Tuesday, 6 December 2016
MARUNONG KA BA MAHIYA
Ang isusulat ko ngayon ay tumutugma din sa nauna ko ng naisulat dito sa aking blog na may titulo na "Kilalanin mo muna ang iyong sarili".
Napakalaking bagay din para sa akin ang pagsusulat, dahil dito ko naisisiwalat ang mga laman ng aking isipan mga bagay na nakikita kong ginagawa ng isang tao. May mga tao din kasing hindi natin pwedeng pagsabihan ng harapan sa mga mali nilang ginagawa para makaiwas sa samaan ng loob iwas nalang at dito ko nalang sasabihin.
Hindi naman ako perpektong tao at alam ko din naman na may nagagawa din minsan akong hindi maganda sa kapwa kung meron man sinisiguro kong hindi ako nanlalamang ng kapwa.
Matagal na akong nakakakita ng mga taong mahilig talaga manglamang ng kapwa. Hindi ko lang talaga alam kung hindi ba talaga nila alam ang kanilang mga ginagawa o baka naman sinasadya na talaga nilang manlamang ng kapwa. Pero kung ako ang tatanungin may mga tao naman talagang mapanlamang ng kapwa.
Maaring sabihin natin na maliit lang naman na halaga pero para sa akin hindi iyon ganon, may mga bagay din naman na maliit sa una pero kung madalas nagiging abusado na.
Ganito po.. kayo na ang bahalang mag-isip.
Ang totoo marami talagang ganitong tao, mga abusadong tao, mga mapagsamantala sa kahinaan at kabaitan ng kapwa. Yun bang habang pinagbibigyan mo sila lalong umaabuso. Hindi ko na nga alam kung anong klaseng mga ugali meron ang mga taong ito kung mga abusado lang ba o mga mapagsamantala lang talaga o talagang magugulang na talaga. Bwisit!
Tungkol ito sa bisyo nating paninigarilyo.
May mga nakasama na ba kayong mga taong palahingi ng sigarilyo? Maaring may kilala na kayong ganyang tao ang tawag ng iba diyan "BURAOT".
May mga taong nagsasabi na titigilan na raw nila ang kanilang paninigarilyo pero ang nangyayari yung pagbili pala nila ng sigarilyo ang natigil at hindi yung paninigarilyo hingi nalang sila ng hingi.
May alam din akong mga taong itinatago ang sarili nilang sigarilyo at kung makakahingi nanghihingi muna.
May mga tao din na international ang brand ng sigarilyo yung kahit anong meron yung mahihingan menthol man o filter iyon din ang sinisigarilyo ang mahalaga makahingi.
Meron din yung taong galing na nga sa labas hindi pa bibili ng sigarilyo tapos pagdating sa loob ng kumpanya hahanap ng mahihingian.
Dito naman sa amin mga regular na nga sa trabaho hindi pa makabili ng sariling sigarilyo kung sino pa yung contractual na mas maliit ang sahod siya pa ang madalas na hinihingian ng sigarilyo. Yung ibang regular din sa trabaho naman nakatago lang sa drawer yung sigarilyo hingi rin ng hingi ng sigarilyo.
Alam na nga nilang may bisyo silang paninigarilyo ayaw nilang bumili ng sarili nilang sigarilyo at umaasa nalang lagi sa hingi. Ang masakit ang bisyo nilang paninigarilyo iba pa ang sumasagot. Bakit hindi nalang nila tigilan ang kanilang bisyo kung hindi rin lang naman nila kayang sustentuhan ang kanilang bisyo at iaasa nalang nila lagi sa iba.
Maaaring ang alam nila hindi na sila napapansin sa ginagawa nila ang hindi nila alam ako at ang kaibigan ko ang nag dadaingan ng mga sama ng loob tungkol sa inyong mga abusadong tao. Kung inaakala ninyong hindi namin kayo napupuna sa ginagawa ninyo "YON ANG AKALA NINYO" sana mabasa ninyo itong blog ko para malaman ninyo na hindi na natutuwa ang mga taong inaabuso ninyo pagtalikod na pagtalikod palang ninyo minumura na kayo! May mga tao lang talaga na hindi makatangi sa inyo iyon naman ang sinasamantala ninyo. Hindi lang ako makapagsalita sa inyo dahil hindi kayo sa akin nanghihingi ng sigarilyo dahil alam na ninyo na wala kayong mahihingi sa akin.
Eto ang masakit at talagang napakasakit at nakakabwisit...
Isang regular ang katatangap pa lang ng mahigit sa 16,000 na 13 month pay kahapon tapos kangina nanghihingi nanaman ng sigarilyo. Diyos ko po! Isang kahang sigarilyo hindi makabili bwisit! Alam nyo bang muntik ko ng hindi makontrol ang aking sarili? Ang tagal naming nagkatinginan ng aking kasama at alam kong alam na alam ng kasama ko kung ano ang tumatakbo sa isipan ko. Pagtalikod at habang papalayo nung tao hindi humihiwalay ang aking paningin sa kanya at sabay na bumubuka ang aking bibig ng pabulong sabay balik ng mata ko sa kasama ko. Alam ko nabasa ng kasama ko ang palihim na naging reaction ko sa taong nanghingi ng sigarilyo.
Kaya napilitan na akong isulat dito ang tungkol sa inyong mga abusado at sana mabasa ninyo ito kung hindi man kayo matama-tamaan ng kidlat sigurado dito baka sakali tamaan kayo!
Sinasamantala ninyo ang kababaan ng isang tao, sinasamantala at inaabuso na talaga ninyo ang kabaitan ng isang tao. Alam ko hindi masakit ang isang stick lang na sigarilyo ang nahingi ninyo.. Ang masakit ay kung bakit may mga taong tulad ninyo na said na talaga ang ugaling pagiging abusado at mapagsamantalang tao ninyo.
