Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Monday, 29 June 2009

SUGAT


Isang binatilyo ang narinig kong sumisigaw na parang nagagalit,
nilapitan ko siya at tinanong ko kung bakit siya nagagalit
pinagsabihan daw siya ng nanay niya,
dahil pinagsabihan , sumagot din siya ng pabalang.
Sabi ko sa binatilyo..
Sa susunod sa tuwing nagagalit ka kumuha ka ng 10 pako
at ibaon mo yung kalahati sa puno,
sa tuwing nakakaramdam ka ng galit isa-isa mong ibaon yung pako sa puno.
Pag humupa na yung galit mo
isa-isa mo uling bunutin yung mga pako na ibinaon mo sa puno,
pagkatapos balikan mo ako.
Makalipas ang ilang araw pinuntahan ako nung binatilyo
"kuya nabunot ko na yung mga pako na ibinaon ko sa puno"
Ganon ba? Halika puntahan natin,
Nakikita mo ba yung butas na pinagpakuan mo?
oo kuya, Yan yung sugat na iniwan ng galit mo..
Kung ang masakit na salita na bibitiwan mo sana sa iyong mga magulang
maka ilang ulit ka mang mag sorry
pero yung sugat na ibinigay mo sa kanila
mananatiling sugat sa kanilang damdamin.
Sa bawat salita na makakasakit sa damdamin
may katumbas na sugat na maiiwan sa kanila.
Kaya yang galit mo... sa susunod huwag mong itutulad sa pako!
Iniwan ko na yung binata na nakatitig sa sugat na pinagpakuan niya ng pako.
Habang siyay nabubuhay
hindi niya makakalimutan ang isang halimbawang iminulat ko sa kanyang isipan.

Sunday, 28 June 2009

BEST FRIEND


PARA SA IYO ITO KAIBIGAN
Ikaw ang taong pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng bagay,
Ikaw lang ang taong nakaka intindi sa akin
Ikaw ang laging nagpapatawa sa akin
Ikaw ang tumutulong sa lahat ng aking mga suliranin
Ni minsan hindi mo ako iniwan sa oras ng kagipitan
Andiyan ka na laging nakaagapay sa akin
Laging nakalaan ang oras mo sa akin
Ikaw ang pinaka the best kong kaibigan
Mahirap hanapin ang isang kaibigang tulad mo
Sa tuwing naghahanap ako ng kausap, ikaw ang sumasagi sa aking isipan
Salamat lagi kang nandiyan
Nais kong malaman mo andito din ako palagi
Andito din ako para makinig, tumawa at handang tumulong
tulad ng ginagawa mo sa akin
Gagawin ko din ang lahat
kahit man lang kalahati ng ginagawa mong pag tingin
sa isang kaibigan
Sana malaman mo na
hindi ako naging matatag
kung wala ang isang tulad mo
bilang isang tunay na kaibigan
Asahan mo..
Ilalaan ko ang lahat ng oras ko para sa iyo
tulad ng paglaan mo ng oras
Tunay akong humahanga sa iyo
sa pagiging tunay mong kaibigan
Sana.. wala ng katapusan ang ating pagiging magkaibigan
Maraming salamat sa iyo.. "MY BEST FRIEND".
Para sa mga nagbabasa...

WALA KANG MAHAHANAP NG ISANG
TUNAY NA KAIBIGAN
KUNG HINDI KA RIN MARUNONG MAKIPAG KAIBIGAN

Saturday, 27 June 2009

SAYING GOODBYE


Sa buhay natin may mga araw na halos ayaw nating dumating, ayaw nating marinig at ayaw nating gawin sa mga taong nagmamahal at nagbibigay sa atin ng kaligayahan.

May mga pagkakataong dumarating sa atin na ang mahal mo sa buhay ang magsasabi sa iyo ng paalam, ayaw man nating dumating ang araw na magpapaalam na sa iyo ang taong minahal mo sa mahabang panahon, mahirap tangapin na isang araw magpapaalam na ang taong nagbigay sa iyo ng saya, nagpaligaya, ang taong nagturo sa iyong magmahal, ang taong naghango sa iyo sa dilim ng kalungkutan, ang taong nagpahilom ng mga sugat ng kahapon. Mahirap din marinig ang salitang paalam sa taong pinakamatalik mong kaibigan, mahirap tangapin na sa mga oras na ito magkakalayo na kayo sa isat-isa at maghihiwalay na kayo ng landas.

