Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Friday, 30 October 2009

PANIS NA ULAM

Nung sabado dahil walang pasok nagkainuman nanaman kaming
magkakapitbahay, kainuman ko taga dagupan yung isa, taga
alaminos yung isa, general santos yung isa, at cavite yung isa.
!
Pinasyalan nila ako dito sa kuwarto ko,
Pare! dito na naman kami! eto, may dala kaming maiinom,
Anong pulutan natin diyan? (tanong nung taga GENSAN)
Meron akong ulam doon, kinuha ko sa kusina yung ulam nung
kasama ko sa kabilang kuwarto, palibhasa tamad maghugas ng
mga pinagkainan kinuha ko yung natirang ulam niya na inaamag na
sa tagal na hindi nahuhugasan, ang bagsik nga ng amoy pag binuksan
mo yung takip. Ang ginawa ko hinalo ko yung ulam na apat na beses
ng panis. Hinalo ko para hindi mahalata yung amag, tapos kinuha ko
Pare!
Paki-amoy mo nga ito kung hindi pa panis?
Lumapit yung taga gensan, sabay bukas nung kaserola sabay yuko at
inamoy, sabay singhot.
Sus! talsik yung ulo sa pagkakaatras nung maamoy yung ulam, ha ha ha
Sabay tanong ko.. Ano pare pwede pa ba?
Ta***na ka pre, ang bagsik ng amoy.
!
Nung minsan nag inuman nanaman kami, tag-yelo dito noon
umuulan ng yelo, kaya masarap uminom. Meron akong natirang
dinuguan sa ref. kung magluto kasi ako maramihan pang tatlong araw
para hindi luto ng luto, painit na lang. Eh, umabot ng isang lingo nakalimutan ko
ng itapon pero walang amoy dahil nasa ref.
Pagdating ko sa room ko andon na yung mga sunog baga sa room ko
at inuumpisahan ng mag inom, pinainit nila yung dinuguan.
Hindi nalang ako umimik, sa madaling salita, naubos yung dinuguan,
maya-maya umalis yung isa, comfort room ang destinasyon ha ha ha
maya-maya nagpaalam naman yung isa pa, comfort room din ang
destinasyon wha ha ha! Sabi naman nung isa pa...
Pare, may tisyu ka ba diyan? Andon pare sa cr!
kaso naubos na, maya-maya tumatakbo yung isa pa na taga dagupan
ha ha ha ha unahan sila ngayon sa cr kahit wala ng tisyu basta
makaraos kasi nga hindi na maka-utot may sasabay, yung isa
naman wala ng mapuwestohan sa tabo nalang umupo.
Nakaraos yung isa kaso wala ng tisyu,
Pare!!!! pengeng tubigggg!!
Binigyan ko ng tubig na malamig galing sa ref.
Ta***na ka pre!! wala na bang ibang tubig? Wala na!!
Pagbuhos sa puwet... Waaaaaaaa Ang hapdiiiiii!!
Buhos uli.... Ahhhhhhhhhh jusko poooo!!!
Buhos uli... Ahhhhhh, woooh hirapppp!!!
!
Yung isa pa na umupo sa tabo kailangan din ng tubig,
Binigyan ko din ng malamig na tubig... Pagbuhos...
Ahhhhhhh!! Buhos uli.. Ahhhhhhhh!! Brrrrrrrrr!!
Buhos uli... ahhhhhh!!! hirap namaaaaannn!!! brrrrrrr!!!
Ha ha ha ha ha ha ha
Hirap pala ng malamig na tubig ang gamitin sa puwet noh?
Parang nanganganak ha ha ha ha
!
Isang chapter pa lang yan..
Di ba pag nagtatae ka maraming chapter yan?
Eh.. wala ng tisyu.