Iniisip ninyo siguro na hindi napapansin ang ginagawa ninyong palaging humihingi ng sigarilyo ng mga taong nasa paligid ninyo o kaya iniisip ninyo na walang nakakahalata sa mga ginagawa ninyo kaya patuloy at patuloy kayong nanamantala sa inyong kapwa. Palagay ko nga na ang alam ninyo ay hindi kayo nahahalata sa pagiging abusado ninyo dahil walang mga taong sumisita sa ginagawa ninyo.
Nagtataka lang ako...
Talaga bang hindi ninyo alam ang inyong mga ginagawa? o talagang sinasadya ninyong manglamang ng kapwa?
Hindi nyo rin ba alam na nagiging abusado na kayo?
Hindi ba ninyo alam na mali ang inyong mga ginagawa? Yung palagi nalang kayong hingi ng hingi ng sigarilyo.
Hindi nyo ba kayang bumili ng isang kahang sigarilyo?
Hindi ba kayo naaawa sa taong lagi ninyong ginagatasan ng sigarilyo ninyo?
Hindi nyo ba kayang tumigil sa kahihingi ng sigarilyo?
Hindi ba kayo marunong mag isip?
Palagay ko nga dahil hindi ninyo naiisip na masyado na kayong abusado. Hindi nyo rin naiisip na may nakakahalata na sa inyo sa palagiang paghingi ninyo ng sigarilyo o maari rin naman na alam nyo ng may nakakahalata na sa ginagawa ninyo pero.. patapangan nalang talaga ng apog noh?
Kaibigan...
Maaaring sabihin mo sa akin na maliit lang na bagay ang sigarilyo para umabot pa tayo sa hindi magandang pagkakaunawaan. Alam ko maliit lang na bagay lang yan pero.. alam mo ba simpleng bagay lang pero hindi pa natin mabili. Ang nais ko lang naman na ipaalam sa inyo na masyado na tayong nagiging mapagsamantala sa kahihingi at hindi narin maganda ang nagiging imahe natin sa iba. Lagi sana nating iisipin na pare-parehas lang naman na may trabaho, pare-parehas din tayong nangangailangan ng sigarilyo. Bumibili kami ng sigarilyo dahil kailangan ng sarili namin dapat bumili din naman kayo ng sarili ninyo. Para sa akin napakapangit namang tingnan na iasa pa natin sa ibang tao ang bisyo natin. Minsan hinihintay lang naman namin ang panahon na magkukusa din kayong titigil sa kahihingi pero parang hindi na darating ang panahon na maiisipan ninyong mali ang ginagawa ninyo. Palagay ko ito na ang panahon para marinig narin ninyo ang aming mga reaction sa inyong mga ginagawa.
Simple lang kaibigan.. Kung hindi natin kayang sustentuhan ang ating bisyo mas makabubuting itigil nalang natin ang ating bisyo.
Alam mo ba na kahit na anong gandang lalaki natin nawawala pati ang respeto at paghanga ay kasabay ding nawawala kapag napalitan ng imaheng hindi maganda.
Tulad ko.. Sa mga kasamahan ko sa trabaho alam kong napapansin ninyo na nagiging mailap ako sa inyo gustuhin ko mang maging malapit ako sa inyo pero hindi ko magawa, gustuhin ko mang maging kaibigan ko kayo pero hindi ko magawa, gustuhin ko mang makipagkwentuhan sa inyo pero hindi ko rin magawa. Umiiwas lang talaga ako hindi dahil ayokong magbigay ng sigarilyo, umiiwas ako dahil ayokong pati ako mabibiktima ng mga abusadong tao.
Di bale nang tamad basta marunong ka lang mahiya.
Tuesday, 29 November 2016
NAKARAAN
Gusto ko lang mag react tungkol dito.. Ayoko ko lang mapahiya yung tao kaya dito ko nalang isusulat ang opinion ko,
Ayon sa taong nagsalita.. " Ang nakaraan ay hindi ko na binabalikan, ano man ang problemang kinakaharap ko ngayon ay aking haharapin na may tatag, dahil ang pagiging matatag ay ang paghamon at pagharap sa mga hinaharap".
Hindi ko alam kung ano ang pakahulugan nung tao sa salitang "binabalikan". Maaring ang kahulugan niya ay ang pag alala sa nakaraan o isipin lagi ang nakaraan.
Pero para sa akin mali ang gamitin ang salitang "binabalikan" dahil wala namang sino mang tao ang nakababalik sa nakaraan at wala din taong hindi makaalala sa nakaraan. Ang nakaraan ay inaalala at hindi nababalikan.
Ganon pa man nais ko na ring itama ang ganyang paniniwala na ang "pagiging matatag daw ay base sa paghamon sa hinaharap. Ang pagiging matatag ay resulta po ng nakaraan at hindi ng hinaharap.
Para sa akin.. Ang mga nakaraan ay kailangan din nating inaalala dahil dito natin nakita ang ating mga pagkakamali. Ang mga nakaraan ay kailangang hindi natin winawaglit sa ating isipan upang sa mga darating na mga araw ay hindi ka na muling luluha sa parehas na dahilan. Ang ating mga nakaraan ang ating magiging gabay upang hindi na muling magkamali at ang nakaraan ang nagturo sa atin upang matutong maging matatag sa mga hinaharap.
Maaring marami sa atin ang hindi nakakaalam na ang lahat ng nasa buhay natin ngayon kasama ng lahat ng iyong talino at kaalaman ay bunga lahat ng iyong nakaraan. Pag masdam mo ang iyong sarili.. yan ang resulta ng iyong nakaraan. Nandiyan ka ngayon sa kinakatayuan mo yan ay bunga ng lahat ng nagawa mong mga desisyon. Kung hindi mo aalalahanin ang iyong mga nakaraan hindi mo rin maaalala ang mga mali at tama mong nagawa, hindi mo maipapaliwanag ng tama sa mga batang ngayon pa lamang nila tatahakin ang mga daang nadaanan mo na. Kaya mahalaga din na lagi nating alalahanin ang mga nakaraan dahil yan naman ang magiging gabay ng mga batang ayaw mong maligaw ng landas.
