Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Friday, 10 December 2010

AMA NG TAHANAN



Kadalasang naririnig natin lalo na sa ating mga may bahay or sa ating mga ina ng tahanan ang ganitong mga pangungusap lalo na kung naaburido minsan or nagagalit lalo na sa atin. "Akala nyo ba.. madali lang ang trabaho dito sa bahay!" "Asikaso namin lahat pati mga bata!"

Para sa mga ina ng tahanan sana mabasa ninyo ito.. Bagamat may katwiran kayo sa ganyang mga binibitiwan ninyong mga salita dahil narin siguro minsan dala narin ng problema sa maraming bagay kaya minsan nakakapagsalita kayo ng ganyan. Pero... eto naman ang panig naming mga ama.

Sa loob ng tahanan hawak ninyo ang inyong mga oras, sa loob ng tahanan wala kayong sinusunod na amo, walang pwedeng magalit sa inyo, walang pwedeng magmura or manakit sa inyo na minsan nararanasan naming mga ama. Sa mga gawaing bahay walang sapilitang maaring mag utos sa inyo ano mang oras pwede ninyong gawin ang mga gawaing bahay walang pwedeng magdikta sa inyo nakadepende lahat sa inyong desisyon kung kaylan ninyo gustong maglaba, magluto, maglinis. Sa tuwing nakakaramdam kayo ng masamang karamdaman maari ninyong ipagpaliban ang lahat ninyong gawain di tulad namin na hanggat kaya naming tiisin ang nararamdaman naming sakit pinipilit parin naming pumasok dahil sa pag aalala naming baka pagalitan or baka tangalin kami at pinipilit namin dahil narin sa nakaatang sa aming balikat ang responsibilidad sa inyo para kayo ay mabuhay kasama ng mga bata. Habang lumalaki ang mga anak natin lalong lumiliit ang hirap ninyo sa mga gawaing bahay dahil maari na ninyong utusan ang ating mga anak na siyang kabaligtaran naman sa panig naming mga ama habang lumalaki ang mga bata lalong lumalaki ang responsibilidad naming mga ama mula sa pagkabata hanggang sa pag aaral ng mga bata.

Dugo, pawis, hirap at kung minsan kahit tumutulo na ang luha namin patuloy parin kaming magpapakahirap alang-alang sa inyo ng mga bata pinupunasan nalang namin ng palad ang aming mga luha. Sa aming pagtatrabaho nakabingit ang kalahati ng aming katawan sa kamatayan, hindi namin alintana ano mang taas ng aming ginagawa mga makinang ano mang oras kayang putulin ano mang parte ng aming katawan. Habang mahimbing kayong natutulog sa gabi andito pa kaming nagpapatulo ng pawis alang-alang sa inyo.

Anak...
Kumuha ka ng isang sentimo mula sa bulsa mo.. Isang sentimong pinaghirapan naming kunin upang makarating sa palad mo, ang bawat sentimong ginagastos ninyo siya ding dami ng pawis at hirap ang dinanas ko.

Ang bawat sentimong hawak nyo katumbas ng bawat parte ng katawan ko.. mga sentimong kaligayahan nyo.. sentimong kasing halaga... ng buhay ko anak.

Sa inyong ama nakasalalay ang buhay at kaligayahan ninyo kasama ng inyong mga pangarap.



Friday, 26 November 2010

PAANO BA ANG MAGTIPID

Paano nga ba ang magtipid?

Yan ang madalas kong naririnig at nababasa sa mga kababayan natin. Paano daw ang magtipid?

Sa tanda nating ito hindi pa ba natin alam ang magtipid? Alam mo ang magtipid... Ang itanong natin sa sarili natin ''Kaya mo bang magtipid?'' Kung talagang gugustuhin mong magtipid makakaya nating magtipid kung... talagang desidido kang magtipid kailangan marunong karing tumupad sa pangako at desidido kang tuparin ang mga pangakong binibitiwan mo sa sarili mo at desidido kang makamit ang mga bagay na nais mong makamit at marating. Iwasan mo lang ang lahat ng bagay na bumabalakid sa plano mo at sumisira sa pangakong magtitipid. Kadalasan at pangunahing sumisira sa pangako nating magtipid ay ang mga bagay na masasabi kong mga panandaliang kaligayahan.

Minsan may mga taong gustong magtipid pero hindi naman ginagawa. Minsan binabalewala lang natin ang pagtitipid pero kung ating iisipin napakalaking bagay ito para marating mo ang magandang bukas, makakamit mo ang mga bagay na inaakala mong hindi mo makakamit. Noon iniisip ko kung magtitipid ako magkano lang kaya ang maiipon ko sa loob ng isang taon? May mga bagay din akong nais na makamit mga bagay na magpapasaya sa akin. Pero sumasagi naman sa isipan ko mahalaga kaya sa buhay ko at sa buhay ng pamilya ko ito?

Itinuloy ko ang pag iipon ko... halos malungkot ako sa mga kaibigan ko na nakakabili ng mga bagong computer na mas hightech sa second hand na binili kong computer, nalulungkot ako minsan pag nakikita ko ang mga kaibigan kong nag lalakihan ang mga kuwintas nila sa leeg, nag gagandahang mga MP4 touchscreen pa, nag gagandahang mga nikkon camera na nagkakahalaga ng halos mahigit sa 1000 dollars na kung ating itatapat sa peso halos 42,000 pesos na isang gadget palang yan. Siyempre kapag meron ka ng mga bagay na ganyan dumarating sa isipan natin na kailangang makita ng mga barkada itong mga mamahalin mong gamit tatawagan mo sila sa hightech mong cellphone para imbitahan silang mag inuman upang maipagmalaki mo ang mga mamahalin mong gamit. Minsan dahil wala akong maipakitang mamahaling gamit ko nagkakasya nalang ako dito sa kuwarto ko gustuhin ko mang makisali or makihalubilo sa kanila lalo lang akong nakakaramdam ng kalungkutan dahil wala naman akong gamit ng tulad ng mga mamahalin nilang gamit. Ako lang ang walang maipakitang mga mamahaling gamit na tulad nila. Pero... Hindi nasira ang pangako ko sa aking sarili iniisip ko siguro sa bandang huli ako naman ang liligaya.

Dahil sa pagtupad ko sa aking sariling pangakong pagtitipid nais ko ring ibahagi sa inyo ang naging bunga ng aking pagtitipid. Natupad ko ang pangako ko sa aking mga anak.

Ito ang pangakong natupad...
Ang regalo ko sa tatlo kong anak,
Photobucket
Niregaluhan ko ng tigi-tig isang motor ang tatlo kong anak.
Tatlong unit ng BRAND NEW HONDA TMX 155
70,000 pesos each plus tatlong sidecar 35,000 pesos each.
Photobucket
Photobucket
Garahe ng bahay ko
Ang bunso kong anak ARVIN - Honda Black Color
Ang pangalawa kong anak CHRISTIAN - Honda Red Color
(Graduating ng criminology this coming march 2010)
Ang panganay kong anak JENYLYN - Honda Red Color
(Manugang ko yung naka upo husband ng panganay kong anak)

Nakamit ko ang isang bagay na hindi lang pansarili kong kaligayahan kundi kaligayahan naming lahat ng pamilya ko. Iyan ang bunga ng aking pagtitipid.

Minsan binabalewala natin ang pagtitipid ang hindi natin naiisip na sa pagtitipid ikaw ang unang-unang makikinabang sa pagtitiis mong magtipid. Malaki ang magiging resulta ng iyong pagtitipid at pagpapahalaga sa iyong mga kinikita.

Kadalasan ang madalas nating naririnig kung nakikita kang hindi gaanong bumibili or nagbibitaw ng salapi tatawagin ka ng kuripot. Nais ko pong sabihin sa inyo... "Wala sa mahirap ang kuripot nasa mayaman" at "Wala sa mayaman ang nagtitipid nasa mahirap".


Saturday, 20 November 2010

SALAMAT SA KALIGAYAHAN

Nakikinig ako ng music dito sa aking hangout madalas napapangiti ako dahil sa tuwing nagpapahinga ako galing sa maghapong pagtatrabaho itong pakikinig ng music ang isang nagpapaalis ng aking pagod. Habang nakikinig ako ng music ang isa pang nagpapasaya sa akin sa araw- araw ay ang mga taong nagbibigay ng pagpapahalaga sa aking mga sinusulat. Mga taong nagbibigay ng dagdag na kaligayahan ko sa araw-araw. Lubos - lubos ang aking kaligayahang nararamdaman sa tuwing nakikita ko sa ibaba ng aking monitor ang mga taong nag ''like'' , nag ''share'' ng mga sinusulat ko. Labis-labis ang akin kaligayahang nararamdaman at buong puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat ng mga nagbabasa at sa lahat ng mga nag-''share'' at nag-''like'' kayo ang nagsisilbing inspiration ko sa araw-araw dahilan upang maipagpatuloy ko ang aking pagsusulat. Sa pamamagitan po ninyo maituturing ko naring malaking tagumpay sa buhay ko dahil napatunayan ko sa aking sarili na nakakapagdulot din ako ng kasiyahan sa aking kapwa kahit man lang sa pamamagitan ng pagsusulat, iyan din minsan ang alituntunin ko sa buhay ang magbigay ako kahit man lang ng konting kasiyahan at napatunayan kong hindi ako bigo sa ginagawa ko dahil sa pagbibigay ninyo ng interesado at pag share ng mga nilikha ng aking isipan.

Sulyapan po ninyo sa ibaba ng inyong monitor may makikita po kayong ''like'', ''share'' at ''recomended'' open po ninyo yung ''RECOMENDED'' upang makita po ninyo ang mga taong nagkaroon ng interesado at nagdulot sa akin ng kaligayahan sa araw-araw mga taong nagiging dahilan upang ipagpatuloy ko ang aking pagsusulat. Sa abot po ng aking makakaya hinding - hindi po kayo mabibigo or mapapahiya sa mga taong nais din ninyong bigyan ng kaligayahan.

OPEN ARMS - Two person shared this (at sa isang taong nag share nito sa isang telesite nakalimutan ko username niya ihabol ko nalang bukas.) At sa mga taong nagbigay ng papuri sa akin sa kabila ng pagpatak ng kanilang mga luha.

THINK GOD - One person shared this.
(Update lang po) Two person shared this.

GAANO BA KASAKIT ANG MALAYO - One person shared this.

PANAGINIP - One person shared this.

KARANASANG HINDI MALILIMUTAN - Three person shared this.
(update lang po) Four person shared this.

SULAT NG ISANG INA - Three person shared this.

KAPALARAN - One person shared this.

SA PAG-IBIG - One person shared this

KALIGAYAHAN KO ANG KANILANG KALIGAYAHA (PEBA ENTRY) - Six person shared this, at mga taong napaluha sa nilikha kong ito.

(update lang po dec. 5, 2010)
SA ARAW NG PASKO - One person shared this

PINAY SCANDAL - One person shared this.

At...
Siyam na tao (9 person)
(update lang po) Eleven person (11 person)
(update lang po uli) Twelve person plus Ms. Nicole Serano & Mr. Arnaldo Basina (14 person)
na po ang nag ''Like'' at nagka-interesado at nasiyahan mismo dito sa buong blog ko.

Napakalaking karangalan po para sa akin tunay na maipagmamalaki po ng inyong lingkod.

Bagamat hindi ko kayo mga kilala walang katumbas na salita at halaga ang ipinagkaloob ninyo sa akin mabuhay po kayo at naway pagpalain kayo ng poong maykapal kasama ng inyong mga mahal sa buhay. Bagamat nakatago po ang inyong mga pangalan at katauhan.. Kayo ang mga taong itinuturing kong nagbibigay ng kaligayahan sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit saludo po ako sa inyo.

Maraming - maraming salamat sa kaligayahang idinulot ninyo sa akin.




Sunday, 31 October 2010

PAANO TUMANGAP NG RESPETO

Minsan may mga bagay na kailangan nating makamit, mga bagay na iniisip nating madali nating makuha mula sa iba ngunit mahirap din natin minsang gawin naman sa iba.

Ano ba ang respeto?
Gusto mo ba itong makamit?
Paano natin makakamit ang respeto?
Paano mo makakamit ang inaasahan mong respeto na magmumula sa ibang tao?