PAYO KO SA IYO

Kahapon naguusap kami nitong kaututan ko ng dila, dahil parehas
kaming panggabi sa trabaho, madalas ko siyang nakikitang tulog na
nakatayo. Nakakita na ba kayo ng taong tulog pero nakadilat?
Eto ngang kasama ko kinakausap ko nakatingin sa akin pero walang
ulirat, hirap talaga ng katayuan natin dito sa malayo, lahat na ng hirap
nararanasan natin dito, biro nyo ngayon lang ako nakakita ng taong
tulog pero nakadilat.
Pinayuhan ko siya para mawala yung antok niya habang nagtatrabaho.
!
UNA
Kapag nagtatrabaho ka kailangan paganahin mo yung isip mo, lahat ng
imposibleng mangyari kailangan sa isip mo magawa mo lahat.
Pare halimbawa ano? (tanong niya sa akin)
Halimbawa driver ka ni rica paralejo, hinatid mo siya sa malayong
lugar dahil mag shu-shooting siya. Siyempre malayo, dalawa lang kayo
sa kotse at don pa siya naka upo sa harap tapos naka mini-skirt
pa, maigsi yung palda niya, kita yung legs niya, dahil malayo, nakita
mong uminom siya ng sleeping pills para makatulog.
Mga ilang minuto pa tulog na tulog
na siya, wala ng kamalay-malay.
Ngayon.. anong gagawin ko pare? (tanong na naman ng kasama ko)
Ang tang-tanga mo naman! Alangan namang matulog karin?
Wala ng kamalay-malay yung tao, Kita mo ng lahat! Di halikan mo ng
lahat! Dahan-dahan lang baka magising haha
huwag mo lang papasukin baka mabuntis.
Yan hindi ka aantukin diyan.
!
PANGALAWA
Di ba sabi mo.. yung sales lady na kapitbahay mo ang ganda-ganda
niya? crush na crush mo di ba?
Sa bakasyon mo.. subukan mong alukin baka sakali pumayag.
Anong sasabihin ko naman? (tanong uli niya)
Ganito yon... Sa bakasyon mo sabihin mo sa kanya na bibigyan mo
siya ng sampung libong piso.
Siyempre matutuwa iyon.
Sabihin mo sa kanya, bibigyan kita ng sampung libo, pero pa kiss.
Ha! Ang mahal naman! (sigaw ng kasama ko)
TOINK!! Ange-ange ka talaga! kwentuhan lang naman ito!
Para hindi ka antukin! Wala namang bayad mangarap di ba?
Siyempre papayag yon kiss lang naman hindi naman siya mabubuntis
di ba? may pang load na siya sa cellphone niya.
Sabihin mo sa kanya bibigyan mo siya ng sampung libo pero
ki-kissan mo siya sa lahat, kiss lang naman eh.
Papayag kaya yon?
!
PANGATLO
Di ba sabi mo yung biyenan mo bata pa at may itsura pa?
Oo
(sagot niya sa akin)
Paano kung kasama mo siya dito sa abroad at kasama
mo pa siya dito sa kompanya ninyo, at dalawa lang kayong
pinoy dito sa kompanya nyo.. Ano kaya mangyayari?
Napa-isip yung kasama ko ngayon, nakatulala, ha ha
At ngising aso pa ang loko!
Ano itutuloy ko pa ba yung kuwento?
!
O.. Yung mga nagbabasa diyan kayo na magtuloy ng kuwento!

Tuesday, 27 October 2009

MAGING BAYANI SA GAWA HINDI SA SALITA

Hindi ka makagawa ng mabuti
Dahil ayaw mong gumawa ng kabutihan.
Nakakagawa ka ng kasalanan
Dahil sinasadya mong gumawa ng kasalanan.
!
Nais ko lang ibahagi ang aking mga nakaraan, alam kong
kahit konti may makapulutan ng aral.
Noong kasalukuyan pa lang akong namamasukan bilang security guard
hindi ko kinakahiya ano man ang maging trabaho ko, ang mahalaga
maitawid ko sa gutom ang aking pamilya, hindi ko iniisip ang kahihiyan
ko hindi yan ang kailangan ko kundi ang lakas ng loob ko para harapin
ang hamon ng buhay.
!
Sa panahon ng aking patatrabaho bilang security gauard isang
pagsubok ang aking naranasan. Nakakuha ako ng humigit
kumulang sa dalawang milliong halaga kasama ang mga pirmadong
peso at dollar cheque at mga bankbook na ang isang bankbook lang
naglalaman na ng unang deposito na one million agad, kasama ang mga
dollar cheque na pinakamababa ay five thousand dollar cheque.
Bagamat hindi ko na tiningnan ang iba pang laman ng malaking plastic
bag dahil dali-dali kong ibinigay sa mga katulong ang halagang
napulot ko mismo doon sa pinagbabantayan kong appliance center.
Dahil araw ng lingo sarado ang appliance center na binabantayan
ko tanging ako lang at mga katulong lang ang tao sa bahay ng may-ari
na nasa itaas ng building. Napakalaking halaga na kahit ang amo ko na
may ari ng appliance center ang hindi mapigilang humanga sa aking
