Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Saturday, 17 December 2011

RAINBOW

Halos lahat ng tao nakakakita ng rainbow ngunit sa aking obserbasyon iisa ang paniniwala ng tao. ''There's a rainbow after the rain''.

Sino ba hindi nakakakita ng rainbow?
Ano nga ba ang rainbow?
Saan ba ito nagmumula at paano ba ito lumilitaw?
Saan ba nagmumula ang pitong kulay ng rainbow?
Bakit ito ay hugis pabilog pero hindi buo ang pagkakabilog?
Bakit hindi buo ang pagkakabilog ng rainbow?
Umuulan nga ba sa tuwing lumilitaw ang raibow?

Kadalasan at bukang bibig ng mga tao.. ''There's a rainbow after the rain". Ano ba ang ibig sabihin ng salitang iyan? Maliwanag na ang paniniwala ng tao ay magkakaroon or lumilitaw ang rainbow kung tapos na ang ulan. Meron din minsan akong naririnig na sa tuwing lumilitaw ang raibow uulan daw.

Ayon sa aking obserbasyon at ayon ito sa aking paniniwala.. Ang rainbow na ating nakikita ay hindi lumilitaw kung umuulan ''mismo sa kinatatayuan mo''. Ang ulan ay nasa bandang medyo malayo sa kinaroroonan mo ngunit abot ng iyong tanaw ang ulan at sa bandang bahagi kung saan lumulubog ang araw. Kung lumulubog ang araw at walang ulan sa bandang kinalulubugan hindi po lumilitaw ang rainbow dahil wala ang tubig ulan na magiging dahilan para makita mo ang kulay ng apoy ng haring araw dahil wala ang porselanang tubig ng ulan para mag reflect sa iyong mata.

Ang rainbow ay lumilitaw at nakikita natin kung saan lumulubog ang haring araw at ang kulay na nakikita natin na nagsisilbing kulay ng rainbow ay iyon ang mga kulay ng apoy ng haring araw. Ang apoy ng haring araw ay binubuo ng pitong kulay. Ang kulay ng apoy ng haring araw ay nagre-reflect sa tuwing umuulan or umaambon sa bahagi ng kung saan palubog ang araw. Ang rainbow ay lumilitaw lagi kung saan palubog ang araw. Kapag ang ulan naman ay bumuhos sa mismong kinatatayuan natin hindi natin makikita ang rainbow Bakit? Dahil ang ulan sa kinatatayuan natin ay malayo na sa lugar na kinalubugan ng araw samakatuwid ang sinag ng apoy ng araw ay hindi na tumatama sa tubig ng ulan kung saan bumabagsak ang ulan. Ang rainbow ay makikita sa pamamagitan ng reflect ng apoy sa tubig ng ulan na siya namang tatama sa ating mga mata. Ang kulay ng apoy ng haring araw ay mag re-reflect sa pamamagitan ng tubig ng ulan at ang laki ng pagkakabilog ng rainbow ay siya ring laki ng pagkakabilog ng araw. Ang pagkakabilog ng rainbow ay konting bahagi ng bilog ng araw kung saan ang konting bilog ng araw ay siyang bahagi lang ng tinatamaan ng ulan para mag re-flect sa ating paningin. Kung halimbawang nasa manila ka at sa bandang kinalulubugan ng araw ay kasalukuyang umuulan or umaambon doon magre-reflect ang kulay ng apoy ng haring araw at tatama sa iyong mata dahil sa iyo tumatama ang reflection ng kulay ng apoy ng araw ibig sabihin sa bandang lugar mo lang ang pwedeng makakita ng rainbow dahil sa iyo tumatama ang reflection ng kulay ng apoy ng araw na siyang tinatawag na nating rainbow pero... ang ibang tao na nasa lugar na malalayo tulad halimbawa ng pangasinan hindi nila nakikita ang rainbow sa ganong oras kung saan eksaktong nakikita mo ang rainbow dahil walang ulan sa bahagi ng pinaglulubugan ng araw hindi nila abot tanaw ang ulan. Ang rainbow ay lumilitaw sa tuwing umuulan or umaambon sa lugar ng pinaglulubugan ng araw depende kung saan ka naroroon na siyang makakakita ng reflection ng kulay ng apoy ng araw buhat sa bawat patak or bawat butil ng tubig ulan. Ibig sabihin ang rainbow ay lumilitaw sa tuwing umuulan or umaambon na nagiging sanhi ng reflection. Hindi sa tulad ng paniniwala ng karamihan na ang rainbow ay lumilitaw pagkatapos ng ulan. Kung walang ulan or wala ang tubig na magmumula sa ulan walang dahilan para mag-reflect ang kulay na tatama sa iyong mata or paningin ibig sabihin hindi mabubuo ang rainbow at ang pagkakabilog ng rainbow ang siyang laki ng pagkakabilog ng haring araw. malalaman natin kung gaano kalaki ang pagkakabilog ng araw sa pamamagitan ng pagkakabilog ng rainbow.

Pagmasdan mo ang larawan sa itaas.. ang ang lugar ng rainbow ay siyang lugar na umuulan or umaambon bagamat hindi mo maaninag ang mismong tubig ulan dahil sa may kalayuan pero.. ang totoo, diyan din sa parteng lugar ng rainbow ang lugar ng ulan dahil sa reflection ng kulay ng apoy ng haring araw at.. ang ibang parte ng apoy ng araw sa bandang gitna ay hindi na magre-reflect sa iyong mata dahil wala na ang angle para tumama sa iyong mata.

Merong nagtanong sa akin..
Bakit iyon lang ang nakikita natin hugis pabilog samantalang ang araw ay buong bilog na may apoy?

Ang nakikita nating kulay ng rainbow ay ang parteng nasa paikot or gilid lang ng pagkakabilog ng araw at yung apoy na nasa parteng gitna ng araw ay hindi na natin nakikita or hindi na nagre-reflect sa ating mata. Ang nagre-reflect lang na tumatama sa ating mata ay ang nasa bandang tabi lang ng bahagi ng pagkakabilog ng araw at ang mga apoy na nasa bandang gitna ng araw ay sa ibang lugar naman tumatama ang reflection hindi sa iyong mata. Depende iyon kung umuulan naman sa kanila lugar na abot tanaw din nila ang ulan kung saan lumulubog ang araw.

Kung minsan mahirap maniwala na lang basta - basta tayo sa ating mga naririnig or nababasa dahil palagi nalang tayong nakasunod sa maling paniniwala ng iba at maaring iyon narin ang maituturo mo sa iyong mga anak ang maling paniniwala na nakuha mo sa iba. Kailangan at mahalaga na meron tayong sariling obserbasyon or sariling pag aaral ukol sa mga bagay bagay dito sa mundo dahil sa iyo din nakasalalay ang katotohanan para maipasa mo rin sa iyong mga anak ang katotohanan. Dahil kung mangyayaring wala tayong sariling pag aaral habang buhay nalang tayong nakatanikala sa paniniwala ng iba kahit malayo sa tunay na katotohanan.



Monday, 31 October 2011

DIVORCE

Nais kong ibahagi ang kakarampot kong nalalaman ukol dito sa matagal ng pinag uusapan nating mga pilipino ang diborsyo. Kung ako ang tatanungin.. Ayokong isabatas ang diborsyo dito sa pilipinas? Hindi ako pabor dito.

Bakit?

Dahil ang unang - unang maaapektuhan nito ay mga kababaihan, mga kababa ihan dahil mahihirapan na silang buhayin ang kanyang anak. Ang pangalawang maapektuhan nito ay ang mga bata dahil mapipilitan na silang iwanan ng kanilang ina dahil obligado na ang mga kababaihan na humanap ng hanapbuhay upang meron siyang ibubuhay at ipapaaral sa kaniyang mga anak. Kahit sabihin pa nating magbibigay ng sustento ang kanilang ama gasino na lang ang kayang isustento ng isang ama. Baka pagdating pa ng araw matigil narin ang binibigay na sustento lalo't kung wala narin siyang trabaho. May mga nagsasabi bakit sa ibang bansa pinatutupad ito.. kung ihahalimbawa ko sa bansang korea hindi problema sa korea ang humanap ng mapapasukan dahil dito sa korea ay gobyerno ang nagbibigay ng trabaho sa tao. Kahit wala kang pinag aralan bibigyan ka ng trabaho, kahit nasa edad 35 or 60 ka bibigyan ka pa rin ng trabaho hanggat kaya mong mag trabaho. Paano kung sa pinas ito ipatupad ang diborsyo.. Paano na ang mga babaeng nasa edad 35 pataas? Sino pa ang kompanyang tatangap sa kanila? Ang katwiran ng ibang pabor sa diborsyo pwede naman daw mag abroad ang babae.. Paano kung walang yaman ang pamilya ng babae paano siya makapag abroad? Paano kung nasa edad 40 na iyong babae? sino pa tatangap sa kanila eh samantalang ultimong POEA halos ayaw mag paalis ng nasa edad 35 pataas. Kung halimbawang pinalad na makaalis ang babae papuntang abroad para mag trabaho.. saan niya iiwan ang kanyang mga anak? Sa mga magulang ba niya? Paano kung matatanda na ang mga magulang ng babae? Makakaya pa kaya nilang alagaan or subaybayan ang mga bata? Mapipilitan dahil kailangan ng ina ng mga bata na maghanapbuhay kahit mapariwara ang mga bata wala na siyang magagawa.

Kung sa mga mayayaman.. ok lang kahit magkaroon ng diborsyo dahil meron silang yaman para ibuhay sa kanyang mga anak, kahit hindi mag trabaho yung babae kaya niyang buhayin ang kanyang anak. Paano yung wala?

Kung ngayon na libo - libo ang mga kababayan nating mga lalaki ang walang trabaho at halos walang mahanap na trabaho.. kung maisasabatas pa iyang diborsyo magiging doble na ang mga pilipinong walang trabaho. Kung iyong isang libo nga na hindi kayang bigyan ng trabaho ng gobyerno paano kung doble pa sa isang libo. lalong dadami ang mga batang hindi makakapag aral ng maayos, hindi maalagaan ng maayos, dadami ang mga kabataang mapapariwara dahil wala ang kanilang ina na magsusubaybay sa kanilang paglaki.

Kung yung iba ay hindi na magkasundo sa kanilang pagsasama at wala ng ibang paraan kundi ang maghiwalay.. kayo nalang ang maghiwalay kung hindi kayo magkasundo huwag na ninyong idamay ang ibang maapektuhan ng diborsyo. Sa aking pananaw.. iba na kasi kung legal ang diborsyo mas madaling magdesisyon na hiwalay lalo na ang mga kalalakihan na sa konting diperensya hiwalay agad ang solusyon. Hindi katulad ng wala ang batas na diborsyo hindi agad - agad na makakapag isip na hiwalayan agad.

