Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Sunday, 1 March 2009

IMAGINATION


Imagination ito ang isang pinakamahalagang bagay sa ating sarili ang may kakayahang bumuo at humubog ng ating pagkatao. At ito din ang magiging daan para makita mo kung ano ang iyong mga plano at kung ano mga pagsubok na maari mong gawin. Ang proseso ng imahinasyon ay magbuo ng isang larawan sa ating isipan at magnasa ng isang bagay kung ano ang pwedeng mangyari sa ating buhay. use your imagination and think of one of the most glorious and beautifully brilliant moments in your life, palagay ko dito ka ngingiti. Sa iyong imahinasyon ikaw ang bida sa mga larawang binuo ng iyong isipan, sa imahinasyon walang imposible lahat kayang gawin lahat kayang kausapin.. walang mahirap abutin.. walang talo... walang malayo lahat kayang abutin gaano man ito kataas o gaano man ito kalayo, kahit ang bituin kayang abutin sa lakas ng ating imahinasyon. Ito din ang isang mahalagang gamit upang mabuo ang ating kinabukasan mula sa posibilidad tungo sa kasaganaan. Ang ating imahinasyon din ang isang mahalagang gamit para maisaayos ang ating mga pagkakamali. Ito ay isa ring mahalagang gamit para makabuo ng isang pangarap. Ang ating imahinasyon din ang may kakayahang maghubog ng ating pagkatao. Sa imahinasyon makikita mo kung anong ugali o pagkatao meron ang isang tao at kung ano ugali o pagkatao meron ka at ito din ang ating gamit kung paano mo naaalala ang iyong mga nakaraan at ito din ang dahilan upang magpasalamat dahil nakikinita mo kung ano ang darating na bagong umaga.

Tulad ngayon... Nag-uumpisa kang muli upang bumuo ng panibagong plano kung ano ang magagawa sa bagong hinaharap, which is the driving influence of your creative imagination.

Your imagination is indeed a powerful tool in creating greatness in your life.
Photobucket