ginawa, naisauli sa tunay na may-ari ang halaga, abot-abot ang iyak
ng may-ari at pasasalamat dahil naisauli sa kanila ang napakalaking
halaga, na kahit ang amo ko na may ari ng appliance center sa sobrang
paghanga at proud niya dahil security guard niya ang nakagawa ng
kabutihan sa kapwa, isang pahayag ang sinabi niya sa akin,
!
"Jett, Dahil sa ginawa mo.. naibuhos ko na sa iyo lahat ng aking pagtitiwala.
Bilang gantimpala.. Pumili ka ng kahit anong appliances diyan
sa loob akong bahalang magbayad. Shock ako, napakaraming appliances
sa loob na pwede kong pagpilian. Pero... tinangihan ko ang alok sa
akin ng may ari, shock din siya ha ha, ang sinabi ko lang sa kanya
"Sir, Basta may trabaho lang ako para may makain lang pamilya ko
masaya na ako'' Titig na titig sa akin ang mag asawang may ari,
hindi makapaniwala sa aking sinabi.
''Jett hindi ka aalis dito sa akin''.
Salamat sir!
!
ANG PRINSIPAL
Isang mag asawang magsasaka ang narinig kong nag uusap tungkol
sa anak nilang high school narinig ko na patitigilin na nila sa pag aaral
ang kanilang anak, hirap na sila sa kanilang pamumuhay.
dahil hindi na nila kaya ang mga halagang binabayaran sa public
school. Matagal ko naring naririnig ang tungkol sa prinsipal
sa aming paaralan. Sumabat ako..
''Huwag ninyong patitigilin ang anak ninyo!
yung prinsipal ang patitigilin ko!''
Dahil alam kong ang mga anak lang ang tanging pag-asa ng mga magulang.
Ayaw kong may mga batang hindi makatapos kahit high school lang.
Kahit maging delikado ang magiging buhay ko,
Nag buo ako ng grupo ko at pinamunuan ko ang gagawin naming rally
sa harap ng paaralan hindi ko na papasukin sa loob ng paaralan ang
hayop na prinsipal namin na matagal ng panahong nagpapahirap
sa mga magsasaka. Sa aking pamumuno kasama ng matatapang
kong mga kasama at sa tulong ng pagkakaisa ng lahat ng mga magulang,
kabataan, tanod, mga kagawad at kapitan. Inilabas ko ang lahat
ng istudyante sa loob ng paaralan. Isa-isa kong sinigawan ang mga guro
na kasabwat ng prinsipal at kahit mismo ang superentendent ng
DIVISION DECS sa aming bayan nasigawan ko dahil bulag din ang mata
sa mga nangyayari sa paaralan. At dahil sa aming pagkakaisa
napagtagumpayan naming patalsikin ang prinsipal ng aming paaralan.
Bagamat naharap kami sa kaso kasama ng matatapang kong kasama
hindi namin inatrasan ang demandang inilaan sa amin, sa tulong
ng mga panalangin ng mga magulang nalampasan namin ang asuntong
ipinataw sa amin. Ngayon.. Maraming magsasaka ang nagdiwang dahil
sa konting halaga na dapat sanay ibibigay nila sa paaralan, naibibili na lang
nila ng pang ulam sa araw-araw at marami naring mga batang malayang
makapagtapos ng high school.
!
Nakakatuwang isipin ang mga bagay na nagawa mong kabayanihan
sa kapwa at sa mahihirap. Ano mang oras ka nila masalubong
maramdaman mo ang abot langit na paghanga at paggalang na makikita
mo sa mga taong saksi sa kabayanihang nagawa mo. Ano mang liit na
kabutihang nagawa mo sa kapwa, tutumbasan nila ng paggalang.
Sa katunayan.. Ako ang itinutulak nilang tumakbong kapitan
ng barangay.
AYAW KO!
^_^
!
Sa aking nagawa, higit ang paghangang ibibigay sa iyo ng sarili
mong pamilya, dahil ama nila ang nakagawa ng mga bagay na
minsan hindi magagawa ng iba.
Sa mga mga kabutihan kong nagawa sa kapwa, bilang regalo
siguro sa akin ng panginoon, isa akong pinalad na makapunta dito
sa korea, at.. isa ang may ari na nakatulong sa akin upang makapunta
dito sa kinalalagyan ko ngayon.
Ang halagang aking naisauli, unti-unti
ko ring natitikman at ng aking pamilya.
Ang halagang aking naisa uli, kasinghalaga ng mga
pangarap ng aking mga anak na unti-unti narin nilang nakakamit.
!
Hindi ko inaalis sa aking isipan ang isang pangungusap na...
!
HUWAG MAGING BAYANI SA SALITA
KUNDI SA GAWA
!
Nais ko lang pong ipalala..
Ang blog kong ito ay open to public
ilan ang mga kapitbahay ko ang narito din sa korea,
kamag-anak at mga kaibigan
ang nagbabasa dito sa aking hangout, sila ang magpapatunay
sa aking mga nagawa.