Kung sa akin bilang lalaki.. mas pabor sa akin dahil may paraan na para mag iba - iba ako ng asawa.. Pero hindi ako sumasang ayon dahil iniisip ko rin ang kahihinatnan ng kapwa ko lalo na mga kababaihan.

Doon sa mga pumapabor sa diborsyo huwag sana dumating sa buhay mo na balang araw na magkaroon ka ng 4 na anak na babae at hiwalayan silang lahat ng kani - kanilang mga asawa sa iba't - ibang dahilan upang maramdaman mo kung paano mag alaga ng lahat ng apo mo lalo na kung matanda ka na. Wala kang ibang sisisihin kundi sarili mo dahil isa ka sa pumirma para maisabatas ang diborsyo sa pilipinas.

Sunday, 30 October 2011

BIBLE OR BIBLIYA


Simula ng akoy nag kaisip hanggang sa mga sumasandaling ito wala pa akong naka - usap na tao lalo na mga pilipino na magtatanong sa akin kung may ''katotohanan'' ba talaga ang bibliya na salita ng diyos?

Ang bibliya nga ba ay tunay na salita ng diyos?
Ang bibliya nga ba ay siyang tunay na pag papatotoo?
Ang lahat ba ng nakasulat sa bibliya ay tunay nga bang mga salitang binitiwan ng diyos?

Kung ating tititigang mabuti at ating babasahin ang isang bibliya.. ano ang mapapansin mo? ''Makapal'' di ba? Makapal dahil sa dami ng nakasulat. Kung ating iisipin.. ganyan ba karami ang salitang binitiwan ng diyos? Ganyan ba siya karami magsalita? Ano ang kadalasang mababasa mong nakasulat sa bibliya? Karamihan ay history ng mga nakaraang tao ang nilalaman ng mga nakasulat sa bibliya. kung ganon.. ang diyos ba ay nag kuwento ng ganon kahaba?

Kung ang bibliya ay pinaniniwalaan mong salita nga ng diyos.. Paano mo ito patutunayan at naniwala ka na ang bibliya ay tunay ngang salita ng diyos? Halos ninety nine porsiyento na mga pilipino ay naniniwala na ang bibliya ay salita ng diyos at isang porsiyento lang siguro ang hindi naniniwala at ako na iyon hehehe. Bakit ako maniniwala na ang bibliya ay salita ng diyos gayong hindi ko naman tuwirang natunghayan at napatunayan na nagsalita or nagsasalita ang diyos. Kung maniniwala ako sa sinasabi ng mga pari at sinasabi ng mga pilipino na ang bibliya ay totoong salita nga ng diyos para ko ng inamin sa sarili ko na mahilig akong maniwala sa sabi - sabi, Para ko ng inamin na wala akong sariling pag iisip, para ko ng inamin na hindi ako marunong mag obserba ng mga bagay - bagay dito sa mundo, para ko ng inamin na mahilig akong sumunod sa paniniwala ng ibang tao, para ko ng inaming mahilig akong maniwala kahit hindi ko napapatunayan, para ko ng inaming hindi ako marunong tumangap ng pagkakamali, para ko ng sinabing habang buhay nalang akong nakakulong sa paniniwala ng iba, para ko ng inaming nakakulong ako sa maling paniniwala, para ko ng inaming hindi ako marunong magbago ng pananaw at para ko ng inaming hindi ako marunong mag isip ng tama at mali. Tama at mali dahil tama ba maniwala ka na totoo kahit hindi mo napapatunayan.

Ang katotohanan.. Ang mga nakasulat po sa bibliya ay hindi totoong salita ng diyos ito ay gawa - gawa lang ng grupong gumagamit sa pangalan ng salita ng diyos para sa pagpapayaman at ang mga pari ang siyang instrumento nila upang magpalaganap ng magpalaganap ng maling paniniwala sa libo - libong madaling maniwala sa sabi - sabi. Kahit ang mga mismong mga pari ay walang maapuhap ng pagpapatotoo na ang bibliya nga ay tunay na salita ng diyos. Nakakalungkot lang at napakaraming mga pilipino ang madali nilang mapaniwala, mga pilipinong nakatali na sa maling paniniwala.

Ikaw ganyan ka ba?
Patuloy ka parin bang maniniwala kahit hindi mo napapatunayan?
Patuloy ka parin bang magbubulag - bulagan sa katotohan?
At
Patuloy ka parin bang magpapatali sa paniniwala ng iba?

Gumising ka kaibigan!

Bukas po ang aking comment box sa mga mambabasa na nais mag share ng inyong nalalaman ukol sa inyong paniniwala pero.. hindi po ako tumatangap ng gumagamit ng ''anonymous''.




Thursday, 20 October 2011

ANONYMOUS AVATAR

Ano ang pagkakaintindi natin sa mga avatar? or sa tinatawag nating profile picture?
Lalo dito sa mga kani - kanilang page or website or blogsite?

Meron akong sariling pananaw or sariling pagkakaintindi dito.. Kadalasan may mga author ng blog or website na nakatago ang mga picture sa pamamagitan ng annonimous or sa mga avatar na nakatago sa mga larawang hindi ang tunay na mukha nila ang nakalagay. Karamihan ang nakalagay sa kanilang mga profile picture lalo na dito sa bloggosphere ay mga annime or mga iba't - ibang imahe at hindi ang tunay nilang larawan ang nakalagay. Bakit nga ba?

Ito ay sarili kong pananaw, sariling oberbasyon kung ano ang nakikita kong dahilan kung bakit may mga taong ayaw nilang ilantad ang tunay nilang mukha.

Una - una ayaw nilang ilantad ang sarili nila sa mga taong nakakakilala sa kanila upang malaya nilang maisulat ang lahat ng nais nilang isulat kahit taliwas sa tunay nilang ugali or pagkatao. Maaring totoo.. dahil kung ilalantad nila ang mukha nila at magsusulat sila ng puro kasinungalingan maaring may pagkakataon na prangkahin sila sa comment box ng mga taong nakakakilala sa tunay nilang pagkatao. Dahil sa annonimous na avatar maari silang magpakitang mabuti sa tao sa kanilang pagsusulat pero sa realidad hindi iyon ang kanilang ugali. Ayaw ng mga taong ito na maaring sabihan sila sa comment box nila na ''Magaling ka lang sa salita''.

Sa annonimous na avatar malaya silang ilabas ang tunay na ugali nila, maari at malaya silang magsalita ng hindi magagandang mga salita at malaya silang makipag away kahit kangino hanggat gusto nila dahil katwiran nila nakatago naman ang mukha nila.

Sa annonimous na avatar itinatago nila ang mga mukha nila sa mga taong kagalit nila or kaaway nila. Alam nila sa sarili nila na maraming mga tao silang nakakaaway ayaw nilang lilitaw ang mga taong kagalit nila sa comment box nila. Ito rin ang isa sa pangunahing dahilan.

Ilan lang iyan sa nakikita kong dahilan kung bakit nagtatago ang ilan sa mga annonimous, maaring sabihin ninyo na hindi totoo itong mga sinulat ko.. hindi totoo dahil wala naman talagang aamin sa katotohanan lalo't makasisira sa pagkatao. Kung maaring mali nga ako sa mga obserbasyon ko.. Ano ang maibibigay nating magandang dahilan kung bakit ka nagtatago sa annonimous? Dahil.. gusto nyo lang ba?

Minsan.. may mga taong nakalitaw ang tunay na mukha nila pero.. bilang na ang kanilang hakbang, minsan.. nagkakaroon na sila ng limitasyon sa kanilang pagsusulat kaya minsan yung iba napipilitang magtago sa annonimous.



KUYA

PAANO MAGING "KUYA"?

Itong pag uusapan natin ngayon ay nauukol ito sa mga nakakatandang kapatid. Kay "KUYA".
Kadalasan nakikita ko sa kaugalian nating mga pilipino at karamihan sa mga pilipino ito ang kadalasang nakikita ko sa pamilyang pilipino.

Kadalasan karamihan sa mga kuya.. inaabuso ang kanilang pagiging matanda sa kanyang mga kapatid. Kadalasan lagi niyang pinanghahawakan ang pagiging matanda niya sa kanyang mga kapatid. Kadalasan ang laging inaakala ng mga kuya nasa kanya na ang lahat ng tama, nasa kanya na lahat ang kapangyarihan kahit minsan nasa kanya ang pagkukulang at kasalanan kaya may mga magkakapatid na hindi nagkakaunawaan. Kahit ako ang pinaka-bunso sa aming magkakapatid kitang - kita ko ang mga pagkukulang at kasalanan ng mga nakakatanda kong kapatid. Kadalasan.. maraming mga kuya ang umaabuso sa kanilang kapangyarihan bilang nakakatandang kapatid na nagiging sanhi ng pag aaway at paglaho ng pag galang sa isa't - isa.

Tatlo ang mga nakakatanda kong kapatid na lalaki at ang isa sa kanila ay iba ang ugali sa dalawa kong kuya. Ang dalawa kong kuya ang hindi ko maka sundo at kahit kaylan hinding hindi na mapapalapit ang kalooban ko sa dalawa dahil sa pagiging abusado nila sa kanilang kapangyarihan sa akin. Kahit ngayong may kanya - kanya na kaming buhay at may kanya - kanya na kaming pamilya pero hanggang ngayon pina iiral parin nila ang kanilang kapangyarihan bilang nakakatandang kapatid kahit hindi naman sila ang bumubuhay sa akin at sa aking pamilya ito ang mga kuyang abusado. Mga kuyang walang galang at hindi rin marunong gumalang sa nakababatang kapatid.

