo mahal na mahal ko asawa ko kaya nga hindi na ako tumingin o nagmahal pa ng iba kahit may tao akong gusto kong mahalin noon. Alam mo naman ang tao, hanggat may buhay hindi naaalis ang magmahal ng magmahal. Pero.. dahil ayaw ko din magkasala sa asawa ko sinarado ko na ang puso ko sa iba. Totoo, masarap ang mabuhay. Kaya nga yan ang dahilan kaya nakakaramdam ako ng lungkot ngayon dahil sa edad kong ito halos wala akong iniisip na nakaraan ko, wala akong maisip na masasayang araw ko noon. Nagkakasya nalang ako kung ano ang nakikita ng mga mata ko ngayon yon nalang ang pinag iisipan ko. Pero.. ang isipin ko ang mga nakalipas ko halos wala akong maisip na masasayang nakaraan ko. Sa ganitong edad ko tanging isip nalang ang malakas sa akin wala pa akong maisip na nakalipas ko. Hindi ko makuhang ngumiti man lang sa ngayon.

Dumating na ang oras ng paghihiwalay namin ni lolo, nagpaalam na ako sa kanya. Pinag isipan kong mabuti ang mga ikinumpisal niya sa akin. Nauunawaan ko ang ibig niyang iparating sa akin. Sa isang banda may katwiran din ang mga hinaing ni lolo sa akin. Parang ibig niyang iparating sa akin na.. bakit nga naman niya hindi ginawa yung mga bagay na magpapasaya sa kanya nung siya ay bata pa. Bakit nga naman hindi niya nilasap ang sarap ng mabuhay, bakit nga naman niya isinarado ang puso niya gayong ito lang ang tamang panahon o pagkakataon para pag bigyan mo ang puso mong magmahal. Kaya nga tayo binigyan ng puso para makaramdam ng pagmamahal. Bakit mo nga naman pipigilin ang puso mong magmahal gayong pwede ka naman magmahal ng magmahal . Di meron sana siyang iniisip ngayon. Meron sanang gumigitgit sa sulok ng kanyang isipan na masasayang ala-ala niya. Ngayong matanda na siya hindi na niya malalasap ang sarap ng mabuhay. Kahit gustuhin nga naman niyang magmahal muli hindi na niya magagawa dahil mahina na siya. Hindi na siya makaka-dalawa, kamay nga hindi na umubra, makadalawa pa kaya.

Ang huling sinabi sa akin ni lolo
Anak, Hanggat kaya mong gawin ang mga bagay na magpapasaya sa iyo ngayon gawin mo, dahil sa huli sa isip mo nalang sila pwedeng magawa.
Sa pagtanda mo.. meron kang iisiping mag papangiti sa iyo.

Hindi tulad ko
KULANG ANG NAKARAAN KO

Thursday, 19 November 2009

IKAW SANA

Inaamin ko, muntik narin kitang mahalin, ngunit ayaw kong balang araw isa sa inyo ang luluha. Naging special karin sa aking buhay, nabuhay akong muli ng dahil sa iyong mga ngiti. Perpekto ka sa aking paningin, perpekto ka sa lahat ng iyong ginagawa. Hindi ako makapaniwala na darating ka sa buhay ko. Ang isang tulad mo.. anghel lang ang pwedeng magpadala sa isang tao para maging kaibigan ng sino man.
Ang isang bagay na kinukubli kong pangamba ay isa nang riyalidad, magkakalayo tayo kahit alam kong magiging kainip-inip na ang bawat sandali. Kung hindi ko gagawin ito paano naman ang isa na aking pinaasa sa isang pangako na siya lang ang tangi kong mamahalin, sasambahin.

Sinabi mo sa aking ikaw na sana.
Sinabi ko sa iyo ang dahilan kaya pinakilala ko sa iyo ang isa sa matalik kong kaibigan na alam kong may kakayahang paligayahin ka.
Masaya narin ako dahil may magmamahal na sa iyo, may yumayakap, may humahalik at may taong sasandalan ka sa tuwing makakaramdan ka ng kalungkutan. Naniniwala ako na kung malapit na kayo sa isat-isa makakabuo na kayo ng plano para sa inyong kinabukasan.

Pero ngayon.. andito kang muli sa aking harapan, umiiyak.
Ayaw kong isiping nakaramdam ka ng kalungkutan sa piling ng aking kaibigan. Hindi ko mabanaag sa iyong mga mukha ngayon kung.. sa likod ba ng mga luha mong iyan ang pagsisisi o luha ng kalungkutan o luha ng kaligayahan. Sa pinapakita mo sa akin ngayon hindi ko malaman kung umiiyak ka ba o tumatawa? May luha ka sa iyong mga mata ngunit nakangiti naman ang iyong mga labi.

Tinanong kita kung bakit?

Kuya... hindi siya tule.

Ganon ba?
Eh.. bakit mo alam?
o.. bakit ayaw mo akong sagutin?

Sige.. nauunawaan ko ang kalagayan mo.. alam kong hindi ka satispayd sa ganon. Hindi mo siguro matangap yon. Bakit kasi nauso pa yon, di hindi ka sana lumuluha ngayon. Ang maipapayo ko nalang sa iyo sabihin mo sa kanya huwag siyang magkakain ng kamatchili,

Bakit kuya?

Para hindi dumami yung lumot.

Wednesday, 11 November 2009

DONATION NYO ASAN NA?

Nakakapanlumo, nakakagalit pag meron kang nababalitaan na mga ganito sa ating
gobyerno. Mga suwapang na ahensiya ng gobyerno ng dahil sa bulok na mga
namumuno sa ating bayan ng dahil sa talamak na nakawan sa ating bayan, ng dahil
sa sakim sa mga bagay na mapapa kinabangan, ng dahil sa mga pansariling interes
pati tulong ng para sa mga namatayan, tulong sa mga nasalanta nating mga kababayan,
tulong sa mga naiwan ng mga yumao, tulong sa mgamahihirap nating mga
kababayan pinag iinteresan ng mga HAYOP na namumuno sa mga
ahensiya ng ating gobyerno.
WALA KAYONG AWA MGA HAYOP KAYO!
BANGUNGUTIN SANA KAYO!
!
IBIGAY NINYO ANG HINDI PARA SA INYO!
!
Mga kababayan ko na nakakabasa nito hinihingi ko ang inyong suporta tulad ng
pagsuporta ko dito upang sa pamamagitan po nating lahat makalampag natin ang
mga walang awang mga ahensiya ng ating gobyerno at sa iba pang mga samahan,
media na nag sasamantala na ginagawang paraan ang mga nasalanta ng mga
sakuna sa ating bayan upang makalikom ng tulong para sa mga
pansariling interes.
!
Hinihikayat ko ang lahat ng blagero at blagera na isulat ninyo sa inyong blog ito
Kahit sa ganitong paraan man lang maipakita natin ang pagtutulungan, pagkakaisa
nating mga pilipino.
IPAKITA NATIN ANG LAKAS NG ATING PAGSUSULAT
LABAN SA MGA ABUSADO AT MAGNANAKAW SA ATING BANSA
ANG DAPAT NA TULONG SANA PARA SA MGA NAMATAYAN
ILALAAN NANAMAN PARA IPAMODMOD PARA SA HALALAN.
TULONG MO ISULAT MO KABAYAN.
!
BASAHIN PO NATIN
MULA ITO SA ISANG KAPATID NATIN DITO SA BLOGOSPHERE