Sunday, 25 October 2009

KOREAN SUPERSTAR BAEK JI YOUNG

BAEK JI YOUNG
LIKE BEING HIT BY A BULLET
KOREAN LOVE SONG
10 MILLION DOLLAR WOMAN
QUEEN OF BALLAD




BAEK JI YOUNG
KOREAN SUPERSTAR / SEXY DIVA
SARANG AHN HAE / I WON'T LOVE

Nai-post ko lang ito masyado lang akong humahanga sa kagandahan nito
gustong-gusto kong tingnan mga mata nito, yung boses niya masyadong
emotional ang dating, sarap panggigilan. Itong mga mukhang iyan
ang pwedeng magpatino sa isang lalaki ha ha. Hindi na siguro ako mag
aabroad nito, hindi pwedeng iwan sa pinas ito baka aswangin.

Saturday, 24 October 2009

BUHAY PASAHERO

Minsan pag nag-iisa ka maraming bagay ang pumapasok sa isipan natin
mga buhay-buhay natin sa pinas, nakakainis, nakakatuwa lahat na ng
klase ng pamumuhay mararanasan natin.
Minsan nasa pinas ako naalala ko yung isang lalaki naghihintay ng
sasakyang jeep, dahil sa dami ng pasahero kanya-kanyang diskarte
nais lang makarating sa pupuntahan. Minsan... isang lalaki ang
nagmamadali pumara ng jeep,
Isang jeep na dumarating sumisigaw naman ang konduktor sa likod ng
jeep. Pinara nung lalaki yung jeep. "Pare libertad!!''
Sumigaw yung konduktor sa likod "Oo maluwag pa".
Tumakbo ngayon yung lalaki, sabay pasok sa jeep.
Kasabay din yung ibang pasahero na sumabit nalang sa puwitan ng jeep.
Sabi ng konduktor, "Pasok po kayo sa loob"
Palibhasa nauna yung lalaki na sumakay dumiretso siya sa loob
sabay arangkada na ng jeep dahil marami naring sumabit sa likod.
Yung lalaki na naunang sumakay napansin niya na puno na pala!
wala ng upuan, kaso hindi na siya maka-atras dahil sarado na ng tao yung
puwitan ng jeep. Ang ginawa nung lalaki na nasa loob umupo nalang sa
gitna, siya lang mag isa na walang upuan, para siyang sawsawan sa gitna
dahil lahat nakaupo, hindi naman siya makatayo sa loob dahil
baluktot na yung katawan niya, kung naka upo siya hindi naman
niya abot yung bakal na hawakan sa loob ng jeep, tumingin siya sa
mga naka-upo, sa kanya lahat nakatingin, nakaporma pa naman,
Sabay preno ng jeep, tinukod nalang niya yung kamay sa flooring ng
jeep, wala naman siyang mahawakan dahil puro chicks yung naka-upo.
Puro alikabok yung palad niya. Biglang arangkada naman nung jeep
napahiga siya, dahil wala ngang mahawakan, sumigaw siya,
Mama bababa nalang ako!
Bawal po dito! sabi nung driver.
Dahan-dahanin mo nalang magpatakbo!
Pick-up kayo ng pick-up ng pasahero puno na nga itong jeep ninyo!
Tumingin yung lalaki doon sa dalawang chicks na naka-upo
halos hindi magkanda ugaga sa pagtawa yung dalawang chicks,
kasi nga nakikita siya sa gitna.
Pagbaba nung lalaki sa jeep, sabi ng konduktor..
Bosing! bayad po ninyo.
Buwisit ka! sabi mo maluwag!
Eh.. bosing kailangan lang.
bayad po ninyo.
hindi na nga ako naka-upo magbabayad pa ako!!
eh.. nakarating naman kayo sa pupuntahan ninyo (sabi ng konduktor)
O! etong bayad ko! bumili ka narin ng lason ha! para di na kita makita!
!
Sumakay naman siya ng traysikel, inunat niya katawan niya dahil
solo niya upuan sa traysikel, meron narin umupo sa likod ng driver,
Maya-maya may dumating na isang matandang babae at isang
dalaga yung crush niya. Obligado, lipat siya don sa squater sit, yung
bakal sa harap na maliit para sa mga bata. kasi nga pauupuin niya
yung dumating. Sabay takbo na ng traysikel, napansin niya mababa
pala yung bubong ng traysikel dahil nakayuko siya dikit na yung
baba at leeg niya sa pagkakaupo. Hindi niya ngayon makita yung
mukha nung crush niya. kaso kinakausap siya nung dalaga,
sumasagot siya kaso nakayuko kung gusto niyang tingnan yung
dalaga tirik yung mata niya para maabot niya ng tingin yung crush
niya no chioce hindi niya mai-angat yung mukha niya.
!
Kinausap niya yung driver, "Pare! ano ba naman itong traysikel mo!
para lang ata sa mga pandak ito! Lubak-lubak pa
Dahan-dahan naman! para ng pop corn yung ulo ko!
Pagdating sa pupuntahan,
Naunang bumaba yung dalawang babae, pwede narin siyang bumaba dahil
mga pitong habang nalang bahay na niya, gusto lang din niyang matikman
ang umupo ng maayos kaso mga five seconds baba narin siya.
Sa layo ng biniyahe niya five seconds lang siya nakatikim ng upuan.
!
Ngayon.. nasa abroad na yung lalaki at korea pa!
may computer pa siya ngayon at may blog pa!
Ang blog niya..
jettroshangout blogspot dat com ^_^
!
SALAMAT SA PAGBABASA
!
Hirap din ng lagi ka nalang pasahero noh?
Ngayon hindi na.. he he he

Wednesday, 21 October 2009

HABANG PANAHON NA LANG BA?


Noong kasalukuyan pa akong nag uumpisang mangarap, ang isa sa
pinapangarap ko ay ang magkaroon ako ng trabaho kahit maliit lang
ang kikitain basta may hanapbuhay lang. Alam ko at alam nating lahat na
isa ito sa inaasam-asam nating lahat ang magkaroon ng hanapbuhay.
Kahit alam nating mahirap at nakakapagod ang magtrabaho
pero kailangang nating mag trabaho.
!
Nag karoon ng katuparan ang pangarap ko, nagkaroon ako ng trabaho
sa loob ng halos labing limang taon ibinuhos ko ang buong buhay ko
sa paghahanapbuhay, kung saang-saang lupalop ako nakarating dahil
lang sa pinangarap kong trabaho. Hangang ngayon narito at nagtatrabaho
pa rin. Parang... walang katapusan itong trabaho, minsan... iniisip ko
nakakapagod din, dito nalang ba iikot ang mundo natin?
!
Ang dami kong pinagdaanan dito, ang daming hirap, ang daming
pagod, puyat, gutom, sakit ng katawan, minsan pa...
ang daming luha narin ang tumulo ng dahil sa pinangarap kong ito.
Ang daming panahon na dito umiikot ang aking mundo, halos
labing apat na taon naibuhos ko ang buhay ko dito sa ibayong dagat,
halos lahat na ng pagtitiis, pangungulila at kalungkutan ang naranasan
ko dito sa malayo. Nang dahil sa kaligayahan ng mga mahal sa buhay at ng
dahil sa hirap ng buhay inilaan ko ng napakaraming taon ang buhay at isipan
ko dito kapalit ang kaligayahan ng mga mahal ko sa buhay.
Kaligayahan ng aking maybahay, kaligayahan ng ating mga anak
kaligayahang dugo't-pawis ang ipinuhunan natin.
!
Hindi ko din maiaalis na minsan tinatanong ko din ang aking
sarili.
!
HABANG PANAHON NALANG BA TAYONG MAGTATRABAHO?
HABANG PANAHON NALANG BA TAYONG MAGPAPA-ALILA?
KAYLAN NAMAN KAYA NATIN MALALASAP ANG MAY
MAKAIN KAHIT HINDI NAGTATRABAHO?
!
Di ba ang hirap hanapan ng sagot yan?
Kung alam mo ang kasagutan diyan..
Di ba.. ang hirap namang gawin lalo pat wala pa tayong sapat na naipon?
Kung tinitingnan natin ang kalagayan natin ngayon...
Malalaman natin kung hangang kaylan ka pa magtatrabaho.
Iisipin natin na matagal pa... matagal pa ang aking pagtitiis,
matagal pa ang aking bubunuing taon, matagal pa...
hanggat kaya ng katawan at lakas ng panalangin kakayanin pa natin
kahit ilang libong taon pa ang dumaan.
!
PAANO KUNG HINDI NA KAYA NG KATAWAN NATIN?
!
Minsan.. nakakalungkot ding isipin
kahit nakakaranas rin tayo ng kaligayahan sa araw-araw pero..
narito parin ang kirot sa aking puso, kaylan ko rin naman kaya
mararanasan yung.. kahit hindi tayo nagtatrabaho meron tayong
makakain. Ang sarap din siguro yung nasa bahay na tayo at
nagpapahinga na. Yun bang.. ikaw naman ang pagsisilbihan ng iyong
pamilya sa likod ng mahabang panahong hirap na ginawa mo
alang-alang sa kanila, kaylan kaya natin matitikman ang araw ng
pagpapahinga natin?
!
HANGGANG KAYLAN PA KAYA KAIBIGAN?