Ang isa kong kuya ang abot - abot ang pag galang ko sa kanya dahil marunong din siyang gumalang sa akin bilang nakababata niyang kapatid. Mas marami ang pinagsamahan namin ng isa kong kuya dahil malapit ang kalooban namin sa isat - isa. Ang kuya kong ito ay marunong gumalang sa akin at tinutumbasan ko rin naman ng pag galang. Kung minsan ako pa ang nagagalit sa kanya kung siya ang nakakagawa ng mali sa ibang tao. Alam ninyo kahit kaylan hindi nawawala ang pag galang ng mga nakababatang kapatid na dapat tinutumbasan din ng pag galang ng mga nakakatanda upang mabuo ang respeto sa isat - isa at mabuo ng maganda ang pagsasamahan. Hindi komo nakakatanda kang kapatid habang buhay mo ng mamanduhan ang nakababata mong kapatid, habang buhay mo nalang pagagalitan ang nakababata mong kapatid , habang buhay mo nalang na pagsasabihan ng hindi magagandang salita ang nakababata mong kapatid , habang buhay mo nalang pasusunurin sa utos ang nakababata mong kapatid hindi na uubra iyan lalo't hindi naman ikaw ang bumubuhay at nagpapakain sa nakababata mong kapatid. Kung pare - parehas na kayong may pamilya at hindi naman ikaw ang bumubuhay sa nakababata mong kapatid hindi na dapat na pangibabawin mo parin ang pagiging matanda mo or pagiging kuya mo lalo't hindi ikaw ang bumubuhay sa kanya. Kung may kanya - kanya na kayong buhay ituring mo nalang na matalik mong kaibigan ang nakababata mong kapatid at hayaan mong ang nakababata mong kapatid ang magturing sa iyo bilang kuya at irespeto mo nalang siya bilang kapatid hindi bilang nakatatanda ka sa kanya upang suklian ka rin niya ng kung ano ang pagtrato mo rin sa kanya. Itatak mo sa iyong isipan na ang bisa ng iyong pagiging kuya ay kung nasa panahong nasa iisa pa kayong bubong at nasa poder pa kayo ng inyong mga magulang. Pero kung dumating ang araw na may kanya - kanya na kayong buhay at pamilya huwag mo ng pairalin ang pagiging kuya mo kundi ang pairalin mo nalang ay pagiging magkapatid at pantay na katauhan ninyong dalawa, walang bata walang matanda, ituring mo nalang siya bilang matalik mong kaibigan upang ituring ka niya na matalik rin niyang kaibigan na may respeto sa isa't - isa.

Kung habang buhay mo siyang ilalagay sa ilalim ng iyong kapangyarihan bilang kuya na nakakatandang kapatid.. Hindi malayong lalayo ang loob niya sa iyo at tuluyang mawawala ang respeto niya sa iyo na magiging dahilan pa ng pag hantong sa hindi magandang pagkakaunawaan. Iisa ang magiging dahilan ng nakababata.. hindi ikaw ang bumubuhay sa kanya kaya wala ka naring karapatang manduhan siya.

Kung gusto mong tumibay ang samahan ninyong magkapatid.. ikaw muna ang magbigay ng respeto at ituring mo siyang matalik mong kaibigan.. asahan mo susuklian ka rin niya ng respeto at ituturing ka rin niyang matalik na kaibigan.



Sunday, 16 October 2011

KILALANIN MO MUNA SARILI MO

Kadalasan madali nating makilala ang buong pagkatao ng ibang tao... pero ang mismong sarili 65% hindi mo kilala. Di ba totoo yan?
Kaya kadalasan ang tao mahirap magbago. Bakit?

Dahil ayaw mong kilalanin mismo ang sarili mong pagkatao pero.. ang ibang tao pinipilit mong kilalanin ang kanilang pagkatao. Kadalasan may mga taong ubod ng sinungaling pero ayaw mong tangaping sinungaling. Bakit?
Dahil ang alam mo sa sarili mo hindi ka sinungaling kaya ayaw mong matatawag na sinungaling. Minsan hindi morin alam na pangit ang ugali mo kung ikukumpara sa ibang tao pero ikaw mismo sa sarili mo hindi mo matangap na pangit ang iyong ugali kaya walang puwang upang ikaw ay magbago. Minsan pinipilit mong magbago ng ugali ang ibang tao dahil iyon ang nakikita mo sa kanilang pagkatao pero.. ang mismong sarili mo o pagkatao hindi mo kayang baguhin dahil ayaw mong kilalanin mismo ang iyong sarili. Napakaraming mga pilipinong ganyan, kaya kadalasan nagkakaroon tayo ng iba't - ibang kasabihan. Andiyan yung.. "Bago mo punahin ang uling ng ibang tao.. punahin mo muna ang sarili mong uling". Nakikita mo ang uling ng ibang tao, pero sarili mong uling hindi mo nakikita. Andiyan yung.. "Nakikita mo kapintasan ng ibang tao pero.. ang sarili mong kapintasan hindi mo nakikita". Andiyan yung.. "Bago mo baguhin ang ibang tao.. sarili mo muna ang unahin mong baguhin", "Nakikita mo ang mali ng iba pero ang sarili mong kamalian hindi mo nakikita" at marami pang iba.

Bakit nga ba?
Bakit kadalasan mas madali nating nakikilala ang pagkatao ng ibang tao pero.. ang sariling pagkatao hindi mo makilala? Hanggang ngayon ba sa edad mong iyan hindi mo kayang kilalanin ang sarili mo?

Pare - parehas naman tayong may isip, pare - parehas naman tayong may mata. Kadalasan iyan ang nakikita ko sa napakaraming mga pilipino. Kung ating iisiping mabuti kung talagang nakikita ng tao ang sarili niyang kamalian sigurado hindi ka makakagawa ng isang bagay na makakasama sa iyong kapwa, kung talagang kilala mo ang iyong sarili sigurado madali kang magbago. Minsan.. napakaraming bagay sa ating sarili ang dapat nating baguhin na hindi natin nakikita mismo sa ating sarili, hindi nakikita dahil hindi mo kilala ang sarili pero.. kadalasan nakikita natin sa ibang tao.

Hindi mo ba talaga kayang kilalanin ang sarili mo? or Ayaw mo lang talagang kilalanin?
Hindi mo ba talaga kayang magbago? or talagang ayaw mo lang magbago? or talagang hindi mo lang kayang baguhin?

Hindi mo kayang kilalanin ang sarili mo or talagang makitid lang talaga ang utak mo? Dahilan para hindi mo makilala ang sarili mo. Kung kilala mo sarili mo.. may dahilan ka para ikaw ay magbago.

Saturday, 15 October 2011

SOBRANG KALAYAAN

ALAM NYO BA ANG SOBRANG KALAYAAN?

Sa tagal kong pagtatrabaho dito sa abroad iisa ang nakikita kong dahilan kung bakit karamihan sa mga pilipino lalo na ang mga OFW na umuuwing bigo. Ito ay ayon sa pansarili kong obserbasyon. Dito sa abroad ang pangunahing nagpapahirap sa mga pilipino bukod sa mga ugali at kayabangan ay ang "SOBRANG KALAYAAN".

Hindi ko na babangitin dito kung anong ugali meron tayo, lahat ng ginagawa natin ay nakabatay talaga sa ugali ng tao. Andyan yung kayabangan, yun bang mahilig tayong magyabang bibili ka ng mga mamahaling gamit kahit meron ka ng mumurahing gamit pilit mo paring bibilhin ang mamahaling gamit para lang maipakita mo or maipagmalaki mo na meron kang ganong gamit. May CPU kana bibili ka pa ng laptop para maipakita mo sa iba na meron kang laptop na gamit parte yan ng kayabangan. Meron ka ng cellphone bibili ka pa ng mas hightech sa sellphone na gamit mo para maipakita mo na meron karing mamahaling cellphone, parte din yan ng kayabangan. Sa madaling salita.. sayang ang mga pera.

Bukod diyan ang pinaka dahilan kung bakit nagiging bigo ang isang ofw ay ang sobrang kalayaan.

Dito sa abroad.. nandito na ang lahat ng kalayaan nating mga pilipino. Malaya tayo sa lahat ng bagay kung ikukumpara natin nang nasa pinas tayo at katabi natin ang ating mga asawa't mga anak. Sa pilipinas kahit papaano merong magbabawal sa iyo. Kadalasan.. marami tayong hindi natin nagagawa kung nasa pinas tayo na malayang nagagawa natin dito sa abroad. Malaya tayong gumasta ng gumasta, malaya tayong uminom ng uminom, malaya tayong makipag jamming at makipag inuman kahit kangino ng magdamagan at makipagpartihan kung saan - saan ng walang nagbabawal or walang pumipigil at malaya tayong mamasyal ng mamasyal kung saan saan at malaya tayong makipagligawan kahit kangino. Sa madaling salita malaya nating gamitin kung saan - saan ang perang hinahawakan natin na sa bandang huli wala na palang nangyayari sa pagiging ofw natin, wala na palang natitira sa perang pinaghirapan natin, wala na pala tayong naiipon.

Sa huli saka natin maiisip na ang laki pala ng nalustay mong pera, sa huli saka mo idadahilan sa misis mo or sa mga magulang mo.. ang baba kasi ng sahod namin, idadahilan mo pa.. hindi nasunod ang talagang suweldo ko. pero.. nakatago sa isipan mo na hindi mo kayang isiwalat sa misis mo na ang dami mong nilulustay na pera kaysa pinapadala mo sa pamilya mo.

Yan kadalasang dahilan kaya maraming mga ofw ang umuuwing bigo.. ''ANG SOBRANG KALAYAAN".


Friday, 14 October 2011

OFW -- PAANO KA NAGING BAYANI?

PAANO KA BA NAGING BAYANI?

Mula pa noon hanggang ngayon madalas nating naririnig sa mga kababayan natin na tayong mga nagtatrabaho dito sa ibayong dagat ay mga bayani ng bansang pilipinas. Eto ang paniniwalang tumatak sa ating mga pilipino. Halos lahat na mga pilipino ito ang kanilang paniniwala, kahit siguro ikaw na nagbabasa ngayon kung OFW ka maaring iyan ang iyong paniniwala na bayani ka ng bansang pilipinas dahil sa perang ibinabahagi mo sa kaban ng bayan.

Bilang OFW.. Paano ka nga ba naging bayani ng pilipinas?
Dahil ba sa perang ibinahagi mo sa kaban ng bayan bilang manggagawa dito sa ibang bansa?
Paano? Dahil ba kundi dahil sa perang nakukuha sa atin kaya tumitibay ang ekonomiya ng bansang pilipinas? Maaring isasagot mo "OO".

Malaking "OO". Taas noo ka pa ngang ipagsisigawan na dahil isa kang OFW na malaking naiaambag sa ekonomiya ng pilipinas.

Tatanungin kita..
Ang pera bang napupunta sa gobyerno mula sa iyo bilang OFW ay kusa at buong puso mo bang ibinibigay sa gobyerno? (sagutin mo ito) "IMPOSIBLE!"

Kung halimbawang dumaan sa palad mo ang salaping napupunta sa gobyerno at pagkatapos mong mahawakan ang perang napupunta sa gobyerno.. Ibibigay mo kaya ng kusa ang perang pinaghirapan mo sa gobyerno?

Palagay ko.. "HINDI" Imposibleng ibibigay mo ang perang pinaghirapan mo sa gobyerno.
Tapos... Aakuin mo na ikaw na isang OFW ay bayani ng bansang pilipinas.

