Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Wednesday, 7 October 2009

KULUNGAN


Nakahiga ako sa mainit kong kama dahil sa lakas ng heater ko
sa flooring, habang pinapanood ko sa video ang mga taong
nakakulong sa ating bansa, mga taong nabilango dahil
sa mga pagkakasala o sa mga walang kabayarang kasalanang
ginawa, mga brutal na pagpatay, mga kasong pangagahasa.
!
Mga kasalanang karumal dumal na ginawa nila sa kapwa tao nila.
Mga kasalanang pumatay ng mga kaawa-awang inosente.
Mga kasalanang nagpaluha sa mga pamilya ng nabiktima.
Mga bilango na dapat sana ay pinaparusahan dahil sa mga
makahayop na pag iisip, mga adik, at mamamatay tao at marami
pang ibat-ibang klase na kaso. Sa mga mayayaman naman
ang pinakaparusa kwartong punong puno ng kasangkapan
may aircon pa, masarap pa ang pagkain, may tv pa.
Habang pinapanood ko ang mga bilango na nagsasayawan
habang tumutugtug ang musika, mga bilangong nagsasayaw
habang pinapanood ng mga media at matataas na opisyal
ng bilibid. Maaring pinapanood din ng mga matataas na opisyal
ng bulok na gobyerno natin napapailing talaga ako.
!
Hindi na kailangang sabihin pa natin na...
Hindi lahat ng nakakulong doon ay may kasalanan, lumang
kasabihan na yan huwag na nating ulit-ulitin ang ganyang
paniniwala basta nakakulong sila may kasalanan sila.
!
Ano ba ang purpose ng kulungan?
PARA MAGPARUSA BA O REHABILITATION LAMANG?
!
Paano ba napaparusahan ang mamamatay tao?
Paano ba pinaparusahan ang mga rapist?
Paano ba pinaparusahan mga magnanakaw?
Yan lang ba ang pinakaparusa ng mga kriminal ang mag
siksikan sa higaan?
Yan lang ba ang parusa sa mga halang ang kaluluwa ang pumila
sa oras ng pagkain?
Yan lang ba ang parusa ng mga rapist ang turuang sumayaw?
Tuwang-tuwa pa nga ang mga bilango dahil sa labas halos
wala silang makain samantalang sa kulungan may tagaluto
pa sila. Kung ikukumpara natin sa bansang saudi arabia ang
parusa sa mga nagkakasala, ang pinakamaliit mong kasalanan
doon ay ang pagnanakaw putol agad ang kamay mo, habang
buhay na parusa mo na yan. Sa drugs naman pugot ulo ka na
diyan. Yan ang talagang parusa, Pero sa pilipinas ayun panoorin
mo sa youtube ang mga halang ang kaluluwa at tinuturuang
sumayaw.
Kung bakit pa kasi tinututulan ang death penalty sa ating
bansa gayong buhay ang mga inutang ng mga kriminal na yan.
Yan na nga lang ang magsisilbing parusa tinututulan pa.
!
Sino naman kaya ang tumututol sa death penalty?
Sana... maramdaman din nila kung ano ang pakiramdam
kapag isa sa kapatid nila ang ma chop-chop.

5 comments:

Arvin U. de la Peña said...

sikat na nga ang kulungan na iyan sa cebu..madami ang nag view ng mga sayaw nila sa youtube..bawat bansa ay iba ang batas..sa saudi ay talagang mahigpit ang batas nila..kapag ikaw ay dayuhan kahit wala kang kasalanan ay ikaw pa ang sisisihin..kung ang batas nila ay ganun din sa atin siguro ay konti lang ang krimen na mangyayari..walang magnanakaw kasi puputulin agad ang kamay..pero mahirap pa rin ang maging isang bilanggo kasi ang laging nakikita ay rehas..pagkagising sa umaga ay ganun lagi agad ang makikita.

2ngaw said...

Lumang tugtugin man brod pero sigurado akong may ibang bilanggo na wala talagang kasalanan dahil nga sa bulok na sistema ng Gobyerno...

Maski ako, baka hindi lang pugot ulo ang gawin ko sa mga taong nagkasala sa mga mahal ko sa buhay, pero ano ba naman yung turuan natin sila ng mga bagay na makakabuti para sa kanila?

Kung parurusahan mo yan bukod sa pagkakakulong sa tingin mo ano ang gagawin nyan? hahanap ng paraan para makatakas at muling pumatay ng mga taong inosente..pero subukan mong turuan ng magandang bagay at kapag natuto, tayo rin naman makikinabang eh,mbbwasan ng isa o higit pa sa dalawa ang mga taong papatay sa mga mahal natin sa buhay.

Gandang araw pre, tagal ko hindi nakadalaw dito ah :)

ROM CALPITO said...

salamat arvin sa pagdalaw at sa comment may punto karin kahit papaano nakakulong sila salamat uli arvin gawa mo ako ng tula ha hehe

@lord pare salamat sa pagbisita saludo rin ako sa mga pananaw mo
tama ka rin diyan baka sakali nga tumino sila.
pero minsan pare mahirap magbakasakali. sana nga sa ganyang paraan tumino sila yun nga lang siyempre hindi natin maiaalis lalo na sa mga naiwan ng biktima ang poot. kung bigyan sila ng example bitay siguro wala ng susunod.

kagaya ng sabi ko sa huling post ko kung sila makaranas na isa sa kapatid nila ang ma chop-chop ng mga salarin tutal ok lang sa kanila yung ganyang parusa. sumudod na araw isa sa mga anak nila ang isunod naman. hindi kasi natin hawak ang isipan ng mga yan maaring tumino o maaring gumawa uli kaya mahirap yung magbakasakali pero kung mapatunayan ng husgado bitay agad plagay ko wala ng pagkakataong tumakas. salamat uli lord god bless

Unknown said...

haiiiiszt.. npunta na ko d2 kakahanap ng sample ng monolog pang project.. ehehe aus d2 a.. anep!! XD

ROM CALPITO said...

haha buti napasyal ka dito kabayang emo makinig ka nalang ng sound habang naghahanap ka ng pang project mo thanks god bless sa iyo

Photobucket