Sunday, 18 October 2009

OPINYON

!
HUWAG MONG IKAGALIT KUNG MAY KUMOKONTRA
SA OPINION MO
DAPAT IKATUWA MO DAHIL YAN ANG DAAN
PARA MAILABAS MO ANG KAALAMAN MO
!
Nais ko lang ibahagi sa inyo ang konti kong nalalaman tungkol sa madalas kong
naririnig, napapanood, nababasa kung minsan pa sa inuman madalas tayong
nakaka kita ng pagtatalo maliit man o malaking bagay minsan na nauuwi sa
hindi magandang pagkakaunawaan. Kadalasan lalo na sa mag asawa o
magkasintahan hindi maiiwasan ang laging may pinagtatalunan hindi
lang hundreds of arguments kundi argument of hundreds times,
dahil parehas ayaw tumangap ng pagkatalo.
!
Minsan may mga bagay na hindi natin nalalaman ang tunay na kahulugan
kung hindi natin inihahambing sa sinasabi ng iba. Hindi natin malalaman kung
tama ang mga sinasabi natin kung hindi natin pinapakingan ang sinasabi nila.
Hindi mo malalaman ang tama kung walang mali buhat sa sinasabi ng iba.
Minsan kailangan din nating pakingan ang opinion ng iba, sabihin na nating
may sarili tayong paniniwala. Kadalasan ito ang naririnig ko
"huwag mong baguhin ang aking paniniwala" . Mahirap talagang baguhin
ang paniniwala ng bawat isa kung nakasarado ka lang sa iyong paniniwala.
Hindi mo malalaman ang maling paniniwala mo kung hindi ka marunong
tumanggap ng paniniwala ng iba. Ikumpara mo ang sarili mo sa isang sayaw,
hindi ka mapapasayaw kung wala kang naririnig na awit, ihambing mo ang
opinion mo sa isang kasuotan, hindi mo malalaman kung ano ang magandang
isuot kung wala ang isa pa na pagpipilian. ganyan din sa opinion natin hindi mo
makikita ang mali at tama kung nakasarado lang ang isip natin sa
iisang paniniwala. Kung inaakala mong nasa tama ang iyong paniniwala
mas lalo mong ikatuwa dahil lamang ka sa pinag-uusapang bagay basta
huwag ka lang mauubusan ng paliwanag.
Lahat ng mga bagay na pinagtatalunan natin ay may kahulugan ngunit
may kanya-kanya tayong mga paliwanag. Sadyang may mga tao lang na
ayaw tumangap ng pagkakamali o ayaw tumangap ng pagkatalo yon
yung mga taong ayaw tumangap ng paliwanag ng iba, yan yung taong
nakasarado ang isip sa sarili niyang paniniwala. Lagi nating isa-isip na
may mga bagay rin tayo na hindi natin nalalaman ngunit
nalalaman ng iba, may hanganan din ang ating talino.
Minsan.. may nakakasalamuha tayo na kapag sinasalungat natin ang
opinion ng isang tao nagiging dahilan na ng hindi pag-uusap,
nagiging dahilan na ng hindi pagkakaunawaan dahil may mga tao
ding ayaw tumangap ng pagkatalo o ayaw tumangap ng
pagkakamali o ayaw tumangap ng paliwanag ng iba.
!
Para sa akin mas gusto ko yung may taong sumasalungat sa opinion
ko dahil dito tayo nakikilala ng mga nakakarinig o nakakabasa.
Dito nila masusukat ang lalim ng ating pag-iisip.
Dito nila masusukat ang lawak ng ating nalalaman.
Dito nila makikita ang husay nating sa pakikipag-usap.
Dito din natin malalaman kung saan tayo nagkakamali at dito din
nadadagdagan ang ating nalalaman sa pagtangap natin sa opinion ng iba.
Hindi masama ang pakikipagtalo basta gagamitan lang ng maayos
na mga salita bagkus makakatulong pa ito para makapulutan din natin
ng aral para sa susunod pang mga araw. Sa aking pakikipagtalo
iniisip kong mabuti ang aking sinasabi at iniisip kong
mabuti ang kanilang sinasabi isang daan ito para malaman
ko kung saan ako nagkakamali at daan din ito para
sa pagtangap ko ng pagkatalo, at ito din ang daan para
masubukan mo kung hangang saan mo masusukat ang haba
ng iyong pasensiya sa pakikipagtalo.
!
Ang pagtangap ng pagkatalo o ng pagkakamali ay hindi
kabawasan ng ating pagkatao.

