Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Thursday, 22 July 2010

KALIGAYAHAN KO ANG KANILANG KALIGAYAHAN






Sa unang pag alis ko papunta dito sa ibayong dagat walang pagsidlan ang kagalakang naramdaman ko sampu ng aking pamilya kasama ng lahat ng mga mahal ko sa buhay. Ganito pala ang pakiramdam abot-abot ang kaligayahan dahil ito na ang simula para maabot ko ang magandang buhay at isa narin akong matatawag na ofw ang isang bayani ng bayan. Dahil sa pangingibang bansa ko lalong tumibay ang relasyon namin ng aking asawa at ng aking mga anak dahil sa perang pinapadala ko sa kanila lalo nilang sinusunod ang lahat ng binibilin ko sa kanila mula sa pag aaral at sa pang araw-araw nilang ginagawa at pag uugali mas madali silang pangaralan dahil dulot narin sa nararamdamang kaligayahan nila mula ng akoy pinalad makapag trabaho dito sa ibayong dagat. Nagkaroon kami ng tinatawag na give and take sa isat-isa yun bang ibibigay ko ang lahat ng gusto nila basta huwag lang nilang gagawin ang lahat ng ayaw ko. At natuto silang tumupad sa pangako dahil ako muna mismo ang nangungunang mag pakita ng pagtupad sa pangako.

Sa panahon ng aking pamamalagi dito sa ibayong dagat dito ako nakaramdam ng tunay na kaligayahan. Hindi mai-aalis sa isang ofw ang hindi lumuha dahil dumarating ang araw na maalala mo ang mga mahal mo sa buhay. Ang iyong butihing asawa na nandiyan lagi na nangungumusta at nagpapaalala lagi sa aking kaligtasan kasama ng aming mga anak, ang iyong inang nag-aalala. Ngunit andiyan parin sa iyong isipan ang pangungulila at kasabikang makita, mayakap at mahagkan ang aming mga anak. Dahil sa makabagong teknolohiya ngayon abot kamay at abot tanaw ko ang aking pamilya sa pamamagitan ng internet napapawi ang aking pagod at luha sa tuwing nakikita namin ang isat-isa. Bawat pag uusap namin puro pangarap ang madalas na pinag uusapan namin ng aking pamilya pangarap na hindi na muling babalik sa hirap na dinanas namin noon. Hindi na baleng ako na ang makaramdam ng kalungkutan dulot sa pangungulila basta makita ko silang masaya, malusog at may siguradong makakain sa araw-araw.

Hindi biro ang mawalay ka ng matagal sa iyong pamilya. Maraming pagsubok at kalungkutan ang dadanasin mo. Mga luhang hindi mo halos mapigilan lalo na kung dumarating ang kapaskuhan na tanging larawan at sulat lang ng iyong pamilya ang iyong kapiling. Ang bawat luhang pumapatak ang siyang nagpapatibay ng aking pagkatao, mga luhang nagpatatag ng aking kalooban at ang mga luhang ito ang nagturo sa akin upang tumayo at lumaban sa lahat ng pagsubok. Ang mga sakit na naramdaman ko sa panahon ng aking pag-iisa at paghahanap buhay sa ibayong dagat ang siya kung ginagamit upang matutuo akong mag isip ng malalim. Mula sa pagiging ofw ko at mamuhay ng nag-iisa marami akong natutunan, natuto akong makipag-kapwa tao dahil minsan kailangan mo ng may kasama. Hindi sapat na sila lang ang pwedeng magmahal kailangan magmahal karin sa kanila. Dito ako natuto kung paano mapaglabanan ang kalungkutan, dito ako natuto kung paano maging matibay ang aking kalooban sa mga pagsubok, dito ako natuto kung gaano kahalaga ang oras at panahon na lumilipas, dito ako natuto kung paano bumagsak at tumayong muli alang-alang sa mga mahal ko sa buhay, dito ko nalaman ang tunay na kahalagahan ng isang ama kung gaano kalaki ang responsibilidad na hinahawakan mo sa iyong sarili at sa iyong pamilya, dito ko napatunayan kung gaano ako katatag sa mga pagsubok, dito ko natutunan kung paano magkontrol sa sarili mula sa mga hilig ng katawan at sa lahat ng galit na nararamdam mula sa mga taong nakapaligid, dito ako natuto kung paano mag pasensiya alang-alang sa pamilya at dito ako natutong magdasal at humingi ng gabay mula sa ating panginoon na huwag niyang pababayaan ang aking pamilya at huwag niya akong pababayaang magkasakit upang makamit ang pinapangarap kong magandang buhay para sa aking pamilya kahit katumbas nito ay luha.