Para sa akin, ang respeto ay magmumula mismo sa ating sarili. Tayo ang dapat magturo sa iba kung paano nila ibibigay ang inaasahan nating respeto. Maraming paraan kung paano nating tuturuan ang taong rumespeto sa atin. Kailangan marunong ka munang rumespeto sa kanila para makamit rin natin ang inaasahan nating respeto sa kanila. Kailangan alamin muna mismo natin sa ating sarili ang magiging kahulugan ng ating mga ginagawa at ng mga sinasabi kung dapat nga ba tayong irespeto. Kung nais mong maibalik ang nawalang respeto sa iyo... Kailangan matutunan din natin minsan ang tumangap ng pagkakamali at kailangan din natin minsan ang tumangap ng katotohanan mula sa sinasabi ng iba at kailangan din natin minsan ang makinig sa sinasabi ng iba. Listening is a skill that can bring a lot of respect to a relationship isang paraan iyan upang maibalik ang nawalang respeto sa iyo. Tangapin mo rin sa iyong sarili na hindi rin lahat ng ginagawa mo ay tama. Kailangan marunong tayong makipag-ugnayan sa tao or kailangan mapanatili natin ang magandang imahe kung paano ang makipagrelasyon sa tao para makamit natin ang respeto ng ibang tao ayon sa mga binibitiwan nating mga salita, kailangan marunong din tayong tumangap ng kapintasan ng isang tao, kahit ano pa siya irespeto natin kapintasan niya, irespeto natin ano man ang ginagawa nila at irespeto rin natin ano man ang nakayanan nila, sa pamamagitan ng magagandang halimbawang pinakikita natin sa kanila matututo silang irespeto ka ayon sa magandang ipinakikita mo sa kanila. Kung may mga taong hindi nagpapakita ng inaasahan nating respeto.. Turuan mo sila kung paano tayo tratuhing karespe-respeto, ikaw ang mag buo ng plano at sila ang gagawa ng respetong inaasahan mo sa kanila.

Minsan may mga taong ayaw alisin ang isipan ang mapang-husga or minsan.. kailangang hanapin mo ang tamang daan na mangagaling mismo sa puso mo ang mga binibitiwan mong mga salita upang hindi magdulot ng hindi magandang impression sa iyo ng ibang tao na nagiging dahilan para ang tao ay mag-react sa ating mga ginagawa or sinasabi na nagiging dahilan narin ng panandaliang pagkawala ng respeto sa atin dahil sa reaction na ikaw mismo ang nagturo para sila ay mag react. Huwag mong asahan ang ibibigay nilang respeto sa lahat ng iyong ginagawa mahalagang malaman mo muna kung deserving kang irespeto o hindi. Mahalagang alamin mo muna ang kahulugan ng mga ginagawa o mga sinasalita mo at mahalaga ding malaman mo ang magiging reaction ng tao kung masama or mabuti para malaman mo ang mali sa ginagawa mo at malaman mo ang tama para malaman mo ang goal tungo sa inaasahan mong respeto at malasap mo ang kaligayahan sa ginagawa mo. Nangangailangan ka ng respeto mula sa iba kailangan matutunan mo ring magbigay muna ng respeto sa iba.

Paano ka irerespeto ng isang tao?
Tulad din iyan ng... Kung paano mo sila irerespeto.



Wednesday, 20 October 2010

AKO AT ANG TATAY KO

Nagluto ako ng 2 balot...
kinain ko isa, yung isa tinawag ko tatay ko...
Tatay!! gusto mo balot?
oo ba!
binalatan ng tatay ko..
walang sabaw, wala na yung dilaw, wala narin yung bato.
sabi ng tatay ko.. ang laki na ng sisiw



Tinawag ko tatay ko..
Tatay paki-abot nyo nga yung hollow blocks
Dinampot ng tatay ko.. eh may tae sa loob
Sabi ng tatay ko... Utos ka ng utos kasi!!


Si ambo nagpunta ng police station....
Sir, nabungo po ako ng kotse
natandaan mo ba yung plate number?
hindi sir eh
natandaan mo ba yung kotse?
hindi rin sir...
eh yung kulay ntandaan mo b?
di rin sir kc madilim
eh yung driver ntndaan mo ba?
hindi rin sir

o.. anong ginagawa mo dito?



Saturday, 18 September 2010

KARUGTONG NG BUHAY MO

Dito sa ibabaw ng mundo ang tao kanya-kanyang kilos, kanya-kanyang diskarte sa buhay, kanya-kanyang takbo ng pamumuhay. Kung minsan iniisip natin ikaw lang ang tao dito sa ibabaw ng lupa dahil bukod sa mga magulang mo at mga kapatid sino pa ang tunay na magmamalasakit sa iyo. Paano kung bawiin na ang buhay ng iyong mga magulang sino pa ang magiging karugtong na ng buhay mo? Sino pa ang masasabi mong karugtong na ng dugo mot laman? Sino pa ang tunay na magmamalasakit sa iyo?

Kung minsan kahit ang mga sarili nating mga kapatid may hangganan ang kanilang pagmamalasakit sa iyo dahil may sarili rin silang buhay. Lalo na ang ibang tao na hindi mo kaano-ano.

Ilang bilyong tao na tayo dito sa ibabaw ng mundo mahigit sa limang bilyon na ang nagsisik-sikan dito sa ibabaw ng lupa.

Pagmasdan mo ang larawan sa ibaba.




Wala ka bang nakikita?

Sa bilyong-bilyong tao dito sa mundo sino ang mga taong karugtong ng buhay mo?
Sino sa kanila ang handang mag malasakit sa iyo hanggang kamatayan?
Sino ang magiging kasama mo hanggang kamatayan?
Sino ang mag aalaga sa iyo kung ikaw ay nararatay sa banig ng karamdam?
Sino ang handang mag pangiti sa iyo sa tuwing nakakaramdam ka ng kalungkutan?
Sino handang umakay sa iyo sa iyong katandaan?
Sino ang tunay na magmamahal sa iyo ng lubos ng higit sa kanilang buhay?
Sino sa kanila ang tunay mong kaligayahan?
Sino sa kanila ang karugtong buhay mo at karugtong na ng dugo at laman mo?




Ang iyong pamilya
Ang butihin mong may bahay at ang iyong mga anak
Naghihintay sila sa iyong pagbabalik
Dahil karugtong ka rin ng buhay nila



Sila ang tanging umaasa sa iyo


Sila ang karugtong ng buhay mo, sila ang tanging nagbibigay ng kaligayahan mo, sila ang mag sisilbi mong gabay sa iyong katandaan.
Huwag mo silang pabayaan dahil ang kanilang pagmamahal ay hindi kayang tumbasan ng ilang bilyong tao dito sa mundo. Ang kanilang pagmamahal ay walang kapalit, walang katumbas na halaga ano man ang katayuan mo sa buhay nakasunod lang sila sa iyo kahit sa kalungkutan hindi ka nila iiwan. Sila lang ang tanging makagagawa ng hindi kayang gawin ng ibang tao sa iyo. Kung pababayaan mo sila... Sino pa ang hahango sa kanila sa nagsisiksikang tao dito sa mundo. Sino pa ang kanilang hihingan ng tulong, sino pa ang magbibigay ng kaligayahan nila kungdi ikaw lang na kanilang ama, ikaw na karugtong na ng buhay nila, ikaw lang ang tanging magiging takbuhan nila dahil ikaw ang ama, ikaw ang karugtong ng buhay nila.
Sila ang bigyan mo ng kaligayahan dahil ikaw at ang iyong pamilya lang dito sa mundo ang tunay na magmamahalan hanggang kamatayan.

Wala ng iba.
Huwag mo silang pabayaan
Sila ang karugtong ng dugo mo't laman.


Sunday, 5 September 2010

KABAYAN... SAAN KA PATUNGO

Masyadong masalimuot ang buhay ng isang tao, minsan masaya, minsan malungkot minsan naman kabagot-bagot. Minsan nababalisa tayo sa ating buhay laging ganito nalang wala na bang pagbabago sa buhay natin? Saan patungo ang buhay mo? Ang buhay ng iyong pamilya? Saan patungo ang iyong pagsisikap? Anong daan ang tinatahak mo kaibigan?

Marami tayong mga bagay na nais nating makamit, mga lugar na nais nating puntahan ngunit minsan parating na tayo sa nais nating puntahan ngunit tayo na mismo ang lumalayong muli sa nais nating puntahan. Tayo mismo ang lumilihis sa tamang landas magigising ka nalang na umiikot-ikot kalang pala sa lugar na inalisan mo.

Sa pilipinas marami ang nagsisik-sikan at nag aagawan ng pagkakataong makapagtrabaho dito sa ibang bansa, mga kababayan nating nag aagawan ng pagkakataong makahanap ng magandang kapalaran dito sa ibayong dagat. Pinalad ka.. nilisan mo ang iyong pamilya upang makipagsapalaran sa lugar na nais mong puntahan nakarating ka na ba sa iyong nais puntahan? Marami sa atin ang pinalad ngang makapunta dito sa ibayong dagat ngunit bakit parang hindi mo pinapahalagahan ang pagkakataong binigay sa iyo ng maykapal. Bakit... Parang ikaw pa mismo ang sumisira sa magandang pagkakataon mo upang makamit mo ang iyong pinapangarap na magandang pamumuhay, umalis ka ng inyong tahanan upang sa pagbabalik mabigyan mo ng magandang bukas ang iyong pamilya umaasa sa iyo na mararating mo ang nais mong puntahan upang maisama mo sa kaligayahan ang mga mahal mo sa buhay.

Ngayon kaibigan asan ka na?

Ang dami mo ng sinayang na halaga, Ang dami mo ng sinayang na oras, ang dami mo ng sinayang na pawis, ang dami mo ng sinayang na pagkakataon, ang dami mo ng sinayang na lakas, ang dami mo ng sinayang na araw, buwan, taon na ang lumipas ngunit parang umiikot-ikot kalang sa dati mong pinagmulan.

Ngayon... Pabalik ka ng muli

Kabayan... Saan ka ba talaga patungo?



Friday, 6 August 2010

MGA NATUTUNAN KO SA MGA NAKALIPAS

Naglalakad kami ng kaibigan ko nakasalubong namin yung isang kakilala rin namin na pilipino pinansin ng kasama ko ang kasuotan ng lalaking nakasalubong namin. Sa madaling salita sumagot yung lalaki.. ''Anong paki-alam mo sa buhay ko?'' Minsan mahirap kontrolin ang reaction ng isang tao na kung hindi mo kayang kontrolin makakapagsalita ka ng hindi maganda. Salitang hindi katulad ng isang lapis na kung nagkamali ka maari mong burahin sa pamamagitan ng pambura. Sa loob ng ilang segundo mabibitiwan mo ang mga salitang dulot ng reaction mo na hindi na kayang burahin ng panahon.


Ano ang gusto mong ipakitang image mo sa isang tao?
Meron akong nakilalang tao mga ilang araw ayaw na niyang makipag-usap sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Palagay ko kahit sino sa atin sa unang pagkakakilala ninyo hindi ka maaring makagawa ng kasalanan sa isang tao kung bago lang kayong magkakilala. Iisa lang ang sumagi sa isipan ko ang tinatawag nating ''Bad impression'' sa iyo ng isang tao. Napakahalaga ang bawat kilos at pananalita natin sa isang tao kung paano mo makikita ang first impression ng ibang tao sa iyo na kung hindi mo bibigyang halaga baka hanggang sa dulo ng mundo hindi parin maalis sa isang tao ang anumang impression na magiging dahilan ng kanyang paglayo. Sa pamamagitan pa lang ng kilos nagkakaroon na ng bad impression ang isang tao bukod sa salita. Mahirap hadlangan ang hinala ng isang tao na nagiging masama para sa iyo, minsan.. mas masama ang imahinasyon kaysa sa riyalidad, mga maling idea ng tao sa iyo. Pinakamabisang paraan para maiwasan ang bad impression ng isang tao sa iyo panatilihin mong maging tahimik at kumilos lang ng maayos dahil minsan ang tao madaling manghusga.



Photobucket

Thursday, 22 July 2010

KALIGAYAHAN KO ANG KANILANG KALIGAYAHAN






Sa unang pag alis ko papunta dito sa ibayong dagat walang pagsidlan ang kagalakang naramdaman ko sampu ng aking pamilya kasama ng lahat ng mga mahal ko sa buhay. Ganito pala ang pakiramdam abot-abot ang kaligayahan dahil ito na ang simula para maabot ko ang magandang buhay at isa narin akong matatawag na ofw ang isang bayani ng bayan. Dahil sa pangingibang bansa ko lalong tumibay ang relasyon namin ng aking asawa at ng aking mga anak dahil sa perang pinapadala ko sa kanila lalo nilang sinusunod ang lahat ng binibilin ko sa kanila mula sa pag aaral at sa pang araw-araw nilang ginagawa at pag uugali mas madali silang pangaralan dahil dulot narin sa nararamdamang kaligayahan nila mula ng akoy pinalad makapag trabaho dito sa ibayong dagat. Nagkaroon kami ng tinatawag na give and take sa isat-isa yun bang ibibigay ko ang lahat ng gusto nila basta huwag lang nilang gagawin ang lahat ng ayaw ko. At natuto silang tumupad sa pangako dahil ako muna mismo ang nangungunang mag pakita ng pagtupad sa pangako.