Minsan, magtatanong ka sa iyong sarili... bakit ka pa dumating, kung sa huli magpapaalam ka din at iiwan mo ako ngayong hindi ko na alam ang umiyak. Ang hirap yung taong kasama mo sa mahabang panahon makikita mong papalayo kaylan man hindi mo na makikita pang muli. Mapapaluha kang talaga, Halos mawalan ka ng lakas.
Mahirap ding tangapin na ang ang mahal mo aalis na bukas at magsasabi ng paalam na ikaw ng bahala sa mga bata, iiwan ka upang hanapin ang kapalaran sa ibang bansa. Mahirap din yung dumating ang oras na ikaw mismo ang lalayo, ikaw ang magpapaalam, ikaw ang iiwan sa mga taong ayaw mong iwan, ang iyong amat ina, ang iyong asawa at sa iyong mga anak.

Sana... sa darating na mga araw, huwag na tayong makakarinig ng salitang "PAALAM".

Tuesday, 23 June 2009

WALANG MAGAWA

Andito nanaman ako.. matagal-tagal din akong hindi napasyal dito sa blog ko mula pa kahapon.
Nabubwisit ako kahapon kaya hindi ako makapag sulat ng maayos dito sa hangout ko, kahapon kasi ng umaga balak kong mamasyal sa mall kahit walang pera basta makapamasyal ok na sa akin basta makapag relaks. Alas siyete ng umaga nagbihis ako ng medyo maganda sa paningin ko dahil nga mamamasyal ako. Napansin ko medyo gulo-gulo ang buhok ko bihira kasi ako maligo nag punta ako sa room ng kasama ko may nakita akong strawberry jelly akala ko pamada nilagay ko sa buhok ko.. kahit saan ako pumunta may langaw.

Kasalukuyan akong naglalakad nasalubong ko itong kaibigan kong si dok.
Dok! mukhang malungkot ka ah? (tanong ko sa kanya)
Oo pre.. natangal ako uli sa trabaho ko.
Bakit naman natangal ka uli?
Nahulog yung jeep na minamaneho ko sa palayan, may nasalubong akong bisekleta, eh kaskasero yung driver ng bisekleta tapos tingin ko pa dalawa sila, ako ang umiwas ayun nahulog yung minamaneho kong jeep sa palayan. Ang laki tuloy ng gastos don, kasi nga natangal yung gulong sa unahan tapos nabasag yung salamin sa unahan, tapos naputol yung side mirror, tapos nayupi yung bubong ng jeep kasi nga bumaligtad, tapos yung sterio ko napasukan ng tubig, tapos yung mga palay pa na nasira, hayyy dami nga nasira... pero kung dineretso ko nalang sana yung bisekleta lang babayaran ko.

Alam po ninyo... itong si dok, richard gomes po ang tunay na pangalan nitong kaibigan ko, dok lang ang tawag sa kanya.. kasi nga duling, tapos driver pa ng jeep.

Pinayuhan ko nalang itong si dok, sabi ko sa kanya...

"Pre, dapat kasi humanap ka nalang ng ibang pagkakakitaan, humanap ka ng ibang trabaho".

(sumagot si dok) Ano naman ang aaplayan ko! eto lang naman ang alam kong trabaho, driver.

Mabuti pa pre mag boksing ka na lang kaya!
(Nagalit siya sa akin kasi tumalim yung tingin niya sa akin)

Paano naman ako mag bo-boksing! gusto mo yata akong magulpe ah! (pasigaw na si dok)

Iniwanan ko nalang si dok kasi nga medyo nagagalit na sa akin, sinabi ko lang na magboksing nalang siya... masama ba yong payo ko?

Nagpatuloy ako sa paglalakad hangang abutin ako ng dilim, nasalubong ko yung isang gurly na crush ko, niyaya ko siyang mag dinner. Habang kumakain kaming dalawa nung fren ko na gurly may nakita akong kulangot sa taas ng kanyang labi, para hindi siya mapahiya, sinabihan ko na lang siya. ""che che may kanin ka sa taas ng labi mo, sukat ba namang inabot ng dila niya tapos kinagat-kagat sabay lunok sabi pa niya sa akin"",
""Ikaw naman, hindi naman kanin eh, ulam!""
Jusko po! hindi na ako umimik, andon na eh.