Sabi nga... Kung gusto mong makita ang iyong nakaraan, tingnan mo ang iyong sarili ngayon yan ang resulta ng iyong nakaraan at kung gusto mo namang malaman ang iyong hinaharap, tingnan mo din ang sarili mo ngayon nakikinita mo na ang kung ano ang iyong hinaharap.
Thursday, 20 October 2016
LOVE YOURSELF
Madalas kong naririnig sa mga tao ang pangunahing ina-advise nila sa mga kaibigan na nakakaranas ng mga problema ang salitang "love yourself". Kahit dito sa net madalas din akong nakakabasa ng mga ganyang payo.
Sinubukan ko silang tanungin kung sa realidad paano mo mamahalin ang iyong sarili? Wala naman silang maisagot.
Paano maipapaliwanag ang salitang.. "mahalin mo muna ang iyong sarili".
Ganito po..
Merong magkasintahan, madalas silang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan, kadalasan sinasaktan ang damdamin ng babae, madalas pinapaiyak ng lalaki ang kanyang kasintahan. Dahil sa laki ng pagmamahal ng babae sa lalaki handa niyang tiisin ang lahat ng pasakit na dulot sa kanya ng lalaki. Ano mang hirap at sakit ang nararanasan ng babae sa piling ng lalaki ay kanyang pinagtitiisan, kahit pa saktan ng lalaki ang buong pagkatao ng babae ay kanyang titiisin alang - alang sa pagmamahal niya sa lalaki.
Lumalabas na mas mahal ng babae ang ibang tao kaysa sa kanyang sarili, kahit na napapabayaan na niya ang kanyang sarili alang - alang sa pagmamahal niya sa ibang tao. Mas inuuna niyang mahalin ang ibang tao kaysa sa kanyang sarili.
Sabi nga sa tanong ko sa itaas.. "Sa paanong paraan mo mamahalin ang iyong sarili"?
Huwag mong hayaan na lagi kang pinapaiyak, huwag mo hayaang ikaw lagi ang sinasaktan, huwag mong hayaan na ikaw lagi ang nagtitiis at huwag mong hayaang ikaw nalang lagi ang lumuluha. Kung uunahin mong mahalin ang iyong sarili kaylan man hindi mo dadanasin ang laging sinasaktan at pinaluluha.
LONG DISTANCE RELATIONSHIP
Walang kamatayang usapin ito kahit saang umpukan lalo na dito sa internet o sa facebook.
Marami ang mga nagtatanong tungkol sa long distance relationship kung ano ang magandang gawin upang maging matibay ang pagmamahalan ng dalawang magkasintahan o mag-asawa na milya-milya ang pagitan.
Dati narin akong ofw at nakaranas din ng long distance relationship. Sa aking asawa o sabihin na nating nagkaroon din ako ng kasintahan sa ibang bansa.
Wala naman talagang matibay na sandata o matibay na relasyon kapag ang isa ay gusto talagang magloko depende lang talaga sa ugali ng tao. Mga taong walang iniisip kungdi ang sarili lamang kahit pa magkaloko-loko ang buhay ng pamilya.
Ayon sa naging karanasan ko, totoong mahirap labanan ang maging malayo sa isa't-isa, marami ang hindi nagkakatuluyan, yung iba naman hindi tumatagal bilang magkasintahan.
Bakit nga kaya?
Pagmamahal? Oo kailangan talaga ang pagmamahal sa isa't - isa. Pero hindi ako naniniwala na kailangan ng "pagtitiwala" sa isa't - isa. Sabihin na nating may tiwala ka nga sa kanya kung talagang gusto na niyang layuan ka wala kang magagawa dahil hindi kayang hadlangan ng tiwala mo ang lahat ng gusto niyang gawin.
Ano mang maging problema ng mag asawa andiyan lagi ang pag unawa ng isa't-isa ano man ang sabihing dahilan ng isa kahit puro kasinungalingan na ang dinadahilan ng isa ay andon parin ang magandang pagsasama nilang dalawa.
Dito tayo sa kalagayan ng magkasintahan pa lamang..
Sa magkasintahan ang long distance relationship ang pinakamahirap sa lahat, maraming mga magkasintahan ang nagkakahiwalay at nasisira dito. Depende na lamang kung ang magkasintahan ay malalim na ang pinagsamahan at may tunay na pagmamahalan sa isa't-isa. Mahirap ng paghiwalayin ng landas kahit pa sila makaranas ng long distance relationship dahil kilala na nila ang ugali ng bawat isa, di katulad ng bago-bago pa lang sila naging magkasintahan tapos magkakalayo sa isa't-isa, lalo na yung sa net lang nagkakilala at sa net din nabuo ang pagmamahalan yan ang madaling wasakin ng long distance relationship.
Sa dalawang magkasintahan na magkalayo ng lugar importante ang pakikipag-usap.
Ang ganda ng pakikipag-usap ang pinakamabisang sandata para hindi ka hiwalayan ng iyong kasintahan na nasa malayong lugar. Kailangan "hindi ka boring na kausap" sa telepono man o sa camera kapag kayo ay nag-uusap importante na magkaroon lagi ng buhay ang inyong pag uusap laging may tawanan, may biruan upang hindi ka niya pagsawaang kausap. Kailangan laging may bago kayong pinag usapan, kailangan hindi ka nauubusan ng mga bagay na interesado siyang pag usapan, kailangan may napupulot din siyang magagandang bagay mula sa mga kinukuwento mo dahil sa pamamagitan ng mga binibigkas mo ay unti-unti ka niya nakikilala, unti-unti nakikilala niya ang tunay na pagkatao mo lalo na kung sa net lang kayo nagkakilala at sa net din nabuo ang inyong pagmamahalan.