Sa panahon ng aking pamamalagi dito sa ibayong dagat dito ako nakaramdam ng tunay na kaligayahan. Hindi mai-aalis sa isang ofw ang hindi lumuha dahil dumarating ang araw na maalala mo ang mga mahal mo sa buhay. Ang iyong butihing asawa na nandiyan lagi na nangungumusta at nagpapaalala lagi sa aking kaligtasan kasama ng aming mga anak, ang iyong inang nag-aalala. Ngunit andiyan parin sa iyong isipan ang pangungulila at kasabikang makita, mayakap at mahagkan ang aming mga anak. Dahil sa makabagong teknolohiya ngayon abot kamay at abot tanaw ko ang aking pamilya sa pamamagitan ng internet napapawi ang aking pagod at luha sa tuwing nakikita namin ang isat-isa. Bawat pag uusap namin puro pangarap ang madalas na pinag uusapan namin ng aking pamilya pangarap na hindi na muling babalik sa hirap na dinanas namin noon. Hindi na baleng ako na ang makaramdam ng kalungkutan dulot sa pangungulila basta makita ko silang masaya, malusog at may siguradong makakain sa araw-araw.

Hindi biro ang mawalay ka ng matagal sa iyong pamilya. Maraming pagsubok at kalungkutan ang dadanasin mo. Mga luhang hindi mo halos mapigilan lalo na kung dumarating ang kapaskuhan na tanging larawan at sulat lang ng iyong pamilya ang iyong kapiling. Ang bawat luhang pumapatak ang siyang nagpapatibay ng aking pagkatao, mga luhang nagpatatag ng aking kalooban at ang mga luhang ito ang nagturo sa akin upang tumayo at lumaban sa lahat ng pagsubok. Ang mga sakit na naramdaman ko sa panahon ng aking pag-iisa at paghahanap buhay sa ibayong dagat ang siya kung ginagamit upang matutuo akong mag isip ng malalim. Mula sa pagiging ofw ko at mamuhay ng nag-iisa marami akong natutunan, natuto akong makipag-kapwa tao dahil minsan kailangan mo ng may kasama. Hindi sapat na sila lang ang pwedeng magmahal kailangan magmahal karin sa kanila. Dito ako natuto kung paano mapaglabanan ang kalungkutan, dito ako natuto kung paano maging matibay ang aking kalooban sa mga pagsubok, dito ako natuto kung gaano kahalaga ang oras at panahon na lumilipas, dito ako natuto kung paano bumagsak at tumayong muli alang-alang sa mga mahal ko sa buhay, dito ko nalaman ang tunay na kahalagahan ng isang ama kung gaano kalaki ang responsibilidad na hinahawakan mo sa iyong sarili at sa iyong pamilya, dito ko napatunayan kung gaano ako katatag sa mga pagsubok, dito ko natutunan kung paano magkontrol sa sarili mula sa mga hilig ng katawan at sa lahat ng galit na nararamdam mula sa mga taong nakapaligid, dito ako natuto kung paano mag pasensiya alang-alang sa pamilya at dito ako natutong magdasal at humingi ng gabay mula sa ating panginoon na huwag niyang pababayaan ang aking pamilya at huwag niya akong pababayaang magkasakit upang makamit ang pinapangarap kong magandang buhay para sa aking pamilya kahit katumbas nito ay luha.

Sa pamamagitan ng mga natutunan ko gagamitin kong sandata upang makita ko ang tamang daan tungo sa aming mga pangarap. Ayokong sayangin ang bawat pawis na pumapatak mula sa aking katawan, kahit anong pagsubok, kahit anong hirap kakayanin ko maibigay ko lang ang pangarap at kaligayahan ng aking pamilya.

Dito ko rin napatunayan kung gaano kalaki ang ginagampanan ng bawat manggagawang pilipino sa ibayong dagat, hindi lang dahil sa pamilya para mabigyan ng magandang bukas, hindi lang sa ating bayan kundi ang pakikipagtagisan ng kakayahan sa ibat-ibang nationality kung saan naging angat tayong mga pilipino at kinilala sa buong mundo dahil sa talento at pambihirang kakayahan natin sa pagtatrabaho kung saan nakilala tayo ng husto at pinapurihan ang mga manggagawang pilipino. At dahil sa nakilala ang pilipinas taas noo tayo at may karapatang iwagayway ang ating watawat saang panig man ng mundo. At dahil sa ipinakitang kakayahan ng bawat manggagawang pilipino patuloy na kukuha ang bawat bansa ng mga pilipino sa mga susunod pang mga henerasyon.

Ano man ang danasin patuloy at patuloy tayong tatayo alang-alang sa ating pamilya. Upang sa pagbabalik kahit lumuha akong muli hindi na luha ng kalungkutan kundi luha na ng kaligayahan. Darating ang araw maipagmamalaki ka ng iyong pamilya dahil sa nagawa mong kabayanihan sa kanila at sa iyong inang bayan.

Sa tuwing nakikita kong masaya ang mga mahal sa buhay walang tigil sa pagluha ang aking mga mata mga luha ng kaligayahan dahil kaligayahan ko ang kaligayahan nila. Ang pangarap ko tuparin ang pangarap ng aking mga anak. Salamat sa pagiging ofw ko.

Sa mga kapatid kong manggawang pilipino saludo ako sa inyong lahat dahil kayo ang nagsisilbing pundasyon ng ating watawat at pundasyon upang maging matatag ang pagsasama ng pamilya. Sa pinuhunan kong pangungulila abot kamay na ng aking mga anak ang kanilang mga pangarap uuwi akong may masayang pamilyang naghihintay.

Sa mga kapwa kong ofw sumasaludo ang ating bayan sa inyong lahat.



Photobucket

Friday, 16 July 2010

THINK GOD ALWAYS


Tulad ng isang pangkaraniwang tao.. Lumaki akong maraming kaibigan, maraming kabarkada, maraming hilig sa katawan, mahilig sa kasiyahan, mahilig sa mga outings, mahilig tumambay sa mga tambayan.

Ngunit habang lumalaon nagkakaroon ako ng hustong pag-iisip. Nabago ang aking pananaw sa buhay, nabago ang lahat sa akin, nababago ang takbo ng aking buhay. Ang bawat ginagawa ko sa araw-araw kahit noong binata palang ako hindi nawawala sa aking isipan ang panginoon. Kahit anong gawin ko, kahit saan ako pumunta hindi nawawala sa isipan ko ang ating panginoon. Kahit hindi ako gaanong nagsisimba, kahit hindi ako naniniwala sa ibang paniniwala tungkol sa relihiyon basta hindi ako nakakalimot palagi sa ating panginoon. Lahat ng bagay na natatangap ko, lahat ng kaligayahan ko at lahat ng kalungkutan ko lagi akong kumakatok sa kanya upang magpasalamat, upang humingi ng tawad kung akoy nakakagawa ng mali. Para sa akin pinanatili ko sa isipan ko ang ating panginoon dahil kung lagi siyang nasa ating isipan sa pamamagitan ng pangalan niya naiiwasan ko kahit papaano ang gumawa ng kasalanan kahit man lang sa isipan inilalayo ko ang aking isipan sa mga kasalanan.

Naalala ko sabi ng tatay ko.. Anak lahat ng kabutihang ginagawa mo may gantimpalang nakalaan, kaya.. hanggat maari puro kabutihan ang gawin mo para gantipalaan ka ng kaligayahan. Totoo ang sinabi ng tatay ko dahil nararamdaman ko ang kaligayahan ko sa araw-araw, hindi niya ako pinapabayaan kasama ng mga mahal ko sa buhay, hindi niya ako binibigyan ng problema sa araw-araw kaligayahan ko ng maituturing.

Napakadakila ng panginoon, ibinibigay niya ang lahat ng bagay na ikaliligaya natin at ang bawat bagay o bawat kaligayahang ibinibigay sa atin daan upang maalala natin ang panginoon isang paraang ginagawa niya upang hindi tayo makalimot sa kanya, upang hindi tayo makagawa ng kasalanan hanggat nanatili siya sa ating isipan hindi malalayong makagawa ng kasalanan hanggat namamahay ang ating panginoon sa ating puso't isipan.

Paano ka nakakagawa ng kabutihan sa ating panginoon?
Paano ka nakakagawa ng kasalanan sa ating panginoon?
Paano mo mamahalin ang ating panginoon?
Sa paanong paraan?

Gayong hindi naman natin siya nakikita, hindi nakaka-usap, hindi nahahawakan. Sa paanong paraan mo maipapakita ang kabutihan at kasalanan mo sa ating panginoon?

Sa pamamagitan ng iyong kapwa.

Ang iyong kapwa ang daan upang maging mabuti ka sa ating panginoon.
Gumawa ka ng kabutihan mo sa kapwa iyan ang paraan upang maging mabuti ka sa paningin ng ating panginoon. Lahat tayo ay anak ng ating panginoon lahat tayo magkakapatid mahalin mo ang iyong mga kapatid.

God is Love.. Totoo ang panginoon ay pag-ibig kung magmamahal ka ng iyong kapwa ang ispiritu ng ating panginoon ang namamahay sa iyong puso't-isipan. Ang lahat ng bagay dito sa mundo panginoon ang nagbibigay sa atin. Ang kaligayahan mo at kalungkutan galing lahat sa ating panginoon. Ang lahat ng mga bagay na natatangap mo, ang lahat ng kaligayahan mo sa araw-araw buhat sa pagmamahal sa atin ng ating amang may likha. Hindi tayo ang gumagawa ng ating kaligayahan sa araw-araw, dumarating bigla sa ating buhay ang kaligayahang nararamdaman mo sa iyong pang araw-araw na pamumuhay, ang bawat halakhak mo, ang bawat ngiti mo, ang bawat sigla ng katawan mo bahagi ng iyong kaligayahan na dulot sa iyo ng ating panginoon suklian mo ng kabutihan upang manatili sa iyo ang kaligayahan.

Gumawa ka ng kasalanan... May kalungkutan kang mararamdaman. Tandaan mo iyan.



Photobucket

Friday, 9 July 2010

MASAYA AKO KUNG......

Matagal na akong nagtatrabaho dito sa malayo alam nyo ba halos sa loob ng dalawang buwan o higit pa halos isang beses lang ako nanonood sa tv ng mga palabas. Kahit dito mismo sa aking computer hindi ko magawang manood ng kahit na anong palabas. Hindi ako masaya sa panonood mas binibigyan ko ng atensyon ang pagbabasa. Wala akong hilig manood ng kahit ano mahilig akong magbasa, makinig ng mellow music, magsulat, uminom ng konting alak hate ko naman ang maglasing. Masaya ako kung mild lang ang tama ko, Kung nakainom na ako ng konti saka ako nakakaramdam ng kasiyahan gumaganda ang mood ko, gumagaan ang pakiramdam ko sasabayan ko ng pag-iisip, sasabayan ko ng pakikinig ng music, sasabayan ko ng pagsusulat at pagbabasa masayang masaya na ako niyan. Yayain mo akong makipag party mabibigo ka, yayain mo akong mag swiming mabibigo ka hanggat maari mas komportable ako dito sa kuwarto ko na nag iisa hanggat maari ayaw ko ng may ibang tao akong kasama bukod sa pamilya ko wala ng iba akong gustong kasama. Mahilig lang akong mamasyal kung nag iisa ako o kaya kasama ko mga mahal ko. Pero kung ibang tao bukod sa matalik kong kaibigan wala na akong gustong kasama. Kung mamamasyal ako mahilig akong mag lakad ng nag iisa walking trip ako minsan, pero kadalasan namamasyal ako ng naka motor gusto kong makita ang lahat ng hindi ko napapasyalan noon araw.

Dito sa ibayong dagat malaya tayo, lahat pwede nating gawin walang makapipigil sa lahat ng nais mong gawin. Pero sa akin hindi ko magawa isipan ko mismo ang pumipigil sa aking sarili upang lumabas. Gusto ng katawan kong mag relaks sa labas ngunit pinipigilan ako ng isipan ko. Para bang mas mahalaga sa sarili ko ang mag isip kaysa ang mata hahaha ang gulo ko noh. Totoo yan minsan nag tatalo ang mata ko at isipan ko dahil minsan gusto ng katawan ko ang makakita naman ng ibang tanawin pero ayaw naman ng isipan ko dahil sa pag iisip ko napapangiti din akong mag isa mas malayo ang nararating mas maraming nakikita at mas maraming magagandang bagay ang nagagawa ko sa imahinasyon ko. Minsan bumabalik sa aking alaala mga hindi magagandang bagay na nagawa ko noong araw.

