Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Sunday, 25 May 2014

AGOS NG BUHAY



Sabi nga ng nakakarami "Enjoy The Ride".
Sa buhay ng tao marami tayong dapat na gawin mga bagay na dapat at hindi dapat, mga mali at tama pero doon tayo syempre sa tama. Alam naman nating lahat na ang buhay nating lahat ay iisa, isang beses lang tayong mabubuhay at sa maniwala kayo o sa hindi ang kaligayahn ng tao ay nandito sa lupa. Alam ko na marami paring naniniwala sa atin na ang kaligayahan ay mararamdaman natin sa kabilang buhay yung tinatawag nilang kaligayahang walang hanggan. Pero para sa akin ang kaligayahan ay nandito sa lupa at dito lang natin mararamdaman ngayon nabubuhay pa tayo.

Sabi nga "enjoy the ride" mag enjoy ka habang ikaw ay nabubuhay pa gawin mo ang lahat ng magpapaligaya sa sarili mo kaligayahang hindi ka makakagawa ng kasalanan sa kapwa. Huwag kang magkulong sa kalungkutan na ikaw mismo ang makakagawa para makawala ka sa rehas ng kalungkutan, huwag mong itali ang sarili mo sa iisang bagay lamang, huwag mong itali ang sarili mo sa iisang lugar lamang. Nasa iyo ang lahat ng kalayaan at desisyon upang magawa mo ang lahat ng magpapaligaya sa sarili mo lumilipas ang mga araw, lumilipas ang panahon at lumiliit ang mga pagkakataong maari mong magawa ngayon na hindi mo na magagawa pagdating ng araw. Huwag mong sayangin ang mga araw na lumilipas huwag mong sayangin ang ganda ng mabuhay, makisalamuha ka sa tao upang masumpungan mo may mga tao pala sa paligid na sagot minsan sa mga kalungkutang tinataglay mo ngayon. Hindi sa lahat ng oras sa pag ibig lang tayo nakakaramdam ng kaligayahan minsan kaya rin naman nating mag pasaya ng tao kahit walang halong pag ibig tulad ng mga ibon sa himpapawid malaya silang nakikisalamuha sa ibat - ibang uri ng ibon ang kaibahan lang ng mga ibon sa atin kahit magka-edad na sila o kahit tumanda sila at kumulubot na ang kanilang balat ay magagawa parin nila ang mga bagay na nagagawa nila noong bata pa sila, tumanda man sila ay magagawa pa rin nilang umibig sa kahit sino di tulad ng tao ang kagandahan ng isang tao ay lumilipas at kumukupas, nagkakaroon na tayo ng hangganan kung malipasan ka ng panahon.. sayang ang ating kagandahan kung ibuburo lang natin sa iisang lugar.

May mga bagay na hindi mo pa gaanong nararanasan, huwag mong ibilango ang sarili mo sa walang rehas.

Enjoy the ride kung saan ka nakasakay ngayon magpakasaya ka ikaw lang naman ang unang - unang makakatangap ng resulta sa mga ginagawa mo. Tulad ng nauna ko ng naisulat dito sa blog ko may pamagat na "Kulang ang nakaraan ko" dito nyo mababasa ang lahat ng mga bagay na hindi niya ginawa noong siya ay bata pa at magawa ang lahat ng pagkakataong maari niyang gawin. Kung kailan tumanda na siya ay doon niya naisip ang mga bagay na dapat ginawa niya, ngayon siya nakaramdam ng pagsisisi ngayong huli na ang lahat gustuhin man niyang gawin pero hindi na niya magawa ngayon, gustuhin man niyang umibig muli hindi na niya magawa ngayon di tulad noon nasa kanya ang kagandahang hinahangaan ng karamihan nasayang lang ang lahat ng kanyang kagandahan naikulong lang ng iisang tao.