Mahalagang aspeto ng isang tao ang maganda at masayang kausap sa tulad ninyong nasa malalayong lugar na nakakaranas ng kalungkutan. Makatagpo man siya ng mga bagong kakilala siguradong panandalian lamang ang kanilang pagkakakilala dahil hahanap-hanapin parin niya ang kakaiba mong istilo sa pakikipag-usap kung saan siya nagiging masaya at mas komportable.
Kung hindi nasisiyahan sa pakikipag-usap sa iyo ang iyong kasintahan na nasa malayong lugar mawawalan siya ng oras at obligasyon na kausapin ka sigurado hahanap at hahanap siya ng taong masayang kausap.
Sa long distance relationship tanging pakikipag usap lamang nakasalalay at siyang magbibigkis at magpapatatag ng inyong pagmamahalan.
Kung sa pakikipag usap napapasaya mo ang iyong kasintahan na nasa malayong lugar diyan uusbong ang kanyang pagmamahal daan para lagi siyang maglaan ng oras at obligasyong kausapin ka.
Friday, 24 June 2016
PAANO MAG TIPID
Marami narin akong napagtanungan, mga taong sanay sa pagtitipid at ayon sa kanila maraming paraan kung paano makakapagtipid.
Unang - una kailangan desidido ka daw talagang mag tipid, kailangan din daw na marunong kang mag budget ng lahat ng pangangailangan sa araw - araw at lagi ang dumaan sa mga lugar na nakakakita ka ng mga bagay na nakakatuksong bilhin dahil isang bagay na makakasira sa plano mong magtipid.
Iwasan din ang masyadong magarbo sa mga pagkain at matuto tayong maging praktikal sa lahat ng bagay kung anong meron ka pag tsagaan, matuto tayong tangkilikin ang mga bagay kung saan tayo makakamura sa mga gadget man o sa mga kasuotan. Kung makakaiwas iwasan muna ang mga kaibigan o kabarkada andiyan kasi ang mga happenings kung saan mapapasubo kayo sa gastusan, sa pagkain, inom, pamasahe at marami pang mapagkakasunduan ng barkada at iwasan din ang lahat ng mga bagay na nakasanayan sa mga nakalipas na mga araw tulad ng sugal, tong-its, bingo at softdrinks, kung dati ay di ka makakain ng walang softdrinks ngayong kailangan mong mag tipid kailangan matuto ka ng kumain ng walang softdrinks at magtyaga sa tubig nalang. Kung dati ay palalabas ka ng bahay ngayon ay matuto ka naring huwag lumabas at manahimik sa loob ng bahay at ibuhos ang lahat ng oras sa mga gawaing bahay.
Alam nyo.. tama at totoo ang lahat ng ipinayo nila sa akin. Alam nyo ba...? Ginawa ko ang lahat ng naipayo sa akin tungkol sa pagtitipid at totoo po ang laki ng natipid ko sa aking pera at alam po ninyo.. ang laki din ng itinanda ko sa itsura.
Biruin ninyo sa loob ng isang buwan lang na hindi ako lumabas ng bahay at hindi uminom ng softdrinks sa araw-araw, hindi sumasama sa mga happenings ng barkada at umiwas sa inom na dati kong ginagawa, at hindi na rin ako bumibili ng medyo mahal pero masasarap at masusustansyang pagkain . Pagkatapos ng isang buwan napansin ko sa salamin ang dami ko ng uban sa buhok, at nakita ko ang pangangatawan ko lumiit, pati yung buntot ko lumiit din kainis.
Kayo nalang po ang magtipid!
Taga payo nalang din ako.
Monday, 25 April 2016
RESUME NG PAGKATAO KO
WHO AM I
Naniniwala ba kayo na may mga taong hindi nila kilala ang kanilang sarili?
Ang totoo ay wala, walang taong hindi nakakakilala sa kanilang sarili, ang kailangan lang talaga natin ay matuto tayong tumangap ng katotohanan. Likas lang talaga sa tao ang hindi tumatangap ng katotohanan. Kahit alam nilang sinungaling sila pero ayaw nilang tangapin na sinungaling silang tao.
Eto ang resume ng aking pagkatao.
Bilang anak sa aking ama..
Malapit ako sa aking ama, lagi kong ka-kwentuhan ang aking ama, lagi kong kabiruan ang aking ama, hindi ko inaaway ang aking ama at hinding - hindi ko pinagsa-salitaan ng masasakit na salita ang aking ama, mahal ko ang aking ama.
Bilang anak sa aking ina..
Madalas ko kabiruan ang aking ina, hindi ako sumasagot ng pabalang sa aking ina, hindi ko rin pinagsasalitaan ng masasakit na salita ang aking ina, inaamo ko ang aking ina kung siya'y nagagalit o nagtatampo sa akin, mahal ko ang aking ina.
Bilang kapatid sa aking mga kapatid..