Isang halimbawa ko.. Ang mga pilipinong manggawa dito sa bansang south korea ay nag rally noon dahil tinangkang kunin ng gobyernong arroyo ang pera ng mga pilipino dito sa korea at ang makukuhang pera ng gobyernong arroyo sa bawat pilipinong manggagawa dito sa korea ay mahigit sa 200,000 pesos ang bawat isang ulo. Napakalaking halaga na pinaghirapan ng mga pilipino kukunin lang ng gobyerno. Isang halimbawa ito na ayaw nating ang gobyerno ang makinabang sa perang pinaghirapan natin. Dapat lang! Dapat lang na ang pamilya natin ang makinabang sa perang pinaghirapan natin hindi gobyerno.

Tapos aakuin natin na bayani ka ng bansang pilipinas.

Minsan kasi may mga pilipino na narinig lang nila sa ibang tao na bayani tayo.. iyon narin ang kanyang paniniwala. Hindi na nag iisip.. hindi muna inaalam kung bakit nga ba tayo naging bayani ng bansang pilipinas. Minsan.. ipinagsisigawan pa "OFW ako.. bayani ako ng bansang pilipinas!".

Aminin mo man o hindi ikaw na ofw nagpunta ka dito sa abroad para mabigyan mo ng kinabukasan ang pamilya mo.. hindi kinabukasan ng gobyerno, nagpunta ka dito para bigyan mo ng kaligayahan ang pamilya mo.. hindi para bigyan mo ng kaligayahan ang gobyerno, nagpunta ka dito sa abroad para magtrabaho alang - alang sa pamilya mo.. hindi alang - alang sa gobyerno at sa panahon ng pamamalagi mo rito sa abroad wala kang iniisip kundi pamilya mo ang dahilan ng pagtitiis mo dito sa abroad. Pero.. ni minsan hindi sumagi sa isip mo na kaya ka nagpunta dito sa abroad ay dahil sa gobyerno.

Tapos.. Ipagsisigawan mo.. ofw ka bayani ka ng bansang pilipinas.

Gumising ka kaibigan sa katotohanan.


Thursday, 21 July 2011

PANATILIHIN MONG NASA ITAAS KA

Kung may mga taong pinipilit kang ibaba or ibagsak.. Nangangahulugan na angat ka sa kanila. Ito ang kadalasang nakikita nating ugali minsan nating mga pilipino. Marami ang may mga ugaling ganito tulad ni joey de leon isang taong hindi dapat pamarisan na kung may mga programang tumatalo sa kanila kung ano-ano ng paninira ang gagawin para lang bumagsak ang isang tao. Ang kasabihan kong ito ay para sa mga taong maingitin, para sa mga taong ayaw tumangap ng pagkatalo, para sa mga taong ayaw mag appreciate sa tagumpay ng kapwa. Iyan ang ugali nila kung nasasapawan mo na marami ng paninira ang gagawin. Kaya kung ikaw ang nakarating sa itaas huwag kang padadala sa mga taong ganyan ang isipin mo kaya ka nakarating sa kinalalagyan mo mas marami kang nagawa na nakabuti sa iyo kaysa sa kanila. Umiisip ka pa ng mga bagay na mas makakabuti pa lalo sa iyo upang manatili kang nasa itaas.



GAWIN MO ANG HINDI KAYANG GAWIN NG IBA

Ang kahulugan ng salitang ito ''gawin mo ang mga bagay na hindi kayang gawin ng iba''. Mga bagay na kahit alam nating kayang gawin ng iba pero hindi nila magawa or hindi nila talaga kayang gawin or abutin. Hindi ko sinasabi dito yung gagawa ka ng masama or ng kasalanan. Ibig kong sabihin mga bagay na minsan madali lang gawin kung iisipin lang pero kung sa actual na halos hindi na magawa dahil minsan kapos sa oras or kapos sa panahon or sabihin na natin minsan kapos sa pinansyal. Halimbawa kaya mo bang magtipid? Minsan kung ating iisipin madali lang magtipid pero maraming mga pilipino ang hindi kayang magtipid. Gawin mo ang mga bagay na makakatulong sa sarili mo at sa pamilya mo na minsan hindi kayang gawin ng iba. Tulad ng pag iwas mo sa inom or pag iwas mo sa barkada or pag iwas mo sa mga taong magdudulot sa iyo ng kapahamakan. Tuparin mo ang isang pangarap na hindi kayang gawin minsan ng mga kaibigan mo. Maraming bagay na pwede mong gawin na kahit sa isipan mo hindi mo kaya pero kung gugustuhin mo talagang gawin magagawa mo bakit ba hindi di ba? Nais kong i-share ang isang halimbawa na nagawa ko na maaring masabi ko na hindi kayang gawin ng iba.. Tulad ng dahil sa pagtitipid ko nabigyan ko ng tigi-tigisang brand new TMX HONDA 155 w/ side car ang tatlo kong anak isang bagay na masasabi kong mahirap gawin ng iba. Isa lang yan sa mga bagay na nagawa ko sa buhay ko.





Monday, 18 July 2011

WALANG KWENTANG PAYO SA IBANG TAO


Kadalasan ito ang mga naririnig ko at nababasa kong ipinapayo lalo na dito sa net sa mga forum , facebook , at kung saan - saan pa. Kadalasan pa sa mga kababayan kong mga pilipino ko ito madalas mabasa ang bukang bibig na kauna-unahan laging ipinapayo ''BE YOUSELF'' , ''LOVE YOUSELF'' , kung minsan pa ito ang madalas na dialoge ng mga magagaling na magpayo ''MAGING TOTOO KA SA SARILI MO''.

Ikaw... madalas mo ba itong ipinapayo sa mga taong bigo? sa mga taong bigo sa pag - ibig? or sa mga taong nahaharap sa anumang suliranin?

Kung madalas mo itong ipinapayo sa ibang tao... Kaya mo naman kaya gawin iyan mismo sa sarili mo? Paano mo magagawa mismo sa sarili mo ang mga ganyang payo? Alam mo ba ang kahulugan ng mga salitang.. ''be yourself'' or ''love yourself''? Natural.. oo ang isasagot mo.. alam naman talaga natin ang kahulugan ng mga salitang iyan, ganyan naman tayong mga pilipino kadalasan alam natin ang kahulugan ng mga salita pero sa realidad ng buhay hindi mo na alam gawin. Be yourself... Paano? Love yourself... Paano? sigurado tameme na tayo diyan.

Para sa aking pananaw iyan ang walang ka-kwenta - kwentang advise sa isang tao. Bakit?
Paano mo i-aaply iyang advise sa sarili mo? Kung ikaw mismo hindi mo magawa sa sarili mo.. bakit mo pa i-aadvise iyan sa isang tao? Hindi muna pag isipan mabuti kung tama or mali ang mga sinasabi. Kadalasan ang bukang bibig ng ibang pilipino ''Maging totoo ka sa sarili mo'' Bakit kailangan pa ba nating maging totoo tayo sa sarili natin? Kailangan pa bang patunayan natin sa sarili na totoo ka? Hindi mo ba kilala sarili mo? Kangino mo ba dapat ipakita na totoo kang tao? sa sarili mo or sa ibang tao? Dapat sa ibang tao ka magpakatotoo hindi sa sarili mo.

Meron akong sariling kasabihan na dito lang ninyo unang mababasa...

Kadalasan ang tao..
''Ang simpleng payo mo sa ibang tao iyon naman ang hindi mo magawa sa sarili mo.''


Sunday, 17 July 2011

ANG PAG - IBIG

Ang puso ay simbulo lang ng pag - ibig.

Halos lahat ng tao ay naniniwala na ang ''pag - ibig'' ay nagmumula sa puso. Marami ang nag aakalang ang pag - ibig ay nararamdaman sa puso. Mga paniniwalang hindi ninyo kayang hanapan ng paliwanag.

Kung umibig ka... Paano mo nararamdaman sa puso?
Paano mo ipapaliwanag na ang pag ibig ay nararamdaman ng puso mo?
Kung nakita mo ang taong gusto mong ibigin.. kaya mo ba siyang ilarawan sa iyong puso? Paano mo siya ilalarawan sa iyong puso?

Palagay ko ang pag - ibig ay hindi mo kayang ilarawan sa iyong puso at naniniwala ako na wala ka ring mahanapan ng paliwanag kung paano mo ilalarawan sa iyong puso ang taong iniibig mo or ang taong gusto mong ibigin. Totoo, walang sinumang tao na kayang ilarawan ang taong gusto mong ibigin sa puso hindi mo kaya dahil hindi naman talaga nararamdaman sa puso ang pag - ibig at hindi rin kayang ilarawan sa puso ang taong gusto mong ibigin. Isa lang ang pinanggagalingan ng pag - ibig nating lahat at isa lang ang pwede at may kakayahang maglarawan sa taong gusto mong ibigin walang iba kundi ang ating isip.

Ang ''pag - ibig'' ay hindi nakikita sa mata at hindi rin nangagaling sa puso at hindi rin nararamdaman sa puso kundi isip. Ang pag - ibig ay nasa isip wala sa puso.. Ang puso ay simbulo lang ng pag - ibig. Ang ating isipan lang ang may kakayahang mag larawan sa taong gusto nating ibigin. Sa ating isipan nakikita ang taong gusto nating ibigin, sa ating isipan namamahay ang taong gusto nating ibigin at ang ating isipan din ang may kakayahang mamili ng taong gusto nating isipin.

Kaya sa aking paniniwala ang pag - ibig ay wala sa puso kundi nasa isip.




Thursday, 14 July 2011

OBLIGASYON

Marami sa ating mga pilipino ang hindi nakakaunawa sa salitang ''obligasyon'' o talaga lang hinadi marunong umintindi ng buhay ng bawat isa or mapagsamantala lang talaga ang ugali ng isang tao.

May mga taong ang iniisip nila ay lagi nalang silang tutulungan. May mga tao ring ang gusto nila sila nalang ang uunawin. Sa buhay ng bawat isa meron tayong kanya - kanyang buhay, meron tayong kanya-kanyang kalayaan sa bawat nais nating desisyon sa buhay at lahat tayo may kanya-kanya tayong obligasyon sa buhay. Meron kang sariling obligasyon na dapat mong tulungan at dapat mong buhayin.

Ikaw.. Alam mo ba kung ano lang ang obligasyon mo sa buhay mo?

Dapat alam mo rin kung ano-ano ang obligasyon mo sa sarili mo para malaman mo kung ano-ano rin ang obligasyon ng ibang tao sa sarili nila. Hindi nila obligasyon ang buhay mo at hindi mo rin obligasyon ang buhay nila. Hindi nila obligasyong buhayin ka at hindi mo rin obligasyong buhayin sila. Hindi nila obligasyon na tulungan ka at hindi mo rin obligasyong tulungan sila. Hindi nila obligasyong paligayahin ka at hindi mo rin obligasyong paligayahin sila. Ang tanging obligasyon mo sa buhay mo ay ang iyong ama't ina, ang iyong mga anak at asawa at ang iyong sarili lang ang obligasyon mong tulungan at paligayahin wala ng iba pa.

