Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Tuesday, 26 March 2013

INA AMA ANAK

Mahirap balansehin ang mga pangyayari lalo na kung ang maapektuhan ay ang mga mahal mo sa buhay ngunit minsan kailangan mo rin namang magdesisiyon alang-alang din sa buhay at kaligayahan mo.

Laban ng magulang at anak sa kaligayahan
Laban ng obligasyong bigyan ng kaligayahan ang magulang
at
Obligasyong bigyan ng kaligayahan ang anak.

Sino ang dapat masunod?

INA , AMA , ANAK

Kadalasan dumarating sa buhay ng mag anak ang usapin tungkol sa pagsasama ng mga magulang at anak. Kadalasan dumarating ang punto ng pagtatalo o nagkakaroon ng usapin ang mga magulang at mga anak, mga usapin tungkol sa kani - kanilang karapatan, karapatan ng anak at karapatan ng mga magulang, kaligayahan ng mga magulang at kaligayahan ng anak.

Mahirap timbangin kung ang pag uusapan talaga ay ang ibibigay na kaligayahan ng bawat panig kung sino nga ba talaga ang mananaig o sino nga ba talaga ang bibigyan ng kaligayahan, sa ganitong usapin ang hirap talaga magbigay ng paliwanag lalo na kung ang maapektuhan ay ang mga magulang. Alam nating lahat na ang magpaligaya ng magulang ay isang napakahalagang aspeto na maari nating ibigay sa ating mga magulang na masasabi nating walang katumbas na halaga ngunit ganon din naman sa panig ng mga magulang ang magbigay na kaligayahan sa kanyang anak ay isa ring napakahalagang aspeto para gawin ng isang magulang sa kanyang anak.

Paano mo hahanapan ng magandang paliwanag na tatayo ka bilang anak at tatayo ka rin bilang isang ama o ina sa iyong anak kung dumating ang isang usapin ninyong dalawa ang "pagkakaroon ng kasintahan ng iyong anak na dalaga sa isang lalaki na malaki ang agwat ng edad sa iyong anak at nagkaroon pa ng dalawang anak sa dati niyang asawa na kasalukuyang umuusad ang annulment nilang mag asawa."

Ikaw, bilang isang anak na ngayon ay isa na ring ina o ama ng iyong mga anak, paano mo ipapaliwanag ng tama ang ganyang sitwasyon? Bilang ina o ama tinututulan mong mahalin ng iyong anak ang lalaking alam mong hindi tamang mahalin ng iyong anak?

Sino ang papanigan mo
Ang anak ba? At bakit?
Ang mga magulang ba? At bakit?

Sino ba ang dapat na magparaya at sino ba ang dapat na magbigay ng kaligayahan? Lalo na kung ang mahal na mahal mong ama ay nagkakaroon na ng sakit dahil sa pag aalala sa kanyang anak kahit nasa wastong edad na ang kanilang anak para mag asawa.

Alam ko, ang bawat kaligayahan ng magkabilang panig ay mahalagang ibigay sa bawat isa, kung obligasyon ng mga magulang na bigyan ng kaligayahan ang anak, obligasyon din ng anak na bigyan ng kaligayahan ang kanyang mga magulang.

Sino ang dapat mag paraya, magulang ba o ang anak?

Kung para sa akin bilang isang magulang na naging anak din, kung ang magpaparaya ay ang anak para sa kaligayahan ng mga magulang at susunod siya sa kagustuhan ng mga magulang na layuan ang pinakamamahal niyang lalaki, ibibilanggo mo lang ang iyong anak sa tiyak at walang katapusang kalungkutan ng dahil sa kaligayahan ng magulang habang panahon mo ng ibibilango sa kalungkutan ang iyong anak, habang panahon mong itatali sa tanikala at ipagkakait sa iyong anak ang kaligayahang dapat sana ay makakamit na niya ang kaligayahang dulot ng pag ibig. Ang pinakamamahal mong anak ang magdadala ng sakripisyo habang panahon ng dahil sa inaasam na kaligayahan ng magulang na kailangan sila ang pipili sa lalaking kakasamahin ng anak. Makakahulagpos lang sa tali ng tanikala ng kalungkutan ang iyong anak kung dumating ang araw ng katandaan at bawiin na ng may kapal ang buhay ng mga magulang ngunit... iba na ang magiging katauhan ng iyong anak, malaki na ang pagbabagong magaganap sa panloob at panlabas na kaanyuan ng dalaga, kung saan mas mahirap ng humanap ng tamis ng pag ibig, mawala man sa mundo ang kanyang mga magulang patuloy parin siyang magiging bilango ng kalungkutan dahil nawala na sa buhay niya ang lalaking alam niyang magpapaligaya sa kanya habang panahon.

Para sa akin na dati ring naging anak na ngayon ay isa naring magulang ng aking mga anak dapat alam natin ang nararamdaman ng isang anak, dapat mas binibigyan natin ng pagpapahalaga ang kaligayahan ng mga anak kaysa kaligayahan nating mga magulang dahil mas naniniwala ako na ang kaligayahan ng ating mga anak ay kaligayahan din nating mga magulang mas lamang sa kaligayahan ng magulang ay kaligayahan din ng anak. Kung bibigyan natin ng espasyo ang kaligayahan ng anak mawawala ang pag aalala ng mga magulang, mawawala ang kalungkutan ng mga magulang na kahit dumating man ang huling hininga nating mga magulang maligaya parin tayong papanaw dahil alam nating maiiwan natin ang ating anak dito sa mundo na maligaya, kaligayahan ang iiwan natin sa anak hindi ang kalungkutan. Ikaw na isang ina o ama ay nagawa ng magmahal noong ikaw ay kasalukuyang umiibig pa lamang, nagawa mong sundin ang kagustuhan mong ibigin, nagawa mong piliin ang lalaking gusto mong ibigin, nagawa mong makamit ang kaligayahang dulot ng pag ibig ng lalaking pinili mong kakasamahin habang buhay. Hayaan mo rin sanang maranasan ng iyong anak ang mga bagay na nakamit mo noong ikaw ay kasalukuyan ding umiibig. Pinili mo ang lalaking inibig mo dahil alam mong may masasandalan kang mga magulang kung halimbawang nagkamali ka ng pagpili ng lalaki, hayaan mo rin sanag patunayan niya na tama siya ng tinatahak ng ayon sa sarili niyang pamamaraan, kung magkamali man andyan pa kayong mga magulang na handa parin ang suporta alang - alang sa pinakamamahal mong anak. Tulad mo na naging isang anak na nagnanais din ng kalayaan sa pagpili ng iibigin at nagnanais din ng kalayaan sa pag pili ng kaligayahan, ibigay mo rin sa iyong anak ang mga bagay kung saan nandoon karin sa panahon ng katayuan niya ngayon.

Ang mga bagay na napagdaanan mo noon, hayaan mo ring daanan ng iyong anak dahil tulad mo may karapatan karing lumigaya at mamili noong ikaw ay bata pa ganon din siya. Bilang isang magulang tayo ang dapat na unang uunawa sa mga anak at unang magpaparaya sa kaligayahan at bilang isang ina o ama dadaanin din niya kung saan karin naroroon ngayon.

Kung ang masusunod sa ganitong usapin ay ang mga magulang, ang tanging magdurusa ay ang anak.
Kung ang masusunod ay ang anak hindi kaylan man makakaramdam ng pagdurusa ang mga magulang kung makakaramdam naman ng kaligayahan ang kanilang anak.
Photobucket