Paano niya babalikang muli ang mga panahong nasayang, paano niya magagawang umibig muli upang  makaramdam muli ng kaligayahang dulot ng pagmamahal, paano niya magawa muli ang magpakaligaya ngayon hindi na niya makuhang tumayo dulot ng katandaan.

Hanggat may panahon ka pa para lumigaya at may panahon pa para magawa ang iba pang bagay na magpapaligaya sa sarili mo mag enjoy ka sa buhay huwag kang matakot na gawin ang mga bagay na magpapasaya sa iyo sa pag ibig man o sa paanong paraan ang mahalaga napaligaya mo ang sarili mo ngayon. Lumipas man ang panahon mo tanging mga nakaraan mo ang siyang magpapangiti sa sarili mo kung nakaupo ka na sa katandaan.



IDEA SA PAGSUSULAT



Kung minsan tinatanong natin ang sarili kung paano at ano ba ang aking isusulat dito sa aking blog? Lalo na kung marami ka naring naisusulat pero gusto mo paring magsulat para ma-update mo kahit papaano ang iyong blog.

Nararamdaman ko rin kung ano ang inyong nararamdaman lalo na kung may sarili kang paraan sa pagsusulat at may sarili kang tema sa pagsusulat. Tulad ko inaamin ko dahil may sarili akong tema at batas na sinusunod kung paanong paraan ako magsulat kadalasan ako yung tipo ng nagsusulat na mas gusto kong magsulat ng hindi ako namumulot ng talino ng ibang tao at hindi rin ako mahilig manggaya ng mga sinusulat ng iba dahil ayokong dayain ang sarili kong kaligayahan. Ang lahat ng ito ay ayon lang sa aking paraan at paniniwala, ang isipin natin lahat tayo ay may kanya - kanyang paraan, tema at istilo sa pagsusulat.

Hindi importante kung saan ka pwedeng mag concentrate lang, halimbawa pagluluto lang.
Kahit ano pwede mong isulat, kung ano ang pwede mong ibahagi sa nagbabasa sumasarap ang halo - halo hindi lang sa lamig na taglay nito kungdi sa ibat - ibang halo ng sangkap nito.

Sa post kong ito nais kong ibahagi sa inyo kung saan ba ako kumukuha ng idea, iba naman yung "paraan ng pag susulat" tulad ng naunang sinulat ko na pinamagatan kong PAANO BA ANG MAGSULAT.

Humuhugot ako ng idea sa aking pagsusulat kadalasan ay naa-ayon lang sa kung ano ang mga nagiging obserbasyon ko sa aking mga nakikita o nababasa, mga bagay na minsan nagkakaroon ako ng interesadong isulat kung ano ang aking nakita sa iba na maari kung ibahagi sa inyo o sa mga nagbabasa kung ano ang aking paniniwala kung tama o mali bahala na ang taong humusga at least minsan napapatunayan ko sa sarili ko na.. malikot din pala minsan ang imahinasyon ko at tama rin pala minsan ang mga sinusulat ko.

Kadalasan humuhugot ako ng mga isinusulat ko dito sa pamamagitan ng aking sariling opinion tungkol sa mga usaping napapanahon o sa mga bagay na madalas na pinagtatalunan ng mga tao.

Halimbawa..
1.) Sa mga usaping pang relihiyon. Isinusulat ko kung ano ang nakikita ko sa mga taong nagtatalo-talo dito.

2.) Mga usaping naayon sa kung ano ang tama at mali sa mga paniniwala. Halimbawa isulat mo sa blog mo.. "bakit ang tao madaling maniwala sa mga bagay na totoo kahit hindi napapatunayan".

3.) Mga usaping nauukol sa pulitika.

4.) Mga usaping tungkol sa pag uugali ng tao.

5.) Mga usaping nauukol sa kung ano ang nalalaman mo sa mga bagay na nais mong ibahagi sa iba upang madagdagan ang kanilang kaalaman.