Kaya kung halimbawang nanganga-ilangan ka ng kalinga or nanganga-ilangan ka ng tulong huwag mong obligahin ang ibang tao na tulungan ka. Tulungan ka man o hindi nasa kanilang desisyon iyon kung nais ka nilang tulungan. Kung halimbawang hindi ka nakatangap ng tulong mula sa ibang tao wala kang karapatang magalit or magtampo sa kanila dahil hindi nila obligasyong tulungan ka. Tangapin mo na maluwag sa kalooban mo, dahil ikaw ay may sariling buhay at may sarili rin silang buhay. Pairalin mo lang yang isip mo para alam mo kung hanggang saan lang ang obligasyon nilang gawin sa iyo at ganon din ang ibang tao.

Tandaan mo... wala silang obligasyon sa buhay mo at wala karing obligasyon sa buhay nila.


Sunday, 10 July 2011

DON"T JUDGE A BOOK BY ITS COVER... NOT TRUE


Sa tagal ko na dito sa net.. Sa dami na ng nakakasalamuha kong tao sa pilipinas, halos lahat ng tao sa buong pilipinas halos iisa ang paniniwala. Halos bukang bibig ng mga pilipino sa salita man o sa pagsusulat, sa opinion halos iisa ang sinasabi pare-parehas ng paniniwala, iisa ang bukang bibig.. ''Don't judge the book by its cover''.

Ang tagal kong pinag-isipan ang salitang iyan... Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang iyan. Hanggang kumuha ako ng isang libro.. Tinitigan kong mabuti ang pabalat at kulay ng libro at sinubukan kong ikumpara ito sa tao. Hanggang sa naisip ko na.. kung para sa akin, mali ang paniniwala ng halos 100% na mga pilipino ''dont judge the books by its cover''.

Para sa nagbabasa.. sa buong buhay ninyo dito ninyo lang makikita at mababasa sa blog na ito at sa inyong lingkod lang ninyo na.. tanging ako lang na pilipino ang kokontra diyan sa paniniwala ninyong iyan. Bakit?

Sabi ng tao... Dont judge the books by its cover.. hindi totoo iyan
kung ano ang sinasabi sa cover iyon na ang laman sa loob. Kung ano ang nakikita mo sa isang tao, ayon sa takbo ng kanyang isip, ayon sa takbo ng kanyang ugali, ayon sa takbo ng pagsasalita niya iyan na ang content ng libro. Alam mo na kung ano siya, alam mo na kung sino siya, kung hanggang saan ang pwede niyang marating. Kahit ilang million mong buksan ang libro they stay the same, they look the same, they say the same, same color, same picture. iyon na siya.

May mga nagsasabi na.. may mga taong plastik hindi mo halos makita ang tunay na panloob, may mga nagsasabi na minsan ang tao tingin mo mahinhin pero sa loob salbahe. Totoo iyan.. pero ang tao habang tumatagal doon mo makikilala. Syempre iba ang proseso sa tao dahil ang tao gumagalaw, nagsasalita, mapagkunwari, kung ikukumpara mo sa libro di tulad ng libro kung ano nakita mo iyon na dahil hindi naman gumagalaw ang libro, hindi nagbabago, hindi nagsasalita at hindi mapagkunwari pero.. parehas sa tao kaya nga nai-compare ang libro sa tao. Pero kung ating iisipin mabuti hindi iyan ang tunay na kahulugan kung bakit tayo nagsasalita ng ''dont judge....''. May mga taong alam na alam nila ang kahulugan ng mga salita kung binabasa lang pero hindi nila alam ang tunay na kahulugan sa realidad ng buhay kahit pa siya tagalog hindi parin maintindihan. Pero subukan mong hingan sila ng halimbawa or ipa-discribe mo sa kanila sa realidad hindi na alam, paano hindi naman talaga naiintindihan. Kaya nga maraming mga pilipinong mahilig maniwala sa salita or sa binabasa lang kahit hindi alam ang tunay na kahulugan kung sa realidad ng buhay mo gagawin. Ang tao mahuhusgahan mo ayon sa nakikita mong ginagawa niya.

Sa libro kung ano ang title iyon na ang nakikinita mong content ng libro at kung ano ang kulay ng cover ng libro iyon na ang kulay ng pagkatao ng isang tao. Pwede mong husgahan ang isang tao ng ayon sa nakikita mong pabalat niya or sa ginagawa niya at ayon sa kung paano niya i-hundle ang klase ng buhay niya. Makikita mong kung sa mga ginagawa ba niya meron ba siyang mararating. Kitang-kita natin yan sa panlabas niyang kaanyuan tulad ng isang cover ng libro nasasalamin mo na ang niloloob ng isang libro ayon sa title ng libro at ayon sa kulay ng libro.

Kaya para sa akin mali ang paniniwala ng mga pilipino na... ''Don't judges a book by its cover''. Subukan niyo.. humanap kayo diyan sa paligid ng lugar ninyo at titigan mo ang isang tao. Subukan mo pag isipan ang mga taong adik, lasengero, sugarol, mga taong tambay na ayaw magbanat ng buto yan ang magsisilbing cover ng pagkatao nila na nakikita mong ginagawa nila. Kung makita mo sila anong sasagi sa isip mo? ''walang mararating ang mga taong ito'' di ba? Mahuhusgahan mo na sila sa nakikita mong ginagawa nila. Kung anong klase ng ugali at pagkatao ng taong makikita ninyo kung ano lang ang lagi at pangkaraniwan niyang ginagawa sa araw-araw doon mo maiisip kung saan lang ang pwede niyang marating. Kaya ang tao mahuhusgahan mo, kahit ang mga taong mahilig maniwala sa mga salitang hindi alam ang kahulugan mahuhusgahan mo rin kung gaano kababa ang isipan ng mga ganitong tao, kahit ang mga taong naniniwalang totoo kahit hindi napapatunayan mahuhusgahan mo rin kung hanggang saan ang lalim ng utak ng mga ganitong tao.

Para sa mambabasa ng pahinang ito stay tune lang po kayo dito dahil dito po ninyo mababasa ang mga bagay na taliwas sa paniniwala ng mga pilipino.. sa buong pilipinas bukod tanging ang inyong lingkod lang po ang komontra sa paniniwalang iyan. Kung mababasa po ninyo or maririnig sa bibig ng ibang tao.. hehe iisa po ang original na taong komontra sa paniniwalang iyan maaalala ninyo ang inyong lingkod.

Note;
Kung nakikita ninyo na malayo sa katotohanan ang sinulat kong ito.. ipaliwanag mo muna kung ano ang tunay na kahulugan sa realidad ng buhay ang pangungusap na ito ''dont judge a book by its cover''. or sa paano mo ba pwedeng sabihin ang salitang iyan or saan ba pwedeng i-apply iyang salitang dont judge....? Paano mo ito magagawa sa realidad ng buhay ng ibang tao ayon sa nakikita mo sa kanila bago mo basagin ang paniniwala ko. Para malaman ng nagbabasa kung tunay ngang alam mo ang kahulugan ng salitang iyan sa realidad ng buhay hindi sa salita. Magbigay ka ng halimbawa kung paano nasasabi ng tao ang salitang ''dont judge a book by its cover'' kung talagang alam mo ang tunay na kahulugan ng salitang iyan bago kayo mag comment at hindi ko tatangapin dito ang magtatago sa pangalang anonymous. Para makilala ng tao kung gaano ka ba magaling magpaliwanag.

Saturday, 2 July 2011

FEELING MATALINO AMPAW NAMAN

Ang tao minsan magaling magbigay ng payo sa ibang tao pero kadalasan ang simpleng advice mo sa ibang tao iyon naman ang hindi mo magawa mismo sa sarili mo.

Minsan may nakasalamuha na ba kayong tao na ayaw magpatalo sa kuwentuhan? Kapag ang taong ayaw magpatalo sa kuwentuhan iyan ang taong punong-puno ng kasinungalingan sa katawan. Bakit? Sa bawat kinukuwento niya lagi siyang may kasunod na halimbawa yun bang para patunayan niyang may katotohanan ang mga sinasabi niya.. Kadalasan ganito ang style ng mga ganyang tao... ''Bakit yung taga amin ganito ganyan''

Dito mo makikitang sinungaling ang mga ganyang tao na mahilig magbigay ng halimbawa. Pero sa aking pananaw bobo ang mga ganitong tao. Bakit? Sino ba maniniwala sa mga binibigay niyang halimbawa di ba? kahit ilang libong halimbawa pa ang sabihin mo walang maniniwala sa iyo.

Minsan may mga tao ring tingin niya sa sarili niya napakagaling niyang tao, pakiramdam niya sa sarili niya siya na ang pinakamatalino sa kanyang mga kasama, halos lahat ng sasabihin mo meron at meron siyang ikokontra sa mga sinasabi mo.. Pero tanungin mo kung ilan na ba ang naipundar niya sa anim na taong pagtatrabaho niya sa korea ano-ano na ba naipundar niya sa pilipinas? Yan sigurado wala siyang isasagot diyan.. yan ang taong BOBO, WALANG UTAK, WALANG KANG ISIP, AMPAW ANG UTAK MO. Pero tingin niya sa sarili niya siya na matalino sa lahat, kung talagang matalino ka gawin mo sa sarili at pamilya mo hindi yung puro ka lang satsat. Puro ka lang salita, sa salita ka lang magaling ! Ang tanging pundar daw niya sa anim na taon niya dito sa korea meron daw siyang limang cellphone hay naku iyan ang naipundar niya sa anim na taon niya dito sa korea. Matatawag kong bobo ang utak ng mga ganitong tao. Bakit? Madalas niya tinatanong bakit daw siya hindi maka-ipon.. Hindi mo ba kilala sarili mo? Akala ko matalino ka.. akala ko magaling ka.. Bakit wala kang ipon? Bakit hindi mo alam na wala kang ipon? Ikumpara mo muna sarili mo sa iba para malaman mo kung hanggang saan ka lang.. para malama mo kung hanggang saang level lang ang talino mo.. Ang talino ng isang tao hindi lang basta ginagamit sa salita.. gamitin mo rin sa buhay mo kung paano ka yayaman hindi sa pagalingan sa salita, tingnan mo rin sarili mo kung marami ka bang nagagawa na hindi pa nagagawa ng ibang tao bago mo masabing mas ahead ang utak mo or ng isip mo sa isang tao. Kung ang isang tao mas maraming nagagawa na hindi naabot ng isipan mo at hindi mo kayang gawin tanggapin mo sa sarili mo ang pagkatalo, huwag kang makipagyabangan dahil wala ka pang maipagmamalaki sa mga taong nakakaharap mo. Kilalanin mo ang mga taong nakaka-usap mo dahil kung pagbabasehan ang takbo ng utak mo sa mga taong nakaka-usap mo ayon sa kanyang mga nararating makikita mo ang value ng pagkatao mo kung meron ka. Dahil mga taong tahimik hindi nagsasalita pero sa gawa pinapakita ang laman ng isipan yan ang basehan kung talagang pinatatakbo mo ang utak mo huwag mong ilagay sa dila ang utak mo. Ipakita mo ang value ng pagkatao mo sa gawa hindi sa salita para maipagmalaki ka ng asawa mo at mga anak mo hindi yung dila mo lang ang may value.