PARA KAY DSWD SECRETARY
ESPERANZA CABRAL
MAHIYA KA SA MGA PILIPINO!
!
AANHIN PA ANG DAMO KUNG PATAY NA ANG KABAYO
just me.. just elj..
ellaganda's blog
&
stella arnaldo's blog

ella
Dear friends,
I’m asking your help to spread the word. Tulungan po ninyo akong ikalat ito.
Beyond this, we should also demand action. I disabled a plugin so you can
copy the photos of relief goods rotting in DSWD warehouses.
You can link this post to your blogs, facebook, websites etc.
You can also email the photos.
Philippine News (US based Philippine newspaper) will use this as its
front page story this week. Every Filipino has the right to know where
the tons of donations from the UN and other counties go.
Kahit po nakakahiya sa mga nag-donate. Kung sa ganitong paraan,
matutulungan natin ang mga nasalanta, then by all means, let’s do it.
For those who have the time, please try to volunteer sa DSWD warehouses.
Getting in was not easy. A friend had to put in a word for us.
Let’s see kung madali nang makapasok sa DSWD warehouse ang mga volunteers.
Please read on and good luck to us.
Ella
Kahapon, tinanong ng Philippine News si DSWD Secretary Esperanza Cabral:
Editor of Philippine News: Why are the relief goods in DSWD warehouses not
moving?
DSWD Secretary Esperanza Cabral: Wala kasing volunteers.
This short interview was done over the phone. Philippine News wanted to
hear her side pero ayaw niyang makipag-usap sa press. After four tries,
pinasabi na lang niya ang maikling sagot na ito sa secretary niya -
“Walang volunteers”.
I don’t want to accuse her of corruption but at the very least she is showing
signs of being totally incompetent. We are in a state of calamity
where every second counts. May namamatay araw-araw dahil sa sakit.
In my opinion, these deaths could have been prevented if
Secretary Cabral had tried a little harder to do her job.
Deaths from Philippine storms nears 1,000
“Tropical Storm Ketsana left 420 dead and 37 missing when it flooded
80 percent of Manila on September 26, a disaster the government said
affected 4.35 million people.
Some areas are still flooded three weeks later and 189,000 people remain in
evacuation centres,Typhoon Parma hit the northern Philippines on October 3
and lingered as a tropical storm for a week, triggering landslides that killed
438 people and leaving 51 missing mostly in mountain communities.
The government agency said Parma affected 4.16 million people,
including more than 32,000 who remain at evacuation centres.”
During the first week after the storm, lumabas ang “bayanihan spirit”
ng mga Pinoy. “Makatulong lang kahi’t konti,” katwiran nila.
kung walang volunteers, ano ‘to, komiks?
From Stella Arnaldo’s blog:
“At the offices of many civic groups and private organizations, hundreds
of people showed up to volunteer in packing relief goods.
At the Tulong Bayan center at the Expo Centro in Cubao, Most of the
volunteers were adolescents as young as 10 years old, along with their
kuya or ate in high school and college.
They came in huge numbers, many of them barkadas, classmates or siblings,
dressed just in their tees and shorts, wearing their Havaianas.
All were just enthusiastic to do their share!
Photos by Leah Navarro





Makikita ninyo sa larawan ang mga kababayan natin na matsagang nirerepak
ang mga tulong na galing sa puso ng ating mga kababayan dito sa ibang
bansa na kahit mga bata ay buong pusong nagpakapagod maibigay
lang at maipakita niya ang kanyang awa sa
pamamagitan ng kanyang pinapakitang pagod.
!
GMA asked world for donations
!
Our government begged the world for more donations. Sumagot ang
buong mundo sa ating panawagan. In less than three weeks, dumaong
ang mga barko, ibinaba mula sa mga cargo planes, i-diniliver ng mga trak
at container vans ang sandamakmak na relief goods. Cash donations were
in the millions of dollars. But these donations must be coursed through DSWD
Nagpalabas ng directive ang pangulo. Individuals, private companies and other
nations were ENCOURAGED to send their donations to DSWD. I blogged about
it here and the video of her announcement here.

This PGMA directive sounded suspicious to me then. Now I know why.
Here’s the story.

A group of eight people, your ate Ella included, went to one of DSWD warehouses
to help in repacking relief goods. We know they need volunteers pero hindi
namin akalaing WALANG TAO TALAGA SA LOOB NG WAREHOUSE!

As in sa isang humongous warehouse (1000++ sq.m)
NA PUNONG-PUNO NG RELIEF GOODS HANGGANG BUBONG, ISANG DSWD
employee lang at ISANG SECURITY GUARD ang tao!!
Kailangang magpa-register at i-schedule ang volunteering
!
1) UNICEF Registration (as a volunteer)
!
The warehouse can only take as much as 50 volunteers at a time or per shift.
Here you will find that there is a 4-hour shift, and an option for a 6-hour shift
for the volunteers to indicate their availability.
What “volunteers”? Nasaan?
Aside from the 8 of us? Nope, there was nobody there. Bakit kailangan ang
scheduling? Feeling hindi ba magkamayaw at nagu-unahan ang mga volunteers?

I know somebody who wanted to volunteer many times.
She was always bumped off, laging nirere-schedule kasi
“there were too many volunteers” daw.
At tuwing Sunday lang daw puwede. What the hell is going on here?

Nakatambak ang donations ng UNICEF sa warehouse, local and international

Mga banig na dapat ay nahihigaan ng mga nasalanta. Mga imported camp beds
na hindi na yata masisilayan ng mga biktima. Mga kumot na hindi naman
nakabalot sa katawan nila. At mga pagkaing hindi sumasayad sa sikmura nila.