Sunday, 21 June 2009

HUWAG SUSUKO



Sa buhay natin maraming pagsubok ang pinagdadaanan, maraming pasakit ang dinadanas nating lahat, maraming problemang kinakaharap. mga bagay na hindi natin kayang iwasan. Basta na lang dumarating sa ating buhay. May mga araw din na sa pakiramdam mo down na down ang iyong buhay dahil sa dami ng dinadala mong problema "huwag kang susuko". Lahat ng katanungan ay may kasagutan at lahat ng pagsubok ay may solusyon.

Sa bawat pagsubok na dumarating sa ating buhay natututo tayong lumaban, may mga pagkakamali man tayong nagawa nagkakaroon naman tayong malaman kung ano ang tama. Kung ang takbo ng buhay natin ay may mabagal dont give up sa bandang huli mararamdaman mo ang tunay na kaligayahan. Wala mang tumulong, huwag susuko harapin mong mag isa ang hamon, wala ka pang tatanawing utang na loob. Lagi nating isa isip ang buhay ay parang isang laro laging nakaharap sa laban at sa bawat laban ang pagkatalo ang magiging batayan mo upang lumabang muli huwag ka lang susuko hindi mo makakamit ang tagumpay. Lahat ng bagay may paraan upang mapagtagumpayan.

NAKIKIISA AKO DITO

ANTI OFW





Napanood ko itong video na ito kangina lang kasabay na nag pop-up sa aking
sa aking isipan ang tungkol kay mike avenue na chokolate.

PARA KAY MIKE... KONTING AWA LANG!


"Ako'y nakikiisa sa mga OFW na nagbigay sakripisyo para sa pamilya at higit sa lahat sa ating bansang pilipinas"

On Mike Avenue Pinoy Blog’s ‘Tsokolate’ We believe in the right to freedom of speech as a human right. We believe in the freedom to hold opinions without interference by public authority and regardless of frontiers, either orally, in writing or in print, in the form of art, or through any other media of his choice. We believe in the right to freedom of expression to receive and impart information. We believe that blogging is an expression of one’s opinions, personal experiences, hobbies, commentaries, diaries and we further believe that every blogger has the right to publish his personal expressions and opinions.We believe that the exercise of these freedoms is not an absolute right but carries with it duties and responsibilities, that may be subject to restrictions or penalties on specific grounds as prescribed by law and are necessary in a democratic society, in the interests and protection of the reputation or rights of others.We believe that majority of the Overseas Filipino Workers have chosen to leave the Philippines to seek and search for better livelihood opportunities abroad so they may be able to support themselves and their families back home. We believe that the OFW’s search for a greener pasture is not at all that easy and yet hundreds of thousands of OFWs have created names for them and have excelled in their chosen fields of endeavor, setting the world standards for nobility and for hard work. We believe that there is nothing wrong with doing an honest day’s work as a domestic help or as construction worker or doing any other menial and blue collar jobs. We believe that OFWs whether professionals or not should be given honor and respect. We believe that the OFW is the Hope of the Nation, Gift to the World!With these guiding beliefs: We regard Mr. Mike Avenue’s Pinoy Blog post on "Tsokolate" as one that lacked research and a flagrant ignorance of the truth about Overseas Filipino workers and expatriates.We regard this lack of truth and ignorance as especially inexcusable from one who feigns intelligence and high learning and coax people into belief and following.We regard his statements: “minumura ng amo kapalit ng dolyar” and “humahalik sa paa ng mga dayuhan” as blatant mockeries of the sacrifices of the Overseas Filipino Workers and expatriates and are hasty generalizations of the living and working conditions of the Filipino expatriates and OFWs.We regard his post as tactless and offensive, trying to make a lame attempt to sarcasm that failed to be funny, at the expense of the Overseas Filipino Workers.We regard his post as a clear display of arrogance, done in a distasteful manner with blind indifference and unjust condemnation of the millions of hardworking OFWs who work long hours to earn an honest buck.We regard his post to have overstepped the bounds of sensitivity and responsibility of a decent mind and an accountable and sensible blogger. Therefore, we as OFW BLOGGER are not dumb to let this kind of humiliation pass just like that.We strongly condemn this irresponsible blog post and Mike Avenue. We consider Mike Avenue as an Anti-OFW persona.We demand a retraction and an apology from Mike Avenue of Pinoy Blogs for this irresponsible blogpost!We are Filipinos and we should stand together and strive for a better Philippines!