Alam ko mababasa mo ito... Kung talagang magaling ka sabihin mo lang kung anong gusto mo alam mo kung nasaan ako para magkaalaman tayong dalawa putek ka!


Wednesday, 1 June 2011

PANGARAP NA NATUPAD

PROJECTOR

MY HOME THEATER
(Klick image to enlarge)
Hindi mahirap abutin ang mga pangarap, ang mahirap ay ang iwasan ang mga hadlang sa pangarap, mga bagay na magdadala sa iyo sa maling daan upang lalo kang ilayo sa mga bagay na minimithi mong pangarap. Mga luho sa katawan, pansariling kaligayahan at panandaliang kaligayahan ang mga bagay na hahadlang sa minimithi mong pangarap na matupad.

Iyan ang isa sa minimithi kong pangarap na hindi lang ako ang makakaramdam ng kasiyahan kundi ng buo kong pamilya ang masisiyahan sa nakamit kong pangarap.

Maliit lang yung room ko hindi ko na mai-attras yung screen para lumaki pa yung picture nailabas ko na tuloy yung bed ko.


YOU ARE THE BEST THINKER

Ito ang pinakamahalagang bagay na magagawa ng isang tao ang mag-isip. Pinaka importanteng bagay sa isang tao na magagamit sa ating pang araw-araw na buhay, sa pangarap, minsan dito din nakasalalay ang ating kapalaran tungo sa maayos na pamumuhay. Kailangan din ito sa pakikipag kapwa, pakikitungo sa kapwa, pakikipag-usap sa kapwa at sa pag dedesisyon kailangan din ang ibayong pag iisip. Sa madaling salita ang ating isipan ang nagdadala ng ating buhay at pagkatao. Kung alam mo ang ''tama at mali '' you are the best thinker.

Marami sa atin ang mas madaling maniwala kaysa mag-isip, halos 90 or 95 % sa tao madaling maniwala ng hindi nag iisip kung may katotohanan o wala. Hindi na pinag iisipan kung tama at mali ang ating ginagawa. Karamihan sa atin lalo na kung ang pag uusapan ay religion napakaraming pinaniniwalaan natin kaagad na totoo kahit hindi napapatunayan. Napakadali sa atin ang maniwala sa sabi-sabi samantalang naniniwala tayo sa kasabihang... ''Ang maniwala sa sabi-sabi walang bait sa sarili'' pero ikaw mismo naniniwala sa sabi-sabi. Minsan napapa-iling nalang ako pag may nababasa ako or may naririnig sa isang tao mula sa kanyang sinasabi tungkol sa kanyang paniniwala pero siya mismo hindi niya napapatunayan pero patuloy at patuloy sa kanyang paniniwalang totoo ang kanyang paniniwala at sinasabi iniisip ko... hindi ba nag iisip itong taong ito? Hindi ba niya iniisip kung tama or mali ang kanyang paniniwala or sinasabi? Asan ba ang utak ng taong ito? Nag iisip ba ito?

Sa pag iisip malalaman mo ang tama at mali, malalaman mo kung kasalanan ba or kabutihan ang gagawin mo pero... marami parin ang hindi ginagamit ang isipan kaya patuloy na nakakagawa ng mali or ng kasalanan. Kahit sa pag tupad mo sa iyong pangarap na magandang buhay hindi mo makakamit ang magandang buhay kung hindi ka nag iisip ng tama at mali. Maraming bagay ang hadlang sa iyong mga pangarap ng hindi mo alam na maling gawin dahil hindi ka nag iisip. Maraming kabataan ang napapariwara dahil sa pag gawa ng mali, maraming mag aaral ang hindi nakakatapos dahil gumagawa ng mali, marami ang naliligaw ng landas dahil gumagawa ng mali at maraming tahanan ang nawawasak dahil sa pag gawa ng mali ang lahat ng iyan ay ang mga taong hindi nag iisip kung tama at mali sa kanilang ginagawa. Kung ginagamit mo ang isipan at alam mo ang tama at mali kaya mong talunin kahit limang taong hindi nag iisip. Hindi mo mababago ang ugali mo hanggat hindi mo binabago ang isipan mo. Hindi ka makakagawa ng isang magandang bagay sa buhay mo para hangaan ka ng ibang tao ng hindi ka nag iisip ng mabuti. Minsan ang tao parang starfish nabubuhay ng walang utak, minsan naman para ding ostrich mas malaki ang mata kaysa utak. Yan ang mga taong hindi nag iisip.

Tulad ng sinabi ko sa una kung alam mo ang tama at mali... ''YOU ARE THE BEST THINKER''.




Tuesday, 10 May 2011

PAG-PAPATAWAD NG DIYOS

Ano ang pagpapatawad?
Nasubukan mo na bang humingi ng tawad sa mga taong nagagawan mo ng kasalanan? Paano mo nalalaman kung napatawad ka na ng taong nagawan mo ng kasalanan? Mararamdaman mo lang ang pagpapatawad kung lubusan ng ngumingiti sa iyo yung taong hinihingian mo ng tawad depende kung nagpapakita ka na ng kabutihan dun sa tao, doon mo pa lang lubusang malalaman na talagang napatawad ka na nung tao.

Sa diyos... Ang diyos ba ay nagpapatawad?
Kadalasang bukang bibig ng tao at kadalasang naririnig ko sa tao... ''Ang diyos nga nagpapatawad ang tao pa kaya? Paano mo nalalaman na ang diyos ay nagpapatawad ayon sa paniniwala mo at ng halos lahat ng tao dito sa mundo. Sa paanong paraan mo nararamdaman na napatawad ka na ng diyos sa mga kasalanan mo sa kanya. Malalaman mo ba na napatawad ka na sa kasalanan mo sa diyos sa pamamagitan ba ng pagkokomunyon mo sa simbahan? Malalaman mo ba na napatawad ka na ng diyos sa pamamagitan ng mga pari sa simbahan? Kaya mo bang ipaliwanag kung napatawad ka na nga ba ng diyos sa mga kasalanan mo?

Lahat tayo naniniwala na ang diyos ay nagpapatawad kaya patuloy at patuloy tayong gumagawa ng kasalanan dahil dinadaya tayo ng paniniwalang ang diyos ay nagpapatawad.

May mga tao namang naniniwala na ang diyos ay nagpapatawad pero... takot namang gumawa ng kasalanan dahil nag-aalala silang baka parusahan sila ng diyos sa kasalanang gagawin, ito ang mga taong ''alanganing maniwala sa sariling paniniwala''.

Paano mo malalaman or paano mo nararamdamang napatawad ka na ng diyos sa mga kasalanang nagagawa mo sa kanya or sa kapwa? Palagay ko wala kang maapuhap ng paliwanag dahil ikaw mismo hindi mo nararamdam na pinatatawad ka ng diyos sa mga kasalanan mo gayung naniniwala ka na ang diyos ay nagpapatawad. Naniniwala ka gayung hindi mo pa napapatunayan. Naniniwala ka dahil iyan ang sinasabi ng iba, dahil iyan ang sinasabi ng mga relihiyon, naniwala ka na dahil iyan ang madalas na sinasabi ng mga pari, Ang laki naman ng kapangyarihan ng mga pari at nakaka-usap nila ang panginoon samantalang tao din ang mga iyan na tulad mo.

Ayon sa sarili kong karanasan at pag obserba ko sa buhay ko at sa buhay ng ibang tao.. naniniwala ako na ang ''diyos ay hindi nagpapatawad''. Lahat ng laya ay ibinigay niya sa atin upang may laya tayong gawin ang lahat ng naisin nating gawin, tulad ng madalas kong sinasabi sa mga naunang sinusulat ko binigyan niya tayo ng isip para maisip natin muna bago natin gawin, binigyan tayo ng isip para malaman natin ang tama at mali, binigyan tayo ng layang mag isip para maisip natin kung tama nga bang gawin ang isang bagay sa kapwa o hindi. Pero ang tao ay hindi ginagamit sa tama ang isip kaya patuloy na gumagawa ng kasalanan. Dalawa lang ang maari niyang ibigay sa atin na siguradong mararamdaman natin. Dalawang bagay na siguradong malalaman mo na galing sa kanya kung gagamitin mo ang iyong isipan.

Ano ang dalawang bagay na maaring ibigay ng diyos sa atin na maaring maramdaman natin upang maging gabay mo sa ginagawa mo sa araw-araw. Ang dalawang bagay na tinutukoy ay ang... (1) ''Gantimpalang kaligayahan'' ayon sa mga kabutihan mong ginagawa upang patuloy kang gumawa ng kabutihan sa kapwa mo, gantimpalang kaligayahan mo sa araw-araw kung saan nakakamit mo ang bagay na nagpapasaya sa iyo sa oras-oras, minu-minuto, araw-araw. Mula sa kaliit-liitang bagay hanggang sa kalaki-lakihang bagay na pinapangarap mong nakakamit sa buhay na maituturing mong nagpapasaya sa iyo gantimpala iyan sa kaliit-liitang kabutihang ginagawa mo sa kapwa. Dahil ang lahat ng bagay dito sa mundo galing sa kanya kasama ng kalungkutan.

Ano ang ''Kalungkutan''?
(2) Ang kalungkutan ay ang pangalawang maaring ibigay niya sa atin kasama ng kaligayahan. Paano mo nararamdaman ang kalungkutan? Ang kalungkutan ng tao ay ang problemang kinakaharap mo sa buhay sa araw-araw parusa sa mga ginagawa mong kasalanan na pwede niyang iparamdam sa iyo upang maalala mo ang panginoon upang maging daan para hindi ka na muling gumawa ng kasalanan sa kapwa. Ang lahat ng dumarating sa iyong problema sa oras-oras, minu-minuto, araw-araw ay maituturing mong kalungkutan sa buhay isang bagay na kayang hagupitin ng sakit ang puso't - isipan mo dahil sa sakit ng nararamdaman ng hapdi dulot ng sakit na dala ng kalungkutan mo. Mula sa kaliit liitang kasalanan mo may katumbas na kaliit-liitang problema or kalungkutan ayon sa gaano kaliit ang kasalanan mo sa kapwa. Isang parusang kasing sakit ng parusang hagupit ng palo sa atin ng ating mga magulang daan upang hindi na muling magkasala.

