1
MAY KULANG SA AKING NAKARAAN
Isang lalaki na nasa edad sixty five ang aking naka-usap, parang nagkaroon
ako ng interes kausapin ang ganong edad. Alam ko hindi ito makakasakay sa
mga topic na pwede kong ikuwento sa kanya dahil sa agwat ng edad namin.
Maaring wala siyang panahong makinig ano man ang pwede kong ikuwento
sa kanya, minabuti ko nalang na siya ang interbyuhin ko, sigurado akong
maraming ikukuwento ito sa mga nakalipas niyang ala-ala.
Inisip ko.. Sa huling yugto ng buhay niya hinayaan ko na lang siyang magkuwento tutal malapit narin siyang mamatay, pinaramdam ko nalang sa kanya na may tao pa namang gusto siyang kausap at ako nga iyon.
Sa kalagitnaan ng kuwentuhan namin, tinanong ko siya.
Lolo, siguro ang dami ninyong mga masasayang ala-ala nuong kalakasan nyo pa noh?
Biglang napansin ko para siyang nalungkot.
Lolo, bakit para kayong nalungkot sa tanong ko?
Alam mo anak, bigyan mo ako ng panahon mo para mailabas ko kung anong dahilan at malungkot ako.
Masasabi kong malungkot ako dahil kulang ang nakaraan ko, parang.. may mga bagay pa akong hindi ko nagawa noon na gusto kong gawin ngayon ngunit hindi na mangyayari dahil andito na ako sa edad na ganito.
Parang nagkaroon ako lalo ng interes para ipagpatuloy ko ang pakikinig ko kay lolo.
Ano po ba iyon?
Nuong kalakasan ko pa.. wala ako ni isang bisyo, hindi ako naninigarilyo, hindi ako umiinom ng alak, hindi ako masyadong nakikibarkada. Nakokontento na ako sa trabaho, bahay, trabaho, bahay. Sa ganyan lang lagi umiikot ang buhay ko. Pati pag-ibig kinalimutan ko na dahil kontento narin ako sa lola mo. Totoo mahal na mahal ko asawa ko kaya nga hindi na ako tumingin o nagmahal pa ng iba kahit may tao akong gusto kong mahalin noon. Alam mo naman ang tao, hanggat may buhay hindi naaalis ang magmahal ng magmahal. Pero.. dahil ayaw ko din magkasala sa asawa ko sinarado ko na ang puso ko sa iba. Totoo, masarap ang mabuhay. Kaya nga yan ang dahilan kaya nakakaramdam ako ng lungkot ngayon dahil sa edad kong ito halos wala akong iniisip na nakaraan ko, wala akong maisip na masasayang araw ko noon. Nagkakasya nalang ako kung ano ang nakikita ng mga mata ko ngayon yon nalang ang pinag iisipan ko. Pero.. ang isipin ko ang mga nakalipas ko halos wala akong maisip na masasayang nakaraan ko. Sa ganitong edad ko tanging isip nalang ang malakas sa akin wala pa akong maisip na nakalipas ko. Hindi ko makuhang ngumiti man lang sa ngayon.
Dumating na ang oras ng paghihiwalay namin ni lolo, nagpaalam na ako sa kanya. Pinag isipan kong mabuti ang mga ikinumpisal niya sa akin. Nauunawaan ko ang ibig niyang iparating sa akin. Sa isang banda may katwiran din ang mga hinaing ni lolo sa akin. Parang ibig niyang iparating sa akin na.. bakit nga naman niya hindi ginawa yung mga bagay na magpapasaya sa kanya nung siya ay bata pa. Bakit nga naman hindi niya nilasap ang sarap ng mabuhay, bakit nga naman niya isinarado ang puso niya gayong ito lang ang tamang panahon o pagkakataon para pag bigyan mo ang puso mong magmahal. Kaya nga tayo binigyan ng puso para makaramdam ng pagmamahal. Bakit mo nga naman pipigilin ang puso mong magmahal gayong pwede ka naman magmahal ng magmahal . Di meron sana siyang iniisip ngayon. Meron sanang gumigitgit sa sulok ng kanyang isipan na masasayang ala-ala niya. Ngayong matanda na siya hindi na niya malalasap ang sarap ng mabuhay. Kahit gustuhin nga naman niyang magmahal muli hindi na niya magagawa dahil mahina na siya. Hindi na siya makaka-dalawa, kamay nga hindi na umubra, makadalawa pa kaya.
Ang huling sinabi sa akin ni lolo
Anak, Hanggat kaya mong gawin ang mga bagay na magpapasaya sa iyo ngayon gawin mo, dahil sa huli sa isip mo nalang sila pwedeng magawa.
Sa pagtanda mo.. meron kang iisiping mag papangiti sa iyo.
Hindi tulad ko
KULANG ANG NAKARAAN KO