Naniniwala ka ba na marami ka pang dapat matutunan mula sa ibang tao?
Marami ka pang dapat na matutunan kung bibigyan mo lang ng pansin ang bawat ginagawa ng ibang tao dahil mare-realized mo sa iyong isipan kung tama ba o mali ang ginagawa ng isang tao. Nagkakaroon tayo ng idea o nagkakaroon tayo ng way kung maari mo rin bang gawin ang ginagawa nila kung sa paningin naman natin ay tama ang ginagawa o kung mali ang ginagawa. Kadalasan aminin man natin o hindi ang lahat ng bagay na ating nakikita o natutunan sa ibang tao tama man o mali, kasalanan man o kabutihan ay nagagamit natin ng tama sa ibang taong nakakasalamuha natin, Nagkakaroon ng pagkakataong ma-inpress o paghanga at pag-galang sa atin ang mga taong nakakaharap para gumawa din sila ng tama at matuto din sila mula sa ating mga sinasabi at ginagawa.
Naniniwala ako sa madalas na sinasabi ng iba na.. "Learn from yesterday" mga nakaraang mga bagay o pangyayari na nagawa mo sa tao o nagawa ng iba sa atin mali man o tama nagkakaroon ka ng idea kung gagawin mo pa ba o hindi, nagkakaroon ka ng tapang para tumayo at haraping muli kung ano ang darating kinabukasan.
Marami sa atin na kung sasabihan ka lang o tuturuan sa salita para turuan ng mga bagay na maari mong matutunan malaki ang porsyento na makakalimutan lang, malaki din ang porsyento na balang araw makakalimutan lang nila ang lahat ng iyong mga sinabi at pina-ngaral. Kadalasan natututo lang tayo kung ikaw na mismo ang involve sa pangyayari at mahirap makalimutan ang mga bagay na nangyari na sa ating buhay saka lang tayo matututo.
May mga salitang madalas kong naririnig kung nakakagawa ng mali o kasalanan ang isang tao "Para kang walang pinag-aralan", is not something you learn to school. Ang totoo niyan.. hindi nakabase ang salitang 'yan sa kung ano ang natutunan natin sa paaralan. Ang tunay na kahulugan ng hindi ka educated dahil wala kang natutunan mula sa ibang tao, wala kang natutunan mula sa mga maling nakaraan, hindi mo binibigyang pansin ang mga mali at tamang ginagawa ng ibang tao sa mga maling inaasal. Marami pang mga bagay na kailangan nating matutunan mula sa ibang tao sabi nga "we're all teacher" pero bago yan kailangan bigyan muna natin ng pansin ang mga bagay na maari nating matutunan mula sa ibang tao kailangan maging student muna tayo bago tayo maging teacher sa ibang tao, ang mga magagandang natutunan natin ang maari nating gawin sa ibang tao na maari nilang kapulutan din ng mga magagandang asal mula sa atin.
Sa buhay kailangan matutunan mo muna ang rules ng isang laro para makapag-laro ka ng mas maayos at mas mahusay sa ibang player. Katulad din yan ng salitang "kaibigan", "pag ibig" o salitang "be a leader" kung hindi mo alam ang tunay na kahulugan ng mga salita o hindi mo pag aaralan ang kahulugan ng isang salita kaylan man hindi mo magagampanan ng tama. Minsan may mga taong nakadepende rin mula sa ating mga ginagawa para ma-inspire natin sila, ikaw ang mag sisilbing leader.
Minsan kahit wala na tayo sa ating paaralan kailangan patuloy parin tayong mag aral, kailangan parin nating matutunan ang lahat ng bagay sa buhay natin kasama narin kung paano natin mababago ang sarili at pagkatao natin kasama na ng ating pag iisip dahil magagamit natin yan lalo na sa pakikitungo sa ibang tao ang mga natutunan natin ay madadala natin saan mang lugar tayo mag tungo.
Ang mga inpormasyong nakukuha natin ay magsisilbi sa atin para maging creative sa lahat ng bagay, mga bagay na matutunan na hindi natin iniisip noon na meron pala tayong matutunan kung bibigyan natin ng halaga ang lahat ng dumadaan sa ating buhay.
Noon isa din ako na nagagalit kapag umuulan, nagagalit kapag bumabagyo at bumabaha sumisigaw ang aking isipan na sana wala nalang ulan, sana wala ng bagyo, sana wala ng baha pero hindi nangyayari, kahit nga ang tao minsan hindi natin sila kayang pigilan sa mga mali nilang ginagawa... ngayon naisip ko hindi ko naman talaga kayang kontrolin ang isipan ng ibang tao pati kalikasan dahil wala naman talaga sa akin ang control para silay pigilan. Pero ngayon naisip ko... bakit ang galit at patient hindi ko kayang kontrolin kahit alam kong nasa akin naman talaga ang control para gawin at iwasan ito. Bakit yung iba nagagawa nilang kontrolin ang sarili nila pero hindi ko magawa? isang bagay din iyan na maari nating matutunan mula sa ibang tao hindi lang talaga natin binibigyan pansin ang mga bagay na nakikita natin mula sa ibang tao kung paano nila turuan ang kanilang sarili, hindi rin natin binibigyan ng pansin kung paano rin nila tinuturuan ang kanilang sarili para matutunan din natin kung paano tuturuan ang ating sarili kung paano manahimik,
Pero tayo nasa atin ang ating control pero bakit hindi nating subukang turuan din ang ating sarili kung paano mo gagamitin ang sariling control para sa galit at patience para makagawa ka naman ng respeto sa iba.