The relief goods are not going anywhere

We arrived at about 8 am and left by midafternoon and yes, you guessed it right.
Kami pa rin ang tao bukod sa isang DSWD employee sa loob ng
warehouse maghapon. Walang ibang dumating.

The relief goods are not moving. By the way things look,
they are not going anywhere. Hindi maglalakad mag-isa ang mga
donations na ito papunta sa mga evacuation centers.

LET THE PICTURES DO THE TALKING

Note: Pinagbawalan kaming kumuha ng pictures sa loob ng warehouse. I wonder why.
Halos matakpan na ang mga bintana sa dami ng kahon

Mga kaldero na daig pa ang mga tindahan sa dami

Sandamakmak na kaldero pa uli

Mga galon na sanay paglagyan ng mga inumin

Nilulumot na!


Hinihintay na lang itong mapanis o masira, Kung.. hindi mabibili agad


Eto pa ilang araw na lang mga daga na makikinabang dito, From japan aid
ito ready na sanang ipamigay

Mga kahong wala ng paglagyan sa loob hindi pa
maisipang ipamodmod nag hihintay ng buyer

Mga yari pa sa US nag hihintay rin ng buyer na hahakot

Mga banig na dapat sanay higaan ng mga batang dinapuan ng sakit

“The first of two of the largest high-energy food shipments from the
United Nations World Food Program (WFP) arrived in the country
two days ago for victims of storm “Ondoy” and typhoon “Pepeng.”
The biscuits were fortified with essential vitamins and minerals for
supplementary feeding to children, pregnant women and the elderly in
evacuation camps. Another 100 tons of biscuits will arrive on Oct. 24,
in a continuing effort to provide food assistance to flood victims.
Sige, ideretso ‘nyo ulit ‘yan sa DSWD warehouse. Para AMAG naman ang
abutin ng biskwit… at sapot ng gagamba.


Look, sampung lata ng sardinas! How generous! Kaldero ang unang ilalagay
sa sako. Sabong panglaba (bar soap) at sampung sardinas sa ilalim.
Siyam na sabon sa gilid ng kaldero. Local goods lahat syempre

Tapos papatungan ng isang tuwalya at isang pack ng sanitary napkin.

Sisiksikan ng tatlong rolyo ng kumot(?) ang blue water jug tapos
ipapatong sa kaldero sa loob ng sako.

Ano kaya ang laman nito? Hindi rin pinabuksan. Pang-special victim
din kaya ito? (teka, dito nga pala galing ‘yung mga kumot)

(close up ng mahiwagang kahon) Hindi rin ito kasali, of course.
Hindi namin alam kung ano ang laman nito. “Imported” are not included,
we have concluded.


Halos umabot na sa kisame sa dami ng kahon

Naaah! “Imported” pork and beans from Spain po ito. Sorry, hindi pa rin included

Mga banig

PORK AND BEANS? Yup, you’d think kasama ito sa relief bag. Pork and beans
lang ‘to, puwede na sigurong ipamigay, Pero naka tago parin.

Marami ito, mga laruang kasinlaki ng tao. Hindi nakunan ng pic kasi
nasa tabi ng sikyo.



Sabay tatahiin na ang sako. O di ba, parang asong tinapunan ng buto ang
mga nasalanta? Eniwey, busog naman sila sa SAMPUNG lata ng Mega sardinas
!
Do not delay
YOU THINK??
WTF is the matter with these people? Mag-iisang buwan na mula nang
masalanta ang mga kababayan natin. ISANG BUWAN!! Do you mean
do not delay ang dati nang delayed”?? Shet.
Anong ginagawa ng mga donations na ito sa warehouse??
APAT na warehouse ang nasa loob ng compound na ‘yon!
APAT na warehouse na punong-puno ng inaalikabok na relief goods!
Relief goods na ayaw yata ibigay sa mga nasalanta. Halatang-halata.
Conclusion
Sa maghapon namin sa warehouse,nakagawa kami ng 150 sacks of relief goods.
150 bags of relief goods lang ang lumabas sa warehouse na ‘yon that day.
At nandoon pa rin sa loob ang mga imported relief goods, safe, sound and
packed as the day they arrived. Nakisakay kami palabas sa isang DSWD
delivery van. Gusto sana kaming ihatid ng driver hanggang Makati
pero wala raw siyang sobrang gasolina. Ibinaba na lang niya kami sa
gitna ng EDSA. Millions of dollars in donations, walang extrang
pang-gasolina. Susulpot din siguro ang laman ng mga mahiwagang kahon
at mapapasakamay din ng mga tao…sa ARAW NG ELEKSYON.
O mabibili na nila ang mga imported goods na ‘yon sa mga puwesto
sa Quiapo at Divisoria.
Suggestions lang po sa DSWD:
Alam ‘nyo palang walang mag-volunteer sa inyo,
bakit hindi kayo mag-hire ng mga tao? Bayaran ‘nyo ng arawan para
mag-repack. Ang daming walang trabaho, makakatulong pa kayo.
Hindi naman malaking kabawasan ‘yon sa bilyong pisong donasyon
na natanggap ninyo. Isa pa, gaano ba karami ang mga sundalo natin?
Hindi ba puwedeng ipagawa sa kanila ‘yan?
Baka isang araw lang, tapos na ang problema ‘nyo
Bakit hindi ‘nyo ibigay ang trabaho sa mga NGO,
churches, private charities, TV stations?
I’m sure they are more than willing to help.
Time is of the essence. Huwag kayong suwapang. Obvious ba, hindi
‘nyo naman kaya. Kung talagang gugustuhin ninyong makarating agad
sa mga kawawang biktima ang mga donasyong ‘yon, nagawa ‘nyo na ‘yan.
Maraming paraan…kung talagang gusto ‘nyo lang.
You are the government.
You have the power,
the resources and the money.
You just have to really care.
!
ANG ENTRY NA ITO AY EDITED KO NA PO DAHIL NAGLAGAY
AT NAGDAGDAG AKO NG MGA SARILI KONG PANANAW UKOL DITO
MAKABUBUTI PO NA SILIPIN NA LANG NINYO KUNG SAAN KO
NABASA ITO.
KAYONG MGA NASA DSWD ANO PANG HINIHINTAY NINYO BAKIT
AYAW PA NINYONG IPAMODMOD SA TAO YAN!
!
NAWAY MAGKAISA TAYONG LAHAT LABAN SA SAKIT NG ATING
BAYAN.
!
LINK....
http://justelj.blogspot.com/2009/10/alam-nyo-ba-kung-nasan-na-yung.html