Masaya din ako kung gumagawa akong mag-isa ginagawa ko ang mga bagay na ayaw kong humingi ng tulong sa iba. Kung nakaharap ako dito sa computer ko nagsusulat ako minsan photoshop kadalasan nagbabasa ako yan ang umuubos ng oras ko. Mahilig din akong tumingin sa pananamit ng ibang tao kung anong style ang mapupulot ko sa pananamit. Mahilig akong kumanta hindi ko pinapansin ano man ang isipin ng ibang tao sa boses ko or sa ginagawa ko. Dalawa lang naman ang klase ng tao dito sa mundo ang maging maligaya at maging malungkot. Minsan may mga taong madaling kumuha ng kaligayahan ayaw humanap ng kalungkutan. Ang isa naman ay madaling humanap ng kalungkutan pero mahirap humanap ng kaligayahan.






Photobucket

Sunday, 27 June 2010

PAANO MAGSULAT


Paano nga ba ang magsulat?

Noong nakahiligan kung magsulat marami akong naririnig, nababasa sa mga kaibigan kung paano ang paraan ng pagsusulat na kung ating iisipin sasakit talaga ang ulo mo kung susundin nating lahat ang paraan ng kanilang pagsusulat. Lagi kong tinatanong ang aking sarili kung bakit ba nahihirapang magsulat samantalang susulat ka lang naman. Isusulat mo lang naman kung ano ang laman ng iyong isipan, kung anong laman ng iyong imahinasyon. Para sa akin mahirap mag sulat kung susundin mo lahat kung paano magsulat, hindi mahirap ang magsulat kailangan lang ay may teknik ka sa pagsusulat, ang mahirap ay kung ano ang isusulat mo na maaring makaakit sa nagbabasa. Sa pagsusulat importante din kung paano ka magdeliber ng mga salita na magiging dahilan para makuha mo ang damdamin ng nagbabasa, kung paano mo mapapahalakhak ang nagbabasa, kung paano mo mapapagabog ang dibdib sa galit ang nagbabasa at kung paano mo mapapaiyak ang nagbabasa sa panahon ng kanilang pagbabasa, kailangang makuha mo ang damdamin ng nagbabasa. Sa pagsusulat mahalagang matutunan mo kung paano mo aakitin ang nagbabasa na ituloy niya ang kanyang pagbabasa. Importante din na mailagay mo ang iyong sarili sa iyong sinusulat.

Paano mo ba ilalagay ang iyong sarili sa iyong sinusulat?

Subukan mo sa iyong sarili na ikaw mismo ang magbasa kung paano mo magustuhang ituloy ang iyong binabasa, iyon ang gawin mong paraan sa iyong pagsusulat. Ihalimbawa mo ang iyong sarili sa pagbabasa at pagsusulat mahalagang makuha mo mismo ang damdamin mo sa iyong sinusulat.

Isang mabisang paraan iyan para makuha mo damdamin ng nagbabasa, kung paano mo mapatawa o mapa-iyak ang iyong sarili sa iyong sinusulat. Dahil kung ikaw mismo sa sarili mo hindi mo makuhang tumawa sa mga sinusulat mo paano mo mapapatawa o mapapa iyak ang nagbabasa sa panahon ng kanyang pagbabasa. Mahalaga din ang pag gamit mo ng mga salita kung paano mo mapanatili ang damdamin ng nagbabasa kailangan kung sumisiklab na ang apoy gatungan mo ng gatungan upang tuluyang umapoy depende din iyan sa daloy ng iyong mga salita. Pag aralan mo ang daloy ng iyong mga salita sa iyong mga sinusulat. Huwag mong hayaang patay-buhay ang damdamin ng nagbabasa isang paraan iyan para tuluyang tumulo ang luha pati sipon ng nagbabasa huwag mong hayaang tumigil sa pagtulo ng sipon ang nagbabasa sa panahon ng kanyang pagbabasa.

Mahalaga din sa pagsusulat ang may matutunan ang iyong mambabasa sa iyong sinusulat. Importante din ang pagkatao ng nagsusulat dahil kung anong pagkatao meron ang nagsusulat iyon ang kadalasan makikita sa iyong sinusulat. Importante minsan ang may magandang aral na matutunan ang nagbabasa upang magamit din niya sa kanyang sarili. Hindi ka man sumikat bilang writer masasabi mong may mga bagay ka na iniwan sa isipan ng mga nagbabasa galing sa katas ng iyong isipan.

Noon... wala din akong hilig magsulat natuto nalang akong magsulat nung nakita ko ang unang naging crush ko na nagpatibok ng aking puso, nag umpisa akong gumawa ng love letter na kadalasan sa basurahan ko nakikita tinatapon ng crush ko dahil walang gusto sa akin. After 15 yrs nagkita kami kinalabit niya ako pero siya hindi ko nakilala dahil yung mukha niya para ng syopaw.






Photobucket

Sunday, 6 June 2010

ASK YOUR SELF


Napakahalaga para sa isang tao ang marunong mag tanong sa kanyang sarili. Maraming mga mahahalagang bagay ang maari mong itanong sa iyong sarili na magiging inspirasyon mo sa buhay na pwede mong magawa sa araw-araw. Kung madalas mong tinatanong ang iyong sarili malalaman mo ang lahat ng bagay na dapat at hindi mo dapat gawin. Isang paraan din upang makamit mo or maiwasan mo ang mga bagay na sisira sa lahat ng iyong mga plano at sa lahat ng iyong mga ginagawa, sa ating buhay at sa ating pakikipagkapwa. Isang paraan upang tayo ay matuto at mag patuloy sa magandang tinatahak.

Mga katanungan mula sa iyong mga nakaraan at mga katanungang maari mong masagutan tungo sa hinaharap. Ano-ano pa kaya ang maari nating itanong sa ating sarili kung saan maari tayong matuto mula sa pagkakamaling nagawa. Sa bawat araw may mga katanungan ka na maari mong itanong sa iyong sarili. Lahat tayo may malawak na kaisipan, may malawak na imahinasyon, Minsan maraming bagay ang kung ano-anong pumapasok sa ating isipan na nagiging dahilan minsan ng pag kalimot natin kung paano ba ang mabuting paraan ng pakikipag kaibigan or maayos na pakikitungo. Paano ba ang maging malapit sa mga kakilala o sa mga kapitbahay or paano ba ang maging friendly sa tuwing nagkikita kayo ng mga kakilala mo? ask your self.

Maraming mga katanungan na maari mong itanong sa iyong sarili na masasabi mong nakaka-inspiradong mga katanungang. Kung madalas tayong nagtatanong sa ating sarili mas madali kang makagawa ng kabutihan, naka-plano ang lahat ng ideas sa iyong imahinasyon. Marami tayong matutunan sa pagtatanong natin sa ating sarili mga katanungang mula sa iyong nakaraan kung paano tayo magpapatuloy sa magandang hinaharap. Magkakaroon tayo ng disiplina sa ating sarili. Ask yourself first bago mo gawin ang isang bagay. Ang taong naka-pokus sa mga katanungan alam kung ano ang tinatahak. Malalaman mo rin kung ano ang purpose mo sa buhay. Malalaman mo kung ano ang mga dahilan ng iyong mga ginagawa. Ilarawan mo ang iyong sarili sa iyong imahinasyon at subukan mong hanapan ng katanungan kung ano ang iyong tinatahak, kung ano ang iyong ginagawa, kung para saan, kung para kangino.
Ano ba ang kahinaan ko?
Ano ba ang inaasahan kong marating?
Ano ba ang dahilan ng lahat sa buhay?
Ano ang pagkakaiba ko sa kanila?
Ano ang pwede kong baguhin sa sarili ko?

Maari nating isipin ang nakaraan, mga bagay na ginagawa mo na hindi kanais-nais sa paningin ng iba or sabihin na nating hindi kanais-nais sa paningin mo. Alam mo kung sino ka sa pamamagitan ng iyong mga ginawa, may mga bagay kang matutunan sa mga tanong na magagawa mo ukol sa iyong sarili. Sa pamamagitan ng pagtatanong natin sa ating sarili mababago mo ang ikot ng mundo mo mula sa mga bagay na hindi magagandang nagawa tungo sa magagandang patutunguhan mo. Tulad sa pakikipag usap mo sa mga kaibigan or kakilala. Paano mo ba sila mailalapit sa iyong sarili at kung paano mo ba sila mailalayo sa iyong sarili? Isang katanungan na mag sisilbing inspirasyon mo sa araw-araw. Isang katanungan kung paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa kausap at kung paano mo makukuha para pahalagahan ka rin nilang kausap.
Paano ako magkakaroon ng halaga sa kanila?
Ano ba ang mabuting gawin upang mabago ko ang aking sarili?
Ano ba ang purpose ko sa buhay?
Madali ba akong manghusga ng tao?
Ano ba ang kinakatakutan ko sa buhay?
Successful na ba ako ngayon?
Ano ba ang estado ng buhay ko ngayon?
Gaano katagal upang gawin ko ang isang bagay?

Mahalaga ang magkaroon ka ng mismong communication sa iyong sarili. May mga bagay na bago tayo kumilos o bago natin gawin ang isang bagay mahalagang tinatanong muna natin ang ating sarili sa mga nais nating gawin kahit sa ating pagsasalita importante ang tanungin muna natin ang ating sarili bago natin sabihin ang isang bagay kung makakasakit sa damdamin ng makakarinig. Ipokus natin ang ating isipan sa pagtatanong sa ating sarili. Matuto tayong magtanong sa ating sarili kung ano ba ang mas epektibo upang mabago ang landas na tinatahak ng ating buhay.





Photobucket

Sunday, 30 May 2010

SABI NG TATAY KO

Noong nabubuhay pa ang mahal kong tatay madalas akong nakikipag usap sa tatay ko na gustong-gusto naman ng tatay ko dahil ako lang naman ang kaya niyang bolahin. Ako lang naman ang may tsagang makinig sa kanyang mga kuwento dahil kadalasan sa tuwing nag uusap kami binibigyan niya agad ako ng pera pinakang suhol niya upang makinig ako sa mga sinasabi niya. Kaya karamihan sa mga nalalaman niya at sa ugalit pagkatao niya namana ko lahat sa kanya. Habang lumalaki ako nakuha ko ang magandang paraan ng tatay ko para maipaabot niya sa akin ang mga bagay na gagamitin ko sa aking pang araw-araw na pamumuhay. Isang magandang paraan ang ginagawa niya na bigyan ako ng pera para magkaroon siya ng pagkakataong mapangaralan ako dahil alam niya na sa isang batang tulad ko walang panahon na makipag kuwentuhan sa mga matatanda kundi ang laging iniisip ay mag laro ng mag laro. Iyon ang paraan ng tatay ko para makinig ako sa kanyang mga sasabihin.

Sabi ng tatay ko...