Kay Mike Avenue (chokolate) kaylan man hindi namin hinihingi ang pagkilala ninyo sa aming mga OFW's, Bilang kapatid, iisang lahi hindi na natin kailangan ang magsalita para saktan ang damdamin ng mga Ofw. Sa hirap ng dinadanas namin sa kamay ng mga dayuhan, Bayani kami para sa aming pamilya at sa mga mahal namin sa buhay.

Thursday, 18 June 2009

HAHANAP KA PA BA NG IBA

Sa pag-ibig o sa pagmamahal mararamdaman mo ang partner mo
sa pamamagitan ng mga kilos, pananalita at sa mga ginagawa
niya para sa iyo.
Kadalasan ito ang mga senyales na mag papatunay na
mahal ka ng partner mo.
Proud siya sayo, kahit kasama niya tropa niya,
"honey" pa rin ang tawag niya sayo!
May lakad sila ng barkada niya, magyaya ka ng date...
kung ikaw ang pinili niya, YEHEY! love ka nun!
Kahit saang lupalop siya ng mundo, NEVER niyang io-off ang
cellphone niya kasi baka tumawag ka at magalala,
At... mag "i love you" siya kahit may makarinig pang ibang tao.
Kahit walang gift, alam niyang anniversary/monthsary niyo.
Inuunawa ka niya palagi,
Sa sobrang pag seselos nya, binabasa niya ang mga text messages mo...
mas matanong mas makulit...
mas mahal ka nun!
Madalas siyang nag aalala sa iyo. (sobrang pagmmahal yan para sa iyo)
Ikaw lang ang may karapatang pumuyat sa kanya.
Punta siya sa bahay mo kahit alam mong nahihiya siya sa parents mo.
Kasama mo siyang mag shopping ng damit, basta pili mo...
yun ang isusuot niya kasi maganda sa paningin mo.
Kung nagtatampo siya sa iyo.. para matapos... umiyak ka lang at
siya na yung mag "so SORRY."
Nagtatanong siya tungkol sa future plans "mo"
inaalam niya kung kasama "siya" dun.
Lahat ng i-kuwento mo sa kanya kahit hindi siya interesado...
natatandaan niya.
Bagsakan mo ng phone. tatawag uli un!
Picture mo lang ang nasa wallet nya.
Hindi ka nahihiyang umiyak sa kanya...
Siya ang laging umuunawa sa iyo.
"YOUR MY EVERYTHING " madalas niyang sinasabi sa iyo.
Mahal na mahal ka niya.
Hindi kompleto araw niya pag hindi ka nakikita.
Madalas.. siya pa ang naglalaba ng bra at panty mo.
(sobrang pagmamahal niya sa iyo yon)
Maligaya ka sa kanya.
Ayaw mo na siyang mawala sa iyo.
Sa mga pinakita niyang pagmamahal sa iyo...
Hahanap ka pa kaya ng iba?

Tuesday, 16 June 2009

THE GREATEST PAIN IN LIFE



The greatest pain in life is not to die, but to be ignored.
Masakit ang buhay, kung maisip mo na nag iisa ka na lang sa mundo,walang nagmamahal, walang kaibigan, walang dumadamay sa tuwing nakakaramdam ng kalungkutan, walang balikat na masasandalan sa panahon ng pagluha.
Masakit kung hindi ka pinapansin ng taong minamahal mo.
Hindi ka pinapansin ng mga taong itinuturing mong mga kaibigan.
Hindi ka binibigyang halaga sa inyong tahanan.
Kinakalimutan ka ng mga kaibigan mong imbitahan sa isang kasiyahan.
Pinag-iisipan kang pabaya sa mga bagay na pinipilit mong maisaayos.
Hindi pinapansin ang mga ginagawa mong kabutihan, para sa kanila lahat ng ginagawa mo mali sa kanilang paningin.
Walang dumadamay sa oras ng iyong kagipitan.
Sa oras ng iyong karamdaman wala ni isa man lang nakakaalala sa iyo.
Pakiramdam mo.. wala ng ibang makakatulong sa iyo sa tuwing dumarating ang mga suliranin mo sa buhay.
Ang hirap din minsan yung ini-ignore ka ng lahat ng nakapaligid sa iyo, para bang wala ka ng silbi sa paningin ng iba, gayong pinapakita mo naman ang lahat ng makabubuti sa kanilang paningin. Masakit sa kalooban, mahirap kalimutan.