Sunday, 11 October 2009

SALUDO AKO SA INYO


Matagal narin ako dito sa pagsusulat ko nais ko namang bigyan ng
panahon ang mga taong nais kong pasalamatan bukod sa mga madalas
na nag ko-comment dito sa walang kuwenta kong blog maraming salamat
sa walang sawa ninyong pagbibigay oras na basahin at pagbibigay ninyo
ng makahulugan ninyong pananaw salamat sa inyong lahat. Hindi ko na
iisa-isahin dami narin kasi, alam naman ninyo kung sino kayo.
!
Nais ko ding pasalamatan ang mga nagbigay sa blog ko ng award
Hindi lang ninyo nakikita, pero sa kaibuturan ng aking puso labis-labis
ako nasiyahan sa mga binigay ninyo, sa maniwala po kayo o sa hindi
madalas akong napapangiti pag nakikita ko mga ipinagkaloob ninyong
award sa akin. Salamat ng marami sa inyo!
!
At...
Nais kong ring iparating sa inyo ang mga taong labis kong hinahangaan
kahit hindi ko kayo kilala ng personal pero hinahangaan ko ang
mga tulad ninyo dahil sa pagiging malawak ang inyong pang uunawa
sa mga bagay na nababasa ninyo at sa mga bagay na sinusulat ninyo.
Kahit anong dating ng mga nababasa
ninyo nananatili parin ang pagiging cool ninyo sa inyong pagsasalita.
Hinangaan ko ang pagiging husay ninyo sa pagtangap ano man ang
inyong nababasa at yung way ninyo sa pagsusulat sa inyong mga hangout,
binibigyan ninyo ng tamang pananaw kahit hindi ayon sa
inyong paniniwala nanatili parin ang galing ninyo sa pakikipagusap.
Sa pamamagitan ng pinapakita ninyo pinupulot ko ang mga bagay na
ikinatutuwa ko galing sa inyo, " inaamin ko" ginagaya ko ang
ibang bagay na nakikita ko sa inyo. Ang ugali't pagkatao ko galing sa
mga taong tulad ninyo.
Marami akong hinahangaan dito, Pero itong mga kaibigan nating ito
nais ko munang bangitin dito dahil kukulangin ang oras ko sa dami
ninyo matutulog pa ako. Ang mga tulad ninyo ang madaling
maging kaibigan ng kahit sino.
!
Kina..
Pareng Kheed
Pareng Hari ng Sablay
Pareng Goryo Dimagiba
Pareng Ching
!
SALUDO AKO SA INYO!

Saturday, 10 October 2009

KORAPSIYON

Nalalapit nanaman ang eleksiyon, malapit nanaman ang karapatan
nating pumili ng mamumuno sa ating bansa. Umpisa na naman
upang maloko ang marami nating mga kababayan sa tamis ng
mga dila nitong mga manlolokong kandidato.
!
Ano ba ang batayan natin sa pagpili ng magiging leader ng ating
bansa. Kadalasan ang madalas nating naririnig yung may talino
sino ba yung hindi matalino? Basta kumandidato may talino yan!
Minsan ang ginagawa nating batayan ay dami ng nahawakan na pwesto
sa gobyerno, yan ba ang pupuksa sa mga magnanakaw sa gobyerno?
Maraming hinawakang pwesto
may taglay na kayang katapangan yan? Kaya na kaya niyang
ipakulong ang mga mayayamang katulad din niya?
!
Ilan na bang presedente natin ang inakala nating matalino?
Mga talinong ginamit sa paglimas ng pera ng bayan, may talino
na lalong hindi mapabagsak dahil sa taglay na talino. Yan lang ba
ang tanging batayan natin? Ano ba ang dahilan ng paghihirap
ng mga pilipino? di ba korapsiyon? Tingnan natin ang katauhan
ng mga kandidato kung mababanaag mo ba sa kanila ang
katapangan, Ikumpara mo ang mga tatakbong presedente ngayon
sa mukha ni arroyo, mas matapang pa ang mukha ni arroyo pero
walang nagawa sa mga buwaya, ni hindi nga niya napigilan
ang asawa niyat anak na magsamantala sa pagnanakaw.
!
Halos saang panig ka ng pilipinas korapsiyon ang pangunahing
idinadaing at isinisigaw nating lahat. Halos 95 porsiyento ng mga
pilipino ang sumisigaw na sugpuin ang korapsiyon, parusahan ang
mga magnanakaw sa ating pamahalaan, bakit hindi muna tayo
mag konsentrasyon dito? Bakit hindi ito ang unahin natin.
Sino nga ba ang talagang may kakayahan na ipakita ang katapangan?
upang mautusan niya ang batas, sino ba ang may kakayahang
gumamit ng kamay na bakal?
Sana tingnan natin yung mga nagawa niya nuong mga nakaraang
panunungkulan nila kung sino ba ang sumusugpo sa mga
sindikato sa gobyerno yan ang tunay na may katapangan.
Subukan naman natin yung tapang hindi yung talino.
Ang pulitiko basta komandidato siguradong may taglay na talino yan!
hindi tatakbong presedente yan kung walang talino lahat yan
may talino, ang kulang sa kanila yung tapang, Sa klase na ng bansa
natin talamak na ang nakawan, kanya-kanyang raket, kanya
kanyang hakot sa pera ng pilipinas.
!
Pagkatapos na naman ng eleksiyon puro nanaman tayo
angal dahil sa korapsiyon, puro nanaman tayo hinaing
bukang bibig nanaman natin nakawan sa gobyerno
bukang bibig nanaman natin maluwag ang batas,
bukang bibig nanaman natin mga buwaya sa gobyerno.
Sa bandang huli puro nanaman sisihan.
!
Subukan naman natin yung tapang
hindi talino.