Bunso akong kapatid, lima ang mga kapatid kong babae, apat naman kaming mga lalaki. Kasundo ko ang lahat ng kapatid kong babae, ako ang madalas na nagpapatawa sa kanila, kung ako ang nakakaluwag hindi ko sila kayang tiisin at hinding - hindi ko sila kayang pagdamutan, hanggat kaya ko magbigay, nagbibigay ako sa kanila dahil hindi ko rin sila kayang nakikitang umiiyak. Lahat ng naibibigay ko sa iba kong mga kapatid na babae hindi ko na sinisingil sa kanila, dumadating man ang pagkakataon na hindi naiiwasan medyo nagigipit din ako minsan at nakakaramdam ako ng pagtatampo sa kanila pero hindi ko nagagawang magsalita at isumbat sa kanila ang ano mang mga bagay na naibigay ko sa kanila noon. Hindi ko ugali ang humingi ng tulong sa aking mga kapatid, kahit hanggang ngayon kapag bumibisita ako sa kanila gipit man ako hindi ko nagagawang humingi sa kanila kung bigyan ako salamat, kung hindi ok naman, hindi nalang ako umiimik o magsasalita magpapaalam nalang akong uuwi, pero ang hindi nila alam habang ako'y naglalakad papalayo umiiyak ako, tumutulo ang aking mga luha habang akoy naglalakad dahil hindi ko rin maiwasan kaawaan ang aking sarili, inaagapan ko nalang agad na punasan ang aking mga luha upang walang ibang makakita. Kung minsan hindi rin naiiwasan kung nakakaramdam ako ng konting galit sa aking mga kapatid na babae sa hindi rin naiiwasang mga dahilan kahit minsan hindi ko nagagawang sila'y komprontahin, sigawan o awayin, dahil ayokong nagkakaroon kami ng tampuhan. Kahit nasa kanila man ang kasalanan hindi ko parin sila kayang pagalitan o awayin dahil hindi ako ang taong mahilig mang-away ng kapatid. Hanggat kaya kong tumahimik tatahimik ako wag lang kaming magkaroon ng samaan ng loob. Hanggang ngayon ako lang sa mga lalaki ang hindi nagpapakita ng galit sa mga kapatid kong babae. Kahit alam kong may kakayahan at may karapatan din naman akong gawin sa kanila lalo't may kanya-kanya at sarili na kaming buhay, lalo pa't hindi naman sa kanila nangagaling ang aming kinabubuhay kaya kong gawin ang lahat sa kanila pero hindi naman ako katulad ng iba kong kapatid na lalaki.
Sa aking mga kapatid na lalaki, minsan hindi naiiwasang nagkakagalit, nagkakatampuhan at nagkakasagutan din. Pero nararamdaman ko akong bunso ang mas malaki at may malawak na pang uunawa sa kanila, ako ang may malawak na pananaw sa kanila, ako ang mas malalim magsalita sa kanila. Kahit sumasama ang loob ko sa kanila ako ang laging lumalapit para mawala ang aming samaan ng loob, kahit kaya ko rin namang makipagtigasan sa kanila pero nangingibabaw lagi sa akin ang pakikipagkaibigan. Lahat sila malalakas uminom ng alak ako lang ang mahinang uminom.
Bilang ama sa aking mga anak..
Matapang ako sa aking mga anak, mahigpit ako minsan sa aking mga anak, nakakatikim sa akin ang aking mga anak lalo na kung nawawalan sila ng disiplina at pag-galang sa kapatid at sa kanilang ina, sa bawat maling ginagawa binibigyan ko sila ng parusa depende sa kasalanang ginagawa, ngayong malalaki na sila konting salita ko lang takot na sila, tuwing kumakain kami ng agahan, tanghalian o hapunan doon ko isinasabay na pangaralan sila dahil sa aking paniniwala sumasabay ang aking mga pangaral sa mga pagkaing pumapasok sa kanilang katawan at nasisiguro ko na ang mga pangaral ko lang ang tanging naririnig sa oras ng kainan, malayo sa TV o sa alin mang ingay na maaring umagaw sa kanilang attensyon. Madalas kong sinasabi sa kanila ang tama at mali, madalas ko silang pangaralan na may kasamang pakonsyensya pipilitin kong patuluin ang kanilang luha habang nangangaral ako sa kanila. Pilit kong ipakita sa kanila kung anong ugali meron ako upang ako ang magsilbing halimbawa sa kanila.
Awa ng diyos yung bunso ko binata na rin ngayon hindi mapigil sa pagpu - pusoy aba humihingi pa sa akin ng pang taya. (wala narin ako magawa) nakikita kasi sa akin.
Bilang isang asawa..
Mahal ko ang aking asawa, lahat ng parte ng pagmamahal ibinibigay ko sa kanya. Hindi ako nakikipagtaasan ng pride sa kanya, mapagmahal akong asawa, kapag akoy nasa impluwensya ng alak lalo akong nagiging sweet sa kanya, nagpapatugtug ako ng mga mellow music at pilit ko siyang isinasayaw ng sweet. Minsan nagkakagalit man kami pero ako ang laging umuunawa sa kanya may kasalanan man siya o wala ako ang laging sumusuyo sa kanya, hindi - hindi ko siya kayang saktan, sigawan o pagbuhatan ng kamay dahil hindi ko siya kayang nakikitang umiiyak at lalong hindi-hindi ko siya kayang iwan o hiwalayan para lamang sumama sa iba. Minsan hindi man maiwasan dahil lalaki din ako nagkakagusto din ako sa iba pero hanggang doon lang dahil hindi ko siya kayang ipagpalit sa iba. Lahat ng perang kinikita ko sa aking pagtatrabaho iniintriga ko sa kanya (noon iyon), minsan kasi mahigpit humawak ng pera ang aking asawa kaya natuto narin ako magtago ng pang tong - it, isang daan lang naman kung medyo malaki - laki ang naiintriga ko sa kanya malaki na yung dalawang daan iba pa yung legal na pag - hingi ko sa kanya pang laro. he he he
Bilang ako sa mga taong aking nasa paligid..