Anak..
Kung dumating ang araw na nagtatrabaho ka na ipakita mo ang lahat ng kasipagan mo para panghinayangan ka nilang mawala.
Anak...
Sa pagtupad sa pangarap alisin mo ang lahat ng makakasira sa daan patungo sa iyong mga pangarap. Ituon mo ang iyong isipan sa iyong mga pangarap hindi sa mga galit na nararamdaman mo dahil isa iyan sa makakasira sa iyong mga plano.
Anak...
Huwag kang masyadong maluho sa buhay, makontento ka sa mga bagay na meron ka ang mahalaga meron ka.. na wala sila.
Anak...
Kung nagawa mo na ang isang bagay huwag mo ng gawin dahil nagawa mo na isang daan din yan sa pagtupad sa iyong mga pangarap.
Anak...
Ilagay mo ang sarili mo sa kapwa upang malaman mo ang mali at tama, malaman mo ang dapat at hindi dapat para maisip mo ang mga bagay na ayaw mong gawin sa iyo huwag mo ring gagawin sa iyong kapwa.
Anak...
Huwag kang umasa sa tulong ng iba, huwag kang umasa sa tulong ng mga kapatid mo dahil kung dumating ang araw na mawala sila maiiwan kang nakatunganga. Gawin mo ang lahat ng makakatulong sa buhay mo mawala man kami kaya mong tumayong mag-isa. Huwag kang umasa sa pangako dahil kung hindi mo makamit lalo ka lang masasaktan. Tulad ng sinasabi ng nanay mo na sa iyo itong bahay, magtayo ka ng sarili mo kung kaya mo at may pagkakataon kang gumawa ng sarili mo sa huli wala kang kaagaw dahil sarili mo.
Anak...
Kung kaya mong mag-ipon mag ipon ka di baleng sa una ka mag tiis sa huli ka naman liligaya. Mas mahirap ang sa una mag saya sa huli ka magtitiis kung kaylan matanda ka na. Ang langam ano mang liit ng kanilang utak.. Nagagawa nilang mag ipon para dumating man ang bagyo't-ulan meron silang makakain. Ikaw pa kaya, mas may kakayahang mag isip na di hamak mas malaki sa utak ng langgam. Huwag kang magtanong kung paano ba ang magtipid, kaya mong magtipid kung gagawin mo ang tanungin mo sa sarili mo kung ''kaya mo bang magtipid hindi yung kung paano magtipid''.
Anak...
Sa pag laki mo umpisahan mo na ang mga plano mo para meron kang alam na tatapusin. Tulad sa pagtatayo ng bahay umpisahan mo kahit hindi matapos ang mahalaga naumpisahan mo na para meron kang tatapusin at alam mo kung ano ang kulang.
Anak...
Kung magkaroon ka ng pamilya gawin mo ang mga bagay na magpapaligaya sa iyo at sa iyong pamilya dahil sa huli ikaw din ang gagawa dahil ikaw ang haligi ng tahanan.
Anak...
Mahalin mo ang magiging asawa mo huwag mong sasaktan dahil ilalaan niya ang buhay niya para sa iyo siya ang magiging karugtong ng dugo't laman mo. Kung nagagalit ang asawa mo huwag mo ng papatulan dahil hindi siya magagalit sa iyo kung wala kang kasalanan.
Anak...
Huwag kang mananakit ng damdamin ng kapwa mo, pilitin mo magpasaya ng kapwa ang panginoon ang magbibigay sa iyo ng iyong kaligayahan.
Anak...
Kung dumating ang araw na kapos ka sa pananalapi, hindi mahalaga ang regalong may katumbas na halaga, kung minsan ang regalong may katumbas na sentimo madaling mawala, madaling masira, mga regalong kayang kalimutan ng panahon.
Ang tunay na regalong walang sentimong katumbas ay ang...
Magbigay ka ng respeto sa mga taong nakaka-usap mo.
Palagian mong ngitian ang mga taong nakakaharap mo.
Makinig ka sa anumang pinahahayag ng taong kausap mo hayaan mo siya ang mag kuwento ano man ang nais niyang ikuwento.
Huwag kang makikipagtalo sa mga taong nakaka-usap mo.
Huwag kang laging mataas sa mga taong nakaka-usap mo.
Purihin mo ang mga taong nakaka-usap mo ano mang taglay niyang kasuotan.
Huwag mong sisihin ng sisihin ang taong nakakaharap mo ano man ang kamaliang nagagawa nila.
Huwag kang magtatanim ng sama ng loob sa sinumang nakakagawa ng pagkakamali sa iyo.

Yan ang mga regalong tanging maibibigay mo sinuman ang mga taong nakaka-usap mo. Mga bagay na masasabi mong tanging maire-regalo mo sa kanila na walang katumbas kahit kaliit-liitang sentimo.

Ngayon wala na ang tatay ko
wala man siyang ipinamana sa aking kayamanan
Habang buhay ko naman nagagamit ang mga salitang iniwan niya sa aking isipan at naghubog ng aking pagkatao at naging sandata ko sa aking pamumuhay. Ang mga salitang itinanim niya sa aking isipan ang nagsisilbing gabay ko sa araw-araw. Mga salitang hindi kayang dalhin ng panahon. Mga salitang mag sasalin-salin sa mga susunod pang henerasyon at mga salitang tanging maipapamana at ma-itatanim ko sa isipan ng aking mga anak.

SALAMAT ITAY


PS, Idagdag ko lang... Tamang-tama pala itong post ko para sa nalalapit na fathers day nalaman ko lang nung nabasa ko reply na pagbati ni Miss Ayle at ni Bro Goryo Dimagiba na malapit ng pala ang fathers day. Para akong pinaramdaman ng tatay ko na i-post ko itong mga aral niya sa akin bilang pag-alala ko sa kanya. Jusko para akong kinilabutan na medyo napaluha ng konti dahil walang-wala sa isipan ko ng nai-post ko itong ''SABI NI ITAY'' na fathers day na pala.

HAPPY FATHERS DAY SA TATAY KO AT SA LAHAT NG AMA.





Photobucket

Friday, 21 May 2010

PARA SA IYO

Mga sariling gawa na abot ng aking isipan
Mga salitang hindi lang nakikita sa aking imahinasyon
Mga salitang hindi lang nakikita ko sa mga taong nakakasalamuha ko
kundi mga salitang kung ano ang ginagawa ko.


Photobucket

Mga salitang bumuo ng pagkatao ko, mga salitang nilikha ko ng ayon sa abot ng aking isipan at ayon sa kung ano at paano ko pinakikita ang maayos na pakikisalamuha sa mga taong nakakaharap ko. Wala kang makikitang halaga sa mga salita kung walang halaga ang iyong mga ginagawa.

Photobucket


Ang kagandahan ng materyal na bagay
makikita mo lang kung nagawa mo na.




Photobucket

Sunday, 16 May 2010

DAYDREAMING



Isang napakahalagang aspeto ito sa buhay ng tao, sa buhay ng bawat isa. Malaki ang nagiging epekto nito at binubuhay nito ang ating buhay, pinapasaya ang bawat araw ng ating kalungkutan. Kung madalas kang mangarap walang puwang sa puso't isipan mo ang kalungkutan. Pinapalitan ng kaligayahan ang bawat kalungkutang dumarating sa atin. Nagagawa tayong pangitiin sa bawat bagay na ating napapangarap. Nagagawa mong pagaangin at i-relax ang iyong isipan at mai- enjoy mo ang kalayaang mangarap sa mga magagandang bagay na inaasahan mong gagawin sa iyong pamumuhay, mga bagay na nais mong gawin sa mga susunod na mga araw, mga bagay na nais mong marating sa iyong buhay, mga bagay na nais mong i-bahagi sa iyong kapwa at malaki rin ang epekto nito lalo na sa pag ibig at ituturo sa iyo ang tamang daan kung saan mo man nais tumungo ng walang anumang limitasyon or hangganan. Libre ang mangarap, libre ang mag isip, may kalayaan kang isipin ang mga siguradong alam mong magagandang bagay na maari mong gawin higit sa mga bagay na makakasira sa iyong buhay. Karamihan sa mga bagay na ginagawa natin ngayon ay parte na kung paano mo ilalarawan ang klase ng iyong pamumuhay at kung paano mo mae-enjoy ang bukas. Ang mangarap ang pagkakataon kung paano natin nakikita ang ating sarili sa mga darating na araw. Ang ating isipan ay maihahalintulad ko sa isang papel kung saan kaya mong maglarawan ng bagay tulad din yan kung paano ka mangarap, nailalarawan mo sa iyong isipan ang mga bahagi at instrumento ng iyong kaligayahan.

Minsan nangangarap din ako ng gising mga simpleng pangarap na unti-unti kong nagagawa at natutupad. Nangangarap ako ng mga simpleng bagay kasama ng mga mahal ko sa buhay. Mag karoon ng simpleng tahanan na napapaligiran ng mga simpleng halaman at prutas sa paligid pag aalaga ng mga manok kung saan nagsisilbing libangan ko habang pinapakingan ko ang mga music na pinapangarap kong pakingan kahit noong wala pa akong kakayahang kamtan ang mga ganyang kasimpleng bagay. Tulad ng mga sinabi ko ang mangarap ang daan kung ano ang gusto mong gawin bukas. Napakasaya ko ngayon dahil ang mga simple sa aking pangarap ay dumating na sa aking buhay. Minsan may mga pangarap tayo na alam natin malayong mangyari sa reyalidad ng buhay kung hindi mo alam ang daan patungo sa iyong pangarap.

Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pinapangarap, nangangarap tayo ng mga magagandang bagay na nais nating gawin, kahit minsan nangangarap tayo ng mga bagay na alam din nating hindi nating kayang gawin, mga bagay na hinaharangan tayo ng mga pag aalinlangan kung paano natin gagawin ang isang bagay. Nagagawa lang natin dahil sa mga pambihira nating paraan na nakukuha natin sa ating pangangarap ng gising kung saan ikaw lang ang tao sa sarili mong mundo na kahit anong hadlang sa pamamagitan ng lakas ng iyong pag iisip tumitibay tayo upang tumayong muli. Kung hindi ka marunong mangarap hindi ka makakabuo ng isang pangarap, hindi mo malalaman kung paano mo malalasap ang isang kaligayahan na dulot ng iyong pinapangarap gawin. Ang mangarap ay larawan ng kung ano ang iyong bukas, larawan din ng iyong kasiyahan at larawan ng iyong mga ngiti kung ano ang iyong nais marating, kung ano ang daan. Lahat tayo normal na sa atin ang mag-isip kadalasan lang yung iba sa atin iniisip o nangangarap kung ano ang mga panandaliang kaligayahan na pansariling kaligayahan lang ang normal na madalas nating iniisip. May mga tao rin na ang kadalasang iniisip o pinapangarap ay kung ano ang makakatulong sa pag unlad. May mga nangangarap din na kung ano ang magagawang makakasaya sa kanyang sarili sa mga bagay na nakamit niya. Ang mangarap ay isang instrumento din ng kasiyahan nating lahat, ng ating sarili, ng ating isipan. Ang mangarap ay isa rin na masasabi kong paraan ng magagandang asal, ng magandang pag uugali na pwede niyang gawin sa kahit sino, kahit na sa anong paraan. Magagawa mong maging bayani sa pangarap. Ang mangarap ay isang salamin ng buhay ng bawat isa kung saan pwede mong makita ang mga bagay na nais mong gawin sa iyong kapwa, sa iyong sarili sa mga darating na araw. Ang mangarap ang magtutulak sa iyo sa magagandang pwedeng mangyari sa iyong buhay. Sa telon ng buhay ikaw ang bida.

Ang mangarap ang nagbibigay sa akin ng lakas sa araw-araw kung pamumuhay, nag sisilbing vitamina ng aking isipan para sa mga gusto kong tahakin na tamang daan. Ito din ang dahilan kaya natututo akong magpasensiya sa mga hindi magagandang bagay na nangyayari sa akin sa araw-araw. More thinking, more positive sa buhay. Sa pangarap walang halaga ang kamalian, walang halaga ang ano mang kahihiyan, walang puwang ang kasamaan, walang puwang ang kalungkutan, walang iyakan, walang puwang ang ano mang hadlang sa nais mong marating sa buhay. Para sa akin mahalaga ang mangarap ginto ang katumbas na madaling sabihin ngunit mahirap hanapin, madaling isipin mahirap gawin. Pero... ano man ang lahat ng bahagi sa aking mga pangarap andiyan parin lagi ang panginoon na nag sisilbing sandata ko at kakampi upang matupad ang pinapangarap.

Mahalaga ang mangarap dahil ito ang iyong daan, ito ang iyong kaligayahan, ito ang iyong buhay at ito rin ang mag bubuo ng iyong pagkatao.

ANG PANGARAP KO SA BUHAY
IBIGAY SA AKING PAMILYA ANG KANILANG PINAPANGARAP.







Photobucket

Saturday, 15 May 2010

QUESTION #2

You are participating in a race.
You overtake the second person. What position are you in?

In a year, some months have 30 days,
while some have 31.
Guess, which month has 28 days?

Marnela's father has five dauthers named nana, nene, nini, nono...
Guess what would be the name of the fifth?

From one to one hundred ilang nine meron?
umpisa ka sa 9 , 19
ilan pa?

Naglalakad kayo ng kaibigan mo
nakakita ka ng sampung piso
pinulot ng kasama mo
hati kayo pero....
dahil ikaw ang nakakita lamang ka ng piso
magkano sa iyo at magkano sa kanya?

Enjoy!!!


Photobucket

Wednesday, 12 May 2010

QUESTION

Ang isang kaligayahan ng isang tao
kapag nagawa mo ang isang bagay sa sarili mo na hindi
nanganga-ilangan ng tulong ng kahit sino, ng kahit ano.
Sa isang tulad mo masasabi mong kaya mong lutasin ang lahat
ng naayon lang sa iyong sarili or naayon sa talas ng iyong isipan.
Paano mo masasabing ganap na tagumpay ka kung nangailangan ka ng tulong
ng iba or ng kahit ano pa mang bagay.

