Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Thursday, 20 October 2016

LOVE YOURSELF



Madalas  kong  naririnig  sa  mga  tao  ang  pangunahing  ina-advise  nila  sa  mga  kaibigan  na  nakakaranas  ng  mga  problema  ang  salitang  "love yourself".  Kahit  dito  sa  net  madalas  din  akong  nakakabasa  ng  mga  ganyang   payo.

Sinubukan  ko  silang  tanungin  kung  sa  realidad  paano  mo  mamahalin  ang  iyong  sarili?  Wala  naman  silang  maisagot.

Paano  maipapaliwanag  ang  salitang.. "mahalin  mo  muna  ang  iyong  sarili".

Ganito  po..

Merong  magkasintahan, madalas  silang  nagkakaroon  ng  hindi  pagkakaunawaan,  kadalasan  sinasaktan  ang  damdamin  ng  babae,  madalas  pinapaiyak  ng  lalaki  ang  kanyang  kasintahan.  Dahil  sa  laki  ng  pagmamahal  ng  babae  sa  lalaki  handa  niyang  tiisin  ang  lahat  ng  pasakit  na  dulot  sa  kanya  ng  lalaki.  Ano  mang  hirap  at  sakit  ang  nararanasan  ng  babae  sa  piling  ng  lalaki  ay  kanyang  pinagtitiisan,  kahit  pa  saktan  ng  lalaki  ang  buong  pagkatao  ng  babae  ay  kanyang  titiisin alang - alang  sa  pagmamahal  niya  sa  lalaki.

Lumalabas  na  mas  mahal  ng  babae  ang  ibang  tao  kaysa  sa  kanyang  sarili,  kahit  na  napapabayaan  na  niya  ang  kanyang  sarili  alang - alang  sa  pagmamahal  niya  sa  ibang  tao.  Mas  inuuna  niyang  mahalin  ang  ibang  tao  kaysa  sa  kanyang  sarili.

Sabi  nga  sa  tanong  ko  sa  itaas.. "Sa  paanong  paraan  mo  mamahalin  ang  iyong  sarili"?

Huwag  mong  hayaan  na  lagi  kang  pinapaiyak,  huwag  mo  hayaang  ikaw  lagi  ang  sinasaktan,  huwag  mong  hayaan  na  ikaw  lagi  ang  nagtitiis  at  huwag  mong  hayaang  ikaw  nalang  lagi  ang  lumuluha.  Kung  uunahin  mong  mahalin  ang  iyong  sarili  kaylan  man  hindi  mo  dadanasin  ang  laging  sinasaktan  at  pinaluluha.

No comments:

Photobucket