Pala-kaibigan ako, minsan masaya din akong kausap dahil yan ang alam kong kailangan para mapalapit akong lalo sa aking mga kaibigan. Hindi ako mahilig makipag-away dahil ang laging nasa isipan ko "dapat kaibigan ang hanapin hindi kaaway". Mahalaga sa akin yan dahil walang taong magpa-plano sa iyo ng masama. Mahilig akong magkomento minsan sa mga taong nakikita kong nakakagawa ng mali sa kapwa. Kadalasan may mga nagsasabi sa akin na masakit daw ako magsalita pero sa totoo lang hindi naman talaga ako masakit magsalita ang katotohanan lang ang masakit. Prangka kasi akong tao alam naman natin na minsan masakit tangapin ang katotohanan at masakit makarinig ng katotohanan. Prangka akong magsalita in a nice way, hindi ako mahilig magsalita ng paligoy-ligoy kung nakita kong may nagawa kang mali magsasalita ako ng deretsahan sa tao kung kinakailangan akong magsalita pero kung wala hindi ako nagsasalita dahil alam ko rin naman manahimik, alam ko kung kaylan ako pwedeng magsalita, alam ko rin naman kung saan ako lulugar.
Hindi ako mahilig humingi ng tulong lalo na sa ibang tao, madali akong masaktan kung hindi ako natutulungan kahit alam kong kaya naman akong tulungan pero ni minsan hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob sa mga taong hindi ako natutulungan dahil alam ko naman na "HINDI NILA OBLIGASYON NA TULUNGAN AKO". Hindi ako katulad ng iba na kung hindi mo natutulungan ay sila pa ang may ganang magalit.
Hindi ako basta-basta nagtitiwala sa tao, binabasa ko munang mabuti ang pagkatao bago ako tuluyang magtiwala. Mahirap ang madaling magtiwala kahit matagal na natin silang nakakasama dahil darating ang araw sa hindi naiiwasang pagkakataon oras na magkaroon kayo ng hindi magandang pagkakaunawaan "MAGKAKAROON SILA NG SANDATA NA IPANGLALABAN SA SA AKIN".
Sa paniniwala..
Hindi ako ang taong madaling maniwala sa sabi-sabi lang, naniniwalang totoo kahit hindi napapatunayan. Kahit sa religion hindi ako naniniwala, nakasulat lang at sinabi sa bibliya naniniwala ng totoo.
Karamihan sa mga kasabihan hindi ko pinapaniwalaan. Madalas kong binabasag ang paniniwala ng aking mga nakakausap pero hindi ko sinasabihan na mali ang kanilang mga pahayag o paniniwala upang hindi sila makaramdam ng pagkapahiya. Kung malaman ko naman na ako ang may mali sa mga paniniwala o pahayag hindi ko ugali na ipagpilitan ang alam kong mali.
Marunong akong tumangap ng pagkakamali, kapag nalaman kong may mali sa aking mga paliwanag o paniniwala tumatahimik na ako, hindi ko hilig ipagpilitan ang alam kong mali. Kapag nakagawa ako ng hindi maganda sa iba humihingi agad ako ng sorry.
Mahilig akong mapag-isa, likas sa akin ang mag-isip, mababaw lang ang aking kaligayahan, mas nakakaramdam ako ng kasiyahan kung umiinom ng red horse kahit nag iisa kaysa makipag inuman sa labas na puro kayabangan lang ang aking nakikita at naririnig.
Mahilig akong mamasyal lalo na kung nakamotor pagala-gala kahit saan makarating.
Sa pakikipag-usap sa tao..
Mahilig akong makipagbigayan ng mga kuro - kuro o opinion sa mga bagay na pinag-uusapan, mahilig akong makipag-debate. Pero maayos akong magsalita, maayos akong makipag-usap. Alam ko kung paano makipag-usap sa tao na hindi sila makakaramdam ng galit sa aking mga sinasabi. Kaya kong kontrolin ang aking sarili para maka-iwas sa umiinit na diskusyon. Meron akong sistema sa pakikipag-diskusyon, hindi ko pinipilit na maniwala ang aking mga nakakausap sa aking mga sinasabi ang mahalaga naipahayag ko ang aking mga nalalaman, pagkatapos titigil na ako bahala na sila kung maniniwala o hindi.
Kapag naramdaman ko na mababaw magbigay ng opinion ang aking mga nakaka-usap hindi ko na kinakailangan pang magpaliwanag ng lubusan dahil alam ko naman na hindi rin ako mauunawaan.
Marunong akong makinig sa mga sinasabi o kinukuwento ng aking mga nakakausap pero hindi ako madaling maniwala.
Madali kong maramdaman kung malalim o mababaw ang isip o pananaw ng aking nakakausap hindi ako tumatagal makipag-usap. Hindi rin ako tumatagal makipag-usap kapag naramdaman ko na ang kausap ko ay hindi marunong tumangap ng pagkakamali, yun bang ipagpipilitan parin kahit mali mga taong ayaw magpatalo, lalo na yung mga taong hindi marunong makinig sa kausap ang gusto sila nalang lagi ang pinakikingan.
Sa trabaho...
Hindi ako mahilig makipag-paligsahan sa trabaho man o sa personal, gumawa ka at gagawa din ako pero ang tatakbo sa isipan ko ay hihigitan ko ang ginagawa mo. Hindi ako mahilig makialam sa trabaho ng iba, hindi rin ako mahilig magsalita ng mali ang trabaho ng kasama at manisi ng pagkakamali ng iba dahil alam ko naman na hindi siya perpekto at alam ko rin na kahit ako ay nagkakamali din. Ayokong ibabato rin sa akin ang mga salitang ibinabato ko sa kanila. Hahayaan lang kita sa pagtatrabaho mo, kung gusto niyang diskarte niya ang masunod hahayaan lang kita at hindi ko ipagpipilitan ang diskarte ko dahil oras na pumalpak nasa kanila naman ang kredito.