Gaano ba katalas ang isipan mo?

QUESTION!!

CAN YOU NAME THREE CONSECUTIVE DAYS WITHOUT USING THE WORDS... MONDAY, TEUSDAY, WEDNESDAY, THURSDAY, FRIDAY.

QUESTION

Sukatin natin ang ating isipan
(In Your Head)

TAKE 1000 AND ADD 40 TO IT, NOW ADD ANOTHER 1000, NOW ADD 30, ADD ANOTHER 1000, NOW ADD 20, NOW ADD ANOTHER 1000, NOW ADD 10
WHAT IS THE TOTAL?


BASAHIN MONG MABUTI






Photobucket

Thursday, 6 May 2010

PANGAKO NG ISANG OFW

SA INIWANG PAMILYA SA PILIPINAS

bawat isa sa atin may mga binibitiwang pangako
pangako sa lahat ng bagay, sa sarili, sa mga anak, sa asawa, sa lahat-lahat na. Mahirap ba tumupad sa pangako? Kadalasan ginagawa ito ng halos lahat ng mga pinoy na namamasukan sa ibang bansa bilang ofw.

Malapit na ang aking bakasyon, malapit ng sumapit ang araw ng aking pag-uwi sa pilipinas upang makapiling kong muli ang aking pamilya, mayakap, ang mga mahal ko sa buhay.

Lumapit sa akin ang aking kaibigan.
Pare malapit ng bakasyon mo.. bakit parang malungkot ka naman? Hindi ka ba nasisiyahan at makikita mo ng muli ang iyong pamilya?
Masaya ako pero... parang may kulang. Parang may kulang sa aking dadalhin. Minabuti ko nalang ilihim sa aking kaibigan kung anong kulang sa aking isipan.

Dalawang taon ako dito sa ibayong dagat, dalawang taon akong nagpakaligaya sa piling ng mga kaibigan, sa piling ng aking kasintahan, sa piling ng mga inuming nakakalasing nalunod ako ng husto sa kaligayahang nadarama na naging dahilan upang makalimot sa isang pangako na magandang buhay. Dito sa abroad andito ng lahat ang mga bagay na sisira ng kinabukasan ng iyong pamilya, Nang dahil sa mga pansariling kaligayahan at panangdaliang kaligayahan nalimutan kong unti-unti nga palang lumilipas ang panahon. Unti-unting lumiliit ang tsansa na matupad ang pangakong binitiwan sa aking asawat mga anak ng magandang buhay.

Dito sa abroad nagawa kong magsugal, nagawa kong maglakwatsa araw-araw, nagawa kong umibig muli na alam kong bawal, nagawa kong umuwi ng madalas ng hatingabi, nagagawa ko kadalasan ang inuumaga ng uwi, nagagawa kong uminom ng uminom sa piling ng aking mga kaibigan, kabarkada at kung minsan sa mga bagong kakilala. Wala akong tigil hanggat may hawak akong pera sa bulsa. Sa tuwing dumarating ang sahod hindi mapigilan ang kamay kong gumasta ng gumasta dahil ang iniisip ko may susunod pa namang sahod. Basta makapag padala lang kahit konti sa pamilya masaya nanaman ako tutal kahit magtanong ng magtanong ang misis ko wala naman siyang magagawa kundi ang maniwala sa lahat ng sasabihin ko. Kadalasan tinatanong niya...

Bakit ito lang pinadala mo?

Wala kasi kaming gaanong overtime ngayon.
Minsan sinasagot mo pa... Hindi kasi ako nakapasok ng ilang araw dahil sumama pakiramdam ko. Minsan isasagot mo pa... Nagtira din ako ng konting panggastos ko dito, minsan kasi nagugutom ako, nagbabayad din ako ng mga nautang ko kasi pinapadala ko sa iyo lahat.
Medyo magtipid-tipid nalang kayo ng konti lalakihan ko nalang sa susunod.

Sumapit ang dalawang taon, sakay ka ng eroplanong maghahatid sa iyo sa piling ng iyong pamilya dala-dala mo ang konting pasalubong dahil mauubos na ang dala mong pera kung ibibili mong lahat ng pasalubong. Ilang pirasong tsokoleyt lang ang nakaya mo bilhin ipamimigay mo pa yung iba sa kapitbahay para may matuwa rin sa iyong kapitbahay, ilang pirasong sabon, shampoo na ipapasalubong mo rin yung iba sa kapitbahay para hindi ka mahalatang kokonti ang nabili mong pasalubong. Konting kaha ng sigarilyo na masaya ka pang ihagis sa mga kaibigan mo sa labas. Magtatawag ka pa ng ilang kaibigan para lasingin ang mga naghihintay sa iyong mga manginginom. Sa konting perang natira mo sa bulsa tigi-tig-isang damit at short pants nalang ang mga anak mo na mabibili mo wala na ang misis mo dahil mauubos na ang perang dala mo kung bibili pa ang misis mo ng bagong damit masaya narin siya at naibili mo kahit papaano ang mga anak mo. Doon mo naisip ang mga perang itinapon mo sa mga pansarili mong kaligayahan, buti pa ang ibang tao kadalasan mong pinatitikman sa mga pinagpaguran mo pero ang pinakamamahal mong asawa nagkakasya nalang sa kaligayahan ng iyong mga anak.

Ngayon magkatabi kayong nakahiga ng misis mo... binubulong sa iyo ng misis mo... papa, wala na tayong pera dalawang linggo ka pa rito saan tayo kukuha? pag balik mo ano ang iiwan mo sa amin dahil wala ka pang sasahurin pag balik mo. Hindi ka umiimik, nag iisip ka ng malalim, iniisip mo.. ang daming perang sinayang mo doon, ngayon halos wala ng kayong makain, halos wala ng hawak na pera ang misis mo. Pinaligaya mo lang ang pamilya dahil nakita ka nilang muli, nakita kang nasa maayos na pangangatawan, tumaba, pumuti at pinapaligaya mo nalang muli ang misis mo sa pamamagitan ng iyong mga pangakong muli na sa pagbabalik mo iaahon mo na sa hirap ang iyong pamilya.

Pabalik ka ng muli sa malayong lugar
Isang pangakong muli ang iiwan mo sa iyong pamilya
PANGAKONG I-AAHON KO KAYO SA HIRAP
Isang pangakong ikaw mismo ang makakagawa at ikaw din mismo ang sisira.

IHALINTULAD MO ANG IYONG SARILI SA ISANG TRABAHO
IF YOU ALREADY KNOW BEST HOW TO DO IT
GAWIN MO SA SARILI AT SA PAMILYA MO.




Photobucket

Friday, 30 April 2010

PAANO AANGAT ANG BUHAY NG ISANG OFW

PAANO AANGAT ANG PAMUMUHAY NG ISANG OFW
OR
NG ISANG MANG GAGAWA?

Inuuna ko na ang aking taos pusong pangungumusta sa inyong lahat!!
Andito na akong muli upang makihalubilo sa mga magagaling na blagero at blagera.

Paano nga ba aangat ang antas ng ating pamumuhay?
OFW ka man o isang pangkaraniwang mangga-gawa ka lamang ng isang kompanya sa pilipinas. Kadalasang sinasabi natin o ginagawa nating dahilan ay ang mataas na bilihin sa pilipinas kaya hindi sumapat ang kinikita ng isang ofw. Alam na nating lahat na ang isang dahilan ng pag angat ng ating pamumuhay ay ang magkaroon ng mataas na kinikita. Pero minsan... Hindi rin nagagawa ng isang tao na paangatin niya ang kanyang pamumuhay kahit nasa kanya na ang may mataas na sahod. Bakit?

Kung ikaw ay ang taong nakasarado lang ang isip sa iisang bagay walang mangyayari talaga sa buhay mo.
Kung ikaw ang taong may mababaw na pananaw sa buhay lalong walang mangyayari sa buhay mo.
Kung ikaw ang taong walang pinapangarap sa buhay kundi ang makamit mo ang mga materyal na bagay, lalong walang mayayari sa buhay mo.
Kung ikaw naman ay saksakan ng daming bisyo, kaibigan at kabarkada... mas lalong walang mangyayari sa buhay mo.
Kung ikaw ang taong punong-puno ng luho sa katawan at sa isipan wala ding mangyayari sa buhay mo.
Kung ikaw ang taong hindi alam kung ano ang dapat na pinapangarap wala ding patutunguhan ang pamumuhay mo.
Kung ikaw ang taong hindi marunong mag plano sa buhay wala ding mangyayari sa buhay mo.
Kung ikaw ang taong mainitin ang ulo at masyado mong pinapahalagahan ang iyong ego wala ding manyayari sa buhay mo.
At.... Kung ikaw ang taong walang kontrol o hindi kayang kontrolin ang sarili kaylan man hindi mo makakamit ang may maayos na pamumuhay.

Napakaraming dahilan kung paano nga ba aasenso ang ating pamumuhay at kung bakit hindi umaangat ang ating buhay gayong meron naman tayong hanapbuhay. Minsan may mga taong nasa kanila na ang lahat ng pagkakataong umangat ang kanilang pamumuhay pero hindi parin makaalis sa simula. Marami ring dahilan kung bakit hawak na natin ang magandang pagkakataon para makamit ang pinapangarap pero bakit hanggang ngayon nangangarap ka parin at may mga taong sadyang pinapahalagahan lang ang mga materyal na bagay at binibigyang halaga ang mga luho sa katawan.

Para sa akin ang isa pang dahilan ay ang atin mismong...
ISIPAN, UGALI AT KONTROL SA SARILI.
Paano mo iaangat ang pamumuhay mo kung hindi mo pagaganahin ang iyong isipan. Ang ating isip ang pinakamahalagang instrumento ng ating pagkatao at pamumuhay. Kung ikaw ang taong hindi marunong magisip kung ano nga ba ang dapat at hindi dapat. Kung ano ang mali at tama, at kung ano nga ba ang mabuting gawin.

Nais kong ibahagi sa inyo ang aking sarili upang mas mabibigyan ko ng tamang paliwanag kung paano ba ako MAG ISIP, kung anong PAGKATAO meron ako at anong UGALI meron ako na ginagawa kong kasangkapan upang makamit ko ang maayos na pamumuhay.

Ang isang tao kahit anong liit o laki ng kanyang sinasahod kaya nating i-angat ang ating pamumuhay sa pamamagitan ng ating pag-iisip at pag uugali. Noon marami akong kaibigan, kabarkada, kakilala. Marami rin akong pinapangarap na mga materyal na bagay tulad ng mga IPOD, RELO at kung ano-ano pa na maari mong maipagyabang sa mga kakilala mo na meron ka ng mga mamahaling bagay sa katawan ang lahat ng iyan ay kaya ko ng kunin pero iniisip ko ''makakatulong kaya ang mga ito sa aking pamumuhay?'' Sa dami ng mga nag gagandahang mga materyal na bagay ilang sentimo na ang mauubos kung bibilhin ko ang lahat ng palamuti sa katawan. Mga bagay na bahagi lang ng mga pansamantalang kaligayahan na madali ring kumupas. Iniisip ko.. kung uunahin kong kunin ang mga iyan paano kung bigla ka namang matangal sa trabaho sa marami ring dahilan? Sa simula ng aking pagtatrabaho dito sa kinalalagyan ko ngayon inuna kong gawin ang mga bagay na makakatulong sa aking pamumuhay. Ang lahat ng mga bagay na nagawa ko na nuong mga nakalipas na araw hindi ko na muling ginagawa pa sa ngayon dahil nagawa ko na at natikman ko ng lahat. Tulad ng bisyo, alak, sugal, pasyal dito, pasyal doon, inom dito inom doon, tambay kung saan-saan, pasama-sama lagi sa mga happenings at mga lakaran ng barkada at mga kaibigan, yan ang mga bagay na uubos ng iyong lakas at pinagpagurang sentimo na kung hindi mo iisiping mabuti mawawaldas lang sa wala ang iyong kinita at panahon. Mga panahon na dapat ay palapit ka na sa iyong mga pangarap na magandang buhay ngunit ikaw mismo sa sarili mo ang nagtutulak lumayo sa pinapangarap mong magandang pamumuhay. Kung patuloy kong gagawin ang mga bagay na iyan mas malaki ang makokonsomo kong sentimo, pinilit kong iniwasan ang lahat ng nakagawian ko lumiit ang naging budget ko sa loob ng isang buwan doon ko napagtanto na ang laki pala ang nawawala sa kinikita ko. naisip ko... WALA AKONG KONTROL SA PAG WALDAS NG KAYAMANAN KO NOON.