Sa paanong paraan mo naman malulutas ang kalungkutan mo sa araw-araw dulot ng problemang kinakaharap mo?

Dito po natin mararamdaman kung sa paanong paraan tayo mapapatawad ng ating panginoon matapos ang parusang iginawad sa atin dahil sa mga kasalanan mo sa kapwa daan upang maging kasalanan mo sa diyos, ''Gumawa kang muli ng kabutihan sa kapwa, ang kabutihan mo sa kapwa ang siya ring kabutihan mo sa diyos daan upang mawala ng tuluyan ang parusang ibinigay sa iyo. Sa pamamagitan ng muling pag-gawa mo ng kabutihan sa kapwa ang siyang magsisilbing papawi ng iyong kalungkutan. Sa muling pag gawa mo ng kabutihan ang tanging daan tungo sa kaligayahan mo at ang tanging magpapaligaya sa puso mo at isipan ay ang tuluyang mawala sa buhay mo ang isang problemang kinakaharap mo ngayon, ang panginoon ang magsisilbing gamot sa mga problemang kinakaharap mo siya ang papawi ng iyong mga suliranin daan upang muli at muli kang makaramdam ng kasiyahan. Ang panginoon din ang sasagot sa iyong mga problema at siya lang ang may kapangyarihan kung kaylan ka niya muli bibigyan ng kaligayahan na mag sisilbing gantimpala mong muli sa ginagawa mong kabutihan sa kapwa.

Kaya ang payo ko sa iyo kaibigan....
Gumawa ka lagi ng kabutihan, dadagsain ka ng kaligayahan.




Wednesday, 20 April 2011

ANO ANG PAGSUBOK

Marami sa atin ang hindi nakaka-alam kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang ''pagsubok''. Ang tinutukoy ko dito sa sulat kong ito ay ang tinatawag nating pagsubok sa atin ng diyos hindi pagsubok sa pagsusulit o sa ano mang bagay. Kadalasan at bukang bibig nating lahat na ang paniniwala nating pagsubok sa atin ng diyos ay kung dumarating sa buhay natin ang isang problemang kinakaharap natin sa ating buhay. Kadalasang naririnig ko sa tao... ''Tibayan mong loob mo pagsubok lang iyan sa iyo ng ating panginoon kung gaano ka katatag sa problema. Sinusubukan lang kung hanggang saan ang tatag mo''.

Iyan ba ang pagsubok sa atin ng diyos?

Halos 90% or 95% na mga pilipino ang naniniwala na ang problemang kinakaharap ng tao ay binigay ng diyos upang subukan kung gaano ka katatag. Hindi po.
Ang tunay na pagsubok sa atin ng diyos ay kung paano ka gagawa ng mabuti or masama sa kanya sa pamamagitan ng kapwa kung paano ka niya bibigyan ng gantimpala at kung paano ka niya bibigyan ng parusa ayon sa ginagawa mo sa kapwa at ayon sa kung ano ang iniisip mo sa kapwa sa araw-araw. Kaya nga tayo binigyan ng isip upang maisip natin kung ano ang tama at mali at kung ano ang masama at mabuti. Binigyan tayo ng layang mag-isip upang isipin natin kung tama nga ba nating gawin o hindi ang isang bagay na nais nating gawin. Binigay ng diyos sa atin ang lahat ng laya sa ating sarili.

Marami ang naniniwala na ang diyos ang gumagawa ng lahat ng nais nating gawin. Hindi rin po, di wala na sanang gumagawa ng masama, wala na sanang magnanakaw at mga killer, wala na sanang mga pintasero at abusado. Lahat ng ginagawa mo ayon sa sarili mo, ayon sa isipan mo at ayon lahat sa kagustuhan mo. Ikaw mismo ang gumagawa ng lahat hindi diyos. Nakamasid lang sa atin ang diyos.

Ang tunay na pagsubok sa atin ng diyos ay kung paano ka gagawa ng mabuti or ng masama sa kapwa. Makikita mo ang ibibigay niyang pagsubok sa iyo sa pamamagitan ng mga taong nakakasalamuha mo or nakakaharap mo sa oras-oras. Kung gagawa ka ba ng mabuti or masama sa kapwa mo upang maigawad niya ang gantimpala sa iyo ayon sa kabutihan mo at parusa ayon sa kasalanan mo. Ang iyong kapwa ang nagsisilbing pagsubok mo sa araw-araw kung gagawa ka ng mabuti o masama, hindi kung anong problema ang kinakaharap natin.

Ano ba ang gantimpala sa kabutihan mo at parusa sa kasalanan mo?
(Mababasa ninyo ito sa isang entry ko na may pamagat na ''Gantimpala or Parusa''.

Kadalasan halos lahat tayo alam lang sa salita na magpakita ka ng kabutihan mo sa diyos pero... hindi alam kung sa paanong paraan maipapakita ang kabutihan at kasamaan sa diyos. Hindi po nakikita ang kabutihan sa pagsisimba or pagbabasa ng bibliya. Makikita ang kabutihan mo sa diyos sa pamamagitan ng pagtrato mo sa kapwa, pakikitungo mo sa kapwa. Kaya ang tunay na pag subok ng diyos sa atin ay ang mga taong nakakaharap natin, nadadaanan natin, nakikita natin. Sa pamamagitan nila makikita ang kabutihan at kasalanan mo sa diyos.

Tuesday, 22 March 2011

PAGANAHIN MO ANG ISIPAN

Paano nga ba mapapatakbo ang ating isipan?
Paano natin maipapakita kung gaano kalawak ang ating isipan?

Importante sa buhay kung paano nga ba natin pinapatakbo ang ating isipan, natural... lahat naman tayo may isip pero kadalasan may isip nga tayo pero nagagamit lang natin sa natural na paraan yun bang parang tubig lang na umaagos lang ng umaagos, basta may makain lang, basta may isip lang. Importanteng sa buhay kung paano ba natin patatakbuhin ang ating isipan na kailangan meron kang bagong likha ng galing mismo sa katas ng ating isipan yung kaya mong paligayahin ang sarili mo sa pamamagitan ng bago mong likha na maipagmamalaki mo na hindi ginamitan ng daya, hindi pekeng kaligayahan.

Sa talas ng isipan mo nakasalalay ang ikaliligaya mo, ikaliligaya ng pamilya mo at sa talas ng isipan mo nakasalalay ang ikagaganda ng buhay ng pamilya mo. Huwag mong isarado ang isipan kung ano lang ang nakikita mo ngayon. Pilitin mong paunahin ng dalawang taon ang isipan mo sa sarili mo para makita mo kung saan ka dadalhin ng isipan mo. Minsan bigyan mo ng halaga ang pag-iisip para maging reality. Mahalagang ikaw muna ang magpatakbo sa utak mo bago ka patakbuhin ng isipan mo.

Tulad sa pag susulat or sa pagba-blogging hindi mai-aalis na nag umpisa tayo sa grade one kung bago pa lang nag susulat hindi maiiwasan na gumamit ng kodigo sa exam or mangopya sa ka-klase pero... habang panahon ka na lang bang grade one?

Kailangan palagi kang may bagong likha na mabibigyan mo ng magandang impact sa isipan ng mga nagbabasa na mag iiwan sa isipan nila kung gaano ka kalawak mag isip. Sa tagal ko ng pagsusulat dito sa blog isang beses lang ako nag ''repost'' ng poste ko yung bang naisulat ko na isusulat ko uli lalagyan lang ng konting rekado para maiba lang ng konti sa dati pero.. hindi na naulit isang pag papatunay na wala ng maisip, pag papatunay na may hangganan ang aking isipan. Sa aking paniniwala na hanggat maari ayokong ipakita na hindi ko kayang patakbuhin ang aking isipan ayokong ulit-ulitin ang nagawa ko na dahil para ko ng inamin na hindi ko na kayang patakbuhin ang aking isipan ayokong panoorin ang pelikulang napanood ko na. Kitang-kita ko sa ganyang paraan na may hangganan ang kanyang isipan. Nakabase na lang ang ating pagsusulat sa kung ano ang nakasulat na balita sa pahayagan, nakasunod nalang isipan natin sa buntot ng isipan ng ibang tao. Kailangan bigyan mo ng malinaw na pahayag ang bawat ginagawa or sinusulat upang maipakita natin ang kagalingan ng isipan na maaring sila ang sumunod sa buntot ng isipan mo.

Minsan... iniiwasan kong magbasa ng ibang kapwa ko blogger hindi dahil ayaw kong basahin ang blog nila, ayaw ko dahil ayokong makita na yung galing mismo sa isipan ko makikita kong nagawa na ng iba nakakaramdam ako ng kalungkutan at panghihina sa sarili ko, hindi ko na magawa ang produkto ng aking isipan. Hanggat maari ayokong maging fake ang kaligayahan ko or fake ang mga ngiti ko yun bang gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi na ako grade one, hindi na ako grade two, gusto kong iparamdam sa nagbabasa na may bago uli sa sarili ko. Nais kong iparamdam na kaya kong patakbuhin ang isipan ko na masasabi kong nag-i-improve ang isipan ko. Kung may nakaparehas man ako ng naisulat sa kapwa ko blogger hindi ako makakaramdam sa sarili ko na guilty ako sa mga ginagawa ko. Basta meron akong naisip na isulat ginagawa ko hindi ako nag nag aalala kung may katulad man o wala ok lang basta ginagawa ko yung galing sa akin ayokong isabotahe ako mismo ng sarili kong isipan.

Mahalaga para sa akin kung ano magiging impact sa isipan ng nagbabasa or nakakakita sa akin sa personal man kadalasan lahat ng ginagawa ko, lahat ng sinusulat ko at lahat ng sinasabi ko na nagmumula sa isipan ko nasa mabuti kaysa sa masama.

Katulad ng madalas kong iniisip... ''Kaysa mag-isip ka ng hindi mabuti sa kapwa mo... Mag isip ka na lang ng makabubuti sa sarili mo or sa buhay mo.." (Yayaman ka pa).


