Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Sunday, 1 November 2009

KALAMANSI SA SUGAT

Ang pilipinas
Ang ating inang bayan
!
Paggising mo sa umaga, walang makain, magkakape ka nalang
masuwerte na yung merong makain kahit tuyo o sapsap.
Minsan kahit pang kape wala pa. Masdan mo ang ating kapaligiran
pagmasdan nyo ang mga bangketa, pulubi ay naghilera.
Halos maghapong nakasahod ang mga kamay, halos doon narin
natutulog sa lansangan. Walang makain, walang trabaho, walang bahay
walang sariling lupa sa sariling bansa. May mga taong sa sobrang
kahirapan napipilitan nalang magnakaw. Katwiran nila, sila nga
mayayaman na, nagnanakaw pa.. ako pa kaya na walang makain.
Magtinda lang ako ng konti sa palengke.. titikitan na ako para sa
tax ko sa puwesto, samantalang yung iba milyonaryo na hindi
pa nagbabayad ng tax.
Napakagulo ng pilipinas, napakaraming mamamatay tao,
napakaraming magnanakaw, napakaraming isnatser, napakaraming
reypist, napakaraming adik, pero pagpunta mo ng munisipyo
tumingin ka sa headquarters ng mga pulis apat o limang pulis
lang makikita mo sa loob, tatlo pa yung malaki ang tiyan.
Yung ibang pulis ayon busy sa pagtatrapik. Kung may makita
kang patayan o rambulan ng mga kabataan, subukan mong
tumawag ng pulis makikita mo yung pulis makiki-angkas pa
sa traysikel para lang makarating sa kaguluhan.
Magkaroon ka man ng trabaho, limang taon ka na sa pinapasukan
mo hindi ka pa natataasan ng sahod, habang araw-araw
na tumataas ang mga bilihin. Subukan mong maghanap ng trabaho,
pakukuhain ka muna ng NBI, bago ka makakuha ng NBI kailangan
kumuha ka muna ng police clearance, bago ka makakuha ng
police clearance kukuha ka muna ng barangay clearance.
Kung may barangay clearance ka na kailangang kumuha ka
narin ng cedula magkano sedula? saka ka pa makakuha ng police
clearance, magkano police clearance? mamasahe kapa sa traysikel.
Pagnakompleto mo na.. Saka ka palang makakakuha ng NBI doon
pa sa maynila dahil ayaw nilang maglagay ng opisina ng mga NBI sa
mga probinsiya para hindi kalat yung perang paghahatian nila.
Kailangan doon sa maynila kukuha lahat. Hindi mo pa makukuha ng
isang araw babalik ka pa ubos na yung pera mo sa kapapamasahe.
Kukunin mo pa birth certificate mo, doon pa sa sensus mo kukunin,
kukunin mo pa diploma or transcript of records mo.
Pagdating mo sa kompanyang aaplayan mo ang dami nyo pang
aplikante, isa-isa pa kayong iinterbyuhin. Pagkatapos mong mainterbyu
balik ka nalang ha! o kaya tatawagan ka nalang ha!
Ta***nang buhay 'to!
!
Pagnakapasok ka man ng trabaho, pakukuhain ka pa ng yuniporme mo
lalo na yung mga sales lady, magkano ang yuniporme mabuti kung isa lang
kailangan dalawa para may kapalitan, pagkatapos after six month
tangal ka nanaman dahil ang batas ng labor natin makalampas ka
ng six month regular ka, Buwisit na labor yan, Para sa kompanya yang
batas na yan hindi para sa tao! Pag natangal ka na paano na yung nagastos
mo? yung yuniporme mo?
Hanap ka uli ng trabaho, Hindi ka pa nakakahanap uli ng trabaho
nagtaas na naman ng pamasahe, wala ka na ngang pera taas pa ng taas
ng pamasahe. Ano nalang ba ang pwedeng kainin na kaya nating
bilhin? Yung mga dobol ded na baboy o manok. Pag may nabili kang
sirang pagkain pupunta ka ng emergency ang hospital ng gobyerno
na puro xpired ang mga gamot, kulay itim ang mga dingding ng hospital
kulang sa gamit, kulang parin sa kuwarto. Pagmay nakuha kang kuwarto
kailangan may pamaypay ka, puro OJT pa ng mga paaralan ang magsisilbi
sa pasyente ta***nang buhay ito oo.
Yung tsinelas ko nga noon magkaiba ng kulay.. eh nakita pa ng
may ari kinuha pa yung isa, wala talagang patawad.
!
Pagmasdan natin ang pamilya sa pilipinas ang daming halos walang
makain, ang daming walang trabaho, ang daming pamilyang nagugutom
ang daming pamilyang sa bangketa natutulog.
Ganyan nalang ba talaga ang buhay sa ating bayan?
Habang kanya-kanya pasasa ang mga nasa gobyerno, wala ng iniisip
kung paano magnakaw, hindi na maisip kung paano pagaganahin ang
batas, hindi na alam kung paano paangatin ang pilipinas, hindi na
alam kung paano magbibigay ng trabaho.
!
GAANO BA KASAKIT ANG BUHAY MARALITA SA PILIPINAS?
!
SUBUKAN MONG LAGYAN NG KALAMANSI ANG
IYONG SUGAT

2 comments:

EJ said...

Thank you so much for casting your vote which led to Rylie's Victorious Smile.

chubskulit said...

Ang lalim naman ng post na ito Kuya Jettro! Kamsahamnida sa boto, she won... Anneong!

Photobucket