Thursday, 8 October 2009

SABI NILA

SABI NILA
Kadalasan may mga napupuna tayong mga kamalian ng isang tao sa mga politiko man o sa pangkaraniwang tao madalas merong nagsasabi na...
BAKIT ANG LAGING PINUPUNA YUNG KAMALIAN,
PERO YUNG KABUTIHAN HINDI NAPAPANSIN.
!
Meron naman nagsasabi na... Sa isang buong papel na puti yung tuldok
ang nakikita pero yung kaputian hindi napapansin?
Pag may mga taong nagsasalita ng ganito madalas iniisip ko,
sinasabi niya ang salitang iyan nangangahulugan na hindi niya kayang
ipaliwanag sa sarili niya kung ano nga ba ang tunay na paliwanag
ng mga salitang yan.
!
Ano pa ba ang pwede mong baguhin sa kabutihan?
Ano pa ba ang dapat na itama sa tama?
Bakit pa natin pupunahin yung tama gayong ang dapat nating baguhin
ay yung kamalian, mga kamaliang dapat itama, mga pagkukulang ang
dapat nating pansinin para maiwasto nila ang kanilang ginagawa
tungo sa kabutihan. Sa isang buong papel na sinasabing bakit yung tuldok
ang kadalasang nakikita?
Dahil yung tuldok ang kamalian ng isang tao, yan ang dapat na
talagang punahin para maging mabuti ang lahat ng ginagawa,
para maging puti lahat, yung tuldok ang dapat alisin.
Maihahalintulad ko uli ito sa isang pulitiko, bakit yung mali ang laging
nakikita pero yung nagawang kabutihan hindi nakikita,
kaya nga natin pinupuna mga ginagawa nilang mali para ayusin
nila mga mali nilang ginagawa.
!
Sana sa konting paliwanag kong ito makatulong para madagdagan ang ating
kaalaman, kadalasan tayong mga pinoy may mga salitang alam natin
ang kahulugan pero hindi natin alam kung paano natin mahanapan
ng paliwanag. Sa mga nakakabasa nito, darating ang araw na
makakarinig kayong muli ng mga ganitong pangungusap,
sasagi sa isipan ninyo at maalala ninyo ang pangalang jettro,
kay jettro calpito ko nakuha ang tunay na paliwanag ng salitang iyan. (joke)
!
Dagdag kaalaman lang naman ito.
Para sa hindi nakakaalam
Palagay ko ngayon wala ng aamin (Lol)
!
Kung meron pa kayong alam na ibang paliwanag
may laya po tayong ibahagi dito.
!
Maraming salamat kay Miss Pinknote
sa napakagandang award na pinagkaloob sa
akin.
ONE LOVELY BLOG AWARD
At sa bagong nagbigay ng award kina..
Miss Jetnah
Miss Superjaid
Miss Egat
Miss Trisha
GOD BLESS SA INYO