Monday, 28 February 2011

DECISION

Marami sa atin ang hindi nagpapahalaga sa bawat desisyong kanilang ginagawa, hindi masyadong pinag iisipan kung tama o mali nga ba ang ginagawang desisyon. Maliit man o malaking bagay na dapat pagdesisyunan isang daan na magdadala sa atin kung saan tayo dadalhin ng ating mga paa. Sa desisyon nakasalalay ang ating kinabukasan, lahat ng bagay ng iyong nakaraan ay bunga ng iyong desisyon kung ano man ang kinahinatnat ng buhay mo ngayon yan ang bunga ng mga ginawa mong desisyon sa mga nakalipas. Ang maliit man o malaking bagay na ginawa mo ayon sa iyong desisyon na maaring maging dahilan kaya nabago ang iyong buhay. Kahit sa pag gamit ng salapi mag iiba ang takbo ng buhay mo depende sa paghawak mo ng salapi kung saan mo ba pwedeng gamitin ang kayamanan mo, mula sa trabaho at pang araw-araw mong pamumuhay nakasalalay din sa simpleng desisyon mo na inaakala mong walang magiging epekto sa darating na bukas. Ang lahat ng bagay na pinagdedesisyunan mali man o tama ikaw ang makakatangap ng reward o resulta sa hinaharap. Ang buhay ng tao ay punong-puno ng hamon ng buhay. Maraming pagpipilian kung saan ka dapat lumugar, kung ano ba ang nararapat gawin, kung ano ang tama at maling gawin sa araw-araw at marami pang iba na kailangang mag desisyon. Ang lahat ng bukas ay nakabase sa resulta ng mga desisyon at sa bawat maling desisyon maling daan ang patutunguhan na magiging dahilan ng paglayo sa iyong mga pangarap. Mas madali mapahamak ang taong nagdedesisyon ng hindi nag iisip, kaysa sa taong nag iisip muna bago magdesisyon kung ano ang dapat at hindi dapat at kung ano ang tama at mali mula sa kanyang mga ginagawa or sinasabi.

Ang isipan ko ay laging nakatuon sa aking mga pangarap, laging nakatuon sa kaligayahan ng aking pamilya, laging nakatuon sa aking kaligayahan kaya sa tuwing dumarating ang oras para mag desisyon nakakapag desisyon ako ng tama dahil ang lahat ng nagiging desisyon ko ay nakabase lahat sa daan ng kaligayan namin ng aking pamilya.

Sa desisyon mo nakasalalay ang iyong buhay, kaligayahan at kinabukasan kasama ng mga mahal mo sa buhay.




Thursday, 24 February 2011

PARAAN SA PAGNENEGOSYO


Simula nung akoy bata pa iminulat na sa akin ng nanay ko ang pagnenegosyo, iminulat sa akin kung ano ang mga nakukuhang maganda sa pagnenegosyo bagamat hindi pa nasubukan ng nanay ko ang magnegosyo ng kahit ano pero iminulat niya sa akin ang kahalagahan sa pagnenegosyo. Kahit salat sa kaalaman ang nanay ko sa negosyo hindi naman siya nagsawang nagsuporta sa akin sa pagbibigay ng puhunan hanggang sa nakahiligan ko ng magtinda-tinda sa aming paaralan. Nag umpisa akong magtinda noong nasa grade four ako, puno man ako ng kahihiyan pero sa tulong ng mga paliwanag at tulong pinansyal ng nanay ko naipagpatuloy ko hanggang sa magkaroon na ako ng interesadong magtinda. Isang supot na makapuno ang madalas na tinitinda ko noon kadalasan halos kalahati ng supot ako ang kumakain dahil masarap na matamis pa. Hindi hinahanap ng nanay ko ang mga napagbilhan ko sa araw-araw ang tanging hangad lang niya ay yung kung ano ang makita ko at matutunan sa pagnenegosyo. Alam nating lahat na sa negosyo kailangan unang-una na syempre ang sipag at tiyaga, kailangan din sa negosyo ang diskarte at higit sa lahat ay ang mahabang pisi or malaking capital, dahil minsan mahirap din sa negosyo ang puro cash dahil alam naman natin ang hirap ng buhay sa atin.

Paraan....
Plano kong magpautang ng bigas, fertilizer or abono sa palayan, mga pagkain ng manokan at babuyan. Umpisahan ko sa bigas dahil alam na natin na.. hirap ang buhay ng bawat pilipino hindi ko sila pahihirapan sa pagbabayad. Kung ang isang ama ay isang tricykle driver lang paano siya makakabayad ng isang sakong bigas kung nagkakahalaga ng more or less sa 1,200 ang bawat sako, hirap di ba?

Kung ako ang magnenegosyo... Bibigyan ko ang bawat tricikle driver ng pagkakataong makautang ng bigas at ang paraan ng pagbabayad sa akin 15.00 hanggang 20.00/day ang bawat hulog sa akin araw-araw. Kung ang bawat tricykle driver ay kumikita ng 150.00/day hindi na siya hirap sa 20.00 na hulog araw-araw hanggang sa matapusan niya yung 1,200.00. sabihin na natin na may tubo ka narin 50.00 or 100.00 kada sako kung ang tricykle sa baryo ninyo ay nasa 20 pataas benteng sakong bigas din yan, bigyan mo narin yung mga high school teacher at elementary teacher ilan na silang lahat plus bawat bahay pa, yung susunod na baryo pa ilang tricykle driver din sila doon, ilang teacher din sila doon at bawat bahay kung sa iyo din kukuha, yung mga dalaga at binata na namamasukan din sa trabaho sa iyo narin kukuha, yung susunod na baryo pa, yung susunod uling baryo, yung susunod pa, at yung susunod uli hahaha ang daming baryo yan bigas palang yan, isang bayan palang yan paano kung makarating ka pa sa susunod na bayan, dahil ang bawat baryong pinupuntahan mo boundary na pala ng kadikit na bayan. ilang baryo nanaman yan? eh yung mismong bayan pa na sandamakmak na ang mga tricykle driver diyan, bigas pa lang yan eh yung mga abono or fertilizer pa ng palay puro palayan pa naman sa probinsya. yung mga nagbababoy pa. hayyy naku sa bawat 20 pesos na singil mo magkano kaya aabutin sa isang araw? baka hindi mo na maharap ang mag facebook at mag blogging.

Minsan nakakapagod din pala mangarap



Tuesday, 22 February 2011

BABAE ANO KA SA BUHAY NG LALAKI

Babae ano ka sa buhay ng lalaki

Nais kong isulat ang isang pinaka-importante sa buhay nating lahat ang ina ng tahanan. Pero pinamagatan ko itong ''Babae ano ka sa buhay ng lalaki''.
Sana mabasa din ito ng mga kalalakihan na minsan ang turing natin sa mga kababaihan ay para bang isang laruan, kung minsan tinatrato pa nating parang hayup kung saktan nalang natin ganon-ganon nalang palibhasa alam nating hindi makakabawi ang lakas ng isang babae kung ikukumpara sa ating mga lalaki ang tanging panlaban nalang nila ay ang umiyak. Kung minsan ang turing natin sa kanila ay parang mga bata na kung sigawan mo ganon-ganon nalang na akala mo parang asong susunod sa iyo. Kung minsan kung pagsalitaan mo ng masasakit na salita ganon-ganon nalang na parang inaakala mo na rebulto sila na walang damdamin na tulad mo. Isauli mo nalang siya sa kanyang mga magulang dahil anak siya na pinalaki sa pagmamahal at inaruga ng kanyang amat ina kinuha mo para gawin mong hayup. Tao din sila na tulad mo may damdamin na marunong masaktan, marunong umiyak at nangangailangan din ng pagmamahal na tulad mo. Ang isang babae ay handang ilaan ang buhay para sa iyo sana ilaan mo rin ang buhay mo para sa kanya. Hindi madaling tangapin ng kanyang mga magulang na ang kanilang anak na pinalaki sa pagmamahal tinatrato mo lang na parang hayup. Hindi dahil ikaw ang bumubuhay sa kanya maari mo ng gawin ang lahat ng nais mong gawin sa kanya kahit alam mong nasasaktan na ang kanyang damdamin sa mga ginagawa mo, sa mga salita mo.
Karamihan sa mga lalaki magaling makitungo sa ibang tao, magaling makipag-usap sa ibang tao, mabait sa ibang tao, magaling mag bigay ng advice sa ibang tao.. pero pagdating sa sariling tahanan doon lumalabas ang kabulukan ng ugali, doon lumalabas ang kabulukan ng pag iisip, doon lumalabas ang mga masasakit na salita na hindi niya magawang sabihin sa ibang tao dahil baka isarado ang mukha niya.
Mapalad ka lalaki na kahit gaano kasakit ang ginagawa mo sa babae hindi ka parin iniiwan sa kabila ng lahat ng ginagawa mo sa kanya.

Pero... Huwag mong asahan na habang panahon siyang magtitiis sa ginagawa mo. Idalangin mo lang na wala siyang makilala na mas nakahihigit sa iyo.. hindi siya magdadalawang isip na iwan ka.





Sunday, 13 February 2011

MY PHOTOSHOP PART 2

Ang mga produkto ng aking imahinasyon, mga sariling gawa. Minsan napakasarap sa pakiramdam ang malasap mo ang isang kaligayahang produkto ng sarili mong pag-iisip, sariling idea, napaligaya mo ang sarili mo sa pamamagitan ng sarili mong idea hindi sa ideas ng iba. Isang pagpapatunay sa sarili ko kung gaano kalikot ang imahinasyon ko at kung gaano kalawak ang nararating ng imahinasyon. Itong mga bagay na ganito ang nais kong ipagmalaki sa kapwa ko na maaring gayahin ng sino man, isang bagay na maari mong ipagmalaki na wala kang sinisirang ibang tao.

Klik ninyo yung image para lumaki

















Sunday, 23 January 2011

MY PHOTOSHOP




Para sa nag request.. Eto nilagay ko dito para mai-save niya sa computer niya. Right klik ninyo yung mouse then klik nyo ''SAVE IMAGE AS''.

Nais ko lang na i-share dito sa inyo ang mga unang gawa ko sa photoshop. Ito ang pinagkakaabalahan ko ngayon nakakaadik gumawa sa photoshop lalot may mga taong nagkaka-interesado sa mga ginagawa mo. Marami na akong ginawa pero ilan lang itong ibinahagi ko dito.

Tingnan ninyo kung gaano katindi gamitin ang photoshop kung paano mo ipapasok ang barko sa bunganga ng pating dalawang image po ang pinagdikit ko dito. At makikita ninyo sa ibabang image mapapansin ninyo kung paano naipasok ang papel sa sobre at yung background image parehas ng backgound sa sobre.

Eto pang valentines day pwede nyong kunin gamitin nyo saan man ninyo gusto walang bayad free para sa inyo.. mas maganda kung i-credit nyo dito sa blogsite ko haha.





Eto may nagpagawa sa akin ibigay daw niya sa kanyang butihing maybahay








Changing background color and background blue sky to morning sunset.


Water Drop





Photobucket