SABI NGA NILA PAG NAMATAY WALA KA NG MARAMDAMANG SAKIT
PERO... YUNG MA IGNORE HANGGAT NABUBUHAY KA NARARAMDAMAN MO.

Saturday, 13 June 2009

KUNG BIBIGYAN NG PAGKAKATAON



PAGKAKATAON
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maging mabuti sa isang tao,
Gawin mong maging mabuti sa kanila.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na ngumiti sa isang tao
ngumiti ka sa kanila
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makita mong luluha ang isang tao
Pahiran mo ang kanyang mga luha
hawakan ng banayad ang kanyang mga kamay
Dahil baka ang luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata
ikaw ang dahilan.
The warmth of their hand may warm your own heart
Ang kabutihang ibinabahagi mo sa isang tao,
susuklian ka din ng kabutihan
Ang mga ngiting nakikita mo buhat sa kanila,
yan ang mga ngiting ibinahagi mo sa kanila.
Ang totoong kabutihan ibinabahagi ng kusa
walang anumang kapalit
ibahagi mo ito ng libre
Ang buhay ay may hanganan
Ang mga bagay na nagawa mo sa kanila
ang mag papaalala sa kanila na ikaw ay mabuting tao
para sa kanila
mga bagay na iniwan mo sa kanilang isipan.
How can we expect the world to be kind
unless we too strive to be kind to others?
As love begins in one's own heart... so too does kindness.
Minsan ang tao ay may limitasyon ang kabutihan sa kapwa.
Ang pagbahagi o pagbibigay kung ano meron sila
umaasa ng kapalit.
Kahit ano pa sila..
STILL BE KIND!
BE KIND TO THOSE UNKIND.

Sunday, 7 June 2009

KAHIRAPAN





Kapag nakakarinig ako ng mga ganitong music hindi ko maiwasan ang maalala ko ang aking nakaraan, yung time na naghihikahos kami sa buhay. Naaalala ko ang nanay ko na sinisigawan ng kapitbahay naming pinagkakautangan namin sa tindahan. Dinig na dinig ko kung paano nila pagsabihan ng masasakit ang nanay ko. Nang dahil lang sa konting halaga.. kumain ang nanay ko ng sandamakmak na mura. Kitang kita ko umiiyak ang nanay ko sa aming tahanan. Hirap na hirap ang kanyang kalooban, ano nga ba ang lakas ng isang naghihikahos kundi ang kainin ang lahat ng kahihiyan. Ako bilang isang anak napakahirap at sobrang sakit sa aking damdamin ang makita ko umiiyak ang nanay ko. Tiniis lahat ng nanay ko ang mga masasakit na salita hindi naman niya pinagsisihan ang kanyang ginawa umutang siya ng dahil sa amin, umutang siya para ipakain sa amin. Hngang ngayon lumuluha ako pag naalala ko ang mga sinabi sa akin ng nanay ko noon, ang sinabi sa akin ng nanay ko.. ''Anak... hindi masakit sa akin ang alipustahin nila ako.. ang masakit sa akin yung makita ko kayong walang makain anak'' umiiyak nanay ko noon. ''kaya ikaw anak pag lumaki ka huwag mo akong pababayaan ha? tatangapin ko ang lahat ng mga masasakit na salita nila... ang pabayaan mo ako.. iyon ang hindi ko matatangap''. ''Opo inay" umiiyak akong niyakap ko nanay ko sa awa ko sa kanya. Iba ang pagmamahal ng isang ina, walang katumbas na pagmamahal. Minsan tinatanong ko sarili ko ''bakit meron pang naghihirap? ''bakit hindi nalang lahat mayaman?.

Maraming araw na sumasablay din kami ng pagkain, maraming araw na halos kamatis lang ang ulam namin, mahirap ang maging isang mahirap, lahat ng pagtitiis lahat ng paghihirap, lahat ng sakit ng kalooban dadanasin mong lahat. Lahat ng kahihiyan lahat ng kalungkutan, lahat ng gutom, lahat ng luha iluluha mong talaga. Pero ng dahil sa aming kahirapan dito nabuo ang tunay kong pagkatao, natuto ako kumilos ng maayos, dito ako natutong maging maunawain, dito lumawak ang aking isipan, dito ako natutong mag plano kung ano ba ang aking magiging bukas at dito ako natuto kung paano ang umunawa sa kapwa.

Photobucket