Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Friday, 30 January 2009

SUKATAN NG PAGKATAO AT SALAMIN NG PAGKATAO

Kanginang naglalakad ako napadaan ako sa isang grupo ng mga pinoy na nagiinuman. Dalawa sa kanila ang nakakilala sa akin, kinawayan nila ako at niyaya akong mag join sa kanilang session. Hindi nagtagal nagkaroon ng konting pagtatalo kung ano nga ba
ang kaibahan ng... '' SUKATAN NG PAGKATAO AT SALAMIN NG PAGKATAO ''?

Ummmm.. Medyo interesado ako sa topic nila.. pero nag pasya na lang akong makinig dahil alam ko kung ano at saan patutungo ang pagtatalo nilang iyon. Hindi narin ako nagtagal sa salo-salong iyon minabuti ko na lang na umuwi. Paano mo nga ba nasusukat ang pagkatao ng isang tao at paano mo ba masasalamin ang pagkatao ng isang tao?

Para sa aking opinion.. merong pagkakaiba ang salamin
at sukatan ng pagkatao. Kung minsan hindi pa natin napapatunayan.. hinuhusgahan na kaagad. Narinig lang natin sa tabi-tabi iyon na kaagad ang paniniwala ng iba sa isang tao.

PAANO MO NASUSUKAT ANG PAGKATAO?

Ang SUKATAN NG PAGKATAO.. Kung hangang saan ang ibibigay mong paggalang sa kanya at kung hangang saan ang ibibigay mong paghanga sa kanya. Hindi natin basta basta masusukat ang pagkatao ng isangtao.. Hangat hindi natin nakikilala ng lubusan. Hindi natin masusukat kung ano ang klase ng pagkatao niya hangat hindi natin nakikita kung anong ugali meron ang isang tao.Dahil andon yung ibibigay mong paggalang sa kanya.

Kung para sa akin... mataas ang pagkatao niya kung mabuti siyang tao. Ito yung mga taong hindi sinungaling, hindi nang uuri ng kapwa, hindi namimintas ng kapwa, hindi nanghuhusga at hindi nagsasalita ng masama sa kapwa. Sa madaling sabi.. wala kang maipipintas sa kanyang pagkatao. Hindi ko masasabing perpekto akong tao.. minsan hindi natin maiaalis sabi nga.. human nature na iyan. pero nasa isip ko lang..hindi ko pina process sa iba. Ang mali ay yung nanghusga ka na,ipinaalam mo pa sa iba ang panghuhusga natin, tama na sana na sayo na lamang titigil yung kapintasang nakita mo sa iba.

PAANO MO NASASALAMIN ANG PAGKATAO NG ISANG TAO?

Kung paano mo MASASALAMIN ANG PAGKATAO... Ito yung kung paano natin aalamin ang pagkatao niya, Kung anong ugali meron siya. Kung paano natin kikilalanin ang ugali ng isang tao.Para sa akin masasalamin mo ang pagkatao sa pamamagitan ng kanyang mga binibitiwang salita, kilala mo man siya o hindi. Sa pagsasalita palang malalaman mo na kung anong pagkatao meron ang isang tao. May ilan din tumitingin kung ano ang
nakikitang panlabas na kaanyuan. Halimbawa kung ano ang nakikitang kasuotan.

'' Ahhhhh ganon cguro ang trabaho niya'', '' ummmm ganyan yan ''.Naalala ko.. isang babae ang dumaan sa isang grupo.. sexy ang kasuotan, labas ang pusod, lahat ng madaanan.. matalim ang tingin,mga tinging mapanuri. Napapailing na lang yung babae. Hangang pumasok siya sa isang bulwagan na meron palang padasal.
Akalain mong relihosa pala yung dalaga.

Ang sukatan.. kung hangang saan ang iyong paggalang o paghanga.
Ang salamin.. kung paano mo kikilalanin o kung paano mo aalamin.

Ano man ang pagkakaiba o pagkakahalintulad, Ang mahalaga.. lagi nating tatandaan, huwag tayong maging mapanghusga ng ating kapwa. Kaibigan man siya o hindi, tao din siya na tulad mo na marunong dinmakaramdam at masaktan.
Tulad mo, tulad ko... Huwag nating gawin sa kanya, ang ayaw nating
gawin sa ating sarili.

Salamat sa pagbabasa!
Photobucket