Monday, 9 November 2009

SULAT NG ISANG INA

SULAT NG ISANG INA SA KANYANG ANAK NA
NASA ABROAD


Munting mensahe ng isang ina, punong-puno ng pagmamahal, punong-puno ng pag-aalala, Punong-puno ng pagmamakaawa. Sulat ng isang ina sa anak na nasisilaw sa kaligayahan nasisilaw sa karangyaan nakalimot sa pagmamahal sa kaligayahang nalalasap mo, nakalimutang mong may isang inang naghihintay ng iyong kalinga, isang inang naghihintay ng iyong pagmamahal. Makalipas ang dalawang araw matapos na matangap niya ang sulat ng kanyang ina. Pumanaw na ang kanyang ina nakitang nakahiga sa sahig sa labas ng paaralan walang sapin sa paa. Sa kaliwang kamay hawak ang isang bungkos na labahin at sa kabilang kamay hawak ang isang pirasong tinapay na pangtawid sa nararamdamang gutom habang ang kanyang anak nagpapakalunod sa kaligayahan. Sa gitna ng iyong kaligayahan.. Hindi mo man lang ba inisip ang iyong ina? Ngayong wala na ang iyong ina, paano mo pa ibibigay ang kaligayahang hinihintay ng iyong ina? Paano mo pa ipaparamdam ang iyong pagmamahal sa iyong ina? Nagsasaya ka, habang si inay nag-iisa, umiiyak. Sa konting tinapay pinilit niyang sagipin ang sarili niyang buhay kahit alam niyang may anak siyang tatakbuhan. Sa kabila ng kanyang hirap, pilit niyang iparating sa iyo ang kanyang pag-aalala, ang kanyang pagmamahal. Sa konting halagang hawak niya, pinilit niyang iparating sa iyo ang kanyang kalagayan, nagugutom ang iyong ina. Ngayong mahina na ang iyong ina, kangino siya lalapit? Sino ang inaakala niya tutulong sa kanya? Ikaw lang na kanyang anak ang tanging makakatulong sa iyong ina.Ikaw lang ang tanging makakaintindi sa kanyang kalagayan.Ikaw lang ang tanging alam niya na mag-aaruga sa kanya tulad ng pag-aaruga niya sa atin nuong tayoy musmus pa lamang buong buhay niya inilaan sa pag aaruga sa iyo.

Ngayon.. Pababayaan mo na lang mag-isa pababayaan mo na lang na umiiyak. pababayaan mo na lang magutom. Si inay.. Hindi na niya hinahangad ang anumang bagay na nasa iyo ang tanging hangad niya maalala mo siya, makumusta at mabati mo ng.. MALIGAYANG PASKO INAY

Ngayong malaki ka na.. Huwag naman sana nating pabayaan si inay. Sana.. Mamulat tayo na meron pa tayong ina na naghihintay ng ating kalinga.

ANG KALIGAYAHANG TINATAMASA NATIN NGAYON BUHAT SA PAGMAMAHAL NA DULOT SA ATIN NG AMANG MAY LIKHA IBAHAGI MO RIN ITO SA MGA TAONG NAG HIHINTAY NG IYONG PAGMAMAHAL


''Repost ko lang po ito para sa nalalapit na kapaskuhan''

Saturday, 7 November 2009

PORK BURREL

Ano ba ang pork burrel?
Ang pork burrel ay legal na binibigay sa mga senador at congressman
upang gamitin sa mga proyekto ng kanilang mga nasasakupan. Ito ay
ginagamit ng walang kaukulang papeles or resibo kung magkano na
ba ang nagagamit ng bawat politiko dito, walang katibayan kung nagagamit
nga ba lahat o hindi. Kung hindi ito ginagamit, dito nagiging milyonaryo ang
lahat ng mga senador at congressman dahil sa sobrang pork burrel
malaya nilang kinukuha deretso sa kanilang dagdag na kayamanan. Ito ang
legal na korapsyon sa ating bansa. Kung inyong matatandaan bukod tanging si
MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO lang ang tanging politiko na nagsasa uli ng
sobrang pork burrel sa kaban ng bayan, bagay na tinuligsa siya ng mga kapwa
niya senador. At.. sa aking pagkakaalam ang isa sa mga senador ngayon
na hindi tumatangap ng pork burrel ay si SENADOR PING LACSON.
Ito ang mga taong nakikinita kong tapat sa tungkulin na pilit ginagawan ng
mga kasalanan ng mga politiko dahil dito sa dalawang ito sila kinakabahan.
!
DEMOLIST PORK BURREL!!
Ito ang dapat na unang gawin ng ating pangulo, ito ang dahilan kaya
ang ating mga politiko ay nag aaway-away, nagsisiraan kanya-kanyang
labasan ng baho ang totoo niyan lahat sila mga magnanakaw!
BULOK ang ating gobyerno, BULOK ang ating mga leader, alam na nga
nilang iyan ang nagpapahirap sa ating bansa bakit hindi baguhin?
Bakit ayaw alisin?
Bakit hindi patawan ng parusa ang mga politikong hindi nagsasa uli ng
sobrang pork burrel? Dahil ang mismong batas natin ay isa ring bulok!
Bakit hindi kayang pairalin ang batas natin?
Bakit hindi maglagay ng batas na magpaparusa sa mga politiko na nagnanakaw
ng pork burrel? Bakit hindi gawing CAPITAL OFFENSE at bigyan ng
CAPITAL PUNISHMENT at bakit ayaw lagyan ng gobyerno na pwedeng
mag audit ng mga ginagastos galing sa pork burrel.
Ayaw nila dahil lahat sila puro magnanakaw!
Itong pork burrel na ito kaya marami sa ating mga politiko kahit
walang kakayahang maging senador kumakandidato parin dahil
sa isang term palang ng pagkakaupo instant milyonaryo agad sila
kaya walang nangyayari sa ating bansa. Wala na sa isip ng politiko
ng pinas ang sakripisyo para sa mamamayan o para sa bansa kundi
sakripisyo para sa pansariling interes. Ang politika sa atin hindi para
magsilbi sa bayan kundi para magnakaw sa pera ng bayan. Hanggat wala
ang batas na magpaparusa sa mga politiko hindi malulutas ang problemang
ito. Kung mababasa ninyo yung sinulat ni miriam defensor sa kanyang
libro na may pamagat na ''CUTTING EDGE'' Malalaman nyo kung
gaano katalamak at kung gaano karumal-dumal ang bentahan ng
hustisya sa atin.
TINGNAN NYO.. HUSTISYA NG PILIPINAS YAN!
HAYUP TALAGA!!
!
Kaawa-awa na mga mahihirap sa atin wala na talagang asenso pinas.
IBENTA NALANG NATIN SA AMERICA ANG PINAS
SIGURADO MAY TRABAHO KA AGAD.
!
Biro nyo... Yung one hundred pesos gagawin na raw coins?
Kasing laki ng plato!!
!
Sa aking pagkakaalam meron tayong 214 congressmen
at sa bawat congressman ay tumatangap ng 70 million pesos
Sa mga senador naman ang tinatangap ng bawat isang senador
ay 200 million, meron tayong 24 senador.
Magkano ang lumalabas sa pera ng bayan
!
UMIKOT KA SA PILIPINAS ANG DAMING PAMILYANG
WALANG MATULUGAN
ANG DAMING PAMILYA NAMUMULOT NG BASURA
ANG DAMING WALANG TRABAHO DAHIL WALANG
IPASUWELDO ANG GOBYERNO.