Hindi ako mapagtanim ng sama ng loob, kung may nagawa sila na hindi maganda sa akin hindi ako nagsasalita hahanapin ko kung saan ang kiliti nila dahil yan lang naman ang tanging daan para mapangiti ko sila at mapalagay ang loob nila sa akin. Yan ang kahulugan ng.. "KAPAG BINATO KA NG BATO, BATUHIN MO NG TINAPAY". Hindi naman mahirap gawin yan.
Creative din ako.. mahilig ako mag isip ng mga bagay na maari kong gawin na ikakasiya ng iba.
Mahilig akong magsulat, ginagawa kong libangan ang pagsusulat.
Mababa akong tao, mababa ang kalooban ko, madali akong maawa sa isang tao, dahil naniniwala ako na ang awa ay pagmamahal, kung hindi ka marunong maawa walang puwang para ikaw ay magmahal. Madalas kung may nadadaanan akong pulubi magbibigay at magbibigay ako, ibinabahagi ko rin sa kanila ang sobra kong kaligayahan. Naniniwala ako na ang kabutihang ibinibigay natin sa tao ay ginagawaran ng kaligayahan at ang ginagawa nating kasalanan ay ginagawaran din ng kaparusahan ng ating dakilang lumikha.
Hanggang ngayon patuloy parin akong nag-a-aral, kadalasan pinag-a-ralan ko ang mga taong nakakaharap ko, pinag-a-aralan ko kung saan ang kanilang mga kiliti upang mapalapit akong lalo sa kanila. Pinag-a-aralan ko kung ano ang kanilang pagkatao upang malaman ko kung dapat ba silang pagkatiwalaan. Pinag-a-aralan ko ang mga salitang may mga magagandang kahulugan na magagamit ko sa pakikisalamuha sa iba.
Ang lahat ng bagay na ginagawa ko ngayon ay bunga ito ng mga natutunan ko sa aking pag-a-aral at ang mga bagay na nakakamit ko ngayon ay resulta ng aking mga ginagawa.

ANG MAHIRAP SA PAGSUSULAT
ANG MAHIRAP SA PAGSUSULAT
Depende po iyan sa kung anong tema ang ating isusulat, merong nagsusulat ng tungkol sa mga bali - balitang kanyang nasasagap sa loob at labas ng bansa, merong nagsusulat na ang tema ay tungkol sa kanyang mga nakaraan o karanasan, meron naman ang tungkol sa negosyo at marami pang iba.
Pero kung ang ating isusulat ay ang katulad ng tema ng mga isinusulat ko ang tungkol sa ugali o pagkatao ng isang tao kasama na ang mga alam kong mga maling paniniwala ng tao ay sadya pong mahirap magsulat.
Kadalasan ang mga sinusulat ko ay ang tungkol sa isang tao, sadyang mahirap kahit iniisip ko na may kalayaan naman tayo na gawin ang lahat ng nais nating gawin o sabihin at may kalayaan tayong ipahayag ang ating mga saloobin. Hindi naman talaga mai-iwasan na merong mga nasasagasaan sa mga isinusulat ko dahil ugali naman talaga ang kadalasang isinusulat ko meron at meron naman talagang matatamaan.
Alam ko noong una palang ng aking pagsusulat ay alam ko na talagang may mga tao akong masasagasaan dahil sa totoo lang may mga tao talagang ganyan. Ang iniisip ko nalang parte lang naman ito ng aking kalayaan, kalayaan sa pagsisiwalat ng aking damdamin. Totoo.. kadalasan sa mga sinusulat ko ay meron naman talaga akong pinatutungkulan kungdi yung mga taong gumagawa o nakakagawa ng hindi tama sa kapwa, mga taong mapanglamang, mga taong abusado, mga taong nagbubulag - bulagan kahit alam naman nila na mali ang kanilang ginagawa. Pero kung hindi ka naman gumagawa ng hindi tama sa kapwa hindi para sa iyo ang aking mga sinusulat. Pero kung nagagalit ka dahil natamaan ka sa aking mga sinusulat.. bakit nila alam na para sa kanila ang aking mga sinusulat?
Kung nalalaman ba natin na may mali tayong nagagawa sa kapwa kailangan ba talaga nating magalit sa mga taong tulad ko na nagsusulat? Hindi ba dapat ang kailangan ay tangapin ang ating mga pagkakamali at ituwid ang ano mang nagagawang mali.
Ito ang isang mahirap sa pagsusulat.. Madalas kahit sa pagsusulat nagkakaroon tayo ng kagalit, nagkakaroon ng kaaway, minsan ang mga tulad ko na nagsusulat ang madalas nagiging masama pa sa mga taong natatamaan.
Hindi naman ako nagmamalinis at hindi ako nagmamagaling o nagmamarunong, may lakas lang talaga ako ng loob na magsulat ng ganito at pumuna ng mga maling ginagawa ng tao dahil alam ko at maipagmalaki na ang mga napupuna ko na maling ginagawa ng iba ay hindi mo mapupuna na ginagawa ko sa iba. Malakas ang loob kong magsulat ng ganito dahil alam ko na hindi para sa akin ang mga sinusulat ko at hindi ako ang unang - unang tinatamaan sa mga sinusulat ko.
Kung ako ay magsusulat para lang magmalinis o magmagaling ang unang - unang magre-react sa mga isinusulat ko ay ang aking asawa at mga anak dahil sila naman talaga ang talagang nakakakilala sa ugalit pagkatao ko. Andyan din sa aking paligid ang aking mga kapitbahay at kamag-anak. Sila ang unang magsasalita ng ganito sa akin...
"Wala kang karapatang magsalita o pumuna ng mga maling ginagawa ng iba, kung ikaw mismo ay gumagawa din ng hindi tama sa kapwa".
"Bago mo punahin ang iba, punahin mo muna ang sarili mo".
"Humarap ka muna sa salamin".
