Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Monday, 31 October 2011

DIVORCE

Nais kong ibahagi ang kakarampot kong nalalaman ukol dito sa matagal ng pinag uusapan nating mga pilipino ang diborsyo. Kung ako ang tatanungin.. Ayokong isabatas ang diborsyo dito sa pilipinas? Hindi ako pabor dito.

Bakit?

Dahil ang unang - unang maaapektuhan nito ay mga kababaihan, mga kababa ihan dahil mahihirapan na silang buhayin ang kanyang anak. Ang pangalawang maapektuhan nito ay ang mga bata dahil mapipilitan na silang iwanan ng kanilang ina dahil obligado na ang mga kababaihan na humanap ng hanapbuhay upang meron siyang ibubuhay at ipapaaral sa kaniyang mga anak. Kahit sabihin pa nating magbibigay ng sustento ang kanilang ama gasino na lang ang kayang isustento ng isang ama. Baka pagdating pa ng araw matigil narin ang binibigay na sustento lalo't kung wala narin siyang trabaho. May mga nagsasabi bakit sa ibang bansa pinatutupad ito.. kung ihahalimbawa ko sa bansang korea hindi problema sa korea ang humanap ng mapapasukan dahil dito sa korea ay gobyerno ang nagbibigay ng trabaho sa tao. Kahit wala kang pinag aralan bibigyan ka ng trabaho, kahit nasa edad 35 or 60 ka bibigyan ka pa rin ng trabaho hanggat kaya mong mag trabaho. Paano kung sa pinas ito ipatupad ang diborsyo.. Paano na ang mga babaeng nasa edad 35 pataas? Sino pa ang kompanyang tatangap sa kanila? Ang katwiran ng ibang pabor sa diborsyo pwede naman daw mag abroad ang babae.. Paano kung walang yaman ang pamilya ng babae paano siya makapag abroad? Paano kung nasa edad 40 na iyong babae? sino pa tatangap sa kanila eh samantalang ultimong POEA halos ayaw mag paalis ng nasa edad 35 pataas. Kung halimbawang pinalad na makaalis ang babae papuntang abroad para mag trabaho.. saan niya iiwan ang kanyang mga anak? Sa mga magulang ba niya? Paano kung matatanda na ang mga magulang ng babae? Makakaya pa kaya nilang alagaan or subaybayan ang mga bata? Mapipilitan dahil kailangan ng ina ng mga bata na maghanapbuhay kahit mapariwara ang mga bata wala na siyang magagawa.

Kung sa mga mayayaman.. ok lang kahit magkaroon ng diborsyo dahil meron silang yaman para ibuhay sa kanyang mga anak, kahit hindi mag trabaho yung babae kaya niyang buhayin ang kanyang anak. Paano yung wala?

Kung ngayon na libo - libo ang mga kababayan nating mga lalaki ang walang trabaho at halos walang mahanap na trabaho.. kung maisasabatas pa iyang diborsyo magiging doble na ang mga pilipinong walang trabaho. Kung iyong isang libo nga na hindi kayang bigyan ng trabaho ng gobyerno paano kung doble pa sa isang libo. lalong dadami ang mga batang hindi makakapag aral ng maayos, hindi maalagaan ng maayos, dadami ang mga kabataang mapapariwara dahil wala ang kanilang ina na magsusubaybay sa kanilang paglaki.

Kung yung iba ay hindi na magkasundo sa kanilang pagsasama at wala ng ibang paraan kundi ang maghiwalay.. kayo nalang ang maghiwalay kung hindi kayo magkasundo huwag na ninyong idamay ang ibang maapektuhan ng diborsyo. Sa aking pananaw.. iba na kasi kung legal ang diborsyo mas madaling magdesisyon na hiwalay lalo na ang mga kalalakihan na sa konting diperensya hiwalay agad ang solusyon. Hindi katulad ng wala ang batas na diborsyo hindi agad - agad na makakapag isip na hiwalayan agad.

Kung sa akin bilang lalaki.. mas pabor sa akin dahil may paraan na para mag iba - iba ako ng asawa.. Pero hindi ako sumasang ayon dahil iniisip ko rin ang kahihinatnan ng kapwa ko lalo na mga kababaihan.

Doon sa mga pumapabor sa diborsyo huwag sana dumating sa buhay mo na balang araw na magkaroon ka ng 4 na anak na babae at hiwalayan silang lahat ng kani - kanilang mga asawa sa iba't - ibang dahilan upang maramdaman mo kung paano mag alaga ng lahat ng apo mo lalo na kung matanda ka na. Wala kang ibang sisisihin kundi sarili mo dahil isa ka sa pumirma para maisabatas ang diborsyo sa pilipinas.
Photobucket