At marami pang iba na nauukol lahat iyan sa iyong pansariling opinion kung ano ang iyong mga masasabi sa mga katauhan nila. Ito ang temang kadalasang isinusulat ko sa aking blog. Dito kasi ako minsan mahilig sa pagbibigayan ng opinion sa iba.

Minsan naman humuhugot ako ng idea sa mga panonood ko sa TV tulad ng "the bothered wife", or "the legal wife". Kadalasan dito nakaka-relate ang mga tao dahil nagiging bahagi na nang ating buhay ang mga ganitong situation sa isang pamilya. Isulat mo kung ano ang nararamdaman mo sa mga nakikita mo at kung ikaw ang nasa ganyang situation. Gawin mo ring bida ang sarili mo sa isusulat mo. Ikaw lahat, kontrabida at bida ikaw lahat para may pagkakataong tanungin mo ang sarili mo para ikaw rin ang makakapagbigay ng siguradong 100% na tamang sagot.


Kung mahilig kang magbasa ng mga magazine, libro o kahit na anong babasahin sigurado makakapulot ka ng mga temang naayon sa iyong panlasa na alam mong makaka-relate din ang ibang tao. Isulat mo kung saan tatakbo ang sarili mong istorya na kasalukuyang kumakalikot sa mapaglaro mong imahinasyon. Isulat mo kung sa paanong paraan ka nagalit o natuwa dahil isang paraan din na gagamitin mo ang sarili mong pakiramdam para magkaroon ng buhay ang iyong mga sinusulat. Ibig sabihin kung paano ka makakarelate iyon din ang isulat mo dahil mas importante minsan sa nagsusulat na gawin mong bida ang sarili sa iyong sinusulat.

Iba - iba din ang hilig ng mga nagsusulat, merong mahilig sa pagluluto, mahilig mag kuwento tungkol sa mga pag travel nila sa ibat - ibang lugar, pag kuwento ng tungkol sa mga magagandang tanawin, pag post ng mga larawan depende lahat yan sa hilig ng manunulat. Pwede mo namang gawin lahat iyan isang idea din yan kung gusto mo lang i-update ang iyong blog.

Isang idea din yung mga bagay na kung ano ang mga nakaraan mo tugkol sa pag-ibig, tungkol sa mga kabiguang naranasan mo, mga kaligayahang naranasan mo noon tungkol sa pag-ibig, mga taong naging first love mo  diyan mo paikutin ang iyong isusulat kung saan ikaw ang naging bida. Kung ano ang naidudulot sa pakiramdam ng isang tao tungkol sa pag ibig masaya man o malungkot.

Mga idea na nauukol sa paaralan noong mula elementary hanggang sa nakatapos ka ng pag aaral, hanggang sa kung ano ang naging resulta ng paghihirap sa iyo ng mga magulang mo, kung paano ka pangaralan sa hinihingi mong laptop na kailangan bilhin mo para meron kang project na ipapakita. Mga tablet na kakailanganin mong bilhin para ipangregalo sa kasintahan mo na magtataka ang iyong mga magulang na ganito na pala kamahal ang mga tablet sa mercury drugs ngayon.

Marami ka pang maiisip na maari mong isulat malawak ang mundo napakaraming bagay na maaring mong sakupin at puntahan kahit gaano man ito kalayo o kalalim, ang lahat ay kayang marating ng iyong mapaglarong imahinasyon na maari mong kapulutan ng idea. Panatilihin mo lang maging malikot ang iyong imahinasyon at panatilihing maging madaldal sa sarili kahit walang kinakausap dahil ang bawat letra ng mga salita na bibitiwan mo sa iyong isipan.. katumbas iyan ng isang patak ng daliri mo sa keyboard ng computer at presto naipasa mo na sa blog ang lahat ng kasaysayang tumatakbo sa iyong isipan.