Sa panahon ng aking pagtatrabaho... Napakarami na ng sama ng loob ang kinain kong lahat, napakaraming kahihiyan ang nilunok kong lahat at napakaraming galit ang pinalampas kong lahat. Isa din iyan sa makakatulong sa iyong minimithing may maayos na pamumuhay.
Sa panahon ng aking pagtatrabaho, may mga araw na sumasama ang loob ko sa mga taong nakakasama ko sa aking pagtatrabaho, sa kompanya, sa foreman at kung sino-sino pa. Kung paiiralin ko ang aking ego o ang aking galit o ugaling pagiging bugnutin ko at pagiging matampuhin ko ako rin ang mawawalan. Minsan pinagalitan ako ng foreman ko, sa sobrang sama ng loob ko gusto kong mag under time, binalak kong hindi pumasok kinabukasan at binalak kong hindi mag overtime ng sabado at lingo para maipadama ko rin sa kanila ang galit ko. Pero... inisip ko, sino ba ang mawawalan? ako din, ako rin ang mape-perwisyo dahil hindi ako nakapasok. Ipinasya ko nalang lunukin ang mga sama ng loob ko, inalis ko sa katawan ang ego o pride ko, pinasya ko nalang kalimutan ang nangyari at pumasok nalang ako sa aking trabaho. Lumipas ang ilang araw natuwa narin ako dahil inisip ko buti pumasok ako.. ako rin ang makikinabang sa ginawa ko. Laging sumasagi sa isipan ko na... kahit napapagod ako sa pagtatrabaho.. ako rin naman ang makikinabang sa pagod ko at sa araw-araw na pagtatrabaho ko NATUTUNAN KONG KONTROLIN ANG SARILI KONG GALIT NA NARARAMDAMAN KO. Kung minsan ang pagiging mataas ang pride ang sisira sa buhay mo na magiging dahilan ng pagkatangal mo sa iyong pinapasukan, walang masama kung mananahimik ka nalang at ituon mo ang iyong isipan sa mga pinapangarap mo sa buhay, huwag mong ituon ang iyong isipan sa galit na nararamdaman dahil lalamunin ka ng sarili mong galit na magdadala sa iyo minsan sa kalungkutan. Iniisip ko hindi ako ang dapat magmalaki sa kompanya ano man ang kagalingan at kasipagan ko sa pagtatrabaho kung ang kompanya ang magalit at tangalin ka lalo mong nilugmok ang sarili mo at ang iyong pamilya sa nakaambang kahirapan. Nang dahil sa kakitiran ng isipan mo lalo mong inilayo ang buhay mo at kaligayahan ng sarili mong pamilya sa tiyak na kaginhawaan. Isipin mo isang tao ka lang sa libo-libong mangga-gawa na maari nilang kunin.

BINIGYAN TAYO NG PANGINOON NG ISIP UPANG GAMITIN NATIN NG WASTO SA ATING PANG ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY.
BINIGYAN TAYO NG LAYANG MAG-ISIP UPANG MALAMAN NATIN KUNG ANO ANG DAPAT GAWIN SA ATING PAGKATAO AT PAMUMUHAY.

NASA IYONG SARILI ANG IKAGAGANDA AT IKASASAMA NG IYONG PAMUMUHAY... HINDI SA TAAS O SA LIIT NG KINIKITA.
IKAW MISMO ANG MAGDADALA SA IYO SA MAGANDANG PAMUMUHAY AT IKAW DIN MISMO ANG MAGDADALA SA TANIKALA NG KAHIRAPAN.

PAGANAHIN MO LANG ANG ISIPAN MO
MABABAGO MO ANG UGALI MO
AT
MAKOKONTROL MO ANG SARILI MO

YAN ANG KAILANGAN MO UPANG MAKAMIT MO
ANG MAY MAAYOS NA PAMUMUHAY
AT
MAILAYO KA SA NARARANASANG KAHIRAPAN




Photobucket

Tuesday, 30 March 2010

PINAY SCANDAL

PINAY SCANDAL

Sa panahon ngayon, halos buong mundo na ang gumagamit ng internet, halos dito sa internet natin makikita o mababalitaan ang ibat-ibang klase ng tinatawag na scandal. Kung pamilyang tao ka lalaki man o babae masasabi kong isang kasalanan sa diyos at sa iyong asawa ang iskandalong ginawa mo, pero kung dalaga or binata ka na nasuong sa tinatawag na iskandalo eto para sa iyo ang isusulat ko.

Ang aking ibabahagi sa inyo ngayon ay ang salitang scandal na naging maugong sa ating mga tenga mula pa noon hanggang sa ngayon. Alam ko, lalo na tayong mga pilipino pag nakarinig o nakakabasa tayo ng mga tinatawag na scandal ay labis tayong naalarma. Minsan masyadong interesado tayo pag nakakarinig tayo o nakakabasa ng mga ganitong kuwento o balita dahil minsan likas sa atin ang pagiging tsismoso at tsismosa ha ha ha pasensiya na sa salita ko pero... ganyan naman talaga tayo minsan di ba?

Kahit ako noon pag nakakarinig ako ng salitang scandal inaamin ko naalarma din ako at nagkakaroon ng interesado sa mga ganitong usapin. Basta scandal ang unang-unang pumapasok sa isipan ko sex agad, maaring ganon din kayo aminin man natin o hindi iisa ang iniisip natin. Ang poste kong ito ay pinamagatan kong pinay scandal hindi para ipakita o magpakita ng mga video o larawang hubad, ginawa ko ito para sa pagpapalawak narin ng ating isipan. Alam ko marami ang masasabi kong sasalungat dito sa aking mga isasalaysay dahil minsan magkakaiba tayo ng pananaw. Maaring hindi ninyo ako maiintindihan sa aking ipapaliwanag dahil minsan ang iba sa atin nakasarado ang isipan sa mga bagay na nakasanayan. Minsan ang iba sa atin masasabi kong hindi pinagagana o hindi pinalalawak ang kaisipan at pang-uunawa. Likas kasi sa tao ang mapanghusga at mapanglait sa kapwa.

Alam ko.. sa ating mga pilipino likas sa atin minsan ang pagpapahalaga sa tinatawag na kahihiyan. Pero kung ating iisipin, bakit mo iisipin ang kahihiyan? Bakit... sila ba nagpapakain sa iyo? Bakit sila ba bumubuhay sa iyo? Ano ba paki-alam nila sa buhay mo di ba? Dito sa mundo sa panahon ngayon kanya-kanya na ang buhay ngayon, kanya-kanya tayo ng diskarte sa buhay, kanya-kanya tayo ng isipan, kanya-kanya tayo ng paraan kung paano magiging masaya. Ang kahihiyan ay nasa tao nalang kung pahahalagahan mo ang kahihiyan.. ikaw ang maapektuhan, pero kung babalewalain mo at iisipin mo ano ba pakialam ninyo sa buhay ko. Pare-parehas lang tayong tao, kung magmalinis kayo gawin nyo huwag na ninyo akong asahan na makikitang katulad ninyo dahil magkakaiba tayo ng buhay, magkaiba tayo ng isipan.

Sa tagal kong pamamalagi dito sa korea marami akong naka usap na mga kaibigan kong koreano, nakita ko at nalaman ko ang ibat iba nilang pananaw tungkol sa sex or tungkol sa mga tinatawag na scandal webcam scandal or kahit na anong scandal, na... sa ating mga pilipino masyadong bentahe. Tinanong ko ang bawat koreano na kaibigan ko tungkol sa nangyaring scandal ng isang singer dito sa korea, halos iisa sila ng pananaw. Ang karamihan na sinagot sa akin ng mga kaibigan kong koreano ''OK LANG LAHAT NAMAN TAYO NAG SE-SEX, LAHAT NAMAN TAYO PARE-PAREHAS SA KAMA, LAHAT TAYO PARE-PAREHAS NA BASTOS PAGDATING SA KAMA, LAHAT TAYO PARE-PAREHAS ANG KATAWAN", ''LAHAT TAYO MASAYA SA GINAGAWA NATIN, BINATA KA OR DALAGA KA ANONG MASAMA SA GINAWA MO?

Pinag isipan kong mabuti ang kanilang sinabi, pinag isipan kong mabuti ang kanilang mga reaction sa mga sinasabi at reaction sa kanilang mga mukha. Nabanaag ko sa mga binibitiwan nilang mga salita at pananaw na hindi masyadong bentahe sa kanila ang mga tinatawag na scandal bagamat masasabi kong naging interesado lang silang panoorin ang nasabing video dahil sa kilalang tao ang apektado sa nasabing scandal pero... hindi ko nabanaag sa kanilang mga mukha ang reaction na inuuri o inaalipusta na nila yung taong naiskandal. Hindi ko maihahalintulad sa ibang pilipino na kung makarinig o makapanood ng scandal ang dami mong maririnig na kesyo ''YAN BUTI NGA SA IYO'' kesyo... ''KUNG KUMILOS NAPAKAHINHIN''. Masyado lang tayong nagmamalinis, pero... makasalanan ka rin.

Sa mga tao lalo na sa mga kadalagahan na nakakagawa ng tinatawag na scandal panindigan ninyo ang inyong ginawa, huwag tayong magpadala sa kahihiyan o sa mga sasabihin ng tao, ginawa mo yan ng ayon sa iyong sarili, ayon sa iyong isipan at ayon sa iyong ikakaligaya at pagpapaligaya sa iba. Hindi kasalanan yang ginawa mo mas makasalanan ang mga taong mapang-api sa kapwa, mapang-alipusta, magnanakaw, pintasero at pintasera. Sa ginawa mong scandal wala kang inaping tao, wala kang inalipusta, wala kang sinaktang damdamin ng tao o nag paiyak ng kapwa. Gawin mo ang mga bagay na nagpapaligaya sa sarili mo. Ginawa mo yan ng ayon lang sa iyong kasiyahan, huwag mong kitilin ang buhay mo humarap ka ng nakataas ang noo.



Photobucket

Monday, 15 March 2010

PANGUNGUMUSTA


Umpisahan ko sa pangungumusta ang aking unang bungad sa inyo dahil sa mahabang panahon na parang kabuti lang akong pasulpot-sulpot dito sa aking blog. Bagamat pasulyap-sulyap din naman ako dito dahil tinitingnan ko rin kung may mga bumibisita rin dito sa aking hang out. Masyado akong naging busy nitong mga nakaraang araw o buwan. Marami akong napagkaabalahan, unang-una sa trabaho ko dahil halos dose-dose oras na ang pinapasok ko sa araw-araw pinapasukan ko pa ng sabado at lingo. Lalabas ng 4 am ng madaling araw ng lingo papasok pa ng alas otso nang umaga ng ganon ding araw linggo. Halos wala narin akong panahon sa sarili ko dahil pagkatapos ko maka usap at makita ang pinakamamahal kong asawa at mga anak humihiga na ako wala na akong oras para mag-isip ng isusulat ko dito sa blog ko. Pinagtutuunan ko din ng atensiyon ang aking trabaho dahil ayaw ko ng sayangin ang bawat oras ko, gusto ko sa bawat oras ko na lumilipas may bayad dagdag sa kita ko kokonting panahon nalang ang ilalagi natin dito sa malayo hindi ko alam kung madadagdagan pa.

Sa mga kaibigan ko kumusta po kayong lahat!
Pipilitin ko na muling bigyan ng kahit konting panahon ang aking pagsusulat bagamat humihingi parin ako ng konting pasensiya sa mga kaibigan ko dito sa mundo ng blog na hindi parin ako masyadong makakapasyal sa mga hangout ninyo dahil sa dami rin ninyo hindi ko rin kaya ang pasyalan kayo ng sabay-sabay.


Photobucket

Sunday, 21 February 2010

OFW GAANO BA KASAKIT ANG MALAYO

Gaano nga ba kasakit ang mawalay sa amat ina?
Sa isang ina gaano ba kasakit ang makita mong lalayo ang iyong anak? Gaano kasakit isipin na ang isa mong anak ang mapipilitang lumayo upang iahon kayo sa hirap na dinadanas ng inyong pamilya? Sa isang inang tulad mo napakasakit ang makita mong unting-unting lumalayo at unti-unting nawawala sa iyong paningin ang mahal mong anak na alam mong maaring iyon ang magiging dahilan ng kanyang kalungkutan at kamatayan sa kamay ng ibang lahi. Dahil sa hirap ng pamumuhay napipilitang umalis at magbakasakaling humanap ng kapalaran sa ibayong dagat. Napapalitan nalang ng ngiti ang nadarama mong pag-aalala at kalungkutan kung malaman mo na nakarating ng maayos ang iyong anak sa kanyang pinatunguhan. Lalo kang mapapangiti kung marinig mo ang boses ng iyong anak lalo na sa mga magandang binabalita ng iyong anak sa mga naranasan niya ng mga unang lingo niya sa malayo, nakakataba ng puso. Pero.... Gaano kasakit kung marinig mo ang boses ng iyong anak sa napakalayong lugar na umiiyak? Gaano kasakit ang malaman mo na humihingi ng tulong ang iyong anak sa inyo upang maka-uwi na at nagsusumbong sa hirap na dinadanas niya sa kanyang pagtatrabaho? Napakasakit ang wala ka halos magawa.