Wednesday, 7 October 2009

KULUNGAN


Nakahiga ako sa mainit kong kama dahil sa lakas ng heater ko
sa flooring, habang pinapanood ko sa video ang mga taong
nakakulong sa ating bansa, mga taong nabilango dahil
sa mga pagkakasala o sa mga walang kabayarang kasalanang
ginawa, mga brutal na pagpatay, mga kasong pangagahasa.
!
Mga kasalanang karumal dumal na ginawa nila sa kapwa tao nila.
Mga kasalanang pumatay ng mga kaawa-awang inosente.
Mga kasalanang nagpaluha sa mga pamilya ng nabiktima.
Mga bilango na dapat sana ay pinaparusahan dahil sa mga
makahayop na pag iisip, mga adik, at mamamatay tao at marami
pang ibat-ibang klase na kaso. Sa mga mayayaman naman
ang pinakaparusa kwartong punong puno ng kasangkapan
may aircon pa, masarap pa ang pagkain, may tv pa.
Habang pinapanood ko ang mga bilango na nagsasayawan
habang tumutugtug ang musika, mga bilangong nagsasayaw
habang pinapanood ng mga media at matataas na opisyal
ng bilibid. Maaring pinapanood din ng mga matataas na opisyal
ng bulok na gobyerno natin napapailing talaga ako.
!
Hindi na kailangang sabihin pa natin na...
Hindi lahat ng nakakulong doon ay may kasalanan, lumang
kasabihan na yan huwag na nating ulit-ulitin ang ganyang
paniniwala basta nakakulong sila may kasalanan sila.
!
Ano ba ang purpose ng kulungan?
PARA MAGPARUSA BA O REHABILITATION LAMANG?
!
Paano ba napaparusahan ang mamamatay tao?
Paano ba pinaparusahan ang mga rapist?
Paano ba pinaparusahan mga magnanakaw?
Yan lang ba ang pinakaparusa ng mga kriminal ang mag
siksikan sa higaan?
Yan lang ba ang parusa sa mga halang ang kaluluwa ang pumila
sa oras ng pagkain?
Yan lang ba ang parusa ng mga rapist ang turuang sumayaw?
Tuwang-tuwa pa nga ang mga bilango dahil sa labas halos
wala silang makain samantalang sa kulungan may tagaluto
pa sila. Kung ikukumpara natin sa bansang saudi arabia ang
parusa sa mga nagkakasala, ang pinakamaliit mong kasalanan
doon ay ang pagnanakaw putol agad ang kamay mo, habang
buhay na parusa mo na yan. Sa drugs naman pugot ulo ka na
diyan. Yan ang talagang parusa, Pero sa pilipinas ayun panoorin
mo sa youtube ang mga halang ang kaluluwa at tinuturuang
sumayaw.
Kung bakit pa kasi tinututulan ang death penalty sa ating
bansa gayong buhay ang mga inutang ng mga kriminal na yan.
Yan na nga lang ang magsisilbing parusa tinututulan pa.
!
Sino naman kaya ang tumututol sa death penalty?
Sana... maramdaman din nila kung ano ang pakiramdam
kapag isa sa kapatid nila ang ma chop-chop.

Sunday, 4 October 2009

PANGULO NG PINAS BULAG KA BA

Ang post kong ito ay para sa mga pulitikong walang inisip kundi
ang magsamantala sa kaban ng bayan, sa mga nanunungkulan
sa ating bansa na walang ginawa kundi ang umupo lang sa
kanilang malambot na upuan at magpalamig sa nagyeyelo
nilang opisina, mahiya naman kayo sa mga pilipino na
nagpapasahod sa inyo, paganahin naman ninyo ang inyong
utak kung paano nyo ba tutulungan ang mga mahihirap nating
mga kababayan, puro manhid ba ang mga utak ninyo!!
Lumabas naman kayo sa mga opisina ninyo tingnan ninyo
kung ano ang mga kulang sa kapaligiran ninyo, tingnan
naman ninyo mga pilipino kung anong mga kalagayan
nila sa mga kalsada. Ikaw pangulong arroyo puro bilyon
ang nilulustay mo kalalabas ninyo ng bansa, konting pera
hindi mo maabutan mga walang makain mong kababayan
punyeta kayo!! Isakripisyo nyo isang buwang porkburrel
ninyo sa mga nasalanta ng bagyo!!
!
Hindi nyo ba nakikita kung ano ang mga kailangan ng mga
kababayan ninyong naghihirap. Pagbutihin naman ninyo
mga trabaho ninyo!1 Mahiya na kayo sa mga sarili ninyo!!
Hindi pagpapakita ng talino ninyo ang kailangan ng mga
kababayan ninyo kundi ang awa at tamang pagtatrabaho
ninyo!! Huwag ninyong idahilan lagi ang konting panahon pa,
konting panahon na lang ng pagtitiis. Ang dami ng mga
namamatay ninyong mga kababayan dahil sa hirap, ang
dami ng namamatay ng dahil sa mga kapabayaan ninyong lahat.
!
Kayo ang tunay na dapat naming sisihin dahil sa nangyayari
sa ating bayan, kung hindi nyo sana binubulsa yang mga
pork burrel ninyo dapat sana meron kayong mga taong
magtatrabaho para kumuha ng mga basura sa mga lansangan!
Meron sanang magamit para dagdagan ang mga gamit para
sa mga pagtulong sa mga nasasalanta ng kalamidad.
Para sa tao yang mga porkburrel ninyo ibigay ninyo sa tao!!
hindi yung umaasa nalang mga tao sa mga donasyon.
ikalat ninyo mga pera na para talaga sa tao, hindi pa kayo
ang mga nasalanta ng bagyo mga buwisit kayo!!
!
Alam na nga ninyong may bagyong darating nagtutulog-tulugan
lang kayo diyan. Sa pangulo ng pilipinas pulpul ba isip mo!
!
Ngayon ninyo inaamin na meron kayong pagkukulang puro
nalang kayo pagkukulang, puro kayo hingi ng pasensya sa
tao pag marami ng namatay, hindi pa kayo ang mga namatay!!
mga buwaya kayo!!
!
Ilang dekada na ang lumipas, ilang bagyo na ang dumaan,
ilang pilipino na ang namatay dahil sa mga kapabayaan ninyo!
Hangang ngayon kulang parin kayo sa gamit mga hinayupak kayo.
Ilang araw na ang lumipas mula ng masalanta ng bagyo
hangang ngayon marami parin ang hindi kumakain, ang dami
paring walang masilungan. PURO KAYO SATSAT!!
Puro lang kayo pakitang awa sa harap ng kamera
mga punyeta kayo, ipakita ninyo sa gawa yang awa ninyo
mag donate kayo hindi puro pagnanakaw ginagawa nyo!
!
PANGULONG ARROYO BULAG KA BA!!
KUNG WALA KANG MAITULONG
MAGBIGTI KA NALANG!
BUWISIT KA!
Photobucket