Sana makatulong ako sa inyo na tulad ko rin noong nag uumpisa palang akong magsulat. Huwag kang makipag-kompitensya sa ibang manunulat dahil mawawalan ka ng ganang magsulat kung may mas magaling sa iyong mag sulat ang isipin mo tulad ka rin nila na nangangailangan ng kasiyahan ng kung ano ang magandang magagawa sa sarili.






Sunday, 4 May 2014

ANO BA ANG PINAGTATALUNAN

Hindi na kaila sa atin ang madalas na pinagtatalunan ay tungkol sa paniniwala. Hindi ko rin tinututulan ang paniniwala ng bawat isa dahil alam kong may kanya - kanya tayong basehan ng katotohanan. (Meron nga ba talagang basehan).

Madalas nating naririnig o napapanood na ang bawat myembro o grupo ng mga religion ay nagtatalo sa mga usaping kanilang pinaglalaban. Mga pinaglalabang katotohanan ayon sa kanilang paniniwala.

Ano nga bang mga usapin? At ano nga ba ang katotohang alam nila?

Mga usaping nauukol na nakasulat sa bibliya?
Mga usaping nauukol sa kung ano ang tunay na katotohanan at kung sino ang tunay na totoo sa kanilang paniniwal?.. na ang bawat isa ay nag aakusa ng hindi daw makatotohanan ang paniniwala ng kabilang panig. Mga taong handang ipaglaban ang alam nilang katotohanan gayung sila mismo ay hindi napatunayan o mapatunayang sila nga ang tunay na may alam ng katotohanang ipinaglalaban nila. Mga pinaglalabang katotohanan na nakabase lang sa sabi - sabi.

Kung purpose ng magkabilang panig ay para akayin sa kabutihan ang iba.. Ano pa ang dapat pagtalunan?

Ano nga ba ang dapat pagtalunan?
Kailangan bang sumapi ako sa inyong samahan o grupo para maakay ninyo ako sa kabutihan?
Kailangan ba na maniwala ako sa inyong paniniwala para maakit ninyo o maakay ninyo ako sa kabutihan?
Kailangan ba magbasa ako ng bibliya para maging mabuti?
Kailangan ba kabisaduhin ko pa ang bawat talata ng bibliya para lang masabing mabuti na akong tao?
Kailangan ba magsimba ako sa inyong simbahan para lang masabing mabuti na akong tao?
Kailangan ba ang bibliya para maging mabuti ang tao?
Kailangan ba ng simbahan para maging mabuti ang tao?

Kung ang paniniwala nating lahat ay ang kasabihang "iisa ang diyos" at "kahit saan ka naroroon pwede kang manalangin".. ano pa ang dapat nating pagtalunan? Ang pagtalunang.. kayo ang totoo? Paano mo patutunayang ikaw ang totoo at hindi sila? Kung ikaw ang totoo paano mo patutunayan na hindi ka babase sa "sabi - sabi" lang.

Tulad sa nauna kong sinulat dito sa mga nakaraan kong post... "Kung ang bibliya nga ay totoong salita ng diyos.. bakit may old testament at new testament at bakit iba - iba ang bersyon ng inyong mga bibliya?

Bakit hindi natin tanungin muna ang ating mga sarili.. "Bakit nga ba ako naniwala na totoo ang lahat ng aking paniniwala kung hindi ko naman talaga napapatunayang totoo?"

Bakit hindi muna natin tanungin ang ating sarili kung "bakit nga ba ako nakikipagtalo sa iba?"

Bakit hindi nating tanungin ang ating sarili na "kailangan nga ba ang lahat ng ito para maging mabuti ako?"

Kung hindi na kailangan.. Bakit pa ako makikipagtalo?

Alam ko at tahasang sinasabi ko sa lahat na nabibilang na ang karamihan sa inyo ng mga sarado ang isip sa mga maling paniniwala. Mga taong takot tumangap ng tunay na katotohan mula sa sinasabi ng iba, mga taong nakabilango sa paniniwala ng mga sinusunod na tao.