Sa pamamagitan ng mga natutunan ko gagamitin kong sandata upang makita ko ang tamang daan tungo sa aming mga pangarap. Ayokong sayangin ang bawat pawis na pumapatak mula sa aking katawan, kahit anong pagsubok, kahit anong hirap kakayanin ko maibigay ko lang ang pangarap at kaligayahan ng aking pamilya.

Dito ko rin napatunayan kung gaano kalaki ang ginagampanan ng bawat manggagawang pilipino sa ibayong dagat, hindi lang dahil sa pamilya para mabigyan ng magandang bukas, hindi lang sa ating bayan kundi ang pakikipagtagisan ng kakayahan sa ibat-ibang nationality kung saan naging angat tayong mga pilipino at kinilala sa buong mundo dahil sa talento at pambihirang kakayahan natin sa pagtatrabaho kung saan nakilala tayo ng husto at pinapurihan ang mga manggagawang pilipino. At dahil sa nakilala ang pilipinas taas noo tayo at may karapatang iwagayway ang ating watawat saang panig man ng mundo. At dahil sa ipinakitang kakayahan ng bawat manggagawang pilipino patuloy na kukuha ang bawat bansa ng mga pilipino sa mga susunod pang mga henerasyon.

Ano man ang danasin patuloy at patuloy tayong tatayo alang-alang sa ating pamilya. Upang sa pagbabalik kahit lumuha akong muli hindi na luha ng kalungkutan kundi luha na ng kaligayahan. Darating ang araw maipagmamalaki ka ng iyong pamilya dahil sa nagawa mong kabayanihan sa kanila at sa iyong inang bayan.

Sa tuwing nakikita kong masaya ang mga mahal sa buhay walang tigil sa pagluha ang aking mga mata mga luha ng kaligayahan dahil kaligayahan ko ang kaligayahan nila. Ang pangarap ko tuparin ang pangarap ng aking mga anak. Salamat sa pagiging ofw ko.

Sa mga kapatid kong manggawang pilipino saludo ako sa inyong lahat dahil kayo ang nagsisilbing pundasyon ng ating watawat at pundasyon upang maging matatag ang pagsasama ng pamilya. Sa pinuhunan kong pangungulila abot kamay na ng aking mga anak ang kanilang mga pangarap uuwi akong may masayang pamilyang naghihintay.

Sa mga kapwa kong ofw sumasaludo ang ating bayan sa inyong lahat.



Photobucket

24 comments:

BatangGala said...

ouch. ramdam na ramdam ko ang pangungulila dahil po sa post na to. minsan na rin akong lumuha. humihiling na sana pagdating ng panahon, makauwi rin akong muli. makita ang mga taong naging bahagi rin ng buhay ko. nice post! GBU! :)

ROM CALPITO said...

salamat sa pagbisita ateng gala at salamat sa madamdamin mong comment darating din ang panahong makita mo sila basta pray ka lang lagi ha tc/gb always.

ate siyanga pala ito ang magiging entry ko sa PEBA kung ma-approve nila favor ha konting suporta ate ko

eto yung link
share mo sa mga frenz mo yung name ko ha

http://www.pinoyblogawards.com/p/nomination-form.html

Gumamela said...

...mga luhang hindi mo halos mapigilan lalo na kung dumarating ang kapaskuhan na tanging larawan at sulat lang ng iyong pamilya ang iyong kapiling. Ang bawat luhang pumapatak ang siyang nagpapatibay ng aking pagkatao, mga luhang nagpatatag ng aking kalooban at ang mga luhang ito ang nagturo sa akin upang tumayo at lumaban sa lahat ng pagsubok.

