Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Saturday, 18 July 2009

KABANATA


Sa bawat kuwento ng ating napapanood, nababasa meron yung
tinatawag nating "KABANATA". At sa bawat kabanata ay may
kanya-kanyang nilalaman. Merong malungkot at meron din yung
masaya. Tulad ng kuwento ng ating buhay, minsan malungkot, masaya
masalimuot punong-puno ng pakikibaka maraming pagsubok na
pinagdadaanan laging nakikipagsapalaran sa hamon ng buhay.

Sa buhay nating lahat, meron tayong limang kabanata

UNANG KABANATA
Ito ay nuong tayo ay nasa murang edad ang panahong tayo ay nasa
pagkabata. Ito ang isa sa masasabi kong pinaka masayang parte ng ating
buhay. Walang problemang iniisip, walang inaatupag kundi ang maglaro
ng maglaro. Malayang-malaya sa kilos, walang pumipigil kahit saan dalhin
ng isipan, malayo ang nararating, walang iniintindi kundi ang gawin ano
man ang maibigan kasama ng iba pang kalaro. Takbo dito, takbo doon,
laro dito, laro doon, tawanan, habulan at kung ano-ano pa. Uuwi ka lang
kung hihingi ng pera sa nanay pag nabigyan na takbo nanaman ang saya diba?
PANGALAWANG KABANATA
Ito yung dumating ka na sa pagkabinatilyo
kung saan dito ka makakaranas ng pirst lab he he he
kahit nabawasan na ang konti mong kasiyahan kung ikukumpara
nung ikaw ay bata pa. Dito ka makakaramdam ng konting sigla at kaligayahan
na iba sa kasiyahang naramdaman mo nung ika'y bata pa lamang.
Dito mo makikita ang unang magpapatibok ng puso mo
Mas nakakakilig dito, medyo eksayting ng konti bagamat medyo
lumiit na ng konti ang mundo mo dahil ang gusto mo andon ka lagi
nag papatsarming sa unang iniibig mo. dito ka natutong mag ayos
ng konti sa sarili at dito ka narin makakaramdam ng konting problema
lalo sa mga kalalakihan dahil problema sa pang date.
Dito din makikita ang maaksyong parte ng buhay mo, andiyan yung
pagiging basagulero mo. Uuwi ka lang kung kakain pagkatapos
tambay uli kasama ng mga kaibigan, andiyan din ang luto-lutuan
Eto ang panahong nasa edad na tinatawag na high school life.
Masaya din dito di ba?
PANGATLONG KABANATA
Dito ka na pumapasok sa pagkadalaga at pagkabinata.
Dito ka na makakaramdam ng tunay na pag ibig
at dito ka narin matututong humalik (wow, eto ang gusto ko dito)
Dito mo mararanasan ang tunay na mag mahal at sarap ng may
minamahal at ng may nagmamahal. Kahit hindi mo pa nakikitang
may pag tingin siya sa iyo.. ang mahalaga umiibig ka sa kanya.
Dito na lalong lumiit ang mundo mo dahil wala na sa isipan mo ang
maglaro tulad ng ginagawa mo noon. Patambay-tambay ka na lang
sa tapat ng tahanan ng napupusuan mo, pa tsarming ng konti sa kanya
Dito narin mag uumpisa ang maraming problema,
Problema sa pagibig, sa perang pang date at problema ka narin
ng mga magulang mo dahil puro ka nalang hingi ng pera pang toma
at pera pang date at pera panonood ng sine at pera pang tong-it.
At dito ka narin pagsasabihan ng mga magulang mo
"Puro ka pera!!" "MAGHANAP KA NA NG TRABAHO!!" (Paktay
ka na dito) Kailangan mo ng pera pang date dahil kung hindi mo
mai-date ang kasintahan mo hindi ka makakahalik haha
PANG APAT NA KABANATA
Dito ka na nagkaroon ng sariling pamilya
Dito na lumiliit lalo ang mundo mo dahil kailangang asikasuhin
mo na ang pamilya mo bagamat andiyan parin yung patambay tambay ng konti
ngunit kailangan mo ng humanap ng mapapasukan upang may
may maipakain ka sa pamilya mo. Hindi na pwede yung puro tambay
ka nalang kailangan mo ng magbanat na ng buto
Andito narin ang sang damakmak na problema, dito ka na
rin makakaranas kung paano ang umiyak na hindi mo
masyadong naranasan nuong ikaw ay binata pa
lamang kaakibat na dito ang sari-saring problema.
problema sa pera, problema ng walang hanapbuhay
problema sa pagkain sa araw-araw, sa pagpapaaral
at problema sa tahanan kung paano kayo magkakaroon
ng sariling tahanan. Bagamat makakaramdam
ka rin ng kaligayahan dahil kapiling mo ang iyong pamilya.
HULING KABNANATA
Ang buhay natin sa pagtanda
Ito yung halos hindi mo na magawa ang lahat ng nagagawa
mo nung ikaw ang malakas pa. Hindi mo na kaya ang mabibigat
na trabaho, hindi mo na kaya ang maglakad ng malayo,
hindi mo na halos kaya ang tumayo sa pagkakaupo,
hindi mo na kaya ang uminom ng alak, nagkakasya ka nalang
sa mainit na kape, puro gamot at puro multi vitamin
nalang ang laging iniinom mo.
Halos abutin ka ng hapon sa pagkakaupo mo
nakukuntento ka nalang isipin ang lahat ng nakaraan mo
ang lahat ng pinag gagawa mo nung ikaw ay bata pa
wala narin ang gilas ng kilos at pangangatawan mo
wala narin ang mga ngipin sa harapan mo
napapa ngiti ka dahil nuon pag nakakita
ka ng kalbo sinisigawan mo ng panot
ngayon nagagalit ka pag tinatawag kang panot
Halos mapa iling ka pag humaharap ka sa salamin
nakikita mong puro kulubot na ang iyong balat
Dito mo sasabihing "MATANDA NA AKO"
ETO NA ANG HULING KABANATA NG BUHAY KO
"PAANO KAYA ANG MAMATAY?"


Inaanyayahan ko po na mag join ang lahat
dito sa bagong site na tahanan ng mga pinoy
aroung the globe
mag register po tayo
eto po yung link
http://s1.zetaboards.com/TahananNgMgaPinoy/index/


Photobucket