Para sa akin..
Ang pag gawa ng kabutihan ay nakadepende sa takbo ng iyong pag - i - isip hindi sa bibliya o sa simbahan o sa mga pari, pastor, o mga kulto o pag sapi sa kahit na anong religion. Kung nagkasala kaman noon sa dati mong kinasasaniban at ngayon ka lang naging mabuti sa bago mong kinasaniban.. Ayaw mo lang tangapin sa iyong sarili na "hindi ka lang nagkaisip ng tama noon at ngayon ka lang nagkaisip na gumawa ng mabuti. Huwag mong ibunton o ipasa sa dati mong relihiyon ang mga kasalanang nagawa mo noon. Ikaw ang gumawa ng kasalanan.. ikaw ang nag desisyon kung bakit nagawa mo ang mga kasalanan mo noon at ikaw din ang nag desisyon ng mga kabutihang nagagawa mo ngayon at ang mga desisyong ginagawa mo ay nakabase lahat sa iyong isip.

Ang paraan ng pagiging mabuti sa mata ng diyos o malapit sa diyos ay hindi nakadepende sa pagbabasa ng mga talata sa bibliya kungdi sa paraang kung paano mo tratuhin ang iyong kapwa at hindi sa paraang kung paano ka makipagtalo sa kapwa.

Anong saysay ang pagbabasa mo ng bibliya kung salbahe ka naman sa kapwa mo tao.
Anong saysay ng iyong madalas na pagsisimba kung salbahe ka naman sa iyong kapwa tao.

Iisa ang layunin nating lahat
Layuning maging mabuti sa kapwa tao

At ang kabutihan... ay hindi nadadaan sa pakikipagtalo.



Friday, 2 May 2014

ANG BUHAY NGA NAMAN

Sabi ng girlfriend ko noon
Mahal na mahal kita, lahat gagawin ko mapatunayan ko lang sa iyo na mahal kita

Talaga?
Oo
Pahalik nalang sa kili-kili
Ayaw ko nga!


Isang araw nasalubong ko isa kong kaibigan.. napansin ko lumaki yung nguso niya sabi niya naduraan daw niya yung punso kaya lumaki nguso niya. Minsan naman nasalubong ko naman yung isang kaibigan ko nakita ko lumaki din yung isang paa niya.. Sabi niya natapakan naman daw niya yung punso kaya lumaki din. Napag isip - isip ko subukan ko din kayang umihi sa punso baka sakali, matagal ko na ring pangarap yan. 

Nag uusap kami ng kumpare ko sa tabi ng CR bigla kaming may narinig na tunog broot, brooot, brot. Nagkatinginan kami ng kausap ko galing sa loob iyon. Maya - maya may lumabas na babae siya yung nanalong beauty contest sa isang bayan. Minsan talaga mahirap din ang kumain ng panis.

Mas mahirap kung nakasakay ka sa jeep tapos naramdaman mo ang laking problema yan halos pawisan ka ng malamig. Minsan nasa isang station ako ng bus eto tumawag nanaman si kalikasan ano pang gagawin mo di CR nanaman ang distination mo kaso wala palang tabo kailangang - kailangan ko pa naman ngayong patapos na buti nalang kamo may dala akong yakult. Mahirap din palang gamitin yung yakult noh?
ang daming buhus binilang ko nga lahat yung salok ko halos umabot sa isang daan dami kasing sablay, mas marami sigurong buhus lalo kung babae. Galit na nga yung kasunod ko sa tagal ko sa loob hindi ko na nga binuhusan di lalo na akong inabot ng isang lingo sa loob.