Friday, 6 November 2009

SA PAG-IBIG

Sa pag-ibig o sa dalawang nagmamahalan kailangan marunong
magpatawad ang isat-isa at kailangan marunong din tumaggap
ng pagkakamali ang bawat isa. Minsan kailangan iyan sa dalawang
nagmamahalan. Ano man ang galit o tampo mo sa mahal mo kailangan
ang pagpapatawaran.
Minsan yung fren ko nagalit sa akin, hindi ko naman alam na ikagagalit
niya yung ginawa ko. Niregaluhan ko siya ng isang wall clock para meron
siyang wall clock sa kuwarto niya, pero nagalit,
Yung wall clock kasing laki ng piso.
!
Sabi nila yung mga nakalipas daw hindi mo na muling matitikman.
Lalo na yung unang halik.
Subukan mong magmahal ka muli para matikman mong muli
yung tamis ng unang halik.
!
Tinanong ako ng fren kong gurly
Kuya, mahirap ba mag TNT?
Mahirap na masarap, kapana-panabik, ekssayting.
Bakit?
Kung may taong nagmamahal na sa iyo, subukan mong
magmahal ka pa ng isa pa, para maramdaman mo ang tamis
ng tago ng tago.

Sunday, 1 November 2009

AYON KAY BOB ONG

Nais ko lang mag-komento sa isa nating kababayan na nagtanong
ng ilang bagay sa sinasabi nilang sagot daw sa kanya ng master at
iniidolo nilang si BOB ONG.
Dito po daw po nagtanong ang isang kababayan natin
http://groups.yahoo.com/group/bobongpinoy/message/45422
!
Eto naman ang isa sa mga sinasabing sagot ni BOB ONG
!
Kung naabutan mo dati ang Bobongpinoy, makikita mong ang pinakamahaba
kong editorial ay ang tungkol sa EDSA Dos na tinutulan ko. Kung tatanungin
mo kong ayon sa EDSA part--kung anumang part 'to--
eto ang pinaikli kong sagot:!.
1.Gusto ko lumabas ang katotohanan.
2. Gusto ko maparusahan ang dapat parusahan.
3. Gusto ko ng pagbabago.
4. Gusto ko ng pagbabago maging sa paraan ng pagkamit natin ng pagbabago.
5. Ayoko ng People Power.
Ang People Power ay kabaliktaran ng ibig sabihin nito.
Dahil nagiging iresponsable ang Pilipino sa paniniwalang pwede namang basta
na lang sipain ng taumbayan ang sinumang pumalpak sa trono.
Walang pagtatalo sa kung bakit, kung kelan, at kung sino ang gusto nating
pababain. Ang tanong na lang...ganoon ba talaga tayo kahina at
yun na lang lagi ang paraan na pwede nating gamitin?
Walang-walang- wala na ba talaga? At ilang beses pa???
Ang totoong People Power ay ang kakayanan ng mga mamamayan na
makapili at makapagluklok ng mabubuting pinuno sa pwesto;
ang makapagmatyag at makapanigurong nananatiling mabubuting
pinuno nga ang mga namumuno sa bansa; at ang kapangyarihan na maayos
na makapagpaalis at makapagpataw ng kumpletong kaparusahan sa mga
pinunong hindi naging tapat sa tao. Kung talagang may "power" ang "people",
hindi tayo dapat nauuwi sa "PeoplePower" nang paulit-ulit.
Ito po ang pananaw ko.
-BO
!
Yan daw ang sagot ni MR. BOB ONG sa isa sa mga katanungan nung isang
kababayan natin kay MR. BOB ONG>
!
Maganda ang sinabi ni MR. BOB ONG kung totoo ngang yan ang
sagot ni MR. BOB ONG sa kanya.
Sa aking napuna tinututulan ni Mr. Bob Ong ang people power na
nagaganap sa mga kalsada. Ayaw ni Mr. Bob Ong ng people power.
!
Kung halimbawang mabasa ni Mr. bob ong ito..
Nais ko siyang tanungin kung..
Ano pa ba ang alam niyang paraan
ng mga tao para sipain ang mga bulok na nanunungkulan sa ating
gobyerno?
Sa ano pa bang paraan para maipakita ng mga mamamayan
ang ating pagkakaisa at ang ating pagkakapit bisig para maipakita
ang sama-samang lakas nating mga mamamayan?
Sa nangyayari ngayon, kaya bang basta-basta na lang sipain ng batas
natin ang isang pangulo?
Kaya ba ng mga kongresman at senador na patalsikin ang isang
pangulo. Pero... kayang patalsikin ang isang pangulo
sa pamamagitan ng lakas ng mga malilit na mamamayan.
Kung para sa akin pabor na pabor ako sa people power
Dahil pag pinagsama-sama ang lakas ng bawat isa, lakas na kayang
mag patalsik ng kahit sino. Ang kailangan lang ay ang pagkakaisa
at hindi yung watak-watak na lakas ng tao at ang magkaroon ng
taong magsisilbing mamuno upang sumunod ang bawat isa.
Hindi magkakaroon ng power ang isang tao kung wala ang
pinagsama-samang lakas nating lahat sa iisang lugar.
Hindi lang mapagtagumpayan ang pinagsama-samang lakas dahil
may mga tao sa gobyerno na natatapalan lang ng kayamanan.
!
Ano ang magsisilbing lakas ng isang bagyo kung ang bawat
hangin nito ay iba-iba ang pagdaraanan?
!
Sa pagtangap ng paliwanag ng iba
hindi nangangahulugan ng pagsang-ayon sa paliwanag.