GAANO NAMAN KAYA KASAKIT KUNG IKAW MISMO ANG LALAYO?
Lahat tayo maaring iisa ang nararamdaman nating lahat. Pero.... Mas masakit sa isang ina ang lumayo at iwan niya ang kanyang pinakamamahal na anak. Napakahirap labanan ang hirap ng kalooban na mararamdaman lalot nakikita mo sa iyong paglayo ang nag papalahaw ng iyak ang iyong mga anak. Napakahirap makitang pilit na humihiyaw ang iyong anak, pilit na gustong sumama sa isang ina. Masyadong nakakadurog ng pusot kaluluwa ang tagpong huling araw mo ng masisilayan ang iyong mga anak. Halos panawan ka ng lakas, hindi mo halos kayang ihakbang ang iyong mga paang palayo sa iyong mga mahal sa buhay. Hindi mo kayang pigilan ang sandamakmak na luhang tutulo sa iyong mga mata, hangang sa iyong pagdating sa patutunguhan hindi maubos ang luhang tumutulo mula sa iyong puso. Walang katumbas ng anumang sakit sa katawan ang sakit na nararamdaman dulot ng iyong paglayo sa iyong mga anak. Sa bawat hakbang ng iyong mga paa siya rin ang dami ng patak ng iyong mga luha, kahit wala na sila sa iyong mga paningin ngunit nakasalamin sa iyong isipan ang pag palahaw ng iyong mga anak. Lumalakas na lang ang kalooban mo pag naisip mo naman ang iyong ina, ang iyong ina ang nagpapalakas ng iyong loob dahil sila ang alam mong mag-aaruga sa iyong mga anak. Salamat at nandiyan ang iyong ina. Nagising nalang ang iyong ulirat ng iabot mo ang iyong pasalubong pasasalamat sa iyong ina, salamat inay sa pag-aaruga ninyo sa pamilya ko. INAY ETO PO ANG PASALUBONG KO SA INYO AT KAY ITAY AT ETO PO ANG MUNTING HALAGA PARA SA INYO NI ITAY.

SALAMAT ANAK HINDI MO RIN KAMI NAKALIMUTAN
PASYALAN MO RIN MGA KAPATID MO AT IBIGAY MO ANG MGA PASALUBONG MO SA KANILA.
Ang sakit ng naramdaman mo nung iwan mo ang iyong pamilya ay siya namang walang katumbas na kayamanan ang kaligayahang kapiling mo ng muli ang iyong mga mahal sa buhay. Sa muli mong pag-alis bagamat makakaramdam ka muli ng bahagyang sakit ngunit madali mo na itong mapaglabanan dahil sa kaligayahang hatid mo sa kanila ngayon dulot ng iyong pagsusumikap mula sa pagiging ofw. Sa iyong muling pagbabalik may ngiti ka na sa iyong mga labi dahil dala mo sa iyong muling pag balik ang saya at kaligayahan na mas masarap pala ang magtiis kung ang kapalit nito ay ang maayos at matiwasay na pamumuhay ng iyong asawa at mga anak at nabahaginan mo ng kaligayahan ang iyong ama't ina dulot ng iyong pagiging ofw. Kaysa ang magtiis ng walang naghihintay na kaligayahan at pag asa sa piling ng kahirapan sa pilipinas. Lumayo ka man ng lumayo, darating at darating kang muli dala ang sandamakmak na kaligayahan para sa iyong mga mahal sa buhay.

Ang lahat ng bagay dito sa mundo ay may katumbas. Sa bawat kalungkutan may kaligayahang nakalaan at sa bawat patak ng luha ay may mga ngiting katumbas.

Para sa aking paglayo dahil masasabi kong mas matibay ang aming puso at damdamin kung ikukumpara ko sa inyong mga babae. Bagamat may mararamdaman din kaming kalungkutan pero mas nananaig sa amin ang tigas at tibay ng kalooban. Ngunit kahit anong tigas ng aming kalooban nasasaktan din kami at lumuluhang tulad ninyo. Sa aking paglayo lumuha din ako hindi lang dahil iiwan ko ang aking pamilya, lumuha ako dahil iniwan ko sila na wala ni kahit singko sa kanilang bulsa, iyan ang nagpaluha sa akin. Pero ang paglayo ko sa kanila ay masasabi kong mas umiibabaw sa aking isipan ang kaligayahan bagamat maliit pa ang dalawa kong anak. Dahil ito na ang simula at panibago ng aming pamumuhay. Ang aking paglayo ang magbibigay ng kaligayahan sa aking pamilya hindi lang sa aking mga anak kundi para narin sa aking maybahay. Ang isang nagpapasaya sa akin sa aking paglayo ay maibibigay ko narin sa aking maybahay ang kaligayahang hindi niya natikman mula ng siya ay nagpakasal sa akin. Halos wala akong yaman ng kami ay nagpakasal, wala akong yaman na naipagmalaki sa kanya. Sa aking paglayo ibayong kaligayahan ko dahil maari na akong ipagmalaki ng aking maybahay sa kanyang mga magulang. Yan ang madalas kong iniisip kung kaylan ko bibigyan ng kaligayahan ang aking maybahay ayaw kong dumating ang araw na pagsisihan niya ang pagpapakasal sa akin. Ayaw kong dumating ang araw na iwan niya ako dahil hindi ko maibigay ang kanyang kaligayahan. Kaya nung time na naghiwalay kami ng aking maybahay punong-puno kami ng kasiyahan sa isat-isa dahil baon ko ang mga pangakong maghihintay siya sa aking pagbabalik at iniwan ko sa kanya ang pangakong ibibigay ko sa kanya ang kanyang kaligayahan at dala ko sa aking pag-alis ang mga pangarap na nais naming matupad ang magkaroon kami ng sariling tahanan para sa isang masayang pamilya upang lalong maging matibay ang aming pagsasama kahit ano mang bagyong dumating meron kaming masisilungan at masasabing ganap na kaming isang masayang pamilya.



Photobucket

Thursday, 14 January 2010

ANG BIRD KO



Noon meron akong alagang ibon apat sila, mahilig din akong mag alaga ng ibon lalo na ng kalapati pero nagkahiwalay kami dahil sa pagharap ko sa obligasyon ko sa aking pamilya. Masakit man sa akin ang magkalayo kami walang magawa mas kailangan kong pakainin ang pamilya ko. Matagal ng panahon ang lumipas ngayon sumasagi sa aking isipan ang alaga kong ibon. Buti pa ang ibon malaya, madaling maghanap ng pagkain kahit walang mga kamay. Hindi kailangan ng pera upang makakain, hindi kailangan ng pera upang makarating sa patutunguhan, may kakayahang palakihin ng maayos ang kanyang mga anak.

Sa aking pag-iisa hindi ko na halos maisip ang aking ibon dahil wala naman akong dapat ipag-alala sa isang ibon dahil kahit hindi ko bigyan ng kalinga kayang harapin ang kanyang buhay. Kaya niyang mabuhay ng malaya, kaya niyang mag-isa.

Sa aking pag-iisa ang madalas na iniisip ko ngayon paano na kaya ang iba kong mga kababayan na naghihikahos at salat sa pamumuhay. Walang trabaho, wala halos makain, habang patuloy ang pagtaas ng bilihin. Mga pilipinong pilit naghahanap ng mapapasukan ngunit wala ng kompanyang mapasukan gasino lang ba ang dami ng kompanya natin kung ikukumpara sa mahigit kumulang sa dalawang bilyong mga kababayan natin ang walang trabaho. Mga pilipinong may mga pamilyang pinapakain, may mga anak na gustong pag aralin, mga anak na gustong bilhan ng mga kasuotan sa katawan. Paano na nga ba ang isang pilipino na nasa edad trenta pataas gayong merong sinusunod na patakaran ang mga kompanya at gobyerno natin na kung nasa edad trenta ka na pataas wala ng magnanais na tumangap sa iyo. Kung ganyan ang edad mo paano mo na pakakainin ang sarili mong pamilya dahil hindi ka na ibinibilang ng mga kompanya ganon din ng ating gobyerno na mabuhay. Wala ka ng karapatang mabuhay, wala ka naring karapatang buhayin ang pamilya mo. Samantalang noong nasa tamang edad ka pa hindi ka na nga nakakahanap ng trabaho ngayon nasa ganyang edad ka di mas lalong wala ka ng pagkakataon upang magtrabaho.

Paano pa kaya kung medyo pilay ka pa? Paano kung medyo may kapansanan ka sa kamay? Lalong anong silbi mo na? Paano na ang pamilya mo? Paano na kayo mabubuhay? Habang lumilipas ang bawat araw na wala kang hanapbuhay siya namang pagtaas ng mga bilihin lalong ka pang nababaon sa hirap dahil wala ka ng halos kakayahang bilhin ang mga bagay na kakailanganin ng inyong sikmura. Habang lumilipas ang taon siya namang pag sibol ng mga bagong graduate na mas bata sa iyo at may natapos na pag-aaral na siya ding nanganga-ilangan ng hanap buhay. Nakatira ka sa probinsiya paano ka maghahanap ng mapapasukan mo sa maynila samantalang bilyong kabataan din ang walang hanapbuhay sa maynila na mas bata sa iyong tingnan.

Ang ating gobyerno ay isang napakasamang bangungot para sa ating mga pilipino. Hindi ko magawang ngumiti kapag gobyerno na ng pilipinas ang pag-uusapan. Wala kang halos makitang patakaran ng gobyerno na para sa tao. Ang lahat ng ginagawa ng gobyerno natin ay para lang pagkaperahan tayong maliliit ngunit ayaw naman tayong suportahan ng gobyerno. Pinipiga tayo ng husto ng mga walang kuwenta at mga walang pusong mga nanunungkulan sa ating gobyerno.

Paano na kaya kung wala ng bansang mangailangan ng mga manggagawang dayuhan saan na kaya pupulutin ang mga pilipino. Kaawa-awa na ang mga kababayan nating mga kababaihan ng dahil sa hirap ng buhay sa ating bansa napipilitang tumungo sa ibang bansa ng hindi alam ang patutunguhan. Hindi alam kung anong kahihinatnan ng buhay nila sa ibayong dagat. Isinusugal ang buhay ng dahil sa kahirapan. Kahit alam nilang mapapariwara lang ang buhay nila nagbabakasakaling mai-ahon lang sa hirap ang mga magulang at mga kapatid. Habang may mga pilipino namang sing itim ng kalawang ang budhi nila ng dahil sa pagnanasang kumita ng malaki sinasamantala ang mga naghihirap nating mga kababaihan na nangangarap kumita ng makakain, kumakapit na sa patalim ng dahil sa walang kuwentang gobyerno natin. Kung nais mong kumita ng konti dito pa sa ibang bansa natin makukuha hindi sa pinas at bago ka pumunta dito sa ibayong dagat sandamakmak pa ang aasikasuhin mo at sandamakmak din ang gagastusin mo saan ka kukuha ng gagastusin mo sa pamasahe palang hindi mo na kaya. Saan pa kaya kukuha ng pera para ipakain mo sa pamilya mo? Paano ka makakaalis kung nakabase uli sila sa edad. Ang ibang bansa willing silang tangapin ka kahit anong edad mo pero ang sariling bansa ang ayaw magpaalis sa iyo. Habang unti-unting tumataas ang mga bilihin unti-unti kang lalong nababaon sa hirap sa klase ng pamamalakad ng ating gobyerno. Habang patuloy ang bangayan nila sa gobyerno, patuloy ang nakawan sa kaban ng bayan ang mga kaawa-awa naman nating mga naghihirap na kababayan nag-iisip kung paano bubuhayin ang pamilya. Wala ng panahon ang gobyerno natin para pag-isipan kung paano tayo tutulungang mabuhay.

May pag-asa pa kaya ang mga pilipinong lumipad ng malaya at mabuhay ng maayos tulad ng isang ibon?
Mga ibong masayang lumilipad sa kalawakan malayang makarating saan man nais makarating. Walang mahirap walang mayaman.



Photobucket
Photobucket