Wala ka nga talagang pagpipilian basta tumawag ang kalikasan, hindi ka na pwedeng mamili tulad nung bumisita ako sa hospital ang itinuro sa akin nung nurs walang ilaw sa loob. Pero meron pa raw isang hindi nila ginagamit kasi walang pintuan pero may ilaw.. Palagay ko pwede na iyon ang mahalaga may ilaw kaysa wala. Naka-upo na ako kasalukuyan akong nag le-labor napatingin ako sa itaas nabasa ko morgue, sus! hindi pa ako tapos! naman, namann, namannnnn!

Minsan malalaman mo kung sino ang umutot sa loob ng FX sigurado kung sino yung tulog iyon ang umutot. 

Pero kung si misis ang kasama mo sa biyahe sigurado alam niya kung ikaw ang umutot kasi kabisado niya eh.. pag tiningnan ka niya ng malalim sigurado ikaw na ang suspect niya.

Minsan naman nakaka-inis Yun bang pakiramdam na.. umalis ka lang sandali para kumuha ng tubig pagbalik mo may nauna ng nakapasok sa loob ng CR, di ba nakakainis yung ganong pakiramdam? Yung ang laki laki ng mga binabayaran mong buwis napupunta lang pala kina senador bong revilla at jingoy estrada.

Kung mahal mo talaga ang isang tao kahit anong galit mo sa kanya hindi mo makuhang pagalitan o pagsabihan ng masakit kasi baka umiyak o baka magtampo, tatahimik ka nalang para wala ng away hindi na lalaki ang gulo. Kimkimin mo nalang ang galit mo sa kanya, tiisin mo nalang ang sama ng loob para walang away. Kahapon tinanong niya Papa ano yung password mo sa facebook? lintekkabuwisitka Bawi - bawi nalang minsan kung may time. Humiram ako ng bike kasama ko si misis sa likod ko naka-angkas may nasalubong ako chiks na naka-miniskirt sinundan ko ng tingin nabanga ko yung basurahan si misis nahulog sa gilid ng daan sa basurahan sa ibaba, humiram pa ako ng hagdanan para makaakyat siya sa itaas kasi mataas, hindi naman ako makababa kasi mataas. Isang lingo na hindi parin ako iniimik.

Minsan naman halos sigawan mo yung nagtitinda sa restaurant "ano ba naman itong ulam nyo walang kalaman - laman!"

Ano ba inorder mo kuya?

buto - buto.

Dati crush na crush ko yung kapitbahay namin pero hindi naman niya ako type.. after ten yrs nagkita kami kinalabit niya ako pero hindi ko nakilala, mukha niya kasi naging syopaw.

Si pareng kulas nasalubong ko galing ng presinto ididimanda niya yung nakabundol sa kanya nag hit & run. " Sir, nabundol po ako ng tricykle..

Nakuha mo ba yung plate number?
Hindi po sir kasi nakatakbo kaagad.

Nakilala mo ba yung kulay ng tricykle?
Hindi po sir kasi medyo madilim doon sa lugar.

Namukhaan mo ba yung driver?
Hindi po sir kasi nakatalikod.

O.. ano pang ginagawa mo dito?

Sabi ni misis Papa kilawin mo nga itong baboy..
Sige,
naparami ko ng suka medyo maasim Naparami ko rin ng asin maalat na, nilagyan ko ng tubig para mawala yung asim at alat niya, parang pangit tingnan kasi nagkaroon ng sabay. Niluto ko nalang ng paksiw para bumagay yung asim niya kaso sigurado magagalit si misis kasi ngayon lang siya nakakita ng baboy na pinaksiw. Niluto ko nalang na adobo para toyo nalang ang ilalagay ko. May kumatok sa pintuan tatlong dalaga at isang lalaki mga born again christian pala magbabahagi lang daw sila ng konting aral ng diyos nakalimutan ko na yung niluluto ko natuyuan na buti naagapan ko pa kaso medyo umitim yung baboy pinirito ko nalang yung baboy kasi parating na si misis. Nilagay ko na sa lamesa Mamili nalang siya kung anong gusto niya Kilawin o paksiw o adobo o prito Andyan na lahat.
Photobucket