Totoo naman talaga ang kasabihang iyan at masakit para sa akin kung pagsasabihan ako ng ganyan ng aking asawa at mga anak, wala akong mukhang ihaharap sa kanila sa umpisa pa lang titigil na ako sa pagsusulat ng tungkol sa tao.
Kaya.. mahirap man magsulat patuloy at patuloy pa rin akong magsusulat hanggat may lapis at papel akong nahahawakan, hanggat may mali akong nakikita sa aking paligid patuloy akong magsusulat, dito ako nakakadama ng kasiyahan.
Hindi mahalaga sa akin kung may mga taong nagagalit sa akin dahil sa aking mga isinisulat, ang mahalaga sa akin sa pamamagitan ng aking mga isinusulat maaring makikilala din ako ng mga tao na nasa aking paligid, dito masasalamin ang aking pagkatao, dito makikita ang lalim ng aking pag-iisip. Ito rin kasi ang aking paraan para ipaalam sa aking mga anak kung ano ang mga tama at mali sa kanilang mga ginagawa, kung paano mag - isip ang kanilang ama, kung malalim o mababaw ba isipan ng kanilang ama. Para sa akin walang masama kung ipahayag ko ang aking mga saloobin.
Ang unang - unang layunin lang naman talaga ng aking pagsusulat ay para maglibang at para mabigyan ko lang din ng kasiyahan ang aking sarili. Walang akong ibang hangad kungdi ang isulat ang lahat ng nais sabihin, ipaalam ang mga nais ipaalam at iparating ang lahat ng mga nais iparating. Isipin lang sana natin na tulad din ninyo ako ng naghahanap ng mapaglilibangan at itong pagsusulat ang napili kong mapaglilibangan.

ELECTION
MATALINONG BOTANTE
Panahon nanaman ng election, botohan nanaman at syempre marami nanaman ang kikita ng pera. Marami nanamang naglalabasang mga salita at mga opinion.
Kapag panahon ng election pangkaraniwan ko ng naririnig ang "bayaran nanaman ng boto", mga pulitikong nagpapakalat ng pera, mga botanteng nag-i-isip nanaman kung saan at sinong pulitiko ang magpapakalat ng pera. Para sa akin tumangap man ng pera ang isang tao hindi ko iisipin na pinagbibili na niya ang kanyang boto, grasya na yan at hindi pwedeng tangihan. Kung tangihan ba ng isang tao ang grsyang lumalapit sa kanya ay masasabi na bang matalino na siyang botante dahil hindi niya ipinagbili ang kanyang boto? Ganyan ako noon pero ang nangyari nakulong ang taong sa pagkakaalam ko na karapat-dapat at may kakayahang mamuno dahil sa taas ng pinag aralan. Palagay ko hindi ako nag iisa sa pagpili sa kanila, katunayan milyon kaming bumoto sa kanila. Lumalabas na naging bobo rin pala kaming lahat.
Paano at ano ba ang batayan para maging matalino sa pag pili ng isang kandidato?
Kaylan lang may narinig nanaman ako sa TV na kailangan maging matalino na tayo sa pagpili ng mga taong ilalagay natin para manungkulan sa ating gobyerno. Maging mapanuri, maging maingat, suriing mabuti ang ating ihahalal.
Alam ko wala namang masama sa ganyang payo. Pero para sa aking pananaw "NON SENSE" ang ganyang payo.
Bakit?
Para sa akin.. Ayon sa mga nakita ko na sa mga nakalipas hindi na kailangan ang talino sa pagpili ng nararapat na kandidato dahil hindi natin saklaw ang isipan ng bawat isa, hindi natin saklaw ang isipan ng mga pulitiko, hindi natin alam kung ano ang takbo ng isipan ng mga kandidato, hindi natin alam kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo o nagsisinungaling lang, hindi natin alam kung ano ang mga binabalak ng isang kandidato kung siya ay naka-upo na. Hindi rin basehan ang taas ng pinag aralan ng isang mahusay na kandidato, hindi rin basehan kung magnanakaw o hindi.
Ang kailangan lang ay ang taong may kakayahang mai-angat ang antas ng ating pamumuhay yan ang hindi natin kayang piliin kung sino sa mga pulitiko ang may taglay ng ganyang kakayahan.
Ang pagpili ng tamang kandidato ay parang isang larong basketball lang o sabong ng manok hindi mo alam kung sino ang pipiliin mong mananalo, ang lahat ng laban ay nakadepende sa isipan ng isang manlalaro kung paano nila pagbubutihin ang kanilang laro. Pagkatapos ng laro doon mo lang malalaman kung tama o mali ka sa pinili mong tao.
Hindi natin kailangan ang kandidatong may mataas na pinag aralan, hindi natin kailangan ang kandidatong mabait, kandidatong magnanakaw, kandidatong maraming alam o walang alam ang kailangan natin ay ang kandidatong kung paano niya paangatin ang bansang pilipinas, kung paano niya paangatin ang antas ng ating pamumuhay kahit hindi na gaanong mayaman makamit lang natin ang matiwasay na pamumuhay madaling makahanap ng hanapbuhay upang may mapagkunan ng makakain sa araw - araw. Yan ang mahirap hanapin at hindi yan nakadepende sa talino.
Hindi natin kailangan o gawing sandata ang talino sa pagpili ng kandidato sa darating na election, ang kailangan nating gawing sandata ay ang magdasal at manalangin na sana ang susunod na mapipiling maging presidente ay yung hahango sa ating kahirapan.
Paano kung ang isang botanteng nakapili ng isang kandidato na nakahango sa ating kahirapan at nagpataas ng antas ng ating pamumuhay ay isang elementary graduate lamang, matatangap ba ng isang engineer graduate na mas matalinong botante sila kaysa sa kanya?

Subscribe to:
Posts (Atom)