Tuesday, 29 November 2016
NAKARAAN
Gusto ko lang mag react tungkol dito.. Ayoko ko lang mapahiya yung tao kaya dito ko nalang isusulat ang opinion ko,
Ayon sa taong nagsalita.. " Ang nakaraan ay hindi ko na binabalikan, ano man ang problemang kinakaharap ko ngayon ay aking haharapin na may tatag, dahil ang pagiging matatag ay ang paghamon at pagharap sa mga hinaharap".
Hindi ko alam kung ano ang pakahulugan nung tao sa salitang "binabalikan". Maaring ang kahulugan niya ay ang pag alala sa nakaraan o isipin lagi ang nakaraan.
Pero para sa akin mali ang gamitin ang salitang "binabalikan" dahil wala namang sino mang tao ang nakababalik sa nakaraan at wala din taong hindi makaalala sa nakaraan. Ang nakaraan ay inaalala at hindi nababalikan.
Ganon pa man nais ko na ring itama ang ganyang paniniwala na ang "pagiging matatag daw ay base sa paghamon sa hinaharap. Ang pagiging matatag ay resulta po ng nakaraan at hindi ng hinaharap.
Para sa akin.. Ang mga nakaraan ay kailangan din nating inaalala dahil dito natin nakita ang ating mga pagkakamali. Ang mga nakaraan ay kailangang hindi natin winawaglit sa ating isipan upang sa mga darating na mga araw ay hindi ka na muling luluha sa parehas na dahilan. Ang ating mga nakaraan ang ating magiging gabay upang hindi na muling magkamali at ang nakaraan ang nagturo sa atin upang matutong maging matatag sa mga hinaharap.
Maaring marami sa atin ang hindi nakakaalam na ang lahat ng nasa buhay natin ngayon kasama ng lahat ng iyong talino at kaalaman ay bunga lahat ng iyong nakaraan. Pag masdam mo ang iyong sarili.. yan ang resulta ng iyong nakaraan. Nandiyan ka ngayon sa kinakatayuan mo yan ay bunga ng lahat ng nagawa mong mga desisyon. Kung hindi mo aalalahanin ang iyong mga nakaraan hindi mo rin maaalala ang mga mali at tama mong nagawa, hindi mo maipapaliwanag ng tama sa mga batang ngayon pa lamang nila tatahakin ang mga daang nadaanan mo na. Kaya mahalaga din na lagi nating alalahanin ang mga nakaraan dahil yan naman ang magiging gabay ng mga batang ayaw mong maligaw ng landas.
Sabi nga... Kung gusto mong makita ang iyong nakaraan, tingnan mo ang iyong sarili ngayon yan ang resulta ng iyong nakaraan at kung gusto mo namang malaman ang iyong hinaharap, tingnan mo din ang sarili mo ngayon nakikinita mo na ang kung ano ang iyong hinaharap.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Tama Sir....
Salamat kabayan sa pagbisita at sa comment
Post a Comment