Masakit ang buhay, kung maisip mo na nag iisa ka na lang sa mundo,walang nagmamahal, walang kaibigan, walang dumadamay sa tuwing nakakaramdam ng kalungkutan, walang balikat na masasandalan sa panahon ng pagluha.
Masakit kung hindi ka pinapansin ng taong minamahal mo.
Hindi ka pinapansin ng mga taong itinuturing mong mga kaibigan.
Hindi ka binibigyang halaga sa inyong tahanan.
Kinakalimutan ka ng mga kaibigan mong imbitahan sa isang kasiyahan.
Pinag-iisipan kang pabaya sa mga bagay na pinipilit mong maisaayos.
Hindi pinapansin ang mga ginagawa mong kabutihan, para sa kanila lahat ng ginagawa mo mali sa kanilang paningin.
Walang dumadamay sa oras ng iyong kagipitan.
Sa oras ng iyong karamdaman wala ni isa man lang nakakaalala sa iyo.
Pakiramdam mo.. wala ng ibang makakatulong sa iyo sa tuwing dumarating ang mga suliranin mo sa buhay.
Ang hirap din minsan yung ini-ignore ka ng lahat ng nakapaligid sa iyo, para bang wala ka ng silbi sa paningin ng iba, gayong pinapakita mo naman ang lahat ng makabubuti sa kanilang paningin. Masakit sa kalooban, mahirap kalimutan.
SABI NGA NILA PAG NAMATAY WALA KA NG MARAMDAMANG SAKIT
PERO... YUNG MA IGNORE HANGGAT NABUBUHAY KA NARARAMDAMAN MO.
11 comments:
Totoo yan. Basta Jettro, hindi ka nag-iisa. Nandito kaming magugulo mong ka-blogs, nakikibasa, nakikicomment at kung hindi mo rin pansinin eh mang-iinis sayo. Habang may buhay, go..go..go..sMiLe na!
ma-emo ang posteng ito...pero totoo mahirap naman talaga ang hindi ka napapansin, pero ako minsan gusto ko yun...ahahaha
pero syempre mas masarap kapag may nakakaappreciate sayo, may nagmamahal sayo...weeeehhh
dito lang kame jettro!!!
wow ang babait nyo naman pala salamat bing & deth.
Naisip ko lang din yan dala ng kalikutan din ng aking imahinasyon hehehe
Cge ako naman ang mangungulit sa hang out nyo.
Minsan kelangan lang natin tanggapin na may ayaw sila sa atin kaya di nila tayo pinapansin...sa ganoong paraan nababawasan ang sakit na ating nararamdaman...
O kaya naman, kung kaya mong baguhin ung ayaw sayo ng mahal mo mas okey...
korek ka jan parekoy lord CM sabi nga sa kasabihan ang lahat ng bagay ay may dahilan, may mga bagay sa ating sarili na hindi natin nakikita na nakikita naman ng iba.
Salamat parekoy lord CM.
hmmm... u got a point there... teka yan bah nararamdaman moh ngaun? hope ok kah lang... napadalaw lang sau ditoh... ingatz lagi. Godbless! -di
pero hmm...u can't please everyone... nde lahat nang tayo magugustuhan kah... pero minsan we just love them w/out askin' anything back.. kahit nga ang mga taong galit sa aten eh mahalin pa ren naten... d' true joy comes from Him... at sa mga tunay na nagmamahal saten... so yeah.. 'un.. i'm juz sayin'... ingatz. =)
tayo.. este tao.. typo error =)
May pinag huhugutan ah?
tama ka! mahirap maging invisible sa mata ng mga tao sa paligid mo. pero naisip mo ba na parang ganon ka din tulad nila? tinitidnan lang ang gusto makita! Bat hindi mo tidnan yung mga taong tumitingin sa'yo at hindi yung mag taong sa iba nakatuon o ini-ignore ka
:D
emo tayo parekoy ah!
Ang gagaling naman mag payo sana lahat nalang ng tao tulad ninyo para walang nasasaktan.
naku hindi po ako yan para po talaga sa lahat yan sa mga taong nakakaranas ng ganyan.
Salamat sa pagbisita ninyo
miss dhianz, miss guided.
Parekoy pogi thanks din sa pagbisita.
Post a Comment