KALAMANSI SA SUGAT

Ang pilipinas
Ang ating inang bayan
!
Paggising mo sa umaga, walang makain, magkakape ka nalang
masuwerte na yung merong makain kahit tuyo o sapsap.
Minsan kahit pang kape wala pa. Masdan mo ang ating kapaligiran
pagmasdan nyo ang mga bangketa, pulubi ay naghilera.
Halos maghapong nakasahod ang mga kamay, halos doon narin
natutulog sa lansangan. Walang makain, walang trabaho, walang bahay
walang sariling lupa sa sariling bansa. May mga taong sa sobrang
kahirapan napipilitan nalang magnakaw. Katwiran nila, sila nga
mayayaman na, nagnanakaw pa.. ako pa kaya na walang makain.
Magtinda lang ako ng konti sa palengke.. titikitan na ako para sa
tax ko sa puwesto, samantalang yung iba milyonaryo na hindi
pa nagbabayad ng tax.
Napakagulo ng pilipinas, napakaraming mamamatay tao,
napakaraming magnanakaw, napakaraming isnatser, napakaraming
reypist, napakaraming adik, pero pagpunta mo ng munisipyo
tumingin ka sa headquarters ng mga pulis apat o limang pulis
lang makikita mo sa loob, tatlo pa yung malaki ang tiyan.
Yung ibang pulis ayon busy sa pagtatrapik. Kung may makita
kang patayan o rambulan ng mga kabataan, subukan mong
tumawag ng pulis makikita mo yung pulis makiki-angkas pa
sa traysikel para lang makarating sa kaguluhan.
Magkaroon ka man ng trabaho, limang taon ka na sa pinapasukan
mo hindi ka pa natataasan ng sahod, habang araw-araw
na tumataas ang mga bilihin. Subukan mong maghanap ng trabaho,
pakukuhain ka muna ng NBI, bago ka makakuha ng NBI kailangan
kumuha ka muna ng police clearance, bago ka makakuha ng
police clearance kukuha ka muna ng barangay clearance.
Kung may barangay clearance ka na kailangang kumuha ka
narin ng cedula magkano sedula? saka ka pa makakuha ng police
clearance, magkano police clearance? mamasahe kapa sa traysikel.
Pagnakompleto mo na.. Saka ka palang makakakuha ng NBI doon
pa sa maynila dahil ayaw nilang maglagay ng opisina ng mga NBI sa
mga probinsiya para hindi kalat yung perang paghahatian nila.
Kailangan doon sa maynila kukuha lahat. Hindi mo pa makukuha ng
isang araw babalik ka pa ubos na yung pera mo sa kapapamasahe.
Kukunin mo pa birth certificate mo, doon pa sa sensus mo kukunin,
kukunin mo pa diploma or transcript of records mo.
Pagdating mo sa kompanyang aaplayan mo ang dami nyo pang
aplikante, isa-isa pa kayong iinterbyuhin. Pagkatapos mong mainterbyu
balik ka nalang ha! o kaya tatawagan ka nalang ha!
Ta***nang buhay 'to!
!
Pagnakapasok ka man ng trabaho, pakukuhain ka pa ng yuniporme mo
lalo na yung mga sales lady, magkano ang yuniporme mabuti kung isa lang
kailangan dalawa para may kapalitan, pagkatapos after six month
tangal ka nanaman dahil ang batas ng labor natin makalampas ka
ng six month regular ka, Buwisit na labor yan, Para sa kompanya yang
batas na yan hindi para sa tao! Pag natangal ka na paano na yung nagastos
mo? yung yuniporme mo?
Hanap ka uli ng trabaho, Hindi ka pa nakakahanap uli ng trabaho
nagtaas na naman ng pamasahe, wala ka na ngang pera taas pa ng taas
ng pamasahe. Ano nalang ba ang pwedeng kainin na kaya nating
bilhin? Yung mga dobol ded na baboy o manok. Pag may nabili kang
sirang pagkain pupunta ka ng emergency ang hospital ng gobyerno
na puro xpired ang mga gamot, kulay itim ang mga dingding ng hospital
kulang sa gamit, kulang parin sa kuwarto. Pagmay nakuha kang kuwarto
kailangan may pamaypay ka, puro OJT pa ng mga paaralan ang magsisilbi
sa pasyente ta***nang buhay ito oo.
Yung tsinelas ko nga noon magkaiba ng kulay.. eh nakita pa ng
may ari kinuha pa yung isa, wala talagang patawad.
!
Pagmasdan natin ang pamilya sa pilipinas ang daming halos walang
makain, ang daming walang trabaho, ang daming pamilyang nagugutom
ang daming pamilyang sa bangketa natutulog.
Ganyan nalang ba talaga ang buhay sa ating bayan?
Habang kanya-kanya pasasa ang mga nasa gobyerno, wala ng iniisip
kung paano magnakaw, hindi na maisip kung paano pagaganahin ang
batas, hindi na alam kung paano paangatin ang pilipinas, hindi na
alam kung paano magbibigay ng trabaho.
!
GAANO BA KASAKIT ANG BUHAY MARALITA SA PILIPINAS?
!
SUBUKAN MONG LAGYAN NG KALAMANSI ANG
IYONG SUGAT