(well said)

gudluck!

Mel Avila Alarilla said...

Mabuhay ang lahat nang OFWs. Kayo ang bagong mga bayani nang bayan. Dahil sa inyo ay hindi lumubog ang ekonomiya nang Pilipinas maski kasagsagan nang pangungurakot ni PGMA nung nakaraan dahil sa pinadadala ninyong mga remmitances. Thanks for the post. God bless you all always.

Jag said...

nkakarelate ako sa sulating ito kc minsan din akong nangibang bayan pra kumita ng mganda ganda...

sadyang mhirap maging ofw...mabuhay ka sir! salamat sa pagbisita...

ROM CALPITO said...

salamat miss bhing sa pagbisita at sa comment tc/gb always.

@Mel bossing salamat sa pagdaan totoo yang sinabi mo salamat sa comment tc/gb bossing

@Jag salamat din sa pagbisita at sa comment mabuhay din po kayo bossing

pet said...

hi jettro, salamat sa tambay kay payatot. naramdaman ko ang iyong sinulat, masakit mawalay sa pamilya lalo na kung di naman ganun ktagal mo sila nakasama mula ng inyong pagiging buo. pero ang masarap lang sa ginagawa mo ay nakakamit nila at ikaw na rin ang dapat ay makamit nyo sa buhay. alam ko mahirap pero sabi nga kelangan natin dumaan sa ganitong sitwasyon para lalo natin malaman ang kahalagahan ng ating pamamalagi dito sa mundong ito. masarap basahin ang iyong sinulat kasi nagmula sa puso ng isang tao na lubos ang pagmamahal sa pamilya. keep it up pare, hanga ako sayo.

fiel-kun said...

Hello Sir Jettro!

Naku sobrang saludo po ako sa mga OFW na tulad ninyo. Hindi biro ang mawalay sa mga mahal mo sa buhay para lang mabigyan sila ng magandang kinabukasan. Malungkot talaga ang mawalay sa kanila lalo na sa una mong pag-alis pero I know nakayanan nyo naman ang mga pagsubok na iyon sa tulong ng ating panginoon. Saka, marami ng ways para makipagcommunicate ng mas mura sa mga mahal natin sa buhay sa malalayong bansa like using the internet.

NoBenta said...

nice entry parekoy. ramdam ko rin ang ganyang emotions simula nang mapadpad ako dito sa saudi. at normal lang sa ating mga ofws ang lumuha. sana nga lang ay malaman at amaramdaman din ng mga naiwanan natin sa pinas ang lahat ng sacrifies natin sa ibang bayan para lang sa pamilya.

God Bless!!

Kim, USA said...

Kahit hinde ako OFW pero andito din ako sa ibang bansa. And even if I am with my husband I still do missed my family back home, bro and sis, pamangkins na ang lilikot. I think it's not only the OFW who has this feeling of homesickness this also include the people who married to foreigners.
I like your post very personal. Thanks for the visit!

ROM CALPITO said...

salamat bossing PPP touch naman ako sa sinabi mo salamat ha mabuhay po kayo bossing.

@fiel salamat ang gaganda ng mga comment nyo take care & god bless sir fiel

salamat bossing NOBENTA totoo yang sinabi mo take care bossing always pray lang.

salamat miss MANANG KIM sa pagbisita at sa comment totoo kasama kayong pag asa ng bayan dahil sa mga dolyares na pinapadala ninyo mabuhay po kayo take care po lagi manang kim. regards nalang sa family ninyo diyan.

anney said...

Malungkot mang isipin na malayo ka sa pamilya mo e ito naman ay ginagawa mo para sa kanila rin. Just be strong, kaya mong lampasan lahat ng pagsubok na darating sayo.

eden said...

I agree with Manang Kim, ako din ganoon ang pakiramdam. Kahit matagal na ako dito with my family but still I miss so much our country, my family, bro, sister at mga pamangkin. It is not always that we can take a holiday there for we can't afford to do it every year. So tiis lang muna I know time will come na makapiling uli natin ang mga mahal natin sa buhay.