Friday, 30 October 2009

PANIS NA ULAM

Nung sabado dahil walang pasok nagkainuman nanaman kaming
magkakapitbahay, kainuman ko taga dagupan yung isa, taga
alaminos yung isa, general santos yung isa, at cavite yung isa.
!
Pinasyalan nila ako dito sa kuwarto ko,
Pare! dito na naman kami! eto, may dala kaming maiinom,
Anong pulutan natin diyan? (tanong nung taga GENSAN)
Meron akong ulam doon, kinuha ko sa kusina yung ulam nung
kasama ko sa kabilang kuwarto, palibhasa tamad maghugas ng
mga pinagkainan kinuha ko yung natirang ulam niya na inaamag na
sa tagal na hindi nahuhugasan, ang bagsik nga ng amoy pag binuksan
mo yung takip. Ang ginawa ko hinalo ko yung ulam na apat na beses
ng panis. Hinalo ko para hindi mahalata yung amag, tapos kinuha ko
Pare!
Paki-amoy mo nga ito kung hindi pa panis?
Lumapit yung taga gensan, sabay bukas nung kaserola sabay yuko at
inamoy, sabay singhot.
Sus! talsik yung ulo sa pagkakaatras nung maamoy yung ulam, ha ha ha
Sabay tanong ko.. Ano pare pwede pa ba?
Ta***na ka pre, ang bagsik ng amoy.
!
Nung minsan nag inuman nanaman kami, tag-yelo dito noon
umuulan ng yelo, kaya masarap uminom. Meron akong natirang
dinuguan sa ref. kung magluto kasi ako maramihan pang tatlong araw
para hindi luto ng luto, painit na lang. Eh, umabot ng isang lingo nakalimutan ko
ng itapon pero walang amoy dahil nasa ref.
Pagdating ko sa room ko andon na yung mga sunog baga sa room ko
at inuumpisahan ng mag inom, pinainit nila yung dinuguan.
Hindi nalang ako umimik, sa madaling salita, naubos yung dinuguan,
maya-maya umalis yung isa, comfort room ang destinasyon ha ha ha
maya-maya nagpaalam naman yung isa pa, comfort room din ang
destinasyon wha ha ha! Sabi naman nung isa pa...
Pare, may tisyu ka ba diyan? Andon pare sa cr!
kaso naubos na, maya-maya tumatakbo yung isa pa na taga dagupan
ha ha ha ha unahan sila ngayon sa cr kahit wala ng tisyu basta
makaraos kasi nga hindi na maka-utot may sasabay, yung isa
naman wala ng mapuwestohan sa tabo nalang umupo.
Nakaraos yung isa kaso wala ng tisyu,
Pare!!!! pengeng tubigggg!!
Binigyan ko ng tubig na malamig galing sa ref.
Ta***na ka pre!! wala na bang ibang tubig? Wala na!!
Pagbuhos sa puwet... Waaaaaaaa Ang hapdiiiiii!!
Buhos uli.... Ahhhhhhhhhh jusko poooo!!!
Buhos uli... Ahhhhhh, woooh hirapppp!!!
!
Yung isa pa na umupo sa tabo kailangan din ng tubig,
Binigyan ko din ng malamig na tubig... Pagbuhos...
Ahhhhhhh!! Buhos uli.. Ahhhhhhhh!! Brrrrrrrrr!!
Buhos uli... ahhhhhh!!! hirap namaaaaannn!!! brrrrrrr!!!
Ha ha ha ha ha ha ha
Hirap pala ng malamig na tubig ang gamitin sa puwet noh?
Parang nanganganak ha ha ha ha
!
Isang chapter pa lang yan..
Di ba pag nagtatae ka maraming chapter yan?
Eh.. wala ng tisyu.

PAYO KO SA IYO

Kahapon naguusap kami nitong kaututan ko ng dila, dahil parehas
kaming panggabi sa trabaho, madalas ko siyang nakikitang tulog na
nakatayo. Nakakita na ba kayo ng taong tulog pero nakadilat?
Eto ngang kasama ko kinakausap ko nakatingin sa akin pero walang
ulirat, hirap talaga ng katayuan natin dito sa malayo, lahat na ng hirap
nararanasan natin dito, biro nyo ngayon lang ako nakakita ng taong
tulog pero nakadilat.
Pinayuhan ko siya para mawala yung antok niya habang nagtatrabaho.
!
UNA
Kapag nagtatrabaho ka kailangan paganahin mo yung isip mo, lahat ng
imposibleng mangyari kailangan sa isip mo magawa mo lahat.
Pare halimbawa ano? (tanong niya sa akin)
Halimbawa driver ka ni rica paralejo, hinatid mo siya sa malayong
lugar dahil mag shu-shooting siya. Siyempre malayo, dalawa lang kayo
sa kotse at don pa siya naka upo sa harap tapos naka mini-skirt
pa, maigsi yung palda niya, kita yung legs niya, dahil malayo, nakita
mong uminom siya ng sleeping pills para makatulog.
Mga ilang minuto pa tulog na tulog
na siya, wala ng kamalay-malay.
Ngayon.. anong gagawin ko pare? (tanong na naman ng kasama ko)
Ang tang-tanga mo naman! Alangan namang matulog karin?
Wala ng kamalay-malay yung tao, Kita mo ng lahat! Di halikan mo ng
lahat! Dahan-dahan lang baka magising haha
huwag mo lang papasukin baka mabuntis.
Yan hindi ka aantukin diyan.
!
PANGALAWA
Di ba sabi mo.. yung sales lady na kapitbahay mo ang ganda-ganda
niya? crush na crush mo di ba?
Sa bakasyon mo.. subukan mong alukin baka sakali pumayag.
Anong sasabihin ko naman? (tanong uli niya)
Ganito yon... Sa bakasyon mo sabihin mo sa kanya na bibigyan mo
siya ng sampung libong piso.
Siyempre matutuwa iyon.
Sabihin mo sa kanya, bibigyan kita ng sampung libo, pero pa kiss.
Ha! Ang mahal naman! (sigaw ng kasama ko)
TOINK!! Ange-ange ka talaga! kwentuhan lang naman ito!
Para hindi ka antukin! Wala namang bayad mangarap di ba?
Siyempre papayag yon kiss lang naman hindi naman siya mabubuntis
di ba? may pang load na siya sa cellphone niya.
Sabihin mo sa kanya bibigyan mo siya ng sampung libo pero
ki-kissan mo siya sa lahat, kiss lang naman eh.
Papayag kaya yon?
!
PANGATLO
Di ba sabi mo yung biyenan mo bata pa at may itsura pa?
Oo
(sagot niya sa akin)
Paano kung kasama mo siya dito sa abroad at kasama
mo pa siya dito sa kompanya ninyo, at dalawa lang kayong
pinoy dito sa kompanya nyo.. Ano kaya mangyayari?
Napa-isip yung kasama ko ngayon, nakatulala, ha ha
At ngising aso pa ang loko!
Ano itutuloy ko pa ba yung kuwento?
!
O.. Yung mga nagbabasa diyan kayo na magtuloy ng kuwento!

Tuesday, 27 October 2009

MAGING BAYANI SA GAWA HINDI SA SALITA

Hindi ka makagawa ng mabuti
Dahil ayaw mong gumawa ng kabutihan.
Nakakagawa ka ng kasalanan
Dahil sinasadya mong gumawa ng kasalanan.
!
Nais ko lang ibahagi ang aking mga nakaraan, alam kong
kahit konti may makapulutan ng aral.
Noong kasalukuyan pa lang akong namamasukan bilang security guard
hindi ko kinakahiya ano man ang maging trabaho ko, ang mahalaga
maitawid ko sa gutom ang aking pamilya, hindi ko iniisip ang kahihiyan
ko hindi yan ang kailangan ko kundi ang lakas ng loob ko para harapin
ang hamon ng buhay.
!
Sa panahon ng aking patatrabaho bilang security gauard isang
pagsubok ang aking naranasan. Nakakuha ako ng humigit
kumulang sa dalawang milliong halaga kasama ang mga pirmadong
peso at dollar cheque at mga bankbook na ang isang bankbook lang
naglalaman na ng unang deposito na one million agad, kasama ang mga
dollar cheque na pinakamababa ay five thousand dollar cheque.
Bagamat hindi ko na tiningnan ang iba pang laman ng malaking plastic
bag dahil dali-dali kong ibinigay sa mga katulong ang halagang
napulot ko mismo doon sa pinagbabantayan kong appliance center.
Dahil araw ng lingo sarado ang appliance center na binabantayan
ko tanging ako lang at mga katulong lang ang tao sa bahay ng may-ari
na nasa itaas ng building. Napakalaking halaga na kahit ang amo ko na
may ari ng appliance center ang hindi mapigilang humanga sa aking
ginawa, naisauli sa tunay na may-ari ang halaga, abot-abot ang iyak
ng may-ari at pasasalamat dahil naisauli sa kanila ang napakalaking
halaga, na kahit ang amo ko na may ari ng appliance center sa sobrang
paghanga at proud niya dahil security guard niya ang nakagawa ng
kabutihan sa kapwa, isang pahayag ang sinabi niya sa akin,
!
"Jett, Dahil sa ginawa mo.. naibuhos ko na sa iyo lahat ng aking pagtitiwala.
Bilang gantimpala.. Pumili ka ng kahit anong appliances diyan
sa loob akong bahalang magbayad. Shock ako, napakaraming appliances
sa loob na pwede kong pagpilian. Pero... tinangihan ko ang alok sa
akin ng may ari, shock din siya ha ha, ang sinabi ko lang sa kanya
"Sir, Basta may trabaho lang ako para may makain lang pamilya ko
masaya na ako'' Titig na titig sa akin ang mag asawang may ari,
hindi makapaniwala sa aking sinabi.
''Jett hindi ka aalis dito sa akin''.
Salamat sir!
!
ANG PRINSIPAL
Isang mag asawang magsasaka ang narinig kong nag uusap tungkol
sa anak nilang high school narinig ko na patitigilin na nila sa pag aaral
ang kanilang anak, hirap na sila sa kanilang pamumuhay.
dahil hindi na nila kaya ang mga halagang binabayaran sa public
school. Matagal ko naring naririnig ang tungkol sa prinsipal
sa aming paaralan. Sumabat ako..
''Huwag ninyong patitigilin ang anak ninyo!
yung prinsipal ang patitigilin ko!''
Dahil alam kong ang mga anak lang ang tanging pag-asa ng mga magulang.
Ayaw kong may mga batang hindi makatapos kahit high school lang.
Kahit maging delikado ang magiging buhay ko,
Nag buo ako ng grupo ko at pinamunuan ko ang gagawin naming rally
sa harap ng paaralan hindi ko na papasukin sa loob ng paaralan ang
hayop na prinsipal namin na matagal ng panahong nagpapahirap
sa mga magsasaka. Sa aking pamumuno kasama ng matatapang
kong mga kasama at sa tulong ng pagkakaisa ng lahat ng mga magulang,
kabataan, tanod, mga kagawad at kapitan. Inilabas ko ang lahat
ng istudyante sa loob ng paaralan. Isa-isa kong sinigawan ang mga guro
na kasabwat ng prinsipal at kahit mismo ang superentendent ng
DIVISION DECS sa aming bayan nasigawan ko dahil bulag din ang mata
sa mga nangyayari sa paaralan. At dahil sa aming pagkakaisa
napagtagumpayan naming patalsikin ang prinsipal ng aming paaralan.
Bagamat naharap kami sa kaso kasama ng matatapang kong kasama
hindi namin inatrasan ang demandang inilaan sa amin, sa tulong
ng mga panalangin ng mga magulang nalampasan namin ang asuntong
ipinataw sa amin. Ngayon.. Maraming magsasaka ang nagdiwang dahil
sa konting halaga na dapat sanay ibibigay nila sa paaralan, naibibili na lang
nila ng pang ulam sa araw-araw at marami naring mga batang malayang
makapagtapos ng high school.
!
Nakakatuwang isipin ang mga bagay na nagawa mong kabayanihan
sa kapwa at sa mahihirap. Ano mang oras ka nila masalubong
maramdaman mo ang abot langit na paghanga at paggalang na makikita
mo sa mga taong saksi sa kabayanihang nagawa mo. Ano mang liit na
kabutihang nagawa mo sa kapwa, tutumbasan nila ng paggalang.
Sa katunayan.. Ako ang itinutulak nilang tumakbong kapitan
ng barangay.
AYAW KO!
^_^
!
Sa aking nagawa, higit ang paghangang ibibigay sa iyo ng sarili
mong pamilya, dahil ama nila ang nakagawa ng mga bagay na
minsan hindi magagawa ng iba.
Sa mga mga kabutihan kong nagawa sa kapwa, bilang regalo
siguro sa akin ng panginoon, isa akong pinalad na makapunta dito
sa korea, at.. isa ang may ari na nakatulong sa akin upang makapunta
dito sa kinalalagyan ko ngayon.
Ang halagang aking naisauli, unti-unti
ko ring natitikman at ng aking pamilya.
Ang halagang aking naisa uli, kasinghalaga ng mga
pangarap ng aking mga anak na unti-unti narin nilang nakakamit.
!
Hindi ko inaalis sa aking isipan ang isang pangungusap na...
!
HUWAG MAGING BAYANI SA SALITA
KUNDI SA GAWA
!
Nais ko lang pong ipalala..
Ang blog kong ito ay open to public
ilan ang mga kapitbahay ko ang narito din sa korea,
kamag-anak at mga kaibigan
ang nagbabasa dito sa aking hangout, sila ang magpapatunay
sa aking mga nagawa.

Sunday, 25 October 2009

KOREAN SUPERSTAR BAEK JI YOUNG

BAEK JI YOUNG
LIKE BEING HIT BY A BULLET
KOREAN LOVE SONG
10 MILLION DOLLAR WOMAN
QUEEN OF BALLAD




BAEK JI YOUNG
KOREAN SUPERSTAR / SEXY DIVA
SARANG AHN HAE / I WON'T LOVE

Nai-post ko lang ito masyado lang akong humahanga sa kagandahan nito
gustong-gusto kong tingnan mga mata nito, yung boses niya masyadong
emotional ang dating, sarap panggigilan. Itong mga mukhang iyan
ang pwedeng magpatino sa isang lalaki ha ha. Hindi na siguro ako mag
aabroad nito, hindi pwedeng iwan sa pinas ito baka aswangin.
Photobucket