Great post and thank you for visiting. Greatly appreciated. About your question on what camera I used in taking pictures, I am using only an ordinary digicam. I really want to have DSLR but can't afford at the moment. hope someday I could afford one.

ROM CALPITO said...

salamat miss anney nakakapagpalakas naman ng loob yang sinabi mo salamat ha god bless sa iyo miss anney.

salamat din miss eden sa pagbisita at sa comment basta ingat lang kayo lagi diyan sa kinalalagyan nyo parehas ang mga nararamdaman nating pangungulila. Ang masarap yung time na magbabakasyon noh hihihi walang katumbas na halaga yung kasiyahang nararamdaman. tc/gb miss eden

sana bumoto kayo ha salamat

Anonymous said...

The pain of separation ang pinakamabigat na dadalhin mo sa puso mo bilang isang OFW separation sa pamilya sa lugar na kinalakhihan mo at sa mga bagay na nakasanayan mo para kang isang tuta na itinapon sa jungle ung ang pakiramdaman ng isang OFW u need to survived for the sake of your dreams to your loved ones .. i think is how loving a Filipino is ,the cultured and knit family ties the way we brought up..we are flexible and easy to adapt in any given situation...but most of all the happy disposition instill within our heart that make us all OFW survived ,para sau BOk .. Cheers !!!!! for reaching your dreaming for your Family god bless you and your family !!!

ROM CALPITO said...

ganda naman ng sinabi mo anonymous totoo yung pagkakahiwalay sa lahat ng nakasanayan natin ang isang mahirap harapin. mas mahirap siguro yung hanapin yung taong ayaw magpahanap parang pusit.

charmie said...

Hahay di madali maging isang OFW, asahan sa lhat. give up mgandang trabaho makatulong ng malaki sa mga magulang. Umiiyak dahil sa layo ng mga mahal sa buhay. At sa wakas, makauwi na rin ako pagkatapos ng mga taon dito sa ibang bansa. But then I'm apprehensive what's life awaits for me there.

thanks for this post, and thanks sa dalaw ng blogs ko!Have a nice day!:)

Unni-gl4ze^_^ said...

sad~~Saludo ako sa mga OFW lalo na yung talgang nagtiis,nagpigil at yung inuuna ang pamilya bago ang kanilang sarili~
Nice post po^_^
Ingat po kayo jan~~
Stay healthy and happy always po para makawork pa kau ng maayos para din sa kinabukasan ng family mo^^
nga po pala sa Anyang po kau ngaun?thanks po~

ROM CALPITO said...

salamat sa pagbisita at sa comment miss charmie masaya na kayo dahil kapiling na ninyo ang mga mahal mo sa buhay tc/gb po lagi miss charmie.

@miss unni salamat din sa pagbisita at sa comment salamat din sa paalala mo ikaw din always take care miss unni sana makamit mo rin ang mga pinapangarap mo sa buhay. gb

dito pala ako sa gwangju gyeonggido

kungwalaako said...

maluha-luha ako habang nagbabasa
ramdam ko bawat kataga...
puso na laman ng iba't ibang emosyon, emosyon na sya ring naging sandata mo para pagtibayin at pag-igihan ang iyong trabaho para sa iyong mahal na PAMILYA
Godbless po! at MABUHAY KYONG MGA OFW!

ROM CALPITO said...

salamat sa pagbisita miss kungwalaako touch din ako sa sinabi mo salamat sa comment ingat po lagi at godbless din po sa inyo sana lagi rin kayong masaya sa araw-araw.

kayedee said...

nakakdala nman.. eto my isang patak ng luha! jowk ahaha.

mabuhay ka kuya..

nga po pla req is redi! :)

ROM CALPITO said...

thanks miss kaye sa pagbisita at sa comment ingat lagi and god bless.

napakingan ko na thanks uli kaye

Carnation said...

yan nga talaga ang nararamdaman ng karamihan...

Photobucket